Tv Host Aktres Iniwanan Ng Endorsement, Banned Na Sa TV Network

Walang komento

Lunes, Mayo 27, 2024


 Luhaan ngayon ang isang female host, actress at singer matapos hindi siya kunin para sa isang endorsement na ang target ay ang mga pamilya at masa dahil sa napakataas nitong talent fee na tila ipinapalabas niya siya lamang ang napagaling at nababagay para sa sinasabing endorsement.


Ayon sa aming nakalap na impormasyon naghanap na lamang ng ibang talent ang brand na kaagad namang nakahanap ng isang grupo na wholesome ang image at mayroong malaking fan base.


Nang makarating ito sa aktres ay kaagad nitong binabaan ang kanyang talent fee subalit, huli na ang lahat dahil mas pinili pa rin ng advertisers na kunin ang nakitang grupo na mayroong hatak mula sa publiko.


Bukod sa usaping ito, naging laman rin ng mga usap-usapan online ang pagkakaban sa aktres na ito sa isang network dahil sa pagtanggap nito noong ng malakinhg suhol mula sa isang bagong network para makalipat lamang.


Iginiit naman ng aktres na wala silang bad blood ng namumunoi ng ABS-CBN at sa katunayan ay mayrooon pa silang komunikasyon subalit marami pa rin ang hindi kombinsido rito.


Nagkanya-kanya naman ang maraming mga netizen sa pagtukoy kung sino ang sinasabing female actress, TV host at singer sa blind item. Marami ang naghinala na ito ay si Toni Gonzaga base sa mga clue subalit may iba pa rin namang mga pangalan na nabanggit.


Hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw kung sino ang tinutukoy sa blind item.




Sekreto Ni Paulo Avelino Ibinunyag Ni Cristy Fermin

Walang komento


 Ibinahagi ng kilalang showbiz columnist at talent manager na si Cristy Fermin ang nakikita niyang dahilan kung bakit lumalakas ang appeal ni Paulo Avelino ngayong nakatambal na niya ang aktres na si Kim Chiu.


Sa kamakailang episode ng programa ni Cristy Fermin na Cristy Ferminute isiniwalat niya ang tinitingnan niyang dahilan kung bakit lumalakas ngayon ang appeal ni Paulo Avelino.


Ayon kay Cristy Fermin, nagmumula ang malakas na appeal ni Paulo Avelino sa kanyang ipinapakitang image na suplado, pagiging tahimik at tila mailap. Ito umano ang ipinapakitang imahe ni Paulo Avelino sa lahat gayung hindi naman siya ganoon dahil ang katotohanan ay napakabbakit umano ng aktor.


Dagdag pa ni Cristy Fermin na ito ang dahilan kung bakit nag-click ang tambalan nila ng aktres na si Kim Chiu na kilala sa pagiging masayahin at madaldal. Magkasalungat ang kanilang mga ugali dahilan para lalong ma-curious ang mga netizens sa kanila.


Marami rin ang nagsasabing tila binabalanse ng katangian ng mga ito ang isa't-isa.


Sinegundahan naman ito ng kanyang co-host na si Romel Chika, ipinunto pa nito ang napapansin nila sa tuwing iniinterview sina Paulo Avelino at Kim Chiu. Kapansin-pansin umano ang pagiging masayahin ni Kim Chiu at pagkamadaldal nito samantalang si Paulo Avelino at chill at parelax-relax lamang ang mga sagot.


Sa kabilang banda, iginiit ni Cristy Fermin na hindi naman totoong suplado ang aktor na si Paulo Avelino sa katunayan at napakabait umano nito at marespeto sa mga press people.


Samantala, patuloy pa ring  umaasa ngayon ang maraming mga tagasuporta nina Paulo Avelino at Kim Chiu na mapupunta sa totohanan ang kanilang relasyon, subalit, nauna nang naiulat na wala pang balak na pumasok sa relasyon ang dalawa dahil pareho silang abala sa kani-kanilang showbiz careers.



Tunay Na Pagtrato Kay Yassi Pressman Ng Boyfriend Niyang Gobernador Binatikos Ng Netizens

Walang komento


 Nadismaya ang maraming mga netizens matapos makita ang tila kawalan umano ng respeto kay Yassi Pressman ng kanyang Governor boyfriend na si Luigi Villafuente nang gumawa ito ng public display of affection sa aktres habang nagpeperform ito sa harap ng maraming tao.


Umaani ngayon ng samu't-saring reaksyon at komento mula sa mga netizens ang ipinakitang intense public display of affection nina Yassi Pressman at Gov. Luigi Villafuente sa harap ng mga constituents ng gobernador sa Camarines Sur.


Kaagad na nag-viral sa social media ang intense kissing scene nina Yassi Pressman at Gov. Luigi Villafuente sa opening ng Kaogma Festival noong May 23, 2024.


Hindi lamang sa pagsuporta sa kanyang boyfriend ang ipinunta ni Yassi Pressman roon kundi isa rin siya sa mga celebrity guests ng probinsya kasama ang actor singer na si James Reid na boyfriend naman ng kanyang kapatid na si Issa Pressman.


Naroon rin ang ilang mga rappers na kinabibilangan nina Flow G, Skusta Clee at Nick Makino. Bago ang halikan nina Gov. Luigi Villafuente at Yassi Pressman, pinasalamatan muna niya si Yassi Pressman nainilalarawan niya bilang pinaka-espesyal na tao sa kanyang buhay dahil sa suporta umano nito sa kanya.


Nagperform si Yassi Pressman sa stage ng aerial dance upang aliwin ang mga tao, lalong naging special ang performance ni Yassi Pressman nang samahan siya sa stage ng kanyang boyfriend na si Gov. Luigi Villafuente para sa kanilang duet sa kanta ni Enrique Iglesias na Hero.


Sa simula pa lamang ng kanilang duet ay marami na ang nakapansin sa malalagkit at mainit na tingin ni Gov. Luigi Villafuente kay Yassi Pressman. Sa kalagitnaan ng kanilang pagkanta ay ipinahayag pa ni Gov. Luigi Villafuente ang kanyang pagmamahal para kay Yassi Pressman.


Nang matapos na ang kanilang duet ay hayagan naghalikan sina Yassi Pressman at Gov. Luigi Villafuente. Lalo pang nagtilian ang maraming mga tao dahil hindi lamang simpleng kiss ang pinagsaluhan ng dalawa kundi isang intense kiss.


Unang bumitaw si Yassi Pressman sa kanilang halikan dahil tila na carried away na ang gobernador at tila nakakalimutan na nitong nasa publik place silang dalawa.


Kung may mga kinilig sa tagpo ng dalawa sa stage, marami rin ang pumuna rito dahil hindi umano angkop ang ipinakitang kiss ng dalawa sa pampublikong lugar dahil napaka intense na nito.


Tila lasing rin umano si Governor kaya naman nagagawa na nitong mang-mukhang sa harap ng kanyang mga constituents. Ipinunto pa ng ilan na wala namang masama kung sakaling maghalikan ang dalawa dahil magkarelasyon naman ang mga ito subalit ilagay lamang sana umano nila sa tamang lugar.



Katotohanan Sa Likod Ng Viral Video Ni Philmar Alipayo Kausap Ang Isang Babae Sa Siargao

Walang komento


 Hanggang ngayon ay pinagdedebatehan pa rin ng maraming mga netizens ang kumakalat na video nina Philmar Alipayo, fiancee ng dating actress na si Andi Eigenmann, at social media creator na si Crissa Liaging kung saan malinaw umano na makikitang may landian na nagaganap.


Umaani ngayon ng samu't-saring reaksyon at komento mula sa mga netizens ang kumakalat na video kung saan makikitang nag-uusap sina Philmar Alipayo at Crissa Liaging na kamakailan lamang personal na nagkita sa Isla ng Siargao.


Hindi naman itinago ni Crissa Liaging sa caption na ng nasabing video na noon pa man ay nais na niyang makita ng personal si Philmar Alipayo. Inilahad niya sa caption na matapos ang ilang linggong pananatili niya sa Siargao ay sa wakas nakita at nakausap na rin niya si Philmar.


Marami sa mga netizens ang napataas ang kilay sa pag-uusap nina Philmar Alipayo at Crissa Liaging dahil kapansin-pansin ang paglalapit ng dalawa. Ayon sa ilang mga netizens na malinaw na may nagaganap na landian sa dalawa.


Hindi ito nagustuhan ng maraming mga netizens dahil engaged na si Philmar Alipayo kay Andi Eigenmann at marami na rin silang anak.


Makikita sa video na naka-topless lamang si Philmar habang kausap ang babae at paminsan-minsang pinaglalaruan ang kanyang damit na isinabit lamang niya sa kanyang leeg.


May mga netizen rin na nakapansin na tila nilalandi umano ni Philmar ang babae sa pamamagitan ng mga titig at paggalaw-galaw ng kanyang mga muscles. Bukod pa rito marami rin ang nakapansin na sadyang nilalapit ni Philmar ang kanyang mukha sa babae.


Matapos, makakuha ng milyon-milyong views ay binura ni Crissa Liaging ang kanyang video sa TikTok subalit, makalipas ang ilang mga sandali ay muli rin niya itong ni-reupload.


Marami naman sa mga fans ni Andi Eigenman ang nagreact at nagpahayag ng simpatya para sa dating aktres. Ayon sa kanila, talagang hindi magandang tingnan na nakikipagparty pa si Philmar at nakikipaglandian sa ibang mga babae gayung may anak na sila ng aktres.


Nagbigay naman na ng pahayag si Crissa Liaging patungkol sa isyu kung saan hiniling niya sa maraming mga netizens na itigil na ang pagpapakalat ng mga bali-balita dahil wala umano sa kalingkingan ni Andi ang kanyang kagandahan.



@crissshabibi

HaHa

♬ original sound - HABIBI MAIN

Babaeng Na-uugnay Kay Philmar Alipayo Naglabas Na Ng Pahayag

Walang komento


 Nakatanggap ng matinding pambabatikos sa social media ang isang content creator matapos siyang makitang nakikipag-usap at naging touchy sa partner ni Andy Eigenmann na si Philmar Alipayo.


Upang matigil na ang pagkalat ng mga walang kabuluhang bagay, naglabas na ng pahayag ang babae para maging malinaw na sa lahat ang dahilan ng pag-uusap nilang dalawa.


Sa kumakalat na video, makikitang kausap ni Philmar Alipayo si Crissa Liaging sa Siargao.


Mismong ang nasabing content creator ang nagbahagi sa nasabing video kung saan isinulat niya sa caption ang, 'For how many weeks staying here in siargao finally i saw you', kung saan ang tinutukoy niya ay si Philmar Alipayo.


Hindi napigilan ng ilang netizens na mag-overthink kung paano tumingin si Philmar Alipayo sa mga mata ni Crissa Liaging sa kanilang pag-uusap.


Bukod kay Philmar Alipayo, nakatanggap din si Crissa Liaging ng mga negatibong komento mula sa mga netizen na humihiling sa kanya na layuan ang partner ni Andi Eigenmann.


Samantala, sa isang video, ipinunto ni Crissa Liaging na walang dapat na ikapabahala ang mga fans ni Andi Eigenmann dahil wala pa naman umano sa kalingkingan ng ganda ni Andi Eigenmann ang kanyang angking ganda.


“Huwag niyong lagyan ng isyu ang pag-uusap namin ni philmar wala ako sa kalingkingan ng ganda ni Andi,” pahayag ni Crissa.


Matatandaang nauna nang kumalat sa social media ang usap-usapan ng paghihiwalay nina Philmar Alipayo at Andi Eigenmann, ngunit kaagad itinanggi ng aktres na tinapos na niya ang relasyon nila ng professional surfer.


Samantala, marami pa rin ang nagbibigay ng babala kay Andi Eigenmann at ipinupuntong talo pa rin ng malalandi ang magaganda.


@blessymica Maka shock gihapon until now na nakita namo sya kalit and nagparty hahahaha yeeey🤩😍 #siargao #siargaoisland #siargaophilippines #philmaralipayo #philmar #fyp #IAO ♬ original sound - Era Cecilia Shop - Era Nunag

Ronaldo Carballo Sinabing Hindi Siya Namemersonal Sa Pagtawag Na 'Baluga' Kay Chelsea Manalo

Walang komento


 Muling nagbigay ng pahayag ang writer-director na si Ronaldo Carballo patungkol kay Miss Universe Philippines 2024 Chelsea Manalo matapos makatanggap ng pambabatikos mula sa mga netizens sa pagtawag niya rito na isang baluga.


Nakatanggap ng matinding pambabatikos sa social media si Ronaldo Carballo matapos tawagin ang Miss Universe Philippines 2024 winner na si Chelsea Manalo na “Baluga”. Sa pagtatangkang patahimikin ang mga netizens nagbigay muli ng pahayag si Ronaldo Carballo kung saan sinabi niyang hindi siya namimersonal kay Chelsea Manalo sa pagtawag niyang 'baluga' rito.


Matatandaang nag-viral sa social media si Direk Ronaldo Carballo matapos itong magpahayag ng pagkadismaya sa resulta ng Miss Universe Philippines, na ginanap noong nakaraang linggo.


Ang nais ni Ronaldo Carballo na mahirang bilang Miss Universe Philippines ay ang kandidata mula sa Cainta na si Miss Cainta Stacey Gabriel sa panahon ng pageant.


“Nagpuyat ako sa puro commercial na Ms. Universe Philippines na yan. Tas, isang balugang Ms. South Africa look lang ang mananalo! Paanong nangyari yun?!” pagra-rant ni Ronaldo Carballo.


Samantala sa isa pang post ni Ronaldo Carballo, ibinunyag nito na nakatanggap siya ng libu-libong mensahe mula sa mga netizens dahil sa kanyang mensahe laban kay Chelsea Manalo.


Iginiit niya na hindi siya lumampas sa linya sa paraan ng pagpuna niya sa resulta ng Miss Universe PH.


“Kinukuwestyon nila ko, komo hindi pumapabor sa kanila ang aking opinyon.

Bakit daw negative ang reaksyon ko sa pagkapanalo ng Ms. Bulacan sa Ms. Universe Philippines 2024? Eh, kayo, bakit nyo sya gusto? Ganun lang yun. A matter of taste. Kani-kanya lang tayo ng bet,” pagpupunto ni Ronaldo Carballo.


“Nothing personal. Hindi ko naman sya kilala at all. Ang reaksyon ko ay base lang sa resulta ng Pageant. Pero incase makita ko sya ng personal at may pagkakataon, I will congratulate her sincerely bilang Ms. Universe Philippines, gayung sya ang napiling mag-represent ng Pilipinas sa Ms. Universe Pageant sa Mexico City,” dagdag pa niya.


Nanindigan din si Ronaldo Carballo sa kanyang hula na hinding-hindi aabot si Chelsea Manalo sa Top 20 ng Miss Universe 2024, na gaganapin sa Mexico.


“So far, hindi pa ko nagkamali in the past results: Nung sinabi kong magiging Ms. Universe sina Katriona Grey at Pia Wurtzbach sa magkaibang taon, naging Ms. Universe nga sila talaga. Yung lahat din nang sinabihan kong, “She wouldn’t make it at the Ms. Universe”, hindi rin sila talaga lahat nagwagi. Andali naman kaseng i-judge ng Ms. Universe Pageant,” pagpapahayag pa nito.



Sarah Lahbati Bumanat Sa Relasyon Nina Richard Gutierrez at Barbie Imperial

Walang komento


 Laman ng mga usap-usapan ng ilang mga marites online ang kumakalat na larawan nina Richard Gutierrez at Barbie Imperial kung saan marami ang naghinalang nagkakamabutihan na ang dalawa, marami rin ang nag-aabang sa kung ano ang magiging reaksyon ni Sarah Lahbati sa mga larawang ito ng dalawa.


Usap-usapan ngayon na tila hindi na natiis ni Sarah Lahbati ang mga kumakalat na isyu kaya naglabas na siya ng saloobin patungkol sa kumakalat na isyu sa pagitan ng kanyang estranged husband at aktres na si Barbie Imperial.


Tila inilabas na ni Sarah Lahbati ang kanyang hinanakit ngayon sa kanyang estranged husband, matapos ang pagpapakita nito sa publiko sa totoong relasyon nila ng aktres na si Barbie Imperial.


Nabuking ng maraming mga netizens sa Pilipinas ang pagkakamabutihan nina Richard Gutierrez at Barbie Imperial nang kumalat sa social media ang mga larawan ng kanilang pagsasama sa South Korea.


Samantala, ayon sa ilang mga netizens tila naglabas naman ng hinanakit si Sarah Lahbati kay Richards Gutierrez at sa ina nitong si Annabelle Rama na siniraan umano siya noon sa pamamagitan ng pagsasabing isa siyang gastadora.


Mula ng lumabas sinabi ni Annabelle Rama sa isang panayam ang patungkol sa kanyang pagiging gastadora ay nag-ugat na ito ng samu't-saring isyu. Tila ginawa umano ito ni Annabelle upang pagtakpana ng ginagawa na gkanyang anak si Richard Gutierrez na totoong dahilan kung bakit nagkaroon ng lamat ang kanilang pagsasama.


Sinadya rin umano ng kampo ni Richard Gutierrez na palabasin ang balitang mayroon siyang ibang lalaki para pagmukhain siyang masama subalit ang totoo ay si Richard Gutierrez naman talaga ang may mali.



Kumakalat ngayon sa ilang mga social media platforms ang tweet ni Sarah Lahbati patungkol sa pagdedeny na nangabet subalit nabuking rin sa huli. Base rin sa post ni Sarah Lahbati, nagpahiwatig siyang matagal na palang palihim na nagkikita ang dalawa na pilit tinatakpan ng pamilya ng aktor.


Sa ngayon ay hindi pa naman naglalabas ng pahayag sina Richard Gutierrez at Barbie Imperial dahil tila inienjoy pa nila ang kanilang pagbabakasyon sa South Korea.


Richard Gutierrez at Barbie Imperial Spotted Na Magkasama at Nagbabakasyon Sa South Korea!

Walang komento

Mainit na pinag-uusapan ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang pagkakaroon ng romantic relationship nina Barbie Imperial at Richard Gutierrez.


Hindi nilinaw nina Richard Gutierrez at Barbie Imperial ang mga ulat na nag-uugnay sa kanila sa isa't isa noong nakaraang holy week ng maisyu silang magkasamang nagbakasyon, ngunit lumabas ang mga bagong tsismis ng kanilang namumuong pag-iibigan matapos silang makita sa South Korea.


Kumakalat ngayon sa ilang mga social media platforms ang mga larawan nina Richard Gutierrez at Barbie Imperial na magkasama sa South Korea. Muling napapatanong ang maraming mga netizens kung si Barbie Imperial nga ba ang ipinalit ni Richard Gutierrez sa kanyang estranged wife na Sarah Lahbati.


Unang kumalat ang larawan nina Barbie Imperial at Richards Gutierrez sa South Korea nang iupload ito ng isang netizen na humingi ng picture kay Barbie Imperial noong May 26, 2024. 


Makikita sa larawan na ibinahagi ng isang Grace Yang, ang larawang kung saan makikitang kasama nila ng kanyang anak si Barbie Imperial kung saan mismong si Richard Gutierrez pa ang kumuha ng larawan nilang dalawa.


Bukod pa rito, may larawan din kung saan papatawid na sina Richard Gutierrez at Barbie Imperial na nag-uusap pa.


Kaagad namang binura ng nasabing Facebook user ang mga larawan na kanyang nai-upload subalit tila nahuli na ang lahat dahil marami na ang nakakuha ng mga screenshots nito.


Hindi naman ito ang unang pagkakataon na nalink sina Barbie Imperial at Richard Gutierrez sa isa't-isa matatandaang noong January, ilang buwan matapos lumabas ang mga bali-balitang naghiwalay na sina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez, namataang kasama ng aktor si Barbie Imperial sa isang bar.


Muli rin silang napag-usapan noong holyweek ng mapansin ng maraming mga netizens na may hawig ang kanilang mga ibinabahaging larawan sa social media.


Sa kabilang banda, hindi pa naman naglalabas ng anumang pahayag sina Barbie Imperial at Richard Gutierrez patungkol sa usaping ito.




 

Mayor Alice Gou Kumasa Sa Hamon Ni Sen. Raffy Tulfo

Walang komento

Biyernes, Mayo 24, 2024


 Kumasa ang kontrobersyal na Mayor ng Bamban Tarlac na si Mayor Alice Guo na sumailalim sa lie detector test para patunayan na hindi siya nagsisinungaling tungkol sa kanyang pagkakakilanlan at kanyang kayamanan.


Inihayag ni Senator Raffy Tulfo ang kanyang hamon para kay Mayor Alice Guo na sumailalim sa lie detector test sa Senate panel on women’s hearing nitong myerkules sa umano’y kaugnayan ng alkalde sa mga ilegal na Philippine Offshore Gaming Operators.


“You are not interested about the history of you and your family. That is very important. Tumatakbo ka. Nasa public office ka. Are you willing to undergo a lie detector test?” tanong ni Sen. Raffy Tulfo.


Kaagad namang pumayag si Mayor Alice Gou sa hamon ng Senador bilang patunay na talagang hindi siya nagsisinungaling sa kanyang sinasabi sa harap ng maraming tao.


“Para sa lahat ng sinasabi mo — especially na ikaw ay love child, na hindi nyo pinag uusapan ng tatay mo. Everything about you — your Past. Are you willing? This is voluntary though,” dagdag pang pahayag ng Senador.


Ipinaliwanag naman ng senador, na hindi tinatanggap sa korte ang resulta ng lie detector test, ngunit makakatulong ang resulta sa komite para matukoy kung nagsisinungaling siya sa kanyang mga naging pahayag o hindi.


“Kasi nung nagsabi ka ng totoo, it will help you… On the other hand, kapag it’s the other way around, dito malalaman na ikaw ay sinungaling, pwede kang ma-contempt ng committee at pwede kang makulong,” paglilinaw ni Sen. Raffy Tulfo.


Nauna nang ibinunyag ni Mayor Alice Guo na lumaki siya kasama ang kanyang mga yaya at binibisita lamang ng kanyang ama sa isang farm kung saan nag-aalaga siya ng mga baboy.


Ayon sa kanya, tinatago siya ng kanyang ama noon dahil isa lamang siyang love child nito sa dating katulong na siyang kanyang ina.



Anne Curtis Pinaringgan Si Xian Lim Sa Pambabaliktad Kay Kim Chiu

Walang komento


 Muli na namang pinasaringan ng It's Showtime host at Kapamilya actress na si Anne Curtis si Xian Lim, ang dating boyfriend na kanyang co-host na si Kim Chiu.


Talagang hindi nagustuhan ni Anne Curtis ang ginawang paraan ni Xian Lim sa pagkikipaghiwalay kay Kim Chiu upang hayagang maligawan ang producer-writer na si Iris Lee.


Sa kamakailang episode ng It's Showtime sa segment na Expecially For You, naitanong nina Anne Curtis at Vice Ganda sa kanilang guest kung paano sila nagkahiwalay. 


Kaagad naman sinabi ng kanilang guest kung paano sila naghiwalay ng kanyang ex boyfriend. Dito na nagpasaring si Anne Curtis kung saan ibinahagi niyang mas malala pa ang ginawa sa kanilang kakilala, dahil pinaluto pa ito ng paboritong pagkain subalit makikipaghiwalay rin pala sa huli.


Bukod pa rito, itinanggi rin umano ng lalaki na siya ang nagkipaghiwalay at ipinapalabas na kasalanan ng kanilang kakilala ang lahat ng nangyari sa kanilang relasyon.


Bagama't wala namang binanggit na mga pangalan si Anne Curtis, kumbinsido ang maraming mga madlang pipol na ang tinutukoy ni Anne Curtis na kanyang kakilala ay si Kim Chiu at ang lalaking pa-victim ay walang iba kundi si Xian Lim.


Halata naman umano na talagang si Kim Chiu ito dahil kung matatandaan ay napag-usapan noon sa isang episode ng showbiz oriented vlog ni Ogie Diaz na bago hiwalayan ni Xian Lim si Kim Chiu ay nagrequest pa ang aktor-direktor kay Kim Chiu na ipagluto siya ng paboritong steak.


Subalit, kamakailan lamang ay naglabas ng pahayag si Xian Lim kung saan pinabulaanan niya ang isyung ito kung saan iginiit niya na hindi naman siya ang nakipaghiwalay kay Kim Chiu kundi ang aktres ang unang pumutol sa kanilang ugnayan.


Sa ngayon ay patuloy namang nanahimik si Kim Chiu at pinapabayaan na lamang ang kanyang ex-boyfriend sa pagbabahagi ng detalye sa kanilang paghihiwalay.




Anak ni Kim Atienza na si Eliana, "homeless" sa Amerika

Walang komento


 Na-kicked out sa campus at naging homeless ang 19 years old na anak na babae ni Kim Atienza na si Eliana Atienza na nag-aaral sa Unibersity of Pennsylvania pagkatapos niyang sumali sa isang on-campus na pro-Palestine encampment.


Sa isang ulat ng New York Post, isa si Eliana, sa anim na estudyante na nasuspinde sa campus noong May 9 dahil sa paglahok sa isang protest encampment laban sa Israel para sa digmaan nito laban sa Hamas kasunod ng nakamamatay na pag-atake ng terorismo.


Lumahok si Eliana sa mga hindi matagumpay na negosasyon sa pagitan ng mga administrador ng unibersidad dahil sa kanilang apela na alisin ng paaralan ang anumang financial relationship nila sa Israel. 


Pumirma rin si Eliana ng isang liham bilang suporta sa "mga Palestinian na nakikipaglaban upang palayain ang kanilang mga lupain mula sa pananakop ng Israel."


Matapos mailagay sa mandatory temporary leaves na may nakabinbing imbestigasyon, nakipag-usap si Eliana sa NBC10 sa pamamagitan ng KWY radio para ibahagi na inutusan siyang “separate from the university” at mula noon ay hindi na siya nakapasok sa kanyang dorm at pinagbawalan nang pumasok sa anumang pasilidad ng paaralan.


“I don’t have any family to go back home to here,” pahayag ni Eliana sa NBC10.


“When the university fails to protect its Palestinian students, we create a freedom camp. When the university ignores us, disciplines protesters, and denies us a space to host teach-ins and movie screenings, we continue. The only threat here is the power of the people and the students we have standing behind us,” dagdag pa nito.


Ipinahayag rin ni Eliana sa isang panayam na biktima siya ng 'administrative violence' kung saan iginiit niyang ginawang weapon laban sa kanya ng kanyang paaralan ang pagiging international student.


Iginiit din niya na ang University ang dahilan kung bakit siya nagiging homeless ngayon.


“I live on campus. The university has barred me from entering. In other words, the university has made me houseless. I am also an international student. The university knows this. This is their weapon. I am so disappointed to be attending an institution that resorts to administrative violence,” pahayag ni Eliana.


Samantala, kinukuwestiyon ng mga international outlet ang pananaw ni Kim sa bagay na ito, "tinatawag siyang mayaman para alagaan ang kanyang anak na babae."


Subalit, hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbibigay ng pahayag si Kim Atienza patungkol rito.




Yen Santos Sinunod Ang Advice Ni Heart Evangelista, Relasyon Kay Paolo Contis Tinapos

Walang komento


 Sa gitna ng mga usap-usapan patungkol sa breakup nina Yen Santos at Paolo Contis, nagbahagi ng isang video ang aktres na si Yen Santos na nagdulot ng mga haka-haka tungkol sa status ng kanyang relasyon sa aktor na si Paolo Contis.


Sa Instagram account ni Yen Santos, ibinahagi ng aktres ang isang video ng panayam ni Boy Abunda sa aktres at fashion icon na si Heart Evangelista.


Sa nasabing panayam, ipinahayag ni Heart Evangelista sa kanyang closing talk ang patung sa 'self-love'.


“Stop giving away your heart like it’s candy. Treasure yourself. Love yourself. Treasure your heart and your soul. Because that’s what’s gonna save you in the end,” saad ni Heart Evangelista.


Ang ibinahaging video ni Yen Santos ay lalong nagpalakas sa hinala ng mga netizens na totoo ang napapabalitang hiwalayan nila ng kanyang boyfriend na si Paolo Contis matapos ang ilang taon nilang relasyon.


Matatandaan na naging laman na ng mga bali-balita ng pagkakaroon ng relasyon nina Yen Santos at Paolo Contis noon pang 2022 kung saan itinuturong third party si Yen Santos sa hiwalayan noon nina Paolo Contis at LJ Reyes.


Hindi naman ito ang unang pagkakataon na naging laman ng mga bali-balita ng paghihiwalay nina Yen Santos at Paolo Contis.


Noong nakaraang taon ay napabalitang hiniwalayan ni Paolo Contis ang aktres nang maugnay naman siya sa kanyang kasama sa trabaho na si Arra San Agustin.


Subalit, kaagad naman itong pinabulaanan ni Paolo Contis at iginiit na ang sa kanila ni Arra San Agustin ay para lamang sa kanilang show.


Muling napabalita ang hiwalayan nina Paolo Contis at Yen Santos nang mapansin ng maraming mga netizens ang pagbubura ni Yen Santos sa kanyang sweet birthday message kay Paolo Contis.


Bukod pa rito, inanfollow na rin ito ng aktres sa kanyang Instagram account.




Celeste Cortesi Nilinaw Ang Kanyang Tweet Matapos Makatanggap ng Pambabatikos

Walang komento


 Nilinaw ni Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi ang kanyang post tungkol sa katatapos lamang na Miss Universe Philippines 2024 matapos makatanggap ng mga batikos sa social media.


Matatandaang umani ng mga reaksyon at komento ang naging post ng beauty queen at marami ang bumatikos kay Celeste Cortesi na ilang pageant fans dahil sa kanyang inilabas na cryptic message, na binibigyang kahulugan bilang reaksyon niya sa resulta ng prestihiyosong event.


Marami sa mga netizens ang nakapansin na matapos ang crowning moment ng itinanghal na Miss Universe Philippines 2024 na si Chelsea Manalo ay nagbahagi ng reaksyon si Celeste Cortesi kung saan napatanong siya kung ano ang nangyari sa kompetisyon.


"WHAT JUST HAPPENED," tweet ni Celeste Cortesi kalakip ang hashtag na muph2024.


Sa kasunod niyang tweet, pinuri ni Celeste Cortesi ang naitanghal na Miss Universe Philippines 2024 4th runner up na si Christi Lynn McGarry.


"Ang ganda-ganda ni Christi tas perfect yung answer niya."


Kaagad namang nabatikos si Celeste Cortesi dahil sa kanyang mga tweets dahil halatang nadismaya siya sa resulta ng Miss Universe Philippines 2024 kung saan itinanghal lamang na 4th runner up ang kanyang bet na si Ms. Christi Lynn McGarry.


Matapos makatanggap ng matinding pambabatikos mula sa mga netizens kung saan pinagtatawanan siya ng maraming mga netizens dahil sa hindi pagpasok niya sa top 16 noon sa Miss Universe 2022, nilinaw ni Celeste ang kanyang post.


Ayon sa kanya, dapat tumigil na ang mga netizens sa paggawa ng mga isyu at subukang magmukhang tinutulan niya ang resulta ng pageant.


“Ya’ll need to chill. Haha. What I meant by what happened is how the other crowns were distributed. Where’s Cainta? where’s Taguig? Stop trying to make an issue, I have my bets but I fully support whoever wins,” paglilinaw niya.


Kinoronahan bilang Miss Universe Philippines 2024 ang pambato ng Bulacan na si Chelsea Manalo kung saan siya ang magiging representative ng Pilipinas sa darating na Miss Universe Philippines ngayong taon.



Mga Ari-Arian Ni Mayor Alice Gou Nabunyag, Hindi Matatawaran Ang Yaman!

Walang komento


 Lalong nadadagdagan ang mga  katanungan ng maraming mga netizens patungkol sa pagkakakilanlan ni Bamban Tarlac Mayor Alice Guo habang tinatanong siya ng mga mambabatas tungkol sa kanyang kayamanan.


Sa pagdinig ng senado sa pangunguna ni Sen. Risa Hontiveros, inilarawan ni Mayor Alice Gou ang kanyang sarili bilang isang ordinaryong mamamayan ng bansa, subalit napag-alaman na nagmamay-ari siya ng ilang mamahaling sasakyan at maging ng isang helicopter.


Ipinakita ni Sen. Risa Hontiveros ang mga larawan kung saan makikita ang mga mamahaling sasakyan ni Mayor Alice Gou. Base sa report ay nagmamay-ari umano si Mayor Alice Gou ng humigit-kumulang 16 na mamahaling sasakyan at isang helicopter.


Dahil dito, marami ang nagtatanong kung paano nito nakuha ang ganoong yaman gayung siya ay naninirahan sa isang hindi masyadong mayaman na munisipyo at isa lamang umano siyang normal na mamamayan.


Isa sa mga sasakyang pagmamay-ari umano ni Guo ay ang McLaren 620R, na umano'y nagkakahalaga ng P16.7-M.


Gayunpaman, itinanggi ni Mayor Alice Guo na marami siyang pagmamay-aring sasakyan, ayon sa Alkalde na ang ilan sa mga sasakyan na ipinapakita sa mga larawan ay bahagi ng kanyang negosyong buy-and-sell ng sasakyan.


“Hindi ko na siya assets. Buy and sell din po kasi ang negosyo sa Westcars kaya may umiikot na sasakyan. Pero ang sasakyan na gamit ko ngayon GAC,” saad ni Mayor Alice Gou.


Inamin din ni Mayor Alice Gou na nakatanggap siya ng suporta mula sa kanyang ama, na isang mayamang negosyante sa China.


“Minsan 500K, minsan 1 million, 2 million. Hindi naman po siya on a regular basis,” pag-amin ni Mayor Alice Gou.


Sa kabila ng mga pagpaliwanag ng Alkalde, naniniwala pa rin ang ilang mambabatas na si Mayor Alice Guo ay may kaugnayan sa isang naka-blacklist na kumpanya sa Pilipinas


Samantala, sinabi rin ni Senate President Chiz Escudero na magiging mahirap na tanggalin si Mayor Alice Guo sa kanyang kasalukuyang posisyon bilang Alkalde dahil hindi pa naman napapatunayan ang mga bintang laban sa kanya.


“Oo may rason para mag-alanganin tayo, pero yung presumption ay nananatili pa rin siya ay nakatakbo, siya ay registered voter, may passport siya na Pilipino siya. Nasa nagsasabing hindi na patunayan yun,” pahayag ng Senate President.



Vice Ganda Ibinuking Si Kim Chiu Sa Bago Nitong Lovelife!

Walang komento


 Kamakailan lamang ay binuking ng It's Showtime host at Unkabogable Star na si Vice Ganda ang kanyang co-host na si Kim Chiu patungkol sa pagkakaroon nito ng panibagong boyfriend, nagparinig rin sa dating karelasyon ng aktres na si Xian Lim.


Sa kamakailang episode ng It's Showtime, sa segment ng Expecially For You ay tila nakahanap si Vice Ganda ng paraan para ibuking ang kasalukuyang estado ng puso ni Kim Chiu.


Napag-alaman nina Vice Ganda na ang dahilan ng paghihiwalay ng kanilang contestant ay dahil may mahal na silang iba. Si Kim Chiu ang pinasabi ni Vice  Ganda ng nasabing pahayag na game na game naman nitong sinabi sa gamit ang masayang tono.


Nilina naman ni Kim Chiu na kaya masaya ang ginamit niyang tono ay dahil kadalasan ay malungkot umano ang pagkakasabi ng katagang ito.


Inulit ito Vice Ganda na nakaharap sa screen at dunugtungan ng 'nauna ka lang'.


Bagama't hindi naman nabanggit ang pangalan ni Xian Lim, marami ang naghinalang si Xian Lim talaga ang tinutukoy nito dahil sa pagkakaroon ngayon ng panibagong girlfriend ni Xian Lim.


Ayon naman sa ilang mga netizens ang pahiwatig rin umano ito ni Vice Ganda na mayroon nang panibagong minamahal ngayon si Kim Chiu na pinaniniwalaang si Paulo Avelino.


Hindi naman kasi ito ang unang pagkakataon na nagbigay ng pahiwatig si Vice Ganda patungkol sa pinagdadaanan ni Kim Chiu sa kanyang buhay kaya naman nasasanay na ang mga madlang pipol sa pambubuking ni Vice Ganda.


Sa ngayon ay hindi pa rin inaamin nina Paulo Avelino at Kim Chiu ang kanilang relasyon at tanging sagot nila sa mga naging panayam sa kanila ay ginagawa lamang nila ang kanilang trabaho bilang on-screen partners.




Kyline Alcantara Dinedate Na Si Kobe Paras, Nag-Unfollow Rin Sa Legaspi Family

Walang komento


 Mainit na pinag-uusapan sa ilang mga social media platforms at mga entertainment news sites ang pag-unfollow ng aktres na si Kyline Alcantara sa buong Legaspi family ilang araw matapos mapag-usapan sa social media ang pagdi-date nila ng basketball player na si Kobe Paras.


Napag-usapan ang pagdi-date nina Kyline Alcantara at Kobe Paras nang mapansin ng maraming mga netizens na magkakahawig ang kanilang mga Instagram post na kuha sa isang restaurant. Marami ang naghinala na magkasama ang dalawa at mayroon nang namamagitan sa mga ito.


Samantala, kaagad naming umani ng samu't-saring komento at speculations mula sa mga netizens ang sunod-sunod na pag-unfollow ni Kyline Alcantara sa kanyang ex-boyfriend na si Mavy Legaspi at ng mga magulang nito na sina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi.



Subalit, makikita pa rin naman sa mga Instagram accounts nina Zoren Legaspi, Carmina Villaroel at Mavy Legaspi na naka-follow pa rin sila sa aktres.


Samantala, nauna naman nang nag-unfollowhan sina Cassy Legaspi at Cassy Legaspi sa hindi malamang dahilan.


Matatandaan na tila nagkaroon ng isyu sa pagitan nina Kyline Alcantara at mga magulang ni Mavy Legaspi nang magbahagi si Kyline ng isang cryptic post na tumutukoy sa isang mama's boy sa gitna ng isyung naghiwalay na sila ni Mavy Legaspi.


Marami ang naghinalang para kay Mavy Legaspi ng cryptic post ni Kyline Alcantara lalo na noong tila sinagot ito ni Carmina Villariel kung saan inilahad niyang ginagawa lamang niya ang lahat para sa ikakabuti ng kanyang mga anak.


Sa ngayon ay hindi pa naman naglalabas ng anumang pahayag sina Kobe Paras at Kyline Alcantara patungkol sa totoong estado ng kanilang relasyon.



Lolit Solis May Nakakaiyak Na Hiling Sa Aktor Na Si Gabby Concepcion!

Walang komento


 Ikinagulat ng ilang mga netizens na mapag-alaman na hanggang ngayon ay hindi pa rin naging maayos ang relasyon ng talent manager na si Lolit Solis at aktor na si Gabby Concepcion.


Sa isang panayam, ibinahagi ni Lolit Solis ang kanyang kalungkutan dahil mas naging masaya siya at naging perpekto ang pagdiriwang niya sa kanyang ika-77 na kaarawan kung sakaling nakarating roon si Gabby Concepcion.


Hindi naman naging lingid sa kaalaman ng lahat na dating talent ni Manay Lolit Solis si Gabby Concepcion subalit noong 1994, naghiwalay sila ng landas bilang manager at talent dahil sa pagkakasangkot ni Lolit Solis sa Manila Film Festival Scam.


Inamin ni Lolit Solis na nalulungkot siya dahil hindi nagpunta si Gabby Concepcion sa isang Chinese restaurant kung saan ipinagdiwang nila ang kanyang ika-77 na kaarawan noong May 20, 2024.


Ayon kay Lolit Solis, mas masaya at kompleto sana ang kanyang kaarawan kung sakaling nakarating si Gabby Concepcion. Kahit naghiwalay umano ng landas ni Gabby Concepcion ay never siya nitong siniraan. Kahit pa nahaharap siya noon sa malaking kontrobersiya.


Wala umano siyang narinig na kahit anong masama salita laban sa kanya na sinabi si Gabby Concepcion. Gayundin naman umano siya, wala siyang sinabing makakasama sa image ng kanyang dating talent na si Gabby Concepcion kahit pa iniwan siya nito sa gitna ng matinding kontrobersiya.


Kahit pa matagal na panahon na ang nakalipas, hindi pa rin umano nawawala ang kanyang pagmamahal kay Gabby Concepcion bilang talent at hindi niya malilimutan ang mga pinagsamahan nila noon.



Matatandaan na isa si Lolit Solis sa itinuturong master mind sa nangyaring Manila Film Festival scam noong 1994 kung saan dinaya ang naging resulta ng Best Actress at Best actor at pinangalanan bilang sina Ruffa Gutierrez at Gabby Concepcion gayung ang totoong nagwagi ay sina Aiko Melendez at Edu Manzano.



Its Showtime Host Inoferan Ni Willie Revillame Sa TV5

Walang komento


 Inamin ng isang It's Showtime host na nakatanggap siya ng malaking offer para lumipat sa show ni Willie Revillame na eere sa TV5.


Ayon sa pagsisiwalat ng nasabing host, kahit talagang nakakasilaw ang kanyang natanggap na offer mula kay Willie Revillame ay hindi umano siya nag-atubiling i-turn down ito dahil hindi niya kayang iwanan ang It's Showtime na unang nagbigay sa kanya ng pagkakataon sa larangan ng hosting at nagpasokat ng husto sa kanya.


Ayon pa sa nasabing host, hinding-hindi niya iiwan ang It's Showtime dahil talagang malaki ang ipinagbago ng kanyang buhay magmula ng maging host siya nito.


Samantala, humanga naman ang ABS-CBN head sa pagiging loyal ng kanilang host sa ABS-CBN at sa It's Showtime dahil kahit nawalan na noon ng prangkisa ang ABS-CBN ay hindi pa rin sila nito iniwan.


Kaagad namang umani ng samu't-saring reaksyon ang mga netizens patungkol sa kung sino ang TV host na binalak ni Willie Revillame na masulot mula sa It's Showtime, nagkanya-kanya ng pahayag ang mga netizens.


Marami ang naghinalang si Ryan Bang at napupusuan ni Willie Revillame o kaya naman ay si Karylle.


Sa ngayon ay ang tatlong 'Win Girls' pa lamang ang inanunsyo ng TV5 na makakasama ni Willie Revillame sa kanyang show, may dalawa pa umano na hindi pa nito inaanunsyo na tiyak na ikakagulat ng maraming mga manonood.


Maging ang eksaktong petsa ng pag-ere sa show ni Willie Revillame ay hindi pa rin tiyak sa ngayon.



Vice Ganda Nagreact Sa Hosting Ni Alden Richards, Niyaya Sa It's Showtime

Walang komento


 Biniro ng Unkabogable Star at It's Showtime host na si Vice Ganda ang Kapuso actor at multimedia star na si Alden Richards dahil sa paraan ng hosting nito sa katatapos lamang na coronation night ng Miss Universe Philippines 2024 na naganap noong myerkules ng gabi May 22, 2024 sa Mall of Asia Arena.


Matatandaan na naging laman ng mga usap-usapan sa ilang mga social media platforms ang energy na ipinamalas ni Alden Richards sa kanyang pagiging host ng nasabing pageant.


May mga pumuri sa ipinakita nitong energy sa paghohost subalit marami rin ang pumuna rito dahil tila naging galit umano ang boses ni Alden Richards habang tinatawag niya ang kandidata na nakapasok sa top 20 at sa top 5.


Nag-ugat ang pagbibiro ni Vice Ganda kay Alden Richards ng magulat siya sa boses ng kanilang 'searcher' sa Expecially For You nang sabihin nito ang pick up line para sa mga pagpipilian niyang searchees.


Napansin naman ni Kim Chiu na tila natatawa ang ex boyfriend nito dahil sa pagiging siga ng kanyang dating nobya.


Binalikan naman ni Vice Ganda ang naging isyu kay Alden Richards sa katatapos lamang na Miss Universe Philippines kung saan ito ang naging host. Marami ang nagsasabing tila galit umano ang aktor at nasubrahan naman sa kanyang energy.


Ayon kay Vice Ganda ang ginawa ng kanilang contestant ay katulad lamang ng ginawa ni Alden Richards sa Miss Universe Philippines 2024 at dito na rin niya binati ang aktor.



Miss Universe Philippines 2024 Chelsea Manalo Tinawag Na Baluga Ni Ronald Carballo

Walang komento


 Tinawag ng baluga at sinabihang walang chance na manalo ang newly crowned Miss Universe Philippines 2024 na si Chelsea Manalo ng writer-director na si Ronaldo Carballo.


Umaani ngayon ng samum't-saring reaksyon sa social media ang naging pahayag ng writer-director na si Ronaldo Carballo patungkol sa kanyang saloobin sa itinanghal na panibagong Miss Universe Philippines na si Chelsea Manalo na siyang magiging representative ng bansa sa darating na Miss Universe 2024 pageant.


Matatandaan na bagama't marami ang natuwa sa pagkakatanghal kay Chelsea Manalo bilang Miss Universe Philippines 2024, marami rin ang nadismaya sa naging resulta dahil hindi nila inaasahang matatalo ng isang 'dark horse' ang mga frontrunners.


May mga nadismaya rin dahil hindi nanalo ang kanilang mga bet, katulad na lamang ng writer-director na si Ronaldo Carballo na ang nais sanang maging Miss Universe ay ang kandidata mula sa Cainta Rizal na si Stacey Gabriel.


Sa kanyang Facebook post, inilahad ni Ronaldo Carballo ang kanyang pagkadismaya dahil nasayang lamang ang kanyang oras sa panonood ng Coronation night ng Miss Universe Philippines 2024 na mas matagal pa ang commercials.


"Juiceku! Nagpuyat ako sa puro commercial na Ms. Universe Philippines na yan. Tas, isang balugang Ms. South Africa look lang ang mananalo! Paanong nangyari yun?!" pahayag ni Ronaldo.


Dagdag pa niya, "Ms. Cainta ang bet ko from the start of the Pageant. Maganda; sexy; at intelligent. Maganda magsalita; walang backel; Spontaneous. Effortless. Natural. Pang-Ms. Universe talaga! Kung sya ang nag-win, malaki ang chance ng Pinas sa Ms. Universe!"


Hindi rin naniniwala si Ronaldo Carballo na makakapasok kahit sa top 20 man lang sa Miss Universe Competition si Chelsea Manalo.


"Mark word, ni hindi papasok yang si Ms. Bulacan sa top 20 ng Ms. Universe! Andali namang i-judge, eh!"


Binatikos rin niya ang mga judges ng kompetisyon dahil sinayang umano ng mga ito ang pagkakataon na magkakaroon ng panibagong korona ang bansa sa Miss Universe pageant.


"Sinayang na naman nila ang chance na magkaroon uli sana  ng ika-limang Ms. Universe ang Pilipinas, with Ms. Cainta na queenly'ng queenly ang aura at kabuuan nya.

Buwisit na mga judges yan!"


Ipinahayag din niya na kung siya ang tatanungin si Miss Cainta talaga ang totoong Miss Universe Philippines 2024.


"CONGRATS MS. CAINTA. YOU WERE ROBBED OF THE CROWN! YOU ARE THE REAL MS. UNIVERSE PHILIPPINES 2024!!!"


Kaagad naming umani ng samu't-saring reaksyon at komento mula sa mga netizens ang naging pagbabahaging ito ni Ronaldo Carballo.


May mga sumangayon sa kanyang naging pahayag subalit, may mga nagsasabi rin naman na dapat ring bigyan ng pagkakataon si Miss Chelsea Manalo na ipakita ang kanyang galing sa Miss Universe 2024 at suportahan na lamang siya ng lahat ng mga Pilipino.


Michelle Dee Nagreact Na Sa Awkward Niyang Pagkorona Kay Chelsea Manalo!

Walang komento

Huwebes, Mayo 23, 2024


 Naggigay na ang reaksyon si Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee sa kanyang nakakatawa at awkward moment kung saan ipinasa niya ang korona sa bagong Miss Universe Philippines ngayong taon na si Chelsea Manalo.


Trending at pinag-uusapan pa rin hanggang ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang katatapos lamang na Coronation night ng Miss Universe Philippines 2024 na ginagap sa Mall of Asia Arena nitong myerkules ng gabi May 22, 2024.


Itinanghal na Miss Universe Philippines 2024 ang representative mula sa Bulacan na si Chelsea Manalo. Si Chelsea Manalo ang kakatawan sa Pilipinas sa darating na Miss Universe Pageant na gaganapin sa Mexico.


Subalit, ang mas pinag-uusapan ngayon sa social media ay ang Miss Universe Philippines 2023 na si Michelle Dee dahil sa pagkakalagay niya ng korona sa ulo ni Chelsea Manalo matapos maitanghal bilang panibagong Miss Universe Philippines.


Nang isusuot na ni Michelle Dee ang korona kay Chelsea Manalo ay tila nalito ang beauty queen kung paano niya ito ilalagay dahil sa pagkaka-bun nito sa kanyang buhok. Kaya naisip na lamang ni Michelle Dee na ibalanse ang korona sa ulo ng panibagong Miss Universe Philippines.


Ang ikinatawa ng mga netizens ay kung paanong naibalanse ni Chelsea ang ipinatong sa kanyang korona habang sinusuotan naman siya ni Michelle Dee ng sash.


Kalaunan ay naayos naman ni Michelle Dee ang pagkakalagay ng korona sa ulo ni Chelsea subalit tila nahuli na ito dahil kumalat na sa social media ang iba't-ibang mga memes patungkol sa crowning moment na ito.


May mga netizens na nagsasabing kaagad na binigyan ni Michelle Dee ng task ang panibagong Miss Universe Philippines na si Chelsea Manalo, ito ay ang pagbabalanse ng kanyang korona.


May mga nagsasabi pang dapat rin nilang maibalanse ang kanilang mga problema kagaya nang pagkakabalanse ni Chelsea sa kanyang korona na inilagay ni Michelle Dee sa kanyang ulo.


Binati pa ng ilang mga netizens si Chelsea Manalo, hindi dahil sa pagkakapanalo niya sa Miss Universe Philippines kundi dahil sa magaling niyang pagbalanse ng korona.


Maging si Michelle Dee ay napareact na rin sa nasabing viral photo, tila natatawa rin ito sa kanyang pagkorona kay Chelsea Manalo. Nirepost ni Michelle Dee ang nasabing larawan kalakip ang closed eye monkey emoji.


Kasunod nito ay ibinahagi naman ni Michelle Dee ang larawan kung saan makikitang maayos na niyang nailagay ang korona kay Chelsea Manalo. Sa caption, sinabi niyang 'ayan at least I fived it'.


Nagbigay rin ng pagbati si Michelle Dee kay Chelsea Manalo, hindi sa galing nitong magbalanse ng korona kundi sa galing na ipinakita nito sa Miss Universe Philippines competition.



Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo