Paulo Avelino Sinurpresa Si Kim Chiu Bago Magperform Sa Brilliant

Walang komento

Martes, Hunyo 4, 2024


 Labis na kinikilig ngayon ang mga KimPau fans dahil tila nalalapit nang matupad ang kanilang inaasam na pag-amin nina Paulo Avelino at Kim Chiu ng kanilang romantic relationship.


Hindi mapigilan ng ilang KimPau fans ang kilig sa ibinahaging vlog kamakailan ng Brilliant Skin Essentials CEO na si Miss Glenda Dela Cruz.


Makikita sa vlog ang pagbisita ni Paulo Avelino sa dressing ni Kim Chiu. Matatandaan na kamakailan lamang ay pumirma ng kontrata sa Brilliant Skin si Kim Chiu, bagama't nasiyahan ang ilang mga fans ng aktres, marami rin ang nanghinayang dahil hindi sila nagkasama ni Paulo Avelino sa stage.


Subalit, bago ang pagperform ni Kim Chiu ay binisita pala siya ni Paulo Avelino sa dressing na nakunan sa vlog ni Miss Glenda na nagbibigay naman ng regalo para kay Kim Chiu sa panahong iyon.


Nagbiro naman si Paulo Avelino na ang ibinigay sa kanya ni Miss Glenda ay isang house and lot, kaagad naman itong sinagot ni Kim Chiu na ok lang ang natanggap niyang regalo dahil titira na lamang siya sa bahay ni Paulo.


Napangiti at tila kinilig si Paulo Avelino sa hindi inaasahang banat ni Kim Chiu patungkol sa biro niyang house and lot. Maging si Miss Glenda ay hindi rin naitago ang labis na kilig na naramdaman sa dalawa.


Marami naman sa mga KimPau fans ang natuwa sa videong ibinahagi niya patungkol kina Paulo Avelino at Kim Chiu inaabangan na rin ng marami ang mga gagawin nina Kim Chiu at Paulo Avelino ngayong pareho na silang endorser ng Brilliant Skin.



Nagkasagutan Ang Dalawang Beteranong Aktres Na Sina Pilar Pilapil at Gloria Diaz

Walang komento


 Hindi sumang-ayon ang veteran star na si Pilar Pilapil sa naging pahayag ng kapwa niya dating beauty queen at  veteran aktres na si Gloria Diaz kung saan ipinahayag nito na ang, “99% of beauty is youth.”


Naniniwala si Pilar Pilapil, na ang tunay na kagandahan ay mayroong pagkakatulad sa wine – na habang tumatagal ay lalo itong sumasarap.


Sa kamakailang panayam kay Pilar Pilapil ni Boy Abunda sa programa nitong Fast Talk with Boy Abunda, naitanong niya sa batikang aktres kung sang-ayon pa ito sa paniniwala ni Gloria Diaz patungkol sa beauty.


Ayon kay Pilar Pilapil, hindi siya sang-ayon kay Gloria Diaz dahil para sa kanya kagandahang ay parang wine na kailangan munang magtagal.


“I don’t, I’m sorry. Beauty to me is something that needs to age like wine,” pahayag nito.


Paglilinaw pa niya, "I remember those pictures that I had when I was very young, and I didn’t look as…this is my opinion, I look better when I was already older. Not when I was very young, definitely.”


Naniniwala rin si Pilar Pilapil na isa mga humuhubog sa kagandahan ng mga kababaihan ay ang pinagdaanan nitong pagsubok sa buhay.


“Because in the first place you go through many, many stages in your life as a young person. You go through, for instance, a heartbrokenness, you go through so many problems and struggles in life. It takes time to be happy. So when you are happy, that’s when you become beautiful,” pagpapaliwanag pa niya.


Binalikan din ni Pillar Pilapil ang nangyari noon sa kanyang nang lumaban siya sa Miss Universe 1967 sa Miami Florida sa edad na 16 years old nang tanungin siya ng American media personality na si Bob Barker ng, “Are you really 18?”


“I remember that. I said, ‘What do you think?’ And he smiled and then I went.” 


Isiniwalat rin ni Pilar Pilapil na hindi niya talaga hinangad na maging Miss Universe noong mga panahong iyon dahil para sa kanya ay masyado pa siyang bata.


“I wasn’t thinking of that. I was not really a full-grown woman. I was just a kid. I was a young girl."


“I was surrounded with beautiful women and some gentlemen that were eyeing us around. it was quite an experience but as a young girl, it was quite overwhelming,” pag-amin pa ni Pilar Pilapil.


Matatandaan na nanalong Binibining Pilipinas Universe 1967 si Pilar Pilapil habang naitanghal namang Miss Universe si Gloria Diaz noong 1969.




Rabiya Mateo Hindi Nagbayad Para Manood Ng Concert Ni IU Pa-VIP Treatment Pa

Walang komento


 Nagbigay ng matapang na pahayag ang beauty queen, actress, host na si Rabiya Mateo matapos silang pagbintangan ng kanyang nobyo na si Jeric Gonzales ng ilang mga netizens na nanood ng concert ni IU subalit hindi umano sila nagbayag ng ticket.


Naging laman ng mga usap-usapan sa social media ang isang blind item na inilabas ng isang Facebook page na Hyein's Modeling Agency, matapos inihayag ng mga ito sa kanilang post ang dalawang magjowang artista at beauty queen ang bigla na lamang umanong nag-entrance sa concert ni IU dahil gustong manood.


Hindi naman umano nagbayad ang mga ito subalit gusto pang maupo sa VIP seat gayung puno na ang venue.


“First hand chika. Sinetch itey na mag jowang actor at beauty queen ang biglang nag entrance sa concert ni IU at gustong manood kahit hindi naman daw nag bayad. Ang bet pa ay VIP seat pero wiz na vacant kaya hanash ang user at secu kaka-find,” pa blind item ng isang page.


Napag-alaman ng mga netizens na sina Jeric Gonzales at Rabiya Mateo ang tinutukoy ng page matapos nitong ibihagi sa comment section ang isang social media post na ibinahagi ng aktor tungkol sa concert kung saan makikitang nakaupo na sila ni Rabiya Mateo.


Kaagad namang nakarating kay Rabiya Mateo ang nasabing blind item kaya naman kaagad nitong hinarap ang admin ng nasabing page, kalaunan ay naglabas ng public apology ang page para kina Rabiya Mateo at Jeric Gonzales.


Kaagad namang ni-repost ni Rabiya Mateo ang public apology ng nasabing page kalakip ang kanyang paglilinaw sa isyu.


Iginiit ni Rabiya Mateo na katulad ng marami ay bumili sila ni Jeric Gonzales ng ticket para sa concert ni IU sa bansa na nagkakahalagang 12,000.00 bawat isa.


Sinabi rin ni Rabiya Mateo na talagang pinaghirapan nila ni Jeric ang pagibili ng ticket katulad ng maraming fans at hindi rin umano siya nag-demand ng VIP treatment sa mga ushers.


Gayunpaman, pinasalamatan niya ng malaki ang mga ushers na tumulong para mahanap nila ni Jeric ang kanilang seats.


Ipinakita rin ni Rabiya Mateo ang pictures ng kanilang tickets ni Jeric Gonzales bilang patunay na talagang bumili sila.


Ibinahagi pa niya na na-scam pa sila noong una ng mga scammers. Inamin rin ni Rabiya Mateo na nahirapan silang maghanap ng ticket dahil wala naman umanong artista-artista sa paghahanap.


“We wanna clarify that the rumors circulating are not true. We bough the tickets for 12,000PHP each. Just like the rest of them. We worked very hard to afford the tickets and never demanded for any VIP treatment but we would like to commend the ushers for helping us find our seats,” saad sa caption ni Rabiya Mateo.



“We’ve been scammed the first time we tried to buy these tickets. Just like the rest of you. We had a hard time looking for available tickets. Contrary to what most of you think, walang artista-artista sa paghahanap,” dagdag pa niya.



Ginagaya Ba Ni Barbie Imperial Si Sarah Lahbati?

Walang komento


 Hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin sa ilang mga social media platforms ang isyu ng pangagaya umano ni Barbie Imperial sa estranged wife ni Richard Gutierrez na si Sarah Lahbati.


Laman pa rin ng mga bulong-bulongan ngayon sa social media ang pag-aaral ng aktres na si Barbie Imperial sa isang culinary school sa Manila pinag-ugatan ito ng mga isyung tila sinasadya umano ng aktres na gayahin ang mga ginagawa noon ng estranged wife ni Richard Gutierrez na si Sarah Lahbati.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng maraming mga netizens na nauugnay ngayon sa isa't-isa sina Barbie Imperial at Richard Gutierrez matapos mamataang magkasama sa iisang lugar at nagpapakita ng katangi-tanging closeness sa isa't-isa ilang buwan matapos maiulat ang hiwalayan nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati.


Sa mga napapansing pagbabago ngayon kay Barbie Imperial marami ang napapatanong kung sadyang ginagaya ba niya ang estranged husband ng aktor.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na magkasamang nagbakasyon nito lamang sina Barbie Imperial at Richard Gutierrez sa South Korea, tila nagbahagi rin ng isang soft launch sa kanilang relasyon si Barbie Imperial nang ipinakita niya sa kanyang Instagram post ang aktor na si Richard Gutierrez noong nasa gym silang dalawa.


Mula rito ay napapansin na ng maraming mga netizens ang tila panggagaya umano ni Barbie Imperial sa mga styles ni Sarah Lahbati kabilang na ang pananamit nito, style ng buhok at maging ang pag-aaral umano noon ni Sarah Lahbati sa isang Culinary School.


Lalo pang umingay ang mga usap-usapang ito ng mapansin ng mga netizens ang paglike ni Ruffa Gutierrez sa post ni Barbie Imperial patungkol sa pagiging culinary Student nito.


Hinala ng mga netizens na hindi lamang pagsuporta kay Barbie Imperial sa bagong hobby nito ang dahilan ng paglike ni Ruffa Gutierrez sa kanyang photo kundi indikasyon na rin umano ito na talagang may mas malalim na silang ugnayan sa ngayon.



May mga netizens rin na nagsasabing tila idol umano nitong si Barbie Imperial si Sarah Lahbati dahil bukod sa pag-eenroll nito sa kaparehong school ay kapansin-pansin umano ngayon ang pagbabago ng style ni Barbie Imperial na nahahawig na kay Sarah Lahbati.


Maging ang smile umano ni Sarah Lahbati ay gayang-gaya na rin umano ngayon ni Barbie Imperial.



Kathryn Bernardo at Alden Richards Gusto Ng Umamin Sa Relasyon, Daniel Padilla Dedma!

Walang komento


 Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang makulit na nabanggit ng Unkabogable Star at It's Showtime host na si Vice Ganda patungkol sa lovelife ngayon ng aktres na si Kathryn Bernardo.


Nauna na rito ang pagbabahagi ni Kathryn Bernardo sa kanyang social media accounts ng mga ganap niya nitong nakaraang buwan ng Mayo.


Samantala, spotted sina Kathryn Bernardo, Alora Sasam, at Chie Felomino sa anniversary concert ni Darren Espanto kinulit sila ni Vice Ganda na kabilang rin sa mga guest ni Darren Espanto.


Nagkomento si Vice Ganda sa isang performance ni Darren sa naganap na anniversary concert nito. 


Ayon kay Vice Ganda, "Kanina, nagperform si Darren, may pa-ganoon siya at talagang may babae sa harap niya. Alora, tara gayahin natin."


Tinawag ni Vice Ganda si Alora Sasam na kasama nina Kathryn Bernardo sa audience. Ipinahayag pa ni Vice Ganda na tanging si Alora Sasam na lamang ang maaring gumaya kay Darren Espanto dahil siya ay may asawa na, si Chie Felomino naman ay mayroong something with Jake Cuenca, habang si Kathryn Bernardo ay tila hindi na rin umano available.


"Alora, ikaw nalang ang pwede, ako may asawa na, si Chie may something, si Kathryn wala akong sinabi," pagbibirong pahayag ni Vice Ganda.


Dahil rito lalong lumakas ang hinala ng maraming mga netizens na may namamagitan na talaga kina Kathryn Bernardo at Alden Richards na hindi pa lamang nila isinasa-publiko sa ngayon.


Matatandaan na naibahagi na rin noon ni Ogie Diaz na may isang source na nagsabi sa kanya ng totoong estado ng relasyon nina Alden Richards at Kathryn Bernardo.


Ayon sa pagsisiwalat ni Ogie Diaz, ipinarating sa kanya ng isa sa kanyang mga sources na totoong nagkakamabutihan na umano ngayon ang dalawa at may mutual understanding na.


Tila may posibilidad naman ang balitang ito dahil kung pagbabasehan ang naging sagot noon ni Alden Richards, inilahad niyang nais muna niyang gawing pribado ang namamagitan sa kanila ni Kathryn Bernardo.



Annabelle Rama Nagsalita PagPABOR Niya Sa Relasyon Nina Barbie Imperial at Richard Gutierrez

Walang komento


 Nagbigay ng paglilinaw ang kilalang talent manager na si Annabelle Rama kaugnay sa isang pahayag na kumakalat sa social media patungkol sa naging tweet umano niya patungkol sa totoong relasyon nina Barbie Imperial at ng anak niya na si Richard Gutierrez.


Ang pahayag ay mababasa sa isang quote card na diumano'y pahayag mula kay Annabelle Rama tungkol sa kanyang pag-apruba kay Barbie Imperial bilang posibleng bagong partner ng kanyang anak na si Richard Gutierrez.


Sa kamakailang panayam kay Annabelle Rama, itinanggi niya na siya ang gumawa ng nasabing tweet.


Ayon kay Annabelle Rama, hindi niya hawak ang Twitter page nagpapakalat ng mga maling pahayag niya, at hiniling niya sa kinauukulan na maayos na ang misinformation na ito.


“Linawin mo nga ‘yan, hindi ko account ‘yan. Huwag nila akong magamit-gamit!” pahayag ni Annabelle Rama.


Ipinahayag rin ni Annabelle Rama na sasangguni siya sa kanyang mga abogado tungkol sa posibleng legal na aksyon na maaaring kaharapin ng nasabing Facebook page dahil sa pagpapakalat ng maling quote mula sa kanya.


Bagama't ilang beses nang nakikitang magkasamang nagbabakasyon sina Richard Gutierrez at Barbie Imperial nananatili naman silan tahimik patungkol sa kanilang relasyon.


Binalaan din ng ilang eksperto si Richard Gutierrez na huwag magkamali na ibunyag ang anumang impormasyon tungkol sa kanyang napapabalitang love life kasama ang aktres na si Barbie Imperial at pinaalalahanan siya na legal pa rin siyang nakatali sa dati niyang partner na si Sarah Lahbati.


Kung mapatunayan ang kanilang romantic relationship, maaaring makasuhan si Barbie Imperial ni Sarah Lahbati kung talagang may relasyon sila ni Richard.


Ayon sa ilang mga netizens na ito ang dahilan kung bakit nananahimik ang kampo ni Richard Gutierrez ngayon lalo na ang kanyang ina na si Annabelle Rama dahil kung sakali ay sila ang madedehado.



James Reid Nagsalita Na Sa Issue Lubog Na Ang Career Ni Liza Soberano

Walang komento

Lunes, Hunyo 3, 2024


 Actor-singer at Talent Manager na si James Reid nagbigay na ng pahayag patungkol sa kumakalat na balitang lumubog nang husto ang career ng aktres na si Liza Soberano matapos nitong umalis sa ABS-CBN upang i -pursue ang dream career sa Hollywood sa pangangalaga ni James Reid.


Laman ng mga usap-usapan ngayon sa social media ang aktres na si Liza Soberano at kung gaano lumubog ang showbiz career nito magmula nang lumipat sa management ni James Reid sa pagtatangkang makapasok sa mundo ng Hollywood.


Ayon sa ilang mga netizens, hindi na umano napag-uusapan sa ngayon ang pangalan ni Liza Soberano at hindi na rin nasundan ang kanyang project matapos na mapasama sa pelikulang Lisa Frankenstien.


Isa sa mga tinitingnang dahilan nito ay ang hindi pagkita ng malaki ng nasabing pelikula at ni hindi ito tinangkilik ng maraming mga movie goers. Hindi umano ito pumatok kahit rito sa Pilipinas at tila hindi rin naman napag-uusapan.


Sa kabila nito, mariin namang pinabulaanan ni James Reid ang lahat ng mga usaping ito at ibinida pa ang takbo ng showbiz career ngayon ni Liza Soberano sa Hollywood.


Sa kamakailang episode ng Fast Talk with Boy Abunda noong byernes May 31, 2024, kung saan naging guest si James Reid, sinabi nitong maraming mga projects na ginagawa ngayon si Liza Soberano pagkatapos ng pelikulang kinabibilangan nito na Lisa Frankenstien.


Marami umanong mga ginagawang projects si Liza Soberano sa ibang bansa at dito rin sa Pilipinas, ibinida rin ni James Reid ang pagkaka-feature ni Liza Soberano sa isang lifestyle magazine.


Kaya naman isang malaking fake news ang mga naglabasang mga ulat na lumubog ng husto ang showbiz career ni Liza Soberano mula ng lumipat ang aktres sa kanyang pangangalaga.




Vice Ganda Inamin Ang Dahilan Ng MisUnderstanding Nila Ni Billy Crawford

Walang komento


 Hindi naman lingid sa kaalaman ng maraming mga netizens ang nangyari sa pagkakaibigan nina Billy Crawford at Vice Ganda. 


Sina Billy Crawford at Vice Ganda ay kilala bilang magbestfriend subalit nagkaroon sila ng hindi pagkakaintindihan dahilan para magbatuhan sila noon ng mga masasakit na salita.


Tila naayos naman na nila ang gusot sa kanilang pagitan nang magkaayos sila mismong anniversary ng It's Showtime kung saan naging guest sina Billy Crawford at asawa nito na si Coleen Garcia.


Bagama't nagkapatawaran na ang dalawa, hindi na nila idinitalye pa ang totoong naging dahilan ng kanilang hindi pagkakaintindihan.


Samantala, sa latest vlog ni Vice Ganda, naibahagi ng kanyang guest ang naramdamang lungkot ng nakita niyang ikinakasal na ang kanyang mga kaibigan at tila napag-iiwanan na umano siya.


Kaagad naman sinabi ni Vice Ganda na naiintindihan niya ang ganitong pakiramdam dahil naramdaman din umano niya iyon nang makitang unti-unti nang nagpapakasal ang kanyang mga kaibigan at It's Showtime family na sina Karylle, Anne Curtis at Billy Crawford.


Sinabi naman ni Vice Ganda na totoong masaya siya sa pagpapakasal ng kanyang mga kaibigan pero nalulungkot rin siya para sa kanyang sarili.


Inamin din ni Vice Ganda na muntik na siyang hindi pumunta sa kasal nina Coleen Garcia at Billy Crawford noon dahil tinamaan siya ng matinding lungkot.


Nag-umpisa na rin umano niyang kwestyunin ang kanyang sarili kung hanggang doon na lamang ba siya, kung maiiwan ba siyang mag-isa at magiging forever single habang ang kanyang mga kaibigan ay masaya na sa piling ng kani-kanilang mga asawa.


Sinabihan naman umano niya si Billy Crawford na hindi siya makakapunta sa kasal nito at ni Coleen. Dito na umano nagalit si Billy, marami siyang ginawang alibi para lamang hindi makapunta subalit nagawan ito ng paraan ni Billy Crawford.


Sa huli ay pumunta naman si Vice Ganda sa kasal nina Coleen Garcia at Billy Crawford subalit hanggang ceremony lamang siya, hindi na siya nagpunta sa reception dahil labis-labis na ang kanyang naramdamang lungkot.



Exclusive! Vic Sotto Nagsalita Na Sa Biglaang Pag Layas Sa GMA7

Walang komento


 Mainit na pinag-uusapan ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga news sites ang balitang umalis na sa pamunuan ng GMA Network ang kilalang komedyante na si Bossing Vic Sotto.


Bagama't ayaw nang magbigay ng pahayag ni Vic Sotto patungkol sa nasabing isyu subalit tuluyan nang kinumpirma ni Pauleen Luna na hindi na eere sa GMA7 ang sit com na Open 24/7 na pinangungunahan ng kanyang mister na si Vic Sotto.


Ang sit com ni Vic Sotto ay mapapanood sa telebisyon sa tuwing sabado pagkatapos ng Magpakailanman. Ang nasabing sit com ay hindi na napanood noong sabado na labis na ikinalito ng mga tagasubaybay nito, pagkatapos ng Magpakailanman ang ipinalabas ay Daig Kayo ng Lola Ko.


Isa sa ikinalito ng maraming mga netizens ay ang pananahimik ng GMA7 sa usaping ito, hindi man lamang sila naglabas ng pahayag patungkol sa agarang pagtatapos sa show ni Vic Sotto.


Maging ang aktor ay nanahimik na rin patungkol sa isyung ito at tumanggi nang magbigay ng kung anong pahayag.


Samantala, marami naman ang nagsasabing hindi na nakakagulat ang pag-alis ni Bossing Vic Sotto sa GMA7 matapos ang mainit na isyu sa agawan ng titulo ng Eat Bulaga noon sa pagitan ng TVJ na sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey De Leon at ng production company na TAPE Inc. nadamay rin noon ang GMA sa isyu ng dalawang kampo dahil pinanigan umano ng GMA ang TAPE Inc.


Sa kabilang banda, may nabanggit din si Pauleen Luna na sit com na gagawin ni Bossing Vic Sotto sa TV5 subalit hindi pa umano ito napa-finalize sa ngayon.



TV Host Aktres Sumama Ang Loob Sa Network, Lalayas Na!

Walang komento


 Talagang ikinasama ng loob ng Miss Universe 2020 na si Rabiya Mateo ng tanggalin siya bilang isa sa mga host ng Kapuso show na TikToClock.


Kamakailan lamang ay inanunsyo bilang bagong endorser ng Royalty Aesthetics ang actress-host at beauty queen na si Rabiya Mateo, isa sa mga naikwento rito ni Rabiya Mateo ay ang nagtapos niyang journey bilang co-host ng TikToClock.


Inamin ni Rabiya Mateo na masama ang kanyang loob dahil sa nagtapos niyang journey sa TikTokClock ipinahayag rin niya na talagang nami-miss na niya ang kanyang mga kasamahan roon sa show.


Gayunpaman, ipinahayag  ni Rabiya Mateo na malaki ang kanyang pasasalamat sa pamunuan ng TikTokClock bagama't hindi umano nila ni-renew ang kanyang kontrata ay nabigyan naman siya ng labis na exposure dahil sa show.


Hiling naman ni Rabiya Mateo na sana balang araw ay mabigyan siya ng pagkakataon na muling makasama sa GMA show na TikTokClock.


Samantala, naging laman ng mga usapk-usapan noon ang dahilan ng pagkasibak ni Rabiya Mateo sa show na TikTokClock. May mga naglabasang mga isyu na ang totoong dahilan kung bakit tinanggal siya rito ay ang kanyang pagiging attitude noong minsan ay napagalitan siya.


Ayon sa mga kumakalat na usap-usapan, napagsabihan si Rabiya Mateo nang minsang malate ito sa show subalit hindi ito maayos na tinanggap ng aktres at napawalk out pa dahil ayaw nang pinagsasabihan.


Kung sakaling ganito ang work ethics ni Rabiya Mateo talagang hindi siya magtatagal sa kahit na anong show at kahit na anung network.



Mother Ni Yen Santos, Itinangging Nagkarelasyon Ang Anak at Si Paolo Contis

Walang komento


 Sa wakas ay nagbigay na ng pahayag ang ina ni Yen Santos tungkol sa napapabalitang relasyon ng kanyang anak at ng kontrobersyal na aktor na si Paolo Contis.


Sa online program ni Jobert Sucaldito, hinarap ni Gng. Yan Santos, ina ni Yen Santos ang publiko at nilinaw niya ang totoong relasyon ng kanyang anak sa kontrobersyal actor na si Paolo Contis.


Itinanggi ni Yan Santos ang pagkakaroon nina Yen Santos at Paolo Contis ng relasyon kaya naman paano maghihiwalay ang dalawang wala namang ugnayan sa isa't-isa sa una pa lamang.


Bukod pa rito, nilinaw din ng ina ng aktres na si Yen Santos na walang kinalaman ang kanyang anak na aktres sa totoong dahilan ng paghihiwalay nina Paolo Contis at LJ Reyes.


“Tinawagan ko po si mommy Lilian, si mommy Lilian is the mother of Yen Santos kasi very close sa akin ‘yang batang ‘yan more than 10 years na,” pahayag ni Jobert.


“Sabi ko, ‘mommy may tanong lang ako?’ ‘Ano ‘yun ‘nay?’ Nanay din kasi ang tawag sa akin no’n, eh. Sina Yen ba at si Paolo hiwalay na? Sabi sa akin, ‘nanay naman pati ba naman ikaw naniwala? Never namang naging sila?’” pagkukwento nito.


Ikinalito naman ito ng maraming mga netizens dahil matatandaan na noong 2023 ay hayagang inamin ng aktor na si Paolo Contis ang pagkakaroon nila ng relasyon ni Yen Santos.


Ipinahayag pa noon ni Paolo Contis kung paano siya nahulog at nainlove kay Yen Santos. Ayon kay Paolo Contis noon, nahulog at minahal niya si Yen Santos dahil ito lamang umano ang nanatili sa kanya sa mga panahong labis siyang nababatikos dahil sa hiwalayan nila noon ni LJ Reyes.


Samantala, marami ang naghinalang naghiwalay na sina Yen Santos at Paolo Contis nang burahin ng aktres ang sweet message niya para kay Paolo Contis noong nakaraang kaarawan nito.


Bukod pa rito in-unfollow na rin ni Yen Santos si Paolo Contis sa Instagram dahilan para isipin ng marami na talagang kumpirmado na ang kanilang paghihiwalay.



Nanay Ni Sarah, Nagreact, Barbie Imperial Ginagaya Daw Si Sarah Lahbati

Walang komento


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms at maging sa ilang mga entertainment news sites ang usap-usapang si Barbie Imperial ang ipinalit ni Richard Gutierrez sa kanyang asawang si Sarah Lahbati matapos ang kanilang paghihiwalay nitong nakaraang taon.


Ilang beses na rin kasing namamamataan ang dalawa na magkasama sa pagbabakasyon at maging sa paggi-gym ay magkasama rin umano ang dalawa.


Bukod sa usaping ito, marami rin ang nakapansin ng tila panggagaya umano ni Barbie Imperial kay Sarah Lahbati na siyang estranged wife ni Sarah Lahbati.


Nakakatanggap ngayon ng pambabatikos ang aktres na si Barbie Imperial dahil sa panggagaya nito kay Sarah Lahbati na napapansin na ng maraming mga netizens.


Sa gitna ng kontrobersiyang ito, nagbigay ng reaksyon ang ina ni Sarah Lahbati na si Esther Lahbati. 


Hindi pinalampas ng ilang mga netizens ang kanilang mga napapansin ngayon sa aktres na Barbie Imperial matapos maiugnay sa kanyang pangalan ang dating asawa ni Sarah Lahbati na si Richard Gutierrez.


Unang naging laman ng mga usap-usapan ang pagkakaroon ng ugnayan nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez nang kumalat sa social media ang mga video na kuha sa isang bar kung saan makikita ang kakaibang closeness ng dalawa.


Nasundan pa ang usaping ito ng mapansin ng maraming mga netizens na tila magkasama sa pagbabakasyon sina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez noong holy week base sa mga larawan na kanilang binabahagi sa social media.


Kamakailan lamang ay namataan rin ang dalawa na magkasamang nagbabakasyon sa South Korea. May nai-flex ring larawan si Barbie Imperial kung saan makikitang tila sabay silang nag-work out sa isang gym ni Richard Gutierrez.


Samantala, marami ang nakapansin na tila may pagkakatulad umano sina Barbie Imperial at Sarah Lahbati, bukod sa pareho silang maganda ay tila magkakapareho rin sila ng life updates kamakailan.


Tulad na lamang ng pagkakapareho nila ng culinary activities bilang studyante ng CCA Manila. Ibinabahagi ni Barbie Imperial ang kanyang mga pinagkakaabalahan ngayon sa nasabing school sa kanyang social media accounts.


Subalit, nagdulot ito ng kontrobersiya nang balikan ng ilang mga netizens ang dating activities ni Sarah Lahbati noon sa nasabing school na magkakapareho umano sa ginagawa ngayon ni Barbie Imperial.


Bukod sa mga culinary activities, may mga nagsasabi rin na tila maging ang pananamit ni Sarah Lahbati ay ginagaya rin umano ni Barbie Imperial.


Samantala, tila nagpahayag naman ng reaksyon ang ina ni Sarah Lahbati na si Esther Lahbati sa mga nagsasabing ginagaya ni Barbie Imperial ang kanyang anak.


Sa isang Instagram post ni Esther Lahbati kung saan ipinakita niya ang mga larawan marami sa mga netizens ang nagkomento patungkol sa panggagaya ni Barbie Imperial kay Sarah Lahbati.


Napatawa na lamang rito si Mommy Esther na tila natatawa siya sa desperadong panggagaya ni Barbie Imperial sa kanyang anak para mabihag nito ang aktor at estranged husband nito na si Richard Gutierrez.


Isabelle Daza Spotted Na Nagta-Trabaho Bilang Isang Flight Attendant

Walang komento


 Nag-viral sa social media ang dating Eat Bulaga host na si Isabelle Daza matapos siyang makita ng ilang mga netizens na nagtatrabaho siya bilang flight attendant sa Cebu Pacific.


Kumakalat ngayon ang ilang mga post sa social media ang nagpakita kay Isabelle na nakasuot ng uniporme ng flight attendant at aktibong tumutulong sa mga pasahero sa buong flight.


Isa sa mga nag-upload ng video ay si San Dy, na nagsasabi na ang flight kung saan nagtatrabahi si Isabelle Daza ay mula Davao patungong Maynila noong May 20, 2024.


Hindi napigilan ng mga netizens na magtanong kung ito na ang naging trabaho ni Isabelle Daza mula nang umalis siya sa Eat Bulaga at isa sa mga nagpahayag ng kalungkutan matapos ang pag-alis ng longest-running noontime show sa GMA Network at TAPE Inc.


Pinuri rin ng mga netizens ang hitsura ngayon ni Isabelle Daza, sinabing fit siya para maging flight attendant dahil sa kanyang kagandahan at mahusay na communication skills.



Matatandaang tatlong taon ding naging host ng Eat Bulaga si Isabelle Daza.


Sa kabilang banda, naniniwala naman ang ilang mga netizens na si Isabelle Daza ay maaaring nagtatrabaho lamang sa Cebu Pacific para sa isang promotion o kaya naman isa lamang itong campaign.


Sa ngayon ay hindi pa naman naglalabas ng pahayag si Isabelle Daza kung isa na nga ba siyang full-time employee ng Cebu Pacific o kung nakikipagpartner na sila sa Cebu Pacific.




Reaksyon ni Cristy Fermin sa Cyber Libel Case ni Dominic Roque

Walang komento


 Tinapos na ng batikang kolumnista na si Cristy Fermin ang kanyang pananahimik sa maraming kaso na natanggap niya mula sa iba't ibang celebrity dahil sa kanyang mga pahayag sa kanyang online program.


Kamakailan lamang ay nakapanayam ng GMA News si Cristy Fermin tungkol sa mga kaso na natanggap niya mula kay Dominic Roque at sa iba pang mga celebrities.


Ayon kay Cristy Fermin hindi umano niya inasahan na maging si Dominic Roque ay magsasampa rin ng kaso laban sa kanya at ipinaalam lamang ito sa online.


Ipinunto rin ng beteranong columnist na si Cristy Fermin na hanggang ngayon ay hinihintay niya ang subpoena para sa mga kasong isinampa sa kanya ni Bea Alonzo na hanggang ngayon ay wala pa naman umanong dumarating.


Gayunpaman, nagpahayag ng kumpiyansa si Cristy na matagumpay niyang maipagtanggol ang sarili at hindi siya mapaparusahan ninuman ng mga nagsampa ng kaso laban sa kanya.


“Hindi ko pa alam eh. ‘Yung kay Bea nga, hindi pa kami nag-start, hindi pa namin nakukuha ‘yung subpoena,”  saad ni Cristy Fermin.


Sinabi naman ni Cristy Fermin na karapatan naman ng mga nagsampang celebrities sa kanya subalit tingnan na lamang umano sa huli kapag nagkasagutan na kung sino ang mananalo.


“Karapatan naman nila ‘yan. Karapatan nila ‘yan basta tignan na lang natin kung ano ang mangyayari kapagka nagsagutan na, ‘di ba?” kompyansang pahayag ni Cisty Fermin.


Ibinahagi rin ni Cristy Fermin na maglalabas siya ng opisyal na pahayag sakaling matatanggap na niya ang mga subpoena ng mga kasong isinampa laban sa kanya.


Bukod kina Dominic Roque at Bea Alonzo, sinampahan rin ng kaso si Cristy Fermin ng ina ni Sarah Lahbati na sina Esther Lahbati, Kiko Pangilinan, at Sharon Cuneta.


Matatandaang nakilala ang beteranong columnist sa kanyang mga sinasabi tungkol sa mga celebrity  kung saan hindi niya fini-filter ang mga sinasabing pahayag laban sa mga artista kaya naman hindi na kataka-taka na makasuhan siya ng cyber libel.




Philmar Alipayo Nagsalita Na Tungkol Sa Viral Video Nila Ni Crissa Liaging at Ang Issue Sa Kanila!

Walang komento


 Sa wakas ay nagbigay na ng pahayag ang kilalang surfer at partner ni Andi Eigenmann na si Philmar Alipayo sa isyung kinaharap niya matapos i-upload ng isang content creator ang kanilang meeting sa social media.


Matatandaang nag-upload ng video ang content creator na si Crissa Liaging sa kanyang TikTok account kung saan makikita ang kanyang pakikipag-usap kay Philmar Alipayo sa Siargao.


Kaagad itong nakakuha ng milyun-milyong view at magkahalong reaksyon mula sa mga netizen dahil sa ginamit niyang background music.


Ang video ay nakakuha ng iba't ibang interpretasyon mula sa ilang netizens dahil gumamit si Crissa Liaging ng isang romantikong kanta habang ipinapakita ang kanyang pakikipag-usap kay Philmar Alipayo na half naked sa panahong iyon.


Tanging action lamang din ang makikita sa video dahil hindi naman naririnig kung ano ang kanilang pinag-usapan.


Samantala, ibinahagi ng entertainment reporter na si Boy Abunda ang kanyang nakuhang impormasyon mula kay Philmar Alipayo patungkol sa nangyari. Ayon sa pahayag umano ni Philmar Alipayo ay nakainom siya noong mga panahong iyon, na nagpapaliwanag ng mga ikinilos niya sa harap ni Crissa.


Ibinunyag pa ni Boy Abunda na noong una ay nagtawanan lamang umano sina Philmar at ang kanyang partner na si Andi Eigenmann nang i-upload ang video. 


Gayunpaman, naging seryoso ang isyung ito nang muling ginamit ng ilang tao mga tao ang content ni Crissa at binabahiran na ng malisya.


“What happened was, Philmar drank, had a friendly conversation with this girl on the video, and that’s it, according to Philmar and Andi,” pahayag ni Tito Boy. 


“Kaya ‘nung una nilang nakita ang video, nagtawanan lang sila ni Andi, but what bothered them, it was edited and uploaded to create an issue,” dagdag pa nito.


Matatandaan na nauna nang nagbigay ng pahayag si Andi Eigenmann kung saan binatikos niya ang mga taong nagbibigay ng malisya sa ginawa nina Philmar Alipayo at Crissa Liaging gayung wala naman umanong masama sa pakikipag-usap ni Philmar dahil hindi rin naman umano niya pinagbabawalan si Philmar na minsan ay sumama sa kanyang mga kaibigan.


Nagbigay na rin naman ng pahayag si Crissa Liaging kung saan iginiit niyang walang landian na naganap sa pagitan nila ni Philmar Alipayo. Hindi rin umano niya intensyon na lagyan ng malisya ang ibinahaging video dahil sa backgroung music nito dahil ginamit lamang niya sa video ang kanyang paboritong kanta.



Xian Lim May Patama Kay Kim Chiu Dahil Sa Patuloy Na Paninisi Sa Netizens Sa Break-up

Walang komento


 Tila hindi pa tapos ang actor-director na si Xian Lim sa kanyang pagpapansin sa social media dahil mula na naman siyang nagbigay ng pahayag na patama sa kanyang dating karelasyon na si Kim Chiu.


Muli na namang nagkwento ang aktor na si Xian Lim patungkol sa naging karanasan niya sa pag-ibig at sa dating karelasyon.


Nagbigay ng pahayag si Xian Lim poatungkol sa pinaglaruan sa isang panayam sa press para sa kanyang pelikulang "Playtime."


Ang pelikulang Playtime ay patungkol sa isang lalaking ginagampanan ni Xian Lim, na nang-aakit ng mga babae sa kakahuyan, kung saan niya hinuhuli ang mga ito sa isang "game."


Naitanong ng press kay Xian Lim kung naranasan na ba niyang paglaruan ang ibang tao, kabilang na ang mga dati niyang nakarelasyon kasama na ang aktres na si Kim Chiu.


Ayon kay Xian Lim, hindi siya nang-playtime sa kanyang mga nakarelasyon subalit hindi rin umano niya alam kung siya ba ang na-playtime ng mga ito.


“Kung ako yong nang-playtime, hindi po. If ako ba yong na-playtime niya or nila, hindi ko rin alam,” pahayag ni Xian Lim.


Ayon pa kay Xian Lim, ang mahabang relasyon ay hindi dapat maging isang indikasyon ng 'playtime'.


“If sa duration ng relationship masasabi mo na no matter kung may playtime nga yan sa tagal ng relationship nyo kung weeks, months or years, you can never say it was playtime,” saad ng aktor.


“There was a reason kung bakit dumating yang tao sa buhay mo mapa maganda man on or hindi. There’s a reason why the person came into your life,” dagdag pa niya.


Samantala marami naman sa mga tagahanga ni Kim Chiu ang naniniwala na muli nanamang binanatan ng aktor si Kim Chiu sa kabila ng pananahimik nito patungkol sa nangyaring paghihiwalay nila matapos ang labin dalawang taon.


Sa ngayon ay mayroon ng bagong girlfriend at karelasyon si Xian Lim ang VIVA Producer na si Iris Lee.



Just in! KC Concepcion Hiwalay Na Sa Kanyang Fiance Na Filipino-Swiss Na Si Mike Wuethrich!

Walang komento

Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang balitang hiwalay na ang aktres na si KC Concepcion sa kanyang Filipino-Swiss boyfriend na si Mike Wuethrich.


Nag-ugat ang usaping ito ng mapansin ng maraming mga netizens na hindi na naka-follow sina KC Concepcion at Mike Wuethrich sa isa't-isa sa kanilang Instagram account.


Nito lamang nagdaang byernes May 31, 2024 napansin ng isang netizen na hindi na makikita sa mga following list nina KC at Mike sa Instagram account ang isa't-isa.


May mga nakapansin rin na burado na sa Instagram account ni Mike ang ilang mga larawan nilang pinagsamahan ni KC Concepcion.


Matatandaan na unang lumabas ang mga bulong-bulungan na naghiwalay na sina KC Concepcion at Mike Wuethrich noong April nang mapansin na hindi na sila nagbabahagi ng mga bagong larawan na magkasama sa social media.


Nasundan pa ito ng mapansin ng marami na hindi dumalo sa naganap na birthday party ni KC Concepcion ang kanyang boyfriend noong April 7, 2024.


Subalit, tila pinabulaanan naman ni KC Concepcion ang mga haka-hakang ito nang nagbahagi siya sa kanyang Instagram ng isang video kung saan may hawak siyang bulaklak na ipinabibigay sa kanya ni Mike kahit wala ito sa Pilipinas.


Bukod pa rito, binati rin ni KC Concepcion si Mike noong nakaraang birthday nito noong April 23, 2024 kalakip ang isang napakasweet na mensahe.


Samantala, noong May 18, muling nabuksan ang agam-agam ng mga netizens na nagkahiwalay na sina Mike at KC nang magbahagi ang aktres ng isang larawan na may caption na, 'moving on'.



 

Vice Ganda Binatikos Matapos Na Ipahiya Ang Contestant Sa It's Showtime

Walang komento


 Naglabas na ng pahayag si Vice Ganda kaugnay sa naging kontrobersyal na reaksyon niya sa isang searchee sa segment nila sa It's Showtime na Expecially For You.


Nagbigay na rin umano ang searcher kung saan nilinaw niyang walang naganap na halikan sa kanila ng searchee at tila na misinterpret lamang ni Vice Ganda ang lahat.


Matatandaan na inakala ng maraming mga netizens na may naganap na halikan sa pagitan ng isang searchee at searcher sa isang episode ng segment na Expecially For You sa It's Showtime.


Kaagad itong umani ng samu't-saring reaksyon mula sa mga netizens at mga manonood ng show kaya naman minabuti na ng searcher na magbigay ng pahayag patungkol rito para maging malinaw na ang lahat.


Nag-ugat ang nasabing usapin ng mapansin ng maraming mga netizens na tila nailang ang searcher na si Christine sa pagbeso ng napiling searchee na si Axel na kaagad namang sinita ni Vice Ganda.


Samantala sa pagbibigay ng linaw ni Christine sa nangyari ay agad namang humingi ng paumanhin si Vice Ganda sa kanyang naging reaksyon sa segment sa pamamagitan ng kanyang Twitter post.


Inamin ni Vice Ganda na mali ang kanyang reaksyon sa pagbeso ni Axel inakala kasi umano niya at maging ng ibang mga madlang pipol na naroon ay na-off ang kanilang contestant dahil bigla na lamang siyang sinuggaban ng halik at inakala nila na nakaramdam ng pagka-violate ang nasabing babae subalit dahil ito na mismo ang nagsasabing walang halik na naganap ay humihingi ngayon si Vice Ganda ng paumanhin sa lalaki.


Marami naman sa mga netizens ang pumuri kay Vice Ganda dahil sa paghingi niya ng paumanhin sa lalaki matapos ang paglilinaw ni Christine na wala itong nagawang masama para na rin matigil na ang mga nambabash sa tao dahil sa naging reaksyon ni Vice Ganda.


Kim Chiu Paulo Avelino Magkasamang Nag Gym, Kim Chiu Nagbigay Ng Update

Walang komento

Biyernes, Mayo 31, 2024


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang panayam ni Kim Chiu sa showbiz reporter na si MJ Felipe.


Kabilang sa mga naitanong kay Kim Chiu ay kung paano nila pinaghandaan ni Paulo Avelino ang trending nilang bed scene sa Philippine adaptation ng What's Wrong With Secretary Kim.


Ayon kay Kim Chiu, ginabayan siya ng maayos ni Paulo Avelino sa kanilang bed scene dahil hanggang cabinet scene lamang ang kaya ng kanyang powers.


Labis naman itong kinakikiligan ng mga KimPau fans dahil kung pagbabasehan ang mga naging pahayag ni Kim Chiu ay mahihinuhang talagang napaka komportable na nila sa isa't-isa dahilan para hindi na mailang si Kim Chiu kahit baguhan pa lamang siya sa mga ganoong uri ng roles.


Sa kabilang banda, lalo namang nagniningning ang mga mata ng mga tagahanga nina Paulo Avelino at Kim Chiu nang kumalat sa social media ang mga video clips kung saan makikitang magkasama ang dalawa sa isang gym at sabay na ginawa ang kanilang workout routines.


Sa  ngayon ay talagang naghihinay-hinay lamang sina Kim Chiu at Paulo Avelino sa kanilang pagkilala sa isa't-isa gayunpaman, naniniwala ang marami sa kanilang mga tagahanga na mapapasaan rin at darating din ang panahon na aamin na ang dalawa sa kanilang pagmamahalan.


Subalit, hindi pa rin nawawala ang ilang mga agam-agam ng ilang mga tagahanga ni Kim Chiu na baka ay muli lamang na masaktan ang aktres dahil kilala na umano itong si Paulo Avelino na magaling na magpaasa kagaya na lamang sa ginawa nito noon kay Janine Gutierrez,


Hiling nila na sana sa pagkakataong ito ay magseryoso na si Paulo Avelino kay Kim Chiu at huwag itong magbigay ng mga false hope para sa aktres na kamakailan lamang ay nakaramdam ng matinding pagkabigo dahil sa hiwalayan nila ng kanyang boyfriend sa loob ng 12 years na si Xian Lim.




Lie Reposposa Naglabas Ng Sama Ng Loob Sa Kanyang Ina

Walang komento


 Ipinahayag ng aktres na si Lie Reposposa ang kanyang mga disappointment online matapos siyang makatanggap ng mensahe mula sa kanilang kapitbahay, na nagpaalala sa kanya na suportahan ang kanyang pamilya.


Sa isang komento sa post ni Lie Reposposa, sinabi sa kanya ng kapitbahay na si Marecar Santos na ang kanyang pamilya ay nahihirapang bumili ng pagkain para sa kanilang sarili araw-araw habang siya ay komportableng naninirahan sa lungsod kasama ang kanyang boyfriend na foreigner.


“Hoy! tulungan mo mama mo magabayad sa mga utang niya at sa tubig sa kuryente, wag pasarap jan sa kwarto mo magbigay ka naman ng pagkain sa mga kapatid mo tuyo at mantika lang ulam nila ikaw pa makdo- makdo at Jolibee kapa, kapatid mo at panay lawoy lang ulam nila wala pang subak,” pahayag ng kanilang kapitbahay.


Bilang sagot sa komentong ito, naglabas ng mahabang post si Lie Reposposa tungkol sa kanyang mga paghihirap bilang breadwinner ng kanilang pamilya, kung saan isiniwalat niya na pitong tao ang kanyang sinuportahan.


Gayunpaman, sa halip na magpasalamat, hindi maitago ni Lie Reposposa ang kanyang lungkot at pagkadismaya na pinag-uusapan pa rin siya ng kanyang pamilya sa kanyang likuran at sinisiraan siya sa kanilang mga kapitbahay kapag nagkulang ng kunti ang kanyang naibibigay.


Naniniwala rin siya na mismo ang kanyang ina ang nagsabi sa kanilang kapitbahay tungkol sa kawalan umano niya ng suporta sa mga ito sa kabila ng kanyang mga sakripsyo para sa kanilang pamilya.


“Gusto ko lang mag labas ng sama ng loob hindi ko alam kung tama or mali ba tong gagawin ko pero sobra na as a bread winner nakakapagod din noong una gusto ko lang naman tumulong hanggang sa naging obligation ko na lahat 1 lang ako pero 7 yong dapat bubuhayin ko ang masakit pa para sa akin tinulongan ko naman sila pero pag hindi ko nabigay ang gusto nila nagiging masama na ako kasalanan ko pa sariling mama ko pa mag chichismis sakin sa mga kumare niya syempre nasasaktan din ako,” paghihinakit ni Lie Reposposa.


Iginiit pa ni Lie na ayaw na sana niyang mabuksan sa publiko ang isyu na may kinalaman ang kanyang pamilya subalit wala na siyang magagawa dahil sinisiraan na siya ng labis ng mga ito.





Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo