Kc Concepcion at Sharon Cuneta Nagdededmahan, Walang Greetings Sa Isa't-Isa?

Walang komento

Miyerkules, Mayo 1, 2024


 Laman ng mga usap-usapan ngayon sa ilang social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang patungkol sa muling pagdededmahan ng mag-inang sina Sharon Cuneta at KC Concepcion sa social media kung saan hindi nila binati ang isa't-isa.


Marami ang nakapansin na tila dinedma umano ni KC Concepcion ang 28th wedding anniversary ng kanyang ina at ni Former Senator na si Kiko Pangilinan.


Bagkos, ay nagkaroon ito ng extended birthday celebration kasama ang kanyang mga malalapit na kaibigan.


Naroon rin sa nasabing selebrasyon ang sina Ruffa Gutierrez at iba pang malalapit kay KC Concepcion sa showbiz industry subalit, kapansin-pansin na hindi parin namataan ang kinilalang boyfriend nito na si Mike Wuthrich.


Sa kabilang banda, nagbahagi naman ng social media post si Sharon Cuneta kung saan binati nito ang kanyang mister na si Kiko Pangilinan para sa kanilang 28th wedding anniversary.



“Happy 28th Wedding Anniversary to my “Sutart,” “neybor,” “playmate,” number 1 fan, cheerleader - the best Dad to our children and the best hus-band! Though we’ve experienced some ‘turbulence’ in our marriage, and it hasn’t always been easy being married to each other, we both know that WE are always worth fighting for.Thank you for loving me, loving us the way you do. I love you so very much!”


Marami naman sa mga fans ni Sharon Cuneta ang naantig dahil sa emosyunal na pagbati ni Miel Pangilinan para sa kanyang mga magulang para sa wedding anniversary ng mga ito.


Nirepost kaagad ito ni Sharon Cuneta kalakip ang pasasalamat sa kanyang anak.


Narito ang buong nakakaantig damdamin na pahayag ni Miel Pangilinan para sa kanyang mga magulang.


“happy 28th anniversary, mama and dada


“for the years i’ve been alive, you’ve shown me what it means to love someone—to love them patiently and perseveringly and unconditionally. in turn, my siblings and i have grown into individuals with so much love to give that it seeps from us without even trying.


“in a world filled with so much hatred and resentment, thank you for showing me that love always prevails. thank you for teaching me how to love, and what it feels like to have it reciprocated.


“the invisible string that brought you two together, some 28 years ago has spun new threads around my siblings and i, and will continue to spin until the time comes that i get to have my own kids and raise them with the same love you did me.


“here’s to another 28. and another 28. and another 28. into infinity.


“miel”


Samantala, napansin naman ng maraming mga netizens ang hindi pagbabahagi ng post ni KC Concepcion bilang pagbati sa kanyang ina at sa asawa nitong si Kiko Pangilinan.


Hinala tuloy ng maraming mga netizens na hanggang ngayon ay mayroon pa ring hindi pagkakaintindihan sa pagitan nina KC Concepcion at sa panibagong pamilya ng kanyang anak.



Camille Prats Niregaluhan Ng Purity Ring Ang Kanyang Panganay Na Anak!

Walang komento


 Ibinahagi ni Camille Prats-Yambao ang kanyang karanasan sa dinaluhan nilang ‘purity ball’ noong Sabado kasama ang kanyang anak na si Nathan Prats.


Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Camille ang pangako ni Nathan na mananatiling ‘pure’ bago magpakasal upang sundin ang mga itinuturong aral ng kanilang Simbahan.


Bilang bahagi ng kanyang mga panata, sinuot ni Nathan ang isang 'purity ring' bilang simbolo ng kanyang pangako na umiwas sa pisikal at mental na pakikipagtalik.


Pagbabahagi ni Camille Prats, “Grateful for tonight’s meaningful event! We made a vow together as mom and son to stay pure until he finds the one whom he wants to bring to God to spend the rest of his life with.” 



“Nate, i pray that God will impress it upon your heart the importance of staying pure in obedience to Him for as we say, obedience brings… blessings. May your heart be blessed and be aligned to God’s will for your life.

Love you forever boys,” dagdag pa niya.


Ang post ni Camille ay umani ng iba't ibang reaksyon mula sa mga netizens at nagbunsod ng talakayan kung dapat pa bang isagawa ang abstinence practice ngayon.


Narito ang ilang komento ng mga netizens sa post ni Camille Prats.


"I thought these ceremonies are just for girls, so glad na even sa boys ay meron dapat. Praise God!"


"Proverbs 22:6 KJV: Train up a child in the way he should go: and when he is old, he will not depart from it."


"Didn't know there are these ceremonies. Church? As Christian parents we really want to raise our kids in this light."


“Hopefully gusto talaga ng anak nya yan kasi baka dumating ang araw na pag awayan nila yan tapos pinublic pa internet is forever pa naman.”



“This is mind-conditioning. Before age of 18, fine. But not when the son is of legal age and can decide what he does for his body, then there will be shame when public sees the ring missing.” 


May mga nagsasabi rin na hindi naman nasasamahan ni Camille Prats ang kanyang anak 24/7 kaya hindi niya malalaman kung tinutupad nga ba nito ang kanyang panata.


Angeli Khang, Nagtago Nang Isang Linggo Matapos Madamay Sa Hiwalayang Bea Alonzo-Dominic Roque

Walang komento


 Nagbigay na ng pahayag ang Vivamax actress na si Angeli Khang at nilinaw na ang mga bali-balitang nagsasangkot sa kanya bilang dahilan ng hiwalayan nina Bea Alonzo at Dominic Roque.


Matatandaan na sa kalagitnaan ng mga usap-usapan patungkol sa kontrobersyal na hiwalayan nina Bea Alonzo at Dominic Roque ay isa si Angeli Khang sa mga pangalan na nadawit dahil nahuli umano ni Bea Alonzo si Dominic Roque na nanonood sa mga pelikula na pinagbibidahan ng sexy actress.


Hindi naman ito pinaniwalaan ng maraming mga netizens dahil napakababaw lamang na dahilan ng isang hiwalayan ang panonood ng sexy movie na humantong pa sa pagkaka-udlot ng kanilang kasal.


Lalo pang nadiin sa isyu si Angeli Khang dahil sa inilabas na kwento ng self-proclaimed Pambansang Marites na si Xian Gaza.


Samantala, sa kamakailang episode ng 'Updated With Nelson Canlas' diretsahang sinagot ni Angeli Khang ang nasabing isyu na may kinalaman siya sa hiwalayang Bea Alonzo at Dominic Roque at pagkakansela ng kanilang nalalapit sana na kasalan.


Pinabulaanan ni Angeli Khang ang mga isyu at ipinagdidiinan na fake news lamang ng lahat. Inilahad pa ni Angeli Khang na hindi naman sila magkakilala sa personal ni Dominic Roque.


Iginiit pa niya na wala silang koneksyon dahil kailanman ay hindi pa naman sila nagkasama sa iisang proyekto o nagkatrabaho kahit saglit lang.


Inilahad pa ni Angeli Khang na labis siyang naapektuhan sa kumalat na fake news dahil talagang pinag-iinitan siya ng mga fans ni Bea Alonzo.


Sa tuwing lumalabas umano siya ay nakikita niya ang mga tingin ng mga tao, minsan ay tinatarayan pa umano siya na para bang sigurado na ang mga ito na siya talaga ang reason ng hiwalayan nina Bea Alonzo at Dominic Roque.


Dahil dito, pinili umano ni Angeli Khang na pansamantalang magtago sa tao, isang linggo siyang hindi lumabas at nagpakita upang makaiwas na rin sa mga usap-usapan.




Paulo Avelino May IBINUKING sa Tunay na Relasyon nila ni Kim Chiu!

Walang komento


 Muling iniintriga ngayon ng maraming mga netizens ang actor na si Paulo Avelino dahil tila inamin na rin umano niya ang totoong namamagitan sa kanila ni Kim Chiu sa naging guesting nito sa vlog ni Luis Manzano kamakailan lamang.


Labis na kinikilig ngayon ang mga tagahanga ng KimPau loveteam dahil malakas umano ang kanilang kutob na nagkakamabutihan na ang dalawa dahil naiiba na umano ang kislap ng mga mata ngayon ng aktor sa tuwing napag-uusapan ang actress-TV host na si Kim Chiu.


Sa naging guesting ni Paulo Avelino sa YouTube vlog ni Luis Manzano na Luis Listens, marami ang kanilang mga napag-usapan kabilang na ang mga kasalukuyang pinagkakaabalahang proyekto ngayon ng aktor.


Naitanong ni Luis Manzano kay Paulo Avelino ang mga upcoming projects nito at ang patungkol sa kanyang pinagbibidahang pelikula na pinamagatang Elevator kung saan nakasama niya ang aktres-Beauty Queen na si Kylie Verzosa.


Sa kalagitnaan ng kanilang pag-uusap ay napag-usapan nila ang patungkol kay Kim Chiu, kaagad na napansin ng maraming mga KimPau shippers na nagbago umano ang mood ni Paulo Avelino at nagkaroon ng ningning ang mga mata na tila ba pahiwatig na interesting topic para sa kanya ang actress na si Kim Chiu.


Sa bandang huli ng guesting ni Paulo Avelino, nagpalaro si Luis Manzano ng 'pass or shot' challenge kung saan iinum si Paulo Avelino kung hindi niya kayang sagutin ang mga katanungan ni Luis Manzano.


Unang naitanong ni Luis Manzano kung single ba si Paulo Avelino, matapos ang kanyang pag-iisip napili ni Paulo Avelino na mag-shot, ibig sabihin hindi niya masasagot ang tanong.


Kasunod naman na natanong si Paulo Avelino kung may nililigawan na ba siya ngayon na muli ring hindi nasagot ni Paulo Avelino.


Sa kabila ng hindi pagsagot ni Paulo Avelino sa katanungan ni Luis Manzano naghinala ang maraming mga netizens na may namamagitan na talaga sa pagitan nila ni Kim Chiu na tinatago lamang pansamantala nila ngayon sa publiko dahil kagagaling pa lamang nila sa mga hiwalayan.


Gayunpaman, may mga netizens na hinihintay ang tuluyang kumpirmasyon ni Paulo Avelino dahil nasanay na umano sila sa malakas na fan service ng aktor.


Sa tuwing magkakaroon ito ng leading lady ay talaga ipinapakita ng aktor ang kanilang sweetness kagaya na lamang noong sila ni Janine Gutierrez ang nagkatambal.




Yasser Marta Hindi Alintana Ang Malaking Age Gap nila ni Claudine Barretto

Walang komento


 Nagbigay na ng pahayag ng Sparkle artist na si Yasser Marta patungkol sa totoong nararamdaman niya sa batikang aktres na si Claudine Barretto.


Ilang linggo nang naging laman ng mga usap-usapan sa social media ang pagkakaroon ng romantikong relasyon nina Claudine Barretto at Yasser Marta matapos silang mamataan na sweet at sobrang close sa isa't-isa off cam.


Sa isang panayam kay Yasser Marta, inamin ng aktor na totoong nagugustuhan na niya ang aktres na si Claudine Barretto dahil nakilala umano niya ang totoong pagkatao nito habang ginagawa nila ang kanilang teleserye na Lovers/Liars.


Sa kamakailang guesting ni Yasser Marta sa Sarap Di Ba? noong sabado April 27, 2024, napili na itanong sa kanya ng kapwa guest na si Liezel Lopez sa segment na Trip to the Hot Seat ng nasabing programa kay Yasser Marta ang patungkol kay Claudine Barretto.


Binuking ni Liezel Lopez na magmula nang magkasama sina Yasser Marta at Claudine Barretto sa iisang teleserye ay napapadalas na ang kanilang pagsasama off-cam.


Pina-rate din ni Liezel kay Yasser Marta ang level of closeness or intimacy nila ni Claudine Barretto.


Kaagad naman itong sinagot ni Yasser Marta na kung closeness nila ni Claudine Barretto ang pag-uusapan ay nasa 10/10 talaga.


Ayon pa kay Yasser Marta na labis umano silang nagkalapit ni Claudine Barretto magmula ng gawin nila ang Lovers/Liars. Maging ang mga anak ni Claudine Barretto ay naging kaibigan na rin umano niya.


Hayagan ding inamin ni Yasser na naging totoo ang feelings niya para kay Claudine Barretto dahil nakilala na rin umano ang totoong katauhan nito.


Bukod sa pagiging mabait, napakalambing at nagpakabuting tao umano ni Claudine Barretto na labis na nagpahanga sa kanya.


Wala namang nakikitang mali si Yasser Marta sakaling magkadevelopan nga sila ni Claudine Barretto dahil pareho naman silang single na dalawa.


Matagal na ring single si Claudine Barretto magmula nang maghiwalay sila ng estranged husband na si Raymart Santiago, samantalang inamin na rin noon ni Yasser Marta na hiwalay na siya sa kanyang girlfriend na si Kate Valdez noong November 2023.



Bandang Orange And Lemons Hindi Nagustuhan Ang Pananapaw ni Francine Diaz

Walang komento


 Naging laman ng mga usap-usapan sa social media at ilang mga entertainment news sites ang OPM band na Orange and Lemons matapos ang biglang pag-alis nila sa stage sa gitna ng kanilang performance.


Kumakalat ngayon sa social media ang mga video sa isang LGU event sa San Jose, Occidental Mindoro, kung saan makikitang naghahanda na ang bandang Orange and Lemons para mag-perform nang biglang lumabas sa stage ang aktres na si Francine Diaz para batiin ang audience matapos siyang tawagin ng host.


Hindi naman ito nagustuhan ng banda kaya naman umalis na lamang sila sa entablado dahil pakiramdam nila ay  ninakaw sa kanila ni Francine Diaz ang limelight.


Makalipas ang ilang sandali, ipinahayag ng bokalista ng Orange and Lemons na si Clem Castro sa mga manonood at iba pang mga artist na aralin kung paano igalang ang ibang mga performer.


“Gusto ko lang manghingi ng paumanhin pero kailangan ko lang sabihin ‘to… Para sa mga artist, sana naman walang sumisingit… Respeto lang ba?” pahayag ni Clem.


Ikinagulat naman ng audience ang naging pahayag na ito ni Clem dahil hindi nila inaasahan na ganoon na lamang ito ka prangka sa kanilang pagsasalita laban kay Francine Diaz.


Sa kabilang banda, may ilang mga netizens ang naniniwala na ang insidente ay dapat isisi sa host at sa mga organizers ng event at hindi kay Francine Diaz na tinawag lang naman kaya maaring hindi alam na magpeperform na pala dapat ang banda.


Ayon sa kanila, tinawag lang si Francine Diaz para magperform sa stage at may posibilidad na hindi niya alam na pinaghahandaan na ng Orange and Lemons ang kanilang pagtatanghal noong mga panahong iyon.


Sa ngayon ay hindi pa naman naglalabas ng pahayag si Francine Diaz at maging ang mga organizers sa event sa San Jose Occodetal Mindoro hinggil sa nangyaring sapawan incident.


Francine Diaz May Cryptic Post Na Patama Para Sa Ex-Bff Na Si Jayda!

Walang komento


 Mainit na pinag-uusapan ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang pagsisiwalat ni Jayda Avanzado patungkol sa totoong estado ng pagkakaibigan nila ni Francine Diaz.


Matatandaan na sa isang panayam, hayagang inamin ni Jayda Avanzado na mayroon silang hindi pagkakaunawaan ni Francine Diaz matapos ang pagpapapicture niya kasama si Andrea Brillantes noong nagkasama sila sa iisang event.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na talagang malapit sa isa't-isa sina Jayda Avanzado at Francine Diaz kaya naman marami ang nagulat sa isiniwalat ni Jayda Avanzado ang pagkasira ng kanilang pagkakaibigan dahil lamang sa isang picture kasama si Andrea Brillantes.


Hindi rin naman kasi lingid sa kaalaman ng maraming mga netizens ang isyu sa pagitan nina Andrea Brillantes at Francine Diaz na may kaugayan sa aktor na si Seth Fidelin.


Lalo pang uminit ang isyu, nang mapansin ng maraming mga tagahanga ni Francine Diaz na hindi man lamang ipinagtanggol ni Jayda Avanzado si Francine sa mga negatibong komento ni Cristy Fermin, bagkus sinabi lamang nito na ayaw niyang maki-alam sa isyu nina Francine Diaz at Andrea Brillantes.


Ilang araw matapos ang pagsisiwalat na ito ni Jayda Avanzado, nagbahagi ng isang cryptic post si Francine Diaz sa kanyang social media account kung saan ipinahiwatig nito ang pagiging totoo niya sa kanyang sarili.


"The most stressful thing for you to do is to be someone else. And the easiest thing for you to do in the world? To be yourself."


Hinala ng mga netizens na ito na ang kasagutan ni Francine Diaz sa mga ibinabatong isyu sa kanya sa likod ng pagkasira ng pagkakaibigan nila ni Jayda Avanzado.




Francine Diaz Nag Walk Out Sa Isang Event Hindi Nagustuhan Ang Ginawa Ng Banda

Walang komento


 Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang Kapamilya young actress na Francine Diaz dahil sa pagwa-walk out nito sa isang LGU event sa Occidental Mindoro.


Ayon sa mga nakasaksi sa nasabing event ay hindi man lang nagtaggal ng sampung minuto ang performance ni Francine Diaz ay nagpaalam na ito sa kanyang mga tagahanga na matagal-tagal ring naghintay sa kanya.


Kaagad naman itong umani ng samu't-saring reaksyon mula sa mga netizens lalo na ang mga hindi alam ang totoong dahilan kung bakit tila nag-walk out si Francine Diaz ilang minuto matapos ang pagtungtong niya sa stage.


May mga netizens na nagsasabing tila nag-eenarte na umano itong si Francine Diaz dahil sa ginawa nitong pagwa-walk out sa kabila ng paghihintay ng kanyang mga fans.


Subalit, kaagad namang ipinagtanggol ang aktres ng kanyang mga tagahanga. Ayon sa kanila, wala umanong respeto ang organizer. Ilang oras din umanong naghintay ang aktres bago makapagperform.


Kaya naman nararapat lamang umano na umalis si Francine Diaz dahil tila hindi naman siya napapahalagahan.


Bukod pa rito, tila binabastos rin ng gitarista ng banda si Francine Diaz dahil kahit nagpeperform na ang aktres sa stage ay patuloy pa rin ang pagtugtog nito.


Kahit naasiwa na si Francine Diaz na halata naman sa kanyang mukha ay patuloy pa rin ang kanyang pagkanta, kahit pa mas malakas ang tunog ng gitara kaysa sa kanyang boses.


Tila kinausap pa ni Francine Diaz ang mga ito subalit, tila inisulto lang nila ang dalaga at talagang nagbulungan pa sa harap nito. Maging ang mga kasamahan sa banda ay hindi man lamang sinaway ang gitarista na   panggulo sa performance ng aktres.


Sa ngayon ay hindi pa naman naglalabas ng pahayag ang pamunuan ng event na dinaluhan ni Francine Diaz patungkol sa sinasabing pagiging disrespectful nila sa aktres.



@diazchinnn

dessapointed at nasaktan talaga si chin😞🥺

♬ original sound - francine diaz

Kathryn Bernardo Nagsalita Na, Pagmumura Ni Daniel Padilla Na May Kapiling Ka Nang Iba

Walang komento


 Hanggang ngayon ay mainit pa ring pinag-uusapan ang biglang pagmumura ni Daniel Padilla habang kumakanta sa harap ng kanyang mga invited guest sa kanyang post birthday celebration sa Tanauan, Batangas noong April 28, 2024.


Marami ang naghinala na may kinalaman ang pagmumurang ito ni Daniel Padilla sa napapabalitang panliligaw ni Alden Richards kay Kathryn Bernardo.


Hinala ng maraming mga netizens na labis na nanghihinayang ngayon si Daniel Padilla  sa naging relasyon nila ni Kathryn Bernardo dahil nakikita niyang ibang lalaki na ang kapiling ngayon ni Kathryn Bernardo na dati naman ay siya ang gumagawa.


Matatandaan na magmula noong inamin nila ang kanilang paghihiwalay ay naging bukas na rin sa publiko ang pagkakaibigan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.


Kasa-kasama na rin ito ng aktres sa mga importanteng okasyon sa kanyang buhay, kabilang na noong birthday celebrations ni Kathryn Bernardo at noong nagpablessing sila sa kanilang multi-million dream house.


Bukod pa rito, naging laman rin ng mga usap-usapan na botong-boto ang mga magulang ni Kathryn Bernardo at mga kapatid kay Alden Richards at welcome na umano ang aktor sa kanilang bahay. Bagay na dati naman ay siya ang may pribilihiyo.


Samantala, marami naman ang nagsasabi na sana ay mag-move on na rin itong si Daniel Padilla dahil makikita namang wala na talaga silang pag-asa pa ni Kathryn Bernardo.


Dapat umano na tanggapin na ni Daniel Padilla na hindi talaga sila magkakabalikan pa ni Kathryn Bernardo dahil makikita namang masaya na ang aktres sa kalayaang natamo nito makalipas ang 11 years nilang relasyon na puno ng mga restrictions at pagbabawal.


Samantala, naniniwala naman si Kathryn Bernardo sa isang panayam na ok na ok na siya ngayon at naniniwala siyang naroon na siya sa lugar kung saan siya nararapat. 




Gerald Anderson Nagsalita Na Sa Balik-Tambalan Ni Joshua at Julia Barretto!

Walang komento


 Inaabangan ngayon ng maraming mga tagahanga at tagasuporta nina Joshua Garcia at Julia Barretto ang kanilang comeback movie matapos ang ilang taon makalipas ang kanilang controversial na hiwalayan.


Makalipas ang maraming taon, tila napapanahon na rin na muli silang magsama sa iisang proyekto dahil makikita namang pareho na silang nakapag-move on at masaya na sa kani-kanilang mga karelasyon sa ngayon.


Nauna nang naglabas ng pahayag sina Julia Barretto at Joshua Garcia patungkol sa pagkakaroon nila ng pelikula kung saan naniniwala silang pareho na handa na silang gumawa at magsamang muli sa iisang proyekto.


Samantala, natanong rin ng ilang mga press people si Gerald Anderson patungkol sa saloobin niya sa pagkakaroon ng comeback movie ng kanyang girlfriend sa dating kasintahan nito na si Joshua Garcia.


Naniniwala naman umano si Gerald Anderson na walang mali sa pagsasamang muli ng kanyang girlfriend na si Julia Barretto sa ex-boyfriend nito na si Joshua Garcia dahil maganda naman umano ang konsepto ng pelikula at alam niyang lalo pa itong gaganda dahil parehong magaling na artista sina Julia Barretto at Joshua Garcia.


Sa naging pahayag na ito ni Gerald Anderson ipinakita lamang ng aktor ang kanyang professionalism. Bukod pa rito, ipinakita rin ni Gerald Anderson ang kanyang confidence na nakapag-move on na si Julia Barretto kay Joshua Garcia at walang relationship comeback na magaganap.


Umani naman ito ng positibong reaksyon mula sa mga netizens na nasisiyahan dahil suportado ni Gerald Anderson ang kanyang nobya sa mga proyekto nito kahit pa hindi siya ang leading man nito.


Naniniwala rin ang mga netizens na napapanahon na ang pagbibigay ng kapatawaran sa isa't-isa dahil nauna nang nakita ang pagkakaayos nina Julia Barretto at Bea Alonzo na na-isyu noon.




Nakakaiyak Bagong Rebelasyon Ni Angelica Panganiban 1 Week Matapos Ikasal Kay Gregg Homan!

Walang komento


 Hindi naiwasan ng maraming mga netizens na maantig ang kanilang mga damdamin sa naging pahayag ng aktres na si Angelica Panganiban ilang linggo matapos ang ikalawang kasalan nila ni Gregg Homan.


Noong April 20, 2024, naganap ang second wedding nina Greg Homan sa Isla ng Siargao kung saan dinaluhan ito ng kanyang malalapit na kaibigan sa loob a labas ng industriya sa showbiz.


Viral at pinag-uusapan ngayon sa social media ang ibinahaging pahayag ng aktres na si Angelica Panganiban para sa kanyang asawa na si Gregg Homan ilang araw matapos ang kanilang ikalawang wedding na naganap sa Siargao apat na buwan matapos ang una nilang pagpapakasal sa Amerika.


Hanggang ngayon ay nadarama pa rin ni Angelica Panganiban ang labis na kasiyahan dahil sa wakas ay tuluyan nang natupad ang matagal na niyang pinapangarap na maikasal sa lalaking pinakamamahal niya at mahal na mahal rin siya.


Sa kamakailang Instagram post ni Angelica Panganiban, inihayag niya na nararapat lamang na pasalamatan ng kanyang pamilya, malalapit na kaibigan at mga fans si Gregg Homan dahil tinapos nito ang kanyang sad girl era.


Dahil din umano kay Gregg Homan ay nakapag-sign off na siya na kinilala bilang patron saint ng mga babaeng sawi sa pag-ibig.


Sa huiling bahagi ng kanyang post ay nagbiro pa si Angelica Panganiban kung sino ang nagbabalak na sumalo sa kanyang korona.


Sa kabilang banda, malaki rin ang pasasalamat ni Angelica Panganiban sa kanyang adoptive mom n na si Annabelle Panganiban dahil sa wakas ay nauwi na rin siya sa tamang tao. Isiniwalat din ni Angelica Panganiban na naging biruan na nila ng kanyang ina ang pagsabihan siya nito na dapat siyang umayos at alagaang mabuti si Gregg Homan.


Sinasagot naman umano niya ang kanyang ina na hinding-hindi siya iiwan ni Gregg Homan dahil patay na patay naman ito sa kanya.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng maraming netizens at mga tagahanga ni Angelica Panganiban ang mga pinagdaanan ng aktres bago pa man nito matagpuan si Gregg Homan. Sa katunayan ay tinawag pa ng maraming mga netizens si Angelica Panganiban na patron saint ng mga babaeng sawi.


Rosanna Roces Labis Na Nanghihinayang sa Nawalang Friendship Nila ni Ai-Ai Delas Alas

Walang komento

Martes, Abril 30, 2024


 Nagpahayag ng panghihinayang ang aktres na si Rosanna Roces sa pagkasira ng pagkakaibigan nila ng komedyanteng si Ai-Ai delas Alas.


Sa naging panayam ni Aiko Melendez kay Rosanna Roces, tinanong tinanong niya ito tungkol sa saloobin nito sa pagkakaibigan.


Kaagad naman itong sinagot ni Rosanna Roces na mas mabuti na ang isang tao ay magkaroon lamang ng ilang mga kaibigan na tapat kaysa magkaroon ng marami ngunit nagsasalita sa iyong likuran.


Binalikan din niya ang dating pagkakaibigan nila ni Ai-Ai, at sinabing masaya ang relasyon nila ng komedyante noong mga panahon na iyon.


Idinetalye naman ni Rosanna Roces ang totoong nangyari sa pagkakaibigan nila ni Ai-Ai Delas Alas at kung paano ito nasira dahil sa panunulsol ng ibang mga tao at ang magkaiba nilang mga raket.


“Yung pinagsamahan namin noon, totoo eh… Sobrang saya, sobrang nakakatawa,” pagbabalik tanaw ni Rosanna Roces.


“Nahaluan lang ng mga... pero nahaluan din ng mga magkakaibang raket na nagkakabangga bangga,” pahayag pa ni Rosanna Roces.


Subalit ang totoong pinag-awayan umano nila noon ay nag-umpisa sa show nila sa Dagupan, kalakasan naman umano nila ang mag-show noon subalit hindi niya alam na bago ang kanilang show ay nauna na palang nagkaroon ng show roon sina Ai-Ai Delas Alas at Ara Mina kaya nag-flop ng husto ang kanilang show.



“Ang totoong pinag-awayan namin, may show kami sa Dagupan, kalakasan namin mag-show no’n, hindi ko alam before ng show namin, nag show siya with Ara Mina, so nag-flop ‘yun ng husto."


Naghinala naman si Rosanna Roces na ang dahilan ng pagsama ng loob sa kanyang ni Ai-Ai Delas Alas ay ang pagkatanggal nito sa poster ng kanilang show subalit wala rin naman umano siyang alam roon dahil desisyon ng kanyang producer na tanggalin ito.



“So ang ginawa ng producer ko na hindi ko naman alam, tinanggal siya sa poster – So nung nakita niya ‘yun siguro, sumama ‘yung loob niya,” pagbabahagi ni Rosanna.


Gayunpaman, hiling ni Rosanna Roces ngayon na muling manumbalik ang kanilang pagkakaibigan at magkaroon ulit sila ng show na magkasama.



Lian Paz nag-react sa P100 Daily Allowance ni Atasha Muhlach

Walang komento


 Ipinahayag ng dating dancer na si Lian Paz na nakaka-relate siya sa parenting style na natanggap ng Eat Bulaga host na si Atasha Muhlach, na ibinahagi na P100 lang ang natatanggap niyang allowance sa kanyang mga magulang na sina Aga Muhlach at Charlene Gonzales.


Sa kanyang Instagram post, inihayag ni Lian Paz ang kanyang pagkamangha kung paanong hindi nagreklamo si Atasha Muhlach sa allowance na natatanggap niya mula sa kanyang mga magulang sa kabila ng kanilang yaman mula sa kanilang matagumpay na showbiz career.


Ipinapalagay ni Lian Paz na kaya napagkasya ni Atasha Muhlach sa kanyang maliit na allowance dahil may posibilidad hinahatid naman ito gamit ang kanilang pribadong sasakyan sa paaralan.


“Na-amaze ako to know about Atasha Mulach’s 100 pesos daily allowance, kasi back then in college yan din ako. Pero sa akin, kasama na ang pamasahe at pangkain. O diba! Di Atasha baka di sundo naman or may school service, pure allowance lang ang 100 pesos,” pahayag ni Lian Paz sa kanyang post.


Hindi rin nakalimutan ni Lian na magpasalamat sa kanyang mga magulang sa pagtuturo sa kanya kung paano mag-budget ng kanyang pera.



Subalit, dahil sa ilang negatibong reaksyon sa kanyang post, nagpasya si Lian na tanggalin na lamang ito.


“Dinilete ko ang post ko. Iniba kasi ang perspective nu’ng pinost ko. Imbes I am thanking my parents dahil sa pagturo nila ng values sa money. Marami kasi ang entitled lately na dapat malaki ang allowances, nakita ko pa nga ‘yung anak na nireklamo tatay niya kay Tulfo,” pahayag ni Lian Paz.




Cristy Fermin Nagulat Sa Balitang Namaalam Na Si Sharon Cuneta Sa Showbiz

Walang komento


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang mga haka-haka na mamamaalam na sa showbiz ang Mega Star na si Sharon Cuneta, matapos ang pagbabahagi niya ng isang social media post.


Ikinalungkot ng maraming fans ng aktres na si Sharon Cuneta ang panibagong post na ibinahagi niya sa kanyang social media account dahil tila namamaalam na siya sa kanyang buhay bilang artista at singer.


Ayon kay Sharon Cuneta labis na niyang nai-enjoy ang kanyang buhay ngayon malayo sa magulong mundo ng showbiz industry. Nabanggit rin ni Sharon Cuneta na kung sakali mang tuluyan na niyang iwan ang magulong mundo ng showbiz ay magiging tahimik na ang kanyang buhay at hindi na niya kailangan pang mag-concert.


"I am very much enjoying my private life… When I leave, I won’t need a big concert or any bells and whistles to say goodbye…I will do it quietly, and I will bring all the love you have given me for over four and a half decades, and I will leave you mine…I am so thankful for all you have given me. I love you all very much," caption ni Sharon Cuneta sa kanyang post.


Dahil sa naging post na ito ni Sharon Cuneta,  marami ang naghinala na nalalapit na ang pagreresign ni Sharon Cuneta sa showbiz matapos ang 45 years.


Samantala, naglabas naman ng saloobin ang kilalang showbiz columnist at talent manager na si Cristy Fermin patungkol sa nasabing post ni Sharon Cuneta kung saan inihayag ng actress ang nalalapit na paghinto niya sa showbiz.


Ayon kay Cristy Fermin, hindi na kataka-taka kung sakaling maisipan na ng isang artista lalo na ang mga katulad ni Sharon Cuneta na ilang taon na ring nanatili sa industriya na tumigil na sa pagtatrabaho sa showbiz.


Natural lamang umano para sa mga artista na mangarap din ng isang pribadong buhay matapos ihayag sa mga tagahanga ang kabuuan ng kanilang buhay.


Gayunpaman, iniisip umano ni Cristy Fermin ang mga tagahanga ni Sharon Cuneta na hanggang ngayon ay sumuspurta pa rin kay Sharon Cuneta matapos ang maraming mga taon.


Subalit, naniniwala rin sina Cristy Fermin na hindi matutuloy ang pagreretire ni Sharon Cuneta sa showbiz dahil ilang beses na rin naman nitong sinasabi titigil na siya sa showbiz subalit hindi naman ito matuloy-tuloy dahil na rin siguro sa pagmamahal ni Sharon Cuneta sa kanyang craft at mga tagahanga na umaasang masisilayan pa siya sa mga pelikula at mga concert.



Joey De Leon Binuking Si Maine Mendoza Na Buntis Na! Pinagbawalan Sumayaw!

Walang komento


 Mainit na pinag-uusapan ngayon sa ilang mga entertainment news sites at mga social media platforms ang balitang nagdadalang tao ang actress-host na si Maine Mendoza base sa naging pahayag ni Joey De Leon sa kamakailang episode ng Eat Bulaga.


Sa kamakailang episode ng Eat Bulaga sa TV5 makikita ang pagsasayaw ni Maine Mendoza kung saan sinaway ito ni Joey De Leon na huwag itong masyadong gumalaw.


Dahil sa naging pahayag ni Joey De Leon, marami sa mga fans ni Maine Mendoza ang nagbubunyi dahil naniniwala silang nagdadalangtao na si Maine Mendoza matapos ang ilang buwan ng kasal nila ni Arjo Atayde.


Isa pa sa mga pinanghuhugutan ng maraming mga fans ni Maine Mendoza ay ang naging kaparehong pahayag noon ni Joey De Leon bago inamin ni Pauleen Luna ang pagbubuntis sa ikalawang anak nila ni Bossing Vic Sotto.


Kilala rin si Joey De Leon na siyang unang nagbubuking sa mga importanteng pangyayari sa buhay ng kanilang mga kasamahan sa Eat Bulaga.


Sa kabilang banda, may mga naniniwala naman na hindi ang pagbubuntis ni Maine Mendoza ang tinutukoy ni Joey De Leon kundi ang damit ni Maine Mendoza na baka ito ay bumaba, sa pagkakataong iyon kasi ay nakasuot si Maine Mendoza-Atayde ng white tube top.


Kaya sinabihan umano nito si Maine na huwag masyadong gumalaw. Ipinunto din nila na kung totoong buntis nga si Maine Mendoza ay hindi naman ito gagalaw at tatalon katulad ng kanyang ginawa sa episode na iyon kasama Joey De Leon.


Panoorin ng kabuuang video ni Maine Mendoza: https://www.facebook.com/reel/1623713928459610

Xander Arizala Nanindigan na Hindi Content Lang Ang Hiwalayan Nila Ni Gena Mago

Walang komento

Kaagad na sinagot ng dating actor at social media influencer na si Xander Arizala ang mga netizens na nagsasabing content lamang niya ang sinasabing hiwalayan nila ng kanyang partner na si Gena Mago.


Ayon kay Xander Arizala, sana ay totoong palabas lamang niya at prank ang sinasabing hiwalayan nila ni Gena Mago para hindi siya masyadong nasaktan.


Bilang patunay sa kanyang sinasabing hiwalayan ni Gena Mago, inilabas ni Xander Arizala na kilala rin noon bilang si Xander Ford sa showbiz ang ilang mga video kung saam makikita ang dating kinakasama na si Gena Mago na kasama na ngayon ang kanyang kaibigan.


Ibinahagi ni Xander Ford ang nasabing video sa kanyang social media account matapos ang pagsagot niya sa isang netizen na nagkomentong ang sinasabi niyang hiwalayan ni Gena Mago ay prank lamang kagaya noong mga prank niya kay Christian Merck Grey.


Ayon kay Xander Ford, sana nga ay hindi na lamang naging totoo ang lahat para hindi na siya gaanong nasaktan at buo pa rin ang kanyang pamilya.


Matatandaan na naging laman ng mga usap-usapan si Xander Ford Arizala at Gena Mago nang ginamit nila ang kanilang social media platform sa paniningil kay Christian Merck Grey sa ipinangako umanong pakimkim nito sa binyag ng kanilang anak.


Matapos ang ilang linggo parinigan ay nagpasya si Christian MercK Grey na ibigay ang hinihingi ni Xander Arizala na 349 thousand at ginawa pa niya itong 350 thousand.


Marami ang naniniwala noon na content lamang nila ni Christian Merck Grey ang bangayan nila patungkol sa pera kaya naman hindi rin kumbinsido ngayon ang maraming mga netizens na totoo ang hiwalayan nina Gena Mago at Xander Arizala lalo pa't kaibigan lamang nila ang sangkot sa isyu.



 

Yasmien Kurdi, Isinilang Na Ang Kanilang Pangalawang Anak ni Rey Soldevilla

Walang komento


 Isinilang na ng Kapuso actress na si Yasmien Kurdi ang kanilang ikalawang anak ni Rey Soldevilla sa pamamagitan ng caesarian section.


Ibinahagi ni Yasmien Kurdi sa kanyang Instagram account ang ilang mga larawan sa isinagawang procedure sa kanyang panganganak.


Isiniwalat din ni Yasmien Kurdi na nais sana niyang manganak ng normal subalit hindi raw naaayon sa kanyang mga plano ang nangyari.


Ayon kay Yasmien Kurdi, matapos ang maraming tests na isinagawa sa kanya napag-alaman na manipis pa rin pala ang kanyang CR scar matapos ang mahigit na 11 years. Hindi umano ito magandang indikasyon para ipagpatuloy nila ang kanyang plano na normal delivery.



Mas pinili na umano nila ang CS procedure sa mismong araw ng pagsisimula ng kanyang labor.


Napag-alaman din umano nila during the procedure na ang kanilang ikalawang anak ay mayroong cord coil. Kaya naamn mas nakabuti na rin ang pagpapa-CS.


"After series of tests nalaman namin na manipis pa din pala ang CS scar ko even after 11 years - not a good indication. 'Di na namin itinuloy because of many high-risk possible scenarios and we opted for CS the day I labored," pagbabahagi ni Yasmien Kurdi.


Dagdag pa niya, "We also found out during the procedure that the baby had a cord coil. It actually was a good call that we opted CS because if we tried VBAC [vaginal birth after cesarean section] we would have ended up doing CS still."


Ang cord coil ay ang pagpulupot ng pusod ng baby sa leeg nito habang nasa loob ng tiyan ng ina, na maaaring magdulot ng komplikasyon sa panganganak sa bata via normal delivery.


Labis rin nagpapasalamat si Yasmien Kurdi sa mga doktor na tumutulong sa kanya para mailabas ang kanyang ikalawang anak ng ligtas.


Kim Chiu, Masaya Na Ngayon Ang Buhay, Dahil Nga Ba Ito Kay Paulo Avelino?

Walang komento


 Maging ang mga taong malapit sa TV-host actress na si Kim Chiu ay nakakapansin na masaya na ngayon ang aktres  at tila wala na umano ang bakas ng hiwalayan nila ni Xian Lim.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng maraming mga netizens ang matinding pinagdaanan ni Kim Chiu nitong nakaraang taon matapos ang biglaang paghihiwalay nila ng kanyang longtime boyfriend na si Xian Lim.


Isa sa mga taong makakapagpatunay kung gaano na kasaya ngayon si Kim Chiu ay ang malapit na kaibigan nito na si Bela Padilla na nakasama ni Kim Chiu sa mga ups and downs nito sa buhay.


Marami naman ang naghinala na isa sa mga dahilan ng kasiyahan ngayon ni Kim Chiu ay walang iba kundi ang lalaking nalilink sa kanya na si Paulo Avelino.


Bukod pa rito, bumubuhos rin ang kanyang biyayang natatanggap ni Kim Chiu dahil sa kanyang mga natatanggap na projects at endorsements.


Hinala rin ng maraming mga netizens na may alam ang mga malalapit na kaibigan ni Kim Chiu sa totoong estado nila ni Paulo Avelino.



Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo