Nasapawan Si Kapuso Star, Kapamilya Aktres Bagong Primetime Queen?

Walang komento

Miyerkules, Hunyo 19, 2024


 Mainit na pinagdedebatehan ngayon ng maraming mga netizens sa ilang mga social media platforms ang patungkol sa pagiging bagong Primetime Queen umano ng aktres na si Kim Chiu dahil naungusan ng teleserye nito ang pinagbibidahan serye ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.


Ayon sa ilang mga tagahanga ng Kapamilya actress-host na si Kim Chiu, nararapat nang tawagin bilang bagong Primetime Queen si Kim Chiu dahil nangunguna sa ratings ang teleseryeng Linlang na pinagbibidahan niya kasama sina Paulo Avelino at JM De Guzman.


Sa kabila ng kukunting reach ng TV5 at A2Z, maging ang naglabasang mga spoiler mula sa Prime Video, patuloy pa ring nangunguna sa ratings ang teleseryeng Linlang ni Kim Chiu kaysa sa comeback teleserye ni Marian Rivera na pinamagatang My Guardian Alien.


Ayon pa sa ilang mga netizens na sa loob ng halos tatlong buwang pagtatapat ng dalawang palabas sa telebisyon sa kaparehong timeslot, ay consistent na naging mas mataas ang ratings ng Linlang.


Ayon sa data na inilabas ng Nielsen Philippines National Urban Television Audience Measurement People Ratings , lumalabas na nakakuha ng average ratings na 10.2% ang Linlang mula sa pag-ere nito noong April 1 hanggang sa pagwawakas nito noong June 14.


Habang nasa 8.4% naman ang ratings ng My Guardian Alien ni Marian Rivera mula noong April 1 hanggang nitong June 14.


Pumalo rin sa 12% ang ratings ng Linlang noong umire ang finale episode nito noong June 13 at 14 2024.


Dahil dito, marami sa mga fans ni Kim Chiu ang nagsasabing nararapat nang tawagin ang aktres bilang bagong primetime queen.


Subalit, kaagad namang dumipensa ang mga fans ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera dahil ayon sa kanila ay wala pa sa kalingkingan ng tagumpay ni Marian Rivera sa mga teleserye ang natatamasa ngayon ni Kim Chiu.


Ayon pa sa ilang mga netizens, na dapat ay magkaroon mula ng mga top ratings teleserye si Kim Chiu na talagang tumatak sa mga manonood ang ginampanang karakter katulad na lamang noong gampanan ni Marian Rivera ang papel bilang, Marimar, Darna, Dyesibel at marami pang iba.


May mga nagsasabi rin naman na dapat ay itigil na ng maraming mga netizens ang pagkukumpara sa dalawang aktres dahil pareho naman silang magagaling at ibinubuhos ang lahat para sa entertainment ng mga manonood.




Paulo Avelino Nagpasalamat Kay Kim Chiu Sa Sorsogon

Walang komento

Martes, Hunyo 18, 2024


 Viral at umaani ngayon ng samu't-saring reaksyon at komento mula sa mga netizens ang naging pahayag ni Paulo Avelino sa isang show kung saan siya naimbitahan.


Marami sa mga tagahanga ng Kapamilya actress-host na si Kim Chiu ang pumuri sa katambal nito ngayon na si Paulo Avelino matapos ipahayag ng aktor ang kanyang pasasalamat kay Kim Chiu.


Inihayag mismo ni Paulo Avelino na si Kim Chiu talaga ang favorite ng mga tao, subalit dahil katambal niya ito ngayon ay nadadamay na rin umano siya.


Ayon sa ilang mga fans ni Kim Chiu, kahanga-hanga ang pagiging humble ni Paulo Avelino kung saan hindi umano lumaki ang ulo nito sa natatamong kasikatan dala ng pagiging katambal ni Kim Chiu.


Hindi rin napigilan ng ilang mga netizens na muling pagkumparahin sina Paulo Avelino at ang dating nobyo at on-screen partner ni Kim Chiu na si Xian Lim.


Ayon sa ilang mga netizens na talagang napakabuti ni Paulo Avelino dahil sa pagiging grateful nito kay Kim Chiu sa mga tagumpay na pareho naman nilang pinaghirapan. Hindi umano ito tumulad sa dating karelasyon at ka-loveteam ng aktres na lumaki ang ulo ng makamit ang kakaunting kasikatan.


May mga nagsasabi pang inakala umano ni Xian Lim na sumikat siya dahil sa kanyang kagalingan gayung ang totoo naman umano ay ang aktres ang nagpasikat sa kanya.


Samantala, hinihiling ngayon ng ilang mga tagahanga ni Kim Chiu na sana ay hindi magbago ang pakikitungo ni Paulo Avelino sa aktres na si Kim Chiu. Hiniling rin nila na sana ay hindi pasukin ng kasikatan ang ulo nito ngayong nakakamtan ng aktor ang tagumpay mula nang maipareha kay Kim Chiu.




Rosmar at Rendon Ideneklarang Persona Non Grata Sa Buong Palawan

Walang komento

Hanggang ngayon ay mainit pa ring pinag-uusapan ng ilang mga netizens sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang kinasangkutang kaguluhan ng Team Malakas na pinangungunahan nina Rendon Labador at Rosmar Tan sa Coron, Palawan.


Umabot na sa Sangguniang Panlalawigan ng Palawan ang insidente na kinasangkutan ng motivational speaker na si Rendon Labador, negosyanteng si Rosmar Tan, at mga kasamahan nila sa Team Malakas sa isang munisipalidad sa Coron kung saan bigla na lamang nilang sinugod ang isang staff na nagtatrabaho sa munusipyo ng Coron.


Sa kanyang speech, itinulak ni Palawan Board Member Anton Alvarez na ideklara sina Rendon Labador, Rosmar Tan, at iba pang miyembro ng Team Malakas bilang persona non-grata sa buong lalawigan.


Ayon sa kanya, matinding aksyon ang ginawa ng Team Malakas sa kanilang biglaang pagsugod sa municipal hall ng Coron dahil lang sa naglabas ng negatibong opinyon laban sa kanila ang isang empleyado ng munusipyo.


“Nadamay po ang buong munisipyo ang Coron sa aksyon ng iisang tao na hindi naman po dapat. Ni-generalize po nila ang mga tao ng Coron ay masama,” pahayag ni Board Member Anton Alvarez.


Dagdag pang sinabi ni Anton Alvarez na maging ang mga opisyal ng Coron ay nakiusap na sa kanya na suportahan ang deklarasyon ng persona non-grata laban sa nasabing mga social media personalities sa buong lalawigan upang maturuan ang mga ito ng mahirap na leksyon dahil sa kanilang pambabastos sa munucipall hall.


“Gusto ko pong i-open sa ating mga kasamahan sa Sangguniang Panlalawigan na gawin po natin ito, dahil po sa aking personal na opinyon dapat po talaga maturuan ng leksyon ang mga panauhing ito,” saad nito.


“Masakit po sa damdamin, hindi po natin dapat palampasin ‘yon. Dapat ay matuto ang mga gumawa ng mga aksyon na ito.


“Let’s us discuss the possibility of also declaring the said personalities persona non-grata not just only in the municipality of Coron, but the whole province of Palawan,” dagdag pa nito.


Kaagad naman na umani ng mga mensahe ng pagsuporta mula sa iba pang nfa opisyales ng nasabing lalawigan.


Sa ngayon ay hindi pa nagbibigay ng anumang pahayag ang Team Malabas patungkol sa posibilidad na maideklara silang persona non-grata ng Palawan.


 

Ogie Diaz Naghain Ng Counter Affidavit Laban kay Bea Alonzo

Walang komento


 Naghain na ng counter affidavit ang kilalang showbiz insider na si Ogie Diaz laban sa tatlong magkakahiwalay na reklamong cyber libel na isinampa laban sa kaniya ng Kapuso actress na si Bea Alonzo.


Sa isang press statement kamakailan ay ipinahayag ng abogado ni Ogie Diaz na si Regie Tongol na nagsampa naman ng counter-charge na perjury si Ogie Diaz na may damages laban kay Bea Alonzo sa Regional Trial Court sa Quezon City nitong Martes.


Ayon sa naging pahayag ng abogado ni Ogie Diaz, hindi naging malinaw ang pahayag ng complainant na si Bea Alonzo sa pagbibigay ng mga pangalan kung sino-sino ang nagsasabi ng mga defamatory charges at ibinibintang ang lahat ng ito kay Ogie Diaz.


“In our seventy-page (70) Counter-Affidavit, we called out the Complainant by not clearly stating in her sixteen-page (16) Complaint-Affidavit the specific individuals who uttered the specific defamatory statements making it appear it was all Mr. Diaz who made them,” pahayag ni Atty. Tongol.


Inilahad rin ng abogado na hindi malinaw at convincing ang proof nina Bea Alonzo patungkol sa pagkakaroon ng actual malice ang ,ga isiniwalat na pahayag ng kanyang kliyente.


“They even failed to show clear and convincing proof of ‘actual malice’ whether in the form of ‘reckless disregard for the truth’ or ill-motive which is a legal requirement and standard if the Complainant is a public figure,” dagdag pa ni Tongol.


Matatandaang nitong nakaraang May, sinampahan ni Bea Alonzo ng tatlong magkakahiwalay na reklamong cyber libel sa Quezon City Prosecutors Office sina Ogie Diaz at Cristy Fermin. Kasama sa reklamo ang kani-kanilang co-hosts sa kani-kanilang online program na umano'y gumagawa ng mga malisyosong pahayag laban sa kanya.


Kaagad namang tumugon si Ogie Diaz tungkol sa naging reklamo ni Bea Alonzo, at sinabing haharapin niya ito sa tamang panahon.


“Tulad ng lagi naming hinihirit sa ‘Ogie Diaz Showbiz Update,’ sila pa rin ang gusto naming magkatuluyan sa ending,” pahayag ni Ogie Diaz, na ang tinutukoy ay si Bea Alonzo at ang dati nitong fiancé na si Dominic Roque.

Vice Ganda Nagsalita Na, Payag Kayang Bumalik Si Billy Crawford

Walang komento


 Maiksi subalit naging makahulugan ang naging sagot ng Unkabogable Star na si Vice Ganda sa mga katanungan ng mga netizens patungkol sa usaping pagbabalik ni Billy Crawford bilang isa sa mga co-hosts sa noontime show na It's Showtime.


Naging makahulugan ang naging sagot ni Vice Ganda sa katanungang ito ng maraming mga netizens, na kaagad umani ng mas marami pang mga katanungan patungkol sa totoong estado ng pagkakaibigan nila ni Billy Crawford.


Ayon kay Vice Ganda, natatakot siya dahil baka kapag mayroong bumalik ay mayroon namang aalis. Masaya na rin naman umano sila at kumpleto na sila sa kanilang show.


Bagama't hindi ipinunto ni Vice Ganda ang kanyang naging pahayag, mahihinuhang ayaw na ni Vice Ganda na muling makabalik sa It's Showtime si Billy Crawford kahit pa nagkaayos na silang dalawa.


Matatandaang hindi naman lingid sa kaalaman ng maraming mga netizens na nagkaroon ang lamat ng pagkakaibigan nina Vice Ganda at Billy Crawford nang mapabilang si Billy Crawford sa mga host ng katapat na show ng It's Showtime na Tropang LoL na umiere noon sa TV5.


Samantala, nag-ugat ang samu't-saring mga haka-haka patungkol sa pagbabalik ni Billy Crawford sa It's Showtime nang mapansin ng maraming mga netizens ang ilang araw nang pagliban ni Vhong Navarro sa nasabing show.


Hinala ng ilang mga netizens na nasuspinde si Vhong Navarro kaya naman ay pansamantala muna itong papalitan ni Billy Crawford.


Subalit, tila tinapos na ni Vice Ganda ang pananahimik sa isyu sa pamamagitan ng kanyang pahayag kung saan sinabi niyang kumpleto naman na sila show, nangangahulugan lamang umano ito na hindi natanggal sa It's Showtime si Vhong Navarro.


Maaring nagbakasyon lamang ito dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng marami na matindi ang pinagdaanan ni Vhong Navarro nitong mga nagdaang taon sa patuloy na pakikipaglaban niya sa mga kaso laban kay Deniece Cornejo at iba pang mga kasamahan nito.



May mga posibilidad rin na nagiging abala si Vhong Navarro sa ibang pang mga showbiz engagements dahil nauna nang isiniwalat nito noon na mayroong niluluto na projects para sa kanila ni Coco Martin.



Vice Ganda May Bwelta Sa Mga Basher! May Bonggang Anunsyo!

Walang komento

Marami sa mga tagahanga ng Unkabogable Star at It's Showtime host na si Vice Ganda ang na-excite sa pagbubukas ni Vice Ganda sa kanyang comedy bar sa Quezon City.


Dahil sa nalalapit na opening ng bagong Comedy Bar ni Vice Ganda, may mga napapatanong kung tatalbugan ba ng Unkabogable Star na si Vice Ganda si Alla K sa pagmamay-ari ng mga comedy bars.


May mga nagtatanggol naman kay Vice Ganda at inilahad na huwag nang pagkumparahin pa ang dalawang mga comedian-host bagkus ay suportahan na lamang ang mga ito.


Nararapat rin umanong purihin ang dalawa dahil muli nilang binubuksan ang mga nagsarang mga entertainment bars noong lumaganap ang pandemya.


Ipinunto rin ng ilang mga netizens ang mga natutulungang tao nina Vice Ganda at Allan K na magkaroon ng trabaho. Bukod pa rito, ay nakakapagbibigay rin umano sila ng saya at tuwa sa lahat ng mga pumupunta sa kanilang mga bars.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng maraming mga netizens na maraming mga waiters, stand up comedians at iba pang mga personnel na nagtatrabaho sa mga bars ang nawalan ng mapagkikitaan nang magsara ang mga bars dahil sa nagsaanang pandemya.


Kaya naman, nararapat lamang umano na bigyang pugay ang mga taong nagnanais na makatulong sa kapwa sa pamamagitan ng pagbibigay ng mapagkakakitaan.


Sa kabilang banda, marami rin sa mga gans ni Vice Ganda ang naglahad ng kanilang excitement sa balitang si Vice Ganda ang magiging host ng isang reality series na pinamagatang LOL Last One Standing na malapit nang mag-umpisa na mapapanood sa Prime Video.


Napapabalita rin na magkakaroon ito ng mga adaptation na ipapalabas sa iba't-ibang bansa.


Ayon pa sa ilang mga tagahanga ni Vice Ganda, tila ito na ang sagot ng komedyante sa lahat ng mga bumabatikos sa kanya at nagsasabing hindi ito totoong komedyante.


Patunay lamang umano ang mga natatanggap na blessings ngayon ni Vice Ganda na isa siya sa mga nangungunang komedyante sa bansa.



 

Daniel Padilla May Bago Ng Nililigawan Na Sobrang Yaman, Mas Maganda Kay Kathryn Bernardo

Walang komento

Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang mga bali-balita patungkol sa pagkakaroon ng bagong nililigawan ng aktor na si Daniel Padilla.


Ayon sa mga lumalabas na balita, ang bagong babae ni Daniel Padilla ay nakatira sa Batangas. Mas mayaman at mas maganda rin umano ito kaysa sa ex-girlfriend ng aktor na si Kathryn Bernardo.


Hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang pananahimik ng aktor na si Daniel Padilla sa mga usapin patungkol sa kanyang lovelife.


Hindi rin nagbibigay ng anumang pahayag ang aktor hinggil sa nangyaring hiwalayan nila ng kanyang longtime girlfriend na si Kathryn Bernardo matapos ang mahigit isang dekada nilang relasyon.


Sa ngayon ay makikitang inaabala ni Daniel Padilla ang kanyang sarili sa kanyang mga negosyo at sa kanyang trabaho sa industriya ng showbiz.


Gayunpaman, hindi pa rin naiiwasan na mapasama sa mga intriga ang pangalan ng aktor, lalo pa't patuloy pa ring pinagtatalunan ng ilang mga netizens kung sino ang totoong nag-initiate ng kanilang hiwalayan ni Kathryn Bernardo.


Ikinagulat ng ilang mga netizens ang mga isiniwalat ng kilalang showbiz reporter at talent manager na si Ogie Diaz patunkol sa pagkakaroon ng bagong nililigawan ni Daniel Padilla.


Ayon kay Ogie Diaz, nakarating sa kanya ang isang unconfirmed na balita mula sa kanyang pinagkakatiwalaang source na mayroon nang bagong nililigawan ngayon ang aktor na si Daniel Padilla.


Inilahad rin ni Ogie Diaz na wala naman umanong masama kung mayroon nang nililigawan ngayon si Daniel Padilla dahil hiwalay na sila ni Kathryn Bernardo.


Ipinunto rin ni Ogie Diaz, na single naman ngayon ang aktor at mayroon na ring stable na pinagkukunan ng income kaya deserve rin umano nito na magkaroon ng girlfriend.


Wala rin naman umanong masama kung sakaling, mayaman ang babaeng natitipuhan ngayon ni Daniel Padilla dahil may pera rin naman ang aktor, mula sa kanyang mga negosyo at kinikita bilang isang celebrity.


Sa ngayon ay hindi pa isiniwalat ni Ogie Diaz ang pagkakakilanlan ng babaeng kinahuhumalingan ngayon ni Daniel Padilla.


Samantala, nagbigay naman ng komento ang ilang mga tagahanga ng aktor kung saan inilahad nila na patas lamang kung sakaling magkaroon na ng bagong girlfriend si Daniel Padilla dahil mayroon  na rin namang bagong manliligaw si Kathryn Bernardo.



 

Ice Seguerra Ibinahagi Ang Traumatic Experience Sa Isang Pari

Walang komento


 Ibinahagi ng kilalang singer-song writer na si Ice Seguerra ang kanyang karanasan sa isang pari na nakapagbigay ng matinding trauma sa kanya.


Ito rin umano ang dahilan kung bakit hindi na siya naging relihiyuso ngayon. Gayunpaman, iginiit ni Ice Seguerra na naniniwala pa rin naman siya sa panginoon pero hindi sa mga relihiyon na nanghuhusga lamang sa kanila.


Sa kamakailang episode ng programang Roundtable With Roby sa One News PH, idenitalye ni Ice Segurra ang hindi niya malilimutang karanasan ng minsan ay nagpunta umano sila sa isang simbahan kasama niya noon ang kanyang asawa na si Liza Dino.


Ayon kay Ice Seguerra, kalianman ay hindi umano niya malilimutan ang pagpunta nila sa simbahan ng kanyang asawa na si Liza matapos ang kanilang pagpapakasal.


Subalit, ang hindi niya inaasahan ay ang ginawa silang homily ng pari sa mesa nito.


Ginawa umano nitong paksa ang pagsasama ng mga katulad nila at kung paano silang nagging makasalanan dahil sa pagpili na makisama sa kapareho ng kasarian bilang mga partner sa buhay.


Hindi naman umano alam ni Ice Seguerra kung alam ba ng pari na naroon sila sa oras na iyon kaya nito ipinamukha sa kanila ang pagiging makasalanan o kung hindi ba nito alam na naroon sila kaya sila ginawang topic at halimbawa.


"Medyo na-trauma, ako 'nun sa church. Kasi I remember when we got married, nagpunta kami ng church ni Liza. Ginawa kaming homily. They talked about us. You know, getting married and how it's a sin and everything. while we're there."


"Hindi ko nga alam kung mas okay na alam nilang nandun kami kaya nila pinag-uusapan. Or hindi nila alam na nandu'm kami at pinag-uusapan talaga. But either way, I'd rather be parked... Parang Do I even have to be in an institution so that I could say that you know, I have a god or that God loves me and I love God? It should be, for me ah... It should be a personal relationship,"  pahayag ni Ice Seguerra.


Kaagad naman itong umani ng samu't-saring reaksyon at komento mula sa mga netizens ang mga isiniwalat ni Ice Seguerra may ilang mga nakikisimpatya subalit hindi rin maitatanggi na marami ring ang sumang-ayon sa pari.


"Pati nga sa pag -i-explain, grabe ang struggles nyo! Ganun kasi talaga. Kahit kayo ni Aiza nahihirapan i justify ang relationship nyo...kasi nga alam nyo ding may mali!"


"Respito lng daw.ang Panginoon ang mag aadjust?"


"Hahahah d mali ang magmahal ang mali ay d pwede pareho kasarian gnawa nga para mgparami hindi dumi sa tingin ng tao hahaha"




Rosmar at Rendon Labador, Hindi Nagbayad Sa Mga Kinainang Restaurant Sa Coron, Palawan

Walang komento


 Hanggang ngayon ay mainit pa ring pinag-uusapan sa social ang kinasasangkutang insidente nina Rosmar Tan at Rendon Labador sa Coron, Palawan.


Matatandaan na nag-viral sa social media ang video kung saan makikita ang pagsugod nina Rendon Labador at Rosmar Tan sa munisipyo matapos mapag-alaman na may isang staff na nagpost sa social media ng umano'y paninira sa kanila.


Samantala, may panibagong intriga na naman na ibinabato ng ilang mga netizens kina Rendon Labador at team ni Rosmar. May mga nagpapakalat sa social media na umano'y hindi nagbayad sa mga kinainang restaurants sina Rendon Labador at Rosmar Tan dahil ipinapalabas na sponsored ang lahat dahil nagba-vlog sila.


Isiniwalat ng isang may-ari ng restaurant kung paanong hindi binayaran ng Team Malakas, sa pangunguna nina Rosmar Tan at Rendon Labador, ang kanilang mga pagkain kapalit ng "pag-promote" ng establisyimento at business.


Sa isang tweet, ikinuwento ng isang netizen kung paano kinausap diumano ng coordinator ng nasabing social media influencers ang isa sa kanyang mga kaibigan, na isang restaurant owner sa Coron, para sa isang sponsorship deal kapalit ng libreng pagkain.


Gayunpaman, hindi umano lubos na alam ng may-ari ng restaurant na magbibigay siya ng libreng pagkain sa grupo dahil hindi naman umano sila nagkaroon ng negotiation.


“Friend ko ‘yung owner ng isa sa mga kinainan nila here. According sa manager, magulo kausap ‘yung coordinator nila. So ayun ang dami nilang order and saka nalang nainform na nagpapasponsor nung inabot na ang bill sa kanila. Even sa serves no tip,” pagsisiwalat ng netizen.


“Actually If I am not mistaken, lahat ng restaurants na kiinainan nila sa Coron ay “Sponsored” (na sila ang nag desisyon),” dagdag pa niya.


Kaagad itong umani ng samu't-saring komento mula sa mga netizens at may mga nagkumpirma pang ganito talaga ang ginawa ng team nina Rosmar at Rendon Labador sa Coron, Palawan.




Viva Artist Na Si Mary Joy Santiago, Maaring Makasuhan sa Paggamit sa HPG Bilang Escort

Walang komento


 Nahaharap sa samu't-saring charges ang Viva artist na si Mary Joy Santiago matapos sabihin na isang miyembro ng Highway Patrol Group ang nag-escort sa kanyang sasakyan para makaiwas sa traffic.


Matatandaang umani ng pambabatikos sa social media ang post ni Mary Joy Santiago matapos niyang i-flex kung paano kumuha ang kanyang “asawa” ng isang miyembro ng HPG para i-escort ang kanilang sasakyan.


“How can I settle for less when my husband hired a HPG ESCORT para lang hindi ako ma traffic sa pupuntahan ko? (Have my own driver and car)” pagbibida ni Mary Joy Santiago kalakip ang larawan ng HPG na nasa unahan ng kanilang sasakyan.


Kaagad itong umani ng samu't-saring komento mula sa mga netizen, may mga nagsasabing hindi basta-basta ang sinasabing asawa ni Mary Joy Santiago.


May mga naghinalang isa itong politician, may mga nagsasabi rin na isang kerida ngayon si Mary Joy ng isang matandang pulitiko.


Samantala, kaagad na naglabas ng pahayag si Mary Joy Santiago matapos mag-viral ang kanyang post at hinamon pa ang mga tao na hanapin ang katotohanan tungkol sa kanyang asawa.


"So my IG STORY WENT VIRAL. I am a politician’s other woman DAW and KABIT. Lol KASAL PO KAMI Napost ko nadin po siya [laughing crying emoji,” pahayag ni Mary Joy Santiago.


“Come on, since u’re only collecting info on socials, y not extend ur skills and find out urselves if ur opinion is the truth? Or maybe ur opinion satisfies your needs for drama. ENJOY MGA KEYBOARD WARRIOR,” dagdag pa niyang hamon sa mga netizens.


Sa kabilang banda, naglabas na ng pahayag ang Highway Patrol Group hinggil sa kumakalat na larawan ni Mary Joy Santiago patungkol sa pagpapa-escort niya ng isa HPG personnel.


Ayon sa HPG, hindi nila makilala kung ano ang pagkakakilanlan ng escort. Hinala nilang hindi miyembro ng HPG ang rider.


Sinabi rin nila na ang rider ay nakasuot ng lumang uniporme, na napalitan na maraming buwan na ang nakakaraan.


Sa kabilang banda, patuloy pa rin umano ang pag-iimbestiga ng mga kapulisan hinggil sa usaping ito.



Nangyari Sa Pelikula Ni Xian Lim, Sinisisi Kay Kim Chiu

Walang komento


 Hindi pumatok ang pelikulang Playtime na pinagbibidahan ng Kapuso actor-director na si Xian Lim, nilangaw at ni hindi ito pinilahan sa mga sinehan.


Sa kabila ng mga ginagawang promotion at sa paniniwalang inaabangan ng maraming mga movie goers ang pelikulang Playtime na pinagbibidahan nina Xian Lim at Sanya Lopez ay hindi naging maganda ang resulta sa takilya.


Mula noong nag-premiere night ito ay kapansin-pansin na na kukunti lamang ang nagkakainteres rito. Tila hindi rin interesado sa pelikula ang ilang mga manonood dahilan para hindi kakaunti lamang ang bumibili ng ticket para manood.


Ayon sa ilang mga nakapanood sa nasabing pelikula isa sa mga dahilan kung bakit hindi nag-click ang pelikula ni Xian Lim ay hindi umano malinaw ang naging plot ng kwento dahilan para mahirap masundan ang mga pangyayari.


Bukod pa rito, patuloy pa ring nakakatanggap ng mga negatibong komento mula sa mga netizens si Xian Lim dahil pa rin sa nangyaring hiwalayan nila ni Kim Chiu.


Bagama't isiniwalat na ni Xian Lim na hindi siya ang nag-initiate ng break-up nila ni Kim Chiu, inilahad rin ni Xian Lim na hindi siya kailanman nagloko sa kanilang relasyon.


Nagpahiwatig rin si Xian Lim na siya ang napaglaruan ni Kim Chiu sa kanyang naging panayam noong nag-press conference ng pelikulang Playtime.


Gayunpaman, hindi pa rin naniniwala kay Xian Lim ang maraming mga netizens dahil nagdududa pa rin ang karamihan na sinasadya lamang ni Xian Lim na maglabas ng mga pahayag para mapag-usapan maging ang kanyang pelikula.


Taliwas naman sa natatanggap ni Xian Lim, labis na nakakatanggap ngayon si Kim Chiu ng pagsuporta mula sa mga netizens na makikita sa kanyang mga mall shows.




Rendon Labador, Sinabing Kayang Bilhin Ni Rosmar Ang Buong Coron, Palawan

Walang komento

Lunes, Hunyo 17, 2024


 Nagtaas ng kilay ang maraming mga netizens partikular na ang mga taga-Coron Palawan matapos maglabas ng pahayag si Motivational Speaker Rendon Labador kung saan ibinahagi niya kung paano naging stressed ang kanyang kasamahan na si Rosmar Tan sa kanilang pagbisita sa nasabing lugar dahil sa insidente kinasasangkutan nila sa munusipyo.


Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Rendon na kinumpronta niya ang empleyado ng munisipyo na pumuna sa pagbisita nila sa Coron dahil sa kakayahan ni Rosmar na maghiganti sa pamamagitan saa pagbili ng buong lugar.


“Kinabahan kasi ako nung nakita ko na umiyak si Rosemarie Tan Pamulaklakin kaya ako na ang nag step up. Ang inaalala ko kasi kapag yan tinopak baka bilhin lahat ng isla sa Coron,” pahayag ni Rendon Labador.


Kaagad itong umani ng samu't-saring komento mula sa mga netizens kung saan marami ang nagsasabing sobrang yabang lang ni Rendon Labador.


Ipinunto pa nila ang hindi paghingi ng paumanhin ng self-proclaimed Motivational Speaker sa isang staff ng munusipyo na dinuro-duro pa niya.


Narito ang ilang mga komento ng mga netizens hinggil sa sinabi ni Rendon na kayang bilhin ni Rosmar ang kabuuang klugar ng Coron Palawan.


"kahit tumae kayo ng pera hindi ipagbibili sa team maasim ang mga isla ng coron y'know y? Baka hindi na dayuhin ang coron ng mga tourist from diff. Part of the world kasi ang magiging isla maasim na ang pangalan (utok mo daw sa bulinao)"


"Yung ikaw gigil na gigil si Rosmar iyak nang iyak habang si Ate jhoy, nakangiti. Chill chill lang ang sagot kahit pinagduduro mo."


"Bili ka muna ng magandang asal wag puro yabang"


“What is Rosmar’s net worth anyway? Bakit parang tingin sa kanya ng mga tao and ng sarili nya mismo parang kalevel nya sina Heart when it comes to wealth?”




Kim Chiu Panalo, Nangunguna Sa Online Poll

Walang komento


 Nagsimula na ang online poll para sa Outstanding Asian Star para Seoul International Drama Awards 2024 kung saan kabilang sa mga nominado ay ang mga naglalakihan at nagniningning na Stars sa Philippines Showbiz Industry.


Samantala, ayon sa aming mga nakalap na impormasyon, nangunguna sa online poll ngayon ang Kapamilya actress na si Kim Chiu na nominado sa kanyang teleseryeng Linlang.


Sa ngayon ay nasa mahigit 50% ang nakukuhang boto ni Kim Chiu mula sa mga netizens.


Pumapangalawa naman ay ang award winning actress na si Nadine Lustre na nominado para sa kanyang thriller series na pinamagatang Road Killers.


Kung pagbabasehan ang naganap na botohan makikita kung gaano kasikat ngayon ang aktres na si Kim Chiu para manguna sa mga botohan at tinalo ang iba pang mga stars.


May mga naniniwala naman na ang dahilan nito ay ang matagumpay nilang tambalan ng aktor na si Paulo Avelino.


Sa ngayon ay maari pa rin naman na magbago ang ranking subalit dahil sa malakas na pagsuporta na nakukuha ni Kim Chiu mula sa pinagsamang fans nila ni Paulo Avelino marami ang nagsasabing talagang panalo na si Kim Chiu.


Sa kabilang banda, hindi napigilan ng ilang mga tagahanga ni Kim Chiu na sabihing kaya nag-iingay ngayon sa social media ang Kapus actor-director na dating nobyo ni Kim Chiu ay para makuha niya ang atensyon ng ilang mga sumusubaybay sa aktres.


Marami kasi ang nakapansin na ngayong labis ang pagsikat ng aktres ay siyang pag-iingay naman ni Xian Lim patungkol sa mga detalye ng kanilang paghihiwalay noon.


Matatandaan na sa ilang panayam ay inilahad ni Xian Lim na si Kim Chiu talaga ang nag-initiate ng kanilang paghihiwalay kaya naman ito ang nararapat na makatanggap ng mga pambabatikos na natatanggap niya.



Direktor Na Si Darryl May Bagong Show Kapareho Sa Ginagawa Ni Vice Ganda sa It's Showtime

Walang komento

Ibinunyag ni Direk Darryl Yap ang bagong palabas na maaaring maging parody ng Kapamilya noontime show na It’s Showtime.


Sa kanyang Facebook post, ibinunyag ni Darryl Yp ang kanilang midnight show, na pinamagatang ‘Shametime,’, na maaaring sumangguni sa isyu ni Vice Ganda sa EXpecially For You contestant na si Axel Cruz.


Matatandaan na nakatanggap ng matinding pambabatikos si Vice Ganda matapos niyang i-call out ang isang guest nila sa Expecially For You na si Axel Cruz na nagtangkang halikan ang isang babae nang hindi humihingi ng pahintulot mula rito.


May mga pumabor rin naman kay Vice Ganda dahil mahahalata naman umano na talagang hindi nagustuhan ng babae ang ginawa sa kanya ng lalaki. 


Subalit, hindi ito pinalagpas ng mga kritiko ni Vice Ganda dahil para balikan ng mga ito ang mga nakaraang isyu ng host.


Samantala, sa isang Facebook post, inilahad ni Darryl Yap na maglalabas sila ng bagong show na tutumbas sa mga pinaggagawa ni Vice Ganda sa show na It's Showtime, may pamagat umano itong It's Shametime kung saan maaring mamahiya ang mga tao at guest.


“Gusto mo bang Mapahiya? o Gusto mo lang Mamahiya? It’s your Shame It’s your Time Mamahiya na! Its… [Shametime]” caption ni Darryl Yap sa kanyang post.


Matatandaang binanggit ni Vice Ganda si Darryl Yap sa It’s Showtime dahil sa pagkakahawig ng isa sa contestant ng noontime show sa nasabing direktor.


“Yung friend pala nila MC yun, di ba, yung direktor n’yo ng pelikula? Parang ayaw mong umamin?” 


Nauna na rito, nagbigay  rin ng reaksyon si Darryl Yap sa viral video ni Vice Ganda kung saan kinoll-out niya ang ginawa ni Axel sa kanilang contestant na babae.


“Mahal ko sina MC at Lassy, parehas magalang, mahusay at mabubuting tao — hindi ko naramdaman na gusto nilang itangging kaibigan nila ako on National TV. Hindi ko lang alam kung anong damo ang nakain ni Vice para gumanyan. Wag mo ko masyadong isipin, para di ka nahahalata…”

 

KimPau Galawang Mag Asawa Sa Agusan Del Sur?

Walang komento


 Talagang tinodo nina Paulo Avelino at Kim Chiu ang kanilang pagpapakilig sa kanilang mga tagahanga sa mga dinaluhan nilang mall show na magkasama.


Labis naman na natutuwa ngayon ang mga tagahanga nilang dalawa dahil talagang lumilevel up ang kanilang relasyon kahit pa wala pang inaamin na kahit ano ang dalawa.


Sa kabila ng pagbuhos ng malakas na ulan sa Agusan Del Sur ay hindi ito nakahadlang kina Kim Chiu at Paulo Avelino na magbigay ng saya at kilig sa kanilang mga tagahanga na hindi rin inalintana ang malakas na ulan masilayan lamang sina Paulo Avelino at Kim Chiu.


Nadagdagan pa ang nadaramang kilig ng maraming mga netizens ng kumalat ang video pagkatapos ng show kung saan makikitang pinahiram ni Paulo Avelino ang kanyag jacket kay Kim Chiu upang mabawasan ang lamig na nadarama nito.


Kinilig ang maraming mga fans ni Kim Chiu dahil talagang makikita umano kay Paulo Avelino ang kanyang care at pag-aalaga kay Kim Chiu.


Talagang napaka-gentleman umano nitong si Paulo Avelino kaya naman nababagay umano na maging bagong boyfriend ni Kim Chiu.


Samantala, may ilan rin namang mga netizens ang humihiling sa mga tagahanga ng tambalang KimPau na huwag namang i-pressure ang dalawa at huwag pangunahan ang mga ito.


Nauna nang isiniwalat noon ni Paulo Avelino na nais niyang maghinay-hinay na muna ang kanilang mga fans sa pagdedesisyon sa kanilang pribadong buhay.


May mga netizens rin na nagsasabing tila nagiging delusional na rin ang ibang mga fans nina Kim Chiu at Paulo Avelino dahil pinapangunahan na nila ang dalawa sa mga pangyayari kagaya na lamang sa pagpapakalat na nagpakasal na ang dalawa.



Rosmar, Naglabas Na Ng Public Apology Sa Insidente Sa Coron, Palawan

Walang komento


 Kaagad na naglabas ng public apology si Rosmar Tan hinggil sa isyung kinasasangkutan nila ng kapwa social media personality na si Rendon Labador matapos nilang sugurin ang isang empleyado ng gobyerno na bumatikos sa pagbisita nila sa Coron, Palawan.


Naganap ang komprontasyon matapos sumugod si Rosmar, kasama ang motivational speaker na si Rendon Labador, sa municipal hall ng Coron upang harapin ang empleyadong si Jho Cayabyab Trinidad, na nagsabing ginamit ng dalawang personalidad sa social media ang mga kawani ng gobyerno para sa publisidad.


Inirereklamo nito ang isang oras nilang paghihintay kung saan nalipasan na sila ng gutom at hindi rin umano sila nabigyan ng kahit maliit na kompensasyon man lamang para sa kanilang pagtulong at pag-assist.


Naglabas na rin ng pahayag ang Mayor's Office kung saan inilahad na plano na ng mga opisyal ng Coron, Palawan na ideklarang persona non-grata sina Rendon Labador at Rosmar Tan.


Kung sakaling maaprubahan ito ay hindi na muling makakapunta sa kanilang lugar pagkatapos ng insidente sina Rendon Labador at Rosmar Tan.


Samantala, sa isang Facebook post, naglabas ng public apology si Rosmar  kung saan inilahad niyang nadala lamang siya ng kanyang emosyon dala na rin umano marahil dahil sa kakapanganak pa lamang niya at humingi ng tawad sa kanyang inasal.


“Sorry kung nagkaganun reaction ko sadyang kakapanganak ko lang nadala lang ng emosyon. Wala naman kami ginusto kundi makatulong lang,” pahayag ni Rosmar sa kanyang post.


Inilahad rin ni Rosmar na nagkausap na rin sila ni Rendon Labador patungkol sa kanilang isyu na kinaharap sa Coron, Palawan.


“Sobra kami nagpangaral sa kanya na maging mabait kasi mabait naman talaga siya kaya sinama namin siya sa mga ganap at charity. Madami din ako nabasa na bakit sumasama daw ako kay Kuya Rendon, nahawa daw tuloy ako,” pahayag ni Rosmar.


“Guys, pasensya na na-trigger lang talag ako. Nakasama namin si Kuya Rendon at mabait din naman talaga siya. Pasensya na po sa mga naapektuhan. Nasaktan kami sa nangyari pero aminado kami na nagkamali din kami, tao lang. Patawad,” dagdag pa ni Rosmar.




Ogie Diaz Isiniwalat Na May Bago Ng Karelasyon Ngayon Si Bea Alonzo

Walang komento


 Viral at mainit na pinag-uusapan ngayon ng ilang mga marites online sa iba't-ibang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang balitang mayroon nang bagong boyfriend ang Kapuso actress na si Bea Alonzo ilang buwan matapos ang hiwalayan nila ni Dominic Roque.


Isiniwalat ng kilalang talent manager at showbiz reporter na si Ogie Diaz sa kanyang showbiz oriented vlog na mayroon nang bagong boyfriend si Bea Alonzo na isang half-Filipino at half-Foreigner.


Inilahad naman ni Ogie Diaz na ang balitang ito ay nakarating lamang sa kanya mula sa kanyang mga pinagkakatiwalaang sources kaya naman hindi pa ito lubusang kinukumpirma ng talent manager.


Gayunpaman, inihayag ni Ogie Diaz na magandang balita ito kung sakali dahil nagpapahiwatig lamang ito na nakapag-move on na ito sa naging hiwalayan nila ni Dominic Roque na naganap nito lamang taon.


Bagama't hindi pinangalanan ni Ogie Diaz ang bagong boyfriend ni Bea Alonzo, inilarawan naman niya ito bilang isang half-Pinoy na matangkad at gwapo rin kagaya ng mga naunang nakarelasyon ni Bea Alonzo.


Sa kabilang banda, sa isang panayam inilahad ni Bea Alonzo na hindi naman siya ang unang nakipaghiwalay kay Dominic Roque, kundi ito ang nag-initiate sa kanilang hiwalayan.


Hindi na idinitalye ni Bea Alonzo, kung ano ang dahilan ng kanilang paghihiwalay bilang pagrespeto na rin sa naging relasyon nilang dalawa na tumagal rin naman.


Kaagad namang umani ng samu't-saring komento mula sa mga netizens ang isiniwalat ni Ogie Diaz patungkol sa estado ng puso ni Bea Alonzo ngayon.


May mga nagsasabing kaya hindi ito inaamin ni Bea Alonzo ay para maiwasan ang mga intriga na kaya naghiwalay sila ni Dominic Roque ay dahil sa pagkakaroon niya ng ibang lalaki.



May mga naghinala naman na mayaman ang bagong boyfriend ngayon ni Bea Alonzo at tanggap ito ng pamilya ng aktres lalo na ng ina nito.


Coleen Garcia and Billy Crawford Hiwalay Na Pala, Billy Nahuling May Ibang Babae?

Walang komento


 Viral at mainit na pinag-uusapan ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang balitang naghiwalay ang celebrity couple na sina Coleen Garcia at Billy Crawford.


Nag-ugat ang mga usap-usapang ito nang may ma-feature sa isang entertainment news sites na blind item patungkol sa isang misis na kinumpirma ang pagkakaroon ng affair ng kanyang mister kaibigang aktres.


Ayon sa blind item, nahuli umano ng misis na ito ang kanyang mister na karelasyon pala ang kanyang kaibigan na isa ring aktres.


Marami ang naghinala na ang tinutukoy sa blind item ay walang iba kundi ang celebrity couple na sina Coleen Garcia at Billy Crawford.


Ayon sa ilang mga netizens, na tila sina Billy Crawford at Coleen Garcia ang tinutukoy dahil nauna nang nabalitang nagkakaroon ng marital problem ang dalawa at malapit nang maghiwalay.


Nauna na rito ang pagkalat ng video at mga larawan ni Billy Crawford kung saan makikita ang pagbagsak ng katawan nito at mukhang may malaking problema na kinakaharap.


Sa gitna nito ay ipinagtanggol pa ni Coleen Garcia ang kanyang mister kaya naman may mga netizen rin na napapatanong kung bakit napapabalita ang paghihiwalay nila gayung maayos ang ipinapakita nilang relasyon sa kanilang mga tagahanga.


May mga nalilito rin, kung bakit ang nasabi sa blind item ay nahuli pa mismo ng misis ang pagtataksil ng kanyang mister sa isa niyang kaibigan na kapwa rin aktres.


May mga naghinala naman na kaya hindi pa nila inaamin sa lahat ang nangyari sa publiko ay dahil ayaw nilang maapektuhan ang kanilang mga showbiz careers.



Ria Atayde Kinumpirma Ang Pregnancy Sa First Baby Nila Ni Zanjoe Marudo!

Walang komento


 Isiniwalat na mismo ng aktres na si Ria Atayde ang kanyang pagbubuntis sa unang anak nila ng actor na si Zanjoe Marudo. Sa pagdiriwang para sa araw ng mga Ama, isiniwalat ni Ria Atayde ang pagiging ama ni Zanjoe Marudo sa pamamagitan sa pagbati rito.


Sa Instagram pos ni Ria Atayde nitong lingo June 16, 2024 binati niya ang kanyang mister na si Zanjoe Marudo, kalakip ang larawan nilang mag-asawa kung saan makikita ang kalakihang baby bump ni Ria Atayde.


"To the dad you already are and the dad I know you'll be. Love you @onlyzanjoemarudo, so excited for this new chapter with you," mababasang caption ni Ria Atayde sa kanyang post.


Kaagad namang bumuhos ang mga mensahe ng pagbati para sa mag-asawa mula sa kanilang mga tagahanga at maging sa mga kaibigan at kasamahan nila sa showbiz industry.


Sa kabilang banda, hindi na ito gaanong ikinagulat pa ng ilang mga netizens dahil nauna nang naging laman ng mga usap-usapan noon ang pagbubuntis ni Ria Atayde na itinuturong dahilan ng biglaang pagpapakasal nilang dalawa.


Marami ang mga umiintriga noon sa kanilang dalawa subalit pareho silang nanahimik sa usaping ito, maliban na lamang sa isang kapatid ni Ria Atayde na naglabas noon ng pahayag na hindi nagbubuntis ang kanyang kapatid.


Iginiit pa noon ng kapatid ni Ria Atayde na imposibleng buntis ang aktres dahil sa health condition nito.


Samantala, may mga netizen na naman na nagtatanggol kina Ria Atayde at Zanjoe Marudo sa hindi pag-amin noon ng kanilang pregnancy.


Ayon sa ilang mga tagahanga nila, na normal lamang na hindi kaagad nila sabihin ang pagdadalang tao ni Ria Atayde dahil tiyak umano na marami na naman ang mang-iintriga rito na kaya lamang pinakasalan ay dahil sa pagbubuntis.


Ipinunto pa ng ilang mga tagahanga nila na wala namang pakialam ang mga tao kung nais ba nilang isa-publiko ang balitang ito dahil hindi naman ito sakop sa trabaho nila bilang mga artista.



Vhong Navarro Tinanggal Na Sa Showtime, Billy Crawford Ipapalit!

Walang komento


 Mainit na pinag-uusapan ngayon ng mga netizens at maging ng ilang mga tagasubaybay ng noontime show na It's Showtime ang matagal nang hindi pagpasok ng actor-comedian na si Vhong Navarro.


Marami ang mga napapatanong ngayon kung may pinagkakaabalahan lamang ba ito, na-suspend o kaya naman ay tuluyan na itong umalis sa nasabing noontime show.


Labis na ikinabigla at ikinalungkot ng maraming mga tagasuporta ni Vhong Navarro ang kanyang pagkawala sa It's Showtime.


May mga kumakalat na mga bali-balita sa ilang mga entertainment news sites na pansamantala munang hindi papasok si Vhong Navarro sa It's Showtime dahil magkakaroon ito ng pelikula at magiging abala ito sa taping.


May mga nagsasabi rin na pansamantala munang papalitan ni Billy Crawford si Vhong Navarro bilang host ng show, hindi na rin naman umano ito bago kay Billy Crawford dahil dati na rin naman siyang host ng nasabing noontime show.


Matatandaan na ilang taon rin na naging host si Billy Crawford sa It's Showtime hanggang sa magresign ito at pumasok bilang host ng Tropang LOL na umiere noong sa TV5.


Kaagad naman itong umani ng samu't-saring komento mula sa mga netizens dahil malabo umano na maging pansamantalang host si Billy Crawford sa It's Showtime dahil abala ang aktor at hindi rin maganda na papalitan niya si Vhong Navarro kahit pa pansamantala lamang ito.


May mga nagsasabi rin na abala rin naman si Billy Crawford sa kanyang mga shows sa ibang bansa kaya wala rin itong oras para maging host ng show.


Samantala, marami naman sa mga fans ni Vhong Navarro ang nagpahayag ng kanilan pagkalungkot dahil sa mga lumalabas na isyu ngayon.


Marami pa ang nagsasabing bakit si Kim Chiu ay nakakapasok pa rin sa It's Showtime kahit naging abala rin ito sa shooting ng teleseryeng pinagbibidahan.



Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo