Paulo Avelino, Kinilig at Umamin Sa Kanilang Sweet Eksena Ni Kim Chiu

Walang komento

Miyerkules, Mayo 8, 2024


 Aktor na si Paulo Avelino isiniwalat ang kanyang nararamdaman sa tuwing mayroon silang kissing scene ni Kim Chiu.


Sa isang panayam kay Paulo Avelino para sa pagpopromote niya ng kanyang panibagong pelikula ay naitanong sa kanya ng mga host kung ano ang kanyang naramdaman nang mahalikan niya ang kanyang leading lady ngayon na si Kim Chiu.


Tila nag-aalangan pang sumagot si Paulo Avelino sa katanungang ito hanggat sa sinabi na lamang niya na sobrang lambot ng mga labi ng aktres.


Ipinahayag rin ni Paulo Avelino na hindi na sila nagkakailangan pa ni Kim Chiu sa kanilang mga kissing scene at iba pang mabibigat nilang mga eksena dahil parehong komportable na sila sa isa't-isa.


Kung titingnan ay tila totoong magkarelasyon ang dalawa sa mga ganoong uri ng eksena dahil kakitaan sila ng matinding pagkakilig sa isa't-isa lalo na sa kanilang mga titigan.


Isiniwalat din ni Paulo Avelino na hindi siya nahihirapan sa mga eksena nila ni Kim Chiu na mayroong mga cuddling moments at iba pang mabibigat na eksena.


Ayon pa kay Paulo Avelino na bago niya gawin ang isang eksena kasama si Kim Chiu ay sinasabihan muna umano niya ang aktres kung ayos lamang ba rito ang kanyang gagawin at kung ok lamang ba para sa aktres na hawakan niya ito sa ilang parte ng katawan.


Ayaw rin umano ni Paulo Avelino na makaramdam si Kim Chiu ng pambabastos mula sa kanya dahil labis umano ang kanyang pagrespeto sa aktres.


Naging maingat rin umano siya sa mga eksena nila ni Kim Chiu dahil ayaw niyang makaramdam ng bad impressions sa kanya si Kim Chiu.


Isiniwalat din ni Paulo Avelino na hindi magtatapos sa What's Wrong With Secretary Kim? ang pagsasama nila ni Kim Chiu dahil magsasama pa sila sa US para sa Bida Kapamilya.


Naitanong rin kay Paulo Avelino kung ano ang estado nila ni Kim Chiu, dito na inamin ng aktor na sobrang close na umano nila ngayon na tila ba ilang taon na nilang kilala ang isa't-isa.




Rosmar Tan Napikon Matapos Sitahin Ang Pagbibigay Niya Kay Diwata Ng 1M at House and Lot!

Walang komento

Hindi nakapagtimpi ang negosyante at influencer na si Rose Marie Tan-Pamulaklakin matapos makatanggap ng pambabatikos mula sa mga netizens matapos ang pagbibigay niya ng house and lot at one million kay Diwata.


Matatandaang kamakailan lamang ay personal na pinuntahan ni Rosmar si Diwata sa pwesto nito sa Pasay City para magbigay kay Diwata ng pera at house and lot. Umaabot sa mahigit limang miyon ang biyayang natanggap ni Diwata mula kay Rosmar kaya naman hindi nito napigilan ang mapahagulhol ng iyak.


Labis-labis ang saya at pasasalamat ni Diwata sa ipinakitang kabutihan sa kanya ni Rosmar, maging ang mga taga suporta ni Diwata ay nasiyahan rin dahil sa ginawang pagtulong ni Rosmar para rito.


May mga nagsasabi rin na ang mga katulad ni Diwata ang nararapat na mabigyan ng tulong dahil sa pagpupursige nito at hindi basta umaasa lamang sa bigay ng iba.


Gayunpaman, hindi pa rin naiwasan ni Rosmar na makatanggap ng pambabatikos sa kanyang ginawa para kay Diwata dahil naging pasikat lamang umano si Rosmar sa kayang kayamanan.


May mga nagsasabi pang ang dapat na tulungan ni Rosmar ay iyong mga taong walang-wala at totoong nangangailan. Ayon pa sa ilang mga netizens na mayroong maraming tao na gustong magsimula ng negosyo subalit walang pera para gawing puhunan, ito umano ang dapat na bigyan ni Rosmar.


Hindi naman na umano kailangan pa ng tulong ni Diwata dahil maituturing na sucessful businessman na rin naman ito dahil sa pagppatok ng kanyang Paresan Business.


Hindi naman ito nagustuhan ni Rosmar kaya naman agad niyang sinagot ang isyung ito sa pamamagitan ng kanyang post.


Ayon kay Rosmar, sa mismong araw na pinuntahan niya si Diwata ay inabutan umano niya ng 10 thousand ang isang homeless na may dalang asa. Nagbigay rin umano siya ng 5 thousand sa mga rider na nagbibilad sa arawan. 


Ayon pa kay Rosmar ay dapat na lamang na maging masaya para sa kapwa hindi iyong nanghuhusga pa sa mga ginagawa ng iba.


Samantala, hindi lamang simpleng house and lot ang ibibigay ni Rosmar kay Diwata dahil bibilhan pa umano niya ito ng mga furniture at appliances.



 

Toni Fowler, Balik Single Mom Na Hiniwalayan si Vince Flores

Walang komento


 Nagpahiwatig ang Internet celebrity na si Toni Fowler sa breakup nila ng kanyang content creator partner, na si Vince Flores.


Sa kanyang social media post, nagpahiwatig si Toni Fowler na muli na naman siyang magiging single single mom ilang buwan lamang matapos niyang ipahayag ang kanyang pagbubuntis.


“Kinaya ko nung una. Na-practice ko na. So kayang kaya ko sa pangalawa. Back to #Singlemom,” post ni Toni Fowler.


Nagbahagi rin si Toni Fowler ng isa pang Facebook post tungkol sa pagblock sa isang tao sa kanyang buhay.


“It’s easier to fall in love than to stay in love BLOCKED,” pagbabahagi ni Toni Fowler.


Samantala sa kanyang live video, ibinunyag ni Toni Fowler na nagkakaproblema sila ngayon ni Vince Flores at nagpasya na pansamantalang wakasan ang kanilang relasyon at tila binibigyan ang kani-kanilang mga sarili na maayos ang problema.



Gayunpaman, pinayuhan din niya ang kanyang mga followers na huwag sumuko sa kabila ng mga problema at paghihirap na maaring kakaharapin nila sa hinaharap.


Sa kabilang banda, naniniwala naman ang ilang mga netizens na ang naging pahayag ni Toni Fowler ay bahagi lamang ng kanyang diskarte sa social media upang i-promote muli ang kanyang sarili at ang kanilang reality show.


Ayon sa ilang mga netizens na talagang gagawin ni Toni Fowler ang lahat para lamang makahakot ng views.


Isa sa mga pinagbabasehan ng mga netizens ay ang mga pagrereklamo nito patungkol kay Paye Galang na hanggang ngayon ay hindi pa rin nito pinapalayas sa Toro Family.


As of writing, hindi pa nagbibigay ng pahayag si Vince Flores kasunod ng napapabalitang breakup nila ni Toni Fowler.




Ama Ni Daniel Padilla Na Si Rommel Padilla Umaasa Pang Magkakabalikan Pa Sina Daniel at Kathryn!

Walang komento


 Umaasa pa rin hanggang ang beteranong aktor na si Rommel Padilla at ama ng aktor na si Daniel Padilla na mabibigyan pa rin ng pagkakataon ang kanyang anak na si Daniel Padilla na makipagkasundo sa dating kasintahang si Kathryn Bernardo.


Sa isang panayam, inamin ni Rommel Padilla na nalungkot ang buong Padilla clan sa nangyari sa relasyon ng kanyang anak na si Daniel Padilla at dating girlfriend nito na si Kathryn Bernardo. Naniniwala rin umano sila na balang araw ay muling magkakabalikan sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo at bumalik ang dating pagmamahal nila sa isa't-isa.


“Sana dumating ‘yung pagkakataon na magkita silang muli, magkaunawaan. Napakalaking panahon na nagkasama sila. Sana manumbalik pa ang kanilang pagmamahalan,” payahag ng ama ni Daniel Padilla.


Pinayuhan rin ni Rommel Padilla sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na hayaan muna ang kani-kanilang mga sarili para makapagreflect sa buhay.


“Magmuni-muni muna sila at timbangin nila ‘yung kanilang naging pagmamahalan…dapat pa ba silang magbalikan? Ito ‘yung time na ‘yun na makikita nila kung puwede pang maging sila sa mga darating na araw,” saad ni Rommel Padilla.


Hindi naman ito pinalampas ng maraming mga netizens kung saan inilahad nilang dapat ay huwag nang balikan pa ni Kathryn Bernardo ang mga katulad ni Daniel Padilla na manloloko at babaero.


May mga nagsasabi pang kung ano ang puno ay siya ring bunga kaya naman mas mabuti na para kay Kathryn Bernardo na tapusin ang relasyon kay Daniel Padilla dahil nakakatiyak lamang na darating din ang araw na magloloko rin ang aktor.


Si Rommel Padilla ay ang dating partner ni Karla Estrada, ikinasal sila noon sa Muslim rites.


Muling nagpakasal si Rommel Padilla sa kanyang ikalawang asawa na si Anabelle Antonio.


Nang matanong kung bakit nagpakasal muli si Rommel ay ipinunto lamang nito na wala namang masama rito dahil normal lamang sa mga muslim ang pagkakaroon ng maraming asawa.




Awra Briguela Humihingi Ng Tulong Sa Mga Tao Dahil Sa Kinakaharap Na Krisis!

Walang komento


 Sa kauna-unahang pagkakataon, matapos masangkot sa isang kaguluhang noong nagdaang taon, naglabas na ng opisyal na pahayag  si Awraa Briguela.


Kamakailan lamang ay naglabas ng isang open letter ang kontrobersyal actor na si Awra Briguela upang humingi ng tawad sa mga taong nasaktan niya at naapektuhan sa kinasangkutang kaguluhan noong nakaraang taon.


Sa kanyang Instagram post, inihayag ni Awra Briguela ang kanyang pagsisisi sa mga pagkakamaling nagawa niya noon na nagresulta sa kanyang pagkakakulong.


“Gusto ko simulan sa pag hingi ng tawad sa pamilya ko lalong lalo na sa magulang ko. Patawad kung mas pinili kong takbuhan at talikuran ang problema. Patawad kung wala akong tapang harapin ang mga issues naten isa’t isa. Patawad kung mas pinili kong tumakbo at mag pakasaya nang panadalian imbis na ayusin natin ang problema,” pahayag ni Awra Briguela.


“Alam kong hindi naging madali sa inyo na makita at mapanuod ako sa sitwasyong hindi maganda. Patawad kung na dismaya ko kayo sa maraming bagay. Patawad kung nagbago ako at nag iba ang ugali ko,” dagdag pa nito.


Ipinangako rin Awra Briguela na babaguhin na niya ang kanyang sarili para sa ikabubuti at humingi ng pagkakataon na tubusin ang sarili mula sa kanyang mga kamalian noon.


Bukod dito, nagbigay rin ng mensahe si Awra Briguela sa mga taong sangkot sa isyu, kabilang ang mga lalaking pinilit umano niyang paghubarin na siyang naging simula ng pagkakagulo nila.


“To the ones who were involved, I would also like to humbly ask for your forgiveness. The mistakes and all the damages that were done was mine and I am willing to take accountability and responsibility I will take all of these as a lesson that I will carry for the rest of my life,” saad ni Awra Briguela.



Humingi pa rin ng tawad si Awra Briguela sa sakabila ng pagkakaayos nila privately.


“I know we’re in good terms already and settled things privately but still I want to say sorry and thank you for allowing and giving me the chance to apologize and for accepting it.”


Lindsay De Vera Nagsalita Na Sa Pagbubuntis Niya Noon Sa Anak Nila Dingdong Dantes!

Walang komento


 Sa wakas ay nagbigay na ng pahayag ang aktres na si Lindsay De Vera sa kinasasangkutan niyang isyu ngayon patungkol sa pagkakaroon nila ng lihim na anak na Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes.


Inaabangan ngayon ng maraming mga netizens ang magigiging sagot ng aktres na si Lindsay De Vera sa lumutang na isyu ng pagkakaroon nila ng anak ni Dingdong Dantes matapos balikan ng maraming mga netizens ang mga usap-usapan noong pagbubuntis niya dahilan para biglaang tapusin ang kanyang showbiz career.


Naniniwala ang ilang mga marites na ang pagbubuntis ni Lindsay De Vera ang dahilan kung bakit bigla na lamang itong nawala sa spotlight noon at tila nagtatago sa publiko upang maiwasang lumaki ang isyu at maapektuhan ang career ng aktor na si Dingdong Dantes.


Nauna nang nilinaw noon ni Dingdong Dantes na walang katotohanan ang isyu at pawang paninira lamang laban sa kanya ang lahat. Alam din umano ni Dingdong Dantes kung sino ang totoong may pakana sa pagpapakalat ng mga fake news laban sa kanya.


Gayunpaman, hindi nakumbinsi ang lahat dahil sa pananahimik noon ni Lindsay De Vera at tila pagtatago sa publiko. Muling nabuksan ang usaping ito nang kumalat ang larawan ni Lindsay De Vera na mayroong kasamang bata na tila hawig umano kay Dingdong Dantes.


Sa pagkakataong ito ay hindi na nanahimik si Lindsay De Vera at nilinaw na ang isyu. Pinabulaanan niya ang mga bali-balitang nagkaroon sila ng relasyon ni Dingdong Dantes. Hindi rin umano niya alam kung saan nanggaling ang mga usap-usapang binuntis siya nito at itinago sa publiko upang maproteksyunan ang bata at ang kanilang mga pangalan.


Iginiit din ni Lindsay ang malaking pagrespeto niya kay Dingdong Dantes at maging sa asawa nitong si Marian Rivera. Ipinahayag pa ni Lindsay De Vera na noong unang kumalat ang isyu ay pinagtawanan lamang nila ito ng kanyang pamilya dahil alam naman umano nila ang buong katotohanan.



Billy Crawford Walang Bisyo! Pinagtanggol Ni Coleen Garcia Sa Mga Basher

Walang komento


 Naglabas na ng pahayag ang TV host na si Coleen Garcia-Crawford matapos maging maging laman ng mga usap-usapan sa social media ng ilang mga netizens tungkol sa kalusugan ng kanyang asawang si Billy Crawford matapos kumalat ang mga larawan nito kung saan kapansin-pansin ang pagiging payat nito.


Matatandaang kumalat sa social media ang isang video ni Billy Crawford kung saan makikita ang pagbagsak ng timbang nito at nagmukhang stress at tila tuyot na rin. Kaya naman hindi napigilan ng ilang netizens na magpahayag ng pagkabahala sa umano'y biglaang pagbaba ng timbang ng aktor.


Naglabasan rin ang samu't-saring speculations patungkol sa dahilan nito kabilang na ang stress, marital problem at pagbibisyo.


Kaagad namang nilinaw ng asawa ni Billy Crawford ang isyung ito upang matigil na ang paninira ng mga netizens.


Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Coleen Garcia ang larawan niya sa kanyang normal na hitsura sa bahay, na pinaniniwalaang tugon sa mga taong nag-isip tungkol sa kalusugan ni Billy Crawford.


Hiniling din niya sa mga netizens na tumigil sa panghuhusga sa estado ng isang tao batay sa kanilang hitsura o sa panlabas na anyo.


“I look sick. I look pale. I look depressed. My hair’s a frizzy mess, esp in this insane heat.

No it’s not cause of bisyo. It’s not cause of unbearable stress or marital problems or depression. It’s because I’m human. We all are. I break out, I get tired, I am getting older every day,” caption ni Coleen Garcia-Crawford.


“Anyone can bash, judge, speculate. Or we can lessen that, & make it SAFER for people to be unapolegetically authentic. Cause no one should ever have to feel like they need to put on a mask just to be accepted. 


Showbiz is a switch we turn on until we get to shed the makeup, the hair extensions & the pretensions and just BE. We complain abt how everything on social media is so fake & filtered, and then in the same breath, we bash what’s real when we feel like it’s not pretty enough for us,” dagdag pang mensahe nito.


Nakakatakot Na Pagbagsak Ni Boobay Habang Kumakanta Sa Isang Event Sa Aparri!

Walang komento


 Ikinabahala ng maraming mga tagahanga ng komedyanteng si Boobay matapos itong himatayin sa stage sa kalagitnaan ng kanyang performance.


Muli na namang hinimatay ang komedyanteng si Norman Balbuena na mas kilala sa screen name na Boobay sa gitna ng kanyang performance sa dinaluhang event sa Aparri, Cagayan noong Martes ng gabi May 7, 2024.


Kasama ni Boobay sa pagtatanghal ang kanyang kapwa komedyante na si Pepita Curtis.


Habang nagtatanghal sina Pepita at Boobay ay bigla na lamang bumagsak at hinimatay si Boobay dahilan para pansamantalang mahinto ang show.


Bumagsak si Boobay sa gilid ng stage, sa may gilid ng stage, kaagad naman itong sinaklolohan ni Pepita Curtis at dalawa pang tao.


Labis namang nag-alala ang mga tagasuporta ni Boobay sa muling pag-atake ng kanyang silent siezure kagaya sa nangyari sa kanya noon sa naging guesting niya sa Fast Talk With Boy Abunda noong April 21, 2023.


Sa kabila ng nangyari kay Boobay kagabi, ipinahayag naman ng komedyante sa isang mensahe na maayos na ang kanyang kalagayan sa ngayon at pabalik na sila ni Pepitasa Metro Manila.


Ayon sa kwento ni Bobay, natutok lamang umano siya sa malakas na lighting kagabi dahilan para ma-trigger muli ang kanyang seizure subalit naging maayos naman kaagad ang kanyang pakiramdam.


Sa kabila ng nangyari kay Boobay, pinairal pa rin nito ang kanyang professionalism at tinapos nila ni Pepita ang show.


Naniniwala naman ang maraming mga netizens na bukod sa natutukan sa mainit na ilaw sa stage si Boobay, maari ring may kinalaman ang mainit na panahon para atakehin muli ng seizure si Boobay.


Ayon sa ulat ng PAG-ASA kahapon, May 7, kasama ang Aparri sa mga lugar sa buong Pilipinas na nakasama idineklarang nasa 'danger level' dahil sa mataas na heat index na umaabot sa 44 degree celcius.


Cristy Fermin, Kinwestyon Ang Kakayahan ng Asawa Ni Angeline Quinto Matapos Malamang Buntis Na Naman Ang Singer

Walang komento

Martes, Mayo 7, 2024


 Hindi napigilan ng batikang showbiz columnist na si Cristy Fermin na tanungin ang asawa ni Angeline Quinto,na si Nonrev Daquino kung may kakayahan ba itong suportahan ang lahat ng kanyang mga anak.


Sa kamakailang episode ng kanyang programang “Cristy Ferminute,” sinabi ni Cristy na may ilang netizens din ang nagtatanong, na sinabing may tatlong anak si Nonrev mula sa magkaibang partner bago ang anak nito kay Angeline Quinto.


“Si Nonrev Daquina binabash-bash ngayon. Dahil ‘di ba nagpakasal na nga sila ni Angeline Quinto. Ano raw mangyayari kay Angeline e lima na ang anak ngayon nitong si Nonrev kasi may anak na siya sa una? Puro babae,” pahayag ni Cristy Fermin.


“Siyempre hindi naman po maiaalis sa atin na mag-isip kung ilan na ang anak niya, saan nga naman ba kukuha ng pangsustento ngayon si Nonrev? E, wala naman tayong napapabalitang negosyo niya,” dagdag naman ng kanyang co-host na si Romel Chika.


Naniniwala si Cristy Fermin na titigil lamang ang mga tao sa pag-iisip kung makikitang nagtatrabaho si Nonrev para sa kanyang pamilya.



Nagbigay din siya ng payo sa asawa ni Angeline Quinto na magtayo ng negosyo para mas maalagaan at masusustentuhan niya ng mas maayos ang kanyang mga anak hindi lamang kay Angeline Quinto kundi sa dalawang babae na naging partner niya noon.


“Dapat dahil siya ang ama ng tahanan dapat siya ‘yung nakikita ng publiko na nagtatrabaho talaga para hindi sinasabi na umaasa lang siya kay Angeline Quinto. Nakakalungkot naman ‘yang ganyan. Kaya ngayon, binabash-bash siya,” saad ni Cristy Fermin.


Nauna nang nilinaw ni Angeline Quinto ang patungkol sa isyung siya ang sumusuporta sa binubuong pamilya nila ni Nonrev Daquina.



Ogie Diaz, Nagreact Sa Pagsuporta ni Liza Soberano kay Bea Alonzo Sa Pagsampa ng Kaso kay Ogie Diaz.

Walang komento

Nag-react ang kilalang showbiz insider at talent manager na si Ogie Diaz sa misteryosong social media move ng kanyang dating talent na si Liza Soberano, kung saan ne-repost nito ang balita tungkol sa mga kasong kinakaharap niya na isinampa ng Kapuso actress na si Bea Alonzo.


Sa kamakailang episode ng kanyang online program na Showbiz Updates, sinabi ni Ogie Diaz na may karapatan si Liza Soberano na ibahagi ang lahat ng gusto niya sa kanyang social media page.


“Sa akin walang problema ‘yon. Okay lang, karapatan niya ‘yon eh… account niya ‘yon eh, twitter account niya ‘yon. Kasi ako, sa akin lang noh? Kung makakatulong sa career ni Liza ‘yong pagrerepost niya eh di irepost niya ng irepost,” pahayag ni Ogie Diaz.


Iniisip ng mga netizens na ang naging desisyon ni Liza Soberano na irepost ang articles ay isang swipe laban sa kanyang dating manager.


Matatandaan na nagsimula noong nakaraang taon ang isyu sa pagitan nina Liza Soberano at Ogie Diaz nang isiwalat ng aktres ang naging buhay niya sa ilalim ng pangangalaga ni Ogie Diaz at ang naging problema nila ng kanyang dating manager.


Ayon kay Liza Soberano, nagpakalat si Ogie ng disinformation tungkol sa kanya matapos ang paglipat niya ng panibagong management.


Isiniwalat pa noon ni Liza Soberano na patuloy pa ring humihingi ng commissions si Ogie Diaz sa mga endorsements niya na napirmahan bago siya magpalit ng management kahit pa wala na itong obligasyon sa kanya.


Kaagad naman pinabulaanan ni Ogie Diaz ang mga pahayag na ito ni Liza Soberano at dinipensahan niya ang kanyang sarili na kumukuha lamang ng maliit na percentage sa mga kita noon ng aktres.



 

Claudine Barretto Nilooban at Ninakawan Sa Loob Ng Bahay!

Walang komento


 Malungkot na ibinahagi ng batikang aktres na si Claudine Barretto na ninakawan ang bahay ng kanynag mga magulang sa Subic, Zambales na kakaparenovate pa lamang ni Gretchen Barretto.


Naisiwalat din niya na dahil sa insidenteng ito ay nalagay sa pelegro ang buhay ng kanyang nanay.


Ayon sa pagbabahagi ni Claudine Barretto, kaka-renovate lamang ng kanilang bahay nang maganap ang insidente kaya naman karamihan sa mga nakuha ay mga brand new at mamahalin.


Sa kamakailang panayam kay Claudine Barretto para sa kanyang pelikulang 'Sinag'. Naibahagi ni Claudine Barretto ang nangyari sa pamamahay ng kanilang mga magulang.


"Nilooban yung bahay ng mommy at daddy ko. Lahat yun kasi pinaayos ni Gretchen. Lahat ng mga kagamitan doon bago, pina-landscape pa niya, lahat yun milyun-milyon."


Kabilang sa mga natangay ng mga magnanakaw na kagamitan nila ayon kay Claudine Barretto, ay ang mga best TV's, mga aircon. Nagkahabulan pa umano ang mga suspek at pulis subalit hanggang ngayon ay hindi pa rin nahuhuli ang mga ito at wala paring development sa kaso.


Naibahagi rin ni Claudine Barretto na hindi lamang ang bahay nila ang napasok ng mga magnanakaw kundi maging ang bahay ng kanyang talent manager na si Arnold Vegafria na mas kilala bilang ALV.


Dahil sa mga insidenteng ito, hiniling ni Claudine Barretto sa mga opisyal ng SMBA at maging ng opisyal ng Olongapo na gawan ng paraan ang mga ganitong pangyayari.


Naibahagi rin ni Claudine Barretto na dahil sa nangyari ay muntik nang mapasok sa ICU ng kanyang ina. Muntikan na umano itong mawala sa kanila buti na lamang ay nakita ito ng kanyang anak na si Noah.


Ayon kay Claudine, nasa hotel sila noong mga panahon na iyon kaya naman kung hindi umano ito nakita ni Noah na nakayuko ay malamang ay tuluyan na itong nawala sa kanilang piling.



Muli ring ipinahayag ni Claudine Barretto ang pinaniniwalaan niyang responsibilidad ng mga anak na alagaan ang mga magulang. Kung hindi man financially ay maari rin naman na ang oras na lamang ang ibigay para sa kanila.


Sa ngayon ay excited na si Claudine Barretto sa kanyang panibagong project na pinamagatang Sinag na kukunan sa iba't-ibang magagandang lugar sa bansa.




Marian Rivera Binanatan Si Lindsay De Vera Sa Balitang Buntis Ito Kay Dingdong Dantes!

Walang komento


 Mainit na pinag-uusapan ngayon sa ilang mga entertainment news sites at ilang mga social media platforms ang muling nabuksang isyu ng pagkakaroon ng anak sa labas ng Kapuso primetime King na si Dingdong Dantes.


Naging lamang ng mga usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang mga haka-hakang nabuntis noon ng Kapuso actor-host na si Dingdong Dantes ang starlet na si Lindsay De Vera.


Lalo pang uminit ang mga bali-balitang ito ng tila maglabas ng pasaring si Marian Rivera sa mga buntis-buntis isyu na pinag-uusapan ngayon sa social media.


Pahayag ni Marian Rivera, "Niloko ko siya, sabi ko, 'Ano ba 'yan, ang daming buntis-buntis.' Sabi ko, 'Beke nemen, baka ako ang susunod diyan. Pero siyempre, sa ngayon, kung ano ang meron sa amin ni Dong ay pinagpapasalamat namin at pingtitibay namin lalo na at may dalawa kaming anak."


Sa naging pahayag na ito ni Marian Rivera mahihinuhang wala itong pakialam sa mga naglalabasang isyu patungkol sa isyu noong nabuntis ng kanyang mister na si Dingdong Dantes si Lindsay De Vera.


Marami naman sa mga netizens ang hindi nalilinawan sa isyu dahil sa pananahimik ni Lindsay De Vera. Mula noon ay hindi nagbigay ng pahayag si Lindsay at bigla na lamang itong nanahimik sa isyu kinasasangkutan.


Naging in-active rin ito sa showbiz na siyang pinanghuhugutan ng maraming netizens na totoo ang isyu.


Naniniwala ang maraming mga netizens na kailangan na itong magbigay ng pahayag upang maging malinaw na ang isyu sa pagitan nila ni Dingdong Dantes.



Cristy Fermin Sinumbat Ang Naitulong Niya Kay Bea Alonzo Dahil Sa Pagsampa Ng Kaso Laban Sa Kanya!

Walang komento


 Naglabas ng saloobing ang kilala at batiking showbiz columnist na si Cristy Fermin hinggil sa isinampang kaso laban sa kanila ng kanyang kapwa kapwa columnist ng Kapuso actress na si Bea Alonzo.


Sa kamakailang episode ng programa ni Cristy Fermin na Cristy Ferminute kasama ang kanyang co-host na si Romel Chika, naisiwalat ni Cristy Fermin ang kanyang saloobin patungkol sa kinakaharap na kaso na isinampa ni Bea Alonzo.


Ayon sa naging talakayan nila ni Romel Chika, hindi pa naman umano siya nakakatanggap ng subpoena kaya naman hindi niya alam kung ano ang inirereklamo ni Bea Alonzo sa kanila kaya naman pinipili niyang huwag na munang maglabas ng pahayag sa mga taong nagtatanong sa kanya patungkol rito.



Ipinahayag rin ni Cristy Fermin na totoong may karapatan si Bea Alonzo o kahit na sinong mga artista na masampa ng kaso laban sa mga katulad nilang myembro ng media o mga news reporters subalit, napakalayo pa umano ang tatakbuhin ng kasong ito dahil magpapalitan pa sila ng mga sinumpaang salaysay at ang prosecutor's office na lamang ang bahala sa kanila.


Ang prosecitor umano ang siyang magbibigay ng desisyon kunmg sino ang tama at mali sa kanilang mga sangkot sa kaso.


Samantala, inihayag ni Cristy Fermin na hinding-hindi niya matatanggap ang isiniwalat ng panig ni Bea Alonzo kung saan sinabi nitong pinagkakakitaan nila ni Ogie Diaz sa kani-kanilang mga programa si Bea Alonzo.


Iginiit ni Cristy Fermin na hindi lamang naman si Bea Alonzo ang pinag-uusapan nila sa kani-kanilang mga show kundi ang lahat ng mga public figures sa bansa.


Tila isinumbat rin ni Cristy Fermin ang mga panahon na ipinagtatanggol niya si Bea Alonzo sa mga pinagdadaanan nitong isyu noon kung saan pinroteksyunan umano niya ang pangalan ng aktres, ipinagtanggol at kinalaban niya ang lahat para lamang mabigyan ng magandang opinyon ang aktres.


Subalit, ngayon ay ganoon na lamang kadali para rito na idemanda siya.


Narito ang pahayag ni Cristy.


“Ako po ang nagbigay ng proteksyon sa kanya, ako po ang nagtanggol. Kinalaban ko ang lahat para lang mabigyan ko siya ng magandang pagtalakay at opinion.”


“Sa dinamidami po ba ng magagandang nagawa sa buhay na ito na tayo’y namumuhunan ng ating pangalan, ating kredibilidad, ang ating opinion at maaring sabihing nakagaganda sa isang personalidad, ‘yun pong lahat ng ‘yun kapag siya po ba ay nakarinig ng isang bahay na hindi niya gusto at masama sa kanyang panlasa, lahat po ba ng magandang ginawa tungkol sa kanya ng taong nagtanggol sa kanya sa pinakamahabang panahon ay ibabasura na lamang?”


Dagdag pa niya, “Sana po bigyan natin ng pagpapahalaga ‘yung mga taong tunay na nagmamalasakit at nagmamahal at dapat intindihin ninyo ang aming propesyon dahil kami po ay tagapagtawid at tagalatag ng mga balita, hindi maari na ang gusto n’yo lang ang aming sabihin."


“Kayo po ay public figures kayo po ay nabubuhay sa loob ng aquarium sabi ko nga at gasgas na ang linya kong ito, kayo po ay mga isda sa loob ng aquarium ang publiko po ay nakatanaw sa inyo bawa’t galaw ninyo, bawat ikot n’yo, marami pong nakatanaw, wala kayong maaring ligtasan (dahil) public figure kayo huwag masyadong balat sibuyas, pero ‘yung karapatan mo Bea Alonzo para magsampa ng kaso laban sa amin ni Ogie Diaz at sa iba pa naming mga kasama ‘yan ay hindi naming hinaharangan."


“Sabi nga kayo ang nagdemanda, ikaw Bea ang nagsampa ng kasong libelo laban sa akin, kay Ogie Diaz at sa aming mga kasama ano ang ating mga sinasabi, we will see you in court.”




General Manager Ni Xian Lim Rumesbak Sa Bashers Pinagtanggol Si Xian Sa Cheating Issue Kay Kim Chiu!

Walang komento


 Nagbigay ng pahayag ang general manager ng Aguila Entertainment Agency na si Jan Enriquez kung saan ipinagtanggol niya ang kaibigang Kapuso-actor director na si Xian Lim, na binabatikos ngayon sa social media dahil sa isyung nangloko kay Kim Chiu.


Ipinagtanggol ni Jan Enriquez ang kanyang kaibigang si Xian Lim laban sa mga netizens  na nambintang sa rito na umanoy nagtaksil at nanloko sa kanyang ex-girlfriend na si Kim Chiu matapos ang pag-amin ng aktor sa totoong relasyon nila ngayon ni Xian Lim.


Sa kamakailang Twitter post ni Jan Enriquez, inilahad niyang 15 years na silang naging magkaibigan ni Xian Lim kaya naman kilala na niya ang aktor. Alam umano niya na hinding-hindi magagawa ni Xian Lim na magloko ng kahit na sinong nakarelasyon nito.


Kaya naman, wala umanong katotohanan ang paniniwala ng maraming mga netizens na third party ang dahilan ng paghihiwalay nina Kim Chiu at Xian Lim.


Iginiit pa niya na naging committed si Xian Lim sa lahat ng mga nakakarelasyon nito at lahat ng mga naging past relationship ni Xian Lim ay tumatagal talaga.


Maayos din umanong naghiwalay sina Kim Chiu at Xian Lim bilang patunay nito ay ang joint statement nila kung saan inamin ang kanilang paghihiwalay.


Ipinunto rin ng General Manager na nakipag-date lamang si Xian Lim kay Iris Lee matapos ang hiwalayan nila ni Kim Chiu noong November 2023.


Kaya naman hindi maituturing na nag-cheat si Xian Lim at naging third party sa hiwalayan nila ni Kim Chiu.


Sa kabila nito, hindi pa rin natinag ang mga netizens dahil kung hindi man maituturing na third party si Iris Lee ay hindi naman umano maitatanggi na ito ang dahilan kung bakit hiniwalayan ni Xian Lim si Kum Chiu dahil unti-unti na silang nagkakalapit ni Iris Lee.


Patunay na lamang rito ang agarang pakikipag-date ni Xian Lim kay Iris Lee matapos ang paghihiwalay nila ni Kim Chiu.


Binalikan pa ng mga netizens ang mga larawan na kumalat noong buwan ng December 2023 kung saan makikitang nagdi-date na sina Xian Lim at Iris Lee.


"Wag sya. Papunta pa lng sya. Pabalik na kami. Nagkagusto sya sa isa while in a relationship kaya di na pinaglaban ang 12 years dahil business-wise, mas malaking benefits ang 2nd. Anyway, not all that glitters is gold. What attracts him now would be the same reason of his misery."


"Possible naman talaga. Seeing after the BU na but yung pagkakagusto nya kay girl ay matagal na. He could have been honest since then. He's a good strategist. To rise for fame, he involved himself with Kim. To succeed in his directorial job, he involved with Iris. Business-wise."



Ian Veneracion Binaliktad Ang Isang Babae Sa Stage! Mga Netizens Hindi Natuwa!

Walang komento


 Hindi ikinatuwa ng maraming mga netizens ang ginawa ng aktor na si Ian Veneracion sa isang babae sa stage ng dinaluhang beauty pageant. 


Viral at pinag-uusapan ng maraming mga netizens sa ilang mga social media platforms ang video kung saan binaliktad ng batikang aktor na si Ian Veneracion ang isang babaeng nanonood sa beauty pageant kung saan naging guest ang aktor nitong May 5, 2024.


Sa kumakalat na video, makikita ang panghaharana ni Ian Veneracion sa mga kandidata ng isang beauty pageant kasunod nito makikita ang pagbaba ni Ian Veneracion sa stage para mamili ng random person na nanonood na siyang isasama niya sa stage.


Kaagad naman nakapili si Ian Veneracion ng babaeng isinama niya sa stage, pansamantalang huminto sa pagkanta si Ian Veneracion at sininyasan niya ang babae na itaas ang dalawang kamay na kaagad naman nitong sinunod.


Dito na nilapitan ni Ian Veneracion ang babae bigla na lamang niya itong binuhat ng pabaliktad.


Kaagad naman itong umani ng samu't-saring reaksyon at komento mula sa mga netizens, may mga natatawa sa ginawa ni Ian Veneracion sa kanyang fans at humihiling na sila naman ang isunod nito.


Subalit, mayroon ring hindi nagustuhan ang ginawa ng aktor sa kanyang fan dahil hindi naman umano tama na gawin ito ng ramdom at sa harap pa ng maraming mga tao.


May mga nagbiro pa na kaya naman pala malaki ang hinihinging talent fee ni Ian Veneracion dahil may lifting palang kasama sa gagawin ng aktor.


Ayon pa sa ilang mga netizens na dapat mag-ingat ang mga babaeng sinasama ni Ian Veneracion sa stage dahil palagi itong nambubuhat.


Kung matatandaan hindi naman umano ito ang unang pagkakataon na mayroong binuhat na fans si Ian Veneracion dahil may mga nagsasabing naranasan na rin nila ang ganito noong nagpapicture sila sa aktor.


Hindi lang naman sa fan ginagawa ni Ian Veneracion ang ganito dahil matatandaan na sa kalagitnaan noon sa panayam kina Jodi Sta. Maria at Richard Yap ay bigla na lamang na inangat ni Ian Veneracion si Jodi Sta. Maria.


@radyopilipino

POV: BINUHAT KA NI IAN V! Habang hinaharana ang mga manonood, binuhat ng aktor na si Ian Veneracion ang isang lucky fan kagabi sa naganap na Miss Cebu 2024! #MissCEBU #RadyoPilipino #CebuCity #IanVeneracion

♬ original sound - Radyo Pilipino

Maricel Soriano Inamin Na Pagmamay-ari Ang Condo Na Nasasakot sa Ipinagbabawal na Gam0t

Walang komento


 Inamin ng batikang actress na si Maricel Soriano nitong martes, May 7, 2024 na totoong mayroon siyang condominium unit sa Makati City na siyang iniuugnay sa mga illegal drug activities isang dekada na ang nakakalipas.


Nakaladkad ang pangalang ni Maricel Soriano sa alleged leaked operational document ng Philippine Drug Enforcement Agency kung saan makikita ang mga personalities na nagkaroon ng illegal drug use.


Sa panimulang pahayag ni Maricel Soriano ipinahayag niya na natatakot at kinakabahan siya sa pagharap sa senado dahil ito ang kanyang unang pagkakataon na makatanggap ng ganoong uri ng imbitasyon.


Sa nasabing hearing hayagang inamin ni Maricel Soriano na pagmamay-ari niya ang isa sa mga condo sa Rizal Tower Building sa Makati City.


Matatandaan na sa mababasa sa isang dokumento na nag-leaked ang mga pangalan ng mga showbiz at political personalities na gumagamit ng illegal drugs sa loob ng Unit 4-C ng Rizal Tower Building, Makati City.


Subalit, sa naganap na Senate committee hearing ng Public Order and Dangerous Drug, binanggit ni Senator Ronald Bato Dela Rosa na ang ibang condo unit number.


Imbes na Unit 4C ang binanggit ng Public Order and Dangerous Drugs Commitee Chairman na si Sen. Bato Dela Rosa ang unit number na 46-C sa pagtatanong kay Maricel Soriano sa kanyang pagmamay-ari nito.


Kaagad namang inamin ni Maricel Soriano na sa kanya nga ang nasabing unit subalit naibenta na umano niya ang nasabing property noong 2012.


Kaagad naman sinabi ni Senator Bato Dela Rosa na supposedly ay magkakaroon ng operation ang PDEA sa nasabing lugar subalit mayroong nag-leaked sa pre-operational report.


Naitanong rin ng Senador kung natatandaan pa ba ng actress ang eksaktong buwan ng pagbibenta niya sa nasabing property.


Subalit hindi na umano maalala ni Maricel Soriano ang eksaktong petsa ng kanyang pagbibenta sa unit tanging taon lamang ang naaalala niya.


Binalikan rin ni Senator Bato Dela Rosa  ang naging ang isyu noong 2011 kay Maricel Soriano kung saan inireklamo ang aktres ng kanyang dalawang kasambahay ng serious physical injury dahil sa paggamit ng aktres ng ipinagpapabawal na gamot.


Kaagad naman itong pinabulaanan ni Maricel Soriano kung saan iginiit niyang lumayas ang kanyang dalawang kasambahay matapos siyang pagnakawan.


Pinasinungalingan din niya ang isyung pambubugbog niya sa mga ito dahil paano niya ito gagawin kung dalawa naman ang kanyang mga kasambahay.



Francine Diaz, Humingi Ng Tawad Sa Orange And Lemons Nagkaayos Na

Walang komento


 Nagbigay na ng pahayag ang Kapamilya actress na si Francine Diaz at vocalist ng bandang Orange and Lemons na si Clem Castro patungkol sa kanilang isyu sa isang LGU event sa San Jose, Occidental Mindoro na naging mainit na usapin sa ilang mga social media platforms.


Sa isang panayam kina Francine Diaz at ng producer-organize ng event na nagpakilalang si Kylee Dioneda nilinaw na ang naging misunderstanding sa pagitan nila at sa bandang Orange and Lemons.


Unang humingi ng paumanhin ang producer-organizer na si Kylee Dioneda sa nangyaring confusion sa nasabing event dahil sa kanilang miscommunication dahil sa rami ng nangyari sa kamakailang event.


Ibinahagi rin nito na na-delay ng dalawang oras ang event kaya matagal na nakapag-perform ang aktres na nakatakdang magperform mula 9:00 p.m hanggang 10:

00 p.m.


Talagang nasa programme na mauunang magperform ang Orange and Lemons subalit, nagrequest umano ang ina ng aktres na si Francine Diaz kung maaring paunahin na lamang ang aktres dahil isang kanta lang naman ang kakantahin nito.


Pumayag naman sila at binigyan ng go signal ang aktres subalit hindi nila naipalam sa Orange and Lemons ang sitwasyon kaya naman na-insulto ang banda sa biglaang pagtawag at pag-akyat ni Francine Diaz sa stage.


Sa kabilang banda isiniwalat naman ni Clem Castro ang naramdaman niya ng kumalat at nagtrending sa social media ang video ng kanilang pag-walk out at pag-address sa singitan issue.


Nais umano nilang makausap ang kampo ni Francine Diaz subalit nakaalis na ito papuntang Manila. Inamin din ni Clem Castro na na-frustrate siya at na-stress sa isyu lalo na't nakatanggap din sila ng matinding pambabatikos mula sa mga fans ni Francine Diaz.


Samantala, nagkaroon na nag dinner meeting sa pagitan ng kampo nina Francine Diaz, Orange and Lemons at ng mga organizers ng event upang mapag-usapan ng malinaw ang nangyaring misunderstanding.


Sa kabilang banda, nilinaw ni Francine Diaz na nagkaayos na sila ni Clem Castro. Humingi rin umano siya ng pasensya sa mga ito dahil sa hindi niya pag-acknowledge sa presence ng mga ito sa stage tila nawala umano siya sa kanyang 'right state of mind'.


Isiniwalat din ni Francine Diaz ang posibilidad na magkakaroon sila ng collaborationg ng Orange and Lemons sa hinaharap.


“He offered po, Sir Clem offered na parang kung meron akong gagawing songs in the future, pwede siyang magsulat for me. At kung meron akong sinusulat, pwede niyang mas ayusin pa yun. Ako rin po as my peace offering, ininvite ko po siya sa araw na isho-show yung first movie namin ni Seth,” pagsisiwalat ni Francine Diaz.




Kim Chiu Ipinakilala Na Si Paulo Avelino Sa Kanyang Mga Magulang at Kapatid

Walang komento


 Labis na kinilig ang mga KimPau fans nang lumabas ang balitang ipinakilala na ng Kapamilya actress-TV host na si Kim Chiu sa kanyang mga magulang sa Cebu ang kanyang rumored boyfriend na si Paulo Avelino.


Naging laman ng mga usap-usapan ngayon ang pagpunta umano ng rumored celebrity couple na sina Paulo Avelino at Kim Chiu sa Cebu para magbakasyon at para na rin bisitahin ang pamilya ng aktres.


Ayon sa ilang mga haka-haka na kumakalat sa social media, iniharap na ni Kim Chiu si Paulo Avelino sa kanyang mga magulang at kapatid.


Pinatutuhanan naman ito ng ilang mga netizens na sinasabing nakasabay nina Kim Chiu at Paulo Avelino sa airport na talagang pa-Cebu umano ang dalawa para pansamantalang magpahinga sa showbiz matapos ang taping nila sa local adaptation ng South Korean hit series na What's Wrong With Secretary Kim?


Samantala, ikinagulat naman ng ilang mga netizens ang pananahimik ni Kim Chiu sa social media sa mga lakad nila ni Paulo Avelino gayung kilala naman ng lahat ang aktres na maingay sa mga social media o personal man na buhay.


Dahil dito, marami ang naghinala na talagang mas pinili nina Kim Chiu at Paulo Avelino na maging pribado ang kanilang relasyon.


Sa kabilang banda, naniniwala pa rin ang maraming mga netizens na mas mabuting kilalanin na muna ng dalawa ng maigi ang isa't-isa bago umamin sa publiko sa kanilang relasyon.


Umaasa naman ngayon ang mga netizens na magkakaroon muli ng proyekto ang dalawa na pagsasamahan.




Matet De Leon Ninakawan Ng Kanyang Dating Katulong, Matet Nakiusap

Walang komento


 Nagbigay ng babala ang aktres na si Matet De Leon para sa kanyang mga followers at lahat ng mga netizens patungkol sa kanyang kasambahay na bigla na lamang na umalis sa kanyang pamamahay at ninakawan pa siya ng mga gamit.


Sa isang social media post, inilahad ni Matet De Leon sa mga netizens kung sakaling nakita ang babaeng nagngangalang Josephine Gonzaga ay ipag-alam kaagad sa kanila dahil tumakas ito at nagnakaw pa.


Kaagad namang umani ng komento mula sa mga netizens, marami ang nagsasabi na sa panahon ngayon talagang mahirap nang magtiwala ng ibang tao para ipagkatiwala ang pamamahay at mga gamit sa loob nito.


May mga nagtatanong din kay Matet De Leon kung ano ang nangyari at kung ano ang ninakaw ng kanyang kasambahay sa kanila.


Ayon kay Matet De Leon, hindi na nila pinautang ang kanilang kasambahay dahil umaabot na sa 20k ang utang nito sa kanila tila nagalit ang kasambahay at nilayasan na lamang sila.


May mga nagpayo pa kay Matet De Leon na sa susunod ay huwag na lamang umanong magpautang para makaiwas sa stress. Sinasabi rin ng ilang mga fans ng aktres na tiyak umanong hindi na ito magbabayad sa inutang kaya mas mabuting huwag na lamang umanong mag-expect si Matet De Leon na maibabalik pa ang kanyang pera.


Sinagot naman ito ni Matet at sinabing kaya nagpautang siya sa kasambahay ay dahil naawa siya rito dahil nangangailangan ito. Blessed naman umano sila kaya naman pinautang niya ito subalit tila namihasa na umano ito. Nagbigay rin siya ng warning sa lahat dahil tiyak umanong naghahanap na ito ng panibagong mapapasukan ngayon.



Netizens, Nag-Alala Tungkol Sa Kapansin-Pansing Payat at Tuyot Na Hitsura Ni Billy Crawford

Walang komento


 Ikinabahala ng maraming mga tagahang ng host-performer na si Billy Crawford ang mga kumakalat na larawan sa social media.


Viral at mainit na pinag-uusapan ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang mga larawan ni Billy Crawford kung saan makikita ang malaking pagbabago sa kanyang pangangatawan.


Makikita sa mga nasabing larawan ang labis na pagpayat ni Billy Crawford, humpak ang mga pisngi at mukhang stress.


Marami sa mga tagahanga at tagasuporta ng aktor ang labis na nag-aalala sa kalagayan nito lalo na ngayong malayo ito sa kanyang pamilya.


May mga naghinala rin ba baka ay mayroon iniindang karamdaman si Billy Crawford na hindi pa nito inaamin sa publiko.


May mga lumutang ring mga haka-haka na baka mayroong bisyo si Billy Crawford dahilan para pumayat at tuyot ang kanyang pangangatawan.


Gayunpaman, kaagad itong ipinagtanggol ng kanyang mga tagahanga. Ipinunto nila ang posibilidad na pagod lamang si Billy Crawford sa mga ginagawang shows sa France.


Maari rin umanong nag-di-diet ito para sa kanyang mga performance sa shows o kaya naman ay talagang namimiss lamang nito ang kanyang mag-ina na naiwan sa Pilipinas.


Sa ngayon ay hindi pa naman naglalabas ng pahayag si Billy Crawford patungkol sa mga kumakalat na intriga laban sa kanya.


Narito ang ilang mga komento ng mga netizens sa larawan at video na kumakalat ni Billy Crawford.


“Anyway, hopefully he is okay. Pwede din talaga kasing stressed out siya at hindi kumakain because of home sickness.”


“Kapag tumaba, huy tumaba ka.Kapag pumayat, mukha kang may sakit.Mga sala sa init, sala sa lamig ang mga hindaught.”


“Puro kayo haka haka. Di ba pwedeng gusto lang talaga pumayat? Haha dati chubby dami nag bbash pumayat na ganun parin hahaha”


"Ganyan talaga itsura niya if no make up, ever since dark talaga under eye plus weight loss pa.”


@arkishac happy eating! #fyp #billycoleen #thecrawfords #billycrawford #coleengarcia #amaricrawford ♬ original sound - abc
Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo