Naglabas na ng pahayag ang parish upang tugunan ang natatanggap nilang pambabatikos at katanungan mula sa mga netizens matapos mag-viral sa social media ang nangyaring kasal kung saan nadismaya ang mga netizens dahil hindi man lang hinintay ng pari ang bride na makapunta sa harap ng altar.
Noong Hunyo 10, 2024, naglabas na ng pahayag ang St. Andrew the Apostle Parish para ipaliwanag kung bakit itinuloy ang kasal sa orihinal nitong iskedyul nang hindi alam ng mag-asawang Jove Deo Sagario at Janine Seit Suelto-Sagario.
Matatandaang sinabi ng uploader ng video na akala nila ay na-reschedule ang kasal sa 9:30 A.M. mula sa orihinal nitong iskedyul na 8:00 A.M., na nagpapaliwanag kung bakit sila pumunta sa simbahan bandang 9:00 A.M.
Ayon pa sa kwento nito, mismong ninang ng ikakasal na nagtatrabaho sa kumbento ang nagsabi sa kanilang nareschedule ang kasal kaya kampante silang nagpunta ng 9:00 A.M sa simbahan.
Kaya naman labis ang pagkagulat nila nang mapagalitan sila dahil sa pagiging late dahil hindi naman umano nireschedule ang kasal.
Ang labis namang ikinadismaya ng marami ang ang ginawa ng pari kung saan nagsimula na ito sa misa kahit hindi pa nakakarating sa altar ang bride. Muntik pa itong matumba sa pagmamadali at sa hiya sa nangyari.
Kaagad namang binatikos ng maraming mga netizens ang simbahan maging ang pari dahil sa pagiging bastos umano nito. Hindi na lamang umano nito hinintay ang bride gayung hindi naman na ito magtatagal pa at ilang minuto lamang ay makakarating na sa altar.
Upang matugunan ang mga pambabatikos, naglabas ng pahayag ang St. Andrew Parish, na nagpapaliwanag na talagang hindi nila muling iniskedyul ang kasal at nakuha lamang ng mag-asawa ang impormasyon tungkol sa bagong iskedyul mula sa isa sa mga sponsor sa kasal.
Ipinaliwanag din nila kung bakit sinubukan nilang madaliin ang seremonya dahil sa busy schedule ng pari at may susunod pang funeral mass.
Narito ang buong pahayag ng St. Andrews Parish ng Amlan.
“She relayed this information in an unofficial capacity. This is unfortunate since there was no instruction at all from anyone in the Parish Office that there are changes in the schedule since there was a scheduled Funeral Mass at 9:30 a.m. of that same morning.
"Parish Office Staff believe that the lady sponsor may have misread the dates written on the bulletin which she perused the night before.”
“On June 8, 2024, instead of arriving for the 8:00 AM wedding Mass, the bride and the groom arrived at around 9:00 AM. Despite the fact that they were late by an hour, still our Assisting Priest celebrated the Mass out of charity to the couple.
"But he had to hurriedly make some adjustments, by starting when he saw the bride at the Church entrance, and after sending word to the bereaved family waiting outside the Church that there is going to be a delay in the Funeral Mass and to please wait until the wedding is over. On that day, there were ten other schedules to be served by the Priests. That is the truth about what happened from our side.”
Inako rin ng pari ang kanyang pagkakamali at humingi ng paumanhin sa bride at groom at maging sa mga pamilya ng mga ito na naoffend sa nangyari.
“OUR APOLOGY. However, we humbly admit the fact that along the way, there were statements made carried away by emotions. Hence, we express our sincere apology to the bride and the groom, to their respective families who were directly offended by the turn of these events, and to the people who have seen our humanity as Priests in a time when we were weakest of any possible control.
"We also apologize and express gratitude to the bereaved family who were made to wait for the wedding to be finished. Pope Francis reminds us that “Priests have to bring compassion and forgiveness in the daily grind of life like Jesus the Lord”.
"Yet, we also ask for your kind indulgence for the times we were short in meeting that call. In the midst of this unfortunate event, please pray for us as we struggle with our frailties. We pray for the peace of everyone concerned in this event. We hope that the Lord of love will bless our Community with the grace of unity and peace – always!”