Iwa Moto Nagreact Nang Inanunsyo Ni Jodi Sta. Maria Na Annulled Na Sila Ni Pampi Lacson

Walang komento

Miyerkules, Hunyo 12, 2024


 Nag-react si Iwa Motto, kasalukuyang partner ni Pampi Lacson, sa ibinahaging post na aktres na si Jodi Sta. Maria kung saan masaya niyang ibinahagi ang pagkaka-annulled ng kanilang kasal ng dating asawa na si Pampi Lacson.


Ipinahayag ni Iwa Motto na masaya siya para kay Jodi Sta. Maria ngayong granted na ng korte ang annulment ng kasal nito sa kasalukuyan niyang partner na si Pampi Lacson.


Sa kabila ng kanilang sitwasyon, naging matalik na magkaibigan sina Jodi Sta. Maria at Iwa Motto, maayos na rin naman ang relasyon sa pagitan nina Jodi Sta. Maria at Pampi Lacson.


Matatandaan na noong Linggo, June 9, 2024 kaagad na ibinahagi ni Jodi Sta. Maria sa kanyang mga Instagram followers na nagtapos na ang 13 years na paghihintay niya para mapawalang-bisa ang kasal nila ni Pampi.


Sa kanyang post, binalikan muli ng aktres ang hirap na kanyang pinagdaanan sa loob ng 13 years na nagdaan upang mapasapinal ang annulment nila ng dating asawa.


"Finally after 13 years of waiting, my petition for nullity of marriage has been granted by the Supreme Court," saad ni Jodi Sta. Maria.


"It was indeed a test of faith and trust -- FAITH in God’s promises and TRUST in God’s timing," dagdag pa niya.


Ibinahagi pa ni Jodi Sta. Maria ang kanyang naramdaman noon habang hindi pa sigurado kung maaprubahan ng korte ang kanilang annulment case.


"The time I spent in His waiting room was never easy nor was it comfortable. It was frustrating, discouraging, and even heartbreaking. I cried, prayed, questioned and complained. I made “tampo,” asked for forgiveness, prayed some more. I wanted to give up but He never let go of me.


"Looking back it was His grace that sustained and carried me. He had a purpose for the waiting. And that was made clear to me by the Lord.


"I know some of you might be in His waiting room. May I encourage you with this? “When the time is right, I, the Lord, will make it happen.” - Isaiah 60:22


"God is never in a hurry. He is never too late. Never too early. Believe He is able to do something about your situation. Trust He has a plan for you and that plan is even better than the one you have for yourself.


"And when God finally calls you out of the waiting room, don’t forget to thank Him and give Him all the glory."


Samantala, kaagad namang nagkomento rito si Iwa Motto kung saan inihayag nito na kailangan nilang i-celebrate ang nangyari, Na tinugunan rin ni Jodi Sta, Maria na hihintayin niya ang pagbabalik ng dalawa.


Maging ang iba pang mga celebrities ay nagbigay rin ng congratulatory message para kay Jodi Sta. Maria na sa wakas ay nakalaya na sa kasal nila ni Pampi matapos ang mahabang panahon.


Albie CasiñO Emosyunal Nang First Time Makita at Makarga Ang Kanyang Anak Sa America

Walang komento


 Marami sa mga netizens ang nagulat sa actor na si Albie Casino matapos niyang ibahagi sa kanyang mga social media followers ang unang pagkikita nila ng kanyang anak.


Nitong gabi ng martes, June 11, 2024 inupload ng actor ang video kung saan makikita ang ang pagdatiung ni Albie sa San Francisco International Airport.


Makikita naman na masaya siyang sinalubong ng kanyang mag-ina. Hindi naman naitago ni Albie Casino ang kanyang pagkasabik sa kanyang partner dahil hinalikan niya kaagad ang kanyang non-showbiz partner na si  Michelina habang karga-karga nito ang kanilang baby boy na pinangalanan nilang Roman Andrew.


Talagang hindi maitago ni Albie Casino ang kanyang kasiyahan at pananabik dahil ito ang unang pagkakataon na nakita niya sa personal ang kanyang anak na isinilang ng kanyang partner sa Amerika. 


Sa caption ng kanyang post inilahad ni Albie ang kanyang kasiyahan sa pagiging isang ganap na tatay.


"A great man told me “being a dad has no days off and retirement” I wouldn’t have it any other way. I finally got to meet my son. Hello Roman Andrew the world is yours little man"


Kaagad naman itong umani ng samu't-saring komento mula sa mga netizens at maging ng kanyang kasamahan sa showbiz industriya.


Marami ang nagpadala ng kanilang mga pagbati kay Albie Casino at may mga nagsasabi pang sa wakas ay maari na umanong hayagang pag-usapan ang balitang ito dahil na rin sa pag-amin ni Albie.


Matatandaan na unang ipinakilala ni Albie Casino ang kanyang non-showbiz girlfriend na si Michelina noong May 2023.


Ang pagsasapubliko ni Albie Casino sa kanilang relasyon ay kasabay ng kanyang ika-30 kaarawan at unang taon nila bilang magkasintahan noong May 14, 2023.


Nagpahayag rin ng pagbati ang ilang mga tagahanga ng aktor at sinabing sa wakas ay naging totohanan na ang pagiging ama ni Albie Casino matapos ang muntik na pagkakabudol noon sa anak ni Andi Eigenmann at Jake Ejercito.



GMA Vice Pres. Annette Gozon Binalaan Si Vice Ganda, Its Showtime Posibleng Tanggalin Sa GMA

Walang komento


 Viral at mainit na pinag-uusapn ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang mga haka-hakang binalaan ng GMA Vice President na si Annette Gozon ang Unkabogable Star at It's Showtime host na si Vice Ganda sa mga ginagawa nitong pambabastos sa pinangungunahan nitong noontime show.


Ayon sa mga bulung-bulungan online, nagbigay ng babala si Atty. Annette Gozon sa mga naging isyu ngayon ng It's Showtime partikular na ang main host na si Vice Ganda na kamakailan lamang ay binabatikos dahil sa pamamahiya umano nito sa EXpecially For You contestant na si Axel at Christine.


Nasundan pa ang isyu, nang magkamali si Vice Ganda na banggitin ang news program ng TV Patrol habang kausap ang Kapuso actress-singer na si Rita Daniela.


Ayon sa mga haka-haka hindi umano nagustuhan ni Annette Gozon ang mga ginagawa ni Vice Ganda sa show kung saan namamahiya ito ng mga contestant at nilalabag ang human rights ng mga ito.


Sa ngayon ay pinag-iisipan na umano ng kampo ng mga GMA Executives kung ano ang gagawin nilang aksyon laban kay Vice Ganda at sa It's Showtime.


Kaagad namang nagbigay ng options ang ilang mga bashers ni Vice Ganda at ng It's Showtime kung saan inilahad nila na nararapat lamang na muling isuspinde ang show at ang mga host nito. Hiling pa nila na sana ay mas mataas na parusa ang ipapataw kay Vice Ganda na siyang nagpapasimuno sa lahat.


Sa kabilang banda, marami naman sa mga tagasuporta ni Vice Ganda ang muling dumipensa rito at sinabing walang pamamahiya na ginawa si Vice Ganda sa ginawa kay Axel.


Ipinunto rin ng ilan na hindi talaga maiiwasan na magkamali sa show lalo na kung naka-live ito dahil hindi na nai-edit.



Xian Lim, Tinalikuran Na Ng Mga Fans, Pelikula Nag-Flop?

Walang komento


 Mainit na pinag-uusapan ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang kamakailang mall show ng Kapuso actor-director na si Xian Lim matapos itong langawin ayon sa mga neizens.


Marami kasi ang nakapansin na marami pang mga bakanteng upuan sa mall show ni Xian Lim dahil kunti lamang ang mga taong nanonood.


Hindi naman napigilan ng maraming mga netizens na ikumpara ang mall show ni Xian Lim sa mall shows nina Paulo Avelino at Kim Chiu kung saan nagsisiksikan ang mga tao.


Ayon sa ilang mga netizens na talagang inuulan ngayon ng blessings si Kim Chiu matapos ang paghihiwalay nila ni Xian Lim, nagkaroon umano ito ng mga bagong projects, endorsements at mga mall shows.


Sa kabilang banda, naging kabaliktaran naman umano ito kay Xian Lim dahil sa kabila ng pagkakaroon nito ng projects ay makikita naman tinatalikuran na ito ng ilan sa kanyang mga tagahanga dahil na rin sa paghihiwalay nila ni Kim Chiu.


Kamakailan lamang ay muling umingay sa social media ang naging hiwalayan nila ni Kim Chiu noong nakaraaang taon dahil sa mga detalye isiniwalat ni Xian Lim na pinaniniwalaan ng maraming mga netizens na may kinalaman sa kanyang mga projects.


Subalit, agad itong pinasinungalingan ni Xian at iginiit niya na hindi ang pagkakaroon ng pelikula ang dahilan ng kanyang mga sinasabi kundi nakaramdam na umano siya ng awa sa kanyang mga mahal sa buhay na nadadamay na sa isyu at pambabatikos.


Ayon kay Xian Lim, hindi niya deserved at maging ng kanyang mga mahal sa buhay na mabatikos dahil wala namang katotohanan ang isyu.


Ipinahiwatig din ni Xian Lim na kung may nararapat na batikusin sa kanilang paghihiwalay ni Kim Chiu ay walang iba kundi ang aktres dahil ito naman ang nakipaghiwalay at nagpasyang ilihim muna nila sa publiko ang lahat.


Kaagad namang nagpahiwatig ng pagkuntra si Kim Chiu nang sinabi niya sa isang pahayag na ayaw na niyang pag-usapan pa ang naging hiwalayan nila ni Xian Lim, Iginiit rin ng aktres na wala na siyang balak pang sagutin ang mga isiniwalat ni Xian Lim dahil nais niyang matahimik na ang lahat.


Nagpasaring pa ang aktres na kaya hindi matahi-tahimik ang isyu dahil sa taong pilit na binabalikan ang mga ito.


Sa kabilang banda, tila hindi naman nagtagumpay si Xian Lim dahil kahit na nagbibigay na siya ng pahayag ay hindi pa rin siya pinaniniwalaan ng ilang mga netizen.



Maja Salvador Pinasilip Na Ang Kanilang Anak Na Si Baby Maria!

Walang komento

Matagumpay na isinilang ng aktres na si Maja Salvador ang kanilang panganay na anak ng mister na si Rambo Nunez noong May 31, 2024.


Hinihintay naman ngayon ng maraming mga netizens na ipakita na nina  Maja Salvador at Rambo Nunez ang buong mukha ng kanilang anak.


Kinapapanabikan ito lalo na ng mga tagahanga ng aktres, may mga hayagan pang nagsabi na hindi na sila makakapaghintay na makita ang ka-cutan nito na tiyak naman na dahil magaganda naman ang lahi ng mga magulang ng bata.


Kumakalat naman ngayon sa ilang mga social media platforms ang mga larawan ng anak nina Maja at Rambo Nunez na ibinahagi ni Yannie Nunez sa social media.


Bagama't ipinasilip na nito ang bahagi ng mukha ng bata ay hindi pa rin kita ang kabuuang hitsura nito.


Tila binibigyan nila ng pagkakataon si Maja Salvador na siyang magbahagi ng unang larawan ng hitsura ng kanilang anak.


May karapatan rin naman umano ang aktres bilang isang ina at nasa kanya na kung ibabahagi niya sa publiko ang kanyang anak.


Ipinanganak ni Maja Salvador ang panganay nila ni Rambo Nunez sa Canada noong May 31, 2024. Inamin rin ni Maja Salvador na nahirapan siya sa kanyang panganganak dahil sa pagkakaroon niya ng inverted uterine.


Sa kabutihan palad ay naiayos naman umano ang kanyang uterus na labis niyang ipinagpapasalamat na hindi na siya dumaan pa sa isang surgery.


Ibinahagi rin ni Maja Salvador na muntik na siyang sumuko ng sabihin sa kanya ng doktor maaari siyang maoperahan dahil sa kalagayan ng kanyang uterus dala na rin sa labis na paghihirap niya sa labor na umabot ng 30 hours.


Subalit, dahil sa pagmamahal niya sa kanyang anak at sa suportang natatanggap mula sa kanyang pamilya ay nairaos din ng aktres ang kanyang panganganak.


Sa kabila naman ng kanyang paghihirap, sinabi ni Maja Salvador na worth it ang lahat ng ito nang makita na niya ang mukha ng kanilang anak ni Rambo.




 

Kim Chiu to the Rescue Sa Mga Bumabatikos Kay Paulo Avelino

Walang komento


 Patuloy na pinagdedebatehan ngayon ng maraming mga netizens at mga fans ng tambalang Paulo Avelino at Kim Chiu ang kumakalat na video na kuha nina Kim Chiu at Paulo Avelino sa airport pauwi nang Pilipinas.


Ayon sa ilang mga kritiko nina Paulo Avelino at Kim Chiu, hindi naging gentleman si Paulo Avelino kay Kim Chiu dahil hindi kaagad nito tinulungan si Kim Chiu sa mga bagahe nito at tila pilit lamang umano ang pag-alalay ni Paulo Avelino sa aktres para sa kapakanan ng kanilang tambalan.


Kaagad namang rumesbak ang ilang mga KimPau fans at iginiit na hindi huli ang pagkuha ni Paulo Avelino sa mga bagahe ni Kim Chiu dahil kailangan pa munang ma-check ang mga ito.


May mga nagsasabi rin hindi naman pilay si Kim Chiu para humingi ng tulong kay Paulo Avelino. Kayang-kaya umano ng aktres ang pagdadala ng kanyang bagahe dahil may cart naman.


Tila nasanay na rin umano si Kim Chiu sa pagdadala ng kanyang mga bagahe dahil ilang beses na rin namang nagtravel sa ibang bansa ang aktres.


Ipinunto rin ng ilang mga netizen na sadyang ganoon lamang ang mga mindset ng mga basher dahil kung si Paulo naman ang nagdadala sa mga bagahe ni Kim Chiu at tiyak namang sasabihin ng mga bashers na ginawa na lamang ni Kim Chiu na taga buhat ang aktor.


Sa ngayon ay hindi pa naman nagbibigay ng opisyal na pahayag sina Paulo Avelino at Kim Chiu patungkol  sa totoo nilang relasyon.




Mga Anak Ni Ruffa Gutierrez, May Isiniwalat Sa Isyung Kinakaharap ni Richard Gutierrez at Annabelle Rama

Walang komento


 Nagbigay ng reaksyon ang dalawang anak ng aktres na si Ruffa Gutierrez na sina Lorin Bektas at Venice Bektas patungkol sa kinakaharap na isyu ng kanilang pamilya particular na sa kanilang tiyuhin na si Richard Gutierrez.


Inihayag nina Lorin at Venice na aware sila at nakakarating sa kanila ang mga isyung binabato sa kanilang pamilya matapos ang hiwalayan nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati.


Sa kamakailang panayam kina Lorin at Venice, inilahad nila ang kanilang saloobin hinggil sa isyung hindi magkakasundo sa ngayon ang kanilang pamilya at ang pamilya ng estranged wife ni Richard Gutierrez na si Sarah Lahbati.


Ayon sa dalawang anak ni Ruffa Gutierrez, hanngang ngayon ay malapit pa rin umano sila kay Sarah Lahbati Kahit pa hiwalay na ang mga ito at ang kanilang uncle na si Richard Gutierrez.


Sa katunayan, hanggang ngayon ay patuloy pa rin nilang nilalike ang mga post sa Instagram ni Sarah Lahbati.


Iginiit naman ng dalawa na hindi lahat ng mga balitang lumalabas online ay makatotohananan.


Ipinahayag rin nina Lorin at Venice na mahal nila ang kanilang pamily at alam niya umanong malalampasan nila ang anumang pagsubok na kinakaharap.


Saamanta, naitanong rin kina Lorin at Venice ang kontrobersyal na pahayag ng kanilang lola na si Annabelle Rama sa gitna ng hiwalayan nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez.


Ayon kina Lorin at Venice, hindi na dapat pa na palakihin ang isyung kinasasangktan ng kanilang lola dahil sanay na umano sila rito na sinasabi ang nasa isip.


Hiling pa ng dalawa na sana ay hayaan na lamang ng mga netizens ang kanilang lola dahil matanda na ito.



Albie Casino Ipinagtanggol Si Nikko Natividad, Hindi Tama Ginagawa Ni Vice Ganda

Walang komento

Martes, Hunyo 11, 2024


 Nagpahayag ng suporta si Albie Casiño sa dating miyembro ng Hashtag na si Nikko Natividad matapos makatanggap ng batikos ang huli sa social media dahil sa publikong pambabatikos kay Vice Ganda.


Nagsimula ang isyu nang makisimpatya si Nikko Natividad kay EXpecially For You searchee Axel Cruz, na sinaway ni Vice Ganda sa national television dahil sa umano'y hindi naaangkop na mga galaw nito sa isang kalahok.


Kung saan tinangka niyang nakawan ito ng halik na hindi rin nagustuhan ng babae.


Bilang tugon sa pakikisawsaw umano ni Nikko Natividad sa isyu nina Vice Ganda at Axel, sinimulan ng ilang fans ni Vice Ganda ang kampanya para tanggalin si Nikko sa lahat ng kanyang mga proyekto dahil lang sa tahasan niyang pinuna ang It’s Showtime host.


Samantala, naglabas naman ng pahayag Albie at ipinagtanggol ang kanyang kaibigan, hiniling niya sa mga netizens na dapat ay tumigil na ang mga ito sa pagsira sa buhay ng ibang tao dahil lamang sa hindi nila nila nagustuhan ang opinyon nito na naiiba sa kanilang paniniwala.


“Wala naman mali sa sinabi ni Nikko, lahat naman tayo mag sariling opinion and we all the right to voice that. Ang mahirap is gusto niyo mawalan ng trabaho ang taong nag susuport ng pamilya dahil lang sa opinion niya,” pahayag ni Albie.


Matatandaang nilinaw na ni Nikko Natividad na pinuna lang niya si Vice Ganda dahil tinuturing niyang kaibigan ito.


Naniniwala din umano si Nikko Natividad na kailangan niyang itama ang kanyang kaibigan dahil hindi na tama ang mga ginagawa nito at kawawa naman ang mga taong natatapakan nito na pinili na lamang manahimik dahil wala naman silang mga followers na mas marami pa kaysa sa komedyante.


Iginiit din ni Nikko na hindi siya nakikisawsaw at hindi rin naman umano siya nagpapaawa dahil lang sa simpleng pagsisiwalat niya sa kanyang pinagdaanan noon sa show.




Esther Lahbati, Sinabing Aksaya Lamang Sa Oras si Annbelle Rama

Walang komento


 Nagbigay ng tugon si Esther Lahbati sa netizen na humiling sa kanya na tingnan ang mga post ni Annabelle Rama sa Facebook.


Sa kanyang Instagram comment section, hiniling ng isang netizen sa ina ni Sarah Lahbati na tingnan ang kamakailang mga post sa Facebook ni Annabelle Rama tungkol sa isang "Chuckie doll" na pinaniniwalaang isang pasaring laban sa kanya.


“Tingnan nyo po ‘yung post ni Ms Annabelle Rama sa facebook oh,” komento ng netizen.


“Bakit no need abala lang sa akin. Thank you,” sagot ng ina ni Sarah Lahbati.


Matatandaang ilang beses na bumanat si Annabelle Rama sa isang tinawag niyang “Chuckie” at nagbigay pa ng clue na nagsimula ang pangalan ng tao sa letter “E” at hindi sa letter “S.”


Pahiwati na hindi si Sarah Lahbati ang kanyang tinutukoy kundi ang ina nito na si Esther.


Bukod pa rito maraming netizens ang naniniwala na si Esther ang tinutukoy ni Annabelle Rama dahil sa mga naging pahayag nito laban sa ina ni Sarah noon pa man.


Sa kabilang banda, hindi naman naglalabas ng pahayag ang aktres na si Sarah Lahbati hinggil sa mga kumakalat na isyu ng pagkakaroon ng relasyon ng kanyang estranged husband na si Richard Gutierrez at aktres na si Barbie Imperial.


Maging ang isyu ng panggagaya umano ni Barbie Imperial sa kanyang mga styles at mga activities ay hindi rin nagkokomrnto si Sarah.


Gayundin naman ang ginagawa ng kanyang dating asawa na si Richard Gutierrez, magmula nang pumutok ang balita ng paghihiwalay nila ni Sarah Lahbati ay hindi na ito nagbibigay ng pahayag at pinapabayaan na lamang ang kanyang ina na si Annabelle Rama ang maglabas ng pahayag.



Mall Show ni Xian Lim Nilangaw, Halos Maiyak?

Walang komento


 Viral at pinag-uusapan ngayon ng ilang mga netizens sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang mga video na kuha mula sa mall show at premiere night ng pelikula ni Xian Lim na Playtime.


Kaagad na umaani ngayon ng ilang mga komento mula sa mga netizens ang mga video na kuha sa mall show ni Xian Lim at premiere night ng kanyang pelikulang pinagbibidahan na pinamagatang playtime.


Makikita sa mga nasabing videos na tila nilangaw ang mall show ni Xian Lim at tila hindi na rin pinapansin ng maraming mga manonood ang pa-mall show ni Xian Lim.


Ayon naman sa ma netizens na tila kaagad na kinakarma si Xian Lim sa kanyang paninira kay Kim Chiu at pagpapaawa sa mga netizens para makakuha siya ng simpatya mula rito.


Tila pinapalabas ni Xian Lim, na siya ang iniwan ni Kim Chiu at ito pa ang may malakas na loob na humingi ng pabor sa kanya na huwag na munang ipagtapat sa publiko ang pakikipaghiwalay nito sa kanya.


Nauna na ring pinabulaanan ni Xian Lim ang isyung naging third party si Iris Lee ang babae dini-date niya ngayon.


Sa kamakailang media con ng kanyang pelikula nagpahiwatig rin si Xian Lim na siya naman ang pinaglaruan ni Kim Chiu.


Sa kabila ng naging pagsisiwalat ni Xian Lim hindi pa rin niya nakuha ang simpatya ng maraming madlang pipol at patuloy na si Kim Chiu ang siyang sinusuportahan na hindi maitatanggi sa naging mall show ni Xian Lim.


Sa kabilang banda, unti-unti nang binubura ng aktres na si Kim Chiu ang mga vlog na pinagsamahan nila noon ni Xian Lim sa kanyang social media account.


Maging sa Instagram ay makikitang burado na rin maging ang mga post at larawan nilang pinagsamahan. Ang tanging iniwan na lamang ni Kim Chiu ay ang post kung saan kinumpirma niya ang hiwalayan nila ni Xian Lim.




Cristy Fermin Kinoll-Out Ang Pagtrato ni Vice Ganda sa Mga Kasama Sa It's Showtime Lalo Na Kay Ogie Alcasid

Walang komento


 Pinuna ng batikang showbiz columnist at talent manager na si Cristy Fermin ang main host ng It's Showtime na si Vice Ganda dahil sa pagtrato nito sa magaling na singer-song writer na si Ogie Alcasid.


Ipinunto ni Cristy Fermin ang mga sinasabi ng mga netizens na tila ginagawa na lamang ni Vice Ganda na katatawanan ang respetadong singer-song writer na si Ogie Alcasid sa noontime show nilang It's Showtime.


May mga netizen pa umano na inihahalintulad na lamang si Ogie Alcasid sa mga sidekick ni Vice Ganda na sina MC at Lassy.


Naglabas ng mensahe si Cristy Fermin para kay Vice Ganda na sana naman ay bigyan rin nito ng respeto si Ogie Alcasid bilang isang respetadong singer.


Kaagad namang ipinagtanggol ng ilang mga madlang pipol si Vice Ganda kung saan iginiit nila na malaki ang respeto ni Vice Ganda kay Ogie Alcasod bilang isang respetadong singer. Ang nangyayari naman umano sa It's Showtime ay parte ng show at biruan lamang nilang dalawa bilang isang magkaibigan.


Matatandaan na naglabas ng isang pahayag si Ogie Alcasid kung saan ipinagtanggol niya si Vice Ganda sa gitna ng mga kinasasangkutan nitong isyu sa pagcall-out kay Axel, isang searche ng Expecially For sa tangka nitong  paghalik sa searcher na si Christine.


Marami ang nainis sa ginawa ni Vice Ganda dahil napahiya umano ang lalaki sa harap ng television. May mga nagsasabi pang mas malala naman ang pinaggagawa ng host sa show.


Dahil naman sa pagtatanggol ni Ogie Alcasid kay Vice Ganda, nababaling na ngayon sa kanya ang ilang pambabatikos ng mga netizens at sinabing nagiging kunsintidor na ito gayung siya mismo ay ginagawan na rin ng mga kabulastugan ni Vice Ganda.



Aktwal Na Pagde-Date Nina Jericho Rosales at Janine Gutierrez

Walang komento


 Pinag-uusapan ngayon ng maraming mga netizens sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang totoong estado ng relasyon nina Janine Gutierrez at Jericho Rosales matapos silang mamataan na magkasama na tila nagdi-date sa isang mall noong nakaraang linggo.


Naging laman sa social media ang ibinahaging larawan ng isang netizen na pinaghihinalaan na sina Janine Gutierrez at Jericho Rosales.


Ayon pa sa uploader na nakita niya sina Janine Gutierrez at Jericho Rosales sa Power Plant Mall. Tila manonood umano ng sine ang dalawa dahil bumibili ang mga ito ng snacks sa Jamaican Patty.


Sinabi naman ng uploader na hindi niya alam kung ano ang koneksyon ng dalawa o baka magkaibigan lamang ang mga ito.


Blurred din umano ang pagkakakuha niya sa larawan ng dalawa dahil nagmamadali siya at baka siya ay mahuli.


Kaagad naman itong umani ng samu't-saring komento at reaksyon mula sa mga netizens may mga nagsasabi na pabayaan na lamang ang dalawang stars sa kanilang mga pinaggagawa dahil nasa tamang edad naman na ang mga ito at pareho rin namang single.


May mga nagsasabi pa na baka ay magkakaroon ng pagtatambalang proekto ang dalawa kaya naman ngayon pa lamang ay pinapaingay na nila ang kanilang mga pangalan.


Matatandaan na unang nalink si Jericho Rosales sa Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo matapos nilang mamataang magkasama ng ilang beses sa mga gathering kasama ang kanilang mga kaibigan.


Pinaghinalaan pa noon ng marami na nililigawan ni Jericho Rosales ang aktres dahil sa ipinapakita nilang closeness. Natahimik lamang ang usaping ito nang pumasok sa eksena ang Kapuso actor na si Alden Richards.


Kim Chiu Winelcome Si Vicky Belo Sa What'S Wrong with Secretary Kim!

Walang komento


 Kaagad na pinagkakaguluhan ng maraming mga tagahanga ni Vicky Belo ang ibinahagi niyang post sa kanyang social media account kung saan ibinahagi niyang nabigyan siya ng appearance sa pinag-uusapang Philippine adaptation ng What Wrong With Secretary Kim na pinagbibidahan nina Paulo Avelino at Kim Chiu.


Sa caption ng ibinahaging post ni Dra. Vicky Belo mahihinuha na talagang napaka-excited niya sa nasabing appearance at talagang napakasaya niya sa nangyari.


"lights, camera, action !! 🎥 tune into What’s Wrong With Secretary Kim on Viu to see Dr. Vicki Belo play Dr. Vicki Belo ! @chinitaprincess is a #belobaby on and off screen 🤍


"Thank you to the team that made this so fun to do !"


Narito naman ang ilang mga komento ng mga tagahanga ni Doktora Vicki Belo na labis na nasisiyahan sa kanyang appearance sa nasabing palabas.


"Thank you for believing in the #1 show WWWSK and in our dearest Kimmie 🫶🏻 You are radiating onscreen and are truly a natural on camera 😁🎉 We love Viu "


"ang galing nang acting ni doc na startruck ako"


"we were surprised with your appearance doc!hehe more to come"


Samantala, kumakalat ngayon ang ilang mga haka-haka sa social media kung saan naniniwala ang ilang mga netizens totohanan ang kasal na nangyari sa pagitan nina Kim Chiu at Paulo Avelino na isinikreto lamang muna nila sa kanilang mga fans.


Subalit, mas maigi pa rin na hintayin na lamang ang pag-amin ng dalawa sa estado ng kanilang relasyon sa ngayon.



Naglabas Na Ng Statement Ang Simbahan Ng Viral Wedding Kung Saan Hindi Na Hinintay Ng Pari Ang Bride

Walang komento


 Naglabas na ng pahayag ang parish upang tugunan ang natatanggap nilang pambabatikos at katanungan mula sa mga netizens matapos mag-viral sa social media ang nangyaring kasal kung saan nadismaya ang mga netizens dahil hindi man lang hinintay ng pari ang bride na makapunta sa harap ng altar.


Noong Hunyo 10, 2024, naglabas na ng pahayag ang St. Andrew the Apostle Parish para ipaliwanag kung bakit itinuloy  ang kasal sa orihinal nitong iskedyul nang hindi alam ng mag-asawang Jove Deo Sagario at Janine Seit Suelto-Sagario.


Matatandaang sinabi ng uploader ng video na akala nila ay na-reschedule ang kasal sa 9:30 A.M. mula sa orihinal nitong iskedyul na 8:00 A.M., na nagpapaliwanag kung bakit sila pumunta sa simbahan bandang 9:00 A.M.



Ayon pa sa kwento nito, mismong ninang ng ikakasal na nagtatrabaho sa kumbento ang nagsabi sa kanilang nareschedule ang kasal kaya kampante silang nagpunta ng 9:00 A.M sa simbahan.


Kaya naman labis ang pagkagulat nila nang mapagalitan sila dahil sa pagiging late dahil hindi naman umano nireschedule ang kasal.


Ang labis namang ikinadismaya ng marami ang ang ginawa ng pari kung saan nagsimula na ito sa misa kahit hindi pa nakakarating sa altar ang bride. Muntik pa itong matumba sa pagmamadali at sa hiya sa nangyari.


Kaagad namang binatikos ng maraming mga netizens ang simbahan maging ang pari dahil sa pagiging bastos umano nito. Hindi na lamang umano nito hinintay ang bride gayung hindi naman na ito magtatagal pa at ilang minuto lamang ay makakarating na sa altar.


Upang matugunan ang mga pambabatikos, naglabas ng pahayag ang St. Andrew Parish, na nagpapaliwanag na talagang hindi nila muling iniskedyul ang kasal at nakuha lamang ng mag-asawa ang impormasyon tungkol sa bagong iskedyul mula sa isa sa mga sponsor sa kasal.


Ipinaliwanag din nila kung bakit sinubukan nilang madaliin ang seremonya dahil sa busy schedule ng pari at may susunod pang funeral mass.


Narito ang buong pahayag ng St. Andrews Parish ng Amlan.


“She relayed this information in an unofficial capacity. This is unfortunate since there was no instruction at all from anyone in the Parish Office that there are changes in the schedule since there was a scheduled Funeral Mass at 9:30 a.m. of that same morning.  


"Parish Office Staff believe that the lady sponsor may have misread the dates written on the bulletin which she perused the night before.” 


“On June 8, 2024, instead of arriving for the 8:00 AM wedding Mass, the bride and the groom arrived at around 9:00 AM. Despite the fact that they were late by an hour, still our Assisting Priest celebrated the Mass out of charity to the couple.


"But he had to hurriedly make some adjustments, by starting when he saw the bride at the Church entrance, and after sending word to the bereaved family waiting outside the Church that there is going to be a delay in the Funeral Mass and to please wait until the wedding is over. On that day, there were ten other schedules to be served by the Priests. That is the truth about what happened from our side.”


Inako rin ng pari ang kanyang pagkakamali at humingi ng paumanhin sa bride at groom at maging sa mga pamilya ng mga ito na naoffend sa nangyari.


“OUR APOLOGY. However, we humbly admit the fact that along the way, there were statements made carried away by emotions. Hence, we express our sincere apology to the bride and the groom, to their respective families who were directly offended by the turn of these events, and to the people who have seen our humanity as Priests in a time when we were weakest of any possible control. 


"We also apologize and express gratitude to the bereaved family who were made to wait for the wedding to be finished. Pope Francis reminds us that “Priests have to bring compassion and forgiveness in the daily grind of life like Jesus the Lord”. 


"Yet, we also ask for your kind indulgence for the times we were short in meeting that call. In the midst of this unfortunate event, please pray for us as we struggle with our frailties. We pray for the peace of everyone concerned in this event. We hope that the Lord of love will bless our Community with the grace of unity and peace – always!”




Jolina Magdangal Nakatanggap ng Pambabatikos Matapos Magbigay Ng Pahayag Sa Kasal Ni Carlo Aquino at Charlie Dizon!

Walang komento


 Umani ng pambabatikos mula sa maraming mga netizens ang aktres-TV host na si Jolina Magdangal matapos niyang magbahagi ng open letter kina Carlo Aquino at Charlie Dizon sa kanilang pagpapakasal.


Matatandaang nagpakasal sina Carlo Aquino at Charlie Dizon noong June 9, 2024 sa isang secret wedding celebration.


Isa sa mga celebrity na bumati kina Carlo Aquino at Charlie Dizon ay si Jolina Magdangal, kung saan ipinahayag nito na noon pa man ay ipinapanalangin na niya na sana ay magkatuluyan ang dalawang celebrity couple.


Sa kanyang Instagram account ipinahayag ni Jolina Magdangal ang kanyang kasiyahan sa nangyaring pagpapakasal ng dalawa na noon pa lamang umano ay minamanifest na niya.


“Sabi ni April Charlie sa vows niya totoo daw pala ang manifesting. Gusto ko lang i-share na isa ako sa nag-manifest para sa forever n’yo. At ‘yong mga sinabi ni Kaloi sa vows naman niya kung paano nya iingatan, aalagaan, at mamahalin si April, alam na alam ko na puso n’ya ang nagsasalita. Thankful ako na nawitness ko ang kanilang pag-iisang dibdib,” pahayag ni Jolina Magdangal.


“Kaloi, bilang bata ka pa magkakilala na tayo, alam ko kung gaano ka kabait na anak at mapagmahal sa family mo. Sobrang happy ko talaga para sayo,” dagdag pang pahayag nito kung saan inilahad niya kung gaano siya kasaya sa relasyon ng dalawa.


Kaagad namang umani ng samu't-saring reaksyon mula sa mga netizens ang naging pahayag na ito ni Jolina Magdangal kung saan marami sa mga netizens ang napapataas ang kilay dahil paano umano nasasabi ni Jolina na mapagmahal sa pamilya si Carlo Aquino gayung nakaya nitong iwanan ang kanyang dating kinakasama para sa ibang babae.


"ano ba jolina? Panong naging mabait e iniwan nga ang mag-ina nya? Baby pa lang anak nila iniwan na. Very immature"


"Ang hirap maging masaya para sa mga taong nang apak at nanakot ng iba. Sana hindi pag daanan ni charlie yung sakit na pinag daanan nina mithi and trina. Only then she will understand how painful it is maiwan ng lalaking kagaya ni carlo aquino. Wag sana."


"Mapagmahal hehe natawa ako dun. Saksi din kami sa pananakit nya sa damdamin ni angelica at ni trina"


Sa kabilang banda, marami naman ang nagtatanggol kina Carlo Aquino at Jolina Magdangal kung saan sinasabi ng mga ito na walang masama sa pagpapakasal ng dalawa kahit pa may naunang anak si Carlo sa ibang babae.


May mga nagsasabi pang dapat na magmove on na rin ang mga netizens kagaya ng pagmomove on nina Carlo Aquino at Trina Candaza.


Secret Wedding Nina Kim Chiu at Paulo Avelino Witness Si Ms. Garlic Garcia

Walang komento


 Laman ng mga usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang ang bali-balitang nagpasecret wedding na sina Kim Chiu at Paulo Avelino sa ibang bansa.


Viral at pinag-uusapan ngayon ng maraming mga KimPau fans ang haka-hakang nagpakasal na sina Kim Chiu at Paulo Avelino kung saan ang kanilang naging witness ay si Ms. Garlic Garcia.


Inilabas na ang wedding episode ng pinagbibidahang Philippine adaptation nina Kim Chiu at Paulo Avelino na What's Wrong With Secretary Kim?


Marami naman sa mga netizens ang nagtaka sa nasabing episode dahil may mga pahiwatig umano na totoo itong nangyari at hindi lamang ito basta eksena lamang.


Ramdam na ramdam kasi umano ng maraming mga KimPau fans ang pagmamahal ng dalawa sa isa't-isa.


Narito ang ilang mga komento ng KimPau fans na naniniwalang totohanan ang nangyaring kasal nina Kim Chiu at Paulo Avelino sa What's Wrong With Secretary Kim?


"Secret wedding nila ito si maam Garlic ang witness.. kaya si Kim lang ang may ring, promise ring ni Paulo contract sa star magic sila. muna uli partner saka namuna ang iba DBA yan sabi na kay Kim sa interviews nila kay MJ Felipe. Yan din ang sinabi ni Darren, white sun sa Palawan"


Sinigundahan naman ito ng marami pang mga KimPau fans at sinasabing hindi lamang umano sinama sa video ang iba pa ilang bisita.


Sa kabilang banda, may pahayag naman ng pagkabahala dahil tila nagging delusional na umano ang ilang mga fans ng KimPau tandem at ginawa nang katotohanan Kahit nasa eksena lang naman ang dalawa.


Ipinunto pa ng ilang mga netizens na kaya ramdam na ramdam ang eksena dahil parehong magagaling na artista ang dalawa.



Iginiit pa nila na hindi patas para kina Paulo Avelino at Kim Chiu na palaging pangunahan na lamang ng mga netizens ang mga nangyayari sa personal na buhay ng dalawa.


May mga nangamba pa para kina Paulo Avelino at Kim Chiu at baka matulad rin sila sa pinagdaanan nina Maine Mendoza at Alden Richards kung saan may ibang kwento na pinaniniwalaan ang kanilang mga tagahanga.


Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo