Vice Ganda May Bonggang Regalo Kay Diwata!

Walang komento

Lunes, Mayo 6, 2024


 Malaki ang pasasalamat ng social media influencer na si Diwata sa Unkabogable Star at It's Showtime host na si Vice Ganda dahil sa binuhos nitong biyaya sa kanya para sa kanyang negosyo.


Hindi naitago ni Diwata ang kanyang kasiyahan sa mga natanggap mula kay Vice Ganda dahil noon pa man ay labis na ang kanyang paghanga sa komedyante.


Makikita sa kumakalat ngayon na video na kausap ni Diwata ang taong inutusan ni Vice Ganda ukol sa mga ipinadala nitong regalo. Ibinida ni Vice Ganda ang mga bagong upuan, lamesa at tent na magagamit sa kanyang Paresan Business.


Nagbiro pa si Diwata kung kasama ba sa ipinadalang regalo ni Vice Ganda para sa kanya ang L300 van na sinakyan ng mga lamesa at mga upuan.


Malaki naman ang pasasalamat ni Diwata kay Vice Ganda sa regalong natanggap niya mula rito.


Sa ngayon ay lalong dumarami ang mga sikat na personalidad at vloggers ang tumutulong kay Diwata habang patuloy pa ring pinipilahan ang kanyang Paresan business.


Ipinahayag naman ni Vice Ganda ang kanyang kagustuhan na mabisita ang mga nagviral na Paresan sa Kamaynilahan na unti-unting nakilala hindi lamang dahil napakamura nito kundi maging sa masasarap nitong lasa.


Nakilala ang Paresan Business ni Diwata matapos itong ma-feature ng ilang mga vloggers at makilala na ang nagmamay-ari nito ay ang Diwata na dating nasasangkot sa kaguluhan.



@timothyargus Supresa ni Meme Vice kay Diwata👼#reels #diwataparesoverload #fynestchina #fbreels #reelsvideo #fypã‚·゚viral #fypã‚·゚ ♬ Slow Music - Morgan Fisher

Kim Chiu at Paulo Avelino Nahuling May Secret Date Sa Makati City

Walang komento


 Laman ngayon ng mga usap-usapan sa social media ang naging 'secret date' nina Paulo Avelino at Kim Chiu, ilang araw matapos ang pag-amin ni Xian Lim na mayroon na itong bagong girlfriend.


Kamakailan lamang ay ibinahagi ng It's Showtime Bulilit Star na si Kelsy ang pagbisita ni Paulo Avelino sa set ng ASAP Natin To. Kaagad naman iniuugnay ng maraming mga netizens na ang pagbisita ni Paulo Avelino sa set ng ASAP Natin To ay may kaugnayan sa actress-host na si Kim Chiu dahil naibahagi rin ni Kim Chiu ang kanyang rehearsal para sa kanyang performance para sa nasabing show.


Bagama't walang ipinakitang larawan, marami ang naniniwala na si Kim Chiu talaga ang pinunta ni Paulo Avelino sa set ng ASAP Natin To dahil hindi naman umano ito dancer o singer kaya wala itong dapat na i-rehearse sa panahong iyon.


Sa kabilang banda, marami naman sa netizen na nagsasabing namataan umano nila sina Kim Chiu at Paulo Avelino na tila nagkaroon ng secret date dahil nakasuot pa ang mga ito ng disguise.


Gayunpaman, maramin sa mga fans ni Kim Chiu ang hindi naniniwala rito dahil kung totoong magkasama ang dalawa ay hindi naman na nila kailangan pa na magdisguise dahil pareho naman na silang single. Bukod pa rito, tila nakapag-move on na rin naman ang kani-kanilang mga dating karelasyon kaya wala nang rason para itago pa ang relasyon nila kung may katotohanan ito.


Sa ngayon ay patuloy pa ring naghihintay ang mga tagahanga nina Paulo Avelino at Kim Chiu ng pag-amin sa totoong estado ng kanilang relasyon.



Xian Lim Pinakita Na Very Happy Sya Ngayon Sa Piling Ng New Girlfriend Na Si Iris Lee!

Walang komento


 Matapos kumpirmahin ang relasyon, Xian Lim at Iris Lee malaya nang ipinasisilip sa mga netizens ang mga sweet moment nilang dalawa.


Ipinakita na ng actor-director na si Xian Lim ang katotohanang masaya sila ni Iris Lee sa piling ng isa't-isa sa kabila ng mga pambabatikos na natatanggap matapos kumpirmahin ang kanilang relasyon.


Umani ng samu't-saring komento at reaksyon mula sa mga netizens ang latest Instagram post ni Xian Lim kung saan ibinahagi niya sa unang pagkakataon ang mga larawan nila ni Iris Lee sa kanyang Instagram account.


Ibinahagi ni Xian Lim ang mga larawan nila ng kanyang bagong karelasyon na si Iris Lee tatlong araw matapos ang pag-amin niya sa publiko ng relasyon nilang dalawa.


Ang mga larawan na ito ay kuha noong sino-shoot nila ang kanilang pelikula sa Thailand kung saan si Xian Lim ang direktor habang si Iris Lee naman ang producer.


Sa isang picture, makikitang komportable si Xian Lim na nakaupo sa tabi ni Iris Lee habang mayroon silang sinisilip sa kamera.


Napansin rin ng maraming mga netizens ang pagiging inspired ni Xian Lim sa pagtatrabaho kasama si Iris Lee. Maging ang pagiging mature at professional ni Iris Lee ay hindi rin pinalagpas ng maraming mga netizens.


May mga netizens pa ang tila nagbago ang isip sa mga nakitang larawan dahil makikita umano sa mga pictures ang pagiging matalino ni Iris Lee at hindi umano ito 'sabaw'.


Tila ito umano ang dahilan kung bakit ito ang pinili ni Xian Lim dahil tila nahanap na umano ng aktor sa katauhan ni Iris Lee ang babaeng hinahanap niya na kapareho niyang intelligent at dedicated pagdating sa film-making.


Samantala, ipinagtanggol naman ng general manager ng Aguila Entertainment Agency si Xian Lim laban sa mga bumabatikos rito dahil sa pangloloko umano nito sa dating karelasyon na si Kim Chiu.


Ayon dito, matagal na niyang kilala si Xian Lim at never pa umano itong nagcheat. Lahat din umano ng relasyon ng aktor ay nagtatagal dahil commited ito kapag may napupusuan.


Sinabi rin nito na sana ay matahimik na ang lahat dahil nagbigay na ng pahayag si Xian Lim kung saan sinabi nitong walang third party sa naging hiwalayan nila ni Kim Chiu.


Hindi rin umano matatawag na cheating ang relasyon nina Xian Lim at Iris Lee ngayon dahil naunang naghiwalay sina Kim Chiu at Xian Lim bago pumasok sa storya si Iris Lee.


Yen Santos Binura Ang Birthday Photos Ni Paolo Contis Sa Kanyang IG

Walang komento


 Nagpahayag ng pagkabahala ang mga netizens na sumusubaybay sa relasyon nina Yen Santos at Paolo Contis matapos nilang mapansin na binura ng aktres ang kanyang sweet birthday message sa dating ‘Tahanang Pinakamasaya’ host.


Nitong nakaraang buwan, nagpost ng maikling birthday message si Yen Santos para kay Paolo Contis na tinawag niyang 'best friend'.


“Screaming happy 40th birthday to my best friend! Thank you for everything you do,” post ng aktres kalakip ang larawan nila ni Paolo Contis.


Sa pagbura ni Yen Santos sa nasabing post na para kay Paolo Contis hindi napigilan ng mga netizens na mag-isip na tila mayroong mali sa relasyon ngayon nina Yen Santos at Paolo Contis.


Matatandaang naging usap-usapan na magkarelasyon sina Paolo Contis at Yen Santos mula noong 2021 matapos silang makitang magkasama sa mga pampublikong lugar, kahit tapos na ang kanilang proyekto na pinagsamahan, ang A Faraway Land.



Hindi rin naging madali ang pagsisimula ng relasyon dahil maraming netizens ang naniniwala na si Yen Santos ang dahilan ng hiwalayan nina Paolo Contis at ng dati niyang partner na si LJ Reyes.


Taong 2023, nang tuluyang inamin ni Paolo Contis ang kanilang relasyon ni Yen Santos at ang kanyang pagmamahal para sa dalaga.


“Sa amin kasi, kumbaga, what you see is what you get na naman, di ba? Hindi na namin puwedeng ipilit yung tao to be happy for us. Hindi namin puwede ipilit yung mga tao na paniwalaan yung gusto nilang paniwalaan. Sana isipin lang nila na kung ano lang yung nakikita nila na naka-post, yun lang yung truth na alam nila,” pahayag ni Paolo Contis.


Samantala, nitong nakaraang taon, nalink din si Paolo Contis kay Arra San Agustin na naging kasamahan niya bilang host sa noontime show na Tahanang Pinakamasaya, subalit kaagad na nilinaw ni Paolo Contis na trabaho lamang ang namamagitan sa kanila.



Xian Lim, Inutusan Si Kim Chiu Kahit Hiwalay Na!

Walang komento


 Ilang araw na rin ang nakalipas mula nang isiniwalat ng actor-director na si Xian Lim ang estado ng relasyon nila ng Vivamax film producer na si Iris Lee.


Inamin ni Xian Lim na nagkakamabutihan na sila ni Iris Lee at napakasaya nila sa piling ng isa't-isa. Pinasinungalingan din ni Xian Lim ang mga balitang nagtuturo kay Iris Lee bilang third party at dahilan ng hiwalayan nila ni Kim Chiu.


Ipinagdidiinan ni Xian Lim na hiwalay na sila ni Kim Chiu nang pumasok at nagkalapit silang dalawa ni Iris Lee. Napakabuti umanong babae ni Iris Lee kaya naman hindi umano nito deserved ang mga masasamang bagay na ibinabato rito mula sa mga tagahanga ni Kim Chiu.


Samantala, umaasa naman ang mga netizens na magbigay ng pahayag si Kim Chiu patungkol sa mga isiniwalat ni Xian Lim patungkol sa kanilang hiwalayan na nag-ugat umano sa hindi pagkakaintindihan. Marami pa rin sa mga netizens ang hindi naniniwalang walang kinalaman ang ibang babae sa nangyari sa relasyon ng dalawa na tumagal ng mahigit isang dekada.


Ayon sa komento ng ilang mga netizens, maaring hindi pa magkarelasyon noon sina Xian Lim at Iris Lee noong hindi pa hiwalay ang aktor kay Kim Chiu subalit, nag-umpisa nang umusbong ang kanilang pagtitinginan kaya naging madali na lamang para kay Xian Lim na hiwalayan si Kim Chiu.


Sa kabilang banda, tila wala na rin namang maasahang pahayag mula kay Kim Chiu dahil tila wala na itong pakialam sa buhay ngayon ng aktor dahil sa sinabi nitong 'hindi naman masakit' sa isang episode ng It's Showtime.


Gayunpaman, ikinabigla ng maraming mga tagahanga ni Kim Chiu ang isiniwalat ni Ogie Diaz na talagang tinawagan pa umano ni Xian Lim si Kim Chiu para utusan itong linisin ang pangalan ni Iris Lee sa publiko matapos tawaging mang-aagaw ng boyfriend ng ilang fans ng aktres.




Lolit Solis, Ang Ginawang Kagagahan Noon Kay Bea Alonzo

Walang komento


 Nagbigay ng saloobin ang kilalang talent manager at showbiz columnist na si Lolit Solis sa balitang sinampahan ng criminal case na cyber libel ng Kapuso actress ang kanyang kapwa columnists at talent manager na sina Ogie Diaz at Cristy Fermin.


Ipinahayag ng talent manager na si Lolit Solis ang kanyang pagkagulat matapos mabalitaan ang ang pagsampa ni Bea Alonzo ng tatlong magkakahiwalay na cyber libel laban kina Cristy Fermin at Ogie Diaz.


Kasama rin sa mga kinasuhan ni Bea Alonzo ang isang indibidwal na nagpapanggap na malapit sa kanya at ang mga co-host nina Ogie Diaz at Cristy Fermin sa kani-kanilang mga online shows.


Sa pamamagitan ng isang Instagram post inihayag ni Lolit Solis ang kanyang saloobin patungkol sa balitang ito.


Ayon kay Lolit Solis, nagulat siya sa ginawa ni Bea Alonzo na magsampa ng kaso laban sa kanyang mga kasamahang writers dahil maging siya ay guilty din sa mga nauna niyang isinulat noon na mga kagagahan laban kay Bea Alonzo.


Gayunpaman, thankful pa rin umano siya dahil hindi napikon sa kanya si Bea Alonzo. Tila ipinagtanggol din nito si Bea Alonzo dahil kung misan ay may mga pagkakataon talaga na nag-iiba ang mood ng isang actress kapag mayroong mga naglalabas ng mga detalye sa kanilang buhay.


Inamin rin ni Lolit Solis na talagang napikon din siya sa binitiwang pahayag ng manager ni Bea Alonzo na si Shirley Kuan patungkol sa pagkunsulta ng lawyer kaya naman kung ano-ano na ang kanyang nailabas patungkol si Bea Alonzo.


Kaya naman malaki ang pasasalamat umano ni Lolit Solis dahil naging sweet at forgiving sa kanya noon si Bea Alonzo.


Naglabas rin ng opinyon si Lolit Solis sa kinakaharap na kaso nina Ogie Diaz at Cristy Fermin.


Ayon kay Lolit Solis, “Parehong may ipinaglalaban ang dalawang kampo. Pareho tiyak na desidido sila na ipakita kung sino ang tama. At pareho din sila tiyak na naka focus sa resulta ng kanilang aksiyon.


“Tulad siguro ni Vhong Navarro na talagang 10 taon ang hinintay para sa kaso na isinampa laban kila Deneice Cornejo at Cedric Lee, handa din maghintay ng matagal sila Bea Alonzo at mga kinasuhan niyang writers.”


Gayunpaman tila alam naman umano ng magkabilang panig ang kani-kanilang ginagawa kaya naman hintayin na lamang ang magiging kalalabasan nito.



Andi Eigenmann Nagsalita Na Sa Tunay Na Nangyari Sa Relasyon Nila Ni Philmar Alipayo

Walang komento


 Nakarating kay Andi Eigenmann ang usap-usapang naghiwalay na sila ng kanyang surfer partner na si Philmar Alipayo.


Ang isyung ito ay isa lamang sa mga ibinabatong intriga kay Andi Eigenmann matapos ang pagpanaw ng kanyang inang si Jaclyn Jose noong nakaraang buwan ng Marso.


May mga umiintriga ngayon kay Andi Eigenmann, hinggil sa pagpapanggap umano nitong malungkot sa pagpanaw ng kanyang inang si Jaclyn Jose na hindi naman niya pinapansin at pinabayaan na umano niya noon.


Matatandaan na tuluyang namaalam sa mundong ibabaw ang batikang aktres na si Jaclyn Jose noong March 2, 2024 dahil sa atake sa puso.


Kamakailan lamang ay nagbakasyon sa Japan sina Andi Eigenmann kasama ang kanyang panganay na anak na si Elle at ang dalawa pa niyang anak kay Philmar Alipayo. Kasama rin nila sa kanilang pagbabakasyon ang nakakatandang kapatid ni Andi Eigenmann sa ama na si Gabbi Eigenmann at ang pamilya nito.


Dahil hindi nila nakasama si Philmar Alipayo may ilang mga netizens na nag-iisip na nagkahiwalay na sila ni Andi Eigenmann matapos aminin sa publiko ang pagpapaliban sa kanilang pagpapakasal.


Bukod sa hindi pagsama sa Japan, may mga nakapansin rin ng hindi paglike ni Andi Eigenmann sa lates Instagram post ni Philmar Alipayo kung saan ipinapakita nito ang kanyang mga pinagkakaabalahan.


Kaagad namang naglabas ng pahayag si Andi Eigenmann kung saan nilinaw niya ang totoong nangyari sa kanila ni Philmar Alipayo. Sa Instagram stories ni Andi Eigenmann inilahad niya ang kanyang pagkagulat dahil pumunta lamang umano siya sa Japan subalit ang sumalubong sa kanya pag-uwi ay ang balitang naghiwalay na sila ng kanyang partner.


Iginiit din niya na tila hindi umano nagustuhan ng kanyang mga social media bashers ang paraan niya sa pagluluksa sa kanyang pumanaw na ina kaya naman kung ano-anong impormasyon na lamang ang pinapakalat.



Netizens, Duda Sa Bagong Mugshot Ni Deniece Cornejo, Pinalitan!

Walang komento


 Hindi napigilan ng ilang mga netizens na kwestyunin ang naging ng pagsuko ng modelong si Deniece Cornejo sa mga awtoridad matapos mahatulan ng reclusion perpetia o pagkakakulong ng habambuhay sa kasong isinampa ni Vhong Navarro sa kanila, kasama ang businessman na si Cedric Lee at dalawa pang kasabwat.


Noong May 2, 2024, kusang sumuko sa mga awtoridad si Deniece Cornejo kasunod ng desisyon ng korte tungkol sa kasong illegal detention with ransom na isinampa laban sa kanya ng television host na si Vhong Navarro.


Samantala, inilabas kaagad ng Bureau of Corrections (BuCor) ang mugshot ni Deniece Cornejo, na kuha noong May 2. Kaagad namang napansin ng mga netizen ang pagkakaiba ng mukha ng modelo kumpara sa kanyang nakaraang mugshot nito noong 2014.


Nagsimulang maghinala ang ilang netizens na hindi si Deniece Cornejo ang sumuko at ang nasa mugshot.


Kapansin-pansin din umano ang hindi pagkakapareho ng height ng babae kumpara sa lumang litrato ni Deniece. 


May mga nagsasabi pa na napakalaki umano ng ipinagbago ng facial features ni Deniece Cornejo kung ito man ang totoong Deniece makalipas ang mahigit sampung taon.


Hinala pa ng ilan na tila may binayaran umano ang pamilya ng aktres na ibang tao na may pagkakatulad ng mukha ni Deniece Cornejo para magpanggap at magpakulong.


Kaagad din naman nilinaw ng mga otoridad ang balitang ito sa pamamagitan ng pagpapakita ng ilang mga larawan na siyang magpapatunay na totoong si Deniece Cornejo ang nakakulong ngayon.


Ayon pa sa ilang mga netizens na normal lamang na magbago ang mukha ng dating modelo dahil sampung taon na rin ang nakalipas mula nang mangyari ang isyu nila ni Vhong Navarro.




Ogie Diaz Nag Sorry Kay Vhong Navarro Dahil Sa Pang-Aagaw Ng Moment

Walang komento


 Humingi ng tawad ang kilalang talent manager at showbiz insider na si Ogie Diaz sa It's Showtime host na si Vhong Navarro dahil naagawan umano niya ito ng moment.


Nagbubunyi ngayon si Vhong Navarro at ang kanyang mga tagasuporta dahil inilabas na ng Taguig Regional Trial Court ang desisyon sa isinampang kaso ni Vhong Navarro laban kina Cedric Lee, Deniece Cornejo at dalawa pang sangkot na illegal detention with ransom kung saan nahatulan na ang mga ito ng reclusion perpetua o pagkakakulong ng hindi bababa sa 40 years.


Subalit, tila naagaw umano nina Ogie Diaz at Cristy Fermina ang 'moment' na ito ni Vhong Navarro dahil sa pagpunta ng aktres na si Bea Alonzo sa Quezon City Prosecutor's Office upang sampahan sila ng tatlong magkakahiwalay na kaso ng cyber libel.


Samantala, agad na napansin ng mga netizens sa 'share a thought' fature ng Messenger, ang paghingi ng paumanin ni Ogie Diaz kay Vhong Navarro sa pang-aagaw ng moment.


"Sorry, Vhong! Moment mo, naagaw pa namin."


Sa kabilang banda, nauna nang nagbigay ng pahayag si Ogie Diaz sa kinakaharap niyang kaso laban sa kanya na isinampa ni Bea Alonzo.


Humingi siya ng paumanhin sa kanyang kapwa reporters na humihingi ng pahayag mula sa kanya patungkol sa kasong cyber libel na isinampa sa kanya ng aktress na si Bea Alonzo.


Naiintindihan naman umano ni Ogie Diaz ang pangingirag ng mga reporters ng news kaya naman sasagutin niya ang lahat ng mga katanungan sa tamang panahon.



Vice Ganda, Ginaya Ang Singitan Issue Nina Francine Diaz at Orange and Lemons

Walang komento


 Ikinadismaya ng mga fans ni Francine Diaz ang ginawa ng It's Showtime host na Vice Ganda sa kanilang idolo kung saan tila pinagtawanan umano nila ito sa isang event sa Pampanga, partikular na ang pinag-uusapang isyu ngayon sa pagitan nina Francine Diaz at bandang Orange and Lemons.


Sa nasabing event, pinagsabihan ni Vice Ganda ang kanyang co-host sa It's Showtime na si Anne Curtis, bilang pabiro at hiniling sa rito na huwag laktawan o sumingit sa linya ng mga artista na magpeperform.


“Si Anne Curtis dapat mamaya pa siya, pero ewan ko sumingit siya sa pila ng mag peperform. Kaya Anne Curtis respect naman please. Respect naman sa artist,” pabirong pahayag ni Vice Ganda.


Kaagad namang napansin ng maraming mga netizens partikular na ang mga tagahanga ni Francine Diaz na tila sadya umanong ginaya ni Vice Ganda at Anne Curtis ang sapawan isyu sa pagitan ng Orange and Lemons at ni Francine Diaz.


Matatandaang nag-viral sa social media ang Kapamilya actress na si Francine Diaz matapos itong mag-perform sa isang event sa San Jose, Occidental Mindoro.


Ang biglaang pag-akyat ni Francine Diaz sa stage ay naging sanhi ng pag-walk out ng OPM band na Orange at Lemons, dahil pakiramdam umano nila ay binatos at hindi sila nirespeto ni Francine Diaz gayung nauna naman sila sa stage at nauna rin sila sa listahan ng mga magpeperform.


Ayon sa mga organizer ng event, hiniling sa kanila ni Francine na mag-perform nang mas maaga, at habang binibigyan nila ito ng signal, hindi nila naipaalam sa bandang Orange and Lemons ang biglaang pagbabago ng schedule gayung naghahanda na ang banda sa kanilang mga gagamiting instrument.


Dapat ay 2 A.M pa mag-perform si Francine Diaz, ngunit humiling itong mag-perform isang oras bago ang kanyang orihinal na schedule na nakatakda naman sa performance ng Orange at Lemons.


Vice Ganda Binanatan Ang Pag Amin Ni Xian Lim Sa Relasyon Nila Ni Iris Lee

Walang komento


 Marami sa mga netizens ang nag-aabang sa kung ano ang magiging reaksyon ng Kapamilya actress TV host na si Kim Chiu matapos ang pag-amin ng kanyang dating kasintahan sa loob ng mahigit isang dekada na nakikipagdate na ito ngayon sa ibang babae ilang buwan lamang matapos ang kanilang paghihiwalay.


Nitong May 2, 2024 tuluyan nang inamin ng actor-director na si Xian Lim na totoong nagkakamabutihan na sila ng film producer na si Iris Lee. Gayunpaman, itinanggi niya ang mga akusasyon at speculations ng maraming mga netizens na si Iris Lee ang third party at siyang naging dahilan ng paghihiwalay nila noon ni Kim Chiu.


Ayon kay Xian Lim, naghiwalay muna sila ni Kim Chiu bago niya pinasok sa kanyang buhay si Iris Lee. Hiniling rin niya sa mga netizens na itigil na ang paglalabas ng mga haka-haka at paninira laban kay Iris Lee dahil hindi naman umano nito deserved ang lahat dahil napakabait nito.


Iginiit din ni Xian Lim na masaya na siya sa kanyang buhay ngayon at masaya siya sa namamagitan sa kanila ni Iris Lee.


Samantala, tila nagpahiwatig naman ang mga It's Showtime host ng pagsuporta kay Kim Chiu matapos ang pagsisiwalat ni Xian Lim na mayroon na itong bagong girlfriend ngayon.


Ipinahayag ni Vice Ganda ang kanyang pagmamahal kay Kim Chiu na kaagad namang sinigundahan ni Anne Curtis at tinanong ang aktres kung anong kanta ang kanyang kakantahin para sa sample.


Sumingit naman si Jhong Hilario kung saan tinanong niya si Kim Chiu kung nais ba nitong magpa-interview sa kanila, kaagad naman itong tinanggihan ni Kim Chiu at sinabing hindi naman na masakit.


Hindi naman na pinilit ng mga It's Showtime host na pagsalitain pa si Kim Chiu subalit, marami  sa mga netizens ang nagsasabing talagang naimbyerna si Vice Ganda sa ginawa ni Xian Lim kay Kim Chiu.


Idinaan umano ito ni Vice Ganda, sa pagtatanong sa madlang pipol kung may nagulat ba. Bagama't wala namang sinabi si Vice Ganda marami ang naniniwala na ito ang reaksyon ng Unkabogable Star sa isiniwalat ni Xian Lim patungkol sa relasyon nila ni Iris Lee.


Sa kabilang banda, marami pa rin sa mga netizens ang naniniwalang si Iris Lee ang dahilan ng hiwalayan nina Kim Chiu at Xian Lim.




Joey De Leon Binatikos Matapos Ipahiya Si Miles Ocampo Sa Birthday, Tinawag na Mataba

Walang komento


 Muling nakatanggap ng pambabatikos ang batikang host at komedyante na si Joey De Leon mula sa maraming mga netizens matapos kumalat sa social media ang video clip kung saan makikita ang pagbibiro ni Joey De Leon sa kanyang kapwa Eat Bulaga host na si Miles Ocampo kaugnay sa pagiging mataba nito.


Ang nasabing video ay kuha sa mismong araw na ipinagdiwang ni Miles Ocampo sa Eat Bulaga ang kanyang ika-27 na kaarawan.


Unang nagbiro si ang Eat Bulaga host na at former Senador na si Tito Sotto kay Miles Ocampo kung saan ginamit nito ang segment nilang 'Perapy, pataas o pababa' para ilarawan ang edad ni Miles Ocampo.


Subalit, bigla na lamang sumingit si Joey De Leon at sinabi niyang 'pataba', kaagad naman nitong binawi ng komedyante at sinabi 'pababa'.


Hindi naman ito nagustuhan ng mga tagahanga ni Miles Ocampo dahil naniniwala silang hindi deserved ng aktres na si Miles Ocampo o ng kahit na sinong babae na pagsabihan ng mataba lalo na kung hindi naman alam kung ano ang totoong pinagdadaanan nito.


May mga nagsasabi pang talagang hindi na nagbabago si Joey De Leon sa mga nakaka-offend nitong pagbibiro sa kanyang mga kasamahan sa Eat Bulaga na tila ba hindi umano nito iniisip ang nararamdaman ng kanyang mga kasamahan sa show.


May mga nagsasabi pang talagang nakak-offend ang komento ni Joey De Leon dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na mayroong sakit si Miles Ocampo. Iyong iniinum nitong gamot ang siyang nagpapataba sa aktres.


May mga nagsasabi pang nararapat nang magretire si Joey De Leon dahil matanda na ito. May nakapansin rin na tila nagiging cringey na ito lately at minsan ay inaaway na nito ang kanilang mga contestant.


Marami naman ang naawa kay Miles Ocampo dahil noon pa man ay aminado na ang aktres na naaapektuhan siya sa mga nam-body shame sa kanya subalit wala siyang magagawa dahil mayroon siyang health conditions.


Samantala, may mga nagtatanggol pa rin naman kay Joey De Leon kung saan ipinunto nila ang closeness nila ni Miles Ocampo. May mga nagkumpara pa sa mga biro ni Vice Ganda sa kanyang mga kasamahan na maihahalintulad rin naman umano sa ginawa ni Joey De Leon kay Miles Ocampo.


Its Showtime Host May Tatanggalin? Vice Ganda Nagsalita Na!

Walang komento

Biyernes, Mayo 3, 2024


 Nasagot na sa live airing ng It's Showtime ang mga haka-haka at mga bali-balita patungkol sa host na tatanggalin sa naturang show.


Sa isang segment ng show naglabas ng pahayag ang mga hosts patungkol sa mga kinasangkutan nilang fake news kung saan ipinapalabas na tatanggalin na sila bilang host ng It's Showtime.


Unang nagbahagi sina Teddy Corpuz at Jugs Jugueta na nagkaroon umano ng usap-usapan sa social media noon na tatanggaling na sila sa show subalit sa kabutihang palad ay hindi naman ito nangyari.


Maging ang host na si Cianne Dominguez ay napabalita ring tatanggalin na sa It's Showtime. Bago maging official host ni Cianne Dominguez sa It's Showtime, ay naging finalist muna ito sa isang segment na 'sexy babe' ng nasabing show.


Naging laman rin ng mga usap-usapan noon ang pagpapatanggal kay Kim Chiu bilang host ng It's Showtime dahil tila nasasapawan na sasapawan na umano nito ang isa sa mga main host ng show na si Karylle. May mga nagsasabing tila hindi rin maganda minsan ang mga sinasabi ni Kim Chiu sa paghohost ng It's Showtime.


Samantala, nagbigay naman ng pahayag si Vice Ganda kung saan sinabi niyang ok na sila ngayon ng mga co-host niya sa show subalit, hindi umano niya maiwasan na matakot na baka ay mabawasan sila dahil napakaganda ng samahan nilang mga It's Showtime family.



Sa kabilang banda, marami naman sa mga madlang pipol ang umaasa na sana ay huwag na lamang silang bawasan. Mas mabuti pa umanong magkaroon sila ng dagdag na host kaysa sa mabawasan.



Cristy Fermin, Hindi Makikipag-Areglo Haharapin Si Bea Alonzo Sa Korte

Walang komento


 Nagbigay na ng pahayag ang beteranong kolumnista na si Cristy Fermin patungkol sa mga kasong isinampa ng aktres na si Bea Alonzo laban sa kanya at sa kapwa showbiz columnist na si Ogie Diaz.


Noong Mayo 2, 2024, nagsampa ng tatlong magkakahiwalay na kasong cyber libel si Bea Alonzo laban kina Cristy Fermin at talent manager Ogie Diaz sa Quezon City Prosecutors Office.


Ayon kay Bea Alonzo, nagsinungaling umano sina Ogie Diaz at Cristy Fermin laban sa kanya at ikinalat ito gamit ang kanilang online shows at news paper columns.


Binanggit din ni Bea Alonzo na ipinakalat nina Ogie Diaz at Cristy Fermin na hindi siya nagbabayad ng tamang buwis.


Sa kanyang online program na si Cristy Ferminute, sinabi ng beteranong kolumnista na bahagi talaga ng kanilang trabaho ang pagharap sa mga kaso at pagpapahayag ng mga balita patungkol sa mga buhay ng mga public figures.


Tinutulan din niya ang pahayag ng kampo ni Bea Alonzo at itinanggi na gumagawa lang sila ng content tungkol sa aktres para makakuha ng view at kumita ng pera.


“Ang mga programa namin ay hindi dinesenyo para lamang kay Bea Alonzo, ito po ay para ibalita ang lahat ng kwento, positibo man o hindi tungkol sa mga personalidad na kung tawagin natin ay public figures at bilang pampublikong pigura sila ay kami naman po ‘yung nagtatawid ng mga balita tungkol sa kanila,” pahayag ng kolumnista.


Sinabi rin ni Cristy Fermin na siya ang nagtatanggol kay Bea Alonzo noong nahaharap ito sa mga matitinding isyu noon.


Iginiit rin ni Cristy Fermin na wala siyang balak na makipag-areglo kay Bea Alonzo dahil handa umano siyang harapin ito kahit saan pang korte.


“Ang publiko ay nakatanaw sa inyo, bawat galaw niyo, bawat ikot niyo marami ang nakatanaw. Wala kayong maaring ligtasan. Kaya public figures kayo, huwag masyadong balat-sibuyas,” saad ni Cristy Fermin.





Sharon Cuneta Dinaan Ang Mga Nararamdaman Sa Quotes Sa SocMed!

Walang komento


Napansin ng maraming mga netizens na tila hindi na umano nagrereak at nagkokomento ang mag-inang sina Sharon Cuneta at KC Concepcion sa mga post ng bawat isa sa social media. Hindi na rin umano sila nagpopost sa social media patungkol sa kanilang dalawa.


Napansin rin ng mga netizens ang pagbabahagi ni Sharon Cuneta ng mga quotes sa social media na hinala ng maraming mga netizens na may mas malalim pang dahilan.


Narito ang quotes na ibinahagi kamakailan ni Sharon Cuneta, "If it feels off, it is. If you feel out of place, you are, It it feels wrong, don't do it. If your body says no to someone, a situation or a place- leave immediately.


"Your body is the first to know. Your mind is the last to accept. Trust your gut feeling - deep down you already know."


Sinundan naman ito ng isa pang quote ni Sharon Cuneta patungkol sa 'freedom'.


"There is so much freedom in taking nothing personal. Someone doesn't like you? Okay. Someone is judging you? So what? Someone doesn't want to be part of your life anymore? Bye bye. Too much time is spent worrying about what others think of us, when in reality YOU are the creator of your own life."


Marami naman sa mga netizens ang naniniwala na may kinalaman ang mga quotes na ito ni Sharon Cuneta sa kanyang anak na si KC Concepcion.


Muling naging usap-usapan sa social media na muli na namang nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan nina Sharon Cuneta at KC Concepcion kaya naman tila ipinapadaan na lamang ni Sharon ang kanyang mensahe para sa anak sa pamamagitan ng mga quotes.


Muling naging laman ng mga usap-usapan ang hindi pagkakasundo ng dalawa ng mapansin ng marami ang hindi pagbati ni Sharon Cuneta sa kaarawan ng kanyang anak na si KC Concepcion.



Ogie Diaz at Cristy Fermin, Ginamit Raw Ang 'Negative Sensationalism' Laban Kay Bea Para Sa 'Views'

Walang komento


 Nagbigay ng pahayag ang legal counsel ng aktres na si Bea Alonzo patungkol sa totoong dahilan kung bakit napagdesisyunan ni Bea Alonzo na sampahan na ng kaso ang mga showbiz columnists na sina Cristy Fermin at Ogie Diaz.


Tila nasagad na ang pasensya ng Kapuso actress na si Bea Alonzo sa mga maling impormasyon na kumakalat ngayon sa social media dahil sa mga pagsisiwalat nina Cristy Fermin at Ogie Diaz sa kani-kanilang mga social media platforms.


Matapos ang pormal na pagsasampa ng kaso ni Bea Alonzo sa Quezon City Prosecutors Office, naglabas ng opisyal na pahayag ang legal counsel ng aktres upang maging malinaw na ang lahat.


Buong pahayag ng legal counsel ni Bea Alonzo, "The three separate criminal cases for cyber libel filed today against the named respondents are clear and very strong messages from our client, Ms. Bea Alonzo.


"She has endured all the defamatory and malicious statements against her character by these individuals in the past months or even years in silence, with dignity and grace.


"But there is always a limit and now is the time for definitive legal action."


Dagdag pa nito, "It must be underscored that in more than two decades of Ms. Alonzo’s illustrious career, this is the first time that she has taken positive steps against those who spread false news against her with the intent to besmirch her good reputation in the entertainment industry."


Naniniwala rin ang kampo ng aktres na si Bea Alonzo na ginagamit umano nina Cristy Fermin at Ogie Diaz ang 'negative sensationalism' labans sa aktres para pagkakitaan ito mula sa mga views.


 "Also, as a law abiding citizen & a dutiful taxpayer, Ms. Alonzo is enforcing her right in filing these complaints against these individuals who strategically employed negative sensationalism to drive views and followers in their favor through their social media accounts, reaping financial benefits at our client’s expense.


"Their deliberate actions aimed at tarnishing our client’s reputation not only demonstrate calculated intent but also raise questions about the transparency of their financial activities, particularly regarding potential tax obligations on their social media earnings due to the government, particularly the Bureau of Internal Revenue.


"The allegations in her complaints are supported with proper evidence."


Umaasa rin ang kampo ni Bea Alonzo na managot ang mga sangkot sa isyu.



Cedric Lee Sumuko Na Sa Nbi May Buwelta Kay Vhong Navarro

Walang komento


 Kusang sumuko sa National Bureau of Investigation ang business man na si Cedric Lee ilang oras matapos basahe sa Regional Trial Court ng Taguig ang hatol sa kanila ni Deniece Cornejo kasama ang dalawa pang akusado sa isinampang kasong serious illegal detention with ransom na isinampa ng It's Showtime host na si Vhong Navarro.


Mismong si Cedric Lee ang kumuntak sa NBI na kaagad naman siyang pinuntahan ng mga agents sa Mandaluyong city para hulihin. Pagdating sa station ay kinunan ng mugshot si Cedric Lee at kaagad na isinailalim sa finger printing.


Hinatulan ng “guilty beyond reasonable doubt” si Cedric Lee kasama sina Deniece Cornejo, Simeon Raz at Ferdinand Guerrero sa kasong serious illegal detention for ransom na isinampa sa kanila ng TV host-actor na si Vhong Navarro sampung taon na ang nakakaraan.


Pagkakakulong ng habambuhay o hindi bababa ng 40 years ang inihatol ng korte sa apat na akusado. Kaagad na nakulong sina Deniece Cornejo at Simeon Raz na naroon sa promulgation ng korte samantalang naglabas kaagad ng warrant of arrest laban kina Cedric Lee at Ferdinang Guerrero.


Sa pagkakaaresto kay Cedric Lee tanging si Ferdinand Guerrero na lamang ang hindi pa nakukulong at patuloy pa ring pinaghahanap ng mga kapulisan.


Sa kabilang banda, patuloy pa ring nanindigan na wala siyang kasalanan at nagbigay pa ng maanghang na pahayag laban kay Vhong Navarro.


Sa isang panayam kay Cedric Lee matapos ang kanyang pagsuko sa NBI, isiniwalat nito na ikinagulat niya ang inilabas na desisyon ng korte.


Iginiit din ni Cedric Lee na wala namang nangyaring karumal-dumal na krimen noong January 2014.


"Kung wala yung mga elements, hindi talaga pasok yung crime. The most, yung nagkasakitan lang, di ba? Pumalag din naman siya so nagkasakitan lang. Hindi dapat na magkaroon ng life imprisonment," pahayag ni Cedric Lee.


Nagpahayag rin siya ng pag-alala para kay Deniece Cornejo na siyang biktima ng panghahalay umano ni Vhong Navarro.



@news5everywhere Sumuko na sa National Bureau of Investigation #NBI si #CedricLee na akusado sa kasong serious illegal detention na isinampa ng TV host na si #VhongNavarro. #News5 #FrontlineTonight #BreakingNewsPH ♬ original sound - News5

Liza Soberano Ni Repost Ang Balitang Sinampahan Ng Kaso Ni Bea Alonzo Sina Ogie Diaz at Cristy Fermin

Walang komento


 International actress na si Liza Soberano nagpakita ng pagsuporta sa kasong isinampa ng Kapuso actress na Bea Alonzo laban sa mga showbiz columnists na sina Ogie Diaz at Cristy Fermin.


Nitong Hwebes, May 2, 2024 ay personal na nagtungo si Bea Alonzo sa Office of the City Prosecutor sa Quezon City kasama ang kanyang manager na si Shirley Kuan at legal counsel na si Atty. Jose Manolo Garcia para magsampa ng ng kasong cyber libel laban kina Ogie Diaz, Cristy Fermin at isa pang indibidwal na hindi naman pinangalanan.


Kasama rin sa mga sinampahan ng aktres ang mga co-hosts nina Ogie Diaz at Cristy Fermin sa kani-kanilang mga online shows.


Samantala, mainit na naging usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang pag-like at pag-repost ni Liza Soberano sa isang Twitter post patungkol sa article na naipublished kung saan mababasa ang pagsampa ng kaso ni Bea Alonzo kina Cristy Fermin at Ogie Diaz.


Bagama't wala namang caption si Liza Soberano sa kanyang post marami sa mga netizens ang naghinuha na ang pag-repost ni Liza Soberano sa nasabing post ay idekasyon ng pagsuporta niya sa ginawang hakbang ni Bea Alonzo laban sa mga naninira sa kanya.


Ikinagulat naman ito ng ilang mga tagahanga ni Liza Soberano, dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na naging malapit rin si Liza Soberano kay Ogie Diaz.


Si Ogie Diaz ay matagal ring nakasama ni Liza Soberano bilang kanyang manager noong nasa poder pa siya ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN.


May mga netizens naman na naghinala na may lihim na galit si Liza Soberano kay Ogie Diaz na hindi pa nasisiwalat sa publiko.


Sa ngayon ay hindi pa naman naglalabas ng pahayag o anumang reaksyon si Ogie Diaz patungkol sa pagrepost ni Liza Soberano sa balitang sinampahan sila ni Bea Alonzo ng kasong cyber libel.




Look! Cedric Lee Tuwang-Tuwa at Masaya Pa Na Sumuko Sa NBI Matapos Mahatulan Ng Reclusion Perpetua!!

Walang komento


 Sumuko na sa National Bureau of Investigation si Cedric Lee ilang oras matapos lumabas ang hatol na guilty "beyond reasonable doubt" sa kasong serious illegal detention for ransom ng It's Showtime host na si Vhong Navarro.


Bukod kay Cedric Lee, kasamang sinampahan ng kasong serious illegal detention for ransom ni Vhong Navarro sina Deniece Cornejo, Ferdinand Guerrero at Simeon Raz.


Ayon sa pahayag ng NBI director na si Atty. Medardo Dilemos, inaresto ng mga NBI Agents si Cedric Lee sa isang lugar sa Mandaluyong matapos nilang makatanggap ng mensahe mula mismo kay Cedric Lee na susuko na ito.


Matapos ang pagsuko ni Cedric Lee, kaagad itong kinunan ng mugshot photo at fingerprints.


Samantala, kaagad namang napansin ng maraming mga netizens na talagang nakangiti pa si Cedric Lee sa kanyang mugshot photos.


Kakaharapin nina Deniece Cornejo, Cedric Lee kasama ang dalawa pang sangkot ang parusang reclusion perpetua o hindi bababa sa 40 years na pagkakabilanggo matapos mapatunayang guilty sila sa kasong isinampa ni Vhong Navarro.


Sa ngayon ay hawak na ng mga pulis sina Deniece Cornejo, Simeon Raz at Cedric Lee habang patuloy pa ring pinaghahanap si Ferdinand Guerrero.


Sa ngayon ay naghahanda na umano ang panig ni Cedric Lee ng apela upang mapawalang bisa ang naunang hatol sa kanila.


Patuloy naman na naniniwala si Cedric Lee na lalabas rin ang katotohanan at patuloy iginigiit ang kanyang pagiging inosente sa kasong isinampa sa kanila ni Vhong Navarro.





Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo