Paulo Avelino at Janine Gutierrez Ganito Ang Scenario Sa Bur0l Ni Leo Dominguez!

Walang komento

Miyerkules, Mayo 29, 2024


 Laman ng mga usap-usapan ngayon sa ilang mga entertainment news sites at maging sa ilang mga social media platforms ang tila pag-iiwasan ng dating rumored couple na sina Janine Gutierrez at Paulo Avelino.


Kamakailan lamang ay tuluyang nang namaalam ang kilalang talent manager na si Leo Dominguez, dahil sa pagpanaw nito marami sa mga KimPau fans ang umaasang kasama ng actor na si Paulo Avelino sa pagpunta sa burol nito ang kanyang panibagong leading lady na si Kim Chiu.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na isa si Paulo Avelino sa mga sikat na talent ng yumaong manager na si Leo Dominguez.


Marami naman ang umasang sasamahan ni Kim Chiu si Paulo Avelino sa pagdalawa sa burol dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na maraming naghinalang nagkakamabutihan na sa totoong buhay sina Kim Chiu at Paulo Avelino.


Samantala sa latest episode ng online show na Marisol Academy, ay napag-usapan nila ang pagpunta ng PMPC President na si Rodel Fernando sa lamay ni Leo Dominguez.


Ayon sa kanya nakita niya ang pagdalaw ni Paulo Avelino sa mga labi ng talent Manager subalit wala itong kasama na tila ikinadismaya ng mga KimPau fans na nakikichika sa burol ng yumaong talent Manager.


Samantala, naitanong rin ng mga hosts kung nakita rin ba nito si Janine Gutierrez na nagbigay ng huling respeto sa talent manager. Kaagad naman nitong sinabi na nakita rin niya ang pagdating ni Janine Gutierrez kasama ang ina nitong si Lotlot De Leon.


Subalit nakaalis na umano ang aktres nang dumating naman si Paulo Avelino na tila ba alam nitong wala na roon ang dating iniuugnay sa kanya na aktres.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na marami ang naghinala noon na mayroong romantic relationship sina Paulo Avelino at Janine Gutierrez matapos ang ilang teleseryeng pinagsamahan.


Marami rin kasi ang nakapansin sa pagpi-flex nila sa isa't-isa subalit, nitong mga nakaraang buwan lamang naiulat ang paghihiwalay ng dalawa kasunod ng pagkakalink ni Paulo Avelino sa kanyang bagong onscreen partner na si Kim Chiu.




Grupong Aktor Nagsalita Na Sa Nangyari Kay Ms. Eva Darren at Hindi Sinusuportahan Ang Nangyari!

Walang komento


Nagbigay ng opisyal na pahayag ang  Grupong AKTOR, samahan ng mga artistang Pilipino kung saan inilahad nilang hindi nila sinusuportahan ang pambabastos ng FAMAS Organizers sa isang batikang aktres na si Eva Darren.


Si Eva Darren ay isang batikang aktres at maituturing na rin itong iconic actress dahil sa kanyang mga naging contributions sa movie industry ng bansa.


Iginiit ng AKTOR, na ang mga awards night ay isang celebration at pagkakataon na magkakasama-sama ang mga magagaling artista sa larangan ng showbiz sa bansa.


"An awards night is a moment of celebration, extending beyond mere victory and trophies. It serves as a gathering for the entire community, offering a chance to unite and acknowledge the talents and artistry of each member.


"It is ironic that the event last Sunday, which was supposed to honor the iconic pillars of the country, was marred by an unfortunate and beloved peers during a celebration with industry members at one of the oldest award-giving bodies. We are deeply saddened by the seeming lapse in the management of the program."


"While acknowledging shortcomings in execution, our aim is to underscore the broader culture surrounding award ceremonies.


"We aspire to revive the genuine essence of these events and bring back the glory of these gatherings, by fostering intimate celebrations that recognize excellence and embrace every individual without fear of exclusion and discrimination."


"Now, more than ever, it is crucial to safeguard and hinor the Filipino film industry, restoring both respect and authenticity to its events.


"AKTOR, the League of Filipino Actors, extends its warmest support and solidarity to Ms. Eva Darren."


Marami naman sa mga netizens ang sumuporta at sumang-ayon sa naging pahayag ng AKTOR Ph at sa pagsuporta ng mga ito kay Eva Darren na tila binalewala lamang sa nagdaang FAMAS Award night matapos na mag-effort ng mabuti para sa nasabing okasyon.


 


Joshua Garcia at Emilienne Vigier, Isiniwalat Ang Pag-Iibigan, Hard Launching

Walang komento

Martes, Mayo 28, 2024


 Matapos ang ilang buwang espekulasyon patungkol sa kanilang totoong relasyon, Joshua Garcia at Emilienne Vigier, hayagan nang ipinakita sa publiko ang pagiging mag-boyfriend-girlfriend.


Tuluyan nang inamin nina Joshua Garcia at Emilienne Vigier ang kanilang relasyon sa social media matapos magbahagi ng mga sweet photos nila sa kanilang pagbabakasyon sa Bangkok, Thailand.


Noon pa man ay napag-uusapan na sa ilang mga social media ang pagkakaroon ng relasyon ni Joshua Garcia at Emilienne Vigier matapos mapansin ng maraming mga netizens ang pagkakahawig ng kanilang mga ibinabahaging post sa kani-kanilang mga social media accounts.


Subalit, tila hindi na nila kaya pang itago ang kanilang nararamdaman sa isa't-isa kaya naman hayagan na nila itong ipinapakita sa publiko.


Sa Instagram account ni Emilienne Vigier, ibinahagi niya ang ilang mga larawan nila ni Joshua Garcia na nagpapakita kung paano umusbong ang kanilang pag-iibigan.


Kaagad namang bumuhos ang suporta para sa kanilang relasyon mula sa mga netizens at pamilya ng dalawa na labis na nasisiyahan sa pasya nilang isiwalat sa publiko ang kanilang pag-iibigan.


Matagal nang magkakilala sina Joshua Garcia at Emilienne Vigier, ang kanilang pagmamahalan ay nagsimulang umusbong mula sa kanilang pagkakaibigan.


Kaagad namang umani ng samu't-saring reaksyon at komento mula sa mga netizens at mga tagahanga ni Joshua Garcia ang kanilang post ni Emilienne Vigier. Marami ang nagpahayag ng kanilang kasiyahan dahil muling nakatagpo ng babaeng magpapasaya sa kanya si Joshua Garcia.


Bumuhos ang mga pagbati mula sa mga tagahanga ng aktor kung saan marami ang nagsasabing napakabagay nilang dalawa.


May mga nagsasabi rin na tila mabait naman itong si Emilienne Vigier kaya nababagay lamang ito sa aktor. Hiling rin ng maraming mga tagahanga ni Joshua Garcia na sana ay magtagal silang dalawa at magpatuloy na umusbong ang kanilang pag-iibigan.



Kim Chiu Pinagkaguluhan Sa Lucena City Kasama Si Mayor Mark Alcala

Walang komento


 Pinagkaguluhan sa Lucena City ang actress at TV host na si Kim Chiu sa pagsama niya sa parade. Nakisaya ang Kapamilya actress at award winning host na si Kim Chiu sa Pasayahan Grand Parade nitong May 28, 2024 sa Lucena City.


Bago ang parada ay sinalubong sina Kim Chiu sa Mayor's office ni Mayor Mark Alcala. Kasama rin ni Kim Chiu sa iisang sasakyan ang gwapong mayor ng syudad ng Lucena na si Mayor Mark Alcala.


Samantala, hindi naman napigilan ng ilang mga netizens na kiligin dahil makikitang nababagay umano sina Kim Chiu at Mayor Mark Alcala. Subalit, kaagad itong binasag ng ilang mga KimPau fans kung saan iginiit nila na trabaho ang ipinunta ni Kim Chiu roon at hindi naman umano sila malapit na nag-uusap.


Sa kabilang banda, marami naman ang nagsasabing hindi maaring dektahan ninuman ang aktres na si Kim Chiu patungkol sa kung ano ang nais nitong gawin sa kanyang lovelife dahil nasa tamang edad na rin naman ang aktres at marunong nang magdesisyon para sa kanyang sarili.


Matatandaan na kagagaling pa lamang sa hiwalayan ni Kim Chiu sa kanyang longtime boyfriend na si Xian Lim at tila hanggang ngayon ay hindi pa rin handa ang aktres na pumasok sa panibagong relasyon.



Bukod pa rito, talagang abala ang aktres sa kanyang showbiz career lalo na't nagkakasunod-sunod ang kanyang mga projects at mga guestings hindi na kabilang rito ang pagiging regular niya sa noontime show na It's Showtime.


Samantala, hindi naman tiyak kung mayroon nang bagong girlfriend si Mayor Mark Alcala na dating nobyo ng Kapuso actress na si Ashley Ortega. Matatandaang inamin noong nakaraan pang taon ni Ashley Ortega na matagal na silang hiwalay ni Mayor Mark.


Singer-Aktres Ayaw Mag Guest Sa Its Showtime

Walang komento


 Mainit na pinag-uusapan sa social media ang ibinigay na pahayag ng singer-song writer na si Ice Seguerra patungkol sa kanyang naging pahayag matapos mahingan ng opinyon sa posibilidad ng pagiging guest sa noontime show na It's Showtime.


Sa kamakailang episode ng Ogie Diaz Showbiz Updates, naitanong ni Ogie Diaz kay Ice Seguerra kung bukas ba siya na magiging isang guest host ng It's Showtime. Kaagad naman itong sinagot ni Ice Seguerra at prangkang sinabi na hindi siya magiging komportable sa nasabing show.


Kaagad namang nilinaw ni Ice Seguerra na wala naman siyang isyu sa mga hosts ng It's Showtime subalit talagang hindi lamang siya komportable sa isiping magiging host siya rito kahit sa isang episode lamang.


Muling naitanong ni Ogie Diaz kung ang dahilan ng kanyang pagiging uncomfortable sa It's Showtime ay may kaugnayan sa respeto niya sa TVJ at sa Eat Bulaga kung saan siya dating naging host.


Dito, na inamin ni Ice Seguerra na kung wala siyang respeto kina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon ay tiyak umano na magiging komportable siyang makasama ang mga host ng It's Showtime.


Inilahad rin ni Ice Seguerra na wala namang dahilan para maging co-host siya ng It's Showtime. Inilahad din ni Ice Seguerra na kahit papaano ay magkaibigan naman sila ng mga hosts ng show subalit bilang delicadeza sa pagiging host noong ng Eat Bulaga ay mas pipiliin na lamang ni Ice Seguerra na huwag nang maging guest host.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng maraming mga netizens na unang nakilala si Ice Seguerra nang sumali siya sa isang contest sa Eat Bulaga, nagsimula rin ang kanyang showbiz career matapos siyang mapabilang sa noontime show na Eat Bulaga bilang host.



Divina Valencia, Binuking Ang Palusot ng FAMAS Organizers Sa Ginawa kay Ms. Eva Darrens

Walang komento


 Hindi naitago ng beteranang aktres na si Divina Valencia ang kanyang pagkadismaya sa paliwanag ng FAMAS organizers kung bakit pinalitan nila si Eva Darren bilang isa sa mga presenter sa naganap na awards night ng FAMAS noong linggo May 26, 2024.


Matatandaang biglang pinalitan ang beteranang aktres na si Eva Darren bilang award presenter ng isang newbie singer na si Sheena Palad, dahil hindi raw nila mahanap si Eva Darren noong mga panahong dapat ay umakyat na sila sa stage ni Tirso Cruz III.


Gayunpaman, iginiit ni Divina Valencia na mahirap paniwalaan ang alibi ng FAMAS dahil nakaupo lang naman si Eva Darren sa harap ng stage nang bigla siyang palitan ni Sheena Palad sa pagiging presenter.


“Hindi ko matatanggap ang dahilang napakalaking katarantaduhan na hindi makita si Ms Eva Darren Isa siya sa mga naunang dumating. Kasama ang kanyang 4 na apo umasang makikita ang kanilang GrandMa na papanhik sa stage na kasama si Mr. Tirso Cruz,” pahayag ni Divina Valencia.


Ipinunto rin niya na ang excuse na ibinigay ng FAMAS ay napaka-narrow. It’s a big BS para lamang makagawa umano ng palusot matapos nilang saktan ang damdamin ni Ms. Eva Darren kasama ang mga apo na umasa subalit nauwi lamang sa pagkabigo at pagkapahiya.



Isiniwalat din ni Divina Valencia na bawat mesa ay may mga label na may mga pangalan ng mga bisitang dumalo sa show kaya hindi umano katanggap-tanggap ang palusot ng mga organizers na hindi nila nakita sa Ms. Eva Darren kaya napilitan silang palitan ito bilang award presenter.


“Hindi ma-locate eh lahat ng mga artistang dumating, may upuang nakapangalan ng bawat nakaupo?” 


Samantala, naglabas na ng pahayag si Sheena Palad kung saan iginiit niyang hindi naman niya alam na si Ms. Eva Darren pala ang kanyang pinalitan dahil bigla na lamang umano siyang nilapitan ng isang staff at hiningan ng pabor na maging award presenter.



Barbie Imperial, Kasama Si Richard Gutierrez sa Gym

Walang komento


 Laman ng mga usap-usapan sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang ibinahagin larawan ng aktres na si Barbie Imperial kung saan tila ipinakita niyang nagkakamabutihan na sila ng actor ng si Richard Gutierrez.


Marami ang nakapansin sa ipinost na larawan ng aktres na si Barbie Imperial kung saan nag-flex siya ng kanyang gym photo sa gitna ng kontrobersyal na bakasyon nila ni Richard Gutierrez sa South Korea.


Makikita sa photo na ibinahagi ng aktres ang kanyang mirror selfie suot ang kanyang gym outfit subalit ang mas napansin ng maraming mga netizens ang lalaking nasa likod ni Barbie Imperial na pinaghihinalaang si Richard Gutierrez.


Hindi malinaw ang mukha ng lalaki sa larawan na ibinahagi ni Barbie Imperial na naka-headset, sombrero at black sando.


Subalit, kaagad na naghanap ang ilang mga netizens ng larawan ni Richard Gutierrez at ikinumpara sa ibinahaging photo ng aktres.


Sa kabilang banda, marami naman ang pumuna kay Barbie Imperial sa pagpi-flex niya kay Richard Gutierrez sa social media na tila ipinapalabas umano niyang good catch ang actor kahit hindi naman.


May mga nagsasabi pang talagang nagpapabudol ang aktres kay Richard Gutierrez na may isang pakialamerang ina at napakalaking mamas boy.


May mga hayagang pinagsabihan si Barbie Imperial na wala nang nakitang ibang lalaki at pumatol na sa lalaking pamilyado.


Nauna na rito, ang pagkalat ng mga larawan nina Barbie Imperial at Richard Gutierrez na magkasang nagbabakasyon sa South Korea.


Sa ngayon ay hindi pa naman nagbibigay ng pahayag sina Barbie Imperial at Richard Gutierrez na siyang maglilinaw kung ano ang totoong relasyon nilang dalawa.





Aktor Paborito Ng Abs Cbn Management

Walang komento


 Mainit na pinag-uusapan ngayon ang TV-host, actress na si Anne Curtis matapos lumabas ang balitang gagampanan niya ang papel ni Ko-Moon Young sa Philippine adaptation ng hit South Korean series na It's Okay Not To Be Okay na magsisilbi rin bilang comeback teleserye ng aktres sa pag-arte.


Kaagad itong sinang-ayunan ng maraming mga netizens dahil talaga namang nababagay para sa aktres ang nasabing role kung saan gaganap siya bilang children book writer na original na ginampanan ng South Korean star na si Seo Yea-ji.


Hindi na rin mahihirapan ang aktres na maging fashionista na ni-rerequire ng kanyang role dahil kaya naman ni Anne Curtis na makipagsabayan sa mga fashion icons.


Sa kabilang banda, tila hindi naman nagugustuhan ng ilang mga netizens ang aktor na ipinareha kay Anne Curtis sa Philippine adaptation ng It's Okay Not To Be Okay na gaganap sa papel ni Moon Gang-tae na gagampanan ng aktor na si Joshua Garcia.


Bagama't may mga sumang-ayon at nasiyahang nakuha ni Joshua Garcia ang role, marami rin ang napaismid at sinasabing hindi naman nababagay kay Joshua Garcia ang nasabing role.


Hindi rin napigilan ng ilang mga netizens na pagkumparahin ang mga katangian nina Joshua Garcia at highest paid Korean actor na si Kim Soo-Hyun mula sa pisikal na katangian at sa kanilang mga style sa pag-arte.


Ayon sa ilang mga netizens, bagama't parehong gwapo ang dalawang aktor subalit, tila nakakasawa naman umanong tingnan si Joshua Garcia hindi katulad ni Kim Soo-Hyun na tila palaging fresh look ang dating at hindi umano nakakaumay tingnan.


May mga nag-request pa sa ABS-CBN na kung maari ay palitan na lamang si Joshua Garcia sa Philippine adaptation dahil marami pa namang mga aktor na nababagay sa role, bukod pa rito tila nagiging overused na rin ngayon ang aktor sa sunod-sunod na proyekto nito.


May mga nagsasabi pang napaghahalataan nang may favoritism ang ABS-CBN at talagang binalik-balikan ang aktor sa pagbibigay ng mga projects.



Sa ngayon ay hindi pa naman naglalabas ng pahayag ang ABS-CBN hinggil sa mga kahilingan ng ilang mga netizens.



Kris Aquino Lumakas Ang Loob Dahil Sa Hindi Inaasang Mensahe Sa Kanya Ng Mga Mommies

Walang komento


 Isa sa mga pinakamasasayang ina nitong nakaraang mother's day ang Queen of All Media na si Kris Aquino na hanggang ngayon ay patuloy pa ring humihingi ng dasal mula sa mga netizens para tuluyang gumaling sa kanyang mga karamdaman para makasama pa ng matagal ang kanyang mga anak na sina Josh at Bimby.


Nitong nakaraang Mother's day talagang na-overwhelmed si Kris Aquino sa mga natatanggap niyang mensahe ng encouragement mula sa kanyang mga tagahanga na kahit ngayong hindi na siya aktibo sa showbiz ay patuloy paring sumusuporta sa kanya.


Sa ngayon ay hindi na maaring bumalik sa showbiz industry si Kris Aquino kahit bubuti ang pakiramdam nito dahil hindi na umano kaya ng katawan ng dating aktres ang stress, matagal na oras ng trabaho at ang puyatan.


Marami ang humahanga kay Kris Aquino hanggang ngayon dahil bukod sa pagiging magaling nitong aktres at TV host, ipinakita rin ni Kris Aquino sa publiko ang isang matatag na ina na kayang itaguyod ang kanyang mga anak.


Hinangaan rin si Kris Aquino dahil sa kanyang maayos na pagpapalaki sa kanyang mga anak kahit pa nasa gitna siya sa pakikipaglaban sa kanyang mga karamdaman.


Narito ang ilang mga mensahe ng mga netizens para sa Queen of All Media na si Kris Aquino.


"May your love for your children along with your fervent faith supply each of the cells in your body with more than enough healing properties to allow you to get through this health challenge, Ms Kris. Happy Mother’s Day!"


"Happy Mother's Day, Ms @krisaquino! We have not stopped praying and pleading to God on your behalf. May God continue to grant you courage and willpower to keep on fighting and trusting God whose graces are unlimited and abundant"


"Happy Mother’s Day to our second mom! Thank you for everything you do and you endure just to get healthier. We are sooo proud of you. We’re constantly praying for you and your loved ones. Hope you’re getting better. I love you forever our MK @krisaquino"


Catriona Gray Hindi Nagpakita Sa Birthday Party Ni Sam Milby!

Walang komento


 Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbibigay ng pahayag sina Sam Milby at Catriona Gray patungkol sa status ng kanilang relasyon matapos maisyung tuluyan na silang naghiwalay.


Lalong lumakas ang mga bulong-bulungan na totoong naghiwalay na ang celebrity couple na sina Catriona Gray at Sam Milby nang napansin ng mga netizens na wala ang Miss Universe 2018 na si Catriona Gray sa 40th birthday party ng aktor.


Napansin ng fans ng celebrity couple na wala ang presensya ni Catriona Gray sa surprise party ni Sam Milby sa Manila House Private Members Club sa Taguig City, kung saan naroon ang  pamilya at malalapit na kaibigan ng aktor sa nasabing event.


Kumakalat ngayon sa ilang mga social media platforms ang mga larawan, na ibinahagi ng talent management ng ABS-CBN na Star Magic at photography studio na Nice Print Photography, kung saan makikita ang aktor-singer na nakikisalamuha sa mga bisita sa isang private dinner.


Kabilang sa mga celebrity na inimbitahan sa birthday party ni Sam Milby ay ang mga kilalang kaibigan nito sa showbiz na sina John Prats at Gerald Anderson.


Dahil hindi namataan ang beauty queen na si Catriona Gray na kasama ni Sam Milby sa kaarawan nito, marami sa mga netizens ang lalong naghinala na talagang tinapos na nila ang kanilang relasyon na noon pa man ay napapabalitang on the rocks na.


Ipinagdiriwang ang birthday party ni Sam Milby ilang araw matapos ang pagbubura ni Catriona Gray sa kanilang engagement photos kasama si Sam Milby mula sa kanyang Instagram account. 


Sa kabila nito, patuloy pa rin namang makikita sa Instagram account ng aktor ang mga larawan nila ni Catriona Gray at ang kanilang engagement photos.


Matatandaaang unang pumutok ang balitang naghiwalay na sina Catriona Gray at Sam Milby nang kumalat sa social media ang mga larawan ng beauty queen na hindi na suot ang singsing na ibinigay ni Sam Milby.


Kinumpirma rin noon ng kinabibilangan nilang talent management na totoong may pinagdadaanan ang kanilang relasyon na pilit nilang inaayos sa ngayon.



Marian Rivera Ganito Reaksyon Natameme Sa Kilig Ng Makasama Sina Alden Richards at Kathryn Bernardo

Walang komento


 Mainit na pinag-uusapan ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang ibinahaging larawan ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes kasama ang iba pang magagaling na actor at actress sa showbiz industry ng bansa sa naganap na 72nd FAMAS Awards Night noong Linggo, May 26, 2024.


Kasama ni Dingdong Dantes sa kanyang ibinahaging larawan sina Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, Asia's Multimedia star na si Alden Richards, at ang mga Kapamilya stars na sina Kathryn Bernardo, Coco Martin at Kathryn Bernardo.


Makikita rin sa nasabing mga larawan ang masayang pag-uusap nila sa backstage ng FAMAS.


Sa iba pang mga larawan makikita ang pakikipagbonding ni Dingdong Dantes sa kapwa niya magagaling na actor na kinabibilangan nina Coco Martin, Piolo Pascual at Sen. Robin Padilla.


Muli ring nagkasama sina Marian Rivera at Kathryn Bernardo na dati nang nagkasama sa iisang teleserye ng gampanan ni Kathryn Bernardo ang younger version ng batang si Jenny na karakter ni Marian Rivera sa Philippine adaptation ng Endless Love sa GMA.


Sa FAMAS awards night, inuwi nina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang Bida Sa Takilya awards para sa kanilang comeback movie na Rewind.


Nuling naitanghal bilang Best Actress si Kathryn Bernardo, habang Best Actor naman sina Piolo Pascual sa kanyang pagganap sa pelikulang Mallari at  si Alfred Vargas para naman sa kanyang pagganap  sa Pieta.


Pinusuan ng maraming mga netizens ang ibinahaging larawan ni Dingdong Dantes dahil minsanan lamang umano na nakikita sa iisang frame ang magagaling na mga actor at actress sa industriya na magkakasama in one frame.


Samantala, marami naman ang nakapansin na tila kinilig si Marian Rivera nang makita niyang magkasamang dumalo sina Kathryn Bernardo at Alden Richards.


Sa isang larawan tila tinutukso pa ni Marian Rivera si Kathryn Bernardo kay Alden Richards na labis na kinakikiligan ng maraming mga KathDen fans.


Siya Pala Yung Ipinalit Kay Ms. Eva Darren Sa FAMAS! Sheena Palad Nagsalita Sa Nangyari

Walang komento


 Maraming mga netizens at celebrities ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa nangyaring aberya sa Filipino Academy of Movie Arts and Sciences Awards kung saan dapat ay ang beteranang aktres na si Eva Darren ang magpi-present ng mga awards kasama ang batikang aktor na si Tirzo Cruz III subalit bigla na lamang siyang pinalitan ng isang young singer na si Sheena Palad.


Kaagad itong umani ng samu't-saring reaksyon mula sa mga netizens lalo na nang ipahayag ng mga anak ni Eva Darren ang kanilang pagkadismaya sa pamunuan ng FAMAS dahil sa last minute na pagpapalit sa kanilang ina na gumastos ng malaki at matagal na pinaghandaan ang nasabing event.


Sa kanyang social media post, isiniwalat niya ang kanyang pagkadismaya sa natanggap na pagtrato sa kanilang ina na matagal na pinaghandaan ang event.


“Mom was excited, bought the best dress and pair of heels she could afford and topped that with a nice package of hair and make up for the gala. During the event, she brought along three of her very proud grandkids. With a price tag of P5,000 ($90) per plate for four people, needless to say, it was not a cheap evening. It was all worth it though. After all, the last time she was on stage during a FAMAS awards night was back in 1969 when she received the coveted “Best Supporting Actress Award” for her role in the movie ANG PULUBI (The Beggar) opposite legendary actress Charito Solis,” pahayag niya.


“After the glitz and glamour shots with air-cheek-kisses and what not, everyone eventually took their seats and the awarding commenced. During the point where she was supposed to present an award, her partner, Mr. Tirso Cruz III went upstage with an upcoming young singer instead. Not my mom,” dagdag pa niya.


Kaagad naman itong umani ng samu't-saring komento at reaksyon mula sa mga netizens na nagsasabing kawalan ng respeto ang ginawa ng mga staff ng FAMAS laban sa batikang aktres.


Hindi rin napigilan ng ilang mga netizens na batikosin ang baguhang singer na si Sheena Palad sa kanyang pagpapalit kay Eva Darren at sa kawalan umano nito ng respeto.


Kaagad namang naglabas ng pahayag ang singer kung saan iginiit niyang hindi niya alam na si Eva Darren pala dapat ang magpi-present ng award dahil bigla na lamang umano siyang nilapitan ng isang staff ng FAMAS at humiling ng malaking favor sa kanya na magpresent ng mga awardees gayung naroon lamang siya para magperform.


“Pinuntahan po ako ng staff sabi niya ‘Sheena can we ask a big favor from you?’ sabi ko ‘Yes, what’s that?’ tapos ang sabi niya ‘Can you present the award’ sabi ko ‘okay sige, no problem’ that’s it, ‘yun lang po ang alam ko,” pahayag nito.


“Hindi ko po alam na si Miss Eva ‘yung magpe-present [ng award]. Sa totoo lang po I’m also clueless, hindi po kasi ako nanonood ng awards night, I was at the holding area so hindi ko po alam kung paano mag-present,” dagdag pa niya.


Humingi na rin naman ng paumanhin ang FAMAS kay Eva Darren at sa pamilya nito kung saan inihayag nila na ang dahilan kung bakit biglang napalitan si Miss Eva ay dahil nahirapan ang kanilang staff na mahanap ito nang papaakyatin na sa stage ang mga presenter.

MUPH 2024 Chelsea Manalo Nagsalita sa Pagtawag sa Kanya ng BALUGA ng Direktor na si Ronaldo Carballo!

Walang komento

Nagbigay na ng pahayag ang Miss Universe Philippines 2024 na si Chelsea Manalo patungkol sa mga taong hindi nasiyahan sa pagkakatanghal niya at sa pagtawag sa kanya na baluga ng isang writer-director na si Ronaldo Carballo.


Tila sinagot na ng Miss Universe Philippines 2024 na si Chelseaang pagtawag sa kanyang 'baluga' ni Ronaldo Carballo matapos maitanghal na Miss Universe Philippines kung saan siya ang ipapadala ng bansa na representative sa darating na Miss Universe 2024 sa Mexico.


Hindi nagustuhan ni Ronaldo Carballo ang naging resulta ng Miss Universe pageant dahil natalo ni Chelsea Manalo na kandidata mula Bulacan ang kandidatang kanyang sinusuportahan kaya naman hindi nito napigilan na maglabas ng kanyang saloobin kung saan ipinahayag niya ang kanyang pagkadismaya.


Kaagad naman siyang binatikos ng maraming mga netizens at inihayag ang kanilang pagsalungat kay Ronaldo Carballo dahil sa pang-ookray niya kay Chelsea Manalo.


Samantala, nagbigay naman ng pahayag si Chelsea Manalo sa kamakailang panayam sa kanya matapos maitanong kung ano ang kanyang reaksyon sa mga taong nang-ookray sa kanya at duda kung maiuuwi ba niya ang ikalimang korona ng Miss Universe sa bansa.


Ayon kay Chelsea Manalo, nirerespeto niya ang mga opinyon ng ibang tao laban sa kanya kahit pa ang mga masasakit na salita na ibinabato sa kanya. Ipinahayag rin niya ang kanyang pasasalamat sa kanyang pamilya sa ipinakitang pagsuporta sa kanya.


Nagpapasalamat din si Miss Universse Philippines 2024 Chelsea Manalo sa mga taong naniniwalang kaya niyang manalo at mag-stand out sa lahat ng mga delegates mula sa iba't-ibang bansa.


Dahil sa naging pahayag na ito ni Chelsea Manalo, lalo siyang hinangaan ng maraming mga netzies dahil sa pagpapanatili ng positive vibes at hindi pagpapaapekto sa mga natatanggap na pambabatikos at panghuhusga ng ilang mga kapwa Pilipino.




 

Andi Eigenmann Nagsalita Na Sa Flirting Incident Ni Philmar Alipayo Sa Tiktoker Na Si Crissa Liaging

Walang komento


 Nagbigay na ng pahayag ang dating aktres na si Andi Eigenmann ang isyung bumabalot sa kanyang kasintahang si Philmar Alipayo, na kamakailan ay namataan na nakikipag-usap sa isang babae.


Sa Instagram Stories, sinabi ng dating aktres na nakabase na ngayon sa Isla ng Siargao na wala siyang nakikitang anumang 'harm' sa ginawa ni Philmar Alipayo na pakikipag-usap sa ibang babae.


Iginiit ni Andi Eigenmann na wala siyang nakikitang masama sa paglabas-labas ni Philmar Alipayo kasama ang mga kaibigan nito at ang paminsan-minsang pag-inom. Inilahad rin niya na hindi naman niya pinagbabawalan si Philmar Alipayo na makipag-usap sa kahit na sino.


“He can go out with his friends, go drinking every once in a while, and chat with whoever he wants. No harm in that,” pahayag ni Andi Eigenmann.


Inihayag pa ni Andi Eigenmann na doon na nagiging shameful ang mga pangyayari dahil sa pagpopost ng video at pag-eedit nito upang mag-cause ng hindi pagkakaunawaan.


“What's shameful is purposely posting and editing a video to cause a stir, disturbing the peace of people and dragging them into their negativity, just for some social media attention,” dagdag pa nito.


Nag-ugat ang pagkalat ng nasabing video dahil inupload ito ng mismong babae sa video na si Crissa Liaging. Makikita siya sa nasabing video na nakikipag-usap at nakikipag-hang-out sa professional surfer na nakita niya habang nagbabakasyon sa Siargao.


Ilang sandali matapos maglabas si Andi Eigenmmann ng kanyang pahayag, naglabas rin ng sariling pahayag si Crissa, na itinanggi ang tsismis sa pagitan nila ni Philmar Alipayo.


“Hindi totoo ang inyong iniisip at hindi totoo ang mga naglalabasang isyu sa social media. Alam ko mga kaibigan na mali ko, ako rin ang naglaglag sa aking sarili,” pahayag ni Crissa Liaging.


Inamin din niya ang kanyang kasalanan at panghihinayang sa pag-post ng video ng pag-uusap nila ni Philmar Alipayo, at itinanggi rin niya na may flirting na naganap sa kanilang pagitan.


“Walang flirting na nangyari dahil nasa public place kami. At hindi ko rin ma-please si Philmar the way siya tumingin at mag-act sa akin. Ang mali ko lang talaga mga kaibigan, hindi ako dumistansya,” paglilinaw niya.


“Pero ‘yang sinasabi n’yo na lumalandi ako, hindi ako lumandi dahil alam kong pamilyadong tao siya. Ang sa akin lang mga kaibigan, masyado akong na-overwhelm dahil hindi ko inakala na kilala din pala niya ako at 'yung conversation namin ni Philmar, wala kaming ibang topic nu’n, about lang sa isa niyang kasama na surfer," dagdag pa niya.




Napakasaklap Ng Sinapit Ni Lie Reposposa Pinoy Big Brother Housemate

Walang komento

Lunes, Mayo 27, 2024


 Nilinaw na ng dating Pinoy Big Brother housemate na si Lie Reposposa ng mga katanungan ng maraming mga netizens kung ano ang dahilan ng labis na pagbababa ng kanyang timbang.


Sa kanyang Facebook account, inamin ni Lie Reposposa ang kanyang dinaramdam na sakit na nagging dahilan kung bakit nagging ganoon na lamang ang pagbagsak ng kanyang katawan.


Pinabulaanan din niya ang mga usap-usapang nabuntis siya ng kanyang fiancée at kung ano-ano pang mga isyu.


"Madaming nagtatanong at nagulat bakit sobrang payat ko na losyang tignan mas maganda kung mataba ako pero nagka PTB at anemia po ako mahirap gumalaw at mahina yong katawan ko pati paglakad minsan kailangan ng alalay dahil parang matutumba ako at wala din akong ganang kumain parang malapit na mag byebye kapagod mag we’ll miss you nalang kayo ng advance para malaman ko sino talaga may paki sakin joke lang hahahhaha laban," pagbabahagi ni Lie.

 

Dagdag pa niya, "pero gusto ko lang din po sabihin na hindi po talaga ako buntis sinasabayan ko lang po yong mga taong nag sasabing buntis ako sorry po sa mga nag expect at napaniwala ko hehe yun lang Godbless"


Kaagad namang bumuhos ang mensahe ng pakikisimpatya kay Lie Reposposa at marami ang humiling na sana ay tuluyan na itong gumaling mula sa kanyang mga karamdaman para muling manumbalik ang lakas sigla unti-unting maging maayos muli ang katawan nito.


Gayunpaman, hindi pa rin nakaligtas si Lie sa mga pambabatikos ng ilang mga netizens dahil may isang nagkomento sa pag-order ni Lie ng chicken sa isang fast food chain.


Nagkomento ang nasabing netizens na sana ay tulungan naman umano ni Lie ang kanyang mga magulang na makapagbayad ng utang.


Tila dito na sumabog ang inis ni Lie Reposposa at isiniwalat sa publiko ang kanyang hinanakit sa kanyang mga magulang.


Ayon sa kanya, nakakapagod ang maging isang bread winner, noong una ay nais lamang niyang tumulong subalit kalaunan ay naging obligasyon na umano niya ang lahat. Binuhay at tinaguyod naman umano niya ang kanilang pamilya subalit ang masakit sa tuwing may hindi siya naibigay ay ipinapalabas ng mga ito na siya ang masama. Ang mas masakit pa sarili niyang ina ang nag-chichismis sa kanya.


Isiniwalat din ni Lie na binilhan niya nitong taon lamang ng farm ang kanyang mga magulang dahil ito ang request sa kanya. Siya rin umano ang nagbabayad sa tubig at kuryente. 


Subalit noong nagbigay umano siya ng 12k ay ginamit ng mga ito sa iba ang pera dahilan para magdoble-doble ang mga bills ngunit siya pa rin ang nagbabayad sa huli.


Ipinagdiinan din niya na matagal na niyang nabayaran ang mga utang ng kanyang mga magulang subalit sa hindi malamang dahilan ay nangungutang pa rin ang mga ito gayung nagbibigay naman siya ng pang-groceries.


Aminado si Lie na malaki ang tampo niya sa kanyang mga magulang subalit alam umano niyang maayos pa rin nila ito balang araw.



Vice Ganda Kinumpirma Na Talagang Niloko Si Kim Chiu Ni Xian Lim

Walang komento


 Muli na namang nagpasaring ang Unkabogable Star at It's Showtime host na si Vice Ganda sa isa sa mga naging ex ni Kim Chiu sa kamakailang episode ng kanilang noontime show sa segment na Expecially For You.


Sa kamakailang episode ng It's Showtime sa kanilang pinag-uusapang segment na Expecially For You, naisingit ni Vice Ganda ang isang mensahe para kay Kim Chiu.


Habang nagkukwento ang kanilang mga contestant patungkol sa nangyari sa kanilang relasyon at kung naniniwala ba ang mga ito sa compatibility ng mga zodiac signs.


Napasingit si Kim Chiu at sinabi niyang paborito rin niya ang astrology subalit ay bigla na lamang sinabi ni Vice Ganda na ang katagang 'tingnang naloko ka din' habang tinitingnan si Kim Chiu.


Tila nagulat naman si Kim Chiu sa panrerealtalk ni Vice Ganda sa kanya subalit natawa na lamang ang aktres nang mapagtantong may katotohanan naman ang hugot nito.


Bagama't walang pangalan na binanggit si Vice Ganda, marami ang naghinala na ang totoong pinatutungkulan ni Meme Vice ay walang iba kundi ang latest ex boyfriend ni Kim Chiu na si Xian Lim.


Dahil sa pahayag na ito ni Vice Ganda, marami ang nagsasabing pahiwatig na ito ng kampo ni Kim Chiu upang malamang totoo talaga ang panloloko ni Xian Lim kay Kim Chiu.


Kung totoo mang hindi pa sila ni Iris Lee noong may relasyon pa sila ni Kim Chiu, maaring nag-umpisa na silang naging malapit sa isa't-isa at unti-unting nahuhulog ang kanilang mga loob lalo na at nagkakasama sila sa trabaho.


Hindi pa man sila magkarelasyon ay maituturi na rin umano itong cheating dahil may nagugustuhan nang iba kahit nasa isang relasyon pa.



Anjo Yllana Sinagot Ang Paratang Ni Sheryl Cruz Na Nakabuntis Ng Iba Habang Ikakasal Sila

Walang komento


 Nilinaw na ni Anjo Ylanna ang naging relasyon nila ni Sheryl Cruz matapos nitong ihayag ang kanilang relasyon ng dating Eat Bulaga host sa panayam ni Boy Abunda noong May 23, 2024.


Matatandaang ibinunyag ni Sheryl Cruz sa Fast Talk with Boy Abunga na engaged na siya noon kay Anjo Yllana, ngunit hindi natuloy ang kanilang kasal dahil nakabuntis ng ibang babae si Anjo.


Gayunpaman, iginiit ni Anjo Yllana na hindi ang pakikipagrelasyon niya sa ibang babae ang naging dahilan kung bakit tinapos niya ang relasyon nila ni Sheryl Cruz noon.


Ayon sa kay Anjo Yllana, hiwalay na sila ni Sheryl Cruz nang magka-girlfriend siya noon.


“Wala na kami noong nakipag-cool off ako sa kanya, pero hindi ko alam kung nagpunta siya sa Amerika. Basta ang alam ko, nung meron akong bagong girlfriend, wala na kami ni Sheryl,” pag-amin ni Anjo Yllana.


“Hindi ko alam kung nagpunta siya sa States dahil masama ang loob niya dahil nga may girlfriend na ako. Ang problema ko noon, nabuntis ko ang girlfriend ko, pero break na kami ni Sheryl,” dagdag pa niya.


Sa kaparehong panayam, inamin rin ni Anjo Yllana na hindi niya maaaring pakasalan si Sheryl Cruz dahil sa kanyang mga responsibilidad noong panahong iyon.


“Inaalagaan ko pa noon yung mga kapatid ko kasi ako nga ang panganay. Nag-aaral pa sila. Yung tatay ko, baldado,” saad ni Anjo Yllana.


“Sabi ko, ‘Ready na ba ako?’ Saka bubukod na ako, paano ang pamilya ko? Kasal yan, e. Siyempre kapag in love kayo, masarap pag-usapan. Love ko naman siya, love niya ako, kaya lang ready na ba ako? Bigla akong nag-isip,” paglilinaw nito.


Sa ngayon ay hindi pa naman naglalabas ng anumang pahayag si Shery Cruz patungkol sa pagsisiwalat na ito ni Anjo Yllana.



Jimmy Santos Naging Mang-UULING Na Rin!

Walang komento

Nag-viral sa social media ang dating Eat Bulaga host na si Jimmy Santos matapos niyang subukang maging charcoal maker.


Sa kanyang vlog, ipinakita si Jimmy na may dalang mga sako ng uling bilang bahagi ng kanyang misyon na subukan ang mga trabaho ng ordinaryong tao.


Upang malaman ang paraan sa paggawa ng uling at maipakita niya ito ng maayos sa kanyang dokumento, pumunta si Jimmy Santos sa Angeles City upang malaman kung paano ito ginagawa at kung ano-ano ang proseso ng pagggawa nito.


Sinubukan ni Jimmy Santos kung paano pinoproseso ang kahoy upang maging uling at sinubukan pa niyang dalhin ito sa pagbebentahan.


Sa kabilang banda, nilinaw din naman niya na ang pagsubok sa iba't ibang trabaho ay bahagi lamang ng kanyang content creation, at hindi siya nahaharap sa financial problems mula nang umalis sa Eat Bulaga.


Umani ng papuri mula sa mga netizens ang mga dating Dabarkads dahil sa content na inilalathala niya sa social media.


Narito ang ilang komento ng mga netizens patungkol sa mga ibinabahaging vlogs ni Jimmy Santos.


"ito ;lang yung VLOG ng isang artista na may sense, walang masakit na  prank, walang insulto, walang nudity para maka gain ng views,subs at RESPETO..Mabuhay po kayo sir Jimmy Saints."


"Others say: Naghihirap na sya

But for me: Ineenjoy nya lang buhay nya kasi patanda na siya, this is the best way to enjoy life out of showbiz.  Idol jimmy santos keep healthy and godbless."


"Walang kupas Ka tlaga sir Jimmy saints. Nakaka aliw Ka at very educational and entertainment and ibinabahagi mo sa Amin. Mabuhay Ka and God bless you!!!"


Sa kabila ng paglilinaw ni Jimmy Santos na for the content lamang ang ipinapakita niyang trabaho hindi pa rin maiiwasan na may mga netizens pa rin ang nagsasabing tila naghihirap na umano ngayon ang dating Eat Bulaga hosts.



 

Madlang Pipol Pumalag, Karylle Huwag Gawing Saling Pusa Sa Its Showtime

Walang komento


 May panawagan ang maraming mga madlang pipol lalong-lalo na ang mga tagahanga ng actress, singer at TV host na si Karylle sa mga staff ng It's Showtime na sana ay mabigyan naman ng mas mahabang exposure ang nasabing host ng show.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na isa si Karylle sa mga pioneer host ng It's Showtime subalit, tila napag-iiwanan naman umano ito sa ibang kasabayan niyang mga hosts.


Marami ang nakapansin na tila nagiging saling-pusa na lamang si Karylle sa show at marami ang nagsasabing napakaikli lamang ng ibinibigay na  nilang exposure kay Karylle at tila mas binibigyan pa umano ng importansya kaysa rito ang mga baguhang host na kagaya nina Ion Perez at iba pa.


Hiling ngayon ng mga tagahanga ni Karylle na sana naman ay bigyan siya ng mas mahabang oras at ipantay sa mga kasabayan niyang hosts na sina Vice Ganda, Vhong Navarro, Kim Chiu at Amy Perez para kahit papaano ay hindi naman ito maging saling pusa sa It's Showtime.


Matatandaan na hindi naman ito ang unang pagkakataon na umalma ang mga fans ni Karylle sa natatanggap na pagtrato sa aktres sa nasabing show. Una na rito ang pagpuputol ni Vice Ganda sa mga sasabihin ng aktres at pinagtatawanan pa.


Ilang beses na ring napansin ng mga netizens na palaging inilalagay lamang sa gilid si Karylle at nabibigyan lamang ng exposure sa tuwing absent ang ibang mga hosts.


Sa kabilang banda, marami naman sa mga fans ni Kim Chiy ang umalma rito at iginiit na hindi naman kasalanan ng aktres kung siya ang binibigyan ng mahabang oras dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na mas maraming fans at mas matunog ang pangalan ngayon ng aktres na si Kim Chiu.




Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo