Heart Evangelista Nawalan Na Naman ng Panibagong Anak

Walang komento

Lunes, Mayo 13, 2024


 Ibinunyag ng Kapuso actress at Fashion icon na si Heart Evangelista na nawalan siya ng baby boy noong Mother's Day.


Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Heart Evangelista kung paano nawala ang kanilang baby boy ni Senator Chiz Escudero.


"A few days ago our baby boy's heart stopped beating 🕊️ this will be our 4th angel," pagbabahagi ni Heart Evangelista.


Ayon kay Heart Evangelista, ang pagkawala ng kanilang pang-apat na anak ni Chiz Escudero ay isa sa kanyang pinakamalaking heartbreaks. Inilahad din niya sa kanyang post ang pasasalamat sa kanyang mga unborn angels dahil sa pagsusumikap umano ng mga ito na makasama sila.


Kahit pa hindi naman naisilang ang kanilang anak ay pinangalan na ito ni Heart Evangelista na 'Francisko'. Ipinahayag niya na kahit pa hindi pa niya ito nahahawakan ay mahal na mahal na niya ito kaya naman hiling niya na sana ay darating rin ang pagkakataon na mapagbigyan siya na magkaroon ng sariling anak.


"and although this could be one of my biggest heartbreaks … thank YOU for still for trying to be with me and for making me feel so much love already . Love and hope that this world could never give … i love you “francisKo” i shall keep my heart intact while you find your way back to us .To all the mothers , fur moms, mothers to friends , thank you for your heart and all the women like me … going through same struggle … Happy Mothers Day"


Sumulat din si Heart Evangelista ng letter para sa kanyang anak na si Francisko.


"My son Francisko,


I was sure to meet you soon. I had prepared a few things that you may like but for some reason your beating heart lost its way to us. I don't blame you for being scared- it is a scary world but I would like to let you know that I was prepared for you. Even if I am heartbroken, I will keep my heart intact while you find your way back to us. Your beating heart has healed me in so many ways. I love you anak, I'll be waiting for you.


Mama Heart."


Marami naman ang nakisimpatya kay Heart Evangelista lalo na ang mga kababaihan na humihiling na mabigyan rin ng anak kagaya kay Heart, darating din umano ang panahon para ang panalangin naman nila ang dinggin at mapagbigyan.


Pamilya Ni Dominic Roque Ayaw Na Kay Bea Alonzo Dahil Sinira Nito Ang Pagkatao at Career Ni Dominic!

Walang komento


 Mainit na pinag-uusapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang isyung inayawan na rin ng mga magulang ng actor-model na si Dominic Roque ang kanyang ex girlfriend na si Bea Alonzo dahil sa pagsira ng reputasyon ng kanilang anak na maaring makaapekto sa career at negosyo nito.


Inayawan na rin umano ng mga magulang ni Dominic Roque ang Kapuso actress na si Bea Alonzo, matapos makarating sa kanila ang ginawa ng aktres na tila panghahamak sa kanilang anak dahil lamang sa mas mayaman siya kaysa rito.


Pinagsabihan na rin umano ng mga magulang ang aktor na itigil na ang panunuyo kay Bea Alonzo na ipinagsigawan na sa buong mundo na ayaw na sa kanya.


Isa sa mga naging dahilan nito ay ang pananahimik ni Bea Alonzo sa mga masasamang balita na ibinabato ng mga tao laban kay Dominic Roque sa kasagsagan ng hiwalayan isyu ng dalawa.


Hindi umano nagustuhan ng mga magulang ni Dominic Roque at maging ng kanilang pamilya ang pananahimik ni Bea Alonzo na tila ba ay lalo umano nitong idinidiin ang aktor at modelo. 


Gayung kaagad naman siyang ipinagtanggol noon ni Dominic Roque nang kumalat ang isyung si Bea Alonzo talaga ang mayroong problema dahil palaging nauuwi sa masalimoot na hiwalay ang kanyang mga relasyon.


Tila ipinapalabas umano palagi ni Bea Alonzo na siya ang nabibiktima sa bawat hiwalayang nagaganap gayung may kontribusyon naman umano ito kaya hindi nagiging maayos ang kinauuwian ng mga relasyon nito.


Sa ngayon ay hindi na umano feel ng mga magulang at kapamilya ni Dominic Roque si Bea Alonzo matapos malaman ang totoong ugali nito at ng mommy nito na mga matapobre.



KC Concepcion Nag-Reach Out Sa Inang Si Sharon Cuneta Matapos Isiwalat Ang Kanilang Hindi Pagkakaunawaan

Walang komento


 Nakatanggap ng Mother’s Day greeting ang Megastar na si Sharon Cuneta mula sa kanyang panganay na anak na si KC Concepcion, ilang araw lamang matapos niyang ihayag ang isyu nila sa kanyang anak.


Matatandaang nilinaw na ni Sharon Cuneta ang mga isyu sa pagitan nila ni KC Concepcion, na malapit na umanong umabot sa puntong susumuko na siya sa pagtatangkang makipag-ugnayang muli sa kanyang anak.


Inilarawan ni Sharon Cuneta ang status nila ngayon ni KC Concepcion bilang “estranged,” ibig sabihin ay nagdesisyon silang hindi na magpakialaman pa.


“Ano man din ang problema ng panganay ko, because at this point we are estranged I’m very very hurt, pero there are things na ‘tama na ‘yon’ there are things na amin nalang,” pag-amin ni Sharon Cuneta.


Sa kabila naman nito, inilahad ni Sharon Cuneta na mahal na mahal pa rin niya ang kanyang anak na si KC Concepcion. Napapagod na lamang umano siyang ipagsisikan ang kanyang sarili.


Hindi naman nagbigay ng dahilan si Sharon Cuneta sa kung ano ang totoong pinag-ugatan ng kanilang tampuhan ni KC Concepcion, sinabi lamang niyang napapagod na siyang ipagsisikan pa ang kanyang sarili.


Samantala, nagbigay naman ng mensahe si KC Concepcion para sa kanyang ina nitong Mother's Day Celebration, na labis na ikinamanghan ng kanyang mga tagasuporta. Ipinahayag ni KC Concepcion ang kanyang gratitude para sa kanyang inang iniluwal siya at ang kanyang pagmamahal para rito.


"To my beautiful mama, it’s your day I pray for us to enjoy life’s pleasures and adventures together soon. You’re the first person I ever met, and ever loved, it’s because of you that I’m here today. Trust in the way you raised me- I will always strive to make you proud and feel that having me was worth it  I love you. I wish I could give you the world so you wouldn’t have to worry about anything for another second. Happy Mother’s Day mama!" mensahe ni KC Concepcion sa kanyang ina.


Marami naman sa mga netizens ang nagpapayo ngayon kay KC Concepcion na kausapin ang kanyang ina upang maayos na nila ang kung ano mang hindi napagkakasunduan.

Malaking Pasabog Ni Dina Bonnevie Ngayon Lang Nilabas! Panloloko Ni Vic Sotto at Conney Reyes

Walang komento


 Binalikan ng batikang aktres na si Dina Bonnevie ang paghihiwalay nila noon ng dating asawa na si Vic Sotto.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng nakakarami isa sa mga dahilan kung bakit nagkahiwalay sina Dina Bonnevie at Vic Sotto ay dahil sa naging relasyon nina Vic Sotto at kapwa Eat Bulaga host noon na si Conney Reyes.


Sa kamakailang panayam ni Boy Abunda kay Dina Bonnevie programa nitong Fast Talk With Boy Abunda, isa sa mga naging paksa ng kanilang pag-uusap ay ang hiwalayan nina Vic Sotto at Dina Bonnevie.


Matatandaan na naghiwalay noon sina Dina Bonnevie at Vic Sotto matapos ang pagkakaroon nila ng dalawang anak na sina Danica at Oyo.


Nang tanungin naman umano ni Dina Bonnevie si Vic Sotto kung bakit nito nagawa sa kanya ang panloloko, sinagot lamang siya nito na dahil sa pagiging inexperienced niya.


Ayon kay Dina Bonnevie, kahit na may malaki silang problema noon ni Vic Sotto at napapadalas ang kanilang pagtatalo ay hindi umano nila ipinapakita ito sa kanilang mga anak.


Hindi rin umano niya sinisiraan si Vic Sotto sa kanilang mga anak dahil Kahit pagbabaliktarin man ang mundo ay ito pa rin ang ama nila.


Aminado naman si Dina Bonnevie na nahihirapan siyang magpaliwanag sa kanilang mga anak ni Vic Sotto nang dinadala na nito ang kanyang anak kay Conney Reyes na si Vico Sotto.


Palagi umanong nagtatanong ng kanyang mga anak kung sino ang batang kasama ng kanilang amang si Vic Sotto na minsan ay kinakarga din nito.


Inamin rin ni Dina Bonnevie na talagang nahihirapan siyang magpaliwanag noon sa kanilang mga anak dahil sa murang edad niya, na 23 noong mga panahong iyon.


Naitanong rin ni Boy Abunda kung nagkausap ba sila noon ni Vic Sotto at Conney Reyes. Kaagad naman itong sinagot ni Dina Bonnevie ng oo, subalit sa maayos na paraan. Walang sabunutang naganap.


Gayunpaman, dala ng pagiging immature, hindi naiwasan ni Dina Bonnevie pagkumparahin ang mga katangian nilang dalawa ni Conney Reyes.


Tinatanong umano niya ang kanyang sarili kung ano ang nagustuhan rito ng kanyang asawa gayung mas maganda naman siya at mas bata.


Subalit, sa huli ay napagtanto umano niyang hindi lang naman pisikal na anyo ang batayan sa pag-ibig.


"And then eventually, you mellowed down and say, 'How dumb of me. It’s not in the physical world, girl. It has nothing to do with physical. It’s probably the meeting of the minds.'


“Kasi that time, Vic also wanted to start producing and, of course, I could not contribute anything to that because I was young. Malay ko about producing?


“I wasn’t even in the corporate world yet.


"Maybe at the time, there was a meeting of the minds because they were both learning the ropes of production. And, I think, she was already producing then," pagbabalik tanaw ni Dina Bonnevie.


Inamin din ni Dina Bonnevie na matagal niyang napatawad sina Vic Sotto at Conney Reyes subalit noong napatawad na niya ang mga ito ay pinadalhan niya ng mga bulaklak.


Ipinahayag din ni Dina Bonnevie na isa sa lalong nagpapahirap sa kanya ay ang pagiging magbestfriend nila noon ni Conney Reyes.




Anne Curtis Pinaringgan Si Xian Lim Dahil Sa Pag-uutos Kay Kim Chiu!

Walang komento

Muli na namang pinasaringan ng actress at It's Showtime host na si Anne Curtis ang controversial actor-director na si Xian Lim sa ginawang paraan nito sa pakikipagbreak kay Kim Chiu para maligawan na si Iris Lee.


Sa kamakailang episode ng It's Showtime sa segment na Expecially For You, naitanong nina Anne Curtis at Vice Ganda ang kanilang contestant kung paano sila naghiwalay ng kanyang ex-boyfriend.


Dito naibahagi ng kanilang contestant na nakipagkita sa kanya ang kanyang ex-boyfriend para lamang makipag-break sa kanya.


Hindi naman napigilan ni Anne Curtis na maisiwalat na mas malala pa ang ginawa sa isa sa kanilang kakilala sa ginawa ng ex-boyfriend ng kanilang searcher. Dahil ang kakilala umano nila ay niyaya munang makipagdate, pinagluto pa ng steak, bago brinake.


Bagama't hindi naman sinabi ni Anne Curtis na si Kim Chiu ang kanyang tinutukoy sa kanyang pahayag, malakas naman ang pakiramdam ng maraming mga netizens na itoang nangyari dahil nauna nang naging laman sa social media ang balitang bago nakipagbreak si Xian Lim kay Kim Chiu ay inutusan muna nito ang aktres na ipagluto siya ng paboritong steak.


"Naalala mo meron dito, nag-aya muna ng date, kumain ng steak tapos tsaka nalang brineak."


Naniniwala naman ngayon ang ilang mga madlang pipol na ang naging pahayag ni Anne Curtis ay patama niya kay Xian Lim.


Samantala, marami naman ang nanghinayang dahil noong ipinahayag ito ni Anne Curtis sa It's Showtime ay absent si Kim Chiu.


Marami kasi ang na-curios kung ano ang magiging reaksyon ng aktres sa pasaring na ito ni Anne Curtis na minsanan lamang nagpapasaring sa It's Showtime.


Matatandaan na unang naisiwalat ng kilalang showbiz reporter at talent manager na si Ogie Diaz ang pagrequest ni Xian Lim na ipagluto siya ni Kim Chou ng paborito umano nitong steak subalit matapos itong kainin ng aktor kaagad nitong hiniwalayan ang aktres.


Hindi man ito inamin ng dalawa, makikita naman na sa naging reaksyon ni Kim Chiu sa usaping ito ang katotohanan.


Sa ngayon ay hayagan nang ipinapakita nina Xian Lim at Iris Lee ang kanilang relasyon matapos itong kumpirmahin ng aktor sa isang panayam.



 

@oxgurl37 #showtime #specialforyou #annecurtis #viceganda #jhonghelario #trending #fyp #trend #fypspotted #proudkasambahay❣️💪 ♬ original sound - LENN💙FANGIRL🥰

Xian Lim, Mahirap Daw Katrabaho Dahil Sa Masamang Ugali Nito

Walang komento


 Ibinahagi ng isang writer na nagtrabaho sa GMA Network kung paano katrabaho si Xian Lim at kung ano ang pakikitungo nito sa kanyang mga kasamahan sa trabaho, inilahad din nito ang saloobin ng iba pang nakatrabaho noon ng actor-director.


Sa Facebook comment, ikinuwento ni Brylle Tabora, isang GMA writer na nagsasabing nakasama niya sa isang proyekto si Xian Lim noon, kung gaano kahirap ka-trabaho si Xian Lim.


Inilahad ni Brylle Tabora ang kanyang opinyon sa pakikipagsama ni Xian Lim sa isang social mediad post na may kaugnayan sa naging viral interview ng aktor, kung saan inamin niya ang kanyang relasyon sa producer na si Iris Lee.


“What a friggin joke, and he’s also super difficult to work with!! Made our lives as TV writers miserable,” komento nh GMA writer.


Samantala, hindi naman ito ang kauna-unahang pagkakataon na may mga pumuna sa pag-uugali ni Xian Lim. Matatandaan na ilang beses na ring lumabas ang mga blind item patungkol sa isang actor-director na saksakan ng yabang at suplado na paghihinala ng marami ay walang iba kundi si Xian Lim.


Isa sa pinag-uusapang insidente ay ang pagtanggi ni Xian Lim tanggapin ang “I love Albay T-shirt” matapos dumalo sa isang event sa nasabing probinsiya.


Hindi naman ito nagustuhan ni Rep. Joey Salceda na siyang Governor nang Albay noong panahong iyon at hayagang binatikos si Xian Lim sa publiko dahil sa kanyang pagmamayabang at masamang attitude. Bukod pa rito, idineklara rin si Xian Lim bilang persona non-grata ng Albay.


“Xian Lim says in my face (Atty Carol) while handling the coffee table book in front of many – “I’m not here to promote Albay”.” If his road manager checks his record, Albay paid for his many guestings since way back in 2011 when his talent fee was just P75,000 (Ginoo ni Magayon) and now P350,000 for Fiesta Tsinoy Albay. It’s either 1. His parents did not raise him well. 2. He had bad education. 3. He is not managed well. 4. His character is inversely proportonal to his looks. 5. He is something,” pahayag ni Rep. Joey Salceda sa isang social media post noon.


Kaagad namang humingi ng paumanhin si Xian Lim subalit, hindi na ito tinanggap pa ng politician dahil hindi umano nito deserved ang kapatawaran, na hiningi lamang matapos batikusin ng maraming tao.




Billy Crawford, Nagsalita Na Kung Bakit Siya Pumayat

Walang komento

Biyernes, Mayo 10, 2024


 Tinutugunan ng TV host at performer na si Billy Crawford ang mga haka-haka patungkol sa totoong dahilan ng labis na pagbabawas ng timbang.


Ikinabahala ng maraming mga tagahanga ni Billy Crawford ang labis na kapayatan nito nang kumalat sa social media ang kanyang mga larawan at video kung saan kapansin-pansin ang kanyang labis na pagpayat.


Marami ang naghinala na ang dahilan nito ay ang kanyang sobrang bisyo.


Sa isang panayam kay Billy Crwford, iginiit niyang malinis siya at hindi kailanman naging “user” sa buong buhay niya, hindi katulad ng ipinapahiwatig ng ilang netizens.


“A lot of people have been talking on my behalf, alleging that I’m an addict or whatever. But first of all, I think it’s unfair to tell someone what they are. I don’t do drugs… I have stopped drinking alcohol. I don’t smoke. I have no vices,” pahayag ni Billy Crawford.


“I have an addictive personality, but the Lord is always there to save me, really. There had been temptations. But with a snap of a finger, he led me away from them. Nililihis ako sa bisyo. I’m thankful for that,” pag-amin pa ni Billy Crawford.


Samantala, aminado naman si Billy Crawford na sa loob ng anim na taon ay naging manginginom siya na nagresulta sa pagtaas ng timbang.



Gayunpaman, sinabi ni Billy na nagsimula nang dahan-dahang bumaba ang kanyang timbang pagkatapos niyang magsimulang magkaroon ng healthy lifestyle.


Muli ding iginiit ni Billy Crawford na malusog siya at walang iniindang anumang sakit sa ngayon dahilan para huwag nang mabahala ang mga netizens at mga taong nagmamahal sa kanya.


“I’m 148 lbs. I feel healthy and I feel good. I don’t necessarily exercise tremendously, but I eat right, drink enough water. And maybe my child is just heavy! It can get tiring. I used to do intermittent fasting and tried keto diet. Now I’m super healthy and can’t ask for more,” saad ni Billy.


Nauna nang naglabas ng pahayag ang asawa ni Billy Crawford na si Coleen Garcia kung saan pinasinungalingan rin niya ang mga haka-hakang mayroong bisyo si Billy Crawford o ang pagkakaroon nito ng malubhang karamdaman.



Dingdong Dantes, Itinangging May Love Child Sila Ni Lindsay De Vera

Walang komento


 Sa wakas ay nagbigay na ng pahayag ang TV-Host actor na si Dingdong Dantes patungkol sa hindi nawawalang isyu sa pagkakaroon nila ng anak ng aktres na si Lindsay De Vera.


Sa kamakailang panayam kay Dingdong Dantes sa Fast Talk With Boy Abunda, nitong May 9, 2024 tuluyan na niyang tinuldukan ang mga bali-balitang ito upang matigil na rin.


Matatandaan na muli na namang nabuksan ang isyu ng pagkakaroon ng anak nina Lindsay De Vera at Dingdong Dantes nang kumalat ang mga larawan kung saan makikitang may kasamang bata si Lindsay De Vera na sinasabing kahawig ni Dingdong Dantes.


Samantala sa nasabing panayam, hayagang tinanong ni Boy Abunda si Dingdong Dantes patungkol sa isyu nila ni Lindsay De Vera. Kung totoo nga bang nagkaroon sila ng anak ni Lindsay De Vera na matagal na nilang itinatago sa publiko.


Kaagad  naman itong sinagot ni Dingdong Dantes kung saan pinasinungalingan niya ang isyung nagkaroon sila ng relasyon ni Lindsay De Vera at nagkaroon pa sila ng anak.


Inamin rin ni Dingdong Dantes, na talagang nagdalawang-isip siya sa pagpunta sa panayam ni Boy Abunda dahil alam niyang kabilang sa mga maitatanong sa kanya ang pagkakaroon nila ng relasyon noon ni Lindsay at ang tinatago nilang anak.


Ayon kay Dingdong Dantes, nagdalawang-isip siya kung sasagutin ba niya ang isyu sa pagitan nila ni Lindsay De Vera. Subalit, naisip umano ni Dingdong Dantes na panahon na rin para linawin ang isyu dahil may mga kaibigan na rin siyang tumatawag sa kanya at nagtatanong sa isyu.


"Pero para sa akin po kasi, dahil may mga tumatawag na po sa akin na mga kaibigan, mga kamag-anak, yung mga nagmamalasakit po sa akin, and because I have a responsibility dito sa aking mga mahal sa buhay—responsibilidad ko na klaruhin ang isyung ito dahil mahalagang-mahalaga po ang aspetong ito para sa akin," pag-amin ni Dingdong Dantes.


Inamin pa ni Dingdong Dantes na noong una ay pinagtatawanan lamang nila ni Marian Rivera ang kumakalat na isyu sa pagitan nila ni Lindsay De Vera.


Subalit, dumating na rin sila sa punto na marami na ang nakakapanood sa mga balita na nagtatanong sa kanya kaya medyo nabahala na rin siya lalo na't lumalaki na ang kanyang anak.


Sa kabilang banda, ipinahayag naman ni Dingdong Dantes na hindi niya alam kung bakit hindi matigil-tigil ang isyung ito laban sa kanya.


Sa ngayon, hiling ni Dingdong Dantes na sana ay maging malinaw na ang lahat ngayon nagbigay na siya ng pahayag.




Eat Bulaga Pababa Ang Ratings Kaysa It's Showtime!

Walang komento

Huwebes, Mayo 9, 2024


 Mainit na pinag-uusapan ngyon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang patuloy na pagbababa ng rating ng TVJ Production show na Eat Bulaga na kasalukuyang umiere sa TV5 at sa RPTV.


Kamakailan lamang ay nakakuha ng pinakamababang ratings ang Eat Bulaga, nang makapatala lamang ito ng 3.5 ratings habang ang It's Showtime na umiiere na rin ngayon sa GMA7 ay naging consistent ang ratings sa pagitan ng 7-8%.


Gayunpaman, iginiit ng ilang mga host ng Eat Bulaga at maging ng kanilang mga tagasubaybay na hindi pa rin naman nabo-bother ang TVJ sa pagtaas ng ratings ng It's Showtime dahil alam naman umano nila kung gaano kahina ang reach ng TV5 maging ang reach ng RPTV.


Hindi umano ito kagaya sa It's Showtime na umiiere sa mas maraming channels na mayroong matataas na reach.


Ayon pa sa ilang mga netizens, na kung ikukumpara naman ang ratings ng Eat Bulaga na nakukuha ngayon sa naging ratings ng It's Showtime noong nasa TV5 pa sila ay hindi naman hamak na mas malaki ang nakukuha ngayon ng Eat Bulaga.


Bilang patunay nito ay minsanan ay taped episode ang kanilang ipinalalabas. Patunay lamang umano ito na hindi sila nakikipagkompetensya sa It's Showtime.


Nagrereact lamang umano sila kapag mayroon nang ipinapakalat na mga fake news ang ilang mga netizens patungkol sa kanilang programa.


Matatandaan na nakalipat na sa GMA7 ang Kapamilya noontime show na It's Showtime matapos tuluyang magsara ang Tahanang Pinakamasaya ilang linggo na ang nakakalipas.



Vice Ganda at Showtime Host Nag Alala Kay Billy Crawford

Walang komento


 Nagpahayag ng pag-aalala ang maraming mga netizens para sa actor-TV-host-singer na si Billy Crawford matapos kumalat ang mga larawan at video ni Billy Crawford habang umiinom ito mula sa kanyang tumbler.


Kapansin-pansin sa mga nasabing larawan at videos ang labis na kapayatan ni Billy Crawford, pamumugto ng mga mata at mayroon din itong dark circles.


Kung titingnan ay napakahaggard nito at tila may matindi ring pinagdadaanan.


Dahil dito, marami sa mga netizens ang nag-aalala para sa kalagayan ni Billy Crawford ngayon mayroong mga nagtatanong kung may dinaramdam pa itong sakit dahilan para bumagsak na lamang ng ganoon ang kanyang pangangatawan.


Maging ang dating mga kasamahan ni Billy Crawford sa industriya kabilang na ang kanyang It's Showtime family noon. Matatandaan na nagkaayos na sina Billy Crawford at Vice Ganda, matapos ang ilang taong hindi pagkakaunawaan sa loob ng mahabang panahon.


Samantala, naglabas na ng pahayag ang aktres na si Coleen Garcia kung saan iginiit niya na walang karamdaman ang kanyang mister. Mula pa umano noon ay ganoon na talaga ang pagmumukha ni Billy Crawford kapag hindi naka-makeup.


Sa kanyang naunang pahayag iginiit din ni Coleen Garcia na hindi nagbibisyo ang kanyang mister. Naging busy lamang umano sila sa trabaho at punum-puno ang kanilang mga schedules dahilan para magmukha itong stressed.



Judy Ann Santos 46th Birthday Naiyak Sa Surprise Ni Jolina, Marvin, Mylene, Dominic Gimik Reunion

Walang komento


 Kitang-kitang masaya ang batikang aktres na si Judy Ann Santos, sa kanyang kamakailang post sa kanyang Instagram account, kung saan makikita ang kanyang mga kaibigan at dating co-stars noong 90s hit TV series na Gimik.


Nagkaroon sila ng mini-reunion nang dumating ang mga ito upang ipagdiwang ang kanyang kaarawan. kabilang na rito sina Jolina Magdangal, Dominic Ochoa, Mylene Dizon, at Marvin Agustin. 


Ang apat, kasama si Judy Ann Santos, ay bahagi ng main cast ng 90s show, na umiikot sa buhay ng 12 bata, na kinabibilangan nina Juday, Dominic, Marvin, Jolina at Mylene, at ang kanilang mga karanasan.


Sa kanyang caption inamin ni Judy Ann Santos niya na napakasaya niyang dumating ang apat para ipagdiwang ang kanyang espesyal na araw.


“Hindi mapawi ang ngiti at saya ko,” caption ni Judy Ann Santos.


Pinasalamatan rin ni Judy Ann Santos ang kanyang dating mga kasamahan sa pagpunta sa kanyang kaarawan na siyang nagpapasaya sa kanya ng labis.


Kamakailan ay nag-post si Juday ng video sa kanyang social media account, na kitang-kita namang masaya siya sa birthday surprise ng Aivee Clinic para sa kanya. 


Sa video, makikita ang lahat ng staff ng nasabing pasilidad na nagsasama-sama sa pagsorpresa kay Juday at sa pagbibigay sa kanya ng isang masarap na cake. 


Nasa itaas naman ng cake ang kanilang dedication, "pinakamaligayang kaarawan" kay Judy-Ann at ang pangalan ng sangay ng nasabing klinika. 


Sa caption na isinulat niya sa video, ipinahayag ni Juday ang kanyang pasasalamat “sa lahat ng magaganda at mapagmahal na empleyado ng Aivee.” 


Ipinagdiriwang ng batikang aktres na si Judy Ann Santos ang kanyang ika-46 na kaarawan.



Paulo Avelino, Yakap with Love Ang Request Kay Kim Chui Sa Kanilang Latest Photoshoot!

Walang komento


 Pinatuyan ng tambalang Paulo Avelino at Kim Chiu na mayroon silang naghuhumiyaw na chemistry sa isang VIU photoshoot dahilan para lalong kiligin ang kanilang mga fans at followers.


Tila wala nang makakapagpigil pa sa pagsikat at lalong pagkakalapit nina Paulo Avelino at Kim Chiu. 


Trending at kaagad na pinag-uusapan ngayon sa social media ang kamakailang photoshoot nina Kim Chiu at Paulo Avelino kung saan kitang-kita at hindi maitatanggi ang malakas na chemistry nilang dalawa.


Bago pa man, ipinalabas ng VIU Philippines ang nasabing photoshoot, unang pinakilig nina Kim Chiu at Paulo Avelino ang mga tagasubaybay ng digital series na What's Wrong With Secretary Kim? dahil sa wakas ay natuloy na ang kanilang nakakakilig na kissing scene.


Hindi naman ito pinutol ng Viu Philippines sa pamamagitan ng pagpapalabas ng photoshoot ng dalawa kung saan makikitang palagay na ang kanilang loob sa isa't-isa at wala nang naramdamang pagkailang.


Marami naman ang nakapansin na tila may kakaiba na talaga sa dalawa dahil kung titingnan ay napaka-natural na lamang ng kanilang mga galawan.


Lalo pang kinilig ang kanilang mga tagahanga nang turuan ni Kim Chiu si Paulo Avelino na magpose ng 'wacky' dahil noon pa man ay umiiwas na si Paulo Avelino sa ganitong uri na poses dahil hindi umano siya marunong.


Subalit, napilit ni Kim Chiu si Paulo Avelino na game na game naman na sumunod at pinagbigyan ang aktres.


Patuloy namang humihiling ang mga tagahanga nina Paulo Avelino at Kim Chiu na sana ay masundan kaagad ang proyekto ng dalawa ngayong tapos na sila sa What's Wrong Witrh Secretary Kim?


TV Host, Nag Attitude Kaya Natanggal Sa Show!

Walang komento


 Hangang ngayon ay malaking katanungan pa rin ng ilang mga netizens ang totoong dahilan kung bakit hindi na nirenew ng TikToClock ang kontrata ng host-beauty queen na si Rabiya Mateo.


Matatandaan na kamakailan lamang ay naging mainit na usapin sa social media at ilang mga entertainment news sites ang isyung mamamaalam na si Rabiya Mateo sa variety show na TikToClock.


Ayon sa inilabas na pahayag ni Rabiya Mateo, hindi na umano nairenew ang kanyang kontrata dahilan ng kanyang pamamaalam.


Sa kabila nito, malaki naman umano ang kanyang pasasalamat sa TikToClock na siyang humasa sa kanyang hosting skills.


Hiniling naman ni Rabiya Mateo na kahit pa nagtapos na ang kanyang journey sa TikToClock ay sana mabigyan kaagad siya ng panibagong proyekto na kung maari ay hahasa naman sa kanyang akting skills.


Sa kabila nito, hindi pa rin maiwasan ng ilang mga netizens na intrigahin si Rabiya Mateo dahil sa mga naglabasang mga haka-haka na ang dahilan ng pagkakasibak ni Rabiya Mateo sa show at sa hindi pagrenew ng kontrata ay dahil sa pagiging attitude nito.


Ayon sa mga usap-usapang kumakalat ngayon, nag-attitude umano itong si Rabiya Mateo matapos mapagsabihan ng malate sa call time ng kanilang show dahil napasarap ang pakikipag-chikahan niya kay Miss Universe 2023 Sheynis Palacios.


Pinabulaanan din ng mga haka-hakang ito ang naging press conference ni Rabiya Mateo kung saan inihayag nitong magpo-pokus na lamang muna siya sa pag-arte.


Ang katotohanan umano ay na-offend si Rabiya Mateo sa AP ng TikToClock dahil napagsabihan siya noong malate sa show dahil lamang sa pakikipag-tsismisan kay Miss Universe 2023 Sheynnis Palacios.


May mga chika pang nag-walk out si Rabiya Mateo dahil dito. Hindi naman malinaw kung si Rabiya Mateo mismo ang nagresign o kaya naman ay nasibak siya sa show.


Sinigundahan naman ito ng maraming mga netizens dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na kung magaling talaga ang isang host ay nirerenew naman ng management ang kanyang kontrata.



Netizens Dismayado Dahil Sa Ginawa Kay Julia Montes, Initsapwera

Walang komento


 Marami sa mga tagahanga ng aktres na si Julia Montes ang naghihimutok ngayon sa ilang mga social media platforms dahil pakiramdam nila ay naitsapwera ang kanilang idolo.


Ipinahayag ng ilang mga tagahanga ng aktres na si Julia Montes sa Twitter ang kanilang pagkadismaya dahil tila ini-snub umano ng FAMAS ang kanilang iniidolo. Hindi matanggap ng mga fans ng aktres na si Julia Montes na hindi man lamang ito naging nominee sa 72nd FAMAS Awards bilang Best Actress.


Naniniwala ang mga tagahanga ng aktres na si Julia Montes at ang ilang mga kritiko na nakapanood sa blockbuster movie nina Julia Montes at Alden Richards na 'Five Breakups and A Romance' noong 2023, na deserved nito na makilala dahil sa ipinakita nitong galing sa pag-arte.


Umaani ng papuri muli sa mga movie critics at mga nakapanood ng pelikula si Julia Montes dahil sa magandang pagpapakita nito sa kanyang role na ginagampanan.


Dahil dito, marami ang nadismaya kung bakit hindi man lamang napabilang si Julia Montes at mabigyan ng pagkakataon.


Ayon pa sa ilang mga netizens, na mas nagandahan pa sila sa pag-arte ni Julia Montes sa nasabing pelikula kaysa sa aktingan na ipinakita ng kanyang kasabayang aktres na si Kathryn Bernardo sa pelikulang pinagsamahan nila ni Dolly De Leon na A Very Good Girl.


May mga nagsasabi pang mas magaling naman talagang umarte si Julia Montes kaysa kay Kathryn Bernardo subalit sa industriya ng showbiz ay mas angat si Kathryn Bernardo dahil sa kasikatan nito kahit pa mas marami naman ang mas magaling pa rito sa larangan ng pag-arte.


Bagama't nadismaya ngayon ang maraming mga fans ni Julia Montes, umaasa naman sila na mapagbibigyan ng pagkakataon na makilala ang aktres sa iba pang award giving bodies kabilang na ang PMPC Star Awards for TV at sa EDDYS Awardees.



Sa ngayon ay mas pinag-uusapan ang pangalan ni Kathryn Bernardo dahil na rin sa kamakailang hiwalayan nila ni Daniel Padilla. Kung sakali pang manalo si Kathryn Bernardo bilang Best Actress ay ito ang kauna-unahang pagkakataon na mananalo ang aktres matapos manominate ng anim na beses.


Ama Ni Awra Briguela, Humiling Kay Vice Ganda na Huwag Palabasin Si Awra Sa Kulungan

Walang komento


 Ibinunyag ng Unkabogable Star at It's Showtime host na si Vice Ganda na hiniling ng ama ni Awra Briguela na si Oneal Brian Briguela sa kanya na huwag kaagad na palayain ang aktres matapos itong magdulot ng kaguluhan sa Poblacion, Makati City, noong nakaraang taon.


Sa isang panayam, isiniwalat ni Vice Ganda na hiniling sa kanya ni Oneal Brian Briguela na hayaan si Awra na manatili sa kulungan nang mas matagal para maturuan ito ng leksyon.


Dahil dito, inilalarawan ni Vice Ganda ang ama ni Awra Briguela bilang isang ama na hindi kinukunsinti ang mga maling gawain ng kanyang mga anak.


Pagsisiwalat ni Vice Ganda, “Alam mo ang hirap-hirap sa posisyon ko noong mga panahong kinakausap ko kayong dalawa, kasi ‘yong tatay niya hindi kunsintidor na tatay. Hindi siya ‘yong tatay na lalapit sa akin para sabihing ‘Meme, ilabas mo ‘yong anak ko sa kulungan, Meme, pakiayos naman si Awra, Meme tulungan n’yo po si Awra.'”


Dagdag pa ni Vice Ganda, “Ang tatay niya iba ang atake, ang sabi niya sa akin, ‘Meme, ang pakiusap ko huwag mo muna siyang ilabas. Alam kong tutulungan mo siya, pero ‘wag mo muna siyang ilabas. Kasi gusto ko maranasan niya ‘yong hirap doon para ma-realize niya.’”


Ipinaliwanag naman ni Vice Ganda sa kanyang anak-anakan na si Awra Briguela na ang nais lamang ng ama nito ay matuto siya mula sa kanyang pagkakamali, na hindi na nito ulitin pa ang mga nagawa dahil alam na niya ang mgaiging consequences ng kanyang actions.


Matatandaan na ang nasabing insidente sa loob at labas ng bar ay muntik nang tumapos sa showbiz career ni Awra dahil makikita sa CCTV footage na inilabas ng establisimyento ang iba pang personalidad ni Awra sa likod ng camera.



Ibinunyag ni Awra na naayos na niya nang pribado ang isyu sa kabilang kampo, ngunit gayon pa man, naglabas siya ng public apology para ipakita na taos-puso siya sa kanyang paghingi ng tawad.




Janine Gutierrez Sayang Ang Kagandahan Kung Walang Lalaki Na Magseryoso

Walang komento


 Hindi maitatanggi na isa ang Kapamilya actress na si Janine Guiterrez sa may pinakamagandang mukha sa Philippines Entertainment Industry subalit, marami ang mga nang-iintriga ngayon sa aktres dahil sa kabila ng kanyang angking kagandahan ay wala umanong lalaki na sumeryoso sa kanya.


Bukod sa pagiging maganda si Janine Gutierrez ay maituturing na isa sa mga magagaling na artista sa kanyang henerasyon at nakatanggap ng maraming mga parangal isang Best Actress winner sa 68th FAMAS Awards,Gawad Urian Awards at QCinema International Film Festival.


Noong 2021, kinilala siya ng 'Rising Star Asia Award' sa 20th New York Asian Film Festival. Nang sumunod na taon, si Janine Gutierrez ay napabaling sa '100 Most Beautiful Faces in the World' ng TC Candler. Kung saan siya ay ika-51 sa listahan.


Kabilang sa mga lalaking nailink at nakarelasyon ni Janine Guiterrez ay sina Mark Herras, Elmo Magalona, Rayver Cruz at Paulo Avelino.


Subalit, napansin ng mga netizens na hindi tumagal ng mahigit limang taon ang relasyon ng mga ito at biglaan na lamang silang naghihiwalay.


Tanong tuloy ng maraming mga nang-iintriga sa aktres, ano ang dahilan kung bakit walang lalaki na sumiseryoso sa aktres. Tila bigla na lamang umanong nawawalan ng gana ang mga ito kay Janine Gutierrez gayung kilala naman ang aktres bilang maganda at mabait.


Sa kabilang bansa, marami naman sa mga tagahanga ng aktres ang nagsasabi na baka ay hindi pa lamang natatagpuan ni Janine Gutierrez ang lalaking para sa kanya.


Lalaking handa siyang tanggapin anuman ang kanyang buong pagkatao at kung ano man ang kanyang mga pinagdaanan.




Kim Chiu at Paulo Avelino May Big Announcement

Walang komento


 Napuno ng kilig ang mga tagahanga ng tambalang Paulo Avelino at Janine Gutierrez nang lumabas sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang mga balitang mayroong gagawin na big announcement ang dalawa sa darating na May 12, 2024.


Marami ang naghinalang ang isisiwalat ng dalawa ay ang totoong estado ng kanilang relasyon. Umaasa ang mga tagahanga ng dalawa na tuluyan nang aminin ng dalawa ang kanilang relasyon kahit pa halata naman na umano sa kanilang mga titigan at sa kanilang ipinapikitang sweetness sa likod at harap ng kamera.


Sa kabilang banda, mayroon namang naghinala na ang isisiwalat ng mga ito ay ang katuparan ng matagal nang hiling ng maraming mga netizens na magkasama sa iisang pelikula sina Kim Chiu at Paulo Avelino.


Matatandaan na matapos ang pagsasama nina Kim Chiu at Paulo Avelino sa teleseryeng Linlang ay kaagad itong nasundan sa seryeng What's Wrong With Secretary Kim? na kamakailan lamang ay nagtapos na rin ang taping.


Marami naman sa kanilang mga tagahanga ang umaasa na masusundan kaagad ang kanilang serye ng iba pang proyekto na pagsasamahan dahil hindi naman maitatanggi ang kanilang malakas na chemistry.


Bukod sa katuparan ng pagsasamahan pelikula nina Kim Chiu at Paulo Avelino marami ang umaasa na magtuloy-tuloy na ang pagkakalapit nila sa isa't-isa ngayong parehong malaya na sila sa kani-kanilang mga nakarelasyon.


Ayon sa mga tagahanga ni Kim Chiu, hindi na masama kung isisiwalat ngayon ni Kim Chiu na nanliligw o sila ni Paulo Avelino dahil nauna na rin namang umamin si Xian Lim na mayroon na itong panibagong girlfriend.




Coleen Garcia Umamin Na Sa Totoong Nangyari Kay Billy Crawford Kaya Payat Na Payat

Walang komento


 Ikinabahala ngayon ng maraming mga fans ng actor-dancer na si Billy Crawford ang kapansin-pansing pagpayat nito. Kung saan makikitang humpak na ang pisngi ng performer.


Napansin ito ng maraming mga netizens nang kumalat ang video at larawan n Billy Crawford habang umiinom sa kanyang tumbler kasama ang anak nila ni Coleen Garcia na si Amari.


Marami ang nakapansin na bukod sa kapansin-pansing kapayatan ni Billy Crawford, namumugto rin ang mga mata nito at mayroong maitim na eyebags.


Nagmukha rin umano itong haggard at tila pagod na pagod.


Marami ang nag-alala sa kallagayan ng kalusugan nito at nagtatanong kung mayroon ba itong iniindang sakit na hindi inaamain sa publiko.


Samantala, kaagad namang naglabas ng kasagutan ang asawa ni Billy Crawford na si Coleen Garcia at sinagot ang isyung mayroong sakit ang kanyang asawa.


Iginiit ni Coleen Garcia na ganoon lamang talaga ang mukha ni Billy Crawford kapag walang make up.


“I don’t know if you’ve ever seen him before without makeup. But long before we even started dating, he’s always had dark under eye circles and major hair loss na,” pahayag ni Coleen Garcia.


“I wish we had photos from 10 years ago to show na he’s always had those dark circles and matagal na siyang walang hair,” dagdag pa ni Coleen Garcia.


Siniguro naman ni Coleen Garcia na maayos ang kalagayan ni Billy Crawford at wala umano itong iniindang karamdaman.


Gayunpaman, inamin ni Coleen Garcia na medyo ngarag ngayon si Billy Crawford dala ng kanilang busy schedule.


“Medyo ngarag lang cause we’ve both been working more than usual while balancing a lot of things. Lalo na si Billy. He’s out of town now overnight lang, but he just came from France for a month, then he’s leaving for the US next week. He’ll mostly be in France again for the remainder of the year, ang daming travels,”  pahayag ni Coleen Garcia.




Catriona Gray Deleted Na Ang Engagement Photos Nila Ni Sam Milby!

Walang komento


 Muling naging laman ng maiinit na usapin sa social media ang celebrity couple na sina Catriona Gray at Sam Milby matapos mapansin ng mga netizens na burado na sa Instagram page ng Miss Universe 2018 titleholder na si Catriona Gray ang engagement photo nila ng aktor na si Sam Milby.


Inanunsyo ni Catriona Gray ang kanilang engagement ni Sam Milby noong February 2023 sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kanilang sweet photo kung saan may hawak silang mga cup ng kape na may nakasulat na "Mr. Milby" at "Future Mrs. Milby", makikita rin sa nasabing photo ang engagement ring na nakasuot sa daliri ni Catriona Gray.


"Living in an answered prayer with my best friend. I love you, fiance (eeeeee)," caption ni Catriona Gray sa kanyang Instagram post na itinag pa si Sam Milby.


Samantala, makikita pa rin naman sa Instagram account ni Sam Milby ang engagement photo nila ng dalaga na labis na ipinagtataka ng mga netizens.


Matatandaan na unang kumalat ang bali-balitang naghiwalay na sina Sam Milby at Catriona Gray nang mapansin ng ilang mga netizens noong nakaraang buwan na hindi sinusuot ni Catriona Gray ang engagement ring na ibinigay sa kanya ni Sam Milby.


Sa huling bahagi ng buwang iyon, kinumpirma ng kanilang agency na Cornerstone Entertainment, na sina Catriona Gray at Sam Milby ay dumaranas ng mahirap na panahon ngunit sinabi nilang  "actively working on resolving these issues together." Hiniling din nila sa publiko ang privacy "habang nag-navigate sila sa sitwasyong ito."


Sa pagbubura ni Catriona Gray sa engagement photo nila ni Sam Milby, marami ang nagsasabing tila pahiwataig na ito na tuluyan na silang naghiwalay ni Sam Milby. Tila hindi umano naayos ng dalawa ang kanilang problema kaya naman tuluyan na lamang nilang tinuldukan ang kanilang relasyon.




Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo