Kapuso Star, Bagong Host Ng Pinoy Big Brother!

Walang komento

Martes, Abril 16, 2024


 Inaabangan na ngayon ng maraming mga manood at netizens ang muling pagbubukas ng bahay ni Kuya o ang Pinoy Big Brother house.


Sa isang Instagram live noong April 5, 2024, inihayag ng ABS-CBN TV-production at Star Magic Head na si Lauren T. Dyogi, ang pagbabalik ng Pinoy Big Brother para sa ika-labing isang regular season nito.


Samantala, sa naganap na finally media conference ng magtatapos na teleserye na Can't Buy Me Love, naibahagi ng isa sa mga naging host ng Pinoy Big Brother na si Robi Domingo na siya ring host ng nasabing media conference ang kanyang excitement ang pagbabalik ng sikat na reality show na Pinoy Big Brother.


Tiniyak rin ni Robi Domingo ang mga pasabog na hatid nito lalo na sa panahon ngayon na nagiging posible na ang mga inakalang imposible noon kagaya na lamang ng pagpapalabas ng Kapamilya show sa Kapuso channel na hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na noon pa  ay naging magkaribal na.


Hindi naman masabi ni Robi Domingo kung may katotohanan nga ba ang balitang sa GMA7 na iere ang panibagong seasong ng Pinoy Big Brother at kung sino sa mga Kapuso ang mapapabilang na host ng nasabing reality TV-show.


Sa kabila nito, inihayag naman ni Robi Domingo na walang kaso sa kanya kung magkakaroon ng Kapuso host ang Pinoy Big Brother.


Ayon naman sa mga usap-usapan, magsisimula ang Pinoy Big Brother sa darating na June 2024 at sisimulan na umano ngayong buwan ng Abril ang pagpapa-audition rito.



Kim Chiu Kinilig Sa Pagbisita Ni Oliver Moeller Sa Showtime Live

Walang komento


 Muling naging laman ng mga usap-usapan ang naging 'searchee' kamakailan ng It's Showtime sa segment na Expecially For You na si Oliver Moeller dahil sa muling pagbisita niya sa show ilang araw matapos ang pagsalang niya sa nasabing segment.


Si Vice Ganda ang unang nakapansin kay Oliver Moeller sa audience, kaagad naman itong nagbiro kung si Kim Chiu ba ang dinadalaw nito sa It's Showtime.


Kaagad naman itong umani ng reaksyon mula sa mga netizens na pumabor sa tambalan ng dalawa. Gayunpaman, hindi ito ikinatuwa ng mga KimPau fans at nagbanta pang ibo-boycott nila ang It's Showtime kung sakaling maging totohanan ang relasyon nina Kim Chiu at Oliver Moeller.


Kalaunan ay napag-alaman na may ginawang endorsement si Oliver Moeller sa Manila kaya sumaglit na lamang ito para makapanood sa It's Showtime.


Matatandaan na marami ang kinilig ng ibahagi ni Oliver Moeller sa kanyang social media ang larawan nila ni Kim Chiu sa dressing room ng It's Showtime.


Kaagad naman na napansin ng maraming mga netizens ang pagkakaroon ng malakas na chemistry ng dalawa at tila tinadhana rin umano dahil pareho silang nagmula sa Cebu City.


Dahil dito, may mga naglabas ng payo kay Kim Chiu na si Oliver Moeller na lamang ang i-entertain kung sakaling manligaw ito sa kanya dahil tila wala umanongg swerte si Kim Chiu sa mga lalaking nagmula sa showbiz industry.


Sa kabilang banda, umangal naman ang mga solid KimPau fans dahil naniniwala rin sila na ang perfect partner para kay Kim Chiu ay walang iba kundi si Paulo Avelino.




Bea Alonzo Ginalingan Sumayaw Ng Dancing Queen Kinavouge Nga Ba Si Julia Barretto

Walang komento


 Ikinabigla ng maraming audience sa isang event nang biglang ipinakita ng award-winning actress na si Bea Alonzo ang kanyang galing sa pagsasayaw.


Hindi lamang basta sayaw ang ginawa ni Bea Alonzo dahil naging mapang-akit ang kanyang istilo ng pagsasayaw sa awiting Dancing Queen ng Abba.


Dahil sa pagsayaw na ito ni Bea Alonzo, hindi napigilan ng mga netizens na ikumpara ang kanyang ginawa sa pagsasayaw noon ni Julia Barretto sa parehong tugtugin.


Hindi rin naiwasan ng mga netizens na pagkumparahin ang style nina Julia Barretto at Bea Alonzo sa pagsasayaw  ng Dancing Queen.


Noong linggo, April 14, 2024 isang star-studded event ang dinaluhan ng mga sikat at controversial celebrities na sina Bea Alonzo, Sarah Lahbati, Kyline Alcantara at Heart Evangelista.


Makikita sa mga kumakalat na video clips na masayang nakiparty ang mga nasabing celebrities, kaya naman nang dumating ang pagkakataon na naging energetic ang tugtog ay maririnig sa crowd ang pang-uudyok nila kina Bea Alonzo, Sarah Lahbati at sa iba pa nilang kasamahan na sumayaw sa awiting Dancing Queen.


Kaagad naman itong pinagbigyan ni Sarah Lahbati at confident siyang sumayaw sa harap ng madla. Sinundan naman ito ni Kyline Alcantara na all-out rin sa pagsasayaw para mapasaya ang kanilang audience.


Tila nahihiya namang sumayaw si Heart Evangelista dahil kilala ito bilang elegante at poised, ay tumanggi sa hamon ng kanilang mga audience.


Subalit, kapansin-pansin ang paghataw ng aktres na si Bea Alonzo sa kantang Dancing Queen na labis na ikinatuwa ng kanyang mga audience.


Sa kabilang banda, hindi naman napigilan ng ilang mga netizens na pagkumparahin ang paraan ng pagsayaw nina Julia Barretto at Bea Alonzo.


Matatandaan, na nagviral din noon ang mga video ni Bea Alonzo habang sumasayaw siya ng Dancing Queen, mula noon ay palagi ng pinapasayaw ng Dancing Queen si Julia Barretto ng kanyang mga fans.


Bagama't tila nagkaayos na ang dalawa matapos ang ilang taon nang magkaroon sila ng isyu dahil kay Gerald Anderson, marami pa rin ang pilit na nagbibigay motibo sa bawat galaw ng isa't-isa, gayung tila pareho naman na silang nakapag-move on sa nangyari noon.


@yeyeh_ Iba talaga ang “ Bea Alonzo “ #beaalonzo #dancingqueen #fypã‚· ♬ original sound - Ms.larga

Joey De Leon Muling Bumanat Sa It's Showtime Sa GMA7

Walang komento


 Ipinagmalaki ng tinaguriang 'Henyo Master' na si Joey De Leon na nasa top 5 sa buong mundo ang Eat Bulaga bilang longest running TV-show.


Nangunguna naman ang Eat Bulaga bilang longest running TV-show sa Pilipinas at sa buong Asia. Sa kanyang caption sa kanyang Instagram post, ibinida niya ang pagiging top 5 ng Eat Bulaga sa mga longest TV shows sa buong mundo.


Ayon sa data na ibinahagi ni Joey De Leon sa kanyang post, umiere na ang Eat Bulaga sa loob ng 45 years habang ang nangunguna naman sa listahan at isang soap opera sa United States.


Kaagad naman itong umani ng samu't-saring reaksyon at komento mula sa mga netizens, ayon sa ilang mga tagahanga ng Eat Bulaga na kaya unbothered ngayon ang TVJ sa paglipat ng It's Showtime sa GMA7 Kapuso network dahil may napatunyan na sila bilang longest running TV-show ng bansa.


May mga nagsasabi pa na tila ipinamukha umano ni Joey De Leon na kailanman ay hindi sila natalo ng It's Showtime dahil hamak na mas nauna naman sila sa larangan.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na gitgitan ngayon ang labanan ng magkatapat na noontime shows, Eat Bulaga at It's Showtime.


Matatandaan na ilang araw ding nanguna sa ratings ang It's Showtime ngayong umiiere na sila sa network na may malawak na reach katulad na lamang ng GMA7.


Samantala, may mga madlang pipol naman na binweltahan si Joey De Leon dahil tila nagsisimula na naman umano itong makipagkompetensya gayung una nilang ipinalabas na hindi na nila kailangan pang gumawa ng hakbang dahil hindi naman sila apektado sa paglipat ng It's Showtime sa GMA7.


Dating umiere sa GMA7 ang noontime show na Eat Bulaga, subalit dahil sa internal issue sa pagitan ng produver at original dabarkads ay nailipat ito sa TV5.


Unang umalis ang TVJ na sinundan naman ng iba pang mga hosts, naiwan naman noon ang Eat Bulaga sa kamay ng TAPE Inc, na siyang producer nito, kalaunan ay nagsampa ng petition ang TVJ upang makuha ang titulo ng Eat Bulaga, na kaulaunanan ay naibigay rin sa kanila.



Dimples Romana Nagsalita Na! Isinapubliko Ang Katotohanan Sa Hiwalayang Angel Locsin at Neil Arce

Walang komento


Hanggang ngayon ay hindi pa rin nanahimik ang isyung naghiwalay na ang celebrity couple na sina Angel Locsin at Niel Arce na dahilan kung bakit parehong hindi na aktibo ang mga ito sa social media.


Ilang buwan na ring pinaghihinalaan ng mga netizens na isa sa dahilan kung bakit bigla nawala sa spotlight mapa-social media man o sa showbiz industry ang tinaguriang real-life Darna na si Angel Locsin ang hiwalayan nila ni Niel Arce.


Naging biglaan kasi ang pananahimik ni Angel Locsin at magmula noon ay hindi na rin ito namamataan sa mga showbiz events, tanging malalapit na kaibigan at kapamilya lamang ni Angel ang may contact sa kanya.


Nauna nang pinabulaanan ng mga malalapit na kaibigan ni Angel Locsin ang balitang ito subalit, marami pa rin ang hindi kumbinsido sa isyung ito dahil sa pagrereact ni Niel Arce sa mga post ng mga seksing artista.


Samantala, muling naglabas ng pahayag ang matalik na kaibigan ni Angel Locsin na si Dimples Romana, kung saan mariin niya pinasinungalingan ang isyu sa muling pagkakataon.


Sa isang panayam kay Dimples Romana, mariin niyang inihayag na hanggang ngayon ay masaya pa ring nagsasama sina Niel Arce at Angel Locsin, Nagsasama pa rin umano ang mga ito sa iisang bubong at masaya sa kanilang pananahimik.


Bukod pa rito, makikita umano niya na labis pa ring inaalagaan ng film-producer na si Niel Arce ang kanyang matalik na kaibigan na si Angel Locsin.


Hiniling rin ni Dimples Romana sa maraming mga netizens na huwag gawing basehan ang social media sa estado ng isang relasyon dahil hindi naman umano ito sapat na maging basehan.


Hindi rin umano tamang isipin na naghiwalay na ang isang mag-asawa dahil hindi na nila ipini-flex sa social media ang kanilang mga moments together.



Nang matanong naman si Dimples kung kailan magbabalik sa showbiz ang nag-iisang Angel Locsin ay sinabi niyang ang aktres na lamang rin ang nakakaalam nito. Subalit, hiling rin niya ang pagbabalik nito dahil maraming mga fans ang naghihintay sa aktres.


Kim Chiu Pinaringgan Si Janella Salvador Matapos Mag-Sample Ni Alexa Ilacad Sa Showtime!

Walang komento


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang isyung may pasimpleng patama umano ang TV-host, actress na si Kim Chiu kay Janella Salvador sa kamakailang episode ng It's Showtime na may kaugnayan sa pagtanggi ni Janella sa request ni Kim Chiu na sample.


Matatandaan na idinahilan ni Janella Salvador ang pagiging paos kaya hindi siya umano maaring magsample kaya si Kim Chiu at ibang mga It's Showtime hosts na lamang ang kumanta.


Sa nagdaang episode ng It's Showtime, naging guest ang dalawang Kapamilya stars na sina Alexa Ilacad at KD Estrada.


Katulad kay Janella, ipinopromote din ng dalawa ang kanilang upcoming concert. Dahil sa alam naman ng lahat na isang singer si Alexa at dahil concert naman nila ang ipinopromote humiling ang It's Showtime host na si Kim Chiu ng sample.


Kaagad na napansin ng maraming mga netizens ang boses ni Kim Chiu sa pagrerequest ng sample dahil hindi ginamit ng aktres ang kanyang normal na boses, lumalabas na tila may inaasar siya sa kanyang request.


Kahit tila pang-asar ang tono ni Kim Chiu ay pinagbigyan naman ito ni Alexa Ilacad.


Pagkatapos ng kanta ni Alexa ay kaagad naman itong pinuri ni Kim Chiu na parang isang Disney Princess.


Samantala, hindi naman napigilan ng ilang mga netizens na iugnay ang pagrequest ngayon ni Kim Chiu kay Alexa Ilacad sa pagtanggi noon ni Janella Salvador na magbigay ng sample dahil sa pagiging paos.


Matatandaan na nagbangayan noon ang mga tagahanga nina Janella Salvador at Kim Chiu dahil sa pagtanggi ni Janella na tila pambabastos umano kay Kim Chiu at pamamahiya.


Sa ginawa naman ngayon ni Kim Chiu marami ang nagsasabi na nagpapaka-childish na naman si Kim Chiu dahil tila hindi pa umano nito binibitawan ang naging isyu noon kay Janella Salvador.


Hindi nagustuhan ng marami ang pananahimik ni Kim Chiu sa naging isyu noon ni Janella Salvador kung saan labis itong nakatanggap ng pambabatikos, kung saan nadadamay na rin ang anak nito.


Tila dinagdagan pa umano ito ngayon ni Kim Chiu sa pang-aasar niya kay Janella gamit ang pagbisita nina Alexa Ilacad at KD Estrada.


Sa kabilang banda, naging malinaw naman ang naging pahayag noon ni Janella Salvador kung saan inilahad niya na wala naman siyang intensyon na i-offend si Kim Chiu sa nangyari.


@ferdz_55555 kim chiu: Alexa pwede kabang mag sample yung bago mong single😊🫶 Alexa Ilacad's solo version of "Believing in Magic"(Yakap Mo) is out now KDLEX SHOWTIME SLAYDAY #AddToHeartKDLEXConcert #kdlex #Alexailacad #KDEstrada @kyle daiñel estrada #foryou #foryourpage #viralvideos #fyp #foryoupage #Love #trending #kpop #fypã‚· #fypã‚·゚viral #tiktok #showtime @kimberlysuechiu ♬ original sound - Ferdz55555

Darren Espanto Inamin Na Naging Magkarelasyon Sila Ni Kyline Alcantara!

Walang komento


 Inamin ng singer-host na si Darren Espanto na nagkaroon din sila ng panandaliang relasyon ng actress-performer na si Kyline Alcantara.


Sa panayam kay Boy Abunda, isiniwalat ni Darren na may basehan kung bakit may mga nagsusumikap na i-ship sila ni Kyline.


Ayon kay Darren Espanto, hindi niya masasagot na yes or no ang patungkol sa naging relasyon nila noon ni Kyline Alcantara dahil parang puppy love lamang ang naramdaman nila noon sa isa't-isa.


Ayon pa kay Darren, kahit ang It’s Showtime host na si Vice Ganda ay may alam din sa nakaraan nilang relasyon ni Kyline Alcantara, dahilan kung bakit sila tinutukso ng komedyante noong bumisita sa It's Showtime si Kyline.


“Yun nga po na tinutukso kami na, ‘Kasi nga… Kasi nga, naging kami dati. Ayun po kaya kami binibiro ni Ate Vice,” paglilinaw ni Darren Espanto sa panunukso sa kanila ni Vice Ganda.


Nagkahiwalay umano silang dalawa ni Kyline Alcantara noon dahil sa hindi pagkakaunawan. Subalit, matapos ang mahigit animn na taon nang muli silang magkita at naging matured na pareho ay napag-usapan na nila ang hindi pagkakaunawaan noon.


Bagama't hindi na sila nagkabalikan bilang magkasintahan naging okay naman silang pareho at muling naging magkaibigan.


Inamin naman ni Darren Espanto na kadalasan talaga sa nagiging dahilan ng hiwalayan ay ang misunderstanding lalo na sa kanila noon ni Kyline Alcantara kung saan pareho pa silang mga bata.


Matatandaan na marami sa mga Madlang Kapuso ang kinilig sa kina Darren Espanto at Kyline Alcantara noong naging guest sa show ang aktres bilang pag-welcome sa It's Showtime sa GMA7.


Bukod pa rito nagsimulang i-ship ng mga  netizens sina Darren Espanto at Kyline Alcantara matapos ang isyu nila nina Mavy Legaspi at Cassy Legaspi.


Si Kyline ay ex-girlfriend ni Mavy, habang si Darren naman ay napabalitang may espesyal na relasyon kay Cassy.




Kim Chiu at Janine Gutierrez, Hindi Nagpapansinan

Walang komento


 Dalawang Kapamilya stars na sina Janine Gutierrez, hindi nagpapansinan sa isang event na pareho dinaluhan. Hinala ngayon ng maraming mga netizens na may kinalaman sa ang napapabalitang pagkakamabutihan ni Kim Chiu at Paulo Avelino ngayon.


Maraming mga netizens ang nakapansin sa tila hindi pagpapansinan nina Janine Gutierrez at Kim Chiu sa kamakailang episode nila sa sunday variety show na ASAP Natin 'To kasabay ng pagpapakilala sa bagong Kapamilya Station ID.


Kumakalat ngayon sa social media platforms ang isang behind the scenes video, kung saan kapansin-pansin na hindi nagpapansinan at nagdedmahan sina Janine Gutierrez at Kim Chiu habang inaanunsyo nila ang panibagong Station ID ng ABS-CBN.


Ayon naman sa ilang mga netizens, hindi maiiwasan na talagang makaramdam talaga ng awkwardness ang dalawa dahil hindi rin naman naging lingid sa kaalaman ng maraming mga netizens ang katotohanan sa naging relasyon nina Janine Gutierrez at Paulo Avelino noong sila pa ang magkatambal.


Sa katunayan, kumakalat pa noon sa ilang mga social media platforms ang umano'y pagpopropose ni Paulo Avelino kay Janine Gutierrez noon sa Europe noong nagkasama sila roon at present pa ang singer composer na si Ogie Alcasid.


Subalit, nang pumasok na sa eksena ang isang Kim Chiu at sila naman ni Paulo Avelino ang naging magkapartner ay bigla na lamang na nawala sa eksena si Janine Gutierrez.


Lalo pang kumalat ang mga isyung nagkakamabutihan na ang dalawa nang mapabalitang tuluyan nang naghiwalay sina Kim Chiu at dating boyfriend na si Xian Lim habang lumabas na rin ang balitang tuluyan nang naghiwalay sina Janine Gutierrez at Paulo Avelino dahil mas pinili umano ng aktor si Kim Chiu.


Naniniwala naman ang maraming mga tagahanga ni Janine Gutierrez na may karapatan rin naman ang aktres na magalit o di kaya ay mainis dahil kaagad na tinanggap ng mga netizens ang tambalang KimPau at marami pa ang humiling noon na tuluyan siyang iwan ni Paulo Avelino para kay Kim Chiu.



Kilalang Aktres, Mag Babalik O Lilipat Sa GMA Network?!

Walang komento

Lunes, Abril 15, 2024


 Muling nagkasama ang Hollywood actress na si Liza Soberano kay Direk Antoinette Jadaone sa online show na 'Ang Walang Kwentang Podcast' kasama ang field director na si JP Habac.


Matatandaan na si Antoinette Jadone ang direktor ng pelikulang Alone Together na pinagbibidahan noon nina Liza Soberano at Enrique Gil noong 2009.


Ang pelikulang 'Alone Together' ang huling pelikula na pinagtambalan ng dating loveteam na LizQuen.


Kinumusta ng host-director na si Antoinette Jadaone si Liza Soberano kung ano ang pinagkakaabalahan nito ngayong tapos na ang pagpapalabas ng kauna-unahang Hollywood movie na kanyang kinabibilangan na pinamagatang Lisa Franskenstein.


Ayon kay Liza Soberano, patuloy siyang nag-auaudition niya sa mga Hollywood movie at series para abutin ang kanyang pangarap.


Naitanong din kay Liza Soberano kung may balak ba siyang gumaya kay Nancy McDonie na pumirma ng kontrata sa GMA Talent Agency na Sparkle Artist o kung bukas pa rin ba ito sa pagbabalik sa ABS-CBN.


Kaagad naman itong sinagot ni Liza Soberano na since, wala pa naman siyang sinoshoot na movie ay handa umano siyang pumirma ng kontrata. Subalit, mas nakatuon umano ang kanyang attention sa ngayon sa paglipat ng panibagong apartment.


Sa ngayon ay may pinaghahandaan din umano siyang Hollywood movie na nakatakda ng i-shoot. Ipinahayag pa ni Liza Soberano ang kanyang kasiyahan dahil sa unti-unting pagkakatupad ng kanyang Hollywood dream.


Si Liza Soberano ay unang sumikat sa ABS-CBN lalo na noong makatambal niya ang Kapamilya actor na si Enrique Gil.


Noong 2022, nagpasya si Liza Soberano na iwan ang ABS-CBN upang tuparin ang kanyang pangarap na makapasok sa Hollywood.




Kontrata Ng It's Showtime Sa GMA Extended Na, Serye Ng ABS-CBN Mapapanuod Sa GMA Telebabad!

Walang komento


 Sa gitna ng mga usap-usapan patungkol sa kung hanggang kailan lamang eere ang noontime show na It's Showtime sa GMA7, may mga naglabasan kasing mga ulat na umano'y hanggang anim na buwan lamang ang pinirmahang kontrata ng ABS-CBN at GMA7 para sa show.


Sa kabila nito, maari naman umanong makapagrenew ang It's Showtime sakaling tumaas ang kanilang ratings at malampasan ang Eat Bulaga ng TVJ na umiiere naman ngayon sa TV5 at RPTV.


Samantala, dahil naging maganda na rin naman ngayon ang nakukuhang ratings ng It's Showtime sa GMA7 ay pinag-uusapan na umano ng dalawang kampo ang pagkaka-extend sa kontrata ng It's Showtime sa GMA7.


Bukod sa It's Showtime, pinag-uusapan na rin umano ng ABS-CBN at GMA7 ang paglipat ng iba pang Kapamilya show sa nasabing network. Kabilang na sa pinag-iisipang ipalabas sa GMA7 ay ang reality show na Pinoy Big Brother.


Maging ang ilang teleserye ng ABS-CBN ay maaring ipalabas na rin umano sa GMA7.


Ayon pa sa aming nakalap na impormasyon ay hinihingi na umano ng ABS-CBN ang third slot ng GMA telebabad. Ito ang dating timeslot ng collaboration series ng ABS-CBN at GMA7 na Unbreak My Heart na kasalukuyang timeslot naman ng Asawa ng Asawa ko.


Subalit, pinag-iisipan pa umano ito ng GMA7 dahil napakarami pang nakaline up na mga teleserye mula sa GMA Entertainment TV at GMA News and Public Affairs.


Samantala, sa paglipat ng It's Showtime sa GMA7 kapansin-pansin na maging ang ibang mga afternoon program ng GMA ay nagsitaasan na rin ang ratings.


Tanong naman ngayon ng marami apektado kaya ang ratings ng mga ito sa pagdating ng It's Showtime sa network?


Gayunpaman, hindi pa rin maiiwasan na may kokontrang supporters ng Kapuso network sa hiling ng ABS-CBN na maging ang GMA Telebabad ay pasukin na rin.


Ayon sa kanila, dapat ay mas pagtuunan ng pansin ng GMA Network ang kanilang mga homegrown talents at gumawa na lamang ng mga panibagong teleserye.


Ipinunto pa ng ilan na napakaraming mga nakatambay na mga artista ngayon sa mga collaboration na naganap.


Dahil kung hindi kinupkop ng GMA ang It's Showtime ay mabibigyan sana umano ng pagkakataon at trabaho ng GMA ang mga hosts ng kanilang network.




Shervey Torno Nagsalita Na Sa Sa Condo Incident Nila Ni Cianne Dominguez!

Walang komento


 Nagbigay na ng pahayag ang lalaking nagtangka sa It's Showtime host na si Cianne Dominguez na kinilala na si Shervy Torno.


Isiniwalat ng tinuturong salarin na si Shervy Torno ang kanyang side of story sa nangyaring insidente sa labas ng condo unit ni Cianne Dominguez, kung saan sinasabing binalak niyang tangkaing pumasok sa loob ng tinitirhan ng It's Showtime host.


Ang kwento ay taliwas sa mga naunang impormasyon na isiniwalat ng pamilya ng TV-host. Ayon kay Shervy Torno, nakatira din siya sa mismong building at nasa ibabang palapag lamang ang kanyang unit.


Wala rin umanong katotohanan ang ibinibintang sa kanya na balak niyang pasukin ang condo unit ni Cianne Dominguez. Nagandahan lamang umano siya rito, kaya naman hiningi niya ang pangalan nito. Inamin rin niya na totoong nanghingi siya ng kiss kay Cianne subalit hindi naman umano niya hinawakan ang bewang nito at pinilit  na pumasok sa loob ng unit nito.


Buong pahayag ni Shervy Torno, "Sinundan ko siya, hiningi ko yung pangalan. Sinabi ko na ano, pakiss ako. Bandang huli sinabi niya dito sa mga pulis hinawakan ko daw yung balakang niya na hindi naman totoo.


"Tsaka pinasok ko daw siya sa unit niya.. sa condo, hindi naman totoo yun. Kaya ko tinulak konti yung pinto kasi inipit niya yung paa ko. Manghihingi nalang ako ng pasensya."


Sa kabila ng pahayag na ito ni Shervy Torno, marami pa rin sa mga netizens ang hindi naniniwala sa kanya dahil napakarami ng lapses ng kanyang kwento na halatang nagpapalusot na lamang umano ito.


Iginiit pa ng maraming mga netizens, na hindi maaring i-normalize ang panghihingi ng halik sa mga artista o sa mga taong iniidolo mo lamang.


May mga nagsasabi na kung wala siyang balak na pumasok bakit maiipit ni Cianne ang kanyang paa.


Samantala, nagbigay naman ng pahayag ang boyfriend ni Cianne Dominguez kung saan inilahad niya na handa niyang ipaghigante ang nangyari sa kanyang girlfriend, mata sa mata umano ang mangyayari. Gagawin umano niya ang lahat para sa maprotektahan lamang ang kanyang mga minamahal.



Vice Ganda Sinupalpal Ang Sumita Sa Pananabunot Niya Kay Anne Curtis Sa Showtime!

Walang komento


 Hindi na nakapagtimpi ang It's Showtime host at Unkabogable Star na si Vice Ganda sa mga bumabatikos sa kanya dahil sa kanyang pananakit jokes sa mga kasamahan niyang hosts sa noontime show na It's Showtime lalong-lalo na kay Anne Curtis.


Ang tinutukoy ng mga netizens ay ang pananabunot noon ni Vice Ganda kay Anne Curtis sa segment na Tawag ng Tanghalan.


Ayon sa ilang mga netizens, ok lang naman ang mga banatan at mga okrayan nila verbally pero iba na umano kung nanakit na physically si Vice Ganda lalo na sa kanyang mga co-host na babae dahil bali-baliktarin man ang mundo, lalaki pa rin si Vice Ganda.


Panawagan ng netizen kay Vice Ganda, "Ok lang yung mga bwisitan at asaran pero wag mong pisikalin si Anne Meme, respect mo parin pagiging babae niya. I have watched one time sa Tawag ng Tanghalan biniro ka ni Jhong may nilagay sa buhok mo tapos bigla mong sinabunutan si Anne napagbintangan mo siya. Respect mo pa rin siya."


Kaagad naman itong sinagot ni Vice Ganda kung saan iginiit nito na huwag silang alalahananin at pakialaman dahil sila naman ni Anne ang sangkot, isa pa matalik silang magkaibigan ni Anne Curtis at napatunayan na ito ng panahon.


Iginiit din niya na ganito lamang sila magbiruan at maglambingan ni Anne Curtis.


Ayon kay Vice Ganda, "Wag nyo po kaming alalahanin. Kami  po ang may relasyon kaya kami po ang magdedecide kung paano kami maghaharutan. Iba-iba po ang dynamics ng mga magkakaibigan."


Hindi naman ito ang unang pagkakataon na tila nagkakapisikalan sina Vice Ganda at Anne Curtis habang nasa kalagitnaan sila ng kanilang show na It's Showtime. Sa katunayan, may pagkakataon pang sinakal ni Vice Ganda si Anne Curtis subalit ang lahat ng ito ay biruan lamang nila ni Anne Curtis.




TVJ Nagreact Sa Mataas Na Ratings Ng It's Showtime Sa GMA Network

Walang komento


 Unbothered at patuloy na dinidedma ng TVJ noontime show na Eat Bulaga ang matataas na ratings na nakuha ng katapat nilang noontime show na It's Showtime ngayong umiiere na ito sa GMA Network.


Sa episode ng programa ng kilalang showbiz columnist na si Cristy Fermin nitong nakaraang byernes April 12, 2024, pinasinungalingan niya ang isyung nagpatawag ng emergency meeting ang Eat Bulaga dahil sa patuloy na pagbaba ng kanilang earnings.


Ayon kay Cristy Fermin, walang katotoran ang mga kumakalat na balita patungkol sa pagpapameeting ng TVJ at Media Quest dahil wala naman umanong dahilan para sa meeting na ito dahil mga maling impormasyon lamang ang mga kumakalat para masira ang pangalan ng TVJ at ng TV5.


Ipinunto pa ni Cristy Fermin, na hindi naman mapapatunayan ng It's Showtime na nanalo na sila sa GMA7 dahil sa pagtaas ng kanilang rating noong opening ng kanilang show.


Sa katunayan, habang pressure na pressure ang It's Showtime na panatilihing mataas ang kanilang ratings ay taped episode lamang ang inilabas ng Eat Bulaga, pahiwatig na hindi sila bothered sa mataas na ratings ng show noong April 6, 2024.


Ngayong umiere na rin ang It's Showtime sa GMA7 inaasahan lalo pang iinit sa mga darating na araw ang tapatan ng dalawang show na pareho na ring may napatunayan.


Gayunpaman, naniniwala pa rin si Cristy Fermin na walang dapat na ipangamba ang TVJ dahil mayroon na silang napatunayan sa larangan dahil sila ang tinaguriang longest running TV show ng Asia.




Cristy Fermin Hindi Naniniwala Na Tatagal Ang It"s Showtime Sa GMA7 Dahil Malulugi Din Daw Ito!

Walang komento


 Hindi naniniwala ang kilalang showbiz columnist na si Cristy Fermin at ang co-host nito na si Wendell Alvarez na magtatagal sa main channel ng Kapuso Network ang noontime show na pinangungunahan nina Vice Ganda.


Isiniwalat nina Cristy Fermin at co-host na si Wendell Alvarez ang mga nakarating sa kanilang balita patungkol sa pagkakaroon ng short contract ng GMA Network sa It's Showtime.


Sa isang episode ng 'Showbiz Now Na!' inihayag ng co-host ni Cristy Fermin na si Wendell na tatagal lamang ng 3 hanggang 6 na buwan ang kontrata sa pagitan ng It’s Showtime at GMA dahil gustong makita ng Kapuso Network kung magiging consistent ang performance ng Kapamilya show base sa kanilang satisfactory.


Bukod pa rito, naniniwala rin si Wendell Alvarez na mismong si Vice Ganda ang susuko at hindi ito magtatagal sa GMA Network dahil sa iba't-ibang rason at kadahilanan.


Naniniwala rin umano si Wendell Alvarez na sinadya lamang ng GMA Network na pabayaan sa ngayon ang It's Showtime dahil ginusto naman umano ng mga ito na makalipat sa kanilang network, subalit kung hindi na sila masisiyahan ay tatanggalin rin nila ito.


Sa isa pang ulat na isinulat ng Entertainment writer na si Salve Asis, ibinunyag niya na may kapangyarihan umano ang GMA Network na tapusin ang kontrata sa pagitan nila at ng It’s Showtime anumang oras kung sakaling may mga nalabag na patakaran ang show.


Gayunpaman, kahit anim na buwan lamang ang kontrata ng It's Showtime sa GMA Network ay renewable naman ito kaya maari pa rin silang mag-extend sakaling magkasundo muli ang dalawang panig.


Samantala, hindi naman matatanggi na itinuring na napakalaking tagumpay ang pilot episode ng It’s Showtime sa GMA Network dahil nalampasan nito ang ratings ng Eat Bulaga sa TV5 pagdating sa social media viewership at advertisement.


Naniniwala rin ang mga eksperto na hindi aalisin ng GMA Network ang It’s Showtime dahil ito lang ang tamang katapat ng Eat Bulaga lalo na ngayong nagdesisyon din ang television host na si Willie Revillame na sumali sa TV5.



Vice Ganda Bumanat Sa TVJ Dahil Sa Panggagaya Sa Kanilang Segments Na Expecially for You!

Walang komento


 Hindi napigilan ng ilang mga netizens ang pagkadismaya sa Eat Bulaga na pinangungunahan nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon dahil sa tila panggagaya umano ng mga ito sa isang segment ng It's Showtime na Expecially For You.


Lalo pang uminit ang pagbabangayan ngayon ng mga tagasuporta ng dalawang magkatapat na noontime shows ang It's Showtime na pinangungunahan ni Vice Ganda at ng Eat Bulaga na pinangungunahan naman ng TVJ.


Bagama't nanahimik naman sa ngayon ang hosts ng dalawang noontime show, ang kani-kanilang mga tagahanga naman ang nagbabangayan sa social media.


Marami sa mga tagahanga ng It's Showtime ang nadismaya sa Eat Bulaga sa inilabas nilang panibagong segment na That's My Boyfriend dahil nakitaan ito ng similarities sa pinag-uusapang segment ng It's Showtime na Expecially For You.


Kaagad na napataas ang kilay ng maraming mga netizens nang mapansin nila sa unang araw ng pag-ere ng That's My Boyfriend dahil sa hindi maitatangging pagkakatulad nito sa Expecially For You ng It's Showtime.


Ang Expecially For You ng It's Showtime ay ang segment kung saan pagtatagpuin ang mga dating magkarelasyon para tulungan ang isa sa kanila na makatagpo muli ng panibagong pag-ibig.


Samantala, ang segment naman ng Eat Bulaga na That's My Boyfriend naman ay isang segment kung saan kilalanin ng mga legit dabarkads kung 'in a relationship' ba ang kanilang contestant at aalamin ang kanilang kwento at talento.


Bwelta pa ng maraming mga Eat Bulaga fans na kung panonoorin ang segment na That's My Boyfriend ng Eat Bulaga at malayong-malayo naman umano ito sa Expecially For You ng It's Showtime.


Iginiit pa nila na kailanman ay hindi nanggaya ang Eat Bulaga dahil hindi na nila kailanagan pangmanggaya dahil may napatunayan na rin sa larangan ang kanilang show bilang longest running TV show.


Samantala, marami ang naghinala na may ibang pakahulugan si Vice Ganda sa kanyang buradong tweet patungkol sa mga walang originality na hinala ng marami na parinig nito sa Eat Bulaga kahit pa wala naman siyang pangalan na binanggit.




Xian Lim Palihim Na Tinatawagan Si Kim Chiu Para Makipagbalikan

Walang komento


 Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media at sa ilang mga entertainment news sites ang balitang palihim na tinatawagan ng Kapuso actor na si Xian Lim ang dating kasintahan na ang Kapamilya actress-TV host na si Kim Chiu para makipagbalikan.


Bukod pa rito, may mga haka-haka rin na umano'y naghiwalay kaagad sina Xian Lim at Iris Lee matapos ang palihim nilang pagpapakasal sa New York.


Kumakalat ngayon sa ilang mga social media platforms ang panibagong chika na isiniwalat ng kilalang showbiz insider patungkol sa pangungulit ngayon ni Xian Lim sa kanyang ex-girlfriend para balikan siya matapos ang kanyang pang-iiwan rito.


Isiniwalat din ng nasabing showbiz insider na nakarating sa kanila mula sa mga sources na umano'y labis na ang pagsisisi ngayon ni Xian Lim sa agarang pagpapakasal kay Iris Lee sa New York.


Labis umanong nagsisisi ngayon ang aktor sa kanyang pang-iiwan kay Kim Chiu dahil ngayon lamang umano napagtanto kung gaano niya ito kamahal.


Samantala, marami naman sa mga fans ng aktres ang hindi naniniwala na pagmamahal ang dahilan ni Xian Lim kung bakit gusto niyang balikan ngayon si Kim Chiu. Paniniwala ng ilang mga fans ng aktres na may kinalaman na naman ang showbiz career ngayon ni Kim Chiu kung saan nasa tuktok ito ng kasikatan dahil sunod-sunod ang mga projects nito ngayon.


Tila gagamitin na naman umanong muli ni Xian Lim ang katanyagan ni Kim Chiu upang isalba ang kanyang papalubog na showbiz career.


Sa kabilang banda, hindi pa naman naglalabas ng pahayag ang aktres na si Kim Chiu kung may katotohanan nga ba ang bali-balita ngayon na sinusuyo na naman siya ni Xian Lim.


Gayunpaman, naniniwala ngayon ang maraming mga tagasuporta ng aktres na hindi na babalikan pa ni Kim Chiu si Xian Lim dahil malinaw nitong sinabi noon sa isang episode ng It's Showtime na hinding-hindi na niya babalikan ang mga taong nanloko sa kanya dahil tiyak umanong gagawin nitong muli ang mga kasalanan sa nakaraan at magiging paulit-ulit na lamang ang sitwasyon.




Bea Alonzo Nakipagbreak Ulit Kay Dominic Roque Dahil Sa Viral Wallpaper Ng Aktor Sa Kanyang Phone!

Walang komento


 Tila tinuldukan na ng aktres na si Bea Alonzo ang mga haka-hakang nagkabalikan sila ng dating fiancee na si Dominic Roque matapos ang kanilang paghihiwalay nitong January 2024.


Kaagad na napansin ng maraming mga netizens na pinagbubura na ang aktres na si Bea Alonzo ang mga sweet photos nila ni Dominic Roque na magkasama sa kanyang Instagram account.


Ilang linggo matapos ang pagkumpirma nina Dominic Roque at Bea Alonzo sa kanilang paghihiwalay, may mga naglabasang mga haka-haka na umano'y  palihim na nagkabalikan ang dalawa dahil sa walang tigil na panunuyo ni Dominic Roque sa aktres.


Kaagad rin nag-viral ang wallpaper ni Dominic Roque kung saan makikita si Bea Alonzo na naging dahilan upang lalong lumakas ang mga bulong-bulungan na totoong nagkabalikan na silang dalawa.


Subalit, tila hindi natuwa si Bea Alonzo sa ginawang ito ni Dominic Roque kaya naman ngayon ay pinagbubura na ng aktres ang mga larawan nilang pinagsamahan na naka-upload sa Instagram account nito.


Kaagad namang napansin ng maraming mga netizens ang ginawa ni Bea Alonzo sa mga larawan nila ni Dominic Roque, lalong-lalo na ang kanilang mga tagahanga na umaasang nagkabalikan na ang dalawa at matutuloy na ang naudlot nilang kasal.


Sa kabilang ng pagbubura na Bea Alonzo sa mga sweet photos nila ni Dominic Roque at mga travel videos na kanilang pinagsamahan, nananatili pa rin namang nakafollow sina Dominic at Bea sa isa't-isa sa kanilang Instagram account.


Hinala naman ng mga netizens na kaya binura ni Bea Alonzo ang mga photos na magkasama sila ni Dominic Roque para bigyang linaw ang kanilang totoong relasyon ngayon. Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na ilang beses nang naiuulat ang pagbabalikan ng dalawa na tila wala palang katotohanan.


Hindi rin umano nagustuhan ni Bea Alonzo ang ginawa ni Dominic Roque na tila pagpapakita sa cellphone wallpaper nito kung saan makikita ang kanyang larawan.




Katotohanan Sa Panliligaw Ni Alden Richards Kay Kathryn Bernardo

Walang komento


 Marami sa mga tagahanga nina Alden Richards at Kathryn Bernardo ang kinilig ng kumpirhin ng isang tao na malapit sa kanilang dalawa ang totoong estado ng kanilang relasyon.


Ayon sa nasabing source, totoong nanliligaw na ngayon si Alden Richards at Kathryn Bernardo kaya palagi itong present sa mga kaganapan sa buhay ng aktres.


Ikinagulat ng maraming mga netizens ang pagsabog na balita na isiniwalat ng kilalang showbiz insider at talent manager na si Ogie Diaz patungkol sa totoong estado ng relasyon nina Alden Richards at Kathryn Bernardo.


Nitong lingo April 14, 2024, hayagang kinumpirma ng showbiz insider na si Ogie Diaz ang panliligaw ni Alden Richards kay Kathryn Bernardo.


Ang balitang ito ay nagmula umano mismo sa kampo ng aktres, tila may katotohanan naman umano ang balitang ito dahil makikita naman sa body language ni Alden Richards na nanliligaw na siya kay Kathryn Bernardo.


Matatandaan na parehong nakadalo si Alden Richards sa birthday party ni Kathryn Bernardo sa El Nido, Palawan at sa surprise birthday party ni Kathryn Bernardo na inorganize ng kanyang glam team.


Maging sa house blessing ng multi million dream house ni Kathryn Bernardo ay naroon rin si Alden Richards.


Tila pinapatunayan naman umano ni Alden Richards na talagang seryoso siya kay Kathryn Bernardo dahil mas pinili nitong magpunta sa house blessing ng aktres kaysa sa awarding show kung saan mayroon siyang tatlong nominations.


Ayon kay Ogie Diaz, isang source na malapit kina Kathryn Bernardo at Alden Richards ang nagkumpirma na totoong nililigawan na ngayon ni Alden Richards si Kathryn Bernardo.


Naniniwala pa si Ogie Diaz na wala naman umanong masama kung sakaling nanliligaw na ngayon si Alden Richards kay Kathryn Bernardo dahil pareho naman silang single.


Financially stable na rin umano ang aktor at botong-boto rin ang mga pamilya ni Kathryn Bernardo rito, kuhang-kuha rin umano ni Alden ang suporta ng ina ng aktres na si Mommy Min.


Bukod kay Alden Richards, isiniwalat din ni Ogie Diaz na nanliligaw rin ngayon kay Kathryn Bernardo ang lalaking unang na-link sa aktres matapos ang hiwalayan nila ni Daniel Padilla na si Jericho Rosales.


Gayunpaman, sa pagitan ng dalawang nanliligaw ngayon kay Kathryn Bernardo, mas lamang ng points si Alden Richards kaysa kay Jericho Rosales sa pamilya ng aktres.



Mga "Red Flag" Video Ni Daniel Kay Kathryn Noon, Kumakalat Online! Fans Ni Daniel, Pumalag!!

Walang komento

Sabado, Abril 13, 2024

 


Ilang buwan matapos maghiwalay, nag-uumpisa nang magkaroon ng hindi pagkakasundo sa social media ang mga tagasuporta nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla tungkol sa mga naging isyu nila sa isa't isa. 


Kamakailan, umusbong sa internet ang iba't ibang video mula sa ilang tagahanga ni Kathryn na nagpapakita umano sa hindi kanais-nais na asal ni Daniel noong sila ay magkasintahan pa. Ang pagkalat ng mga videong ito ay nagbibigay linaw sa ilan kung ano ang pag-uugali ng aktor bago pa man natapos ang relasyon ng Kathniel.


Sa kabilang banda, may mga tagasuporta rin si Daniel na tinatanong kung bakit ngayon lamang lumabas ang mga videong ito, at bakit walang reaksyon mula sa iba noong sila ay magkasama pa. Hindi rin nila maiwasang punahin ang patuloy na paglaki ng isyu ng kanilang paghihiwalay, na ayon sa kanila ay nakakapagod na. 


Ngayon na may pagtatalo na sa pagitan ng mga tagasuporta nina Kathryn at Daniel, nagiging kumplikado ang tanong kung sino nga ba ang dapat paniwalaan. Ano ang iyong opinyon dito?




Reaksiyon Ng Tvj Sa Paglipat Nang Its Showtime Sa Gma!

Walang komento

 


Nagkaroon ng kaguluhan sa pagitan ng mga tagasuporta ng "It's Showtime" at "Eat Bulaga" matapos magkaroon ng palitan ng mga pahayag ang mga host ng dalawang sikat na noontime show. 


Maraming netizens ang nagpahayag ng kanilang reaksyon sa paglipat ng "It's Showtime" sa GMA channel, at marami rin ang natuwa dahil patuloy ang pagho-host ng mga regional host ng "Eat Bulaga." Naging kapansin-pansin ang surpresang inihanda ng "It's Showtime" para sa mga manonood, na magdadagdag saya sa kanilang mga pagtatanghal. 


Inanunsyo na mapapanood na ang "It's Showtime" sa GTV GMA channel. Kamakailan, nag-post ang official Facebook page ng GTV ng larawan ng "It's Showtime" kasama ang mga host na sina Vice Ganda, Kim Chiu, Anne Curtis, Vhong Navarro, Karylle, Jhong Hilario, Jugs and Teddy, Ryan Bang, at iba pa, na may caption na "G na G Abangan nyo yan". 


Sumunod dito, naglabas ng official statement ang ABS-CBN na ang kanilang programa ay mapapanood na sa GTV simula Hulyo 1. Dahil sa pagdating ng bagong noontime show nina dating Sen. Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey De Leon sa TV5, ang "It's Showtime" ng ABS-CBN ay magpapaalam na sa TV5 at lilipat sa GMA. 


Ang slot ng "It's Showtime" na pangtanghali ay mababago sa pagpasok ng trio nina Tito, Vic, at Joey. Ang Kapamilya noontime program ay inalok na mapanood tuwing hapon sa 4:30 ngunit hindi pumayag ang "It's Showtime" at sa halip ay masaya silang nakahanap ng bagong tahanan sa GTV kung saan magpapatuloy ang kanilang show.

Pokwang, Hihingi Pa Rin Ng Sustento Mula Kay Lee: 'Karapatan ng Anak ko yan'

Walang komento

Biyernes, Abril 12, 2024


 Ibinahagi ng komedyante-TV host na si Pokwang ang kanyang reaksyon sa pagkakadeport ng kanyang dating partner na si Lee O’Brian.


Noong April 11, ipina-deport si Lee O'Brian ng Bureau of Immigration (BI) matapos tanggihan ang kanyang motion for reconsideration sa reklamong inihain ni Pokwang.


Matatandaan na noong nakaraang taon, hiniling ni Pokwang sa gobyerno na i-deport si Lee O'Brian dahil ito ay nagtatrabaho sa bansa nang walang kaukulang dokumento.


Sa panayam ng 24 Oras, nagpahayag ng kaginhawaan si Pokwang matapos tuluyang umalis ng Pilipinas si Lee – na diumano’y nakikipag-date sa ibang babae.


“Meron tayong batas na sinusunod, syempre nagkaroon tayo ng paglabag sa batas so kailangan nating sundin kung ano yung mga parusa. Kasi tayo nga sa ibang bansa ‘yung mga OFW natin sumunod,” pahayag ni Pokwang.


Naninindigan din si Pokwang at sinabing sa kabila ng utos ng deportation, hihilingin pa rin niya kay Lee O'Brian na bigyan ng sustento ang kanilang anak na si Malia.


Iginiit din ni Pokwang na karapatan ng kanyang anak ang kanyang ipinaglalaban dito dahil obligasyon naman ng isang magulang sa suportahan ang kanyang anak.


“Kailangan ‘yon, bilang magulang kailangan nating suportahan… Hindi naman ginusto ng bata na isilang siya, so may responsibilidad po tayo sa mga anak natin lalo na sa ganyang edad. Bilang ama, responsibilidad niya rin ‘yon. Karapatan ng bata ‘yon,” pagdidiin ni Pokwang.


Nilinaw naman ni Pokwang na pumapayag pa rin siyang makita ni Lee O'Brian si Malia kung tatanungin siya ng kanyang anak, sa kabila ng pagbabawal sa American actor na bumisita sa Pilipinas dahil sa pagkakasama nito sa immigration blacklist.


Sa ngayon ay hindi pa nagbibigay ng pahayag si Lee O'Brian patungkol sa pagkakadeport sa kanya.



Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo