Ivana Alawi Hindi Pinansin Si Ogie Diaz sa Set Ng Ang Batang Quiapo

Walang komento

Huwebes, Mayo 23, 2024


 Laman ng mga usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang entertainment news sites ang isiniwalat ng talent manager at showbiz reporter na si Ogie Diaz patungkol sa ginawa sa kanyang ni Ivana Alawi sa set ng FPJ's Ang Batang Quiapo.


Ibinunyag ni Ogie Diaz sa kamakailang episode ng kanyang showbiz oriented vlog na Ogie Diaz Showbiz Update na hindi siya pinansin ni Ivana Alawi sa kanyang pagbisita sa set ng FPJ Batang Quiapo kamakailan lamang.


Sa kanyang online program, ibinahagi ni Ogie Diaz ang kanyang experience kay Ivana Alawi sa kanyang pagbisita sa Quiapo para tingnan ang isa sa kanyang mga talent na si Kim Rodriguez, na bahagi rin ng nasabing programa.


Ayon kay Ogie Diaz, sinubukan niyang lapitan si Ivana Alawi, pero hindi maganda ang naging tugon ng aktres.


“Bineso ko eh, dedma… eh nahiya na ko noh, baka naman ano, sobrang lang siyang pinapawisan that time… kaya focus na focus siya ‘dun sa electric fan niya,” pagsisiwalat ni Ogie Diaz.


Nang magtanong ang kanyang co-host tungkol sa posibleng dahilan kung bakit ganoon na lamang ang pagtrato sa kanya ni Ivana Alawi, nabanggit na lamang ni Ogie Diaz na baka konektado ito sa isa sa mga napag-usapan niyang isyu tungkol sa aktres.


Matatandaan na si Ogie Diaz ang unang nagtalakay sa pagbabakasyon ni Ivana Alawi noon sa Japan, kung saan namataan ang aktres sa airport kasama si Bacolod Mayor Albee Benitez.


Nanawagan pa noon si Ogie Diaz sa akatres na kaagad na magbigay ng pahayag patungkol rito dahil maaring maapektuhan ang kanyang showbiz career sa mga haka-haka lalo na;t hindi lingid sa kaalaman ng lahat na mayroong asawa si Mayor Albee Benitez.


“Dapat ay linawin ni Ivana. Sa ganda ng kanyang income, sa ganda ng kanyang career, e bakit kailangan pang sumuot dito? Kung siya nga ‘yung tinutukoy ah,” pahayag noon ni Ogie Diaz.


Kaagad namang naglabas ng pahayag sina Mayor Albee Benitez at Ivana Alawi kung saan pinabulaanan nila ang nasabing isyu.



Kiko Estrada, Ayaw Nang Makasama Sa Iisang Trabaho Ang Ex-girlfriend Na Si Heaven Peralejo

Walang komento


 Kiko Estrada, hindi nagdalawang-isip na sagutin ang tanong kung tatanggapin niya ang anumang proyekto kung saan magiging leading lady niya ang dating kasintahang si Heaven Peralejo.


Sa kamakailang panayam ng press people kay Kiko Estrada noong May 22, 2024, inilahad ni Kiko Estrada na hindi siya willing na makatrabaho muli ang kanyang dating girlfriend na si Heaven Peralejo kahit nasa iisang ahensya lamang silang dalawa.


“I don’t know. Actually, I just wish her the best, but maybe I have my own thing, and she has her own thing. I mean, for me, it’s just work, but I don’t want any stress in my life,” prangkang pahayag ni Kiko Estrada.


Pagpapaliwanag pa ng aktor, “‘Coz this Lumuhod Ka sa Lupa came from peace, came from peace of mind, came from rebirth, if you wanna call it. A new version of yourself that you’re trying to be, a good actor. So let me be that first and let’s focus on the rest.”


Matatandaan na noong 2021, kinumpirma ni Heaven Peralejo ang kanilang paghihiwalay ni Kiko Estrada dahil nais umano niyang magkaroon muli ng freedom at maenjoy ang kanyang single life.


“I want to learn independence enjoy life. I don’t need any relationship. I just need my friends, and I just need me. I am really happy right now, super happy. As in, walang bigat sa puso ko, nandoon ako sa phase na ‘yon,” pahayag noon ni Heaven Peralejo.


Ang nasabing break-up confirmation ni Heaven Peralejo ay naganap anim na buwan matapos ang pagkumpirma nila ni Kiko Estrada ng kanilang relasyon.


Nagin kontrobersyal pa ang kanilang relasyon noon dahil itinuturong si Heaven Peralejo ang dahilan ng paghihiwalay nina Kiko Estrada at dati nitong girlfriend na si Devon Serrano. 



Babaeng Kahawig ni Mayor Alice Gou Namataan Sa It's Showtime Mga Madlang Pipol Nagkagul0

Walang komento


 Laman ng mga usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang isang babae na nakakuha ng atensyon ng It’s Showtime host na si Vice Ganda sa kamakailang episode ng It's Showtime nitong May 23, 2024.


Sa nasabing episode, kausap ni Vice Ganda ang kanyang mga co-host at contestants ng ‘Karaokids’ nang mapansin niya ang isang babaeng kahawig ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.


“Gusto muna nating i-acknowledge ang presence… excuse me Mayor, thank you so much for gracing our show,” pabirong pahayag ni Vice Ganda.


Mabilis namang itinama ni Amy Perez at iba pang co-host ng It’s Showtime kay Vice Ganda na maling tao ang kanyang tinutukoy.


Gayunpaman, hindi tumigil si Vice Ganda sa pakikipag-usap sa babae at nilapitan pa niya ito.


“Buti na lang naalala mo ang daan papunta rito,” pahayag pa ni Vice Ganda.


Ang tinutukoy ni Vice Ganda na naalala ay dahil sa nakaraang Senate hearing ay palaging sinasabi ni Mayor Alice Gou na hindi na niya maalala ang ilang detalye ng kanyang nakaraan.


Nasundan pa ang pagbibiro ni Vice Ganda dahil na rin sa pakikisabay ng nasabing babae.


“Dito kasi siya nag-aral. Nasaan na si Teacher Rubilyn?” tanong ni Vice.


“Hindi ko na po maalala,” sagot naman ng babae.


“Saan ba talaga nakatira si Teacher Rubilyn?” muling pagtatanong ni Vice Ganda.


“Your honor, hindi ko na po maalala,” pabirong sagot ng babae.


Naging goodvibes naman ito sa mga madlang pipol dahil talagang kuhang-kuha ng babae na napag-alamang isa sa mga staff ng showtime ang mukha ni Mayor Alice Gou na kasalukuyang nahaharap sa investigation dahil sa hindi malinaw na pahayag nito patungkol sa pinagmulan ng kanyang yaman.


Hindi rin nito maayos na nasasagot ang mga katanungan ng komitee dahil nalimutan na nito ang ilang detalye ng kanyang nakaraan.



Judges Nagkamali Raw Ng Pagpili Kay Chelsea Manalo sa Miss Universe Philippines 2024

Walang komento


 Ikinagulat ng maraming mga netizens at kinukwestyon ang pagkapanalo ni Chelsea Manalo ng Bulacan sa pestigious pageant na Miss Universe Philippines 2024 nitong myerkules ng gabi May 22, 2024.


Maituturing na 'dark horse' si Chelsea Manalo sa naturang pageant dahil hindi naman naging matunog ang kanyang pangalan kumpara sa mga fan favorites na sina Ahtisa Manalo at Alexie Brooks.


Matatandaan na unang sumali sa national pageantry si Chelsea Manalo noong 2017 sa Miss World Philippines kung saan umabot siya sa top 15. 


Muling sumubok na makasungkit ng korona ang American-Filipina beauty queen noong 2021 sa Miss Universe Philippines kung saan si Beatrice Luigi Gomez ang itinanghal na Miss Universe Philippines 2021.


Samantala, hindi naman napigilan ng ilang mga pageant fans na kwestyunin ang pagkapanalo ni Chelsea Manalo subalit hindi naman maipagkakaila na marami rin ang nagsasabing deserve naman nito ang mabigyan ng chance na mairepresent ang Pilipinas.


Marami rin ang nagsasabing magaling naman ang pagrampa nito at maganda rin ang pagkakadeliver nito sa kanyang sagot sa Question and Answer portion.


May mga nagsasabi rin na talagang hindi niluto ang labanan dahil kung luto umano ito ay tiyak na ang mga sikat at frontrunners ang mananalo.


May mga pumuri rin sa mga naging judges ng Miss Universe Philippines 2024 dahil sa pagiging fair nila at hindi umano sila nabulag sa kasikatan ng ibang mga contestants.


Subalit, may mga humirit pa rin na baka nagkamali ang mga judges sa napiling kandidata dahil da pagkakapareho ng last name.


Gayunpaman, nagtapos na ang kompetisyon kaya naman mas maiging suportahan na lamang ng lahat ng mga Pilipino ang nanalong kandidata na siyang kakatawan sa Pilipinas sa darating na Miss Universe 2024 pageant.




Kim Chiu Biglang Binati Si Paulo Avelino Sa It'S Showtime

Walang komento


 Muli na namang napagkaisahan ng mga It's Showtime host ang ang actress na si Kim Chiu dahil muli na naman nila itong tinukso sa onscreen partner nito na si Paulo Avelino.


Sa opening pa lamang ng It's Showtime nitong May 23, 2024 ay kaagad nang inasar ng co-host na si Ogie Alcasid si Kim Chiu sa kanyang onscreen partner na si Paulo Avelino.


Ipinopromote ng Kapamilya actress ang kanilang nalalapit na out of the country show ng kanyang on-screen partner na si Paulo Avelino. 


Bagama't alam naman na ng lahat kung sino ang makasama ni Kim Chiu sa ibang bansa ay tinanong pa rin ni Ogie Alcasid si Kim Chiu kung sino ang makakasama nito abroad.


Dito na binati ni Kim Chiu si Paulo, pabiro pa nitong sinabi na Paolo Contis na kaagad naman nitong itinama na si Paulo Avelino habang natatawa.


Kaagad namang kinilig ang mga madlang pipol at maging ang mga co-hosts ni Kim Chiu sa It's Showtime pahiwatig na talagang may alam ang mga ito sa totoong istado ng relasyon nina Paulo Avelino at Kim Chiu.


Sa ngayon ay inaabangan na ng maraming mga tagahanga ng KimPau abroad ang pagbisita sa kanila ng kanilang mga hinahangaang tambalan.


Sa kabila ng pagsasabi ni Paulo Avelino na maghinay-hinay lang ang kanilang mga tagahang sa pagpupush sa kanila na i-level up ang kanilang relasyon, hindi pa rin mapigilan ng maraming mga netizens at mga tagahanga ng dalawa na umasang mangyari na sa hinaharap ng irelasyon ng KimPau.


Hinala ngayon ng ilang mga netizens na talagang hinihintay muna ni Paulo Avelino si Kim Chiu na kakagaling lamang sa hiwalayan mula sa matagal na relasyon nila ni Xian Lim.


Bagamat kung titingnan ay maayos na si Kim Chiu, marami pa rin ang naghinalang apektado pa rin ito dahil matagal rin silang nagkarelasyon noon ni Xian Lim na umabot pa sa labindalawang taon.




Fashion Writer, Binuking Ang Halaga Ng Outfit ni Mayor Alice Gou

Walang komento


 Hanggang ngayon ay laman pa rin ng mga usap-usapan sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang Mayor ng Bamban Tarlac na si Mayor Alice Guo, matapos humarap sa Senate hearing.


Hindi napigilan ng isang fashion writer na mapansin ang outfit na suot ni Mayor Alice Guo, na nahaharap din sa kontrobersya dahil sa hindi magkakatugmang detalye ng kanyang buhay.


Matatandaang kinuwestiyon ngayon ang citizenship ni Mayor Alice Guo dahil hindi niya naibigay ng malinaw ang ilang mga impormasyon patungkol sa kanyang nakaraan.


Bukod sa kanyang nationality, nahaharap din si Mayor Alice Guo sa pagdududa sa kung paano niya nakuha ang kanyang kayamanan sa kabila ng sinasabi niyang nagmula siya sa isang middle class family.


Samantala nagbahagi ang isang Fashion-writer ng Vogue Hong Kong na si Ingrid Baghag, ng isang larawan ni Mayor Alice Guo na nagpapakita na ang outfit ng alkalde ay napakamahal na hindi kayang bilhin ng mga karaniwang mamamayan.


Makikita sa larawan na nakasuot si Mayor Alice Guo ng Bulgari Serpenti Viper Necklace, Bulgari Serpenti Viper Ring, Cartier De Panthere Ring, Bulgari Serpenti Viper Bracelet, at Ralph Lauren Check Plaid Midi Dress.


Base sa kanyang calculations, ang "OOTD" ni Mayor Alice Guo sa larawan ay nagkakahalaga ng 17,258,900.


Kinwestiyon naman ni Ingrid Baghag kung paanong ang isang government official na katulad ni Mayor Alice Gou na sinasabing isa lamang siyang simpleng mamamayan at kayang makapagbili ng ganitong uri ng outfit.


“She a mayor of a town that’s not swimming in wealth (shady), & 2nd, she has amazingly made Bulgari, Cartier + all her other expensive designer stuff look cheap. I hate the Serpenti even more now coz of her,” caption ni Ingrid Baghag sa pa-outfit ni Mayor Alice Gou.


Bukod sa mamahaling outfit nagmamay-ari rin si Bamban Tarlac Mayor ng helicopter.




Celeste Cortesi Dismayado Sa Resulta Ng Miss Universe Philippines 2024

Walang komento


 Nakuha ni Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi ang atensyon ng mga netizen matapos ang kanyang pagbabahagi ng isang cryptic post matapos ang pag-aanunsyo ng mga nanalo sa Miss Universe Philippines 2024.


Sa kanyang Instagram at Twitter account , ipinahayag ni Celeste Cortesi ang kanyang confusion patungkol sa naganap na coronation night ng Miss Universe Philippines 2024 na nagana sa Mall of Asia Arena nitong myerkules ng gabi May 22, 2024.


“WHAT JUST HAPPENED #muph2024,” pagbabahagi ni Celesti Cortesi.


Si Silvia Celeste Rabimbi Cortesi ay isang Pilipina aktres at beauty pageant titleholder na tinanghal na Miss Universe Philippines 2022. Nirepresenta niya ang Pilipinas sa Miss Universe pageant sa United States subalit hindi man lamang siya napabilang sa top 20. 


Si Celeste Cortesi ay dati ring kinoronahang Miss Earth Philippines noong 2018 at naging kinatawan ng Pilipinas sa Miss Earth 2018, kung saan nagtapos siya sa top 8.


Samantala, umani naman ng samu't-saring komento at reaksyon mula sa mga netizens ang naging post ni Celeste Cortesi. Marami ang naniniwalang na-dismaya ang dating beauty queen sa naging resulta ng pageant at hindi nagustuhan ang itinanghal bilang Miss Universe Philippines 2024.


Ayon sa pa sa ilang mga netizens na walang dapat ika-confuse sa naging resulta ng pageant dahil mas confusing pa umano rito ang kanyang pagkapanalo.


Narito ang ilang komento ng mga netizens sa naging reaksyon post ni Celeste Cortesi. 

"This bad attitude of yours is the reason you didn’t get placed and you’re still asking people what happened?"


"Nagsasabe Yung UNPLACED oh pagsalitain niyo nga"


“What just happened?” daw. HAHA. Yan din reaction namin during MUPH2022, nung Bohol talaga dapat nanalo. Tas may pa follow up post pa ng haters hate eme. Kaloka this girl Darna nyo, lumlipad utak."


Sa kabilang banda, may mga nagtatanggol rin naman sa dating beauty queen at ipinaliwanag ang naging confusion nito sa resulta ng pageant.


"What she meant daw is the distribution of the crowns. 💀 Cainta couldn’t have any crowns because she is 1ST RU, in the event that MUPH2024 can’t fulfill her duties, Stacey will take over. (THIS IS SO BASIC MYGOD). Taguig’s age is beyond the limit also to join the rest of the international pageants. How come you don’t know that po. What just happened?"


Aktor, Banned Na Sa Mga Programa Ng Abs Cbn

Walang komento


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang isyung hindi umano maaring magpromo guesting ang dating Kapamilya actor na si Xian Lim sa mga programa at ganap ng ABS-CBN.


Marami sa mga netizens ang nagtataka kung bakit hindi man lang naging guest si Xian Lim sa programa ng ABS-CBN na imiire na rin ngayon sa GMA7 kagaya na laamng sa It's Showtime.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na unang umiere ang It's Showtime sa subsidiary channel ng GMA7 na GTV. Sa panahong iyon ay magkarelasyon pa sina Kim Chiu at Xian Lim subalit hindi man lamang nakabisita ang aktor.


Dahil dito marami ang naghinalang totoo ang naging bali-balita noon patungkol sa pagkakaban ni Xian Lim sa mga programa ng ABS-CBN.


Samantala, sa kamakailang panayam kay Xian Lim, sinagot na niya ang mga isyung ito kung saan iginiit niya na hindi siya ban sa mga programa ng ABS-CBN dahil wala naman umano siyang atraso rito.


"I get the message sa IG at sa Twitter account ko tapos I was wondering bakit ang daming nagmesage sa akin. I didn't know what was going on, when I open it I was tag to a couple of guesting."


Humirit naman ang mga fans ni Xian Lim na hindi fair para sa aktor na sabihang na ban o kaya aman ay hindi ito welcome sa mga programa at Show ng ABS-CBN.


Sa kabilang banda, hanggang ngayon ay marami pa rin sa mga tagahanga ni Kim Chiu ang nagngingit-ngit kay Xian Lim dahil paghihiwalay nila ni Kim Chiu.


Bagama't nilinaw na ni Xian Lim ang lahat, marami pa rin ang naniniwalang hindi nag-effort si Xian Lim kaya nauwi sila sa hiwalayan talaga.



Coco Martin Binatikos Dahil Sa Pangyayaring Ito

Walang komento


 Laman ng mga bulung-bulungan ngayon sa ilang mga social media platforms ang Kapamilya actor-director na si Coco Martin matapos mapansin ng mga manonood ang kanyang outfit habang nagti-taping sa Ang Batang Quiapo.


Marami ang nagtataka kung bakit palaging naka-leather jacket si Coco Martin sa taping ng Ang Batang Quiapo gayung umaabot sa 39 hanggang 40 degree Celsius ang agwat ng temperatura sa Manila noon pang buwan ng Abril.


Napakainit ng panahon ngayon at nadadagdagan pa ito dahil kadalasan ay maraming tao sa taping ng Ang Batang Quiapo at sa mga kalye rin kinukunan ang kanilang mga eksena.


Marami ang nag-aalala kay Coco Martin kaya naman pinapayuhan na ito ng mga manonood at sinasabihang hindi angkop ang pagsusuot ng leather jacket sa mainit na panahon ngayon.


Samantala, naglabas naman ng saloobin ang kilalang talent manager at showbiz reporter na Ogie Diaz patungkol sa dahilan kung bakit palaging nakasuot ng leather jacket si Coco Martin.


Ayon kay Ogie Diaz naging branding na ni Coco Martin ang pagsusuot ng leather jacket bukod pa rito, isinasabuhay umano ni Coco Martin ang karakter na original na ginampanan ng namayapang si Fernando Poe Jr.


Nakasuot rin naman noon ng leather jacket si Fernardo Poe Jr. iginiit din ni Ogie Diaz na naiinitan rin naman si Coco Martin subalit ganoon talaga para sa trabaho ay pagsisikapan ang lahat.


Tiyak naman umano na sa tuwing magtatapos ang eksena ay kaagad itong hinuhubad ni Coco Martin na hindi na ipinapakita pa sa publiko.




Alden Richards 'Galit' Hosting Sa Coronation Night ng Miss Universe Philippines 2024

Walang komento


 Pinag-uusapan ngayon ng maraming mga netizens ang naging hosting stint ni Alder Richards sa naganap na Miss Universe Philippines 2024 coronation night nitong May 22, 2024 kung saan marami ang nakapansin sa ipinapakita nitong energy.


Marami naman ang naimpress sa ipinapakitang energy ng aktor subalit, may mga nagtatanong rin kung bakit tila galit umano ang aktor nang ianunsyo na ang top 20 at top 5 finalist.


Nitong myerkules ng gabi, May 22, 2024 ginanap sa Mall of Asia Arena sa Pasay City ang coronation night ng prestigious pageant Miss Universe Philippines 2024.


Hosted ito ng Kapuso actor na si Alden Richards at Miss Universe 2022 na si R'Bonney Gabriel at American TV personality na si Jeannie Mai Jenkins habang commentator naman sina Tim Yap at Gabbi Garcia.


Sa pagsisimula ng Miss Universe 2024 ay okey pa naman si Alden Richards, relax ang composure at very natural ang kanyang dating, buhay na buhay ang hosting at sinasabayan rin niya ang energy ni Miss Universe 2022 na si R'Bonney Gabirel.


Marami pa ang pumuri sa aktor at sinasabing nararapat talaga siyang maging host ng host ng Miss Universe 2024. Ikinatuwa rin ng mga tagahanga ng aktor ang ipinapakita niyang energy sa paghohost subalit, marami ang nabigla dahil tila nasubrahan naman ang energy ni Alden Richards nang ianunsyo niya ang top 20 at top 5 kung saan nagtutunog na itong galit.


Hindi naman na nakatiis ang ilang mga netizens at napakomento na sa mga livestream kung bakit tila galit naman si Alden Richards sa pag-aanunsyo lalo na nang tawagin niya ang candidate mula sa Baguio.


Dahil dito, naging laman na ng mga memes si Alden Richards at kung paano niya inanunsyo ang mga nanalo.


Ipinagtanggol naman ang aktor ng kanyang mga tagahanga kung saan binalikan ng mga ito ang dating pagkakabash ni Alden Richards sa kaparehong pageant dahil sa kawalan umano nito ng energy kaya naman ngayon ay dinagdagan na ng aktor.


May mga nagsasabi pa na mas ok na ang nagmumukhang galit sa paghohost kesa sa walang kalatoy-latoy at tila inaantok pa.


Samantala may mga napapatanong naman kung hindi ba nagrehearde muna ang aktor bago sumalang o kaya naman ay wala itong coach na makakapagturo kung ano ang tamang gawin.


Samantala, hindi pa naman nagbibigay ng pahayag si Alden Richards patungkol sa iniisyu ito sa kanya.


@timothybronn BAG-YOO and PAL-WAN is my favorite 🥰 #aldenrichards #muph2024 #missuniversephilippines2024 #fyp ♬ original sound - timothybron

Iris Lee & Xian Lim Proud Na Flinex Sa Publiko Ang Larawan Habang Magkaakbay Sa Ulan

Walang komento


 Talagang lantaran na ang relasyon ngayon ng Kapuso actor na si Xian Lim at producer na si Iris Lee matapos ang pag-amin ng aktor patungkol sa kanilang relasyon ilang linggo na ang nakakalipas.


Kamakailan lamang ay ipini-flex ni Xian Lim sa kanyang social media ang larawan nila ni Iris Lee kung saan makikita silang saklob sa iisang payong habang magkaakbay na naglalakad sa ulan.


Talagang proud na proud si Xian Lim ngayon sa kanyang panibagong girlfriend na si Iris Lee dahil kapansin-pansin ang pagpi-flex niya rito sa kanyang social media accounts.


Tila pinapatunayan lamang umano ngayon ng aktor na si Xian Lim kung gaano siya kasaya at kaseryoso ngayon kay Iris Lee. Gayundin naman si Iris Lee na patuloy rin ang pagpi-flex sa mga larawan nila ng aktor.


Kaagad namang umani ng samu't-saring komento mula sa mga netizens at maging ng mga celebrities ang mga post nina Xian Lim at Iris Lee.


May mga nag-congratulate sa dalawa dahil sa ipinapakita nilang sweetness sa isa't-isa. May mga nagpahayag rin ng kanilang kasiyahan para kay Xian Lim dahil nakamove on na ito sa naging hiwalayan nila ni Kim Chiu noong nakaraang taon.


Sa kabilang banda, hindi naman na pigilan ng ibang mga netizens na batikusin si Xian Lim dahil naging hayagan na umano ang pagpapakita nito kung gaano niya tinraydor si Kim Chiu.


Matatandaan na marami pa ring mga netizens ang hindi naniniwala sa naging pahayag ni Xian Lim na si Kim Chiu ang nag-initiate ng kanilang paghihiwalay.


Bagama't nilinaw na na rin ni Xian Lim na hindi naging third party si Iris Lee marami pa rin ang naniniwalang kahit hindi pa magkarelasyon noon ang dalawa at opisyal na nagdidate ay nagkakalapit na ang mga ito.


Kung totoo mang si Kim Chiu ang nakipaghiwalay kay Xian Lim, tiyak may malaking dahilan ang aktres at tila hinintay rin lang naman ni Xian Lim na hiwalayan siya ni Kim Chiu upang ma-pursue na niya si Iris Lee.


Head of Dreamscape Entertainment, Ibinunyag Ang Isang Big Star Na Magiging Kapamilya

Walang komento

Miyerkules, Mayo 22, 2024


 Isiniwalat ng Publicity Head ng Dreamscape Entertainment na si Eric John Salut ang isang balita kung saan inilahad niya na may isang big star sa entertainment industry ang pipirma ng kontrata sa ABS-CBN sa mga susunod na araw.


Sa kamakailang tweet ni Eric John Salut, sinabi niyang, 'Pagkatapos ng mahabang panahon, isang malaking bituin ang pipirma sa ABS-CBN! Abangan!!!'


Sa ngayon ay hinihintay na lamang umano ang deal ng manager ng sinasabing big star bago i-finalize ang contract signing. Hindi naman nakapirma ng exclusive contract ang aktres sa kahit anong networks kaya naman maari umano nitong tanggapin ang anumang offer na mapupusuan nito.


Tila mas nagugustuhan umano ng kampo ng aktres ngayon ang inilatag na mga projects na gagawin ng aktres sa Kapamilya network sakaling lilipat ito kaya naman napipinto na ang kanyang pagpirma ng kontra sa ABS-CBN.


Kaagad naman itong umani ng reaksyon at komento sa social media, kung saan naglalabasan ngayon ng mga hinala kung sino sa mga big stars sa ibang network ang lilipat sa ABS-CBN.


Marami ang naghinala na ang tinutukoy na aktres ay walang iba kundi si Jennylyn Mercado. Matatandaan na marami ang naghinalang lilipat ng network ang aktres matapos ang kanyang paggawa ng album under Star Music.


Hindi pa rin naman nirerenew ngayon ng aktres ang kanyang kontrata sa GMA7 kaya naman maari pa itong lumipat sa ibang networks kung talagang nanaisin nito.


Samantala, may mga fans naman ng aktres ang humihiling na sana ay huwag nang batikusin pa si Jennylyn Mercado kung sakaling lilipat ito ng network at iwan ang GMA7 kung saan siya sumikat.


Hiniling rin nila na sana ay tuluyan nang matigil ang network at pagkukumparahan ng mga artista sa magkabilang networks dahil pare-pareho lang rin naman sila ng mga layunin ang magbigay ng saya at tuwa sa lahat ng mga manonood.


Sa ngayon ay hindi pa naman naglalabas ng anumang pahayag ang aktres na si Jennylyn Mercado sa isyung lilipat siya sa ibang network partikular na sa ABS-CBN.



Lantaran Na Iris Lee Ipinagsigawan Sa Buong Mundo Na Siya Na Ang Bago Ni Xian Lim

Walang komento


 Matapos ang pag-amin ni Xian Lim ng totoong relasyon nila ng writer-producer na si Iris Lee ay tila nagkaroon na ng lakas ng loob ang dalagang producer na isiwalat sa buong mundo ang kanilang tinginan ng aktor-direktor.


Lantaran na ang relasyon ngayon nina Xian Lim at Iris Lee matapos ang pag-amin ni Xian Lim na nagdidate na silang dalawa ngayon magmula noon katatapos lamang ng hiwalayan nila ni Kim Chiu.


Marami sa mga netizens ang nakapansin na sunod-sunod na ang pagbabahagi ni Iris Lee sa mga larawan at videos nila ni Xian Lim sa kanyang Instagram account na tila ba ipinagsisigawan umano nito sa buong mundo na nasa kanya na si Xian Lim.


Sa kabilang banda, marami naman ang nag-aabang ngayon sa magiging reaksyon ni Kim Chiu dahil bukod sa mga post ni Iris Lee ay may pasabog rin si Xian Lim patungkol sa totoong nangyari sa relasyon nila noon ng aktres.


Tila ipinapalabas ni Xian Lim na siya ay biktima ng fake news at pambabatikos ng mga netizens gayung wala naman umano siyang kasalanan sa nangyaring paghihiwalay nila ng aktres dahil sa katunayan ay si Kim Chiu ang unang nag-initiate nito.


Subalit, tila nabigo ang mga netizens dahil tila dedma lamang ni Kim Chiu ang mga pasabog ni Xian Lim at patuloy lamang ang aktres sa kanyang mga nakaugaliang gawain.


Kapansin-pansin rin ang mga pasaringan nila sa It's Showtime kabilang na ang pagsasabi ni Kim Chiu na 'hindi masakit'. Naging laman rin ng mga usapin sa social media ang sinabi ni Vice Ganda na 'sorry may mahal na akong iba, nauna ka lang' na pinaghihinalaang patungkol kay Kim Chiu at sa estado ng puso ngayon ng aktres.




Dahilan Bakit Biglaang Umalis Si Ana Ramsey Sa It's Showtime

Walang komento


 Sinagot ng dating host ng Showtime Online U na si Ana Ramsey ang mga katanungan ng mga netizens patungkol sa paglipat niya sa show ni Willie Revillame na ipapalabas sa TV5.


Isang makahulugang Twitter post ang ibinahagi ng singer-TV host na si Ana Ramsey matapos makatanggap ng mga pambabatikos mula sa mga netizens dahil sa pag-alis niya bilang isa sa mga host ng “Showtime Online U,” na siyang extended online show ng noontime show na “It’s Showtime.”


Matatandaan na isa si Ana Ramsey sa mga ipinakilalang “Win Girls” na makakasama ni Willie Revillame sa kanyang nagbabalik-telebisyon sa TV5. Makakasama naman ni Ana Ramsey bilang 'Win Girls' sina Batangueña TikTok influencer Queenay Mercado at dating beauty queen-social at media personality na si Inday Fatima Kate Bisan.


Marami naman ang nag-congratulate kay Ana Ramsey dahil sa panibagong milestone na ito sa buhay niya at panibagong journey bilang host, subalit marami rin ang nagulat sa pag-alis niya sa Showtime at naghinayang sa binitiwan niyang oppotunity sa pakikipagsapalaran kay Willie Revillame.


Dahil dito, tila sinagot na ni Ana Ramsey ang kanyang mga bashers sa kanyang Twitter post noong Biyernes, May 17, 2024.


Iginiit ni Ana Ramsey na ang tanging gusto lamang niya ay magtrabaho para makapagprovide para sa kanyang pamilya, matupad aang mga pangarap at makapagbigay saya at inspirasyon para sa mga tao.


“At the end of the day ang gusto lang naman natin ay mag trabaho, makapag provide para sa pamilya, matupad ang mga pangarap, makapag pasaya at mag silbing inspirasyon.”


“Bakit hindi ka na lang maging masaya para sa taong nagsusumikap?” pagpapahayag ni Ana Ramsey.


Kaagad namang umano ng reaksyon at komento mula sa mga netizens ang tweet na ito ni Ana Ramsey marami ang nakisimpatya sa kanya. May mga nagbigay rin ng payo na huwag na lamang nitong alalahanin ang mga pambabatikos sa kanya ng mga mapanghusgang netizens ang mahalaga ay masaya siya sa kanyang ginagawa.


Sa ngayon ay hindi pa naglalabas ng eksaktong date ang pamunuan ng TV5 kung kailang mag-uumpisa ang pagbabalik ng noontime show ni Willie Revillame.



Goodnews! Award Winning Actress Magsasama Sa Big Screen!

Walang komento


 Laman ng mga bulong-bulungan ngayon sa social media ang dalawang award-winning actresses na sina Julia Montes at Kim Chiu kung saan sinasabing magsasama umano ang dalawa sa iisang pelikula under Star Cinema.


Kamakailan lamang ay ibinahagi ng head ng ABS-CBN Films, na may hawak ng Star Cinema, na si Kriz Gazmen, ang picture nila kasama ang aktres na si Julia Montes at Kim Chiu.


Matatandaan na noon pang taong 2016 ang huling pelikula ni Julia Montes under Star Cinema, ang ‘Padre de Familia’, kung saan nakasama niya ang boyfriend na si Coco Martin.


Ito rin ang kanyang huling pelikula bago magpahinga sa showbiz para magpunta sa Europe, noong nakaraang taon ay muling natunghayan ng maraming mga netizens ang pagbabalik pelikula ni Julia Montes kung saan nakasama niya ang aktor na si Alden Richards sa pelikulang Five Heartbreaks and a Romance.


Samantala, sa hiwalay na post ibinahagi naman ni Kriz Gazmen ang kanyang excitement na makasamasa sa trabaho ang aktres na si Kim Chiu matapos ang mga hit series nitong Linlang at What's Wrong With Secretary Kim.


Kaagad namang naghinala ang maraming mga netizens na pahiwatig na ito ng collaborations nina Kim Chiu at Julia Montes. Sa ngayon ay inaabangan na ng mga tagahanga ni Kim Chiu at Julia Montes kung anong pelikula ang pagbibidahan ng dalawa sa darating na buwan at kung sino-sino ang kanilang makakasama.



Crisyty Fermin Nagulat Sa Reaksyon Ni Kim Chiu Sa Akusasyon Ni Xian Lim

Walang komento


 Muling naging laman ng mga usap-usapan sa social media ang pangalan ng Kapuso actor na si Xian Lim matapos itong magpa-interview sa media para linawin ang mga kontrobesiya sa naging hiwalayan nila noon ng Kapamilya actress at TV-host na si Kim Chiu.


Nilinaw ni Xian Lim ang isyung nagpaluto muna siya ng steak kay Kim Chiu bago niya ito hiwalayan sa personal. Tinawag ni Xian Lim na absurd at fake news ang isyung ito dahil ang katotohanan ay si Kim Chiu ang nag-initiate ng kanilang paghihiwalay.


Ipinahayag pa niyang hiniling niya noon sa aktres na ilabas na nila sa publiko ang kanilang paghihiwalay upang matigil na ang pagpapakalat ng fake news sa social media at ang mga pambabatikos sa kanila sa social media lalo na sa kanya at sa kanyang mga mahal sa buhay.


Samantala, naging laman naman ng mga usapan nina Manay Cristy Fermin ang pananahimik ni Kim Chiu sa kabila ng mga pagsisiwalat ni Xian Lim ng ilang detalye patungkol sa kanilang hiwalayan noong nakaraang taon.


Ayon sa pag-uusap nina Cristy Fermin at ng kanyang mga co-host sa show ay maganda umano ang ginagawa ngayon ng aktres dahil ilang buwan na rin naman ang lumipas magmula ng maghiwalay sila ni Xian Lim at dapat na nakamove on na silang pareho.


Maganda umano ang ipinapakita ngayon ni Kim Chiu na unbothered siya sa mga isinisiwalat ni Xian Lim kahit pa tila ipinapalabas ng aktor na siya ang may fault sa kanilang paghihiwalay at siya ang dapat na batikosin ng mga netizens.


Iginiit naman nina Manay Cristy Fermin na hindi na dapat na magpaliwanag ang dalawa ngayong ilang buwan na ang nakalipas dahil lumalabas umanong ginagamit na lamang ang isyu para may mapag-usapan.


Sana ay ginawa na umano ito ni Xian Lim noon pang kakasiwalat lamang ni Kim Chiu sa kanilang hiwalayan hindi ngayon nakalipas na ang lahat.


May mga nagsasabi pang nagpapansin na lamang ngayon si Xian Lim dahil may pelikula siyang ipapalabas kaya naman dinadawit na nito ang pangalan na naman ni Kim Chiu.


May mga nagsasabi pang naging mas maganda ngayon si Kim Chiu magmula ng maghiwalay sila ni Xian Lim patunay na hindi naging masaya si Kim Chiu sa relasyon nila ni Xian Lim.




Albie Casino Naging Tatay Na! Non-Showbiz Girlfriend Nanganak Na US

Walang komento


 Kamakailan lamang ay lumipad si Albie Casiño papuntang US para bisitahin ang kanyang unang baby boy matapos manganak ang kanyang non-showbiz girlfriend kasunod ng pagtatapos ng hit series na “Can’t Buy Me Love,” ayon sa pagsisiwalat ng entertainment insider na si Ogie Diaz.


Hindi muna ibinunyag ni Ogie Diaz ang pangalan ni Albie Casiño sa kanyang showbiz oriented-vlog noong May 18, 2024 at sa halip ay tinukoy siya bilang isang "young actor" mula sa "Can't Buy Me Love." 


Ito ang nagbunsod sa kanyang mga co-host na sina Loi Villarama at Dyosa Pockoh na hulaan ang mga pangalan, bago tuluyang isiniwalat ni Ogie Diaz na si Albie Casiño nga iyon.


“Tumulak na papuntang US ang young actor para makita, mahawakan, at makarga ang kanyang unang anak. Ang kanyang baby boy kasi, ang kanyang jowa na isang foreigner ay nanganak noong April 30,” pa-blind item ni Ogie Diaz.


“After ng kanyang palabas, tumulak na siyang US para maramdaman niya ang pagiging Tatay niya. First time niyang makikita ang kanyang anak,” dagdag pa nito.


Binanggit rin ni Ogie Diaz ang naging pagkikita nila noon ni Albie Casiño, sinabi ni Ogie Diaz na nais ng aktor na mabunyag ang balitang ito patungkol sa kanyang baby boy kapag nakaalis na siya ng bansa. 


Ibinahagi rin ni Ogie Diaz ang malabong larawan ng isang natutulog na sanggol na nakahiga sa kama bilang patunay ng kanyang ibinalita.


“Proud siya ah! Sabi niya kasi sa’kin, ‘Hintayin mo muna akong makaalis, Tito Ogie.’ Nakita ko, napakagwapo. Hawig din kay Albie. Sobrang tuwang-tuwa si Albie, hindi niya ma-contain ang kanyang nararamdamang saya. Congratulations, Albie,” saad ni Ogie Diaz.


Matatandaang dati nang nasangkot sa isang paternity scandal si Albie matapos siyang akusahan bilang ama ng anak ni Andi Eigenmann na si Ellie hanggang sa tuluyang napag-alaman na ang huli ay ang ex-boyfriend ng huli na si Jake Ejercito.


Sa ngayon ay hindi pa naman naglalabas ng pahayag si Albie Casiño patungkol sa isyung nagkaroon na siya ng anak sa kanyang non-showbiz girlfriend.



Paulo Avelino Sinagot Ang Isyung Ginagamit Niya Si Kim Chiu

Walang komento


 Aktor na si Paulo Avelino, sinagot na ang isyung ginagamit niya ang Kapamilya actress at It's Showtime host na si Kim Chiu para maging matunog ang kanyang pangalan.


Hindi nagustuhan ng aktor na si Paulo Avelino ang mga kumakalat na isyu patungkol sa panggagamit niya kay Kim Chiu para maging matunog ang kanyang pangalan at tiyak na iiwan rin umano niya ito kapag nagsawa na siya o kung magkakaroon siya ng panibagong katandem kagaya na lamang sa ginawa niya noon sa aktres na si Janine Gutierrez.


Ayon kay Paolo Avelino, hindi niya ugaling manggamit ng ibang tao para maging daan ng kanyang kasikatan kaya naman hiniling niya na sana ay itigil na ang pagpapakat ng mga maling balitang ito patungkol sa kanya.


Iginiit din niya na mula noon ay wala siyang taong ginagamit para maging maingay ang kanyang pangalan sa larangan ng pag-arte. Iginiit din niya na bilang ka-partner ni Kim Chiu ngayon ay ayaw na ayaw niyang nasasaktan ang aktres.


Matatandaan kamakailan lamang ay naging laman ng mga usap-usapan sa social media sina Paulo Avelino at Kim Chiu dahil sa pagdedebate ng kanilang mga tagahanga patungkol sa isyung ginagamit lamang umano ni Paulo Avelino ang kasikatan ni Kim Chiu kagaya na lamang sa kung paano ginamit noon ni Xian Lim ang aktres.


Sa labis na kasikatan na tinatamasa ngayon ng dalawa, marami sa mga netizens ang naniniwalang mas naka-advantage umano ngayon si Paulo Avelino sa tambalan nila ni Kim Chiu.


Ayon sa ilang mga fans ni Kim Chiu, na nagagamit ni Paulo Avelino ang kasikatan ni Kim Chiu dahil ang aktres ay may exposure bilang host ng It's Showtime, may solid fan base at may maraming mga followers. Marami rin itong mga endorsement kaya naman nahihila umano ni Kim Chiu pataas si Paulo Avelino.


Sa nagaganap na tambalan ngayon ng dalawa kung saan may posibilidad pa na magkaroon sila ng pelikula marami ang nagsasabing si Paulo Avelino ang nasa victory side lalo umano itong mahihila ni Kim Chiu sa pagkakaroon ng maraming mga endorsements kagaya na lamang sa nangyari noong sila pa ni Xian Lim ang magkapartner.



Vice Ganda Napikon Sa Kanilang Contestant Na Nagpanggap Na Nagkamali Sa Pagbati Sa Madlang Pipol

Walang komento


 Napikon ang It's Showtime host at Unkabogable star na si Vice Ganda sa isa sa mga contestant sa Expecially For You kung saan tila sinadya nitong magkamali para magtrending.


Ngayong araw, May 22, 2024 ay mayroong isang searchee sa segment na Expecially For You ng It's Showtime na nagkamali sa kanyang pagbabati sa audience, imbes na madlang pipol, ang nasabi nito ay 'dabarkads' na ginagamit sa kabilang show na Eat Bulaga.


Subalit, hindi ito nakalagpas kay Vice Ganda na kaagad na pinuna ang nasabing contestant kung saan nabuking kaagad nito na sinadya lamang ng kanilang searchee ang magkamali.


Tila nabasa ni Meme Vice Ganda ang layunin ng nasabing searchee na gamitin ang It's Showtime para magtrending at mapag-usapan. Hindi ito nagustuhan ni Vice Ganda dahil tila hindi na nito nirespeto ang kanilang show.


Marami naman ang nakapansin na tila nagbago na ang mood ni Vice Ganda mula nang mapagsabihan niya ang searchee na nagngangalang Felix hanggang sa matapos ang kanilang segment na Expecially For You.


Hayagan ding inamin ni Vice Ganda sa segment na Tawag ng Tanghalan na nakuha ni Felix ang kanyang pagkapika at tinanong kung nakauwi naman ang nasabing tao.


Samantala, may mga nagsasabi naman na talagang walang makakalampas sa pangamoy ni Vice Ganda kaya naman huwag na umanong balakin pa ng mga clout chaser na gamitin ang It's Showtime para sumikat sa maling paraan.


Sa kabilang banda, may mga nakisimpatya naman sa searchee at sinabing baka totoong nagkamali lamang ang tao dahil hindi pa ito sana'y na maexpose sa television.


May mga nagsasabi rin na baka kadalasang Eat Bulaga ang pinapanood nito kaya naman nagkamali ito sa pagbati sa mga madlang pipol.


@bratsythrift HAHAHAHAHA NASA KAPAMILYA KA #itshowtime #expeciallyforyou #esguerranatics #nocopyrightinfringementintended ♬ original sound - Bratsythrift
Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo