Ogie Diaz May Isiniwalat Tungkol Sa FAMAS Hindi Deserving Ang Ibang May Award!

Walang komento

Biyernes, Mayo 31, 2024


 Pinuna ng kilalang talent manager at showbiz reporter na si Ogie Diaz ang mga organizer ng FAMAS matapos nilang palitan ang beteranang aktres na si Eva Darren bilang presenter sa huling minuto ng event.


Sa kanyang Facebook post, ipinahayag ni Ogie Diaz na mahirap paniwalaan ang paliwanag ng FAMAS na hindi nila mahanap si Eva Darren sa venue, sa kabila ng testimonya ng ilang bisita na nakaupo malapit sa stage ang beteranang aktres sa buong duration ng event.


“Sabi ng FAMAS spokesperson ba ‘yon? Hindi raw ma-locate ang seat ni Ms. Eva Darren, kaya nagkaroon ng last minute replacement sa stage. Sorry for my word, put—ina naman, sa tanda naman ni Ms. Eva, saan naman kaya siya pupunta? Nagte-table hopping ba siya? Nagyosi sa backstage? Nag-jog sa Quirino Grandstand? Namamasyal sa Luneta? Mga palaka kayo!” saad ni Ogie Diaz.


Ipinahayag rin ni Ogie Diaz na hindi na siya nagulat sa nangyari kay Ms. Eva Darren sa FAMAS ngayong taon dahil nabalitaan din niya na ang ilan sa mga parangal ay naiimpluwensyahan ng mga sponsor nito.


“Samantalang me nakapasabi sa akin (kayo nang mga taga-riyan ang sumagot kung true), binigyan n’yo ng award ang ilang hindi naman karapat-dapat magka-award porke nag-sponsor lang nang malaki. True ba? Tapos, inabala n’yo ‘yung matandang nirerespeto sa industriya para lang mabastos sa Gabi ng Parangal?”


Sa kabilang banda nauna nang nagbigay ng pahayag ang head organizer ng FAMAS kung saan iginiit niyang hindi talaga nakita ng kanilang staff si Ms. Eva Darren sa audience dahilan para mapilitan silang kukuha ng bagong presenter, ito'y matapos ihayag ng maraming mga tao roon na nasa harap lamang si Ms. Eva Darren at may mga pangalan naman na nakasulat sa kanilang mga inuupuan.



Dominic Roque Nagsampa Ng Cyber Libel Kay Cristy Fermin

Walang komento

Nagsampa ng kaso laban kay Cristy Fermin ang modelong si Dominic Roque sa Pasig City Office of the Prosecutor dahil sa mga mapanirang pahayag ng beteranong kolumnista laban sa kanya.


Ayon sa mga paratang ni Dominic Roque laban kay Cristy Fermin, naglabas ang kilalang kolumnista ng hindi makatotohanang pahayag laban kay Dominic Roque sa kanyang online show na “Showbiz Now Na,” sa gitna ng mainit ng usapin tungkol sa breakup nila  ng Kapuso actress na si Bea Alonzo.


Matatandaang sinabi ni Cristy Fermin na ang condo ni Dominic Roque ay pagmamay-ari ng isang lalaking politiko na malapit sa modelo. Iginiit pa noon ni Cristy Fermin na hindi siya hihingi ng tawad kay Dominic Roque.


“Hindi ako hihingi sa iyo ng patawad. Ni paumanhin ipagdadamot ko dahil kahit minsan, hindi ko sinabi na si Dominic Roque ay nakatira sa isang condo unit na pag-aari ng isang baklang politiko,” pagpapahayag noon ni Cristy Fermin.


Iginiit din ni Cristy Fermin na napakaselan lamang ni Dominic Roque gayung isa itong public figure na tinitingnan ng maraming mga tao sa mundo ng showbiz sa bansa at sinusundan ng marami ang nangyayari sa kanyang buhay.


“Ngayon, Dominic Roque, napakaselan mo, napaka-sensitibo mo. Public figure ka pero lumalabas dito sa iyong pinalabas na opisyal na pahayag sa pamamagitan ng iyong mga abogado, na ayaw mong may naririnig at nababasa na para sa iyo ay hindi kagandahan na kwento,” paghayag ni Cristy Fermin.


Dagdag pa ni Cristy Fermin, “Unang-una, public figures kayo, wag na natin gamitin yun public property dahil may sarili rin kayong buhay na dapat itira kahit kudlit lang para sa sarili niyo. Pero pigura kayo ng showbiz, public figures kayo, anumang nangyayari sa buhay niyo ay para kayong isda sa aquarium. Tinititigan kayo.”


Bukod kay Dominic Roque kinakaharap din ngayon ni Cristy Fermin ang iba pang kaso ng ibang mga celebrities na sina Bea Alonzo, Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan.



 

Pelikula Ng Sikat Na Love Team Takot Na Ma-Flop!

Walang komento


 Mainit na pinag-uusapan ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang pag-aatubili ng isang baguhang film producer na ipalabas sa mga sinehan ang ginawang pelikula na pinagbibidahan ng isang kilalang loveteam.


Nag-ugat ang takot producer sa pelikulang nagawa at naipalabas na ng aktor sa loveteam na hindi naman masyadong tinangkilik ng manonood.


May mga nagpapayo naman umano sa nasabing producer na ipalabas pa rin sa mga sinehan ang pelikula. Subalit kapag hindi sinuportahan ng maraming manonood, ay maari naman  niya itong ibenta sa streaming app at sa TV network na kinabibilangan ng loveteam.


Bukod pa sa kakulangan ng manonood maari ring mahirapan ang producer na makahanap ng sinehan dahil bago tanggapin ng mga sinehan ang pelikula ay pinag-aaralan muna nila ang makukuhang commercial viability nito.


Kung sa mga online streaming naman ito ipapalabas ay kikita lamang ito ng kaunti pero mas mabuti na rin iyon kaysa sa wala talaga.


Gayunpaman, ang malaking hamon naman rito ay ang pagpapalabas rin ng mga online streaming apps ng mga pelikula mula sa ibang bansa na mas tinatangkilik ng mga Pilipino kaysa sa mga local na pelikula na ginawa ng bansa.


Kaagad naman nagbigay ng samu't-saring  opinyon ang ilang mga netizens patungkol sa dahilan kung bakit hindi tinatangkilik ang mga pelikulang gawa ng bansa.


Ayon sa opinyon ng maraming mga netizens na nasa kalidad ng mga pelikula ang dahilan at ang uri ng storya nito kumpara sa pelikulang inilalabas sa ibang bansa.



Philmar Alipayo Bumabawi Ngayon Kay Andi Eigenmann, Nagpost Ng National Couple Day!

Walang komento


 Philmar Alipayo bumabawi sa kanyang partner na si Andi Eigenmann matapos kumalat ang isyung may nakalandian siyang content creator sa Isla ng Siargao.


Sa gitna ng kontrobersiyang kumakalat ngayon sa pagitan ng pakikipaglandian umano ni Philmar Alipayo sa isang content creator na si Crissa Liaging, nagbahagi si Philmar Alipayo sa kanyang social media account ng larawan at video kasama ang kanyang future wife at partner na si Andi Eigenmann bilang pagsunod ng couple day trend.


Tila pinanindigan at ipinakita na ni Philmar Alipayo sa publiko at mga netizens ang kanyang pagmamahal para sa kanyang partner ngayon na si Andi Eigenmann matapos mabatikos dahil sa pagiging happy go lucky nito at sa pakikipaglandian umano sa ibang babae.


Sa Instagram stories ni Philmar, ibinahagi niya ang mga sweet photos nila ni Andi Eigenmann kung saan makikitang pareho silang nakangiti sa kamera para sumabay sa National Couples Day Trend.


Sa caption ng ibinahaging larawan ni Philmar Alipayo, tinawag niyang other half niya si Andi Eigenmann pahiwatig na talagang very happy siya sa relasyon nilang dalawa at para na rin pabulaanan ang isyung ibinabato sa kanya ng ilang mga netizens patungkol sa pakikipaglandian umano niya sa isang content creator at sa pakikipag-party kasama ang kanyang mga barkada.


Inirerepost rin ngayon ni Philmar ang mga social media posts ni Andi Eigenmann para ipakita na rin sa lahat na maayos silang dalawa.


Ayon naman sa ilang mga netizens na talagang bumabawi ngayon si Philmar Alipayo kay Andi Eigenmann dahil kaya todo pagpapakita ito ngayon sa kanyang pagmamahal para sa dating aktres.


Paraan na rin umano ito ngayon ni Philmar Alipayo na pabulaanan ang isyung pambababae niya at pagiging barkadista habang si Andi ay abala sa pag-aalaga sa kanilang mga anak.



Kobe Paras Proud Na Ibinandera Si Kyline Alcantara Sa Kanyang Social Media!

Walang komento


 Very proud na nag-flex ang basketball player na si Kobe Paras ng larawan ni Kyline Alcantara sa kanyang social media account indikasyon na mayroon nang namamagitan sa kanilang dalawa.


Opisyal nang isinapubliko ng basketball player na si Kobe Paras ang kanyang relasyon sa Kapuso actress na si Kyline Alcantara makalipas ang ilang linggo nang kumalat sa social media ang spekulasyon ng kanilang relasyon base sa kani-kanilang mga social media posts.


Sa kamakailang Instagram stories ni Kobe Paras, tila inamin niya ang pagkakaroon nila ni Kyline Alcantara nang irepost niya ang latest update ni Kyline Alcantara sa Instagram account nito, nilagyan pa niya ito ng white heart emoji. Indikasyon ng pagmamahalan nilang dalawa.


Kaagad  naman itong umani ng samu't-saring reaksyon at komento mula sa mga netizens, marami sa mga fans ni Kyline Alcantara ang sumuporta sa kanilang relasyon at masayang may ipinalit na si Kyline sa dating boyfriend na si Mavy Legaspi.


May mga nagsasabi pang talagang perfect ang pagpapalit ni Kyline Alcantara dahil mas pogi ang kanyang ipinalit kaysa sa kanyang naunang boyfriend. Pinupuri rin nila ngayon ang bagong couple dahil bagay na bagay umano ang dalawa.


May mga nagsasabi pang talagang nag-level up na si Kyline Alcantara dahil mula sa baby boy niyang boyfriend noon na si Mavy Legaspi ay ang kanyang ipinalit rito ay isang independent grown up man.


Matatandaan na kahit hindi naman inamin noon nina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara ang kanilang relasyon ay makikita naman ito sa kanilang mga sweet moments ng magkasama subalit nauwi rin lang ito sa masalimoot na hiwalayan dahil umano sa pakikialam ng ina ni Mavy Legaspi na si Carmina Villaroel.




Chie Filomeno, Masaya Sa Uri Ng Relationship Nila Ni Jake Cuenca

Walang komento


 Nakapanayam ng ilang mga entertainment press at ilang mga vloggers ang actress na si Chie Felomino sa kamakailang launching nito bilang kauna-unahang celebrity endoser ng Skeencare na naganap sa Grand Hyatt Manila, Bonifacio Global City noong May 25, 2024.


Kabilang sa mga naitanong kay Chie Felomino ang patungkol sa relasyon nila ni Jake Cuenca.


Ayon kay Chie Felomino, very happy silang dalawa ni Jake Cuenca at masayang-masaya rin siya sa low-key relationship nilang dalawa.


Inilahad rin ni Chie Felomino na siya ang may gusto na gawing lowkey ang kanilang relasyon.


"We're happy, we're really happy, and keeping things low key. Syempre, first time ko rin sa.. siyempre we know na naman na he's already Jake Cuenca."


Ayon pa kay Chie Felomino, na hindi niya gustong makilala dahil lamang sa boyfriend niya si Jake Cuenta at isang insignificant other. Kaya naman masaya siyang nirespeto ni Jake Cuenca ang kanyang desisyon.


Dahil dito, naitanong kay Chie Felomino kung mayroon bang mga limitasyon ang kanilang relasyon sa pagbabahagi sa publiko.


Agad naming inilahad ni Chie Felomino na kahit alam na ng publiko ang patungkol sa kanilang romantic relationship ay nais umano nilang gawing pribado ang ilang mga bagay at detalye nito.


Inilahad rin ni Chie Felomino na ayaw niyang may mga nakikialam sa kanilang relasyon.


Sa ngayon ay talagang napakasaya umano niya dahil sa mga natatanggap niyang blessings at maganda rin ang relasyon niya sa kanyang pamilya at management.


Masayang-masaya rin umano siya sa kanyang lovelife, sa kanyang boyfriend na si Jake Cuenca.




Barbie Imperial Inamin Na Nasa Dating Stage Na Sila Ni Richard Gutierrez

Walang komento


 Kapamilya actress na si Barbie Imperial at Kapamilya actor na si Richard Gutierrez kumpirmadong nasa dating stage na ilang buwan matapos maiulat ang paghihiwalay nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez.


Kinumpirma mismo ng kilalang talent manager at showbiz insider na si Ogie Diaz sa kanyang showbiz oriented vlog sa YouTube na nasa dating stage na sina Barbie Imperial at Richard Gutierrez.


Tila hindi namaitatago pa ang namumuong pagmamahalan sa pagitan nina Richard Gutierrez at Barbie Imperial matapos isiwalat ni Ogie Diaz ang kanilang relasyon sa kamakailang episode ng kanyang showbiz updates vlog.


Matatandaan na kumalat sa social media ang ilang mga larawan nina Barbie Imperial at Richard Guitterez na kuha sa pagbabakasyon nila sa South Korea nitong nakaraan lamang.


Kung pagbabasihan ang mga kumakalat na larawan, makikitang tila nagkakamabutihan na talaga ang dalawa dahil sila lamang na dalawa ang nagbakasyon at nabuking lamang ito dahil sa isang fan na nag-upload ng kanilang larawan sa social media.


Isiniwalat naman ni Ogie Diaz na balak na muna nina Barbie Imperial at Richard Gutierrez na ilihim na muna ang kanilang relasyon, sa katunayan ay hiniling pa nila sa netizen na humingi ng picture nilang dalawa sa South Korea na huwag ikalat ang kanilang larawan.


Subalit hindi nakapagpigil ang nasabing netizen at inupload ito sa social media, bagama't binura rin niya ito ay huli na ang lahat dahil marami na ang nakakuha ng screenshots.


Ayon kay Ogie Diaz, tila nais na muna nina Barbie Imperial at Richard Gutierrez na gawing lowkey ang kanilang relasyon upang makaiwas sa intriga dahil ilang buwan pa lamang ang nakakalipas ng maghiwalay sina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez.


Tila nais na protektahan ni Richard Gutierrez si Barbie Imperial na hindi malabong batikusin ng mga netizens at ituturong dahilan ng hiwalayan nila ng kanyang asawa na si Sarah Lahbati.


Sa kabilang banda, marami naman sa mga netizens ang nagtatanggol sa dalawa at sinabing baka mayroon naman silang mga kaibigan na kasama sa pagbabakasyon na hindi lamang napansin ng uploader dahil hindi kilala ang mga ito sa mundo ng showbiz.



Diwata Nagpapabayad Ng 1500 Para Lang Sa Selfie?

Walang komento


 Nagbigay ng pahayag ang  internet personality na si Diwata sa mga alegasyon na sinisingil na niya ang kanyang mga fans na gustong magpakuha ng picture kasama siya.


Makikita sa isang photo card na nagpapakita ng diumano'y quote mula kay Diwata kung saan nakasulat rito na gusto umano niyang singilin ang mga tao ng P1,500 sa bawat pagkakataon na nagpapaicture sila kasama siya dahil nasasayang lamang ang kanyang  oras na ginugugol niya upang ma-accommodate at mapagbigyan ang kanyang mga tagahanga.


“Puro pa picture hindi naman ako kikita sa inyo! Ito hah, naisip ko lang bawat magpapa picture sakin magbabayad na ng 1500 kada isang tao ng mapakinabangan ko naman pang-iistorbo n’yo!” mababasa sa post nito.


Umani ng iba't ibang reaksyon mula sa mga netizens ang post at nakakuha rin ito ng maraming mga negatibong komento laban kay Diwata dahil sa pagiging mayabang nito magmula nang maging matagumpay ang kanyang paresan business.


Sa kabilang banda, naglabas na ng paglilinaw si Diwata sa isang video kung saan iginiit niyang hindi siya nagpapabayad sa mga taong nanghihingi ng picture sa kanya.


Sinabi rin ni Diwata na ibang tao ang nagbahagi ng nasabing post na ginamit lamang ang kanyang pangalan. Ipinunto pa ni Diwata na hindi naman na niya kailangan pa na maningil sa mga tao dahil maayos naman ang kita ng kanyang business.


Sa isa pang video, sinabi ni Diwata na hindi niya naaaccommodate ang iba pa niyang mga tagahanga at ibang mga content creators dahil abala rin naman siya sa kanyang Negosyo.


Sa kabila ng paliwanag na ito ni Diwata, marami pa rin sa mga netizens ang bumabatikos kay Diwata dahil tila lumaki na ang ulo nito magmula nang makatanggap ng matinding pagsuporta mula sa mga netizens, bloggers at maging ng ilang mga celebrities.


Sapaw Na, It's Showtime Host Pinapapalitan

Walang komento


 Kaagad na nagbigay ng pahayag ang aktres-host na si Kim Chiu kung saan sinagot niya ang panglalait ng isang netizen sa kanyang pagiging host na noontime show na It's Showtime.


Hindi nag-atubili ang isang netizen sa panlalait at pang-ookray kay Kim Chiu sa pagiging host niya sa It's Showtime na ngayon ay umiire na rin sa GMA7, sa kabila ng malaking fan base ng aktres at sa dami ng mga tagasuporta nito.


Kamakailan lamang ay nagbahagi si Kim Chiu ng isang update sa kanyang Instagram account kung saan inilahad niya na papunta na siya sa kanyang hosting job sa It's Showtime.


Kaagad naman itong umani ng samu't-saring komento mula sa mga netizens lalo na ang mga tagahanga ng aktres na labis na itong namimiss sa It's Showtime matapos ang ilang araw ng pag-absent nito.


Subalit, sa gitna ng pagbubunyi ng maraming mga netizens patungkol sa pagbabalik ni Kim Chiu sa It's Showtime may isang netizen na nanglalait kay Kim Chiu at hayagang hiniling sa management na palitan na ito ng ibang mga host na mas magaling umano kaysa rito.


Hiniling din ng nasabing netizen na sana ay si Barbie Forteza ang ipalit kay Kim Chiu sa It's Showtime. Sinabi rin ng nasabing netizen na nakakainis ang pagtawa ni Kim Chiu at sumasapaw rin umano ito sa iba pang mga host ng It's Showtime.


Sa kabila nito, pinili pa rin ni Kim Chiu na sagutin ng mahinahon ang netizen, humingi pa siya ng paumanhin rito at sinabing tao lamang siya kaya siya nagkakamali.


Subalit, hindi pa rin tumigil ang nasabing netizen sa pang-ookray kay Kim Chiu at ipinunto pa nito na hindi naman kabilang si Kim Chiu sa mga main host ng It's Showtime.


Hindi naman ito sinang-ayunan ng mga fans ni Kim Chiu at pinagtutulungan na nila si Kim Chiu.




Danica Sotto Napipikon Na! Muling Nagsalita Tungkol Sa Pambababae Ni Marc Pingris

Walang komento


 Muling nagbigay ng pahayag si Danica Sotto sa mga nang-iintriga sa kanilang relasyon ng kanyang asawa na si Marc Pingris matapos itong iugnay sa aktres na si Kim Rodriguez.


Inamin ni Danica Sotto na hindi niya naiiwasang makaramdam ng pagkapikon sa kumalat na intriga patungkol sa pambababae umano ng kanyang asawa na si Marc Pingris.


Sa kamakailang panayam kay Danica Sotto sa podcast na Updated with Nelson Canlas, ipinahayag ni Danica Sotto na nakapag-move on na sila ni si Marc Pingris sa isyu pero mayroon siyang nais na linawin sa pinagdaanang isyu.


Matatandaan na noong kainitan ng isyu patungkol sa pambababae ni Marc Pingris, nagbahagi ng isang quote patungkol sa betrayal at loyalty si Danica Sotto sa kanyang Instagram stories.


Kaya naman sa nasabing panayam kay Danica Sotto, nilinaw niya kung sino ang pinatutungkulan sa kanyang post.


Ayon kay Danica Sotto, minsan ay nagbabahagi talaga siya ng mga cryptic posts sa kanyang social media accounts kahit wala naman siyang pinapatungkulan subalit sa pagkakataon na iyon ay inamin niyang mayroong pinatutungkulan sa kanyang post subalit ibang tao ito na may kauganayan sa kanilang negosyo. Pinagkakatiwalaan umano nila ito ng labis kaya naman labis silang nadismaya sa ginawa nito.


“I post because I like the quote or sometimes, noong time na iyon, aaminin ko, it was a feeling that I was feeling about someone else, na parang napipikon ako sa isang tao. And that is a person na nangloko sa amin sa negosyo. A person we truly trusted,” pagpapaliwanag ni Danica Sotto.


Inamin rin niya na hanggang ngayon ay pinagdadaanan pa rin nila ang sinasabing pagsubok sa negosyo.


“This tabloid, ang ginawa, kinuha ‘yung quote ko na ‘yun. Sinabi na I'm confirming daw the issue kasi pinapatamaan ko daw si Marc. Pero hindi na ako nagsalita,” sabi pa ni Danica.


Dahil sa naglabasang mga isyu, sinabi ni Danica Sotto na nag-usap sila ni Marc at nagkasundo na hindi na mag-post ng tungkol sa mga quote na maaaring maging iba ang pagkakaunawa ng mga netizens at gawan na naman ng isyu.


“So, parang doon pumasok 'yung communication namin na usap. Tapos ako naman sa side ko, pinagsabihan ko lang siya na, ingat sa mga nakakasama, ingat sa mga pinupuntahan. Minsan kasi, sa'yo wala lang ‘yun, you're too friendly or—hindi friendly, accommodating. Diba? ‘Yung parang, oh, ito chika-chika. Ganoon naman mga basketball player e,” pahayag ni Danica Sotto.


Sa kabila ng nararamdaman niyang pagkapikon inamin rin niya na minsan ay natatawa na lamang siya dahil sa galing ng ibang tao na gumawa ng kwento laban sa kanya at sa kanyang pamilya.




Pamilya Ni Eva Darren, Tinanggap Na Ang Public Apology Ng FAMAS

Walang komento

Miyerkules, Mayo 29, 2024


 Tinanggap na ng pamilya ng beteranong aktres na si Eva Darren ang public apology na ginawa ng organizers ng 72nd FAMAS, na ginanap sa Manila Hotel noong May 26, 2024.


Matatandaan na libu-libong netizens ang nagpahayag ng kanilang pagsuporta kay Eva Darren matapos itong palitan sa huling minuto ng isang ‘younger host’ bilang award presenter sa kabila ng paghahanda ng batikang aktres sa nasabing kaganapan.


“We revered FAMAS and everything it stands for. This is why what happened to my mother, in the eyes of our family, was incomprehensible, unexpected, unimaginable,” pahayag ng anak ni Eva Darren na si Dr. Fernando de la Peña.


Dagdag pa nito, “We also know that Mr. Tirso Cruz III (Veteran actor loved by all, donor of many camping tents when I was a Boy Scout in grade school) and the PR Officer of FAMAS Mr. R (An incredible author and lover of classic cinema), have nothing to do with what happened and just the same, were casualties of someone’s questionable backstage judgment.” 


Bago tanggapin ang paghingi ng tawad FAMAS, iginiit ni Dr. Fernando De la Peña na madaling mahanap ang kanyang ina dahil nakaupo lamang ito sa harap ng stage kasama ang iba pang beteranong aktres na sina Divina Valencia at Marissa Delgado.


“For the reasons I stated above and on behalf of my mother, Ms. Eva Darren, our family accepts the olive branch that FAMAS has extended and only hope that future events would prove to be contrasting,” pagpupunto nito.


“I understand that we are but a small voice in the back row of a rowdy crowd, but if I may humbly, personally, recommend two things for the 73rd FAMAS Awards Night: Please stick to the script and maybe a nice pair of eyeglasses for all in charge,” dagdag pa niya.


Matatandaang sinabi rin ng ‘young singer’ na pumalit kay Eva Darren na clueless siya sa mga huling-minutong pagbabago na naganap sa event.


“Pinuntahan po ako ng staff sabi niya ‘Sheena can we ask a big favor from you?’ sabi ko ‘Yes, what’s that?’ tapos ang sabi niya ‘Can you present the award’ sabi ko ‘okay sige, no problem’ that’s it, ‘yun lang po ang alam ko,” pagbabahagi ni Sheena Palad ang ipinalit kay Eva Darren.


“Hindi ko po alam na si Miss Eva ‘yung magpe-present. Sa totoo lang po I’m also clueless, hindi po kasi ako nanonood ng awards night, I was at the holding area so hindi ko po alam kung paano mag-present,” dagdag pa niya.



Kathryn Bernardo Hindi Nagbayad Para Sa Hapunan Sa FAMAS Awards

Walang komento


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang ilang mga kaganapan sa 72nd FAMAS awards night kabilang na ang hindi pagbabayad ni Kathryn Bernardo ng 5,000 para sa dinner.


Ayon sa mga bulong-bulungan ngayon sa social media ang aktres na si Kathryn Bernardo ay hindi umano nagbayad ng Php 5,000 para sa isang plato ng hapunan sa FAMAS Awards, sa halip ay nanatili lamang sa isang silid ang aktres bago tawagin ang pangalan.


Ang 72nd Filipino Academy of Movie Arts and Sciences Awards o FAMAS awards ay pumukaw ng maraming headline kabilang na ang insidente na kinasasangkutan ni Eva Darren na hanggang ngayon ay mainit pa ring pinag-uusapan sa social media.


Sa isang post ng anak ng beteranang aktres, ibinahagi nito ang nakakadismaya na karanasan ng kanyang ina sa event.


Ayon sa kanya,dumating sa event ang kanilang ina na si Eva Darrens kasama ang tatlo nitang apo na umaasa na makita abuela sa entablado.


Si Ms. Eva Darren ay inimbitahan ng FAMAS bilang isa sa mga presenter sa event. Ayon sa anak ng batikang aktres, nagbayad ang kanilang ng Php 5,000 para sa bawat plato ng hapunan sa nasabing event. Isiniwalat din nito na ang kanilang ina ay kadalasang hindi dumadalo sa mga social event ngunit gumawa siya ng exception sa FAMAS.


Ikinagulat naman ng maraming mga netizens ang rebelasyon ng anak ni Eva Darren na ang isang dinner plate sa prestihiyosong event ay nagkakahalaga ng Php 5,000. Sa kaso ni Ms. Eva Darren, hindi lang Php 20,000 ang ibinayad niya para sa kanilang hapunan. Bumili rin ang aktres ng magandang damit at heels na isinuot niya sa kaganapan.


Ibinahagi pa ng anak ni Ms. Eva Darren ang pagkuha ng kanilang ina ng hair and make-up package para sa event. Gayunpaman, ang lahat ng effort nito ay nabaliwala at humantong sa pagkabigo dahil natapos ang gabi nang hindi tinawag ang beteranang aktres para maging presenter sa entablado.


Base sa artikulo, hindi nagbayad ng Php 5,000 ang Kapamilya star na si Kathryn Bernardo na ginawaran bilang FAMAS Best Actress para sa kanyang karakter sa hit movie na A Very Good Girl, para sa isang dinner sa event.


Sa halip ay nag-stay si Kathryn Bernardo sa isang kwarto kaya naman galing siya sa backstage nang tawagin siya para sa kanyang Best Actress award. Nagulat pa nga raw ang aktres na marami pa ring tao ang nandoon kahit malalim na ang gabi.



Sobra Ganda Ni Ms Eva Darren Nung Kabataan Niya!

Walang komento


 Mainit na pinag-uusapan pa rin ngayon ng maraming mga netizens sa ilang mga social media platforms ang kontrobersiyang nangyari sa katatapos lamang na 72nd FAMAS awards night noon linggo May 26, 2024.


Dahil sa nangyaring aberya sa FAMAS awards night kung saan unang kinuha na maging award presenter ang batikang aktres na si Ms. Eva Darren subalit sa huli ay pinalitan ito na labis na ikinadismaya ng mga anak nito at maging ng ilang mga netizens.


Sa gitna ng kontrobersiyang ito, maraming mga netizens ang naku-curious kay Ms. Eva Darren dahil sa natatanggap nitong suporta mula sa mga fans at maging ng mga kapwa celebrities.


Nagsimulang lumabas sa mga pelikula si Eva Darren noong unang bahagi ng 1960s. Nanalo siya ng FAMAS Award para sa Best Supporting Actress para sa pelikulang 'Ang Pulubi' na ipinalabas noong 1969 na pinagbibidahan ni Charito Solis.


Noong 1998, nominated si Eva Darren para Gawad Urian Best Supporting Actress para sa pelikulang 'Ligaya Ang Itawag Mo Sa Akin' na ipinalabas noong 1997 na pinagbibidahan ni Rosanna Roces. 


Ang kanyang hindi malilimutang papel bilang ina ay sa hit sa TV series ng ABS-CBN na Pangako Sa 'Yo noong 2000, kung saan gumanap siya bilang adoptive mother ni Kristine Hermosa. 


Nagpakita rin siya bilang fortuneteller sa Sineserye Presents: Patayin Sa Sindak si Barbara noong 2008 kung saan nakasama niya sa trabaho ang Queen of All Media na si Kris Aquino na gumanap sa papel bilang Barbara.


Naging bahagi rin siya ng pelikulang Ate noong 2008, na pinagbibidahan ng magkapatid na Ara Mina at Cristine Reyes.


Sa 72nd FAMAS Award sa Fiesta Pavillon, Manila Hotel, ang Pangulo ng Famas, si Francia Conrad ay humingi ng paumanhin kay Eva Darren dahil hindi kaagad nila ito nalocate, dahil naka live ang nasabing event ay pinili na lamang nila itong palitan sa huling minuto.



Aktor Hindi Na Kasama Sa A-List Stars!

Walang komento


 Mainit pa ring pinag-uusapan sa social media ang star-studded photo na ibinahagi ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes na kuha sa backstage ng FAMAS awards night nitong nakaraang linggo.


Makikita sa ibinahaging larawan ng aktor ang iba pang maituturing na showbiz royalties ng bansa na kinabibilangan ng kanyang misis, ang itinuturing Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera, Kapuso actor at Asia's Multimedia Star na si Alden Richards at ang mga Kapamilya A-listers na sina Coco Martin, Piolo Pascual at Kathryn Bernardo.


Ang mga nasabing celebrities ay pare-parehong tumanggap ng awards sa katatapos lamang na 72nd FAMAS noong linggo May 26, 2024 kaya naman labis silang nakatanggap ng papuri mula sa kanilang mga tagahanga at mga tagasubaybay.


Sa kabilang banda, hindi naman naiwasan ng ilang mga netizens na ikumpara ang natatanggap ngayong blessings ni Kathryn Bernardo sa dating karelasyon na si Daniel Padilla.


Ayon sa ilang mga netizens tila napag-iiwanan na umano ngayon ang aktor na si Daniel Padilla magmula nang maghiwalay sila ni Kathryn Bernardo at magkanya-kanya na sa dating pinagtambalan nilang mga endorsements.


Bagama't nakakakuha naman ng mga panibagong endorsement ang aktor ay hindi na umano masyadong matunog ang pangalan nito sa social media at tila nawalan na ito ng ningning magmula nang magsilabasan ang mga negatibong isyu laban sa kanya matapos ang hiwalayan nila ni Kathryn Bernardo.


Hindi rin nakatulong sa image ngayon ng aktor ang pananahimik nila ni Kathryn Bernardo sa mga isyu at hindi paglilinaw sa totoong dahilan ng hiwalayan nila matapos ang mahabang panahon.


Pinangangambahan pa ngayon ng ilang mga natitirang tagahanga ni Daniel Padilla na baka hindi na matuloy ang mga nakalinya nitong mga projects dahil sa kawalan ng ka-loveteam at ang pinagdaanang backlash magmula nang maghiwalay sila  ni Kathryn Bernardo.



James Yap at Italian Wife Michela Cozzola Hiwalay Na!

Walang komento


 Umaani ng samu't-saring reaksyon at komento mula sa mga netizens ang pagtatanong ng showbiz insider at talent manager na si Ogie Diaz sa basketball player na si James Yap patungkol sa estado ng relasyon nila ng kanyang asawa na si Michela Cazzola.


Sa kamakailan episode ng showbiz oriented vlog ni Ogie Diaz na Ogie Diaz Showbiz Updates nitong May 28, 2024, isiniwalat ng Ogie Diaz ang nakarating umano sa kaniyang balita patungkol sa estado ng pagsasama nina James Yap at Michela Cazzola.


“May nakarating lang naman sa akin. Ewan ko kung nabalita na rin ito. At itatanong na rin natin kay James Yap para lang sure […] Gaano ba katotoo James Yap na wala na kayo ng iyong Italian wife?” pagsisiwalat ni Ogie.


Dagdag pa niya, “Kung totoo man ito, nakakalungkot ‘yan. Pero syempre, ang sabi naman sa akin ng aking nakausap—kung totoo man ito—maganda naman daw ang relasyon nitong si James Yap sa kaniyang ex-Italian wife. Kumbaga maganda ‘yong kanilang co-parenting.” 


Kaagad naman itong sinigundahan ng co-host niyang si Mama Loi kung saan inilahad nito na yun naman ang importante. ‘Pag hindi nag-work ang isang  relationship ng mag-asawa, ‘yong mga anak ‘wag idadamay sa gulo.


Subalit, hanggang ngayon ay hindi pa naman nagbibigay ng pahayag si James Yap patungkol sa isyung isiniwalat ni Ogie Diaz.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na si James Yap ay dating asawa ng Queen Of All Media na si Kris Aquino kung saan mayroon silang isang anak na si Bimby Aquino.




Kim Chiu at Paulo Avelino Spotted Patagong Nag Date

Walang komento


 Laman ng mga usap-usapan ngayon sa ilang mga entertainment news sites at mga social media platforms ang latest update na isiniwalat ni Cristy Fermin sa kanyang online program patungkol kina Paulo Avelino at Kim Chiu.


Ayon sa pagsisiwalat ni Cristy Fermin, may ilang mga netizens ang nakakita kina Paulo Avelino at Kim Chiu na magkasamang nagdidate sa isang mall. Bukod sa pagsasama nilang dalawa ay may nakakita rin na magkaakbay o kaya naman ay magkahawak ang kanilang mga kamay.


Ayon pa kay Cristy Fermin, may mga netizens na nagparating sa kanya kalakip ang mga larawan nina Kim Chiu at Paulo Avelino na parehong nakasuot ng sumbrero at facemask na magkahawak kamay na naglalakad sa loob ng isang mall.


Sinabi naman ng co-host ni Cristy Fermin na si Romel Chika na talagang nalalapit na ang pag-amin nina Paulo Avelino at Kim Chiu sa kanilang relasyon.


Sa ngayon ay tila kinikilala muna umano nila ang isa't-isa at siniguro muna ang kanilang compatibility bago aminin sa publiko ang namamagitan sa kanila. Tila paraan rin nila ito para kung sakaling hindi mag-work ang kanilang pagdidate ay hindi na magiging malaking isyu sa mga netizens dahil wala naman silang inamin.


Matatandaan na sa isang panayam kina Paulo Avelino at Kim Chiu ay sinabi ni Paulo Avelino na 'hinay-hinay lang'. Pahiwatig ito na naghihinay-hinay muna sila ni Kim Chiu at hindi minamadali ang pagkilala sa isa't-isa.


Sinabi rin noon ni Paulo Avelino sa isang panayam ang mga pahayag na 'what you see is what you get' kung saan binibigyan niya ng laya ang kanilang mga tagahanga na mag-isip ng kung ano sa kanilang relasyon na dalawa.



Crissa Liaging Sinagot Na Ang Isyu Kay Philmar at Pagpaparinig Sa Kanya Ni Andi Eigenmann!

Walang komento


 Nagbigay na rin ng pahayag ang TikTok content creator na si Crissa Liaging matapos siyang batikosin ng maraming mga netizens at paringgan ng ka-live in partner ni Philmar Alipayo na si Andi Eigenmann.


Nagbigay na rin ng pahayag si Crissa Liaging matapos siyang tawaging walang kahihiyan na nandidisturbo sa kanilang katahimikan ni Philmar Alipayo dahil sa pagbabahagi ng video kung saan makikita ang pag-uusap nila ni Philmar Alipayo.


Marami ang nagsasabing may flirting na nangyari sa pagitan ng dalawa dahil na rin sa pangiti-ngiting mukha ni Crissa habang pini-flex rito ni Philmar Alipayo ang kanyang mga muscles.


Mismong si Crissa Liaging rin ang nagbahagi ng video na lalong ikinainit ng dugo ng maraming mga netizens dahil tila bina=brag pa umano nito ang nangyari sa kanila ni Philmar Alipayo sa likod ng partner nitong si Andi Eigenmann.


May mga nagsasabi rin naman na ginawa lamang ito ni Crissa Liaging para makakuha ng maraming views online at hindi na ito nakapag-isip pa kung ano ang magiging kahihinatnan ng kanyang ginawa.


Matapos ang pagbibigay ng pahayag ni Andi Eigenmann kung saan iginiit nito na walang mali sa ginawang pakikipag-usap ni Philmar Alipayo at pagsasama nito minsan sa barkada para mag-inum ang masama lamang sa nangyari ay mayroon umanong walang hiya na sadyang gumagawa ng isyu para magkaroon sila ng hindi pagkakaintindihan.


Bagama't wala namang ibinigay na pangalan si Andi Eigenmann, marami ang naghinalang si Crissa Liaging ang pinapatamaan nito dahil na rin sa paglalagay niya ng malisyosong awit bilang background ng kanilang video.


Samantala, nagbigay na ng pahayag si Crissa Liaging kung saan inamin niya ang kanyang pagkakamaling mag-upload ng video. Subalit, iginiit niyang walang nangyari sa kanila ni Philmar Alipayo.


Itinanggi rin niya ang mga usap-usapan patungkol sa paglalandi niya rito dahil alam umano niyang may kinakasama na ito at mayroon na silang mga anak, bukod pa rito, iginiit din ni Crissa na walang landian na naganap dahil nasa public place sila.


Inamin rin niya na isa sa kanyang pagkakamali ay hindi siya dumistansya rito at siya pa mismo ang nag-upload ng video.


Iginiit rin niya na walang ibang kahulugan ang backgriund music na ginamit niya dahil favorite song lang naman niya iyon.


@inday.aning "Walay flirting nahitabo mahitungod kay naa me sa public place." Unsa man gyud sakto ani??😳🥲 #andieigenmann #philmar #habibi ♬ original sound - Inday Aning on IG 🇵🇱🇵🇭

Maricar Reyes Muntik Ng Mabulag Dahils a Contact Lens!

Walang komento


 Mainit na pinag-uusapan ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang latest health update na ibinahagi ng dating aktres na si Maricar Reyes.


Isiniwalat ng dating aktres na si Maricar Reyes sa kanyang TikTok video ang muntikan niyang pagkabulag dahil sa pagsusuot niya ng mga colored contact lenses. Mabuti na lamang ay kaagad itong naagapan bago pa tuluyang masira ang kanyang mga mata na maaring mauwi sa pagkabulag.


Ayon sa pagbabahagi ni Maricar Reyes sa ibinahagi niyang TikTok video na umano ng million views, halos tatlong araw siyang bulag dahil sa maling pagsusuot ng contact lense.


Ibinahagi rin ni Maricar Reyes na mula pa noong 2010 nagsusuot na siya ng mga contact lenses sa taping. Sinusuot umano niya ito sa loob ng 12 hanggang 15 hours. Inamin rin niya na minsan ay nagsusuot rin siya ng mga expired contact lenses dahil pakiramdam niya okay lang naman iyon.


Subalit, ilang buwan na ang nakalilipas nang unang makaramdam si Maricar Reyes ng irritation sa kanyang mata matapos ang pagsusuot ng colored contact lenses sa loob ng 12 hours. Hindi naman umano niya ito pinansin noong una dahil inakala niyang normal lamang iyon dahil pagod siya kaya naman tinanggal na lamang niya ang kanyang contact lense at natulog.


Ngunit, nagising na lamang umano siya ng mga bandang 3:00 ng madaling araw dahil sa sobrang pananakit ng kanyang mga mata na noon lamang niya naranasan sa buong buhay niya.


Dahil hindi na niya nakayanan ang sakit nito ay isinugod na siya sa emergency room ng bandang alas 5 ng umaga.


Hindi naman siya nagtagal sa emergency room dahil kaagad din siyang pinauwi ng mga doctor matapos mabigyan ng gamot subalit, makalipas ang ilang araw ay muli rin siyang isinugod sa hospital dahil sa muling pananakit ng kanyang mga mata.


Sa loob ng tatlong araw ay halos hindi umano maidilat ni Maricar Reyes ang kanyang mata dahil sobrang sakit nito at namamaga na rin.


Ayon pa kay Maricar Reyes na nagkaroon siya ng 'corneal abrasions' ito ay ang pagkakaroon ng malalaking gasgas sa kanyang cornea kung saan pinapatong ang isinusuot niyang contact lenses.


Ibinahagi rin ni Maricar Reyes ang kanyang natutunan na dapat ay sa loob lamang ng eight hours sinusuot ang mga contact lenses at huwag ring magsuot ng mga expired na contact lenses.


Dapat din umanong maging responsible ang lahat sa pagsusuot ng mga contact lenses at huwag magpakampante na walang nangyayari sa loob ng maraming taon.


Makalipas ang pitong araw ay gumaling rin naman ang mga mata ni Maricar Reyes pero pinagsabihan na siya ng kanyang ophthalmologist na napakaswerte na niya dahil hindi malaki ang naging sugat sa kanyang mga mata.


Kung sakaling hindi naagapan ay maaring magkaroon umano ng peklat ang kanyang mga mata at maging Malabo na ang kanyang paningin habang buhay.



@maricareyespoon Masyadong nakampante🤪 #learningontiktok #advice #advicetok #contactlens #opthalmologist #eyecare #maricarreyespoon #maricarreyesbook ♬ original sound - Maricar Reyes-Poon

Ganito Itrato Ni Zsa Zsa Padilla Ang Mga Waiters Hindi Katulad Ng Ibang Divadivahan

Walang komento

Hinangaan ng marami ang ginawa ng tinaguriang Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla sa pagdiriwang niya ng kanyang ika-60 na kaarawan.


Ikinatuwa ng maraming mga netizens ang pagiging healthy at young looking pa rin ni Zsa Zsa Padilla kung saan hindi makikita sa mukha nito ang edad na 60 years old.


Marami rin sa mga netizensa ang nakapansing sa kung paano ang pagtrato ni Zsa Zsa Padilla sa mga waiters na nagsisilbi sa kanila sa nasabing okasyon.


Ayon sa mga netizens, na sa kabila ng mga natamong achievements ni Zsa Zsa Padilla ay nanatili pa rin itong humble at marespeto sa lahat ng mga nakakasalamuha mayaman man o mahirap.


Nang ibigay na kay Zsa Zsa Padilla ang kanyang birthday cake ay kapansin-pansin ang paggalang at mahinahong pagtrato niya sa waiter na nagsisilbi sa kanila.


Ayon sa ilang mga netizens na hindi katulad si Zsa Zsa Padilla sa ilang mga celebrities na kinukutya at pinagtitripan ang mga waiter na nagsisilbi sa kanila.


Isang intimate dinner ang naganap sa ika-60 na kaarawan ng batikang aktres na dinaluhan ng kanyang anak na si Zia at asawa nito, naroon rin ang longtime partner ni Zsa Zsa Padilla at ang piling malalapit na kaibigan.


Sa kabilang banda, dahil sa insidenteng ito, hindi naiwasan ng ilang mga netizens na balikan ang naging birthday celebration noon ng actress, singer, vlogger na si Alex Gonzaga kung saan pinagtripan nito ang waiter na may hawak ng kanyang birthday cake.


Ayon sa ilang mga netizens na sa kagandahang asal talaga makikita ang tunay na class ng isang celebrity kaya naman deserve na deserve ni Zsa Zsa Padilla ang mga magagandang bagay na nangyayari sa buhay nito at sa kanyang career.



 

Paulo Kinausap Si Lotlot De Leon Sa Mismong Bur0l Ni Sir Leo

Walang komento


 Pinabulaanan ng isang kolumnista ang mga bali-balitang nag-iiwasan ang dating rumored couple na sina Janine Gutierrez at Paulo Avelino noong nakaraang linggo sa lamay ng pumanaw na talent manager na si Leo Dominguez.


Ayon sa kolumnista, walang katotohanang nag-iwasan ng dalawang stars dahil talagang nagkasalisi lamang umano sila sa pagpunta sa burol ng yumao nilang talent manager na si Leo Dominguez.


Ayon sa aming nakalap na impormasyon, naunang dumating sa lamay si Janine Gutierrez na kasama ang kanyang kapatid na si Diego at ang kanilang ina na si Lotlot De Leon.


Matapos ang ilang sandali ay maayos na nagpaalam si Janine Gutierrez at maging ang kanyang kapatid na si Diego, bago pa dumating ang actor na si Paulo Avelino.


Nang dumating at pumasok sa chapel ang actor na si Paulo Avelino ay naupo pa ito sa upuan katabi nang kay Lotlot De Leon, pahiwatig na wala talagang isyu sa pagitan nilang dalawa.


Makikita pang nagkukwentuhan sina Paulo Avelino at Lotlot De Leon kung saan napag-usapan nila ang hiling ni Leo Dominguez na makuha ang trophy ni Janine Gutierrez para sa Best Actress award mula sa Society of Philippines Entertainment Editors.


Matatandaan na marami ang naghinalang naghiwalay na sina Janine Gutierrez at Paulo Avelino nang mapansing hindi na sila nakikitang magkasama at hindi na rin nagpi-flex sa social media ng kanilang mga larawan.


Matatandaan na kahit hindi naman hayagang inamin nina Janine Gutierrez at Paulo Avelino ang kanilang relasyon marami ang naniwalang naging sila noong dahil sa ipinapakita nilang sweetness sa social media.


Sa mga naging panayam rin noon ni Janine Gutierrez ay nagbibigay rin siya ng pahiwatig na totoong may malalim na silang pagtitinginan ni Paulo Avelino.




Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo