Muling nahaharap ngayon sa pambabatikos ang kilalang CEO na si Rosmar Tan Pamulaklakin dahil sa tila panggagaya umano nito sa paresan business ni Diwata.
Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na trending pinag-uusapan ngayon sa social media ang paresan business ni Diwata dahil sa tulong ng mga vlogger na nag-feature nito.
Sa halagang 100 pares overload ay makakakuha na ang customers ng isang pork pares kasama na ang unlimited rice, unli sabaw, drinking water at isang bote ng maliit na softdrinks.
Hindi naman ito pinalagpas ni Rosmar Tan kaya nagsimula rin siya ng kaparehong negosyo. Subalit, hindi naging maganda ang tingin ng maraming mga netizens sa negosyon ito ni Rosmar kaya naman binabatikos nila ito dahil sa umano'y pangagaya ni Rosmar sa walang kalaban-laban na si Diwata.
Subalit, kaagad na ibinahagi ni Rosmar ang conversation nila ni Diwata kung saan mababasang inabisuhan niya si Diwata sa pagpapatayo niya ng negosyo. Hindi naman umano ito pumalag at inudyukan pa siyang magbukas ng negosyo kaya naman walang nakikitang masama si Rosmar sa kanyang pagpapatayo ng negosyo kahit pa hindi siya ang nauna sa ganitong business.
Iginiit din ni Rosmar na business minded lamang siya at gagawin niya ang anumang negosyo sa malinis na paraan.
Sa kabila nito, patuloy pa rin ang pambabatikos kay Rosmar dahil sa tila pambubully niya kay Diwata, normal lamang umano na pumayag si Diwata na magtayo rin siya ng sariling negosyo dahil wala naman talaga itong karapatan na pumigil sa isang negosyante.
Subalit sana ay inisip rin umano ni Rosmar naibalato na lamang sa mga small time businessman ang ganitong uri ng negosyo dahil may matatagumpay naman na siyang mga pinagkakakitaan.