Sharon Cuneta Dinaan Ang Mga Nararamdaman Sa Quotes Sa SocMed!

Walang komento

Biyernes, Mayo 3, 2024


Napansin ng maraming mga netizens na tila hindi na umano nagrereak at nagkokomento ang mag-inang sina Sharon Cuneta at KC Concepcion sa mga post ng bawat isa sa social media. Hindi na rin umano sila nagpopost sa social media patungkol sa kanilang dalawa.


Napansin rin ng mga netizens ang pagbabahagi ni Sharon Cuneta ng mga quotes sa social media na hinala ng maraming mga netizens na may mas malalim pang dahilan.


Narito ang quotes na ibinahagi kamakailan ni Sharon Cuneta, "If it feels off, it is. If you feel out of place, you are, It it feels wrong, don't do it. If your body says no to someone, a situation or a place- leave immediately.


"Your body is the first to know. Your mind is the last to accept. Trust your gut feeling - deep down you already know."


Sinundan naman ito ng isa pang quote ni Sharon Cuneta patungkol sa 'freedom'.


"There is so much freedom in taking nothing personal. Someone doesn't like you? Okay. Someone is judging you? So what? Someone doesn't want to be part of your life anymore? Bye bye. Too much time is spent worrying about what others think of us, when in reality YOU are the creator of your own life."


Marami naman sa mga netizens ang naniniwala na may kinalaman ang mga quotes na ito ni Sharon Cuneta sa kanyang anak na si KC Concepcion.


Muling naging usap-usapan sa social media na muli na namang nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan nina Sharon Cuneta at KC Concepcion kaya naman tila ipinapadaan na lamang ni Sharon ang kanyang mensahe para sa anak sa pamamagitan ng mga quotes.


Muling naging laman ng mga usap-usapan ang hindi pagkakasundo ng dalawa ng mapansin ng marami ang hindi pagbati ni Sharon Cuneta sa kaarawan ng kanyang anak na si KC Concepcion.



Ogie Diaz at Cristy Fermin, Ginamit Raw Ang 'Negative Sensationalism' Laban Kay Bea Para Sa 'Views'

Walang komento


 Nagbigay ng pahayag ang legal counsel ng aktres na si Bea Alonzo patungkol sa totoong dahilan kung bakit napagdesisyunan ni Bea Alonzo na sampahan na ng kaso ang mga showbiz columnists na sina Cristy Fermin at Ogie Diaz.


Tila nasagad na ang pasensya ng Kapuso actress na si Bea Alonzo sa mga maling impormasyon na kumakalat ngayon sa social media dahil sa mga pagsisiwalat nina Cristy Fermin at Ogie Diaz sa kani-kanilang mga social media platforms.


Matapos ang pormal na pagsasampa ng kaso ni Bea Alonzo sa Quezon City Prosecutors Office, naglabas ng opisyal na pahayag ang legal counsel ng aktres upang maging malinaw na ang lahat.


Buong pahayag ng legal counsel ni Bea Alonzo, "The three separate criminal cases for cyber libel filed today against the named respondents are clear and very strong messages from our client, Ms. Bea Alonzo.


"She has endured all the defamatory and malicious statements against her character by these individuals in the past months or even years in silence, with dignity and grace.


"But there is always a limit and now is the time for definitive legal action."


Dagdag pa nito, "It must be underscored that in more than two decades of Ms. Alonzo’s illustrious career, this is the first time that she has taken positive steps against those who spread false news against her with the intent to besmirch her good reputation in the entertainment industry."


Naniniwala rin ang kampo ng aktres na si Bea Alonzo na ginagamit umano nina Cristy Fermin at Ogie Diaz ang 'negative sensationalism' labans sa aktres para pagkakitaan ito mula sa mga views.


 "Also, as a law abiding citizen & a dutiful taxpayer, Ms. Alonzo is enforcing her right in filing these complaints against these individuals who strategically employed negative sensationalism to drive views and followers in their favor through their social media accounts, reaping financial benefits at our client’s expense.


"Their deliberate actions aimed at tarnishing our client’s reputation not only demonstrate calculated intent but also raise questions about the transparency of their financial activities, particularly regarding potential tax obligations on their social media earnings due to the government, particularly the Bureau of Internal Revenue.


"The allegations in her complaints are supported with proper evidence."


Umaasa rin ang kampo ni Bea Alonzo na managot ang mga sangkot sa isyu.



Cedric Lee Sumuko Na Sa Nbi May Buwelta Kay Vhong Navarro

Walang komento


 Kusang sumuko sa National Bureau of Investigation ang business man na si Cedric Lee ilang oras matapos basahe sa Regional Trial Court ng Taguig ang hatol sa kanila ni Deniece Cornejo kasama ang dalawa pang akusado sa isinampang kasong serious illegal detention with ransom na isinampa ng It's Showtime host na si Vhong Navarro.


Mismong si Cedric Lee ang kumuntak sa NBI na kaagad naman siyang pinuntahan ng mga agents sa Mandaluyong city para hulihin. Pagdating sa station ay kinunan ng mugshot si Cedric Lee at kaagad na isinailalim sa finger printing.


Hinatulan ng “guilty beyond reasonable doubt” si Cedric Lee kasama sina Deniece Cornejo, Simeon Raz at Ferdinand Guerrero sa kasong serious illegal detention for ransom na isinampa sa kanila ng TV host-actor na si Vhong Navarro sampung taon na ang nakakaraan.


Pagkakakulong ng habambuhay o hindi bababa ng 40 years ang inihatol ng korte sa apat na akusado. Kaagad na nakulong sina Deniece Cornejo at Simeon Raz na naroon sa promulgation ng korte samantalang naglabas kaagad ng warrant of arrest laban kina Cedric Lee at Ferdinang Guerrero.


Sa pagkakaaresto kay Cedric Lee tanging si Ferdinand Guerrero na lamang ang hindi pa nakukulong at patuloy pa ring pinaghahanap ng mga kapulisan.


Sa kabilang banda, patuloy pa ring nanindigan na wala siyang kasalanan at nagbigay pa ng maanghang na pahayag laban kay Vhong Navarro.


Sa isang panayam kay Cedric Lee matapos ang kanyang pagsuko sa NBI, isiniwalat nito na ikinagulat niya ang inilabas na desisyon ng korte.


Iginiit din ni Cedric Lee na wala namang nangyaring karumal-dumal na krimen noong January 2014.


"Kung wala yung mga elements, hindi talaga pasok yung crime. The most, yung nagkasakitan lang, di ba? Pumalag din naman siya so nagkasakitan lang. Hindi dapat na magkaroon ng life imprisonment," pahayag ni Cedric Lee.


Nagpahayag rin siya ng pag-alala para kay Deniece Cornejo na siyang biktima ng panghahalay umano ni Vhong Navarro.



@news5everywhere Sumuko na sa National Bureau of Investigation #NBI si #CedricLee na akusado sa kasong serious illegal detention na isinampa ng TV host na si #VhongNavarro. #News5 #FrontlineTonight #BreakingNewsPH ♬ original sound - News5

Liza Soberano Ni Repost Ang Balitang Sinampahan Ng Kaso Ni Bea Alonzo Sina Ogie Diaz at Cristy Fermin

Walang komento


 International actress na si Liza Soberano nagpakita ng pagsuporta sa kasong isinampa ng Kapuso actress na Bea Alonzo laban sa mga showbiz columnists na sina Ogie Diaz at Cristy Fermin.


Nitong Hwebes, May 2, 2024 ay personal na nagtungo si Bea Alonzo sa Office of the City Prosecutor sa Quezon City kasama ang kanyang manager na si Shirley Kuan at legal counsel na si Atty. Jose Manolo Garcia para magsampa ng ng kasong cyber libel laban kina Ogie Diaz, Cristy Fermin at isa pang indibidwal na hindi naman pinangalanan.


Kasama rin sa mga sinampahan ng aktres ang mga co-hosts nina Ogie Diaz at Cristy Fermin sa kani-kanilang mga online shows.


Samantala, mainit na naging usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang pag-like at pag-repost ni Liza Soberano sa isang Twitter post patungkol sa article na naipublished kung saan mababasa ang pagsampa ng kaso ni Bea Alonzo kina Cristy Fermin at Ogie Diaz.


Bagama't wala namang caption si Liza Soberano sa kanyang post marami sa mga netizens ang naghinuha na ang pag-repost ni Liza Soberano sa nasabing post ay idekasyon ng pagsuporta niya sa ginawang hakbang ni Bea Alonzo laban sa mga naninira sa kanya.


Ikinagulat naman ito ng ilang mga tagahanga ni Liza Soberano, dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na naging malapit rin si Liza Soberano kay Ogie Diaz.


Si Ogie Diaz ay matagal ring nakasama ni Liza Soberano bilang kanyang manager noong nasa poder pa siya ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN.


May mga netizens naman na naghinala na may lihim na galit si Liza Soberano kay Ogie Diaz na hindi pa nasisiwalat sa publiko.


Sa ngayon ay hindi pa naman naglalabas ng pahayag o anumang reaksyon si Ogie Diaz patungkol sa pagrepost ni Liza Soberano sa balitang sinampahan sila ni Bea Alonzo ng kasong cyber libel.




Look! Cedric Lee Tuwang-Tuwa at Masaya Pa Na Sumuko Sa NBI Matapos Mahatulan Ng Reclusion Perpetua!!

Walang komento


 Sumuko na sa National Bureau of Investigation si Cedric Lee ilang oras matapos lumabas ang hatol na guilty "beyond reasonable doubt" sa kasong serious illegal detention for ransom ng It's Showtime host na si Vhong Navarro.


Bukod kay Cedric Lee, kasamang sinampahan ng kasong serious illegal detention for ransom ni Vhong Navarro sina Deniece Cornejo, Ferdinand Guerrero at Simeon Raz.


Ayon sa pahayag ng NBI director na si Atty. Medardo Dilemos, inaresto ng mga NBI Agents si Cedric Lee sa isang lugar sa Mandaluyong matapos nilang makatanggap ng mensahe mula mismo kay Cedric Lee na susuko na ito.


Matapos ang pagsuko ni Cedric Lee, kaagad itong kinunan ng mugshot photo at fingerprints.


Samantala, kaagad namang napansin ng maraming mga netizens na talagang nakangiti pa si Cedric Lee sa kanyang mugshot photos.


Kakaharapin nina Deniece Cornejo, Cedric Lee kasama ang dalawa pang sangkot ang parusang reclusion perpetua o hindi bababa sa 40 years na pagkakabilanggo matapos mapatunayang guilty sila sa kasong isinampa ni Vhong Navarro.


Sa ngayon ay hawak na ng mga pulis sina Deniece Cornejo, Simeon Raz at Cedric Lee habang patuloy pa ring pinaghahanap si Ferdinand Guerrero.


Sa ngayon ay naghahanda na umano ang panig ni Cedric Lee ng apela upang mapawalang bisa ang naunang hatol sa kanila.


Patuloy naman na naniniwala si Cedric Lee na lalabas rin ang katotohanan at patuloy iginigiit ang kanyang pagiging inosente sa kasong isinampa sa kanila ni Vhong Navarro.





Cristy Fermin, Nagbigay Ng Reaksyon Tungkol Sa Kasong Isinampa Ni Bea Alonzo

Walang komento


 Nagbigay na ng pahayag ang kilalang showbiz insider at talent manager na si Cristy Fermin patungkol sa kasong cyberlibel na isinampa sa kanya ng Kapuso actress na si Bea Alonzo.


Sa kamakailang episode ng Cristy Ferminute nitong Byernes May 3, 2024, ipinahayag ni Cristy Fermin ang kanyang saloobin patungkol sa panibagong kaso na kinakaharap niya na isinampa ni Bea Alonzo.


Ayon kay Cristy Fermin, wala pa siyang detalyadong impormasyon na ihahayag sa kanyang mga followers dahil wala pa naman siyang hawak na impormasyon. Hindi pa umano niya alam ang kabuuang sinumpaang salaysay ni Bea Alonzo kung bakit ito nagsampa ng cyber libel laban sa kanila ng mga kasamahan niya at kay Ogie Diaz.


Nauna nang naiulat ang pagpunta ni Bea Alonzo sa Quezon City Prosecutor's Office upang personal na magsampa ng magkakahiwalay na tatlong counts ng cyber libel laban kina Cristy Fermin, Ogie Diaz at maging sa kani-kanilang mga co-hosts.


May isa pang personalidad na kinasuhan si Bea Alonzo, ito ay ang taong nagpapanggap umano na malapit sa kanya at nagsisiwalat ng mga gawa-gawang istorya na pinag-uusapan naman sa mga online shows nina Ogie Diaz at Cristy Fermin.


Sinagot rin ni Cristy Fermin ang pahayag ng legal counsel ni Bea Alonzo na si Atty. Jose Manolo Garcia patungkol sa paggamit umano nila ni Ogie Diaz sa  negative sensationalism ni Bea Alonzo para magkaroon ng malaking views.


Iginiit ni Cristy Fermin na ang mga programa nila ni Ogie Diaz ay hindi naman para lamang kay Bea Alonzo kundi ang pagbabalita sa mga buhay ng mga public figures.


Ibig sabihin ay hindi si Bea Alonzo ang kanilang pinuhunan kundi ang lahat ng mga public figures sa loob ng bansa. Inilahad pa ni Cristy Fermin na inilalatag naman umano nila ang mga natanggap na kwento at depende na lamang sa pagtanggap ng artista.


Hindi naman umano niya hinaharangan ang karapatan ni Bea Alonzo na magsampa ng kaso subalit hinding-hindi umano ito maaring maging busal para sa manahimik sila sa kanilang karapatan sa malayang pamamahayag.



Ice Seguerra Tinalakan Si Francine Diaz Dahil Sa Singit Issue Nito Sa Orange and Lemons!

Walang komento


 Nagbigay ng saloobin ang singer na si Ice Seguerra patungkol sa pinag-uusapan ngayon singitan issue sa pagitan nina Francine Diaz at bandang Orange and Lemons na parehong performer sa isang LGU event sa San Jose, Occidental Mindoro.


Sa ibinahaging komento ni Ice Seguerra mababasang kinakampihan niya ang bandang Orange and Lemons. Tila sinupalpal niya si Francine Diaz sa biglaang pagsingit nito sa kabila ng kaalaman na huli siyang magperform sa stage.


Inilathala rin ni Ice Seguerra ang ilang mga katanggap-tanggap na dahilan sa pagpapalit ng slot para sa isang event.


Hanggang ngayon ay patuloy pa ring pinag-uusapan sa social media ang nangyari sa isang event sa San Jose, Occidental Mindoro kung saan makikita ang biglaang pagtawag kay Francine Diaz para magperform sa stage gayung naghahanda na ang bandang Orange and Lemons sa kanilang performance.


Lumabas na rin ang programme ng nasabing event kung saan makikitang talagang mauuna ang performance ng Orange and Lemon kaysa kay Francine Diaz na pang-finale sana sa nasabing event.


Sa naging pahayag ni Ice Seguerra, ipinaalam niya sa lahat ang mga dahilan kung kailan lamang maaring magbago ang line up ng performances at ang mga valid reasons para paunahin ang ibang artists na magperform.


Iginiit din niya ang pagkakamali kung saan hindi muna inabisuhan ng mga organizers o ng panig ni Francine Diaz ang banda sa pagsingit ng aktres kaya naman pakiramdam ng mga ito na sinapawan sila at inagawan ng limelight.


Lumalabas rin umano na may pinapanigan ang mga organizers sa nangyari.


Narito ang buong pahayag ni Ice Seguerra, "Unang-una, hindi dapat nagpapalit ng line-up kapag nakapwesto na yung performer sa entablado. That is very disrespectful to the artist.


"Kung kailangan mang magkapalit, it should've been communicated to the artist na kailangan mag-iba ng slot few numbers prior to them going up on stage.


"Changing line ups should only happen during cases of emergency or crucial situation. For example, emergency ;nadulas si artist, nabalian ng buto, kailangan dahil sa ospital.Then, yes kailangan mag move ng slots.


"Crucial situations: typically  technical problems or any crisis backstage na kailangan mabigyan ng mas maraming oras ayusin hence, ibang artist muna isasalang."


Iginiit din ni Ice Seguerra na hindi kabilang sa kanyang mga nasabi ang headaches.


Bagama't hindi naman umano makikita sa clip ang kabuuang nangyari mahihinuha naman umano sa reaction ng banda na hindi sila inabisuhan bago ang pagsalang ni Francine Diaz.


Gayunpaman, iginiit ng maraming fans ng aktres na hindi nito kasalanan ang nangyari kundi sa mga organizers ng nasabing event dahil obligasyon nilang sabihan ang Orange and Lemons na sila na lamang ang gawing finale hindi si Francine Diaz dahil matagal na itong naghihintay na makapag-perform.


May mga nagsasabi pa na naging bias ang pahayag na ito ni Ice Seguerra dahil pareho silang musician ng Orange and Lemons.



Kim Chiu Pinaringgan Si Xian Lim at Iris Lee Sa It'S Showtime Matapos Aminin Ang Relasyon

Walang komento


 Tila kaagad na naglabas ng bwelta ang Kapamilya actress at TV host na si Kim Chiu sa naging pag-amin ni Xian Lim sa totoong relasyon nila ng Vivamax producer na si Iris Lee.


Sa latest episode ng It's Showtime ay biniro ni Jhong Hilario si Kim Chiu kung nais ba nitong magpa-interview sa kanila.


Tila nagkaroon naman kaagad si Kim Chiu ng ideya sa kung ano ang totoong ibig sabihin ni Jhong Hilario sa naging pahayag nito kaya naman tumanggi siya.


Humirit pa si Kim Chiu na 'hindi naman na masakit'.


Bagama't wala namang binanggit tila alam na ng mga tagahanga ni Kim Chiu ang totoong pinapatungkulan ng aktres sa kanyang pahayag na hindi naman na masakit.


Naniniwala ang maraming mga tagahanga ng aktres na ito na ang reaksyon ni Kim Chiu sa pagsisiwalat ni Xian Lim na magkarelasyon na sila ni Iris Lee ilang buwan lamang matapos ang kanilang paghihiwalay.


Nitong, hwebes lamang May 2, 2024 ay hayagan nang inamin ni Xian Lim sa isang exclusive interview ang totoong namamagitan sa kanila ni Iris Lee at kung gaano sila kasaya sa piling ng isa't-isa ngayon.


Ipinagtanggol din ni Xian Lim si Iris Lee sa mga nagsasabing ito ang sumira sa pagmamahalan nila ni Kim Chiu sa loob ng mahigit isang dekada dahil hindi naman ito totoo.


Nagkaroon lamang sila ng hindi pagkakaunawaan umano ni Kim Chiu na naging dahilan ng kanilang paghihiwalay subalit, wala umanong third party na involved.


Sa kabilang banda, may mga netizens naman na nagsasabi na talagang hindi na masasaktan ngayon si Kim Chiu dahil nakapag-move on na rin ito at masaya na sa piling naman ni Paulo Avelino.


Bagama't wala pang inaamin sina Paulo Avelino at Kim Chiu sa publiko, marami pa rin ang naghinala na talagang nagkakamabutihan na ang dalawa kung titingnan ang mga titigan at galawan nila sa harap at likod ng kamera.


@oxgurl37 #showtime #kimchiu #kimpau #fypspotted #trending #fyp #trend #proudkasambahay❣️💪 ♬ original sound - LENN💙FANGIRL🥰

Ogie Diaz Nagsalita Na May Buwelta Kay Bea Alonzo, Cyberlibel Case

Walang komento


 Nagbigay na ng pahayag ang kilalang showbiz reprter at talent manager na si Ogie Diaz patungkol sa cyberlibel case na isinampa laban sa kanya ng Kapuso actress na si Bea Alonzo noong Huwebes, May 2, 2024.


Sa kanyang Facebook Stories, ipinahayag ng talent manager at vlogger ang paghingi niya ng paumanhin sa hindi niya pagsagot sa mga reporter na humihingi ng pahayag sa kanya patungkol sa kasong isinampa sa kanya ni Bea Alonzo.


Ayon kay Ogie Diaz, “Makakarating din naman sa amin yan para sagutin sa takdang panahon. Pero eto ha? Ayoko nang magpakaplastik. Tulad ng lagi naming hinihirit sa ‘Ogie Diaz Showbiz Update,’ sila pa rin ang gusto naming magkatuluyan sa ending.”


Nakasaad sa complaint affidavit ni Bea Alonzo na naging biktima siya ng mga mali, malisyoso, at mapanirang impormasyon mula sa isang taong nagpanggap na malapit sa kanya, na inilathala at napag-usapan sa online shows nina Diaz at Cristy Fermin nang walang basehan.


Kasama na rito ang sunud-sunod na pang-iinsulto sa aktres sa kanilang mga column at shows, gayundin ang isyu ng hindi umano siya nagbabayad ng tamang tax.


Bukod kay Ogie, sinampahan din ng criminal case ni Bea Alonzo si Cristy Fermin at ang kani-kanilang mga co-host sa kanilang mga showbiz vlogs.


Ayon naman sa legal counsel ni Bea Alonzo na si Atty. Joey Garcia, labis ng naapektuhan ang aktres sa mga defamatory statements na ibinabato sa kanya ng mga nasabing personalidad na kilala sa larangan ng showbiz.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na talagang nangunguna sa mga showbiz balita sina Cristy Fermin at Ogie Diaz dahil sa kanilang mga sources na nasa malapit rin sa mga controversial artists.


Sa ngayon ay hindi pa naman naglalabas ng pahayag ang isa pang denimanda na si Cristy Fermin.



Production Staff ng Event, Ipinahayag Na Talagang Si Francine Diaz ang Sumapaw sa Banda

Walang komento


 Naglabas na ng pahayag ang isa sa mga staff na naroon sa kontrobersyal na event sa San Jose, Occidental Mindoro, kung saan nagkasapawan ang bandang Orange and Lemons at aktres na si Francine Diaz.


Nilinaw ng production staff kung bakit biglang sumulpot sa entablado ang Kapamilya actress na si Francine Diaz habang nasa platform na ang OPM band na Orange at Lemons para mag-perform.


Matatandaan na ang biglaang pag-akyat ni Francine Diaz sa stage ang naging dahilan kung bakit ang mga miyembro ng Orange at Lemons napa-walk out sa stage sa gitna ng kanilang paghahanda para sa kanilang performance.


Sa kabila nito, nananatiling cool ang Orange at Lemons at bumalik sila sa stage matapos ang performance ni ngunit hindi sinayang ng kanilang main vocals ang pagkakataong para magsalita patungkol sa biglaang pagsingit ni Francine Diaz.


“Gusto ko lang manghingi ng paumanhin pero kailangan ko lang sabihin ‘to… Para sa mga artist, sana naman walang sumisingit… Respeto lang ba?” pahayag nito.


Sa pagkalat ng mga video clips mula sa nasabing insidente marami ang mga naglabasang mga haka-haka sa kung sino ang dapat na sisihin sa nangyari.


Marami ang nagsasabing parehong naging bastos ang dalawang panig dahil sa pananapaw rin nila kay Francine Diaz habang nagpi-perform ito.


May mga naniniwal a ring dapat ang organizers ang sisihin dahil pinatawag nila ang aktres sa stage kahit naghahanda nang magperform ang Orange and Lemons.


Upang maging malinaw na ang lahat naglabas na ng pahayag ang nagpakilalang production staff ng event at isiniwalat ang totoong nangyari.


Ayon sa netizen na si Jershey Kyle Cadiao, na naging bahagi ng production team ng event, ipinagpilitan umano ng manager ni Francine sa mga organizers na paakyatin na sa stage ang aktres, binalewala umano nito ang presensya ng Orange and Lemons na naghahanda na stage nung mga panahong iyon.


“Hindi po namin alam kung sino po ang susundin namin, nasa program po lahat, na last po si ma’am Francine, pero siningit po ng manager ni ma’am Francine na siya unahin kahit hindi po nila nasabihan ang orange & lemon,” pagsisiwalat nito.


Ipinagtanggol din niya ang production team, iginiit niya na ang insidente ay resulta ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng kampo ni Francine Diaz, Orange and Lemons, at ng mga organizer ng event.


“May program po kaming sinusunod, hindi lang po nagkaintindihan ‘yung manager, organizer, at host ng event. Kami po kung ano lang ‘yung sinabi nila ‘yun lang po sinusunod namin, kaya po kahit kami nagulat sa nangyari,” dagdag pa nito.



Iginiit din niya na hindi nila pinabayaan ang kanilang tungkulin at sinubukan pa nilang tanungin ang mga organizers upang makakuha ng update tungkol sa programme, pahiwatig na ang paglabas ni Francine sa stage ay talagang biglaan.




Xian Lim Inamin Na Ang Relasyon Nila Ni Iris Lee, Third Party Kay Kim Chiu Nilinaw

Walang komento


 Inamin na ng Kapuso actor na si Xian Lim ang totoong estado ng relasyon nila ng Vivamax producer na si Iris Lee. Nilinaw din ni Xian Lim ang isyu na umano'y ang third party sa hiwalayan nila ni Kim Chiu si Iris Lee.


Usap-usapan ngayon sa social media ang pag-amin ni Xian Lim matapos ang kanyang pag-amin sa totoong relasyon nila ngayon ni Iris Lee.


Sa isang exclusive interview kay Xian Lim ng Esquire Magazine, sinagot at nilinaw ng aktor ang lahat ng mga isyu na ibinabato sa kanila ni Iris Lee.



Sinagot ni Xian Lim ang lahat ng mga speculations sa totoong relasyon nila ni Iris Lee at ang mga haka-haka sa naging hiwalayan nila ng aktres na si Kim Chiu.


Ayon kay Xian Lim, totoong nagdi-date na sila ngayon ni Iris Lee, na inilalarawan niya bilang isang  isang talented filmmaker at creative partner. Masayang-masaya na rin umano sila sa kanilang relasyon ngayon.


Nilinaw din niya ang isyung si Iris Lee ang naging third party sa paghihiwalay nila ni Kim Chiu noong nagdaang taong 2023.


Iginiit ni Xian Lim na hindi naging third party si Iris Lee sa relasyon nila noon ni Kim Chiu. Nagkaroon lamang umano sila ng ugnayan dalawa makalipas ang paghihiwalay nila ni Kim Chiu na naging girlfriend niya sa loob ng maraming mga taon.


"There are things that I want to clarify. Number one, that there was a third party. There's no third party. That's it. That plain and simple."


Pinabulaanan din ni Xian Lim ang mga balitang nagpakasal na sila ni Iris Lee sa New York.


"Another rumor: when I see my friends—the people who are the last to even care about these things—kino-congratulate na ko. They say, 'Congratulations on the marriage in New York!' And I'm like, no, I am not married," pahayag ni Xian Lim.


Hiling naman ni Xian Lim sa lahat ng mga netizens na itigil na ang pagpapakalat ng mga maling impormasyon patungkol sa relasyon nila ni Iris Lee dahil hindi umano nito deserve ang mabatikos.


"She doesn't deserve all that flak. We don't deserve that because all the things na people are saying, there's no truth to any of it," paglilinaw ni Xian Lim.



@rosemarieflor7 "Xian Lim clarified that he and Iris started dating after his split with Kim Chiu—whom he has been with for 12 years—refuting rumors that there was a third party involved in the cause of his split with the latter. "-Philstar #viral #viralissue #irislee #xianlim #fypシ゚viral ♬ nhạc nền - douyin dance

Francine Diaz Matapang Na Reaction Laban Sa Orange and Lemons Matapos Siya Ipahiya Sa Stage!

Walang komento

Huwebes, Mayo 2, 2024


 Naglabas na ng reaksyon ang Kapamilya actress na si Francine Diaz hinggil sa harapang pambabatikos sa kanya ng lead vocal ng bandang Orange and Lemons matapos ang nangyaring insidente sa isang event sa San Jose, Occidental Mindoro.


Nag-post ng cryptic tweet si Francine Diaz sa gitna ng kontrobersiyang kinaharap niya matapos mag-walk out ang OPM band na Orange and Lemons matapos ang biglaang paglabas niya sa stage para batiin ang kanyang mga tagahanga.


Nangyari ang insidente sa isang LGU event sa San Jose, Occidental Mindoro. Naghahanda na ang banda para sa kanilang performance nang biglang i-announce ng host ang pangalan ni Francine Diaz, dahilan para umakyat ang aktres sa stage.


Halatang nadismaya sa biglaang pag-akyat ni Francine Diaz, nag-walk out ang mga miyembro ng Orange and Lemons at hinintay na makaalis ang aktres sa stage.


Nang bumalik sa ang banda sa stage para mag-perform, nagpasaring ang lead vocals kay Francine Diaz na walang respeto at nananapaw.


“Gusto ko lang manghingi ng paumanhin pero kailangan ko lang sabihin ‘to… Para sa mga artist, sana naman walang sumisingit… Respeto lang ba?” pahayag ni Clem Castro.


Tila tinugon naman ni Francine Diaz ang naging pasaring sa kanya ng bokalista ng banda sa pamamagitan ng pagbabahagi ng isang cryptic post.


Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Francine ang larawan ng regalong natanggap niya mula sa kanyang mga fans at gumawa ng cryptic caption patungkol sa pagbibigay respeto.


Kung saan inilahad niyang 'respect goes both ways'.



Matatandaan na bago bumaba sa stage ang bandang Orange and Lemons ay hindi rin nila nirespeto ang performance ni Francine Diaz. Kahit kumakanta na ang aktres ay patuloy pa rin sa pagkalabit ng gitara ang gitarista ng banda hanggang sa napalingon na rito si Francine Diaz.


Kaagad rin namang tinapos ni Francine Diaz ang kanyang performance upang muli na ring ibigay sa bandang Orange and Lemons ang limelight.



Ogie Diaz Personal Na Sinubukan Ang Paresan Ni Diwata, Agad na Isiniwalat Ang Lasa

Walang komento


 Matapos ang pagsagot ni Diwata sa naging kritisismo ni Ogie Diaz patungkol a lasa ng 100 pares overload ng social media influencer, sinubukan na mismo ni Ogie Diaz ang produkto nito upang malaman ang totoong lasa nito.


Personal na sinubukan ng talent manager na si Ogie Diaz ang ‘Diwata Pares Overload’ bilang tugon sa mga batikos na kanyang natanggap matapos talakayin ang kalidad ng pagkaing inihain ng internet sensation.


Noong April 24, binanggit ni Ogie Diaz ang review ng kanyang mga kaibigan na bumisita sa Paresan na pag-aari ni Diwata o Deo Balbuena sa totoong buhay, na subpar daw ang mga pagkaing iniaalok sa nasabing establisyimento.


“Tinatanong ko kasi dahil na-viral eh. ’Yung ano sabi don, na hindi raw masarap yung pares. So tinanong ko yung kaibigan ko na kumain don. Ang sabi ng friend ko eh parang hindi daw kasundo ng kanyang panlasa,” pagsisiwalat noon ni Ogie Diaz.


Bilang tugon, sinabi ni Diwata na wala siyang pakialam sa opinyon ni Ogie Diaz at iba pang tao na umuokray sa kanyang inihahaing pagkain. Iginiit pa ni Diwata na  malaya naman umano silang pumili kung saan kakain dahil hindi siya namimilit ng tao.


“Wala akong pakialam sa sinasabi nila, tulad niyang sinasabi ko kung hindi niyo gusto ‘yung pagkain ko, mag scroll at pumunta sa ibang nagtitinda,” said Diwata. “Ang tinitinda ko kasi, hindi ko ‘yan pinipilit, kung hindi mo gusto, marami namang kainan,” pahayag ni Diwata.


“Yung sinasabi nila na hindi pasok sa panlasa, edi humanap ka ng pasok sa panlasa, problema ba ‘yon?” dagdag pa ng showbiz columnist.


Kaagad namang nilinaw ni Ogie Diaz sa kanyang vlog, na hindi niya sinasadyang punahin si Diwata at nagbigay pa umano siya ng magiliw na payo iginiit din niya na ang feedback ay makakatulong sa internet sensation na mapabuti ang kanyang serbisyo sa paresan business.


Para mabigyan ng maayos na tugon si Diwata, gumastos si Ogie ng P2,000 para personal na matikman ang Diwata Pares Overload at ang fried chicken ni Diwata.


Positibo ang tugon ni Ogie sa Pares at fried chicken ni Diwata, sinabing tama ang lasa ng pagkain sa presyo nito.


“Okay naman… hindi ganoon ka-fabulous pero okay na for 100 pesos. Kasama ‘yung rice? Unli ‘yung rice?” saad ni Ogie.


“For 100 pesos, hindi na masama,” dagdag pa ni Ogie Diaz.




Janine Gutierrez Fans No to Paulo Avelino Na, No More PauNine Na Talaga

Walang komento


 Aktres na si Janine Gutierrez sobrang saya sa mga nakalinyang pelikula at teleserye, mga fans todo ang suporta.


Sa kabila ng pagiging solo artist ngayon ng aktres na si Janine Gutierrez, patuloy pa rin namang ang pag-usbong ng kanyang showbiz career.


Lalo namang lumakas ang pagsuporta ng kanyang mga tagahanga sa kanya lalo na ngayong tila naagrabyado ang aktres sa naging tambalan nina Kim Chiu at Paulo Avelino.


Matatandaan na bago pa man maging magkatambal sina Paulo Avelino at Kim Chiu una nang nagkapareha sina Janine Gutierrez at Paulo Avelino sa ilang mga teleserye at nagkasama na rin sila sa ilang mga concerts.


Nagkaroon rin ng mga bali-balita noon patungkol sa pagkakaroon ng relasyon ng dalawa dahil sa pagiging close nila sa isa't-isa.


Subalit magmula noong naging katambal na ni Paulo Avelino si Kim Chiu ay tila na itsapwera na umano si Janine Gutierrez. Tila kinalimutan na rin ng lahat ang naging nakaraan nito kasama si Paulo Avelino.


Kaya naman, sa pamamayagpag ngayon ng aktres na si Janine Gutierrez marami sa mga fans ng aktres ang nagsasabi na huwag na sanang pumayag si Janine Gutierrez na ipareha kay Paulo Avelino upang hindi na ito masaktan.


Tinawag rin nilang marupok si Paulo Avelino dahil bumigay umano ito kaagad sa panunukso ng maraming mga netizens kay Kim Chiu.



Labis Na Ikinalungkot Ni Marian Rivera Ang Nangyaring Ito Sa Kanyang Asoka Challenge Video!

Walang komento


 Trending at pinag-uusapan ngayon sa social media ang panibagong video na ibinahagi ng primetime Queen na si Marian Rivera sa kanyang social media accounts na humahakot ng mga views subalit makalipas ang ilang mga sandali ay burado na ang nasabing video ni Marian Rivera.


Marami naman sa mga tagahanga ni Marian Rivera ang nagtataka kung bakit kaagad itong binura ng aktres gayung humahakot naman ito ng maraming mga views.


Bukod pa rito, may pa teaser pa si Marian Rivera sa kanyang social media account bago ilabas ang kanyang asoka challenge na siyang nagpasabik sa kanyang mga tagahanga. Pahiwatig rin ito ng aktres na talagang excited siyang ipakitang muli sa publiko si MariMar.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng maraming mga netizens na naging iconic ang pagganap ni Marian Rivera bilang si MariMar dahil dito siya labis na sumikat.


Labis na napahanga ni Marian Rivera ang  mga netizens sa ibinahagi niyang make up transformation subalit ang nakakalungkot ay narestrict ang nasabing video ni Marian Rivera dahil sa copyright issue.


Labis itong ikinalungkot ng mga tagahanga ni Marian Rivera dahil nanghihinayang sila sa video. May mga nagpayo naman kay Marian Rivera na gamitin ang version ni Regine Velasquez ng kanta para hindi ito ma-copyright.


Tila sinubukan naman itong lahat ni Marian Rivera subalit ganoon pa rin ang nangyayari at patuloy pa run itong namo-mute na labis niyang ikinalungkot.


Sa kabilang banda, patuloy namang humahakot ng views ang video ni Marian Rivera sa ibang mga social media platforms patunay lamang na marami ang humahanga sa aktres.



Bea Alonzo KINASUHAN sina Ogie Diaz at Cristy Fermin

Walang komento


 Mainit na pinag-uusapan ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang pormal na pagsasampa ng kaso ng Kapuso actress na si Bea Alonzo laban sa mga showbiz reporters na sina Ogie Diaz at Cristy Fermin.


Ayon sa mga kumakalat ng balita, personal na nagpunta ang dalagang actress sa Quezon City Prosecutors Office para maghain ng tatlong magkakahiwalay na cyber libel laban sa mga showbiz columnists na sina Ogie Diaz at Cristy Fermin at sa kani-kanilang mga co host sa mga online showbiz programs ng dalawa.


Bukod sa mga showbiz columnists, kinasuhan rin ni Bea Alonzo ang isang pang indibidwal na nagpapanggap umano na taong malapit sa kanya.


Ayon sa isinampang reklamo ni Bea Alonzo naging biktima siya ng mga malisyuso, mali at mapanirang mga balita galing sa isang nagpapanggap na kaibigan niya na siyang pinag-uusapan naman sa mga YouTube vlogs nina Cristy Fermin at Ogie Diaz.


Matatandaan na unang isiniwalat nina Cristy Fermin at Ogie Diaz ang naging hiwalayan nila ni Dominic Roque. Napag-usapan rin sa talakayan ng mga ito ang mga naging negosyo ni Dominic at ang umanong paghahangad ni Bea ng bonggang kasal na malalampasan pa ang kasalan noon ng DongYan.


Isiniwalat din ng mga ito ang pagpapapirma ni Bea Alonzo ng prenuptial agreement kay Dominic Roque bago ang kanilang kasal.


Bukod pa rito, kamakailan lamang ay naisiwalat ni Cristy Fermin sa kanyang showbiz oriented vlog ang kasiyahan ngayon ng ina ni Bea Alonzo sa tuluyang paghihiwalay nila ni Dominic Roque.


Samantala, sinamahan naman si Bea Alonzo ng kanyang manager na si Shirley Kuan at abogadong si Atty. Joey Garcia para pormal nang ireklamo sina Ogie Diaz at Cristy Fermin kasama na ang mga kasamahan nila sa programa.


Sa ngayon ay hindi pa naman naglalabas ng anumang pahayag ang panig nina Ogie Diaz at Cristy Fermin sa kasong kinakaharap nilang pareho.



Vhong Navarro Babayaran Ni Deniece Cornejo at Cedric Lee Ng Danyos

Walang komento


 Inilabas na ng Taguig Regional Trial Court sa kasong isinampa ng It's Showtime host na si Vhong Navarro laban sa model na si Deniece Cornejo at nobyo nitong si Cedric Lee.


Hinatulan ng Taguig Regional Trial Court ng 'guilty beyond reasonable doubt' sina Deniece Cornejo, Cedric Lee at dalawa pang sangkpt sa kasong illegal detention for ransom na inihain ng It's Showtime host na si Vhong Navarro.


Hinatulan ng Reclusion Perpetua o nasa 40 years na pagkakakulong sina Deniece Cornejo at mga kasamahan nito ng Branch 153, Taguig Regional Trial Court nitong hwebes ng umaga May 2, 2024.


Bukod kay Deniece Cornejo at Cedric Lee kasama rin sa hatol ang dalawa pang sangkot na sina Ferdinand Guerrero at Simeon Raz.


"WHEREFORE, premises considered, this court hereby finds acused DENIECE MILLINETTE CORNEJO, CEDRIC LEE, FERDINAND GUERRERO and SIMEON PALMA RAAZ, GUILTY beyond reasonable doubt for the crime of SERIOUS ILLEGAL DETENTION FOR RANSOM, defined and punished under Article 267 of the Revised Penal Code, as amended; and hereby sentences them to RECLUSION PERPETUA," ayon sa hatol na pinermahan ng Presiding Judge na si Mariam Bien.


Samantala, kinansela na rin ng korte ang bail bond na inilagak ng mga suspetsado. 


Sa ngayon ay nasa kulungan na umano sina Deniece Cornejo at Simeon Raz na parehong pumunta sa promulgation.


Kaagad namang naglabas ng warrant of arrest ang korte para agarang maaresto sina Cedric Lee at Ferdinand Guerrero na parehong hindi dumalo sa promulgation hearing.


Sa kabilang banda, ipinag-uutos rin ng korte na magbayad ng 300,000 thousand pesos ang mga akusado kay Vhong Navarro bilang civil indemnity, moral damages at exemplary damages.


Maari namang na mag-apela ng mga akusado ang kanilang mga sintensya subalit hanggang ngayon ay patuloy pa ring nananahimik ang panig ng mga ito.


Samantala, nagbigay na rin ng pahayag si Vhong Navarro kung saan inilahad niya ang kanyang pasasalamat sa lahat ng mga taong naniniwala at walang sawang sumusuporta sa kanyang pakikipaglaban para sa hustisya.



Daniel Padilla Sinabing Sobrang OA ng Mga Fans ni Kathryn Bernardo

Walang komento


 Tinuldukan na ng aktor na si Daniel Padilla ang mga balitang hanggang ngayon ay apektado pa rin siya sa naging hiwalayan nila ng aktres at dating ka-loveteam na si Kathryn Bernardo.  


Kaagad na nilinaw ng Kapamilya actor na si Daniel Padilla ang dahilan ng kanyang pagmumura habang kumakanta sa kamakailang birthday celebration niya sa Tanauan, Batangas.


Kaagad naman itong umani ng samu't-saring haka-haka mula sa mga netizens na nagsasabing hindi pa rin siyang nakakamove on sa relasyon nila noon ni Kathryn Bernardo at nasasaktan pa rin umano siya ngayon mayroon nang panibagong manliligaw si Kathryn Bernardo.


Ayon kay Daniel Padilla, naging overacting lamang ang mga netizens dahil ang katotohanan ay nag-eenjoy lamang siya sa kanyang performance.


Inilahad ito ni Daniel Padilla sa isang ambush interview sa kanyang ng isang news reporter na si MJ Marfori na ibinahagi naman nito sa TikTok.


Bago tumalikod ang aktor ay may pahabol pa siyang mensahe sa 'relax'.


Tila nagpahiwatig rito ang aktor na si Daniel Padilla na hindi na siya apektado sa ginagawa ngayon ni Kathryn Bernardo at kung sino-sino ang mga nakakasama nitong mga lalaki.


Matatandaan na bago pa man ang pagdiriwang ni Daniel Padilla sa kanyang kaarawan ay nauna nang kumalat sa social media ang panliligaw ni Alden Richards kay Kathryn Bernardo ilang buwan makalipas ang hiwalayan nila ni Daniel Padilla.


Ayon pa sa mga naglabasang mga ulat na botong-boto ngayon ang pamilya ni Kathryn Bernardo kay Alden Richards dahil isa itong negosyante, financially stable at responsable. Hindi rin umano ito maangas kagaya ni Daniel Padilla. 


@mjmarfori #fyp #DanielPadilla #trending #entertainmentnewsph @News5 ♬ original sound - @mjmarfori on IG

Entrance Sa Themepark Ni Daniel Padilla Ginto Ang Halaga

Walang komento


 Kamakailan lamang ay ipinagdiriwang ng aktor na si Daniel Padilla ang kanyang ika-29 na kaarawan sa Tanauan, Batangas na dinaluhan ng kanyang mga malalapit na kaibigan sa loob at labas ng industriya ng showbiz at ilang mga kapamilya.


Matapos ang masayang pagdiriwang ni Daniel Padilla sa kanyang kaarawan ay inintroduce naman niya ang kanyang panibagong business, ito ay ang kanyang theme park na matatagpuan sa Tanauan, Batangas.


Ang theme park kung saan co-owner si Daniel Padilla, na tinawag nilang J Castles ay nagkaroon ng soft opening nitong May 1, 2024.


Samantala, very proud naman si Daniel Padilla sa pagpapalabas ng kanyang panibagong negosyo kung saan sinasabi niya na ito ang 'first major immersive park' sa buong Pilipinas.


Ang J Castles ay nag-ooffer ng magandang karanasan sa dalawang main zone, kung saan bawat zone ay binubuo ng siyam na natatanging section.


Kaagad namang naging laman ng mga usap-usapan ang patungkol sa napakalaking entrance fee para makapasok sa J Castles. Ang entrance ay nagkakahalaga ng 1500-1800 upang maenjoy ang kabuuang tour. Maganda naman umano ang view na makikita mula sa castle dahil over looking ito sa dagat.


Ang unang domain ng J Castle na tinatawag nilang Studio Castle kung saan tinatanggap ang mga bisita sa Intro Room, Entrance, Flood Room, Water District, Infinity LED Room, UFO Laser Room, Cosmic Projection Room, Crystal Chairs, at Tropical Rainforest.


Adjacent sa Studio Castle ay ang Pop Castle, kung saan matatagpuan ang Theater Room, Astro Ball, Thrill or Chill, Light Bridge, Space Ship, Disco Room, Game Room, and Giant Rubber Ducky Room.


Umani naman ng samu't-saring reaksyon mula sa mga netizens ang nasabing theme park ni Daniel Padilla, marami ang humanga sa aktor sa pagiging business minded nito.


Sa kabilang banda, may ilang mga netizens naman na labis na nadismaya dahil hindi nila kaya ang entrance fee ng nasabing theme park dahil may kamahalan ito.


subalit ayon naman sa ilang mga tagahanga ng aktor na sulit naman ang ibabayad dahil sa maaring mapasyalan at maexperience sa loob ng theme park.


Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo