Axel Cruz Binanatan Si Vice Ganda Dahil Sa Pagbawi Ng Apology

Walang komento

Miyerkules, Hunyo 5, 2024


 Naglabas na ng pahayag ang Expecially For You searchee na si Axel sa pagbawi ni Vice Ganda sa kanyang apology matapos ang pag-amin umano sa kanila ni Christine na totoong nakaramdam siya ng pagka-off dahil sa inakalang pagnanakaw niya ng halik.


Ikinagulat ng maraming mga netizens at maging ng mga madlang pipol ang pagbawi ni Vice Ganda sa kanyang inilabas na public apology para kay Axel sa pamamagitan ng isang tweet noong June 2, 2024.


Matatandaan na humingi ng paumanhin si Vice Ganda kay Axel dahil napagsalitaan niya ito dahil sa nakita niyang tila bigla na lamang sinunggaban nito ng halik ang kanilang guest at searcher na si Christine.


Nauna rito ang paglabas ng pahayag si Axel at iginiit na wala naman sa plano niya na halikan si Christine dahil nakipag-high five lamang umano siya rito at nakipag-bro code. Ang tanging intensyon lamang umano niya kaya hinala niya ang kamay ng babae ay nais niyang pagdikitin ang kanilang mga balikat.


Sa kabila nito, inamin naman ni Axel na talagang may pagkakamali rin siya dahil hindi niya ipinarating kay Christine ang nais niyang gawin. Subalit, pinagdidiinan niya na wala sa kanyang intensyon na mambastos ng babae.


Naglabas rin ng video si Christine kung saan ipinagtanggol niya si Axel sa mga taong nambabatikos rito matapos ang insidente sa It's Showtime. Marami kasi ang mga nanghuhusga kay Axel at kung ano-ano na lamang ang tinatawag rito lalo na ang mga tagahanga ni Vice Ganda.


Kaagad rin namang humingi ng paumanhin si Vice Ganda dahil napag-isipan niya ng masama si Axel sa nangyari dahilan para ito naman ang batikosin ng mga netizens dahil sa pag-iisip ng masama kay Axel gayung wala naman pala itong intensyon na bastusin si Christine.


Samantala, labis namang nagulat ang marami nang bawiin ni Vice Ganda ang kanyang naging tweet at nanindigan itong walang masama sa kanyang ginawa kay Axel dahil ginawa lamang niya ang kanyang responsibilidad. Isa pa, nagkausap na rin umano sila ni Christine kung saan inamin nito ang totoong naramdaman ng biglang lumapit sa kanya si Axel.


Inamin umano ni Christine na talagang na-off ito sa ginawa ni Axel subalit, pinili nitong magsinungaling sa publiko noong una dahil sa isang mabigat na dahilan na hindi na isiniwalat ni Vice Ganda.


Maging ang ilang mga It's Showtime host ay nagbigay rin ng pahayag kung saan makikita umano sa kanilang anggulo na talagang iba ang intensyon ni Axel.


Sa kabilang banda, nagbigay na rin umano ng pahayag si Axel kung saan sinabi niyang napaka-unfair ni Vice Ganda dahil nagalit ito sa kanyang gayung man hug lang naman ang balak niyang gawin nila ni Christine subalit sa ibang searche na bumeso sa searcher ay ok lamang ang mga ito at nagpakita pa ng kilig.


Tinitingnan ngayon ni Axel na dahilan kung bakit ganoon na lamang ang reaksyon nina Vice Ganda dahil hindi naman siya kapogian katulad ng mga naunang searchee.


Nagtataka rin umano ito kung bakit bigla na lamang na binawi ni Christine ang naging pahayag sa video at kumampi na rin ito kay Vice Ganda.


Samantala, may ilang mga netizens ang naghinala na baka ay nasulsulan na umano ni Vice Ganda si Christine kaya bigla na lamang nitong sinabing nabastusan siya sa ginawa ni Axel.



Sarah Lahbati Nakakaiyak Ang Inamin Tungkol Sa Set-up Niya Sa Pag-Aalaga Sa Mga Anak!

Walang komento


 Sa kabila ng mga pinagdadadaanan ng actress-model na si Sarah Lahbati at sa kabila ng pagiging abala niya sa kanyang mga projects ay hindi pa rin niya kinakalimutan na bigyan ng sapat na oras at atensyon ang kanyang mga anak.


Sa kamakailang Instagram post ni Sarah Lahbati inamin ng aktres na minsan ay pumapasok sa kanyang isip ang hirap ng pinagdadaanan niya ngayon at kung paano niya ibabalanse ang kanyang oras sa kanyang mga anak at trabaho ngayong naghiwalay na sila ng kanyang mister na si Richard Gutierrez.


Gayunpaman iginiit ni Sarah Lahbati na masaya siyang nakakasama niya ang kanyang mga anak at very blessed din siya na siya ang naging ina ng mga ito.


"sometimes i wonder how i will manage everything, how i will balance it all, but then i am reminded of how lucky i am to be your mom.


"life is like a wave, and i should just ride it… i feel blessed to watch both of you grow up into kind young boys. life isn’t perfect, but we are truly blessed, and my heart is full," caption ni Sarah Lahbati sa kanyang post kung saan makikita ang bonding moments nila ng kanyang mga anak.


Kaagad naman itong umani ng samu't-saring komento mula sa mga netizens at mga tagasuporta ni Sarah Lahbati. Marami ang napahanga sa aktres sa ipinakita niyang katatagan sa kabila ng pagiging single mom niya ngayong naghiwalay na sila ng kanyang mister na si Richard Gutierrez.


Ipinahayag naman ng marami na kahit ganoon ang kinahihinatnan ng kanilang relasyon ni Richard Gutierrez ay very blessed pa rin si Sarah dahil sa pagkakaroon niya ng mga anak at hindi rin siya iniwan ng mga tapng totoong nagmamahal sa kanya kagaya na lamang ng kanyang mga magulang at kaibigan.


"Always try to be the BEST MOM that you can be, you’re little men will always be proud of how you stood for them. Keep slaying Sarah. You are loved."


"Ang Saya NG mga anak MO mommy pag ikaw ang kasama kapag ikaw ang kasama completo na sila ❤️napaka buti mong Ina "


"You are a strong woman you don't play victim,you don't point fingers even if they want you down.You stand and you deal it with class and elegance"


Heart Evangelista Sumumpa Bilang Presidente Ng Senate Spouse Foundation

Walang komento


 Sumumpa ang fashion-icon at Kapuso actress na si Heart Evangelista nitong June 5, 2024 bilang bagong Pangulo ng Senate Spouses Foundation kasama ang iba pang opisyal na kinabibilangan ng iba pang mga asawa ng mga nakaupong senador.


Ang naganap na oath taking ay isang makabuluhang okasyon na ginanap sa harap ng mga prominenteng personalidad sa Senate Building.


Si Heart Evangelista ang pumalit kay Audrey Tan-Zubiri sa pamumuno ng nasabing organisasyon matapos ang pagreresign ni Senate President Juan Miguel Zubiri bilang Senate President nitong nakaraang buwan ng Mayo.


Sa kaparehong araw, kaagad na nanumpa bilang bagong Senate President ang mister ni Heart Evangelista na si Senator Francis Escudero.


Kabilang sa mga nanumpang opisyales sa Senate Spouses Foundation sina Kathryn Pimentel bilang Vice President, Neil Llamanzares bilang Assistant Secretary, Treasurer Representative naman si Lani Revilla at Legal counsel si Emmeline Villar.


Kaagad namang ibinahagi ni Heart Evangelista ang kanyang panunumpa kalakip ang kanyang pagiging grateful sa pagtitiwala sa kanya.


"I am so honored to stand before everyone of you today as the new President of the Senate Spouses Foundation Inc. As I stand side by side with these men and women - my fellow spouses and officials who were involved in SSFI long before me, I could not help but be grateful for welcoming and supporting me in this challenging journey ahead. 


"As I have said during our very first meeting, l am ready to honor the challenge of working together to find ways to uplift our people and our communities.♥️


"The legacies left by all the ladies before me, a treasure of stories and testaments of service to the nation is something that encourages me to continue what they have started - to make a difference and to inspire not only SSFl members but also individuals and groups who have the power to do something in improving the lives of people around us.♥️


"With your support, fellow spouses, SSFI support staff, the Senate community and of course of Senate President Chiz, I am bravely taking on these duties. It is inspiring to see what we can accomplish and what kind of changes we can all make together. ♥️Maraming salamat po."


Kaagad namang umani ng samu't-saring reaksyon mula sa mga netizens ang panunumpang ito ni Heart Evangelista.


"Even before, you were already very helpful to our kababayan, especially during the pandemic. You helped more than 200 families and gave more than 500 tablets to students. We are excited that you can help and serve more of our people. Congrats, Madam Heart!"


"Apaka husay @iamhearte such an inspirations to many people!! Hard working"



Krishnah Gravidez Nag Withdraw Sa Miss Charm Philippines 2024

Walang komento


 Inanunsyo ni Miss Charm Philippines 2023 na si Krishnah Marie Gravidez noong linggo, June 2, 2004 na tatalikuran na niya ang kanyang puwesto sa Miss Charm International pageant.


“After much consideration and reflection, I regret to inform you that I have decided to withdraw from the Miss Charm International competition,” pagpapahayag ni Krishnah Marie Gravidez sa kanyang Instagram post. 


Tinanghal bilang Miss Charm Philippines 2023 si Krishnah Marie Gravidez ang beauty queen mula sa Baguio noong May 2023 matapos mapabilang  sa Top 5 ng Miss Universe Philippines 2023 competition. 


Kung saan si Michelle Dee na representative ng Makati ang kinoronahan bilang Miss Universe Philippines, habang si Pauline Amelinckx ng Bohol ay idineklara bilang Miss Supranational Philippines 2023.


Nag-succeed si Krishnah Marie Gravidez kay Annabelle McDonnell, na nagtapos bilang first runner-up sa Miss Charm 2022 competition na ginanap noong February 2023. 


Gayunpaman, wala pang detalye tungkol sa susunod na edisyon ng Miss Charm pageant hanggang sa ngayon.


Hindi naman isiniwalat ni Krishnah Marie Gravidez ang totoong dahilan kung bakit siya nagresign sa bilang Miss Charm Philippines 2023 sinabi naman ni Krishnah Marie Gravidez na palagi niyang isi-cherish ang mga memories at lessons na natutunan niya sa buong duration ng kanyang pagiging Miss Charm Philippines 2023.


Nagpapasalamat rin siya sa kanyang ng experiences at friendships na nakuha niya along the way sa kanyang journey sa pageant.


Pinasalamatan rin ni Krishnah Marie ang kanyang mga supporters na patuloy na sumusuporta sa kanyang journey sa pageant industry.


Hindi man sinabi ni Krishnah Marie kung ano ang gagawin niya sa hinaharap ay nagbigay siya ng clue na sisimulan niya ang new chapter sa kanyang buhay.


Kaagad naman na nagparating ng pagsuporta ang kanyang mga kapwa beauty queen kabilang na sina Michelle Dee at Pauline Amelinckx.



Kapatid Ni Christine Nagsalita Na Sa Paglaglag Ni Vice Ganda, Iyak Siya Ng Iyak!

Walang komento


 Tila patindi na nang patindi ang isyung kinasasangkutan ng mga It's Showtime hosts sa pangunguna ni Vice Ganda sa naging pag-call out nila sa isang searche na si Axel base sa nakita nilang pagtatangka nito na magnakaw ng halik sa searcher na si Christine.


Matatandaan na hindi nagustuhan ng ilang mga It's Showtime ang ginawang paglapit ni Axel kay Christine dahil sa palagay nila ay magnanakaw ito ng halik sa babae at halata umano sa body language ni Christine na hindi nito nagustuhan ang ginawa ni Axel sa kanya.


Subalit, ilang araw matapos ang episode na ito ng It's Showtime, ay naglabas ng video si Christine sakanyang TikTok account kung saan iginiit niyang walang ginawang masama si Axel at hindi rin umano nito intensyon na halikan siya dahil brotherly hug lamang umano ang pakay nito sa kanya kaya ito lumapit ng husto.


Kasunod nito, naglabas rin ng tweet si Vice Ganda kung saan nagpublic apology siya kay Axel dahil hindi naman pala na-off si Christine at namali lamang sila sa pag-assess ng sitwasyon.


Subalit, nitong Martes June 4, 2024, bago magtapos ang airing ng It's Showtime, muling nagbigay ng public statement si Vice Ganda kung saan binawi niya ang public apology niya kay Axel dahil muli umano nilang nakausap si Christine kung saan inamin nito na totoong na-off siya sa ginawa ni Axel.


Dahil dito, iginiit ni Vice Ganda na wala siyang dapat na ihingi ng tawad kay Axel dahil wala namang mali sa kanilang ginawa at nag-react lamang sila batay sa nakikita nila.


Tama rin naman umano ang kanilang ginawa dahil pinoprotekhan lamang niya si Christine.


Maging si Axel ay nakausap na rin umano nina Vice Ganda kung saan sinabi nitong naiintindihan niya ang nangyari at may napulot na leksyon upang maiwasan na ang pangyayari sa susunod.


Sa kabilang banda, lalong naging masalimoot ang isyung ito nang kumalat ang video kung saa makikitang umiiyak si Christine habang kausap ang staff ng It's Showtime at sinasabing ginagawa siyang sinungaling ng mga ito dahil matapos niyang sabihin sa isang video na hindi siya na off ay sinabi naman niya sa It's Showtime na talagang hindi niya nagustuhan ang nangyari.


Umani ito ng samu't-saring komento ang nasabing kwento at naging hati na ang opinyon ng mga netizens, may mga kumampi sa It's Showtime at sinabing ginawa lamang nito ang kanilang responsibilidad sa kanilang mga guests subalit may mga nagsasabi rin na kaya kinall-out ni Vice Ganda si Axel dahil hindi naman ito pogi.


Nagbigay na rin ng pahayag ang kapatid ni Christine kung saan ipinakita nito ang video ng kanyang kapatid na maririnig pa ang pakikipag-usap nito sa staff ng It's Showtime. Hindi nagustuhan ng kapatid ni Christine ang panlalaglag ni Vice Ganda sa kanyang kapatid dahilan para mabaling rito ang galit ng mga netizens.



Anak Ni Sharon Cuneta Na Si Miel Pangilinan May Matinding Mensahe Sa Mga Nanlalait Sa Kanyang Pangangatawan

Walang komento


 Naglabas ng hinanakit ang isa sa mga anak ni Sharon Cuneta at dating senador na si Kiko Pangilinan sa pamamagitan ng isang video na ibinahagi nito sa kanyang TikTok account matapos makatanggap ng pambabatikos mula sa ilang mga netizens na hindi nagustuhan ang kanyang sexual identification.


Bukod pa rito nakatatanggap rin si Miel Pangilinan ng mga negatibong komento dahil sa kanyang timbang, hugis ng katawan at paghihitsura.


Kamakailan lamang ay ibinahagi ni Sharon Cuneta sa kanyang Instagram account ang ilang mga larawan nila ng kanyang anak na si Miel Pangilinan na kuha sa kanilang pagbabakasyon sa Japan.


Pahayag ni Sharon Cuneta sa caption ng kanyang post, marami pa umano silang mga larawan sa pagbabakasyon nila sa Italy subalit uunahin niya munang ibahagi ang mga larawan nila sa Japan.


Makikita sa mga ibinahaging larawan ni Sharon Cuneta ang pagkain nila ni Miel sa Muji Diner ang mga sumunod na larawan naman ay kinunan naman umano sa Ginza.


Sa halip na papuri ang matanggap ng mag-ina sa pagbabakasyon nila sa iba't-ibang magagandang lugar, pagpipintas sa kanilang sizes ang natanggap nila sa mga netizens lalong lalo na sa size ni Miel.


Unang napansin ng mga netizens ang kilay at mata ni Sharon Cuneta sa mga pictures na ibinahagi nila. Sinundan naman ito ng mga katakot takot na pamumuna sa pangangatawan ni Miel Pangilinan.


Pinuna ng maraming mga netizens ang labis na pagpayat ng anak ni Sharon Cuneta na tila naging obese na at prone sa maraming sakit. May mga nangaral din kay Sharon Cuneta dahil tila pinapapabayaan umano nito si Miel gayung responsibilidad naman ng isang ina na alagaan ang mga ito at ilayo samga sakit.


Nakarating naman kay Miel ang lahat ng mga natatanggap niyang mga negatibong komento mula sa mga netizens kaya naman sa isang video nagpahayag na siya ng kanyang reaksyon rito at ang kanyang sama ng loob sa lahat ng mga taong nagsasabing sayang ang genes ni Sharon Cuneta na napunta sa kanya.


Ayon kay Miel Pangilinan, hindi na niya alam kung saan siya dapat na lumugar dahil kung may sasabihin siya laban sa mga taong nambabatikos sa kanya ay may masasabi pa rin sa kanya ang ibang tao kung saan tatawagin siya bilang isang sensitive person.



82 Years Old Na Tatay Ni Nino Muhlach May Ka-Relasyo Na 30 Years Old Lang, Nino Muhlach Nagreact!

Walang komento


 Ipinakilala ng ama ng “Child Wonder of the Philippines” na si Niño Muhlach, ang kanyang girlfriend, na 52 taong mas bata sa kanya.


Laman ng mga usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang ama Niño Muhlach na si Alex Muhlach matapos nitong aminin ang pagkakaroon ng girlfriend na mas bata sa kanya ng 52.


Sa ngayon ay nasa 82 years old na si Alex Muhlach habang ang kanyang girlfriend na si Mae ay 30 years old pa lamang. 


Sa kamakailang panayam kay Alex Muhlach ipinakilala na niya sa publiko si Mae na girlfriend na niya sa loob ng sampung taon.


“Ten years na kami ni Mae at 52 years lang ang agwat ng aming edad,” pag-amin ni Alex.


Kaagad namang umani ng samu't-saring reaksyon mula sa mga netizens ang pag-amin na ito ni Alex Muhlach. Marami ang napapatanong kung ano ang reaksyon ng anak nito na si Niño Muhlach sa relasyon ng kanyang ama sa babaeng mas bata rin kaysa kanya.


Sa isang panayam sa Fast Talk with Boy Abunda kay Niño Muhlach hindi nagdamot ang dating tinaguriang 'Child Wonder of the Philippines na magbigay ng pahayag patungkol sa pakikipagrelasyon ng kanyang ama sa mas batang babae.


Ayon kay Niño Muhlach, suportado niya ang pakikipagrelasyon ng kanyang ama kay Mae sa kabila ng malaking age gap ng mga ito.


Isiniwalat pa nito na talagang humahanga siya kay Mae sa kung paano nito alagaan ang kanyang ama at nakikita rin naman umano niya na talagang masaya ang kanyang ama sa relasyon nila ni Mae.


Bilib rin umano siya kay Mae dahil pinili nito na isakripisyo ang mga opportunities na dumating sa buhay nito para lamang alagaan ang kanyang ama.


“She gave her best years of her life para alagaan si Papa. Yung prime years ng buhay niya, she gave it up para kay Papa. They’ve been together since she was 20,” pahayag ng dating child actor.


Hindi raw niya kokontrahin ang kanyang ama dahil nakikita naman niyang tuwang-tuwa ito kay Mae.


Nagpasalamat din si Niño Muhlach sa kanyang ama sa pagiging matalino nito sa paggastos ng perang kinita niya bilang child actor noon.


Dahil sa pagsisikap ng kanyang ama, namumuhay pa rin umano sila nang maginhawa, salamat sa mga pamumuhunan na ginawa nito.


Ang kanilang pamilya ay nagmamay-ari ng mga commercial building, apartment, at ilang mga bakery branches.





Vice Ganda Binawi Ang Pag-Sorry Kay Axel Ng Expecially for You

Walang komento

Martes, Hunyo 4, 2024


 Binawi ng Unkabogable star at main host ng It's Showtime na si Vice Ganda kanyang inilabas na public apology para sa isang searchee sa segment ng Expecially For You matapos nila itong i-call out noong May 31, 2024.


Nitong June 4, 2024 bago magtapos ang It's Showtime, hayagang sinabi ni Vice Ganda na binabawi na niya ang kanyang tweet na humihingi siya ng paumanhin kay Axel dahil naniniwala umano siyang hindi naman niya kailangang mag-apologize dahil wala namang mali sa kanyang ginawa.


Nag-ugat ang isyung ito ng sawayin ni Vice Ganda ang isang searchee sa It's Showtime sa segment nilang Expecially For You dahil nagtangka itong besohan ang isang searcher.


Pinangaralan ni Vice Ganda ang searcher na si Axel na dapat ay humingi muna na pahintulot mula sa searcher na si Christine o kahit na sinong babae dahil pwede umano siya nitong idemanda dahil sa ginawa.


Kaagad namang kumalat sa iba't-ibang mga social media platforms ang nasabing video dahilan para mabatikos ang ilang mga It's Showtime hosts na sinaway si Axel particular na si Vice Ganda.


Naniniwala kasi ang ilang mga netizens na sinadya ni Vice Ganda na ipahiya ang nasabing searchee, na nakakatanggap na rin ng mga negatibong komento at nahihiya na rin sa nangyari.


Marami pa ang nagsasabi na dahil hindi kagwapuhan si Axel kaya ito ginawa ni Vice Ganda dahil kung titingnan ay hindi naman magnanakaw ng halik si Axel.


Nakadagdag pa rito, ang inilabas na TikTok video ng searcher na si Christine kung saan ipinagtanggol niya si Axel at sinabing hindi naman ito nagtangka na halikan siya.


Dahil dito, naglabas si Vice Ganda ng isang public apology para kay Axel sa pamamagitan ng kanyang tweet.


Subalit, tila nagbago ang ihip ng hangin dahil nitong June 4, bago magtapos ang episode ng It's Showtime ay nagbigay ng pahayag si Vice Ganda kung saan nanindigan siya na walang mali sa kanilang pag-call out kay Axel kaya naman hindi dapat na humingi siya ng paumanhin rito.


Ayon kay Vice Ganda sinaway nila si Axel dahil may nakita silang mali sa ginawa nito at napansin rin nila ang ikinilos ni Christine.


Inilahad rin ni Vice Ganda na nagkaroon silang ng pag-uusap kasama ang mga hosts, unit heads, producers at psychologists ng It's Showtime patungkol sa nangyari.



Nagkausap rin umano silang muli nina Christine at Axel kung saan inamin ni Christine na totoong na-off siya sa ikinilos ni Axel habang naka-live sila on national TV.


Kaya naman binabawi ni Vice Ganda ang kanyang paghingi ng paumanhin.


Isiniwalat rin ni Vice Ganda na may matinding dahilan si Christine kung bakit ito naglabas ng TikTok video kung saan ipinatanggol nito si Axel na pinili nina Vice Ganda na huwag nang sabihin sa publiko.


Ayon naman kay Vice Ganda, na naiintindihan rin naman ni Axel ang nangyari at kinapupulutan pa niya ito ng aral, para sa susunod ay maiwasan na ang ganitong uri ng pagkakamali.


Iginiit din ni Vice Ganda na ginawa lamang niya ang kanyang responsibilidad bilang main host ng show dahil kumg magpapabaya siya ay siya rin ang mapapahamak sa huli dahil mayroon ding mag-cacall out sa kanya dahil pinabayaan niya ang nangyari.


Sa huli hiniling ni Vice Ganda na huwag nang batikusin pa sina Christine at Axel sa nangyari. 



Barbie Imperial Hindi Naniniwala Sa Second Chances!

Walang komento


 Ibinahagi ng aktres na si Barbie Imperial na hindi siya naniniwala sa second chances sa pagitan ng dalawang dating magkarelasyon.


Sa isang panayam kay Barbie Imperial, naitanong sa kanya kung naniniwala siya sa kasabihang, "Love is lovelier the second time around."


Gayunpaman, ipinaliwanag ng aktres na hindi siya naniniwala sa pagbabalikan ng isang dating magkasintahan, dahil nagkaroon na sila ng pagkakataon na ayusin ito habang sila ay nasa isang relasyon pa bago ang hiwalayan.


“Based on experience, wala naman akong binalikan ever na ex. Dun na lang tayo sa experience na parang hindi na. Kasi nung time na yun na magkasama kami, sana yun na yung time na okay lahat. Na dun gagawin kung anuman ipu-prove ganito-ganyan. Parang you had your shot.” 


“I mean, Lord, please guide me. Sana wala na talaga!” pahayag ni Barbie Imperial.


Iginiit pa niya na hindi mangyayari ang isang breakup kung talagang handa silang ayusin ang kanilang relasyon at pag-usapan ng maayos ang kung anong hindi nila napagkasunduan.


“That’s why maganda nga na good breakup talaga. As if nag-away na kayo, siraan, ganito, ganyan, parang ang hirap magkabalikan talaga.


“Pero yun nga, ulitin ko lang answer ko. For me, nandun ka na, e, sa time na magkasama tayo, sana dun mo ginawa. If wala na, if big reason na ng paghiwalay namin, mahirap kasi sa akin na tanggapin yung mga bagay na nangyari,” paglilinaw ni Barbie Imperial.


 Sa ngayon ay nai-uugnay si Barbie Imperial kay Richard Gutierrez, na kamakailan lamang ay nakipaghiwalay sa kanyang asawa na si Sarah Lahbati.


Hindi naman naisiwalat ng dalawa ang dahilan kung bakit pinili nilang tapusin ang kanilang pagsasama sa kabila ng pagkakaroon ng mga anak.


Sa kabilang banda, hindi pa naman kinumpirma ni Barbie Imperial ang mga tsismis tungkol sa kanya at sa Kapamilya actor.



Daniel Padilla Naghahanap Ng Bagong Leading Lady

Walang komento


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang aktor na si Daniel Padilla kahit wala pa naman siyang big projects na ginagawa at dinadaluhang mga events.


Nakakuha ng atensyon mula sa maraming mga netizens ang aktor na si Daniel Padilla sa mga pagsasama nito sa kanyang mga non-showbiz friends na mag-chill sa mga bar.


Kamakailan lamang ay talagang pinagkakaguluhan ang aktor sa isang bar ng mga taong gumigimik roon dahil sa ginawa nitong pakikipagjamming sa kanyang mga tagahanga na humihingi ng larawan sa kanya.


Taliwas sa mga kumakalat na balita noon ng pagiging suplado ni Daniel Padilla sa kanyang mga fans ipinakita ng aktor na hindi siya namimili ng papansinin mapa-babae man o lalake.


Ayon sa mga taong naroroon, pinupuri nila si Daniel Padilla dahil sa pagiging accommodating nito sa kanyang mga tagahanga gayung naroon lamang rin ang aktor para makasama ang mga kaibigan at mag-chill.


Subalit, pinagbibigyan umano nito ang mga fans na humihiling ng selfies at mismong aktor pa ang lumalapit sa table para makakuha ng mga larawan ang kanyang fans.


Kung titingnan ay tila naka-move on na rin ang aktor sa nangyaring hiwalayan nila ng kanyang longtime girlfriend na si Kathryn Bernardo maging ang kanilang mga fans at tila naka-move on na rin dahil walang niisa man lamang sa mga tao roon ang nagtanong patungkol sa aktres talagang inienjoy lamang nila ang presensya ni Daniel Padilla.


Tila nasasanay na rin ang maraming mga fans na hindi na maaring pagdikitin pa ang mga pangalan ng dalawa dahil nagtapos na ang chapter na kanilang pagsasamahan sa kanilang mga buhay ngayon.


Sa ngayon ay pareho na silang masaya sa mga landas na pinili nila malayo sa isa't-isa at magpatuloy sa kanilang mga buhay nang hindi na sila magkasama.


Sa kabila nito, hiling ng mga taong nagmamahal sa kanila na sana ay magtagumpay pa rin ang dalawa kahit hindi na sila magkasama pa sa pag-abot ng kanilang mga pangarap.


Sa ngayon ay patuloy na naghihintay ang maraming tagahanga ni Daniel Padilla kung sino ang magiging katambal nito sa kanyang mga upcoming projects.




Netizen Nagulat Sa New Look Ni Kim Chiu Napaghahalataang Inlove

Walang komento


 Muling pinahanga ng akters na si Kim Chiu ang kanyang mga tagasuporta at mga netizens sa kanyang timeless beauty na tila hindi umano tumatanda.


Pinag-uusapan ngayon ng ilang mga fans at netizens ang bagong look ni Kim Chiu na nagpapatunay kung gaano ito kaganda na hindi mahahalatang tumatanda na ito dahil habang tumatagal ay paganda ng paganda ang aktres.


Kamakailan lamang ay nagbahagi ng video ang aktres sa kanyang Instagram account kung saan ibinida niya ang kanyang bagong hairstyle na mayroong bangs.


"The secret is out!!!!💣🔥🖤 introducing my twin STELLA!!!😜🤣 born and raised sa f**m! Charot!!!😅" caption niya sa kanyang post.


Kaagad namang bumuhos ang mga komento ng papuri para kay Kim Chiu mula sa mga netizens at maging sa mga kapwa celebrities ni Kim Chiu. Kabilang na rito ang kabogera, singer, actress na si Maymay Entrata na nagpahayag kung gaano kaganda ngayon si Kim Chiu.


Komento naman ng ilang mga netizen na habang tumatagal ay tila paganda ng paganda umano itong si Kim Chiu at nagiging younger looking na rin.


May mga nagsasabi naman na ito ang isang indikasyon na nakapag-move on na si Kim Chiu sa nangyaring heart break kay Xian Lim dahil blooming na ulit ito.


Ayon pa sa ilang mga netizens na napaghahalataang inlove umano ngayon ang aktres at napakasaya sa kanyang buhay pag-ibig.


May mga nang-intriga naman at nagsasabing ganito talaga ang nangyayari sa isang babae kapag nakalaya sa isang toxic relationship at nahanap na ang tamang tao para sa kanya kagaya na lamang umano sa isa pang super blooming aktres ngayon na walang iba kundi si Kathryn Bernardo matapos makalaya sa sinasabing toxic relationship nila ng aktor na si Daniel Padilla.


Katotohanan Sa Sikretong Relasyon Ni Piolo Pascual at Shaina Magdayao

Walang komento


 Isa sina Piolo Pascual at Shaina Magdayao sa mga pinag-uusapan ng netizens nitong mga nakaraang araw dahil sa napapabalitang pag-iibigan nila ilang taon na rin ang nakakalipas.


Nagsimula ang tsismis nang i-share ng isang netizen ang larawan nina Piolo Pascual at Shaina Magdayao habang nagbabakasyon sila sa Bohol kasama ang iba pang celebrities tulad ni Raymart Santiago.


May mga netizen pa nga ang nag-isip na may anak na sina Piolo Pascual at Shaina Magdayao dahil napapabalita rin noon ang pagdadalang-tao ng aktres, pero nilinaw ng aktor na walang katotohanan ang mga tsismis na patungkol sa kanilang dalawa ni Shaina.


“Sabi ko, di ko kayo nasabihan. Sini-secret talaga namin, e. Ha-hahaha! Know for yourself, ‘di ba? Buti pa kayo alam,” natatawang pahayag ni Piolo Pascual.


Nang maitanong kay Piolo Pascual ang totoong relasyon nilang dalawa ni Shaina Magdayao, inilahad niya napakalapit nila sa isa't-isa. Matagal na rin umano ang kanilang pagkakaibigan dahil noong child star pa lamang si Shaina ay palagi na niya umano itong nakikita.


“No, we’re good friends. Shaina and I are friends for so long since we were kids. Kasi child star pa lang nakikita ko na,’di ba?”


Dagdag pa ni Piolo Pascual na maganda ang relasyon nila ni Shaina Magdayao at ibinahagi rin niya kung gaano ito ka professional pagdating sa trabaho.


“We have a good relationship, I could say, and once we are in front of the camera, we are professional. Shaina Magdayao, take one ‘yan.”



Gayunpaman sa kabila ng paglilinaw na ito ni Piolo Pascual, hindi pa rin kumbinsido ang ilang mga netizens na magkaibigan lang sila ni Shaina Magdayao.


Dahil talagang naiiba raw ang kuwento ng mga gesture nila sa isa't isa.


Matatandaan na noong pang 2012 napabalitang nagde-date sina Shaina Magdayao at Piolo Pascual, ngunit palagi nilang pinabubulaanan ang isyu.


Kaya naman inilarawan na lamang ng ilang entertainment writers ang kanilang relasyon bilang 'no label.'




Grabe Ganito Ginawa Kina Kim Chiu at Paulo Avelino KimPau Sa Brilliant ni Miss Glenda

Walang komento


 Marami sa mga tagahanga at tagasuporta ng KimPau ang nag-abang kung ano ang magaganap sa Hello Melo launching ni Kim Chiu bilang pagkilala sa kanya bilang bagong endorser ng Brillant Skin.


Talagang inabangan ng maraming mga netizens ang pagrereveal ng CEO ng Brilliant Skin na si Ms. Glenda Dela Cruz kung sino ang kanilang tinutukoy na 'K' bilang bagong endorser ng brilliant skin na makakasama ni 'P' para mabuo ang isang loveteam.


Marami naman ang naghinala at naniwalang ang tinutukoy na K ni Miss Glenda ay walang iba kundi si Kim Chiu dahil mahahalata naman sa hubog ng katawan nito sa larawang ipinakita at hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na isa ang tambalang KimPau sa mga pinag-uusapan ngayong loveteam sa showbiz industry.


Labis namang ikinatuwa ng maraming fans nang tuluyan nang kinumpirma ni Miss Glenda Dela Cruz na talagang si Kim Chiu ang kanyang tinutukoy na bilang K.


Samantala, marami naman sa mga netizens at fans ng KimPau Tandem na magkakasama sa iisang stage sina Paulo Avelino at Kim Chiu sa naganap na launching ng Hello Melo ni Kim Chiu dahil tila nangako umano si Miss Glenda na pagsasamahin sina P at K upang mabuo ang isang loveteam.


Subalit, si Kim Chiu lamang ang umakyat sa stage na ikinadismaya ng ilang mga KimPau fans, hindi rin nagustuhan ng maraming mga fans ng KimPau ang pagpapabigay ng bulaklak kay Paulo Avelino kay Arci.


Binatikos rin ng maraming mga netizens si Miss Glenda dahil ang ibang mgaka-tandem ay pinagsama naman nito sa iisang stage noon subalit hindi umano nito ginawa sa KimPau.


Narito ang ilang komento ng mga netizens, sa nangyaring Hello Mellow launching ni Kim Chiu sa Brilliant Skin.


"Sobrang kaka disappoint hindi na nga pinag duet ang KimPau, yung flower binigay kay Pau para ibigay kay Arci, nanadya ka ba Miss Glenda? dapat si Kim yung binigyan ni Pau ng flower doon lang masaya na kaming KimPau fans, wag kang ano miss Glenda ha!!! obvious ka"


"hay naku may pagkaharot si Glenda at nasesense ni Pau kaya binara niya agad para hindi magilusyonpa, hindi naman makikilala ang babaeng yan kung hindi sa KimPau, malayong malayo siya kay Belo."




Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo