Vice Ganda Muling Pinaringgan Si Xian Lim Hinggil Sa Panloloko Na Ginawa Nito Kay Kim Chiu

Walang komento

Martes, Abril 30, 2024


 Mainit na pinag-uusapan ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang naging hirit ng Unkabogable Star na si Vice Ganda kay Kim Chiu sa kamakailang episode ng It's Showtime sa segment na Expecially For You.


Naging makahulugan ang sinabi ni Vice Ganda kay Kim Chiu na hinala ng marami na siyang totoong nangyari kay Kim Chiu sa naging hiwalayan nila ni Xian Lim.


Sa latest episode ng Expecially For You naging laman ng kanilang pag-uusap ang patungkol sa pag-iwan ng isang karelasyon sa kanyang karelasyon kahit maganda naman na ang kanyang karelasyon.


Ayon kay Vice Ganda, kahit ang mga magaganda ay ipinagpapalit pa rin sabay tanong kay Kim Chiu dahil may nalalaman umano ang aktres na mag ganitong storya.


Tila nabigla naman si Kim Chiu at natawa na lamang sa sinabi ni Vice Ganda. Nang mapansin naman ni Vice Ganda ang pagkaasiwa ni Kim Chiu ay nilihis na lamang niya ang usapan at sinabing si Anne Curtis ay naranasan ring ipagpalit ng dating karelasyon.


Kaagad naman umani ng samu't-saring reaksyon at komento mula sa mga netizens ang naging pahayag ni Vice Ganda, Ayon sa ilan na tila muling nadulas na naman si Meme at nakapagbigay ng impormasyon sa nakaraan nina Xian Lim at Kim Chiu.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng maraming mga netizens na sa kabila ng pananahimik nina Kim Chiu at Xian Lim sa totoong dahilan ng kanilang paghihiwalay, marami pa rin ang naniniwalang may kinalaman rito ang babaeng kasa-kasama ngayon ng actor na kinilalang si Iris Lee.


May mga nagpapayo naman kay Vice Ganda na dapat ay manahimik na lamang ito at pabayaan na lamang sina Kim Chiu at Xian Lim sa kanilang pagmomove on, Tanggapin na lamang din umano na talagang hindi sila ang para sa isa't-isa.



Kris Aquino Humagulgol Dahil Sa Naranasan Ni Bimby Simula Ng 12 Years Old Ito Hanggang Ngayon

Walang komento


 Sa edad na 12 years old ay nalaman na ni Bimby Aquino na mayroong life-threatening na sakit ang kanyang ina na si Kris Aquino.


Matatandaan na noong September 2018 unang ibinahagi ni Kris Aquino ang nalaman nila ni Bimby patungkol sa kanyang kalusugan.


Unang nagkaroon ng matinding weight loss si Kris Aquino na labis niyang ikinabahala hanggang sa nakita na nga ang pagkakaroon niya ng mga autoimmune diseases.


Noon pa man ay kasa-kasama na ni Kris Aquino ang kanyang anak na si Bimby Aquino na sa edad na 12 years old ay namulat na sa karamdaman ng kanyang ina.


Ito rin ang dahilan kung bakit malaki ang pasasalamat ni Kris Aquino sa kanyang anak sa katatagan at sa hindi pag-iwan sa kanya mula ng malaman nila ang kanyang mga karamdaman na naging dahilan ng kanyang matinding weight loss.


Matatandaan na noong nakaraang kaarawan ni Bimby Aquino noong April 19, 2024 ay nagbahagi si Kris Aquino ng appreciation letter para sa kanyang bunsong anak kung saan inilahad niya ang kanyang takot na baka hindi na niya maabutan pa ang susunod na kaarawan nito.


Hindi umano natupad ni Kris Aquino ang kanyang pangako kay Bimby na maging matatag simula noong nalaman nila ang totoo niyang karamdaman.


Marami naman ang naantig at humanga sa pagmamahal ni Bimby Aquino para sa kanyang ina na si Kris Aquino dahil sa pagpili nitong makasama ang alalayan ang kanyang ina na kasalukuyang nakikipaglaban sa mga karamdaman kaysa ang pagpasok sa showbiz industry,


Sa ngayon ay patuloy pa ring hinihiling ng maraming mga netizens ang patuloy na pagbuti ng kalagayan ni Kris Aquino upang makasama pa niya ang kanyang mga anak na labis pang nangangailangan sa kanya.


Daniel Padilla Aminadong Nasaktan Sa Panliligaw Ni Alden Richards Kay Kathryn Bernardo

Walang komento


 Nagbigay na ng reaksyon ang actor at singer na si Daniel Padilla patungkol sa panliligaw ni Alden Richards sa dating girlfriend at ka-loveteam na si Kathryn Bernardo.


Kamakailan lamang ay naging laman ng mga usap-usapan sa social media ang isyung panliligaw ni Alden Richards kay Kathryn Bernardo matapos mamataan ang aktor sa ilang mga pagtitipon at pagdiriwang ng pamilya ng aktres.


Unang namataan magkasama sina Alden Richards at Kathryn Bernardo matapos ang hiwalayan ng aktres kay Daniel Padilla noong ipinagdiriwang nito ang kanyang kaarawan sa El Nido, Palawan. Kumalat pa noon ang video kung saan inalayan ng kanta ni Alden si Kathryn Bernardo na hindi naman umano nito kadalasang gingagawa.


Nasundan naman ito noong post birthday celebration ni Kathryn Bernardo kasama ang kanyang glam team at pamilya. Makikitang binigyan pa ni Alden Richards si Kathryn Bernardo ng mamahaling bulaklak at regalo.


Pinag-usapan rin ang mga sweet moments nila habang kumukuha ng mga pictures. Naroon din si Alden Richards kasama ni Kathryn Bernardo sa house blessing ng multi-million dreamhouse ni Kathryn Bernardo.


Sa kabilang banda, naghihinala ngayon ang ilang mga netizens na hindi na nakayanan ni Daniel Padilla ang kanyang nakikita sa social media kung saan mahihinuhang talagang nakalimutan na siya ni Kathryn Bernardo.


Kaya naman sa kamakailang birthday celebration niya sa Tanauan, Batangas, inilabas niya ang kanyang saloobin sa pamamagitan ng isang kanta.


Muling kinanta ni Daniel Padilla ang awiting alam naman ng lahat na inaalay niya para kay Kathryn Bernardo, subalit mayroon siyang inibang lyrics na hinala ng lahat na reaksyon niya sa nangyayari ngayon sa kanyang ex girfriend.


Napamura kasi si Daniel Padilla dahil may kasama nang iba ngayon ang dalaga.




Bea Alonzo Tuluyan Ng Iniwan Si Dominic Roque Mommy Mary Anne Hindi Matumbasan Ang Kasiyahan!

Walang komento


 Aktres na si Bea Alonzo, kumpirmadong hiniwalayan muli ang boyfriend na si Dominic Roque sa utos ng kanyang ina.


Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang balitang hindi matumbasan ang kaligayahan na nararamdaman ngayon ng ina ni Bea Alonzo dahil tuluyan ng iniwan ng kanyang anak ang dati nitong fiancee na si Dominic Roque na noon pa man ay hindi na niya gusto.


Ayon pa sa ilang mga haka-haka na noon pa man ay hindi na pabor ang ina ni Bea Alonzo sa pakikipagrelasyon ng aktres kay Dominic Roque dahil hindi naman umano ito kasikatan at hindi rin kasing yaman ni Bea Alonzo.


Ito rin umano ang dahilan kung bakit hinimok ni Mommy Mary Anne noon si Bea Alonzo na papirmahin ng prenuptial agreement si Dominic Roque.


Samantala, naging laman ng talakayan nina Cristy Fermin sa kanilang programa sa YouTube channel nilang Showbiz Now Na ang latest balita na nasagap nila patungkol kay Mommy Mary Anne.


Ayon kay Cristy Fermin, ipinarating sa kanila ng kanyang kaibigan na nakakita sa ina ni Bea Alonzo na labis anng tuwa at galak ngayon. Nang tanungin umano ito sa dahilan ng kanyang kasiyahan ay kaagad nitong isiniwalat na may kaugnayan ito sa tuluyan paghihiwalay nina Bea Alonzo at Dominic Roque.


Kabilang din sa isiniwalat ni Cristy Fermin na hindi lamang desisyon ni Bea Alonzo ang pakikipaghiwalay kay Dominic Roque kundi desisyon rin ito ng kanyang ina na ilang beses ng inuutusan si Bea Alonzo na iwan si Dominic Roque.



Rosmar Sinagot Ang Issue Ng Hindi Pagpansin Kay Diwata Nung Di Pa to Sikat!

Walang komento

Lunes, Abril 29, 2024


 Nagbigay na ng pahayag ang social media influencer at business owner na si Rose Marie Tan Pamulaklakin na mas kilala bilang si Rosmar sa mga pambabatikos natatanggap niya matapos magtayo ng sariling negosyo na katulad ng kay Diwata.


Ilang araw nang laman ng mga usap-usapan sa socia media ang pagbubukas ng paresan business ni Rosmar na inspired umano sa pares overload ni Diwata.


Ayon sa ilang mga netizens, talagang sinagkyan ni Rosmar ang kasikatan ng pares overload ngayon ni Diwata na sa halagang 100 pesos ay mayroon ka nang isang pork pares, unli rice, unli sabaw, isang bote ng maliit na coke at drinking water.


Marami naman ang napataas ang kilay nang gayahin ito ni Rosmar sa kaparehong presyo at mga inclusions dinagdagan pa ito ni Rosmar ng libreng pa swimming sa kanyang resort.


Umaani naman ito ng samu't-saring reaksyon mula sa mga netizens na labis ang pagsuporta kay Diwata. Ayon sa kanila dapat hindi na ginaya ni Rosmar ang negosyo ni Diwata dahil small time business lang naman ito.


Subalit, kaagad namang nilinaw ni Rosmar na walang katotohanan ang mga nagsasabing ginaya niya ang negosyo ni Diwata dahil nainspired lamang siya nito.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na labis na dinudumog ang paresan business ni Diwata na matatagpuan sa Pasay City.


Samantala, ayon kay Rosmar hindi naman niya masasabing hindi totoo ang isyung ginagaya niya si Diwata dahil inspired naman talaga sa paresan ni Diwata ang kanyang paresan.


Gayunpman, iginiit ni Rosmar na noon pa man ay balak na talaga niyang magbukas ng paresan business. Sa katunayan ay kumpleto na umano siya sa gamit para masimulan ang kanyang negosyo.


Subalit, noong sinubukan na niyang magluto ng pares, nalaman niyang nakapakatagal palang maluto ng beef kaya tinamad na siya at pansamantalang tinigil ang pagluluto ng pares.


Nang mabalitaan niya na na nauuso na ang pagluluto ng prok pares kung saan madaling lumambot at madaling lutuin muli na naman niyang binuksan ang kanyang pares business.


Ipinunto rin ni Rosmar na hindi naman maaring sabihing tinapatan niya si Diwata at sinusulot ang mga costumers nito dahil wala naman umano sila sa iisang lugar.


Bukod pa rito, magkaiba naman umano sila ng timpla ni Diwata sa kani-kanilang mga pares kaya naman nakakatitiyak siyang hindi magkakatulad ng lasa ang kanilang mga paninda.


Ang paresan ni Rosmar ay makikita sa kanyang resort sa Laguna habang magkakaroon naman sila ng second branch sa Tagaytay na bubuksan sa darating na buwan.


Bukod sa isayung ito, sinagot rin ni Rosmar ang isyung hindi umano niya pinansin noon si Diwata noong hindi pa ito sikat. Ipinakita ni Rosmar ang ebedensya na noon pa man ay sinasagot na niya ang mga messages ni Diwat kahit wala pa itong pares business noon.



Daniel Padilla, Umani Ng Mga Komento Matapos Na Mag Mura Sa Isang Kanta

Walang komento


 Laman ng mga usap-usapan ngayon ng ilang mga netizens sa ilang mga social media platforms lalo na sa X, dating Twitter ang emosyunal na pagkanta ng aktor na si Daniel Padilla sa nakaraang post birthday celebration niya noong April 28, 2024.


Hinala ng maraming mga netizens na tila dinaan umano ni Daniel Padilla sa kanta ang tunay na kanyang nararamdaman hanggang ngayon sa dating kasintahan na si Kathryn Bernardo.


Kumakalat din ngayon at trending ang video ni Daniel Padilla kung saan makikita ang kanyang pag-awit sa kantang Hinahanap-Hanap Kita.


Sa isang parte ng kanya, kinwento ni Daniel Padilla ang lyrics ng kanta. Dito na dinagdagan ni Daniel ng mura ang original lyrics ng kanta.


“At libo pang pinagsamahan, mukha yatang nilimot na ng pusong mong biglang lumisan at may kapiling nang iba," original na parte ng lyrics na kanta.


Subalit, dinagdagan ni Daniel Padilla ang lyrics ng kanta sa pagitan ng lumisan at may kapiling ka nang iba.


“..puso mong biglang lumisan, P_ _ _ _ _ ina!, may kapiling ka nang iba!”, naging madamdamin pa umano ang pagsigaw na ito ng aktor na naging dahilan upang maghiyawan ang kanyang mga invited guests at ilang pang turista na nanonood sa kanyang performance.


Nauna na rito ang pagkalat din ng mga video kung saan kinanta rin ni Daniel Padilla ang kaparehong awitin noong naki-jamming siya sa isang banda sa Isla ng Siargao noong nakaraang February.


Dinagdagan din ito noon ng aktor ng “…Di ko na naiintindihan ang nangyayari pero sa likod ng puso at isip ko. Mahal na mahal kita”.


Sa kabilang banda naging masaya naman ang pagdiriwang ni Daniel Padilla sa kanyang 29th birthday kasama ang kanyang mga magulang na sina Karla Estrada at Rommel Padilla. Nakasuporta rin kay Daniel Padilla ang kanyang mga matalik na kaibigan na hindi siya iniwan sa kabila ng mga kontrobersiya na pinagdadaanan.




ABS-CBN Program Pinag Aagawan Ng AllTv at GMA

Walang komento


Matagal nang naging laman ng mga usap-usapan sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang pagbabalik sa ere ng noontime variety show na It's Your Lucky Day na pansamantalang pumalit noon sa noontime show na It's Showtime nang masuspinde ito sa loob ng mahigit dalawang linggo.


Ilang linggo matapos ang pag-ere nito, naging laman na ng mga usap-usapan na muli itong eere sa buwan ng February kung saan magiging pre-programing umano ito ng It's Showtime o kaya naman ng TV Patrol.


Subalit, makalipas ang ilang buwan ay hindi pa rin nakaere muli ang It's Your Lucky Day kaya naman marami na ang mga nagtatanong kung matutuloy pa ba kaya ang pag-ere muli ng show ngayong nasa GMA7 na ang It's Showtime.


Sa kabilang banda, tila malapit na ang pag-ere muli ng show dahil makikita sa ibinahaging station ID ng ABS-CBN ang pagsasamang muli ng mga dating hosts ng It's Your Lucky Day na kinabibilangan nina Luis Manzano, Melai Cantiveros, Shaina Magdayao, Francine Diaz, Seth Fedelin bukod sa marami pang iba.


Ayon naman sa mga panibagong mga usap-usapan ngayon ng maraming mga netizens, may posebilidad na sa darating buwan ng Hunyo muling mapapanood ang It's Your Lucky Day.


May mga naghinala na kabilang sa programang napagkasunduan na mapapanood sa ALLTV ngayong nagkaroon na sila ng partnership deal sa ABS-CBN ay ang AllTV na eere sa kanilang noontime slot.


Sa kabilang banda wala pa umanong malinaw na usapan sa pagitan ng ALLTV at ABS-CBN dahil maging ang GMA7 ay nagpakita na rin umano ng intensyon na maiere rin sa kanilang channel ang ilang mga programa ng ABS-CBN.

 


KC Concepcion, Tinuldukan Ang Isyung Hiwalay Na Sila ng AFAM

Walang komento


 Tinuldukan na ng aktres na si KC Concepcion ang tsismis sa breakup nila ng Swiss boyfriend na si Steve Michael Wuethrich.


Sa kanyang Instagram story, nag-post si KC Concepcion ng larawan ni Michael, kung saan binati niya ito ng maligayang kaarawan.


Sa isa pang IG story, nag-post si KC Concepcion ng litrato nilang magkasama.


"Happy birthday swizzy. Thank you for being the player one to my player two. I enjoy every adventure you take me to, and I'm proud to see you overcome every challenge life throws at you.


"I so enjoy your smile when I see it so keep smiling! Despite the distance there's a reason god made our paths cross... it's exciting the good things he has in store for us and for you!


"Enjoy today... HAPPY BIRTHDAY! Let's celebrate you!!!" caption ni KC Concepcion sa kanyang post.


Ginanap ni KC ang kanyang birthday "salubong" kasama ang malalapit na kaibigan noong April 7.


Nagsimula ang breakup rumors sa pagitan nina KC Concepcion at Steve Michael Wuethrich nang hindi nakita si Michael sa isang selebrasyon ng aktres.


Gayunpaman, mabilis na itinanggi ni KC Concepcion ang mga haka-haka sa pagsasabing ang sorpresang birthday celebration ay nagsimula sa mga sariwang bulaklak at isang matamis na card mula kay Swizzy mula pa sa Switzerland.


"Special thanks to Swizzy who is in Switzerland for sending me my first beautiful birthday blooms that lit up the mood and the whole room," dagdag pang pahayag ni KC Concepcion.



Paulo Avelino, Tinawag Na Asawa Niya Si Kim Chiu, Nabuking Na Ang Dalawa

Walang komento


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang tila pagkadulas umano ni Paulo Avelino sa kamakailang interview nito para sa vlog ni Luis Manzano.


Tila napressure ang aktor na si Paulo Avelino sa mga naging katanungan sa kanya ni Luis Manzano sa kamakailang guesting nito sa online show nito na Luis Listens patungkol sa estado ng kanyang buhay pag-ibig sa ngayon.


Sa kamakailang episode ng nasabing vlog ni Luis Manzano, kung saan si Paulo Avelino ang kanyang bisita, naglaro sila ng shot or pass sa kontrobersyal na katanungan para sa aktor.


Unang naitanong kay Paulo Avelino ay kung single pa ba ito sa ngayon. Hindi naman ito nasagot kaagad ni Paulo Avelino hanggang sa napili na lamang niya na mag-'shot'.


Ang kasunod na katanungan naman ay follow-up lamang sa naunang katanungan, kasunod na tanong ay kung may nililigawan ba si Paulo ngayon.


Muli, ay hindi nakasagot si Paulo Avelino kaya naman napashot na lamang siya sa ikalawang pagkakataon.


Kabilang din sa mga naitanong ni Luis Manzano kay Paulo Avelino ay kung totohanan na ba ang relasyon nila ni  Kim Chiu. Muli ay napa-shot na lamang si Luis Manzano sa mga katanungan ni Luis.


Bukod sa mga katanungang ito, naitanong rin ni Luis kung dinadalaw nga ba ni Paulo si Kim sa It's Showtime at kung kasama ba niya itong mag-work out.


Natapos na lamang ang interview ni Luis Manzano kay Paulo Avelino nang walang nahihitang impormasyon patungkol sa totoong estado ng buhay pag-ibig ng aktor.


Hindi naman na ito kataka-taka pa dahil noon pa man ay pinanatili na ni Paulo Avelino ang pagiging private.


Gayunpaman naniniwala pa rin ang maraming mga netizens na 'action speaks louder than words' kung saan inilahad nilang halata naman na may namamagitan na sa dalawa dahil sa kanilang sweetness on and off-cam.


May mga netizens naman ang nakapansin na tila may tawagan na ang dalawa at 'asawa ko' ito.



Pumirma Na! Kilalanin, Ang Bagong Aabangan Sa Kapamilya

Walang komento


 Nagtagumpay ang Expecially For You searchee mula sa Cebu na si Atty. Oliver Moeller na makapasok sa showbiz insider.


Ayon sa mga kumakalat na mga bali-balita ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites noong myerkules, ang pagpirma ng kontrata ni Atty. Oliver Moeller ng kontrata sa Cornerstone Management.


Matatandaan na naging laman ng mga usap-usapan sa social media si Atty. Oliver Moeller matapos siyang mapili ni Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee sa tatlong searchee ng nasabing show.


Bukod pa rito, kaagad na umani ng reaksyon at komento mula sa mga netizens ang mga larawan na ibinahagi mismo ni Oliver Moeller kung saan makikitang kasama niya ang actress-host na si Kim Chiu.


Kaagad na napansin ng mga netizens ang malakas na chemistry ng dalawa at pareho pa silang taga-Cebu kaya naman marami ang naniniwalang perfect match ang mga ito.


Lalo namang kinilig ang maraming mga netizens nang muling bumisita si Atty. Oliver Moeller sa It's Showtime matapos ang sampung araw nang maging contestant ito sa Expecially For You.


Sa isang panayam kay Atty. Oliver Moeller, mahahalata na ang intensyon nitong makapasok sa showbiz batay sa kanyang mga kasagutan sa katanungan ng reporter.


Naging hati naman ang mga opinyon ng mga netizens sa napapabalitang pagpirma ng kontrata ni Oliver Moeller sa Cornerstone.


May mga nasisiyahan rito dahil gumagawa na umano ito ng paraan para mapalapit kay Kim Chiu subalit, hindi pa rin maiiwasan ang mga pambabatikos sa totoong intensyon ni Atty. Oliver Moeller sa paglapit kay Kim Chiu.


Ayon sa ilang mga fans ni Kim Chiu nararapat lamang talaga na umiwas si Kim Chiu kay Oliver Moeller dahil baka muli na naman siyang magamit ng lalaki para sumikat sa showbiz.




Trending Na! Daniel Padilla Ibinuhos Ang Sama Ng Loob Sa Kanta!

Walang komento


 Usap-usapan pa rin hanggang ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang naganap na late birthday celebration ng aktor na si Daniel Padilla sa Tanauan, Batangas.


Noong April 26, 2024 ipinagdiriwang ng aktor na si Daniel Padilla ang kanyang ika-29 na kaarawan. Unang pinagdiwang ni Daniel Padilla ang kanyang kaarawan kasama ang mga rescued animals at mga tagahanga.


Subalit, nitong April 28 ay nagkaroon ng post birthday celebration si Daniel Padilla kasama ang kanyang malalapit na kaibigan at pamilya. Naging masaya at bongga ang kaarawan na ito ni Daniel Padilla.


Maypa-libreng concert siya kung saan naki-jam siya sa kanyang mga tagahanga na naroon din sa Tanauan, Batangas.


May pa fireworks display pa ang aktor sa kanyang mga tagahanga bilang hudyat ng pagtatapos ng kanyang pagdiriwang.


Samantala, napansin naman ng maraming mga netizens na tila naglalabas umano si Daniel Padilla ng kanyang sama ng loob sa pamamagitan sa kanyang pag-iba sa lyrics ng kanta.


Marami rin ang naghinala na talagang masama ang loob ni Daniel Padilla dahil hindi man lang nagparamdam sa kanya si Kathryn Bernardo sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan.


Matatandaan, na noong nakaraang kaarawan ni Kathryn Bernardo noong March 26, ay binati ito ni Daniel Padilla tila nag-eexpect umano ang aktor na batiin rin siya ni Kathryn Bernardo kahit sa pamamagitan lamang ng private message.


May mga naghinala rin na tila, naging masama rin umano ang loob ni Daniel Padilla dahil nakikita niyang masaya na ngayon si Kathryn Bernardo ng hindi siya nakakasama at napapalibutan ng mga taong inaayawan niya noon.



Maine Mendoza Muling Nag-React sa Mga Pahayag ng AlDub na Pinagpipilitang May Relasyon Sila ni Alden Richards

Walang komento


 Sinagot na ng actress host na si Maine Mendoza ang mga pahayag ng natitirang mga tagahanga ng dati nilang tambalan ni Alden Richards na mas kilala bilang AlDuB Nations.


Sa isang panayam kay Maine Mendoza, naitanong kay Maine Mendoza ang patungkol sa kanyang reaksyon sa mga tsismis na kasal na siya ni Alden Richards at nagkaroon ng mga anak sa Kapuso actor.


Ayon sa kay Maine Mendoza, hindi siya nagkulang sa pagpapaalala sa kanilang mga tagahanga, na ang loveteam nila ni Alden Richards ay para lamang sa entertainment purposes.



Gayunpaman, nagpahayag ng pagkadismaya si Maine Mendoza dahil hindi naniwala ang mga fans sa kanyang sinabi.


Iginiit ni Maine Mendoza na ni minsan ay hindi naman sila nagkulang ni Alden Richards sa pagpapaalala sa kanilang mga fans na walang katotohanan ang kanilang loveteam hanggang sa harap lamang ng kamera ito. 


Subalit hindi pa rin umano naniniwala ang mga ito kaya naman tila mas makakabuti kung hayaan na lamang ang mga AlDub na paniwalaan ang mga bagay na nagpapasaya sa kanila.


Ang AlDub ang dating pinakamalaking love team sa bansa sa kasagsagan nito, at marami ang nag-akala na sina Alden at Maine ay magiging magkasintahan din sa totoong buhay kagaya ng ibang mga loveteams.


Sa kabilang banda, maraming netizens ang naniniwala na ang pressure na natanggap ni Maine mula sa AlDub fans ang nag-udyok sa kanya na wakasan ang partnership nila ni Alden.


Mensahe noon ni Maine Mendoza sa kanilang mga tagahanga, “I do hope I have also given you enough joy for you to give me the freedom I believe I deserve. Freedom to feel what I want to feel, be what I want to be, and do what I want to do. Alden deserves the same, too.”


Noong 2023, pinakasalan ni Maine ang kanyang partner na si Arjo Atayde, na sinundan ng daan-daang tweet mula sa natitirang AlDub fans na nagsasabing peke ang kasal.


Paulit-ulit din silang nagpo-post ng kanilang ‘ebidensya’ para patunayan na sina Alden at Maine ay kasal at may pamilya na.




Daniel Padilla Nagcelebrate Ng Birthday Sa Batangas! Kathryn Kinalimutan Ang Birthday Ni Daniel!

Walang komento


 Kamakailan lamang ay nagdiriwang ng kanyang 29th birthday ang controversial actor na si Daniel Padilla sa Pampanga kasama ang kanyang mga fans, mga cancer patients at mga rescued animals.


Nagkaroon din siya ng celebration sa Tanauan, Batangas kasama ang ilan sa kanyang mga malalapit na kaibigan.


Subalit, ang pumupukaw ngayon sa curiosity ng maraming mga netizens ay kung binati ba ang aktor na si Daniel Padilla ng kanyang dating girlfriend at ka-loveteam na si Kathryn Bernardo, o sadyang kinalimutan na nito ang kanilang mga nakaraan.


Noong April 26, 2024, ipinagdiriwang ng aktor na si Daniel Padilla ang kanyang ika-29 na kaarawan. Noong April 20, 2024, Unang ipinagdiwang ng aktor ang kanyang kaarawan kasama ang ilang mga cancer patient sa  Child Haus sa Maynila. Sa mismong araw naman ng kanyang kaarawan kasama ang mga rescued dogs at cats sa isang animal shelter.


Samantala, nitong linggo lamang nagkaroon ng malaking selebrasyon si Daniel Padilla kasama ang kanyang malalapit na kaibigan.


Very proud at happy naman ang ina ni Daniel Padilla na si Karla Estrada sa kanyang anak dahil ito umano mismo ang naghanda at na-asikaso sa kanilang party.


Kabilang sa mga nagpunta sa birthday party ni Daniel Padilla ay ang kanyang ama na si Romel Padilla. 


Nagbigay naman ito ng mensahe para kay Daniel Padilla, "I'm very thankful sa Poong Maykapal. Walang guhit ang pasasalamat sa pagiging mabuti niyang anak, mabuting kaibigan. Ang buhay ngayon, nararamdaman natin ang ups and downs, but at the end of the day, ang makakasama mo talaga is pamilya mo and tunay na kaibigan."


Malaki rin ang pasasalamat ni Romel Padilla sa lahat ng mga taong tumindig para sa kanyang anak na si Daniel Padilla sa mga panahong lugmok ito dala ng kontroersyal na hiwalayan ni Kathryn Bernardo. 


Hiniling din niya sa mga taong nambabatikos rito na tumigil na at bigyan na ng katahimikan ang kanyang anak.


Sa kabilang banda, marami naman ang nakapansin na hindi binati ni Kathryn Bernardo si Daniel Padilla sa kaarawan nito hindi katulad nang pagbati ni Daniel noong kaarawan naman ni Kathryn Bernardo.




Diwata Rumesbak at Sinupalpal Si Ogie Diaz Matapos Nitong Siraan Ang Kanyang Pares Overload!

Walang komento

 

Nagbigay na ng reaksyon si Diwata laban sa naging pahayag ni Ogie Diaz hinggil sa lasa ng pagkain na inihahain sa Paresan ni Diwata.


Sa kamakailang episode ng Ogie Diaz Showbiz Update, inilahad ng kilalang showbiz insider at talent manager ang sinabi ng kanyang mga kaibigan patungkol sa lasa ng pagkain na inihahain sa paresan ni Diwata.


Ayon sa mga kaibigan ni Ogie Diaz, na hindi kasundo ng kanilang panlasa ang pares overload ni Diwata.


Nilinaw naman ni Ogie Diaz, na hindi naman applicable sa lahat ng panlasa ang sinasabi ng kanyang mga kaibigan. Dahil iba-iba naman umano ang panlasa at preferences ng mga tao sa pagkain.


Subalit, maganda na rin umano na makarating kay Diwata ang ibang mga kritisismo patungkol sa kanyang ibinibentang pagkain.


Samantala, sa isang pahayag inilahad ni Diwata ang kanyang komento sa naging kritisismo ni Ogie Diaz patungkol sa kanyang 100 pares overload.


Ayon kay Diwata, wala naman siyang nakikitang problema sa naging komento at kritisismo ni Ogie Diz patungkol sa kanyang pares overload.


Ipinaliwanag pa ni Diwata, na sa kanyang opinyon ay hindi na kailangan pang gawing big deal kung mayroong mga tao na hindi nagugustuhan ang mga inihahanda niyang pagkain sa kanyang pares overload business.


Iginiit din ni Diwata na kung ayaw ng mga tao sa kanyang luto ay maari namang maghanap ang mga ito ng ibang kainan na pasok sa kanilang panlasa ang inihahandang pagkain.


Inilahad pa ni Diwata na wala sa mga layunin ang mamilit ng mga tao para kumain sa kanyang paresan.


Bagkus ay nagbibigay lamang umano siya ng option sa mga taong gustong sumubok sa ganitong uri ng pagkain.


Hanggang ngayon ay patuloy pa ring pinipilahan ng maraming mga tao ang pares business ni Diwata.


Marami ring mga kilalang mga vlogger ang napi-feature sa pares business ni Diwata dahil napakasulit nito at swak sa budget.


Ogie Diaz Isiniwalat Ang Reklamo Ng Kaibigan Niya Sa Pares Overload Ni Diwata Na Hindi Masarap

Walang komento


 Kilalang showbiz insider at talent manager na si Ogie Diaz, isiniwalat sa kamakailang vlog ang totoong lasa ng pinag-uusapang Pares Overload ni Diwata.


Sa kamakailang episode ng Ogie Diaz Showbiz Update, naibahagi ni Ogie Diaz ang ikinuwento ng kanyang mga kaibigan ng tanungin niya ang mga ito patungkol sa nakain nilang Overload Pares ni Diwata.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng maraming mga netizens na talagang dinudumog at pinipilahan ang paresan ni Diwata matapos ang kabi-kabilang pagpi-feature ng mga vloggers rito.


Dahil dito, tinanong mismo ni Ogie Diaz ang ilang mga kaibigan niya na nakakain sa Diwata Pares.


Ayon kay Ogie Diaz, sinabi umano sa kanya ng kanyang mga kaibigan na hindi umano kasundo ng kanilang mga panlasa ang luto ni Diwata.


Nilinaw naman ni Ogie Diaz na baka hindi kasundo ng kanilang panlasa ang pares ay kasundo naman ito sa panlasa ng ibang tao.


Sa kabila nito, naniniwala naman si Ogie Diaz na kailangan pa ring makarating kay Diwata ang mga komento na katulad nito para lalo pa nitong pasarapin ang mga inihahaing pagkain sa mga taong dumarayo mula pa sa ibang  lugar para lamang matikman ang pinag-uusapang Pares Overload.


Hiling na lamang ngayon ni Ogie Diaz na sana ay magpatuloy ang pag-usbong ng negosyo ni Diwata at magsilbi ring inspirasyon para sa iba pang mga myembro ng LGBTQ+ community.


Hiniling rin ni Ogie Diaz na hindi lamang basta hype sa panahong sinasabayan pa ng mga vloggers ang negosyo ngayon ni Diwata at sana ay matuloy-tuloy pa ito at lalong lumago.



Dating Live-in Partner Ni Dennis Padilla, May Nilinaw Tungkol Sa Sustento at Sa Breakup Nila

Walang komento


 Nagbigay ng reaksyon ang dating kinakasama ni Dennis Padilla na si Linda Marie Gorton patungkol sa mga naging pahayag ni Dennis Padilla patungkol sa kanilang co-parenting set-up matapos ang kanilang paghihiwalay.


Matatandaan na sa isang panayam ni Aster Amoyo sa aktor na si Dennis Padilla inilahad  ng aktor ang kanilang co-parenting set-up at ang pagpupursige umano niya sa pagtatrabaho para makapagpadala ng child support sa kanilang mga anak ni Linda matapos ang kanilang paghihiwalay.


Ilang buwan ang nakakalipas, nilinaw ni Linda Marie Gorton ang naging pahayag ni Dennis Padilla patungkol sa 'madugong' pagpapadala niya ng sustento.


Ayon Linda Marie Gorton, unang-una hindi naman naging consistent ang pagdadala ng child support ni Dennis Padilla.


Sa kamakailang post ni Linda Marie Gorton na ibinahagi niya sa kanyang social media account, inilahad niya ang kanyang side of the story sa naging panayam ni Dennis Padilla kay Aster Arroyo.


Sa kanyang post, inilahad niya ang pagsusuporta ni Dennis Padilla sa kanilang mga anak at kung bakit kinailangan niyang humingi 'persistently' kay Dennis Padilla.


Ayon sa post ni Linda Gorton, sa mga nakalipas na taon, hindi naging consistent ang pagpapadala ni Dennis Padilla ng suporta sa kanilang mga anak, maraming mga lapses at minsan pa ay hindi naman naging sapat ang ipinapadalang pera nito.


Minsan ay kinailangan pa umano niyang pagsabihan si Dennis Padilla at palaging humingi rito dahil kung pababayaan lamang niya ay kulang-kulang ang pala nito.


Dahil mayroon naman umano siyang trabaho roon kaya naman minsan ay siya na ang pumupuno sa pagkukulang ni Dennis Padilla.


Ayon pa kay Linda Gorton, lumiliit ang padala ni Dennis Padilla sa kanya dahil na rin mas expensive ang cost of living sa Australia kaysa dito sa Pilipinas.


Sa bandang huli ng kanyang post, inilahad ni Linda Marie Gorton ang naging dahilang ng kanilang paghihiwalay at kung bakit nanatili siya sa tabi ni Dennis Padilla may pera man sila o wala.


Nilinaw ni Linda na hindi patungkol sa financial problems ang naging dahilan ng kanilang paghihiwalay dahil nanatili siya sa piling ni Dennis sa loob ng twelve years may pera man sila o wala.


Nanatili umano siya rito dahil nais niyang mabigyan ng kompletong pamilya ang kanyang mga anak subalit just like most things in life, you can't have everything you want.


Nawindang Ang Netizens Sa Revelation Ni Atasha Muhlach, P100 Lang Ang Baon Niya Noon Sa School!

Walang komento

Biyernes, Abril 26, 2024


 Ikinagulat ng maraming mga netizens at ng Eat Bulaga host na si Vic Sotto ang isiniwalat sa kanila ng kanilang co-host na si Atasha Mulach patungkol sa kung magkano lamang ang natatanggap nitong daily allowance para sa pagpasok nito sa paaralan.


Sa segment ng “Peraphy” sa Eat Bulaga, nagbigay ng payo sa audience ang financial advisor na si Chinkee Tan, na isa sa mga guest ng noontime show, kung paano sila makakatipid.


“Kailangan, number one, huwag kang magdadala ng pera na higit sa budget mo. Kung ang budget mo ay Php300 lang… ‘yan ang ilagay mo sa wallet mo,” pahayag ng financial advisor.


Pagkatapos ng payo ni Chinkee Tan, tinanong ni Vic Sotto si Atasha Muhlach tungkol sa kanyang daily allowance bago siya naging artista.


Mabilis na ibinunyag ni Atasha Muhlach na P100 lang ang natatanggap niya sa kabila ng pagiging mayaman ng kanilang pamilya.


Halos hindi naman makapaniwala sina Vic Sotto sa isiniwalat na ito ni Atasha Muhlach. Dahil inakala nilang katulad ng ibang mga studyante na nagmula sa mayamang pamilya ay may malaking baon din si Atasha Muhlach.


Kaagad naman itong pinuri ng maraming mga netizens dahil sa pagiging disiplinado nito at sa pagsunod sa gusto ng mga magulang.


Hindi rin umano magarbo ang mga ito na dahil sa mga artista at mayaman naman ang mga magulang ay nagawawaldas na ng pera sa hindi naman makabuluhang bagay.


Gayunpaman, hindi pa rin naiiwasan na may mga netizens pa rin na naghihinalang hindi totoo ang sinabi ni Atasha Muhlach at gumagawa lamang umano ito ng kwento para mapag-uusapan.


Kung ikaw, ang tatanungin naniniwala ka bang 100 pesos lamang ang baon ng isang Atasha Muhlach sa skwela?




Daniel Padilla, Nagbirthday Kasama Ang Mga Aso at Pusa

Walang komento


 Malayo sa kinasanayan na bonggang birthday celebration ang naging pagdiriwang ng aktor na si Daniel Padilla sa kanyang kaarawan nitong April 26, 2024.


Si Daniel Padilla ay nagdiwang ng kanyang ika-29 na kaarawan kasama ang mga aso at pusa sa isang shelter sa Barangay Arenas Arayat, Pampanga.


Sa kabila ng kasimplehan ng kanyang birthday celebration ay inilahad naman ni Daniel Padilla ang kanyang kasiyahan dahil ang kanilang ginawa ay meaningful.


Naroon naman at nakasuporta sa actor ang kanyang mga fans at supporters at ilang mga kaibigan. Naroon din ang kanyang kamag-anak kagaya na lamang ng kanyang pinsan na si Jordan Lim.


Labis ding nasisiyahan si Jordan Lim sa ginawa nila dahil napakacute ng mga pusa at aso. Nagpapasalamat din siya kay Daniel Padilla sa suporta ng aktor sa kanilang cause.


Nagtulong-tulong naman sila sa pagpapaligo at pagpapakain sa mga aso at pusa na nangangailangan ng aruga.


Nasa mahigit 50 ka puso at malapit sa isang daan na aso ang nasa shelter na pinuntahan nina Daniel Padilla at Jordan Lim.


Karamihan sa mga aso ay mga inabandona ng kani-kanilang mga may-ari.


Bukod sa pagpapaligo, nagdala rin si Daniel Padilla ng gifts para sa mga ito, may mga cat at dog foods at may mga treats pa.


Bukod pa rito, pinagawan din ni Daniel Padilla ng bubong at cages ang mga puso.


Halos hindi naman makapaniwala ang pet rescuer at may-ari ng shelter na si Gemma na sila ang napili ni Daniel Padilla dahil wala naman umano silang donor.


Bukod sa mga pagkain may kasama ring vet team si Daniel Padilla para mag neuter sa mga aso at pusa.


Umani naman ito ng papuri mula sa mga netizens, may mga nagsasabing tila nagmature na si Daniel Padilla dahil ginawa niyang makabuluhan ang pagdiriwang niya sa kanyang kaarawan.



TV Host -Aktres Tanggal Na Sa Show!

Walang komento


 Hindi na mapapanood sa show na TikToClock ang Miss Universe Philippines 2020 na si Rabiya Mateo.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na isa na si Rabiya Mateo sa mga pioneer host ng morning variety show na TikToClock na unang umire noong July 25, 2022 sa GMA7 Kapuso Network.


Marami naman sa mga tagasubaybay ng nasabing programa ang labis na nanghihinayang sa biglaang pag-alis niya sa TikToClock, dahil palagi na umano nilang itong inaabangan sa nasabing show.


Samantala, upang makaiwas sa mga isyu at mga haka-haka patungkol sa kanyang biglaang pag-alis sa show ay minabuti na ni Rabiya Mateo na magbigay ng pahayag ng matanong sa kanya kung ano ang totoong dahilan ng biglaang pag-alis niya sa show na naging malaking bahagi ng kanyang growth bilang isang host.


Ayon kay Rabiya Mateo, nagtapos na umano ang kanyang kontrata sa TikToClock. Bagama't hindi na nairenew ang kanyang kontrata ay malaki naman umano ang kanyang pasasalamat sa naturang show dahil ito ang humubog ng kanyang hosting skills.


Hiling naman ni Rabiya Mateo na sana mabigyan naman siya ng pagkakataon na mas mahubog pa ang kanyang acting skills.


Ngayong mawawala na siya sa TikToClock at malapit na rin ang pagtatapos ng teleseryeng Makiling, umaasa si Rabiya Mateo na mabigyan siya kaagad ng panibagong proyekto na hahamon sa kanyang kakayahan bilang isang aktres.


Samantala, nito lamang April 26, 2024 ay may taping si Rabiya Mateo para sa isang episode ng Wish Ko Lang.



Miel Pangilinan Nagsalita Na Kung Sino Ang Tunay Niyang Ama!

Walang komento


 Kaagad na sinagot ni Miel Pangilinan ang komento ng isang netizens na nagsasabing ang kanyang tunay na ama ay walang iba kundi si Rico Blanco.


Pumalag ang anak nina Sharon Cuneta at dating senador na si Kiko Pangilinan sa isang komento ng netizen sa ibinahaging post sa TikTok.


Makikita sa ibinahaging post ni Miel Pangilinan sa TikTok ang larawan ng kanyang  mga magulang kalakip ang isang caption sa kung gaano niya naa-appreciate ang mga ito sa mga bagay na ginawa sa kanya.


"Thank u for creating me. I’m forever thankful for the support I get from the both of you, I am who I am because of you. I love you both forever and ever," caption ni Miel Pangilinan sa kanyang post.


Bagama't touching at may positive vibes naman ang post ni Miel Pangilinan, may isang netizen na nag-iwan ng isang unwanted comment patungkol sa pagkatao ni Miel.


Ayon sa komento nito, si Miel Pangilinan ay anak ni Rico Blanco.


Kaagad naman itong sinagot ni Miel Pangilinan na mayroong kunting humor pero tumpak. Sinabi ni Miel na hindi daw siya anak ni Rico at si Rico Blanco mismo ang nagpahayag nito.


"Hindi daw sabi niya," sagot ni Miel Pangilinan.


Si Sharon Cuneta, kilala rin bilang The Megastar, ay isang sikat na Filipina actress, singer, host at endorser. Siya ang asawa ni Sen Kiko Pangilinan at ina ng aktres at negosyanteng si KC Concepcion, na ang ama ay ang aktor na si Gabby Concepcion. 


Nauna nang inamin sa publiko ni Miel Pangilinan na sa isang miyembro ng LGBTQ+ community. Ibinunyag niya ito sa isang post sa social media na inilathala niya sa tamang oras para sa Pride Month.



Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo