Mystica React to Diwata Attitude Sa Kanyang Mga Customers

Walang komento

Biyernes, Mayo 17, 2024


 Hindi na-impress ang social media influencer na si Mystica kung paano tratuhin ng internet sensation na si Deo Balbuena, a.k.a Diwata, ang kanyang mga tagahanga ngayon at kung paano niya pinamamahalaan ang kanyang negosyo.


Sa pamamagitan ng isang post sa Facebook, binatikos ni Mystica, na ngayon ay naninirahan sa United States, si Diwata dahil sa diumano'y walang interes na makipag-ugnayan sa kanyang mga customer.


Subalit, napansin umano ni Mystica na mas gusto ni Diwata na tanggapin at makipagsalamuha sa mga content creator na nagbibigay sa kanya ng mga regalo.


“Yung itsura ni Diwata ngayon nandidiri na sa mga taong gustong magpapicture sa kanya, kitang-kita na ‘yan sa videos online. Iba ang trato niya sa mga bumibili ng pares niya na talagang sumusuporta sa kanya pero pag siya ang bibigyan ng blessing todo asikaso siya buong araw,” pahayag ni Mystica.


“Alam ko, napansin niyo rin na balewala na yung mga taong pumila at kumakain sa paresan niya, ang bilis niyang nagbago, papaano pa hahanga ang tao sa kaniya kung ganoon siya, akala mo kung sino na siya na hindi na maabot!” pagpupunto ni Mytica.


Nagbigay rin ng payo si Mystica, na nagtatrabaho din sa food industry, kay Diwata na tugunan nito ang mga isyu sa kalinisan sa kanyang establisyimento.


“Unahin mo ang sanitation at kalinisan ng mga kumakain sa iyo, yun ang dapat inaasikaso mo, hindi ang mangbara ng mga taong ikaw naman talaga ang pinunta, hindi ang pares mo,” pagpapayo ni Mystica.


“Hindi niya alam na ito ang magpapabagsak sa kanyang nilalangaw at dugyot na ugali, dugyot na katawan at pagmumukha at dugyot na paresan!” dagdag pa nito.


Coleen Garcia Nagsalita Na Sa Isyung Hiwalayan Nang Mister Na Si Billy Crawford

Walang komento


 Nagbigay ng pahayag ang aktres na si Coleen Garcia upang mabigyang linaw ang mga isyung kumakalat sa social media patungkol sa hiwalayan nila ng kanyang asawa na si Billy Crawford.


Pinabulaanan ni Coleen Garcia ang mga tsismis na hiwalay na sila ng asawang si Billy Crawford na mainit na pinag-uusapan sa ilang mga social media platforms at ilang entertainment news sites.


Matatandaan na ilang netizens ang naghinalang naghiwalay na ang celebrity couple na sina Billy Crawford at Coleen Garcia matapos mag-viral sa social media ang video ni Billy habang kumakain kung saan kapansin-pansin ang payat nitong hitsura.


Naghinala ang ilang mga netizens na ang dahilan ng labis na pagpayat ay marital problems nila ni Coleen Garcia.


Gayunpaman, naniniwala si Coleen na may iba pang dahilan kung bakit nagsimulang kumalat ang ganoong tsismis sa social media.


Naniniwala si Coleen Garcia na maaaring napansin na ng mga netizens na hindi na sila aktibo sa social media kumpara sa dati.


“Baka kasi tahimik kami. I mean, I tried to be more active on social media because it has become the extension of my job like a lot of work I get nowadays is from social media talaga. We’re moving houses and Billy has new businesses,” pahayag ni Coleen.



“Siguro kasi hindi kami nagpaparamdam online? Ever since we got married, walang naging mabigat na kasalanan sa’kin si Billy,” dagdag pa ng aktres.


Ipinunto rin ni Coleen na labis na naging abala si Billy Crawford sa pagpoprovide sa kanilang pamilya.


Matatandaang nagbigay na rin ng pahayag noon si Billy sa kanyang payat na hitsura kung saan idinahilan niya na ang pagbabago ng kanyang dieta ang dahilan kung bakit siya pumayat.



Isabelle Daza Pranks Sister Ava Daza Sa Mismong Kasal Nito!

Walang komento


 Nagbigay ng kakaibang  maid of honor speech ang aktres na si Isabelle Daza at nakakalokong prank sa kasal ng kanyang kapatid na si Ava Daza kamakailan sa Puglia, Italy.


Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Isabelle Daza ang kanyang nakakatawang speech na sinundan ng isang hindi inaasahang prank.


“At 25, I learned from my baby sister that not everything in life revolves around money and fame and what other people thought, but it’s about relationships that you nurture,” pahayag ni Isabelle sa kanyang speech.


“And it was such a bitter pill to swallow because I like money,” natatawang dagdag niya.


Nang oras na para sa toast ng kasal, gumawa ng isang prank si Isabelle kung saan hiniling niya ang lahat na tumayo nang hindi nila alam na masasaksihan nila ang pisikal na pag-aaway ng dalawang lalaki.


Nang ipahayag na ni Ava ang kanyang pag-aalala, bigla na lamang sumingit si Isabelle Daza at tinawag ang atensyon ng lahat sinasabing, “I just wanted to wake everyone up.”


Ang mga lalaking sangkot sa kalokohan ay bigla na lamang sumayaw ng "Bella Ciao," isang kanta na pinasikat ng  Netflix series na "Money Heist."


Nagkomento naman si Ava sa nasabing video at inihayag niyang maasahan talaga ang kanyang kapatid na si Isabelle sa mga weirdest wedding.


“You can count on my sister to do the weirdest thing ever.”


Kamakailan lamang ay ikinasal si Ava kay Luch Zanirato sa pangalawang pagkakataon.


Kabilang sa mga bisitang dumalo sa nasabing pag-iisang dibdib ay ang kapatid ni Ava na si Isabelle, ang kanilang ina na si Gloria Diaz, Georgina Wilson, Jess Wilson, Martine Cajucom-Ho, at Nicole Andersson.


Na-engage sina Ava at Luch noong 2019 at nagpakasal sa isang civil ceremony makalipas ang isang taon. Pagkalipas ng dalawang taon, ipinanganak ni Ava ang kanilang unang anak.


Noong 2022, inilunsad nina Isabelle at Ava ang kanilang sexual wellness brand na Jellytime. Mayroon din silang podcast na tinatawag na "Sexy Time," na naglalayong gawing normal ang mga pag-uusap tungkol sa sex and pleasure.


KimPau, Magka-Holding Hands at Spotted Ngayong Araw Para Sa Kanilang Tour!

Walang komento

Huwebes, Mayo 16, 2024


 Spotted sina Kim Chiu at Paulo Avelino na sabay na dumating sa embassy upang asikasuhin ang kanilang mga kakailanganing papeles para sa kanilang upcoming tour.


Lalong kinilig ang mga KimPau fans sa kumakalat ngayong videos kung saan makikitang magkasamang dumating sina Paulo Avelino at Kim Chiu sa embassy. Personal na nagtungo roon ang dalawa upang asikasikasuhin ang mga kakailanganing VISA para sa nalalapit na kanilang Bida Kapamilya tour sa susunod na buwan.


Labis naman na kinilig ang mga taong nakasaksi ng personal sa mga galawan ng dalawa noon. Sila lamang dalawa ang pumasok sa opisina dahil naiwan sa labas ang kani-kanilang mga handler.


Ayon sa ilang mga netizens na nakasaksi sa galawan ng dalawa, talagang mahahalatang nag-level up na ang kanilang relasyon sa ngayon kaysa noon una nilang pagsasama sa serye.


Ipinunto pa ng ilang mga netizens na maari namang hindi sila sabay na pumunta roon subalit talagang magkasabay pa ang mga ito.


Bukod pa rito, magkatabi rin umano ang dalawa at nagbubulungan. May pagkakataon pa umanong hinawakan ni Paulo Avelino ang kamay ni Kim Chiu at hinalikan. Tumawa lang naman ang aktres at pabirong hinampas si Paulo.


Samantala, ayon naman sa ilang mga netizens na tila sinadya lamang ng dalawa na hindi magsama sa iisang sasakyan para hindi mahalata ang kanilang relasyon dahil nagpapaka lowkey ang dalawa sa ngayon.


Sa kabilang banda, marami pa rin sa mga netizens ang nagdududa sa sinasabing relasyon nina Paulo Avelino at Kim Chiu dahil sa parehong pananahimik nila.


Naniniwala silang pakulo lamang nina Paulo Avelino at Kim Chiu ang kanilang mga pagsasama upang lalong lumakas ang kanilang loveteam.


Maniniwala lamang umano sila kung aamin na ang dalawa dahil dalang-dala na sila sa ganitong pakulo ni Paulo Avelino dahil ginawa na rin niya ito sa dating nakatambal na si Janine Gutierrez.



Kim Chiu at Sarah Geronimo Sinabing Magka Level, Mga Fans Umalma

Walang komento


 Isa na namang malaking blessing ang natanggap ng nag-iisang Chinita Princess na si Kim Chiu. Muli na namang napabilang si Kim Chiu sa hanay ng mga primyadong pangalan sa industriya na kinabibilangan nina Piolo Pascual at Sarah Geronimo.


Kamakailan lamang ay isiniwalat ni Kim Chiu ang pagiging brand ambassador ng Hyundai Philippines kasama sina Piolo Pascual, Sarah Geronimo at ang kanyang kaloveteam na si Paulo Avelino.


Kinakikiligan naman ito ng mga tagahanga nina Paulo Avelino at Kim Chiu dahil naging relationship goals na umano ang dalawa.


Samantala, sa isang social media post ni Kim Chiu, inilahad niya ang kanyang excitement sa pag-uumpisa ng kanyang panibagong journey bilang brand ambassador ng Hyundai Philippines.


"Happy to be part of @hyundaimotorphilippines family along with @piolo_pascual @justsarahgph and @pauavelino  thank you #HyundaiMotorPhilippines fam.☺️ Excited to take this journey as I buckle up and enjoy the hyundai ride! #InnovateEveryday"


Samantala, ayon sa mga netizens na talagang lumilevel up na ngayon si Kim Chiu, ayon pa sa ilang mga tagahanga ni Kim Chiu na ka-level na umano nito ngayon si Sarah Geronimo sa kaniyang dedikasyon sa trabaho at sa kasikatan.


Sa kabilang banda, marami naman sa mga tagahanga ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo ang umalma sa pagkukumpara kay Kim Chiu sa kanilang idolo at sa pagsasabing ka-level na nito ang aktres.


Ayon sa mga tagahanga ni Sarah Geronimo, hindi naman naging bold star si Sarah Geronimo at napaka humble ng profile nito kaya naman naniniwala silang malayo pa sa kalingkingan nito si Kim Chiu.


Bokalista ng “True Faith” na si Medwin Marfil, Ikinasal Na Sa Kanyang Nobyo

Walang komento


 Ginulat ni Medwin Marfil ang kanyang mga tagahanga nang ianunsyo niya ang kanyang pagpapakasal sa kanyang boyfriend na si Mark Angeles.


Sa kanyang post sa social media, ibinahagi ni Medwin ang isa sa mga highlight ng kanyang buhay pagkatapos niyang legal na pakasalan ang kanyang kasintahan sa California, kung saan legal same sex marriage.


Makikita sa larawang ibinahagi niya na pareho silang nakasuot ni Mark Angeles ng puting mahabang manggas, khaki na pantalon, at puting sapatos, na posibleng kuha pagkatapos ng kanilang kasal.


Si Mark Angeles ay nakabase sa America at nagtatrabaho sa healthcare industry sa California habang si Medwin naman ay naninirahan na rin sa California nang maraming taon pagkatapos magdesisyon ang kanyang banda na magpahinga.


Matatandaang noong 2022, ibinunyag ni Medwin na pinag-uusapan na ng kanyang mga ka-banda ang pag-disband ng True Faith.


Kaagad namang umani ng samu't-saring komento mula sa mga netizens at ilang mga tagahanga ng True Faith ang isiniwalat ng Bokalistang si Medwin. Marami ang nagulat sa inamin nitong kabilang pala siya sa LGBTQ community dahil wala namang umanong indikasyon nito.


Sa kabila nito, marami pa rin ang nagpadala ng kanilang mga mensahe ng pagbati para sa panibagong journey nito sa buhay.


Sachzna Laparan Kinabog Si Zeinab Harake Sa Marimar Trend

Walang komento


 Hindi nagpahuli ang social media personality na si Sachzna Laparan sa nauusong 'Marimar' trend sa social media platforms.


Matatandaan na unang kumasa sa 'Marimar' trend ang social media personality na si Zeinab Harake, na kaagad namang nakakuha ng papuri mula sa mga netizens.


Samantala, ayon sa caption ni Sachzna Laparan sa kanyang video na nais lamang nitong maranasan minsan ang pagiging Marimar.


Kaagad rin itong pinusuan ng mga netizens at ng mga tagahanga ng social media personality.


Dahil magkasunod lang ang pagbabahagi nina Zeinab Harake at Sachzna Laparan ng kanilang mga 'Marimar' video hindi naiiwasan ng ilang mga netizens na pagkumpirmahin ang dalawang mga social media personalities.


May mga netizens ang nagsasbing mas nababagay na maging susunod na Marimar si Sachna Laparan.


May mga nagkomento ring talagang kinabog ni Sachzna Laparan ang entry ni Zeinab Harake.


Sa kabila nito, marami namang mga netizens na nanawagan na huwag nang pagkumparahin ang dalawa dahil may kanya-kanya naman silang style sa pagsayaw. Hindi rin umano nakakahealthy ang pagkukumpara sa mga contents ng mga vloggers.


Si Sachzna Laparan ay isang social media personality at pinasok na rin ang pag-arte. Sa katunayan ay kabilang ngayon si Sachzna Laparan sa “What’s Wrong With Secretary Kim” na napapanood sa VIU. Pinagbibidahan ito nina Kim Chiu at Paulo Avelino, na  labis ring kinakikiligan sa kanilang tambalang “KimPau.”


Dating Showtime Host Nasulot, Co-Host Ni Willie Revillame Ipinakilala Na

Walang komento


 Ipinakilala na sa publiko ang unang tatlong 'Win Girls' na makakasama ni Willie Revillame bilang co-hosts sa kanyang show na eere muli sa TV5.


Ang magiging co-hosts ni Willie Revillame ay sina Queenay Mercado isang Batanguena TikTok influencer, Inday Fatima Kate Bisan dating beauty queen at social media personality, at ang singer-TV host na si Ana Ramsey na naging co-host sa online version ng It's Showtime.


Samantala, bukod sa mga nabanggit, mayroon pang dalawang co-host na idaragdag sa kanilang line up. Gayunpaman, hindi pa sila nagbibigay ng clue kung sino-sino ang mga ito.


Subalit, siniguro nila na magigng pasabog ang host na makakasama nila dahil hindi umano aasahan ng maraming mga netizens.


Sa kabilang banda, kinumpirma na nina Queenay at Inday Fatima sa kani-kanilang mga social media post ang pagiging co-host nila sa show ni Willie Revillame.


Malaki ang pasasalamat nila na nabigyan sila ng pagkakataon na mapabilang sa show ni Willie Revillame.


Samantala, ikinagulat naman ng maraming mga netizens ang pagpayag ni Ana Ramsey na maging host ng show ni Willie Revillame dahil sa pagiging host nito sa Showtime Online U.


Agad itong umani ng mga komento at reaksyon mula sa mga netizens, marami ang nagpapaabot ng good luck para sa kanyang panibagong journey, may mga nagsasabing sana raw ay hindi nito pagsisihan ang paglayas sa It’s Showtime at paglipat sa TV5. 


Nagtataka rin ang mga madlang pipol kung bakit pinakawalan ni Ana Ramsey ang pagiging host ng Showtime Online U na may malaking potensyal daw sa larangan ng hosting.


Sa ngayon ay hindi pa pormal na inanunsyo kung kailan mapapanood ang show ni Willie Revillame sa TV5.



Kris Aquino Nagulat Sa Nangyari Sa Kanya Ng Pumunta Ito Sa Isang Lugar Sa Amerika!

Walang komento


 Isang positibong balita ang isiniwalat ni Dindo Balares patungkol sa kasalukuyang kalagayan ng Queen of All Media na si Kris Aquino na nakausap niya sa pamamagitan ng video call habang nasa Amerika si Kris Aquino at patuloy na nagpapagaling.


Nabanggit rin ni Dindo Balares sa kanyang post na nagustuhan ni Kris Aquino ang kanyang pananatili sa Newport na pinagmulan ng mga usap-usapan patungkol sa paglipat ni Kris Aquino ng bagong tirahan mula sa Orange County papuntang Newport.


Ayon sa ibinahagi ni Dindo Balares, naging responsive na sa chemotherapy ang mga autoimmune conditions ni Kris Aquino, subalit nagiging mas concerning naman ang kalagayan ng puso nito ngayon.


Sa ngayon ay naghahanap umano ng panibagong cardiologist si Kris Aquino para ma-monitor ng maayos ang kanyang heart.


"There’s a problem with my heart, Kuya Dindo - genetics. Very high cholesterol and triglycerides that at this point can’t be treated because I am underweight (91 lbs)," pagbabahagi umano sa kanya ni Kris Aquino.


Labis-labis naman na nagpapasalamat si Kris Aquino sa lahat ng mga taong patuloy na ipinagdarasal ang kanyang kalusugan. Hiniling niya na sana ay hindi magsawa ang mga ito na ipanalangin ang kanyang lubusang paggaling mula sa kanyang mga karamdaman at mga komplikasyon na dala nito.



Angeline Quinto, Ipinagtanggol Ang Kanyang Asawa na si Nonrev!

Walang komento


 Isa sa masasayang celebrity ngayon ay ang actress-singer na si Angeline Quinto dahil nasa maayos ang kanilang pamilya at kamakailan lamang ay ikinasal na sila ng kanyang partner na si Nonrev Daquina.


Nakadagdag pa sa kasiyahan na ito ni Angeline Quinto ay ang kanyang pagbubuntis sa ikalawang pagkakataon sa anak nila ni Nonrev.


Patuloy na nagbabahagi si Angeline Quinto ng mga updates patungkol sa kanyang buhay sa kabila ng mga natatanggap na pambabatikos mula sa mga netizens dahil siya ang nagpo-provide sa kanilang pamilya.


Tila bingi at bulag ngayon ang aktres sa mga pambabatikos dahil nakapokus lamang siya sa kanyang mahal sa buhay at sa pagtataguyod sa kanyang pamilya.


Sa gitna ng mga pambabatikos na natatanggap ngayon ng asawa ni Angeline Quinto na si Nonrev, nagbahagi si actress-singer ng isang open letter para rito.


"Alam ko hindi naging madali sa umpisa. May ibang ayaw sa relasyon natin, Pero mas pinili mong manatili sa tabi ko, nung panahong kailangan na kailangan kita. Nung panahong ayaw ko ng kumanta at magtrabaho dahil sa pag kawala ng Mama Ikaw ang naging kakampi at inspirasyon ko. At ang pag dating ni Sylvio ang nagbago ng buhay ko."


"Para saiyo ang awiting sinulat ko, kasama ni Sir @jonathanmanalo natapos namin ang kanta bago ang kasal natin kaya ito rin ang ginamit para sa bridal march ko last month"


Ipinahayag rin ni Angeline Quinto na palagi niyang ipaglaban si Nonrev Daquina sa mga netizens na nambabatikos rito.


Matatandaang hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na marami ang nambabatikos kay Nonrev Daquina dahil sa hindi umano nito pagtatrabaho. Inaasa na lamang umano nito ang lahat kay Angeline Quinto gayung bukod sa kanyang anak kay Angeline Quinto ay may mga anak pa ito sa iba't-ibang mga babae.



Kim Chiu May Patama Kay Xian Lim, Mas Masaya Sa Piling Ni Paulo Avelino

1 komento

Naging laman ng mga usap-usapan sa social media ang aktres at It's Showtime host na si Kim Chiu matapos ang pagbabahagi ng isang quotes patungkol sa growth and taking responsibilities.


Ibinahagi ng actres at It's Showtime host na si Kim Chiu ang nasabing qoutes matapos ang pagpapahayag ni Xian Lim kung ano ang mensaheng ibibigay niya sa kanyang ex kung nakasalubong niya ito.


Marami naman ang nakapansing sa mga naka-highlight na salita na 'real growth', 'blaming' at 'responsible' hinala nila na ito na ang hinihintay na sagot ni Kim Chiu sa pahayag ni Xian Lim na kung makakasalubong niya si Kim Chiu ay sasabihan niya itong dapat ay maging masaya na at hilingin rito na makita na ang kasiyahan na hinahanap.


Narito ang quote na ibinahagi ni Kim Chiu 'Real growth is when you start checking and correcting yourself instead of blaming others. You take your power back by being responsible for your life.'


Sa kabilang banda, marami sa mga netizens ang nakapansin na tila hindi na umano nasasaktan ngayon si Kim Chiu. Tuluyan na rin itong nakapag-move on sa naging hiwalayan nila ni Xian Lim dahil na rin kay Paulo Avelino na nakakasama niya ngayon dahil sa kanilang mga pinagsamahang projects.


Kapansin-pansin na masaya na ang awra ngayon ni Kim Chiu at tila kinikilig na sa tuwing tinutukso sila ni Paulo Avelino sa isa't-isa.



 

Green Man, Hindi Nagustuhan Ang Pagbibigay Ng Tulong Kay Diwata Hindi Naman Nito Kailangan

Walang komento


 Isa sa pinakasikat na internet celebrity noong nakaraang taon na si Jhonwel Reyes, na mas kilala bilang “Green Soldier,” ay nagbigay ng kanyang saloobin sa mga regalong natatanggap ni Deo Balbuena, na mas kilala sa pangalang Diwata, mula sa iba pang content creator.


Sa kanyang Facebook post, ipinahayag ni Jhonwel sa kanyang followers na wala siyang planong tulungan si Diwata tulad ng iba pang content creator, hindi dahil sa ayaw niya sa negosyante, kundi dahil marami na itong natatanggap na blessings.


Iginiit din ni Jhonwel Reyes na mas mabuti pang tulungan ang mga taong nasa kalsada at totoong nangangailangan.


“Kung ako talaga e me pera at natatawag ding isang Content Creator, kung papipiliin ako ng taong tutulungan e siguro hindi na si Diwata,” he said. “Baket? Sa dami ng blessings niya sobra sobra na ‘yun kung iisipin dahil may naumpisahan na siyang makakapagpabangon sa kanya ng husto sa kahirapan, yun ay ‘yung kanyang negosyo.”


Dagdag pa nito, “Daming nagugutom sa kalsada, marami kang madadaanan para mabigyan ng munting biyaya hindi para makisabay pa sa alon ni Diwata. Hindi man lahat pero ‘yung iba makikita mo.”


Gayunpaman, nilinaw ni Green Man na wala pa siyang sapat na kakayahan sa ngayon para tumulong sa kapwa tao, ngunit kung sakali man, pipiliin niya ang mga taong karapat-dapat sa tulong pinansyal.


Tulad ni Diwata, nakatanggap din si Jhonwel aka Green Man ng napakalaking publicity noong nakaraang taon, ngunit ilang buwan lamang ang itinagal ng kasikatan ni Green Man.


Maraming netizens ang naniniwala na ganoon din ang mangyayari kay Diwata, magtatapos din ang trend nito anytime soon at pinayuhan siyang maghanda kung sakaling matapos ang kanyang pagiging star sa social media.


Matatandaan na kamakailang lamang ay nakatanggap ng mga mamamahaling regalo si Diwata mula sa ilang mga social media personality, kabilang na sina Whamos Cruz, Rosmar, Vice Ganda, at marami pang iba.



Kim Chiu Sister Na Si Lakam Bantay Sarado Sa Mga Manliligaw Ng Aktres Hindi Boto Kay Paulo Avelino

Walang komento


 Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang aktres na si Kim Chiu, matapos kumalat ang mga intrigang kaya hindi pa nila inaamin ni Paulo Avelino ay dahil sa ate ng aktres na tutol sa pagpasok muli sa isang relasyon ni Kim Chiu matapos maloko ni Xian Lim.


Tila mahihirapan pa ngayon ang aktor na si Paulo Avelino sa kanyang panliligaw sa aktres host na si Kim Chiu dahil bantay sarado umano ito ng ate ng aktres na si Lakam.


Hindi naman ito nakakagulat dahil sa matinding pinagdaanan noon ni Kim Chiu kay Xian Lim kung saan tila nasayang lamang ang mahigit dekada nilang relasyon. Tila binabantayan umano ngayon ni Ate Lakam ang mga lalaking lumalapit kay Kim Chiu at kinikilatis itong mabuti para hindi na maulit ang nakaraan kung saan naiwan lamang na luhaan ang kanyang kapatid.


Kaya naman tila hindi ito pabor para kay Paulo Avelino ngayon na siyang nanliligaw sa aktres.


Samantala, hindi naman ito nagustuhan ng mga tagahanga nina Kim Chiu at Paulo Avelino dahil parehong nasa tamang gulang at pag-iisip na ang dalawa at hindi na kailangan pang diktahan kung ano ang dapat na gawin at kung ano ang hindi.


Sa kabilang banda, may mga nagsasabi naman napakaswerte ni Kim Chiu sa kanyang ate Lakam dahil hindi siya nito pinapabayaan.


Hinala naman ng maraming mga netizens na ito na ang dahilan kung bakit tila nag-aalangan pa sina Kim Chiu at Paulo Avelino na umamin sa publiko patungkol sa kanilang relasyon. 


Kaya naman idinadaan na lamang umano ng dalawa sa kanilang mga titigan at sa pagpapakita ng emosyon sa mga eksena na kanilang pinagsamahan.




Paolo Contis, Inaming Apektado Sa Bashing Na Natatanggap

Walang komento


 Ipinaliwanag na ng aktor-host na si Paolo Contis kung bakit hindi siya nagbigay ng kasagutan sa tanong sa kanya ng press patungkol sa kasalukuyang estado ng relasyon nila ng aktres na si Yen Santos.


Kamakailan lamang ay nahingan ng pahayag si Paolo Contis sa mga isyung naghiwalay na sila ni Yen Santos dahil sa pagbubura nito ng mga larawan nilang magkasama maging ang sweet birthday message nito sa actor.


Bukod pa rito, inunfollow na rin ni Yen Santos si Paolo Contis sa Instagram account nito.


Samantala, sa kamakailang panayam kay Paolo Contis ni Boy Abunda sa programa nitong Fast Talk With Boy Abunda, ipinaliwanag ni Paolo Contis kung bakit hindi siya nagbigay ng komento patungkol sa relasyon nila ngayon ni Yen Santos.


Ayon kay Paolo Contis, hindi niya sinagot ang mga katanungan patungkol sa isyu nila ni Yen Santos bilang pagrespeto sa mga tao sa kanyang buhay.


Pahayag ni Paolo Contis, “I think dumating na kasi tayo sa point na feeling ko people think na we owe it to everyone to share what's happening to you. And I believe it's not part of my acting craft anymore. Habang nagsi-share ka nang nagsi-share lalo kang pakikialaman, and respeto sa mga tao sa buhay ko.”


Ayon pa kay Paolo Contis, na umabot na siya sa puntong hindi na niya sasabihin sa mga netizens ang kabuuan ng kanyang buhay lalo na ang mga personal na buhay na wala namang kinalaman sa kanyang akting career.


“It's time na 'yung mga pribadong bagay, 'yung mga walang kinalaman sa pag-arte mo or sa craft mo bilang artista, itira mo na 'yun para sa sarili mo.”


Ipinunto rin ni Paolo Contis na hindi kabilang sa kanyang responsibilidad bilang isang actor ang pagbabahagi ng kanyang buhay labas sa kanyang acting career katulad na lamang ng pamilya, paag-ibig at iba pa.


Inamin rin ni Paolo Contis na talagang apektado siya sa mga pambabatikos na natatanggap mula sa mga netizens laban sa kanya at sa kanyang pamilya.


Sa ngayon ay nagpopokus na lamang umano si Paolo Contis sa mga taong naniniwala sa kanya at patuloy na sumusuporta sa kanya.


Ipinunto rin ni Paolo Contis na hindi tama na gawing basehan sa hiwalayan ng isang relasyon ang pag-unfollow sa social media.



Paulo Avelino Nagpakita Na, Kim Chiu at Paulo Sabay Nawala Sabay Din Nangitim!

Walang komento


 Laman ng mga usap-usapan sa ilang mga social media platforms at entertainment news sites ang aktor na si Paulo Avelino at ang kaloveteam nitong si Kim Chiu.


Marami sa mga netizens ang nakapansin sa pagiging missing in action ng dalawa noong kaarawan ni Paulo Avelino ilang araw na ang nakakalipas.


Dahil sabay na naging missing in action sina Kim Chiu at Paulo Avelino nitong mga nagdaang araw, marami sa kanilang mga tagahanga ang nag-iisip na magkasama silang dalawa sa pagbabakasyon sa beach para ipagdiwang ang kaarawan ng aktor.


Bukod pa rito nag-ugat ang mga haka-hakang magkasama ang dalawa sa pagbabakasyon sa beach dahil marami ang nakanpansin sa pangingitim ni Kim Chiu. Sa kamakailang episode ng It's Showtime marami ang nakapansin sa pagiging uneven ng skintone ni Kim Chiu. Makikita ang bakat ng bra nito na sinuot sa swimming pahiwatig na matagal itong nagbabad sa araw.


Sa kabilang banda, marami rin ang nakapansin sa tila pangingitim rin ni Paulo Avelino, kumakalat ngayon ang mga larawan at video ni Paulo Avelino na kuha sa isang event.


Kapansin-pansing uneven rin ang kulay ng balat ng aktor at makikita ang bakat ng relo na sinuot nito.


Marami sa mga netizens lalong-lalo na ang mga KimPau fans ang nagbubunyi dahil wala na umanong duda na mayroong namamagitan sa dalawa dahil sa pagsasama nilang pagbabakasyon para ipagdiwang ang kaarawan ng aktor.


Samantala, may mga netizens naman nananawagan sa mga KimPau fans na huwag na munang pakialaman ang mga personal na buhay nina Kim Chiu at Paulo Avelino. 


Hindi rin umano maganda na pangunahan ng mga netizens ang dalawa dahil wala pa naman umano silang inaamin na anuman patungkol sa estado ng relasyon nilang dalawa ngayon bukod sa pagiging magkatrabaho.




Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo