Dominic Roque Nagsalita Na Sa Breakup Kay Bea Alonzo at Kung Bakit Ayaw Sa Kanya Ng Mommy Ni Bea!

Walang komento

Huwebes, Mayo 2, 2024


 Mainit na pinag-uusapan ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang naging pahayag umano ni Dominic Roque matapos maiulat ang paghihiwalay nila ni Bea Alonzo sa ikalawang pagkakataon matapos ang tila pagbabalikan nila ilang linggo matapos kumpirmahin ang kanilang paghihiwalay.


Ayon pa sa mga usap-usapan, tila tinugunan na umano ni Dominic Roque ang isyu sa pagitan nila ng ina ng aktres na noon pa man ay umayaw na sa kanya bilang mapapangasawa ni Bea Alonzo.


Matatandaan na may mga naglabasang mga ulat na umano'y umayaw si Mommy Mary Anne, ina ni Bea Alonzo kay Dominic Roque dahil mahirap lamang ang actor-model kung ikukumpara sa kayamanan ng kanyang anak kaya naman inutusan nito ang aktres na maghanap na lamang ng bagong jowa at tuluyang iwanan si Dominic Roque.


Labis umano na nasasaktan ngayon si Dominic Roque sa kinahantungan ng relasyon nila ng aktres na si Bea Alonzo matapos ang mahaba nilang relasyon, dahil lamang sa antas ng kanyang pamumuhay at sa panghuhusga sa kanyang pagkatao.


Unang lumabas ang isyung ito sa naging showbiz update ni Manay Cristy Fermin kung saan inilahad nito ang may pakana sa tuluyang paghihiwalay nina Bea Alonzo at Dominic Roque.


Ayon kay Cristy Fermin, ang ina ni Bea Alonzo ang totoong dahilan ng paghihiwalay ng dalawa dahil noon pa man ay hindi na ito boto kay Dominic Roque lalo na noong malaman nito ang net worth ng actor-model.


Natakot lamang rin lang umano si Mommy Mary Anne na masira lamang ni Dominic Roque ang pangalan ng kanyang anak dahil sa pagkalat ng mga hindi magandang negosyo ni Dominic Roque.


Samantala, ayon sa aming mga nakalap na impormasyon, labis umano na nasasaktan ngayon si Dominic Roque dahil sa panghuhusga sa kanya ng wala namang basehan. Hindi rin umano pera ang habol niya sa aktres dahil totoong mahal naman niya ito na makikita naman sa kanyang mga kilos.


Iginiit din ni Dominic Roque na wala siyang ginagawang masama at legal ang lahat ng kanyang mga negosyo at alam ni Bea Alonzo ang lahat ng ito.


Pawang paninira lamang umano sa kanyang karakter ang mga naglabasang mga bali-balita. Bagama't aminado siyang mas mayaman si Bea Alonzo kaysa kanya ay hindi naman umano ito sapat para pag-iisipan siya ng masama lalo na ng ina ng aktres.



Programme Inilabas Na Para Malinaw Ang Sapawan Isyu Sa Pagitan ng Orange And Lemons at Ni Francine Diaz

Walang komento


 Ikinalulungkot ngayon ng maraming mga tagahanga ng actress-singer na si Francine Diaz ang natatanggap nitong bashing matapos lumabas sa ilang mga social media platforms ang isyung pagsingit nito sa performance ng Orange and Lemons Band sa isang event sa San Jose, Occidental Mindoro.


Naglabasan ang mga bali-balita na hindi umano nakapaghintay si Francine Diaz sa kanyang cue kaya naman sinapawan na nito ang performance dapat ng Orange and Lemons band gayung mauuna naman dapat ang mga ito sa pagperform at panghuli na dapat ang actress-singer.


Kumakalat pa ngayon sa ilang mga social media platforms ang mga larawan ng programme sa nasabing event kung saan makikita talagang panghuli dapat si Francine Diaz. Makikita sa programme na mauuna talaga ang performance ng Orange and Lemons dahil pang-finale na sana ng event ang paglabas ni Francine Diaz.


Sa kabilang banda, marami sa mga fans ni Francine Diaz ang nagsasabi na kahit ganoon ang nangyari, dapat ay hindi ang actress ang sisisihin ng mga netizens at banda kundi ang organizers ng event dahil matagal na inumpisahan.


Bukod sa matagal na nag-umpisa ang event tila nahiya umano ang mga organizers ng event kay Francine Diaz dahil alas 7 pa lamang ay naroon na ito sa event at matagal-tagal na ring naghintay. Samantalang ang Orange and Lemons ay dumating naman ng bandang 11 p.m na kaya naman tila napagdesisyunan ng organizers na paunahin na lamang si Francine Diaz.


Sa mga kumakalat na video, tila nagkasabay sa stage sina Francine Diaz at ang Orange and Lemons na naghahanda na sa kanilang performance.


Nabigla rin ang banda sa pagpasok ni Francine Diaz dahil buong akala nila ay sila muna ang magpeperform kaya naman pakiramdam nila ay sinapawan at inagawan sila ng spotlight ng aktres.


Hindi naman nagustuhan ng mga fans, ni Francine Diaz ang pambabastos ng gitarista ng banda sa performance ni Francine dahil kahit kumakanta na si Francine ay patuloy pa rin ang pagkalabit nito sa kanyang gitara.



Vhong Navarro Naglabas Ng Pahayag Matapos Ang Inilabas Na Hatol ng Taguig RTC Laban Kina Deniece at Cedric Lee

Walang komento


 Kaagad na naglabas ng pahayag ang TV-host, actor na si Vhong Navarro sa inilabas na desisyon ng korte kung saan hinatulan sina Deniece Cornejo at Cedric Lee ng habambuhay na pagkakabilanggo.


Labis ang sayang nararamdaman ngayon ng It's Showtime host na si Vhong Navarro sa natamong legal victory laban kina Cedric Lee at Deniece Cornejo.


Tuluyan nang inilabas ng Taguig Regional Trial Court ang kanilang hatol laban sa mga akusado na sina Cedric Lee, Deniece Cornejo, Zimmer Raz at Ferdinand Guerrero nitong Hwebes ng umaga ng May 2, 2024.


Hinatulang guilty ang mga akusado at ipinag-uutos na rin ng korte ang agarang pag-aresto sa mga ito upang harapin ang parusang habambuhay na pagkakabilanggo.


Bagama't maari pa namang iapela ng mga akusado ang desisyon ng korte, kinansela naman ang kanilang bail bond.


Samantala, kaagad naman naglabas ng reaksyon si Vhong Navarro sa naging hatol ng korte sa mga akusado.


Nitong, hwebes ng tanghali sa noontime show na It's Showtime, ibinahagi ni Vhong Navarro ang kanyang nararamdaman sa naging desisyon ng korte.


Ipinahayag ni Vhong Navarro ang kanyang pasasalamat sa nakamit na hustisya matapos ang mahigit sampung taon na paghihintay.


Unang pinasalamatan ni Vhong Navarro ang Panginoon na palaging nakagabay sa kanya. Pinasalamatan din ni Vhong Navarro ang Taguig Regional Trial Court sa hatol laban sa mga akusado.


Hindi rin kinalimutan ni Vhong Navarro na pasalamatan ang kanyang legal team sa pangunguna ni Atty. Alma Mallonga dahil sa hindi nito pagbitaw at pagsama sa kanya hanggang sa nakamit na umano niya ang nararapat na hustisya sa ginawa nina Cedric Lee, Deniece Cornejo at iba pang mga kasamahan sa kanya.


Bukod sa mga ito, ay pinasalamatan din ni Vhong Navarro ang kanyang ABS-CBN family na hindi tumalikod sa kanya, nagtiwala at naniniwala sa kanya.


Ipinahayag din ni Vhong Navarro ang kanyang pasasalamat sa kanyang manager na si Direk Chito Rono, at mga kaibigan kasama na ang Streetboys.


Maging ang mga fans na patuloy na naniniwala sa actor-TV host ay hindi rin niya nakalimutang pasalamatan sa patuloy na pagsuporta sa kanya sa likod ng maraming pambabatikos.


Talagang makabagbag damdamin rin ang mensahe ni Vhong Navarro para kanyang It's Showtime Family na tumanggap sa kanya pagkatapos ng mga pinagdaanan.


"Sa staff ng Showtime, Showtime family, maraming salamat kasi hinahabaan niyo yung pasensiya niyo.


"Kasi minsan lutang ako, rollercoaster pinagdaanan ko, ang hirap explain, pero minsan sabaw ako dito, e.


"Pero nandiyan kayo, kahit yung mga bitaw ko, mga hirit ko, e, sablay, papuntang norte, papuntang south.


"Hindi ko alam, pero nandiyan kayo to support me, dahil alam kong mahal na mahal niyo ako."


Pinasalamatan din ni Vhong Navarro ang kanyang pamilya, ang kanyang mga anak, at asawang si Tanya Bautista na ala m niyang labis na naapektuhan sa pinagdaanan niyang legal battle.


Malaki ang pasasalamat ni Vhong Navarro sa kanyang asawa, dahil sa kabilang mga paghihirap at pagiging imperfect husband niya ay hindi pa rin siya nito iniwan.


Sa kabilang banda, hindi pa naman naglalabas ng pahayag ang kampo nina Deniece Cornejo at Cedric Lee sa pagkatalo nila sa kaso.




Deniece Cornejo and Cedric Lee Hinatulan Ng Habambuhay!

Walang komento


 Hinatulan na ng habang buhay na pagkakabilanggo sina Cedric Lee, Deniece Cornejo at ilan pang mga kasangkot sa kasong serious illegal detention na isinampa sa kanila ng It's Showtime host na si Vhong Navarro.


Nitong hwebes May 2, 2024, binasa na sa korte ang hatol kina Deniec Cornejo, Cedric Lee at iba pang kasamahan nila na sina Zimmer Raz at Ferdinand Guerrero.


Ipinag-utos na rin ng korte ang pag-aresto sa mga nasabing akusado para harapin nila ang kanilang parusang reclusion perpetua o habang buhay na pagkakabilanggo.


Kinansela rin ng korte ang inihain nilang bail bond. Gayunpaman, maari naman umano silang mag-apela upang baguhin ang desisyon ng korte.


Matatandaan na sampung taon na ang nakakalipas matapos ang insidenteng pambubugbog, paggapos, pananakot at pag-detain kay Vhong Navarro sa loob ng condo unit ni Deniece Cornejo.


Naganap ang nasabing insidente noong January 22, 2014 sa Taguig City.


Ang balitang ito ay kinumpirma mismo ng legal counsel ni Vhong Navarro na si Atty. Alma Mallonga kung saan inilahad niya ang inisyung court order laban sa grupo nina Cedric Lee at Deniece Cornejo.


Isiniwalat din ng abogado ni Vhong Navarro na hindi nagpakita sa korte sina Cedric Lee at Deniece Cornejo noong ihayag ng korte ang 'promulgated of judegement' para sa kanila.


Ipinag-utos na rin ng korte ang agarang pag-isyu ng warrant of arrest laban kay Cedric Lee.


Hindi naman ito ang unang pagkakataon na nahatulan ng guilty sina Deniece Cornejo at Cedric Lee dahil noong July 2018 ay nahatulan din silang guilty sa kasong grave coercion na isinampa rin ni Vhong Navarro.



Kim Chiu Agad Humugot Matapos Mapili Na Maghanap Ng Magjowang Nagdi-Date Sa It's Showtime

Walang komento

Miyerkules, Mayo 1, 2024


 Muli na namang napagkaisahan ng mga kasamahang It's Showtime hosts ang actress na si Kim Chiu sa kamakailang episode ng It's Showtime. 


Ito'y matapos ang pagkakapili kay Kim Chiu para sa random act of kindness para maghanap ng mga mag-jowang nagdi-date.


Napa-react naman rito si Vice Ganda, at natatawang taon kung bakit sa dinami-rami nilang hosts ay si Kim Chiu pa ang napili para maghanap ng mga magjowang nagdidate.


Gayunpaman, game na game pa ring naghanap si Kim Chiu ng mga jowang kasalukuyang nagdidate. Sinabi pa ni Kim Chiu na talagang pagbubutihan niya ang paghahanap ng mga magjowa.


Samantala, sa kamakailang social media post ni Kim Chiu nagpatulong na siya sa kanyang mga tagahanga at tagasuporta para makahanap ng mga magjowa na mapupuntahan sa pamamagitan ng sasakyan.


May mga nagkomento naman sa post ni Kim Chiu kung saan ibinahagi nila ang larawan nila ni Paulo. Kaagad naman itong sinagot ni Kim Chiu na  sobrang busy umano nilang dalawa kaya naman iba na lamang ang erekomenda, bukod pa rito, hindi naman umano kailangang nila ni BMC ng ayuda dahil naipareserved nga nito ang buong EK.


Ang tinutukoy ni Kim Chiu ay ang mga karakter nila sa kanilang teleserye na What's Wrong With Secretary Kim? subalit, iba ang naiisip ng mga KimPau shippers.


Hinala ng maraming fans, na unti-unti na umanong inaamin nina Kim Chiu at Paulo Avelino ang kanilang pagmamahalan. Inuunti-unti lamang umano nila ang pag-amin sa kanilang relasyon dahil pareho silang nagmula sa isang hiwalayan.




Kc Concepcion at Sharon Cuneta Nagdededmahan, Walang Greetings Sa Isa't-Isa?

Walang komento


 Laman ng mga usap-usapan ngayon sa ilang social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang patungkol sa muling pagdededmahan ng mag-inang sina Sharon Cuneta at KC Concepcion sa social media kung saan hindi nila binati ang isa't-isa.


Marami ang nakapansin na tila dinedma umano ni KC Concepcion ang 28th wedding anniversary ng kanyang ina at ni Former Senator na si Kiko Pangilinan.


Bagkos, ay nagkaroon ito ng extended birthday celebration kasama ang kanyang mga malalapit na kaibigan.


Naroon rin sa nasabing selebrasyon ang sina Ruffa Gutierrez at iba pang malalapit kay KC Concepcion sa showbiz industry subalit, kapansin-pansin na hindi parin namataan ang kinilalang boyfriend nito na si Mike Wuthrich.


Sa kabilang banda, nagbahagi naman ng social media post si Sharon Cuneta kung saan binati nito ang kanyang mister na si Kiko Pangilinan para sa kanilang 28th wedding anniversary.



“Happy 28th Wedding Anniversary to my “Sutart,” “neybor,” “playmate,” number 1 fan, cheerleader - the best Dad to our children and the best hus-band! Though we’ve experienced some ‘turbulence’ in our marriage, and it hasn’t always been easy being married to each other, we both know that WE are always worth fighting for.Thank you for loving me, loving us the way you do. I love you so very much!”


Marami naman sa mga fans ni Sharon Cuneta ang naantig dahil sa emosyunal na pagbati ni Miel Pangilinan para sa kanyang mga magulang para sa wedding anniversary ng mga ito.


Nirepost kaagad ito ni Sharon Cuneta kalakip ang pasasalamat sa kanyang anak.


Narito ang buong nakakaantig damdamin na pahayag ni Miel Pangilinan para sa kanyang mga magulang.


“happy 28th anniversary, mama and dada


“for the years i’ve been alive, you’ve shown me what it means to love someone—to love them patiently and perseveringly and unconditionally. in turn, my siblings and i have grown into individuals with so much love to give that it seeps from us without even trying.


“in a world filled with so much hatred and resentment, thank you for showing me that love always prevails. thank you for teaching me how to love, and what it feels like to have it reciprocated.


“the invisible string that brought you two together, some 28 years ago has spun new threads around my siblings and i, and will continue to spin until the time comes that i get to have my own kids and raise them with the same love you did me.


“here’s to another 28. and another 28. and another 28. into infinity.


“miel”


Samantala, napansin naman ng maraming mga netizens ang hindi pagbabahagi ng post ni KC Concepcion bilang pagbati sa kanyang ina at sa asawa nitong si Kiko Pangilinan.


Hinala tuloy ng maraming mga netizens na hanggang ngayon ay mayroon pa ring hindi pagkakaintindihan sa pagitan nina KC Concepcion at sa panibagong pamilya ng kanyang anak.



Camille Prats Niregaluhan Ng Purity Ring Ang Kanyang Panganay Na Anak!

Walang komento


 Ibinahagi ni Camille Prats-Yambao ang kanyang karanasan sa dinaluhan nilang ‘purity ball’ noong Sabado kasama ang kanyang anak na si Nathan Prats.


Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Camille ang pangako ni Nathan na mananatiling ‘pure’ bago magpakasal upang sundin ang mga itinuturong aral ng kanilang Simbahan.


Bilang bahagi ng kanyang mga panata, sinuot ni Nathan ang isang 'purity ring' bilang simbolo ng kanyang pangako na umiwas sa pisikal at mental na pakikipagtalik.


Pagbabahagi ni Camille Prats, “Grateful for tonight’s meaningful event! We made a vow together as mom and son to stay pure until he finds the one whom he wants to bring to God to spend the rest of his life with.” 



“Nate, i pray that God will impress it upon your heart the importance of staying pure in obedience to Him for as we say, obedience brings… blessings. May your heart be blessed and be aligned to God’s will for your life.

Love you forever boys,” dagdag pa niya.


Ang post ni Camille ay umani ng iba't ibang reaksyon mula sa mga netizens at nagbunsod ng talakayan kung dapat pa bang isagawa ang abstinence practice ngayon.


Narito ang ilang komento ng mga netizens sa post ni Camille Prats.


"I thought these ceremonies are just for girls, so glad na even sa boys ay meron dapat. Praise God!"


"Proverbs 22:6 KJV: Train up a child in the way he should go: and when he is old, he will not depart from it."


"Didn't know there are these ceremonies. Church? As Christian parents we really want to raise our kids in this light."


“Hopefully gusto talaga ng anak nya yan kasi baka dumating ang araw na pag awayan nila yan tapos pinublic pa internet is forever pa naman.”



“This is mind-conditioning. Before age of 18, fine. But not when the son is of legal age and can decide what he does for his body, then there will be shame when public sees the ring missing.” 


May mga nagsasabi rin na hindi naman nasasamahan ni Camille Prats ang kanyang anak 24/7 kaya hindi niya malalaman kung tinutupad nga ba nito ang kanyang panata.


Angeli Khang, Nagtago Nang Isang Linggo Matapos Madamay Sa Hiwalayang Bea Alonzo-Dominic Roque

Walang komento


 Nagbigay na ng pahayag ang Vivamax actress na si Angeli Khang at nilinaw na ang mga bali-balitang nagsasangkot sa kanya bilang dahilan ng hiwalayan nina Bea Alonzo at Dominic Roque.


Matatandaan na sa kalagitnaan ng mga usap-usapan patungkol sa kontrobersyal na hiwalayan nina Bea Alonzo at Dominic Roque ay isa si Angeli Khang sa mga pangalan na nadawit dahil nahuli umano ni Bea Alonzo si Dominic Roque na nanonood sa mga pelikula na pinagbibidahan ng sexy actress.


Hindi naman ito pinaniwalaan ng maraming mga netizens dahil napakababaw lamang na dahilan ng isang hiwalayan ang panonood ng sexy movie na humantong pa sa pagkaka-udlot ng kanilang kasal.


Lalo pang nadiin sa isyu si Angeli Khang dahil sa inilabas na kwento ng self-proclaimed Pambansang Marites na si Xian Gaza.


Samantala, sa kamakailang episode ng 'Updated With Nelson Canlas' diretsahang sinagot ni Angeli Khang ang nasabing isyu na may kinalaman siya sa hiwalayang Bea Alonzo at Dominic Roque at pagkakansela ng kanilang nalalapit sana na kasalan.


Pinabulaanan ni Angeli Khang ang mga isyu at ipinagdidiinan na fake news lamang ng lahat. Inilahad pa ni Angeli Khang na hindi naman sila magkakilala sa personal ni Dominic Roque.


Iginiit pa niya na wala silang koneksyon dahil kailanman ay hindi pa naman sila nagkasama sa iisang proyekto o nagkatrabaho kahit saglit lang.


Inilahad pa ni Angeli Khang na labis siyang naapektuhan sa kumalat na fake news dahil talagang pinag-iinitan siya ng mga fans ni Bea Alonzo.


Sa tuwing lumalabas umano siya ay nakikita niya ang mga tingin ng mga tao, minsan ay tinatarayan pa umano siya na para bang sigurado na ang mga ito na siya talaga ang reason ng hiwalayan nina Bea Alonzo at Dominic Roque.


Dahil dito, pinili umano ni Angeli Khang na pansamantalang magtago sa tao, isang linggo siyang hindi lumabas at nagpakita upang makaiwas na rin sa mga usap-usapan.




Paulo Avelino May IBINUKING sa Tunay na Relasyon nila ni Kim Chiu!

Walang komento


 Muling iniintriga ngayon ng maraming mga netizens ang actor na si Paulo Avelino dahil tila inamin na rin umano niya ang totoong namamagitan sa kanila ni Kim Chiu sa naging guesting nito sa vlog ni Luis Manzano kamakailan lamang.


Labis na kinikilig ngayon ang mga tagahanga ng KimPau loveteam dahil malakas umano ang kanilang kutob na nagkakamabutihan na ang dalawa dahil naiiba na umano ang kislap ng mga mata ngayon ng aktor sa tuwing napag-uusapan ang actress-TV host na si Kim Chiu.


Sa naging guesting ni Paulo Avelino sa YouTube vlog ni Luis Manzano na Luis Listens, marami ang kanilang mga napag-usapan kabilang na ang mga kasalukuyang pinagkakaabalahang proyekto ngayon ng aktor.


Naitanong ni Luis Manzano kay Paulo Avelino ang mga upcoming projects nito at ang patungkol sa kanyang pinagbibidahang pelikula na pinamagatang Elevator kung saan nakasama niya ang aktres-Beauty Queen na si Kylie Verzosa.


Sa kalagitnaan ng kanilang pag-uusap ay napag-usapan nila ang patungkol kay Kim Chiu, kaagad na napansin ng maraming mga KimPau shippers na nagbago umano ang mood ni Paulo Avelino at nagkaroon ng ningning ang mga mata na tila ba pahiwatig na interesting topic para sa kanya ang actress na si Kim Chiu.


Sa bandang huli ng guesting ni Paulo Avelino, nagpalaro si Luis Manzano ng 'pass or shot' challenge kung saan iinum si Paulo Avelino kung hindi niya kayang sagutin ang mga katanungan ni Luis Manzano.


Unang naitanong ni Luis Manzano kung single ba si Paulo Avelino, matapos ang kanyang pag-iisip napili ni Paulo Avelino na mag-shot, ibig sabihin hindi niya masasagot ang tanong.


Kasunod naman na natanong si Paulo Avelino kung may nililigawan na ba siya ngayon na muli ring hindi nasagot ni Paulo Avelino.


Sa kabila ng hindi pagsagot ni Paulo Avelino sa katanungan ni Luis Manzano naghinala ang maraming mga netizens na may namamagitan na talaga sa pagitan nila ni Kim Chiu na tinatago lamang pansamantala nila ngayon sa publiko dahil kagagaling pa lamang nila sa mga hiwalayan.


Gayunpaman, may mga netizens na hinihintay ang tuluyang kumpirmasyon ni Paulo Avelino dahil nasanay na umano sila sa malakas na fan service ng aktor.


Sa tuwing magkakaroon ito ng leading lady ay talaga ipinapakita ng aktor ang kanilang sweetness kagaya na lamang noong sila ni Janine Gutierrez ang nagkatambal.




Yasser Marta Hindi Alintana Ang Malaking Age Gap nila ni Claudine Barretto

Walang komento


 Nagbigay na ng pahayag ng Sparkle artist na si Yasser Marta patungkol sa totoong nararamdaman niya sa batikang aktres na si Claudine Barretto.


Ilang linggo nang naging laman ng mga usap-usapan sa social media ang pagkakaroon ng romantikong relasyon nina Claudine Barretto at Yasser Marta matapos silang mamataan na sweet at sobrang close sa isa't-isa off cam.


Sa isang panayam kay Yasser Marta, inamin ng aktor na totoong nagugustuhan na niya ang aktres na si Claudine Barretto dahil nakilala umano niya ang totoong pagkatao nito habang ginagawa nila ang kanilang teleserye na Lovers/Liars.


Sa kamakailang guesting ni Yasser Marta sa Sarap Di Ba? noong sabado April 27, 2024, napili na itanong sa kanya ng kapwa guest na si Liezel Lopez sa segment na Trip to the Hot Seat ng nasabing programa kay Yasser Marta ang patungkol kay Claudine Barretto.


Binuking ni Liezel Lopez na magmula nang magkasama sina Yasser Marta at Claudine Barretto sa iisang teleserye ay napapadalas na ang kanilang pagsasama off-cam.


Pina-rate din ni Liezel kay Yasser Marta ang level of closeness or intimacy nila ni Claudine Barretto.


Kaagad naman itong sinagot ni Yasser Marta na kung closeness nila ni Claudine Barretto ang pag-uusapan ay nasa 10/10 talaga.


Ayon pa kay Yasser Marta na labis umano silang nagkalapit ni Claudine Barretto magmula ng gawin nila ang Lovers/Liars. Maging ang mga anak ni Claudine Barretto ay naging kaibigan na rin umano niya.


Hayagan ding inamin ni Yasser na naging totoo ang feelings niya para kay Claudine Barretto dahil nakilala na rin umano ang totoong katauhan nito.


Bukod sa pagiging mabait, napakalambing at nagpakabuting tao umano ni Claudine Barretto na labis na nagpahanga sa kanya.


Wala namang nakikitang mali si Yasser Marta sakaling magkadevelopan nga sila ni Claudine Barretto dahil pareho naman silang single na dalawa.


Matagal na ring single si Claudine Barretto magmula nang maghiwalay sila ng estranged husband na si Raymart Santiago, samantalang inamin na rin noon ni Yasser Marta na hiwalay na siya sa kanyang girlfriend na si Kate Valdez noong November 2023.



Bandang Orange And Lemons Hindi Nagustuhan Ang Pananapaw ni Francine Diaz

Walang komento


 Naging laman ng mga usap-usapan sa social media at ilang mga entertainment news sites ang OPM band na Orange and Lemons matapos ang biglang pag-alis nila sa stage sa gitna ng kanilang performance.


Kumakalat ngayon sa social media ang mga video sa isang LGU event sa San Jose, Occidental Mindoro, kung saan makikitang naghahanda na ang bandang Orange and Lemons para mag-perform nang biglang lumabas sa stage ang aktres na si Francine Diaz para batiin ang audience matapos siyang tawagin ng host.


Hindi naman ito nagustuhan ng banda kaya naman umalis na lamang sila sa entablado dahil pakiramdam nila ay  ninakaw sa kanila ni Francine Diaz ang limelight.


Makalipas ang ilang sandali, ipinahayag ng bokalista ng Orange and Lemons na si Clem Castro sa mga manonood at iba pang mga artist na aralin kung paano igalang ang ibang mga performer.


“Gusto ko lang manghingi ng paumanhin pero kailangan ko lang sabihin ‘to… Para sa mga artist, sana naman walang sumisingit… Respeto lang ba?” pahayag ni Clem.


Ikinagulat naman ng audience ang naging pahayag na ito ni Clem dahil hindi nila inaasahan na ganoon na lamang ito ka prangka sa kanilang pagsasalita laban kay Francine Diaz.


Sa kabilang banda, may ilang mga netizens ang naniniwala na ang insidente ay dapat isisi sa host at sa mga organizers ng event at hindi kay Francine Diaz na tinawag lang naman kaya maaring hindi alam na magpeperform na pala dapat ang banda.


Ayon sa kanila, tinawag lang si Francine Diaz para magperform sa stage at may posibilidad na hindi niya alam na pinaghahandaan na ng Orange and Lemons ang kanilang pagtatanghal noong mga panahong iyon.


Sa ngayon ay hindi pa naman naglalabas ng pahayag si Francine Diaz at maging ang mga organizers sa event sa San Jose Occodetal Mindoro hinggil sa nangyaring sapawan incident.


Francine Diaz May Cryptic Post Na Patama Para Sa Ex-Bff Na Si Jayda!

Walang komento


 Mainit na pinag-uusapan ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang pagsisiwalat ni Jayda Avanzado patungkol sa totoong estado ng pagkakaibigan nila ni Francine Diaz.


Matatandaan na sa isang panayam, hayagang inamin ni Jayda Avanzado na mayroon silang hindi pagkakaunawaan ni Francine Diaz matapos ang pagpapapicture niya kasama si Andrea Brillantes noong nagkasama sila sa iisang event.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na talagang malapit sa isa't-isa sina Jayda Avanzado at Francine Diaz kaya naman marami ang nagulat sa isiniwalat ni Jayda Avanzado ang pagkasira ng kanilang pagkakaibigan dahil lamang sa isang picture kasama si Andrea Brillantes.


Hindi rin naman kasi lingid sa kaalaman ng maraming mga netizens ang isyu sa pagitan nina Andrea Brillantes at Francine Diaz na may kaugayan sa aktor na si Seth Fidelin.


Lalo pang uminit ang isyu, nang mapansin ng maraming mga tagahanga ni Francine Diaz na hindi man lamang ipinagtanggol ni Jayda Avanzado si Francine sa mga negatibong komento ni Cristy Fermin, bagkus sinabi lamang nito na ayaw niyang maki-alam sa isyu nina Francine Diaz at Andrea Brillantes.


Ilang araw matapos ang pagsisiwalat na ito ni Jayda Avanzado, nagbahagi ng isang cryptic post si Francine Diaz sa kanyang social media account kung saan ipinahiwatig nito ang pagiging totoo niya sa kanyang sarili.


"The most stressful thing for you to do is to be someone else. And the easiest thing for you to do in the world? To be yourself."


Hinala ng mga netizens na ito na ang kasagutan ni Francine Diaz sa mga ibinabatong isyu sa kanya sa likod ng pagkasira ng pagkakaibigan nila ni Jayda Avanzado.




Francine Diaz Nag Walk Out Sa Isang Event Hindi Nagustuhan Ang Ginawa Ng Banda

Walang komento


 Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang Kapamilya young actress na Francine Diaz dahil sa pagwa-walk out nito sa isang LGU event sa Occidental Mindoro.


Ayon sa mga nakasaksi sa nasabing event ay hindi man lang nagtaggal ng sampung minuto ang performance ni Francine Diaz ay nagpaalam na ito sa kanyang mga tagahanga na matagal-tagal ring naghintay sa kanya.


Kaagad naman itong umani ng samu't-saring reaksyon mula sa mga netizens lalo na ang mga hindi alam ang totoong dahilan kung bakit tila nag-walk out si Francine Diaz ilang minuto matapos ang pagtungtong niya sa stage.


May mga netizens na nagsasabing tila nag-eenarte na umano itong si Francine Diaz dahil sa ginawa nitong pagwa-walk out sa kabila ng paghihintay ng kanyang mga fans.


Subalit, kaagad namang ipinagtanggol ang aktres ng kanyang mga tagahanga. Ayon sa kanila, wala umanong respeto ang organizer. Ilang oras din umanong naghintay ang aktres bago makapagperform.


Kaya naman nararapat lamang umano na umalis si Francine Diaz dahil tila hindi naman siya napapahalagahan.


Bukod pa rito, tila binabastos rin ng gitarista ng banda si Francine Diaz dahil kahit nagpeperform na ang aktres sa stage ay patuloy pa rin ang pagtugtog nito.


Kahit naasiwa na si Francine Diaz na halata naman sa kanyang mukha ay patuloy pa rin ang kanyang pagkanta, kahit pa mas malakas ang tunog ng gitara kaysa sa kanyang boses.


Tila kinausap pa ni Francine Diaz ang mga ito subalit, tila inisulto lang nila ang dalaga at talagang nagbulungan pa sa harap nito. Maging ang mga kasamahan sa banda ay hindi man lamang sinaway ang gitarista na   panggulo sa performance ng aktres.


Sa ngayon ay hindi pa naman naglalabas ng pahayag ang pamunuan ng event na dinaluhan ni Francine Diaz patungkol sa sinasabing pagiging disrespectful nila sa aktres.



@diazchinnn

dessapointed at nasaktan talaga si chin😞🥺

♬ original sound - francine diaz

Kathryn Bernardo Nagsalita Na, Pagmumura Ni Daniel Padilla Na May Kapiling Ka Nang Iba

Walang komento


 Hanggang ngayon ay mainit pa ring pinag-uusapan ang biglang pagmumura ni Daniel Padilla habang kumakanta sa harap ng kanyang mga invited guest sa kanyang post birthday celebration sa Tanauan, Batangas noong April 28, 2024.


Marami ang naghinala na may kinalaman ang pagmumurang ito ni Daniel Padilla sa napapabalitang panliligaw ni Alden Richards kay Kathryn Bernardo.


Hinala ng maraming mga netizens na labis na nanghihinayang ngayon si Daniel Padilla  sa naging relasyon nila ni Kathryn Bernardo dahil nakikita niyang ibang lalaki na ang kapiling ngayon ni Kathryn Bernardo na dati naman ay siya ang gumagawa.


Matatandaan na magmula noong inamin nila ang kanilang paghihiwalay ay naging bukas na rin sa publiko ang pagkakaibigan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.


Kasa-kasama na rin ito ng aktres sa mga importanteng okasyon sa kanyang buhay, kabilang na noong birthday celebrations ni Kathryn Bernardo at noong nagpablessing sila sa kanilang multi-million dream house.


Bukod pa rito, naging laman rin ng mga usap-usapan na botong-boto ang mga magulang ni Kathryn Bernardo at mga kapatid kay Alden Richards at welcome na umano ang aktor sa kanilang bahay. Bagay na dati naman ay siya ang may pribilihiyo.


Samantala, marami naman ang nagsasabi na sana ay mag-move on na rin itong si Daniel Padilla dahil makikita namang wala na talaga silang pag-asa pa ni Kathryn Bernardo.


Dapat umano na tanggapin na ni Daniel Padilla na hindi talaga sila magkakabalikan pa ni Kathryn Bernardo dahil makikita namang masaya na ang aktres sa kalayaang natamo nito makalipas ang 11 years nilang relasyon na puno ng mga restrictions at pagbabawal.


Samantala, naniniwala naman si Kathryn Bernardo sa isang panayam na ok na ok na siya ngayon at naniniwala siyang naroon na siya sa lugar kung saan siya nararapat. 




Gerald Anderson Nagsalita Na Sa Balik-Tambalan Ni Joshua at Julia Barretto!

Walang komento


 Inaabangan ngayon ng maraming mga tagahanga at tagasuporta nina Joshua Garcia at Julia Barretto ang kanilang comeback movie matapos ang ilang taon makalipas ang kanilang controversial na hiwalayan.


Makalipas ang maraming taon, tila napapanahon na rin na muli silang magsama sa iisang proyekto dahil makikita namang pareho na silang nakapag-move on at masaya na sa kani-kanilang mga karelasyon sa ngayon.


Nauna nang naglabas ng pahayag sina Julia Barretto at Joshua Garcia patungkol sa pagkakaroon nila ng pelikula kung saan naniniwala silang pareho na handa na silang gumawa at magsamang muli sa iisang proyekto.


Samantala, natanong rin ng ilang mga press people si Gerald Anderson patungkol sa saloobin niya sa pagkakaroon ng comeback movie ng kanyang girlfriend sa dating kasintahan nito na si Joshua Garcia.


Naniniwala naman umano si Gerald Anderson na walang mali sa pagsasamang muli ng kanyang girlfriend na si Julia Barretto sa ex-boyfriend nito na si Joshua Garcia dahil maganda naman umano ang konsepto ng pelikula at alam niyang lalo pa itong gaganda dahil parehong magaling na artista sina Julia Barretto at Joshua Garcia.


Sa naging pahayag na ito ni Gerald Anderson ipinakita lamang ng aktor ang kanyang professionalism. Bukod pa rito, ipinakita rin ni Gerald Anderson ang kanyang confidence na nakapag-move on na si Julia Barretto kay Joshua Garcia at walang relationship comeback na magaganap.


Umani naman ito ng positibong reaksyon mula sa mga netizens na nasisiyahan dahil suportado ni Gerald Anderson ang kanyang nobya sa mga proyekto nito kahit pa hindi siya ang leading man nito.


Naniniwala rin ang mga netizens na napapanahon na ang pagbibigay ng kapatawaran sa isa't-isa dahil nauna nang nakita ang pagkakaayos nina Julia Barretto at Bea Alonzo na na-isyu noon.




Nakakaiyak Bagong Rebelasyon Ni Angelica Panganiban 1 Week Matapos Ikasal Kay Gregg Homan!

Walang komento


 Hindi naiwasan ng maraming mga netizens na maantig ang kanilang mga damdamin sa naging pahayag ng aktres na si Angelica Panganiban ilang linggo matapos ang ikalawang kasalan nila ni Gregg Homan.


Noong April 20, 2024, naganap ang second wedding nina Greg Homan sa Isla ng Siargao kung saan dinaluhan ito ng kanyang malalapit na kaibigan sa loob a labas ng industriya sa showbiz.


Viral at pinag-uusapan ngayon sa social media ang ibinahaging pahayag ng aktres na si Angelica Panganiban para sa kanyang asawa na si Gregg Homan ilang araw matapos ang kanilang ikalawang wedding na naganap sa Siargao apat na buwan matapos ang una nilang pagpapakasal sa Amerika.


Hanggang ngayon ay nadarama pa rin ni Angelica Panganiban ang labis na kasiyahan dahil sa wakas ay tuluyan nang natupad ang matagal na niyang pinapangarap na maikasal sa lalaking pinakamamahal niya at mahal na mahal rin siya.


Sa kamakailang Instagram post ni Angelica Panganiban, inihayag niya na nararapat lamang na pasalamatan ng kanyang pamilya, malalapit na kaibigan at mga fans si Gregg Homan dahil tinapos nito ang kanyang sad girl era.


Dahil din umano kay Gregg Homan ay nakapag-sign off na siya na kinilala bilang patron saint ng mga babaeng sawi sa pag-ibig.


Sa huiling bahagi ng kanyang post ay nagbiro pa si Angelica Panganiban kung sino ang nagbabalak na sumalo sa kanyang korona.


Sa kabilang banda, malaki rin ang pasasalamat ni Angelica Panganiban sa kanyang adoptive mom n na si Annabelle Panganiban dahil sa wakas ay nauwi na rin siya sa tamang tao. Isiniwalat din ni Angelica Panganiban na naging biruan na nila ng kanyang ina ang pagsabihan siya nito na dapat siyang umayos at alagaang mabuti si Gregg Homan.


Sinasagot naman umano niya ang kanyang ina na hinding-hindi siya iiwan ni Gregg Homan dahil patay na patay naman ito sa kanya.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng maraming netizens at mga tagahanga ni Angelica Panganiban ang mga pinagdaanan ng aktres bago pa man nito matagpuan si Gregg Homan. Sa katunayan ay tinawag pa ng maraming mga netizens si Angelica Panganiban na patron saint ng mga babaeng sawi.


Rosanna Roces Labis Na Nanghihinayang sa Nawalang Friendship Nila ni Ai-Ai Delas Alas

Walang komento

Martes, Abril 30, 2024


 Nagpahayag ng panghihinayang ang aktres na si Rosanna Roces sa pagkasira ng pagkakaibigan nila ng komedyanteng si Ai-Ai delas Alas.


Sa naging panayam ni Aiko Melendez kay Rosanna Roces, tinanong tinanong niya ito tungkol sa saloobin nito sa pagkakaibigan.


Kaagad naman itong sinagot ni Rosanna Roces na mas mabuti na ang isang tao ay magkaroon lamang ng ilang mga kaibigan na tapat kaysa magkaroon ng marami ngunit nagsasalita sa iyong likuran.


Binalikan din niya ang dating pagkakaibigan nila ni Ai-Ai, at sinabing masaya ang relasyon nila ng komedyante noong mga panahon na iyon.


Idinetalye naman ni Rosanna Roces ang totoong nangyari sa pagkakaibigan nila ni Ai-Ai Delas Alas at kung paano ito nasira dahil sa panunulsol ng ibang mga tao at ang magkaiba nilang mga raket.


“Yung pinagsamahan namin noon, totoo eh… Sobrang saya, sobrang nakakatawa,” pagbabalik tanaw ni Rosanna Roces.


“Nahaluan lang ng mga... pero nahaluan din ng mga magkakaibang raket na nagkakabangga bangga,” pahayag pa ni Rosanna Roces.


Subalit ang totoong pinag-awayan umano nila noon ay nag-umpisa sa show nila sa Dagupan, kalakasan naman umano nila ang mag-show noon subalit hindi niya alam na bago ang kanilang show ay nauna na palang nagkaroon ng show roon sina Ai-Ai Delas Alas at Ara Mina kaya nag-flop ng husto ang kanilang show.



“Ang totoong pinag-awayan namin, may show kami sa Dagupan, kalakasan namin mag-show no’n, hindi ko alam before ng show namin, nag show siya with Ara Mina, so nag-flop ‘yun ng husto."


Naghinala naman si Rosanna Roces na ang dahilan ng pagsama ng loob sa kanyang ni Ai-Ai Delas Alas ay ang pagkatanggal nito sa poster ng kanilang show subalit wala rin naman umano siyang alam roon dahil desisyon ng kanyang producer na tanggalin ito.



“So ang ginawa ng producer ko na hindi ko naman alam, tinanggal siya sa poster – So nung nakita niya ‘yun siguro, sumama ‘yung loob niya,” pagbabahagi ni Rosanna.


Gayunpaman, hiling ni Rosanna Roces ngayon na muling manumbalik ang kanilang pagkakaibigan at magkaroon ulit sila ng show na magkasama.



Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo