Vice Ganda Nagulat Sa Banat Ni Kim Chiu, Napataas Ang Mga Kilay Sa Mga Rebelasyon Ni Xian Lim

Walang komento

Miyerkules, Mayo 22, 2024


 Naging isang malaking rebelasyon ang isiniwalat ni Xian Lim sa kamakailan kung saan nilinaw niya ang mga kumakalat na isyu at intriga na bumabalot sa naging hiwalayan nila ng aktres na si Kim Chiu.


Kabilang sa nilinaw ni Xian Lim ay ang usaping patungkol sa pagpapaluto niya ng steak kay Kim Chiu bago niya sinabi sa aktres ang kanyang pakikipaghiwalay.


Pinabulaanan ito ni Xian Lim at iginiit na hindi naman siya ang nakipaghiwalay sa kundi si Kim Chiu kaya naman paano umano mangyayari ang pagpapaluto niya ng steak sa aktres.


Nilinaw rin ni Xian Lim na walang naging third party sa hiwalayan nila ng aktres at maayos nilang tinapos ang kanilang relasyon. Iginiit din niyang naging masaya siya sa piling ng aktres taliwas sa mga kumakalat na haka-hakang naging toxic umano ang kanilang relasyon.


Ayon kay Xian Lim, paanong tatagal ng mahigit dekada ang kanilang relasyon kung sakaling hindi naging masaya ang kanilang relasyon.


Kaagad namang umalma rito ang ilang mga netizens kung saan ipinunto nila na kung totoong mahal mo ang isang tao, kahit pa siya ang nag-initiate ng hiwalayan ay ipaglalaban mo pa rin kahit papaano ang inyung relasyon lalo na kung tumagal na ito ng maraming taon.


Samantala, tila naglabas naman ng sagot si Kim Chiu sa naging pahayag ni Xian Lim sa kanyang spiel sa noontime show na It's Showtime sa segement na Expecially For You.


Pahayag ni Kim Chiu, "Kung mahal mo naman bakit mo nga ba iiwan? Masasagot na kaya today ang katanungan?"


Napasingit naman rito si Vice Ganda at tinanong si Kim Chiu kung sino ang sasagot sa katanungang ito.


Marami naman sa mga netizens ang naiugnay ang nangyari sa mga rebelasyon ni Xian Lim, ayon sa mga netizens, kung sakali mang si Kim Chiu ang unang nagkipaghiwalay kay Xian Lim, ano kaya ang matinding rason nito bakit pinili nitong wakasan ang kanilang matagal nang relasyon.


Subalit, may mga napapataas rin ang kilay dahil tila hindi umano naging magkatugma ang pahayag ni Xian Lim dahil kung totoong si Kim Chiu ang nakipaghiwalay, bakit hiniling niya kay Xian Lim na isekreto muna ito dahil sa work-related reasons.



Pagkaka-Ugnay Ni Tom Rodriguez Kay Clint Bondadna Ex-Boyfriend Ni Catriona Gray!!

Walang komento


 Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang isyung may kakaibang relasyon sa pagitan nina Tom Rodriguez at Clint Bondad.


Marami sa mga netizens ang naintriga nang mapansin nilang iisa lamang ang pina-follow ng hunk model na si Clint Bondad sa Instagram account nito, walang iba kundi ang Kapuso actor na si Tom Rodriguez.


Si Clint Bondad ang dating karelasyon ni Miss Universe 2018 na si Catriona Gray, na dati rin ay tanging si Catriona Gray lamang ang pina-follow sa Instagram.


Kamakailan lamang ay nagtrending sa Twitter ang isang tweet ng netizen kung saan ipinunto niya ang kanyang napansin sa following list ni Clint Bondad kung saan tanging si Tom Rodriguez lamang ang kanyang pina-follow.


Dahil dito, hindi na napigil ng maraming mga netizens na intrigahin sina Tom Rodriguez at Clint Bondad lalo pa nang tingnan ang Instagram account ni Tom Rodriguez ay makikita rin sa kanyang following list na naka-follow siya sa hunk model.


Kaagad na naghinala ang maraming mga netizens na may namamagitan kina Tom Rodriguez at Clint Bondad dahil ganito umano ang galawan ni Clint Bondad sa kanyang dating karelasyon na si Catriona Gray.


Dahil rin sa intrigang ito, muling nabuksan ang usapin patungkol sa totoong katauhan ni Tom Rodriguez, matatandaan na matagal nang naging laman ng mga usap-usapan ang pagiging bakla di-umano ng aktor.


Matatandaan na kahit noong karelasyon pa ni Tom Rodriguez ang dati niyang girlfriend na si Carla Abellana, marami pa rin ang kumukwestyun sa sexuality ni Tom Rodriguez lalo pa itong tumindi matapos ang hiwalayan ng dalawa makalipas ang tatlong buwan mula ng kanilang pagpapakasal.


Kung saan isa sa mga itinuturong dahilan ng kanilang paghihiwalay ay ang pagkakaroon ng ibang lalaki ni Tom Rodriguez na nahuli pa mismo ni Carla Abellana.


Samantala, nalink naman noon si Clint Bondad sa may-ari ng Miss Universe Organization na si Anne Jakrajutatip nang lumabas sa social media ang mga larawan nilang magkasama noong 2019 ilang buwan matapos ang kontrobersyal na hiwalayan noon nina Clint Bondad at Catriona Gray.


Sa ngayon ay hindi pa naman naglalabas ng pahayag sina Clint Bondad at Tom Rodriguez patungkol sa mga iniisyu sa kanila ng mga netizens.



Dominic Roque Inihayag Na Ang Saloobin Sa Break-up Nila Ni Bea Alonzo Kamusta Na Si Dom?

Walang komento


 Actor-model na si Dominic Roque inilahad ang kanyang saloobin patungkol sa naging kontrobersyal na hiwalayan nila ng dating fiancee na si Bea Alonzo.


Tila ipinakita na ni Dominic Roque sa mga netizens ang estado ng puso matapos ang ilang buwan nang ilahad nila ni Bea Alonzo ang kanilang paghihiwalay sa gitna ng preparation sa kanilang nalalapit sanang kasal.


Matatandaan na matapos aminin nina Bea Alonzo at Dominic Roque ang kanilang paghihiwalay ay napapabalita pa noon na nagkabalikan ang dalawa dahil sa walang tigil na panunuyo ng aktor kay Bea Alonzo.


Subalit, kamakailan lamang ay pinagbubura na ni Bea Alonzo ang kanilang mga larawan at videos na magkasama sa social media dahilan para maghinala ang mga netizen na wala talagang pagbabalikan na naganap.


Hanggang ngayon ay hindi pa naman malinaw kung ano ang totoong dahilan ng paghihiwalay ng dalawa dahil pareho namang silang nanahimik patungkol rito.


Isa sa mga pinaghihinaalan ng mga netizens na dahilan ng hiwalayan nina Bea Alonzo at Dominic Roque ay ang usapin patungkol sa pera. Ayon sa mga usap-usapan, nais ng kampo ni Bea Alonzo na papirmahin ng prenuptial agreement si Dominic Roque dahil hindi naman umano lingid sa kaalamam ng nakakarami na mas mayaman si Bea.


Samantala, kumakalat naman ngayon ang naging pahayag umano ni Dominic Roque kung saan inilahad nitong masaya na siya ngayon at maayos ang lahat sa kanyang buhay. Nasa moving on stage na rin umano siya at handa nang kalimutan ang nakaraan nila ni Bea Alonzo.


Sa ngayon ay inaabala ni Dominic Roque ang kanyang sarili sa pagtatarabaho sa kanyang mga negoso at pagtatravel at pagbubuo ng mga social media contents.



Laos Na, Aktres Bibitawan Na Ng Network Sa Taas Ng Talent Fee

Walang komento


 Pinag-uusapan ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news ang isyung pinag-iisipan ng mabuti ng isang producer-director kung kukunin pa niya ang isang aktres para sa gagawin niyang pelikula na ipapasok niya sa darating na Metro Manila Film Festival.


Ayon sa mga bali-balita, ang aktres na ito ang gusto ng kasosyo ng producer-director na ito kaya naman nahihirapan siyang tumanggi rito. Gayunpaman, aminado umanoa ang direktor na ito na nagdadalawang isip siya kung ito ba ang kukunin niya dahil sa laki ng talent fee gayung palaos naman na ito.


Bagama't may mga fans naman umano ang aktres ay wala pa naman umano itong napapatunayan sa larangan ng pag-arte at hindi nagiging blockbuster hit ang mga pinagbidahang pelikula nito.


Sa ngayon ay hindi pa naglalabas ng opisyal na desisyon ang producer-director ng pelikula dahil marami pa itong tinitingnan options lalo na't malaking pera ang ilalabas niya para sa pelikula.


Marami naman sa mga netizens ang naglabas ng kani-kanilang mga saloobin patungkol sa kung sino ang pakakakilanlan ng nasabing aktres.


May mga naghinalang ito ay si Toni Gonzaga na nakatanggap ng matinding pambabatikos matapos ang National Elections. Subalit, may mga nagsasabi ring may iba pang batang artista ang nakakatanggap rin ng mga pambabatikos at napapabalitang malaki ang hinihinging talent fee.




Lolit Solis, Uulitin Ang Naging Isyu Niya Noon Sa Manila Fest Festival Noong 1994

Walang komento

Martes, Mayo 21, 2024


 Ipinahayag ng talent manager at columnist na si Lolit Solis na kung mai-rewind niya ang oras, uulitin niya ang pagkakasangkot niya sa Manila Film Festival scam.


Sa kanyang 77th birthday celebration noong May 19, 2024, sinabi ni Lolit na wala siyang pinagsisisihan sa kontrobersyang kinaharap niya noon.


“The biggest mistake na nagawa ko pero hindi ko pinagsisihan… siguro if I will live my life again, gagawin ko uli, yung scam. Pero dun ko na-realize… sa kasalbahihan ko, akala ko, iiwanan ako ng lahat, di ba? Na you’d be alone kasi gumawa ka ng kasalanan. Lahat na, galit sa yo,” pahayag ni Lolit Solis.


“Pero, no! Dun nga lalong na-feel kong… kaya yata ako naging lalong salbahe, kasi nakita ko talaga lahat… lahat ng alaga ko, ipinagtanggol ako,” dagdag pa niya.


Matatandaang muntik nang makulong si Lolit Solis noong 1994 dahil sa pagkakasangkot niya sa Manila Fest Festival, kung saan nakipagsabwatan siya para ianunsyo sina Gabby Concepcion at Ruffa Guttierez bilang mga nanalo ng Best Actor at Best Actress sa halip na ang mga tunay na tumanggap ng parangal, Edu Manzano at Aiko Melendez.


Maraming mga personalidad ang nasangkot sa nasabing isyu at nakakuha pa ng nationwide coverage. Dahil dito, umalis ang aktor na si Gabby Concepcion sa management ni Lolit Solis.


@maritesuniversity 1994 Manila Film Fest Fiasco: Ang Pandaraya nina Lolit Solis, Vivecka Babajee, at Rocky Gutierrez! #HistoricalTsismis #MaritesUniversity #MFF1994 #Showbiz #LolitSolis #RuffaGutierrez #GretchenBarretto #GabbyConcepcion #ViveckaBabajee #RockyGutierrez #AikoMelendez #EduManzano ♬ original sound - MaritesUniversity

Paolo Contis, Binili Ang Kontrata Sa Dating Manager Para Maging Manager Si Lolit Solis

Walang komento


 Isa ang actor na si Paolo Contis sa mga dumalo sa nagdaang 77th birthday celebration ng kilalang showbiz columnist at talent manager na si Lolit Solis na ginanap sa Oriental Palace Restaurant sa Quezon City noong May 19, 2024.


Sa kanyang birthday speech para kay Lolit Solis, ipinahayag ng actor na binili niya noon ang kanyang kontrata sa dating manager na humahawak sa kanya sa halagang 300,000 pesos para lamang maging manager niya si Lolit Solis.


Inamin ng actor na noon pa man ay nais na niyang ihandle ni Lolit Solis ang kanyang showbiz career.


Pagkukwento ng actor, unang siyang inilapit ng kanyang ina kay Lolit Solis para ito ang humawak ng kanyang showbiz career.


Subalit dahil kasagasagan noon ng scam issue ni Lolit Solis sa Manila Film Fest ay tumanggi itong maging manager niya dahil wala umano itong maitutulong sa kanya sa mga panahong iyon.


Pagkalipas ng ilang taon, nang magkaroon na siya ng ibang talent manager sa kagustuhan niyang mai-manage nito ay pinili niyang bayaran ang kanyang dating manager.


Labis naming nagpasalamat si Paolo Contis sa pagmamahal na ibinibigay sa kanya ni Lolit Solis at sa pagtatanggol  nito sa kanya sa mga pinagdaanan niyang mga isyu at intriga.


Malaki ang pasasalamat ni Paolo Contis, dahil talagang kinakampihan at minahal siya nito sa kabila ng kanyang mga imperfections.


Isiniwalat din ni Paolo Contis na sa tuwing mayroon siyang aamining sekreto kay Lolit Solis at ipapakalat ito ng kanyang manager subalit kapag nabatikos naman siya dahil rito ay ito naman ang unang nagtatanggol sa kanya.


Inilahad ni Paolo Contis na talagang ikalawang ina na ang kanyang turing kay Lolit Solis.


Naging emosyunal naman si Lolit Solis sa mensaheng inilahad ni Paolo Contis para sa kanya dahil labis siyang natouch sa pagpapahalaga at pagmamahal sa kanya ng kanyang alaga na si Paolo Contis at sa iba pang mga dumalo sa kanyang kaarawan.



@rosegarciafabregas Aliw ang message ni #PaoloContis sa kanyang manager na si #LolitSolis ♬ original sound - Rose Fabregas

Netizens Napansin Na Kamukha Ni Jake Zyrus Si Berting Labra

Walang komento


 Muling naging laman ng usap-usapan at mga biruan sa social media ang singer na si Jake Zyrus matapos matuklasan ng ilang netizens na lumabas ang singer sa Google search result para sa yumaong aktor na si Berting Labra.


Matatandaang naging subject ng entertainment portals si Jake Zyrus nitong nakaraang buwan dahil sa pagkakahawig umano nito sa yumaong aktor, na naging active sa showbusiness mula 1945 hanggang 2009.


Ang nasabing larawan na nagpapakita kay Jake Zyrus sa search results ni Berting Labra ay tungkol din sa pagkakahawig niya sa aktor.


Ilang netizens na nakakita rin sa kasalukuyang hitsura ni Jake ang nagpahayag ng kanilang kalungkutan sa pagbabago ng singer mula kay Charice Pempengco sa kanyang kasalukuyang sarili.


Marami ang nanghihinayang dahil sa pagbabago ni Charice sa kanyang sarili ay labis na naapektuhan ang kanyang pagiging singer. Nawala na rin ang kanyang kasikatan sa larangan ng pagkanta at tinalikuran na rin ito ng mga dating mga tagahanga.


“Isa sa pinakasayang na artist ng Pilipinas..idol ko pa naman sana to nung di pa sya nagkatupak at nag feeling lalaki..okay naman sanang maging tomboy kahit di magpalit ng anyo…pero ito ginusto nya eh.”


Hindi ito ang unang pagkakataon na nagpakita ang Google ng kakaibang resulta para sa isang celebrity sa Pilipinas.


Hanggang ngayon, ang resulta ng paghahanap sa Google ni Jim Paredes ay puno rin ng mga larawang kuha sa isa sa kanyang mga pribadong video, na posibleng nakita na ng milyun-milyong netizens online.



Angelica Dela Cruz Inilantad Tunay Na Dahilan Bakit Nag-Iyakan Sa Kasal Ni Mika at Nash Wedding

Walang komento


 Sa wakas ay ikinasal ang celebrity couple na sina Mika Dela Cruz at Nash Aguas noong May 18, 2024. Nagpakasal ang dalawa pagkatapos ng anim na taon ng kanilang pagiging mag-boyfriend girlfriend.


Maraming celebrities at mga netizens ang nagpaulan sa kanila ng mga mensahe ng pagbati at pagbati para sa kanilang bagong chapter na sisimulan bilang mag-asawa.


Samantala, kasabay ng kasalan ng dalawa, kumalat rin ang mga bali-balitang nagbubuntis na si Mika Dela Cruz kaya nagpakasal na sila ni Nash Aguas na siyang ama ng pinagbubuntis nito.


Dahil sa mga haka-hakang ito, nagbigay na ng pahayag ang aktres at kapatid ni Mika Dela Cruz na si Angelika Dela Cruz sa kanyang social media account upang tugunan ang mga spekulasyon.


Sa caption ni Angelika Dela Cruz sa kanyang post, iginiit niyang walang katotohanan ng isyung nagdadalang tao ang kanyang kapatid na si Mika. Pinayuhan rin niya ang mga netizens na i-verify muna ang balita bago ipost sa social media.


Gayunpaman, inilahad ni Angelika na sana ay totoo ngang buntis ang kanyang kapatid at mabigyan kaagad sila ng baby girl dahil wala na silang baby girl sa kanilang pamilya.


"My sister is not pregnant. Please make sure to verify before posting. Thank you. How I wish it were true... Mika Dela Cruz, please give us a baby girl. We don't have one in the family yet."


Sinang-ayunan naman ito ng maraming mga tagahanga ni Angelika Dela Cruz na mas maiging mag-fact check sa bawat articles na nababasa o mga post sa social media bago ito ipakalat upang maiwasan ang mga walang katotohanang balita.


Bago paman ang paglilinaw ni Angelika Dela Cruz sa bali-balitang nagdadalang tao ang kanyang kapatid, nauna nang ipinahayag ni Angelika Dela Cruz ang pagsuporta niya sa pagpapakasal ng kanyang kapatid kay Nash Aguas.



Janine Nagparating Ng Mensahe Kay Paulo Avelino

Walang komento


 Laman ng mga usap-usapan ngayon ang tila pagpaparinig umano ng aktres na si Janine Gutierrez sa dating ka-loveteam na kalaunan ay naging boyfriend na si Paulo Avelino.


Bagama't hindi nila hayagang inamin sa publiko ang kanilang relasyon halatang-halata naman ito sa mga naging panayam pagpi-flex nila sa isa't-isa labas sa promotion ng kanilang mga pinagsamahang proyekto.


Bukod pa rito, lumabas rin sa mga ulat noon ang pagpopropose ni Paulo Avelino kay Janine Gutierrez nang magkasama sila sa ibang bansa.


Samantala, nang pumasok sa buhay ni Paulo Avelino ang aktres na si Kim Chiu noong sila naman ang naging magkapartner sa digital series na Linlang ay tila nawala na lamang bigla sa eksena si Janine Gutierrez.


Hanggang sa napapabalita na ang kanilang paghihiwalay sa di malamang dahilan at ang pagsi-ship ng maraming mga netizens sa tambalan nina Paulo Avelino at Kim Chiu na maging totohanan na ang kanilang relasyon.


Samantala, sa isang panayam, inamin umano ng aktres na si Janine Gutierrez na hindi naging madali para sa kanya ang mga nangyari sa relasyon nila ni Paulo Avelino dahil naapektuhan rin ang kanilang mga tagahanga.


May nagtanong rin umano kay Janine Gutierrez patungkol sa kanyang reaksyon sa napapabalitang relasyon nina Paulo Avelino ngayon at ni Kim Chiu.


Dito na tumanggi ang aktres at sinabing no comment siya rito. Ang mahalaga ngayon sa aktres ay patuloy pa rin siyang nakakakuha ng suporta mula sa kanyang mga fans sa kabila ng mga nangyari.


Sa kabilang banda, iginiit naman ni Janine Gutierrez na wala siyang galit o anuman kay Paulo Avelino at masaya siya sa mga nakakamit ngayon ng aktor kahit pa hindi na siya ang on-screen partner.



Paulo Avelino Nagsalita Na Hinggil Sa Estado Nila Ni Kim Chiu, Paulo May Hinihintay Lang Kay Kim!

Walang komento


 Aktor na si Paulo Avelino nagbigay na ng pahayag patungkol sa naging status ng relationship nila ng aktres na si Kim Chiu.


Isa sa mga pinag-uusapang loveteam ngayon sa industrya ng showbiz ang tambalang Paulo Avelino at Kim Chiu na mas kilala bilang KimPau.


Marami sa mga fans ng dalawa ang umaasa na mapupunta sa next level ang kanilang relasyon ngayong labis na silang nagkakalapit sa isa't-isa dahil sa mga sunod-sunod na pinagsamahan nilang serye at mga endorsement.


Sa isang panayam kay Paulo Avelino sa ABS-CBN compound sa Quezon City, ipinahayag ni Paulo sa kanilang mga tagahanga ni Kim Chiu na manatiling kalmado sa pagpupush sa kanila na nai-level up ang kanilang relasyon.


"I get where they are coming from. Hinay-hinay lang. Kim just came from a relationship, so hayaan muna natin mag-enjoy yung mga tao and give them time to explore," pahayag ng aktor.


Matatandaan na noong December 2023, kinumpirma ni Kim Chiu na naghiwalay na sila ng longtime partner na si Xian Lim.


Inamin rin ni Paulo Avelino na nagiging uncomfortable siya sa tuwing tinatawag siya ka loveteam ni Kim Chiu. Mas gusto pa umano niya na matawag bilang ka-tandem ni Kim Chiu o di kaya ay on-screen partner nito dahil ayaw niya ng stigma na nadidikit sa Pilipinas pagdating sa mga loveteams.


Gayunpaman, iginiit ni Paulo Avelino na naappreciate niya ang kanilang mga fans ni Kim Chiu na napapasaya nila at naniniwalang deserve nila ang isa't-isa.


Sinang-ayunan naman ito ni Kim Chiu at ipinunto na nasa tamang edad na sila at hindi na kailangan na pagsabihan pa ng ilang mga netizens sa kung ano ang nararapat na gawin at ang hindi.



Diwata Nagbenta Ng Kaldero Kay Boss Toyo Ng Pinoy Pawnstars

Walang komento


 Naging laman ng mga usap-usapan sa ilang mga social media platforms ang internet sensation na si Diwata matapos magpunta sa Pinoy Pawnstar ni Boss Toyo para ibenta ang kanyang kauna-unahang kaldero na ginamit niya sa kanyang Paresan business.


Nakakuha si Boss Toyo ng isa pang magandang collectible matapos ibenta ng internet sensation na si Deo Balbuena, na mas kilala sa tawag na Diwata, ang kauna-unahang cooking pot na ginamit niya sa kanyang negosyong Paresan.


Itinampok sa isa sa mga episode ng “Pinoy Pawstar,” ang pagbisita ni Diwata sa shop ni Boss Toyo para ialok ang ginamit niyang kaldero bago sumikat sa social media ang kanyang Paresan Business.


sinalaysay din ni Diwata kung paano niya napagdesisyunan na itayo ang kanyang negosyong Paresan sa kahabaan ng Roxas Boulevard, kung saan siya nanirahan bilang isang palaboy noon.


Nais ni Diwata na ibenta ang kanyang kaldero sa halagang 3,500 pesos, ngunit sinubukan itong tawaran ni Boss Toyo sa presyong P3,000.


Nilagdaan pa ni Diwata ang nasabing kaldero upang patunayan ang pagiging tunay nito at para na rin tumaas ang halaga nito.


Bukod pa rito, inalok pa ni Diwata ang kanyang mga flip-flops bilang freebie ng kaldero, subalit hindi ito tinanggap ni Boss Toyo.


Sa huli ay binili rin ni Boss Toyo ang ibinebentang kaldero ni Diwata na nagkaroon na ng butas dahil ito ang kanyang unang ginagamit sa kanyang Paresan Business.


Binalak ni Boss Toyo na i-display ang kaldero ni Diwata sa kanyang magiging museo, na tungkol sa Philippine pop culture, para ma-immortalize ang legacy ng Diwata na nagbago ang buhay mula sa pagiging palaboy sa pagiging negosyante.


“Yung buhay niya galing sa hirap, umangat ‘yung buhay. Yun ang ginagawa ni Pinoy Pawnstars, ang maipaalala sa lahat ng henerasyon at mananatili tayong institusyon,” pahayag ni Boss Toyo.



Vice Ganda Muling Binanatan si Cristy Fermin Sa It's Showtime

Walang komento

Nakatanggap ng panibagong shoutout ang beteranong columnist at talent manager na si Cristy Fermin mula kay Unkabogable Star Vice Ganda sa isa sa mga recent episodes ng noontime show na It’s Showtime.


Sa nasabing episode sa segment na Expecially For You, kinilala ng It’s Showtime host na si Jhong Hilario si Vice bilang isang ‘babae,’ na nag-udyok sa huli na igiit na lalaki siya, na tinutukoy ang pamumuna ni Cristy Fermin noon sa kanya.


“Ganyan talaga kayong mga babae,” pahayag ni Jhong Hilario na hinarap si Vice Ganda.


Kaagad naman itong sinagot ni Vice Ganda kung saan binalikan niya ang pamumuna noon sa kanya ni Cristy Fermin kung saan sinabihan siyang hindi totoong babae.


“Bakla ako! Bakla ako! ‘Wag mong sabihin ‘yan! Magagalit si Cristy Fermin. ‘Hindi ka babae, Vice Ganda!’ Sabi niya, ‘Bwak, Bwak, Bwak, Bwak, Bwak, Bwak, Bwak’,” natatawang sagot ni Vice Ganda.


Kilala si Cristy Fermin bilang nangungunang kritiko ni Vice Ganda na kumukwestiyon sa pagkakakilanlan ng It’s Showtime host, at sinasabing hindi dapat ituring ng Kapamilya comedian na si Vice Ganda ang sarili bilang isang babae.



Upang patunayan ang kanyang ipinahayag, sinabi ni Cristy Fermin na ginagawa pa rin ni Vice Ganda ang mga kagawiin ng mga ordinaryong lalaki kabilang na ang pag-ihi ng nakatayo.


“Vice Ganda, hindi ka tunay na babae, lalake ka. Nagpapanggap ka lang na babae, ngayon kapag bumibiyahe ka sa isang mahabang mahabang kalye, tinawag ka ng kalikasan, bababa ka sa sasakyan [at] hahanap ka ng puno at doon ka ji-jingle,” pahayag noon ni Cristy Fermin.


Pinuna rin ni Cristy Fermin ang ugali ni Vice Ganda, na sinabing nilamon na ito ng kasikatan, na, ayon sa kanya, ay tuluyang maglalaho pagdating ng panahon.


Samantala, hinimok ng  mga fans ni Vice ang komedyante na papanagutin si Cristy Fermin mga naging pahayag nito laban sa kanya.

 


LJ Reyes, May Ibinuking Kay Paulo Avelino at Kim Chui! Payag Nga Bang Step Mom Si Kim?

Walang komento


 Dating karelasyon at ina ng anak ni Paulo Avelino, na si LJ Reyes, nagbigay ng pahayag patungkol sa napapabalitang relasyon ngayon ng aktor na si Paulo Avelino sa Kapamilya actress na si LJ Reyes.


Hindi nag-atubili ang dating aktres na si LJ Reyes na magbigay ng pahayag patungkol sa kanyang reaksyon sa napapabalitang relasyon nina Kim Chiu at Paulo Avelino sa isang panayam sa kanya kamakailan lamang sa New York.


Hindi naman umano lingid sa kaalaman ni LJ Reyes ang mga bali-balitang nagkakamabutihan na ngayon ang ama ng kanyang panganay na anak at ang aktres na si Kim Chiu.


Inilahad umano ni LJ Reyes na nakarating sa kanya ang bali-balitang nagdi-date na ngayon ang dalawang Kapamilya stars at nagkakamabutihan na.


Ayon kay LJ Reyes, masaya siya sa mga nakakamit na achievements ngayon ni Paulo Avelino. Isiniwalat din umano ni LJ Reyes kung gaano ka good provider si Paulo Avelino sa kanilang anak na si Aki.


Hindi umano naging madamot si Paulo Avelino sa pagbibigay ng sustento sa kanilang anak at naging consistent ito magmula noong maghiwalay sila ng landas.


Inilahad rin ni LJ Reyes na kung sakaling si Kim Chiu ang makatuluyan ni Paulo Avelino ay wala siyang problema rito bilang stepmom ng kanyang anak.


Bagama't hindi pa umano sila nagkakasama sa iisang trabaho, marami naman umanong nagsasabi sa kanya ng kabaitan ng aktres. Nais lamang umano niya na ang babaeng mamahalin ni Paulo Avelino ay magmamahal rin sa kanilang anak bilang ikalawang ina nito.


Ipinahayag din ni LJ Reyes na supurtado niya ang kasiyahan ng aktor dahil tulad niya, deserve din nitong makatagpo ng babaeng mamahalin at magmamahal sa kanya.


Sa kabilang banda, marami naman sa mga tagahanga nina Kim Chiu at Paulo Avelino ang natuwa sa ibinahaging ito ni LJ Reyes dahil talagang walang nang makakapigil sa pag-usbong ng pag-ibig nina Paulo Avelino at Kim Chiu.



Wally Bayola Muling Namataan Kasama Ang Dating EB Babes Yosh

Walang komento


 Nakakuha ng atensyon sa ilang mga social media at napag-uusapan sa ilang mga entertainment news sites ang pagkikita ng Eat Bulaga hosts at mga dating miyembro ng EB Babes.


Kaagad na umani ng samu't-saring reaksyon mula sa mga netizens ang mga larawang ito dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat ang nangyari noon sa pagitan nina Wally Bayola at EB Babes Yosh.


Sa isang Instagram post ibinahagi ni Ciara Sotto ang pagkikita ng Dabarkads at dating EB Babe dancers na sina Yosh Rivera at Mergene Maranan.


Sa caption ng kanyang post, inilahad niya kung gaano kasaya ang kanilang muling pagkikita.


Bukod sa caption, hindi na nagbigay ng iba pang detalye ni Ciara Sotto ang dahilan ng kanilang reunion. Gayunpaman, naniniwala ang ilang netizens na normal na reunion lang ito ng mga Dabarkads.


Mabilis na naging viral ang larawan dahil inakala ng maraming netizens na wala ng koneksyon sina Wally at Yosh simula nang mangyari ang isyu noong 2013.


Matatandaang pansamantalang umalis si Wally Bayola sa Eat Bulaga matapos mag-viral sa social media ang video nila ni Yosh.


Mabilis ding umalis si Yosh sa EB Babes at nagpasya na iwan ang showbiz industry at ituloy ang isang pribadong buhay.


Ilang buwan matapos ang matinding kontrobersiya bumalik si Wally Bayola sa Eat Bulaga at naging isa sa iilang celebrities na nakaligtas sa isang malaking kontrobersiya.


Makalipas ang ilang taon hanggang ngayon ay minsanang binabanggit pa rin ng netizens ang nasabing ‘kontrobersya’, subalit natutunan na ni Wally kung paano ito balewalain at pabayaan na lamang.


Narito naman ang ilang komento ng mga netizens sa larawan nina Wally at Yosh.


“Girl, bata kapa nung nakuha ni Wally at maganda. May career ahead of you that could change your life. Sayang talaga. Babalik ka lang din pala kay Wally. Jusko di naman ganun kayaman si Wally tapos hindi pa gwapo at higit sa lahat may asawa. Pwedeng pwede ka makakuha nuon ng mayaman, gwapo at binata. Sinira ni Wally buhay mo.”


“Talamak talaga sa eb na pinapatos pati co host nila… ilang beses na nagyari to kay bossing and then nagka anak pa nga sila ni connie r while married kay dina.”


Paulo Avelino Sinupalpal Si Xian Lim Ipinagtanggol Si Kim Chiu

Walang komento


 Paulo Avelino naglabas ng isang pahayag sa gitna ng mga usap-usapan ngayon patungkol sa Kapamilya actress at It's Showtime host na si Kim Chiu matapos ang pagsisiwalat ni Xian Lim ng ilang detalye kaugnay ng kanilang hiwalayan ng aktres.


Tila hindi nagustuhan ng aktor na si Paulo Avelino ang pagpapansin ngayon ni Xian Lim matapos aminin ang pagkakaroon nila ng relasyon ng producer na si Iris Lee.


Sa mga naging panayam kay Xian Lim, isiniwalat ng aktor ang ilang mga detalye ng nangyaring hiwalayan nila ni Kim Chiu. Ayon kay Xian Lim, una pa lamang ay nais na niyang aminin ni Kim Chiu sa publiko ang kanilang paghihiwalay para maprotektahan ang kanyang sarili at mga mahal sa buhay na nadadamay sa mga pambabatikos at paglabas ng maraming mga fake news.


Subalit, tumanggi umano ang aktres sa pakiusap niya dahil ayaw umano ni Kim Chiu na maapektuhan ang kanyang trabaho. Isiniwalat din ni Xian Lim na walang katotohanan ang mga bali-balitang siya ang nakipaghiwalay kay Kim Chiu dahil ang aktres umano ang unang nang-iwan sa kanya.


Hindi rin umano totoo ang kumalat na balita, na umano'y nagrequest siya kay Kim Chiu na ipagluto siya ng steak. Iginiit din ni Xian Lim na maayos ang paghihiwalay nila ni Kium Chiu kaya naman hindi umano niya matanggap na binabatikos siya ngayon ng mga tagahanga nito at kung ano-ano ang sinasabi laban sa kanya at sa kanyang mga mahal sa buhay.


Samantala, naging malaman naman ay binitiwang pahayag ni Paulo Avelino kamakailan kung saan sinabi ng aktor na mas maiging manahimik na lamang dahil lalaki naman siya at naging parte na rin naman ng kanyang buhay noon ang isa't-isa.


Bagama't walang sinabing pangalan si Paulo Avelino, marami ang naghinalang ito na ang sagot ng aktor sa pagpuputak ngayon ni Xian Lim upang linisin ang kanyang pangalan at ng bagong girlfriend na si Iris Lee na patuloy na binabanatan ng mga netizens.



Kontrobersya Nina Alden Richards at Kathryn Bernardo Kaugnay Ang Hello, Love Again Sequel!

Walang komento


 Kumpirmado na ang muling pagtatambal ng Box Office King and Queen na sina Alden Richards at Kathryn Bernardo para sequel ng pelikulang pinagbibidahan nila noong 2019 na Hello, Love, Goodbye.


Matapos magpaalam sa Hello, Love, Goodbye muling magkakatagpo ang kanilang mga landas sa sequel na Hello, Love, Again. Marami naman ang napapatanong ngayon na mga netizens kung maging sa totoong buhay ay maghi-Hello din sila sa pag-ibig o para lamang sa promotion ng nalalapit nilang pelikula ang ipinapakita nilang sweetness sa isa't-isa nitong mga nakaraang buwan.


Matatandaan na nitong May 19[, 2024 inanunsyo na ng Star Cinema at GMA Pictures ang kanilang kauna-unahang collaboration para sa sequel ng Hello, Love, Goodbye na pamamagatan naman ng Hello, Love, Again.


Magpapatuloy sa sequel ang kwento ng Hello, Love, Goodbye matapos ang limang taon mula nang magpaalam ang mga karakter nina Alden Richards at Kathryn Bernardo upang piliin na ipagpatuloy ang kani-kanilang mga pangarap.


Base sa inilabas na teaser ng Star Cinema at GMA Pictures kukunan sa Canada ang pelikula kung saan ipagpapatuloy ni Kathryn Bernardo ang kanyang pangarap na mag-aral ng medicine.


Sa pelikulang, Hello, Love, Again, malalaman na ng mga manonood kung sa puntong ito ng buhay nina Joy at Ethan ay mas pipiliin na ba nila ang Love.


Samantala, naging malaking katanungan para sa mga netizens kung pipiliin rin ba nina Kathryn Bernardo at Alden Richards ang 'love' sa totoong buhay o ang ipinapakita nilang sweetness at closeness ngayon ay para lamang sa promotion ng kanilang pelikula.


Unang naging usap-usapan ang pagkakaroon ng sequel ng Hello, Love, Goodbye nang kumalat ang mga larawan nina Alden Richards at Kathryn Bernardo na magkasama, nakasama rin nila ang mga dating casts ng nasabing pelikula ilang buwan matapos kumpirmahin ng aktres ang hiwalayan nila ng kanyang ex boyfriend na si Daniel Padilla.


Napansin rin ng maraming mga netizens na palagi nang present si Alden Richards sa mga kaganapan ng pamilya ni Kathryn Bernardo at ang pagiging extra sweet nila sa isa't-isa.


Naging pribado naman si Alden Richards sa mga katanungan kung nanliligaw na ba siya ngayon sa dalaga. Ipinahayag niya na nais niyang gawing personal ang sa kanila ni Kathryn Bernardo.


Tanging sinabi niya sa kanyang naging panayam noon ay 'What you see is what you get'.



Pokwang Binanatan Ang Tiktoker Na Si Tito Mars Na Nandidiri Sa Sardinas

Walang komento

Lunes, Mayo 20, 2024


 Hindi naitago ng komedyanteng si Pokwang ang kanyang pagkadismaya sa content creator na si Tito Mars, na sumikat sa social media dahil sa kanyang mga video na nagpapakita ng pandidiri sa mga pagkain na kinakain ng mga ordinaryong Pilipino, tulad ng de-latang sardinas.


Sa kanyang Instagram post, ipinahayag ni Pokwang ang pagiging ‘insensitive’ ni Tito Mars at binalewala ang mga ordinaryong Pilipino para lamang makagawa ng content para sa mga views na nakukuha sa social media.


“Walang problema kung ayaw mo sa isang pagkain pero yung umarte ka at umasta na para bang diring diri ka sa uri ng pagkain na yun lang ang kaya ng karamihan sa ting kababayan, napaka insensitive mo ha,” pahayag ni Pokwang.


Dagdag pa ng komedyana, “Mga tao talaga ngayon makagawa lang ng content kahit mawalan na ng pusong tao walang pakialam for the views!!!!! Very evil!!! may kabayaran lahat yan hindi pa ngayon pero binibilang ni God yan pati mga panglalalit nyo.”


Sa ngayon malapit nang masuspinde ang mga social media pages ni Tito Mars dahil sa pagrereport ng maraming mga netizens sa iba't ibang platform. Binabatikos rin si Tito Mars hindi lamang ng mga ordinaryong mga netizens kundi maging ng ilang mga vloggers at celebrities.


Upang matugunan ang mga pambabatikos, nilinaw ni Tito Mars na hindi niya sinasadya na idisrespect ang mga pagkain na kinakain ng mga ordinaryong Pilipino at itinuring din niya ang kanyang sarili bilang mahirap.


“Unang-una ho, hindi po ako mayaman. Mahirap lang din po ako. So bakit ko kailangan bastusin ang pagkain ng mahihirap? Kung babastusin ko ‘yon edi direkta din akong matatamaan ‘don, kasi mahirap lang din po ako at hindi ako mayaman.”


Sa kabila nito, patuloy pa ring binabatikos si Tito Mars dahil sa kanyang pagiging insensitive sa mga pagkain na kinalakhan na ng maraming mga Pinoy. Marami ang nagsasabi na sana ay iba nalang ang ikinu-content nito hindi ang mga pagkain na pinaghirapan na ng iba para lamang mabili.


Pelikula ni Paolo Contis, Coleen Garcia Nag-flop Dahilan Alamin

Walang komento


 Isiniwalat ng movie director na si Ronaldo Carballo na ang dalawang pelikulang Pilipino na inilabas kamakailan lamang ay maituturing na flop.


Sa kanyang Facebook post, inilahad ni Ronaldo Carballo ang dalawang pelikula na may pinakamababang ticket sales. Ito ay ang Isang Gabi, na pinagbibidahan nina Coleen Garcia at Diego Loyzaga, at Fuchsia Libre, na pinangungunahan naman nina Paolo Contis at John Arcilla.


Ipinahayag ng direktor ang kanyang pagkadismaya dahil sa mababang suporta ng mga lokal na pelikula mula sa mga Pilipino mismo.


Ayon pa kay Ronaldo Carballo, mas gusto ng mga tao ngayon na manood ng mga pelikula sa pamamagitan ng online streaming platforms.


“Wala na talaga sa formula yan. Kahit sinong artista ihain mo, ayaw ng tao. Ayaw na talaga ng mga tao manood ng local film sa sinehan,” pahayag nito.


“Ang mahal talaga ng panonood ng sine, kumpara sa ang mura naman ng Subscription ng Netflix at pwede pang ipasa sa iba ang Subscription ng libre,” dagdag pa niya.


Iminungkahi niya na mas makabubuting mag-collaborate na lang ang mga producer sa mga online streaming platforms at mag-produce ng mga film na may magandang quality upang tanggapin naman ng mga online streaming platforms.


“Kaya the best thing talaga ay i-produced ang Pelikula with Netflix quality at ibenta diretso sa Netflix, upang hindi naman laging luhaan ang Producer na walang bumabalik sa ipinuhunan,” saad nito.


Marami naman sa mga netizens ang sumang-ayon sa naging pahayag na ito ni Ronaldo Carballo.


Samantala may mga netizens rin naman na nagsasabing nakadepende pa rin yan sa mga artista gaganap sa pelikula dahil may mga Filipino film pa rin naman na nagiging blockbuster hits kagaya na lamang ng pelikula nina Kathryn Bernardo, Marian Rivera, Dingdong Dantes at ilan pang mga sikat at kilalang artista na hindi nakakatanggap ng pambabatikos.


May mga nagsasabing tiyak na magpa-flop ang pelikula ni Paolo Contis dahil sa mga pinagdaanan nitong intriga, sa sustentuhan ng kanyang mga anak, relasyon nila ni Yen Santos at sa pagkasangkot niya sa bangayan ng TAPE Inc. at ng TVJ.



Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo