Inamin ng batikang actress na si Maricel Soriano nitong martes, May 7, 2024 na totoong mayroon siyang condominium unit sa Makati City na siyang iniuugnay sa mga illegal drug activities isang dekada na ang nakakalipas.
Nakaladkad ang pangalang ni Maricel Soriano sa alleged leaked operational document ng Philippine Drug Enforcement Agency kung saan makikita ang mga personalities na nagkaroon ng illegal drug use.
Sa panimulang pahayag ni Maricel Soriano ipinahayag niya na natatakot at kinakabahan siya sa pagharap sa senado dahil ito ang kanyang unang pagkakataon na makatanggap ng ganoong uri ng imbitasyon.
Sa nasabing hearing hayagang inamin ni Maricel Soriano na pagmamay-ari niya ang isa sa mga condo sa Rizal Tower Building sa Makati City.
Matatandaan na sa mababasa sa isang dokumento na nag-leaked ang mga pangalan ng mga showbiz at political personalities na gumagamit ng illegal drugs sa loob ng Unit 4-C ng Rizal Tower Building, Makati City.
Subalit, sa naganap na Senate committee hearing ng Public Order and Dangerous Drug, binanggit ni Senator Ronald Bato Dela Rosa na ang ibang condo unit number.
Imbes na Unit 4C ang binanggit ng Public Order and Dangerous Drugs Commitee Chairman na si Sen. Bato Dela Rosa ang unit number na 46-C sa pagtatanong kay Maricel Soriano sa kanyang pagmamay-ari nito.
Kaagad namang inamin ni Maricel Soriano na sa kanya nga ang nasabing unit subalit naibenta na umano niya ang nasabing property noong 2012.
Kaagad naman sinabi ni Senator Bato Dela Rosa na supposedly ay magkakaroon ng operation ang PDEA sa nasabing lugar subalit mayroong nag-leaked sa pre-operational report.
Naitanong rin ng Senador kung natatandaan pa ba ng actress ang eksaktong buwan ng pagbibenta niya sa nasabing property.
Subalit hindi na umano maalala ni Maricel Soriano ang eksaktong petsa ng kanyang pagbibenta sa unit tanging taon lamang ang naaalala niya.
Binalikan rin ni Senator Bato Dela Rosa ang naging ang isyu noong 2011 kay Maricel Soriano kung saan inireklamo ang aktres ng kanyang dalawang kasambahay ng serious physical injury dahil sa paggamit ng aktres ng ipinagpapabawal na gamot.
Kaagad naman itong pinabulaanan ni Maricel Soriano kung saan iginiit niyang lumayas ang kanyang dalawang kasambahay matapos siyang pagnakawan.
Pinasinungalingan din niya ang isyung pambubugbog niya sa mga ito dahil paano niya ito gagawin kung dalawa naman ang kanyang mga kasambahay.