Rosmar Tan at Rendon Labador, Idineklarang Persona Non-Grata sa Coron, Palawan

Walang komento

Lunes, Hunyo 17, 2024


 Naglabas na ng pahayag ang Mayor ng Coron Palawan na si Mayor Mario T. Reyes Jr. hinggil sa isyung panunugod nina Rendon Labador at Rosmar Tan sa kanyang opisina para kumpruntahin ang isang staff na nagpost ng anila'y paninira laban sa kanila na sumira sa kanilang bakasyon.


Viral at mainit na pinag-uusapan sa social media ang kumakalat na video kung saan makikita ang pagkumprunta ni Rendon Labador sa isang staff ng munisipyo sa Coron, Palawa.


Nag-ugat ang isyu ng i-call out ng isang staff, na kinilalang si Jho Cayabyab Trinidad sina Rendon Labador at ang team Malakas ni Rosmar Tan sa pang-aabala sa kanila at panggamit para lamang umano sa kasikatan ng mga ito.


Sa nasabing post, ipinahayag ng isang staff ang kanyang pagkadismaya dahil ilang oras umano silang naghintay nagutom. Maging ang mga stadd ng gobyerno ay ginamit rin umano ng dalawa tapos wala man lamang ibinigay sa kanila. Pinuna rin nila ang pagpapa-bring me ng mga ito ng 'pustiso'.


Hindi nagustuhan nina Rosmar Tan at Rendon Labador nang makarating sa kanila ang pagpopost ni Jho Trinidad, dahilan para pumunta sila sa munisipyo.


Sa kumakalat na video makikitang hindi naging maayos ang approach ng dalawa at may punto pa na tila hinahamon na ni Rendon ang staff na pumuna sa kanila ni Rosmar.


Samantala, sa gitna ng usaping ito, naglabas na ng statement ang Mayor's Office patungkol sa nasabing insidente kung saan inilahad nito na hindi sila nasiyahan sa ginawa ng dalawa na parehong social media personalities.


“Binigyang-diin ng Punong Bayan na hindi siya nasiyahan sa naganap na insidente sa kanyang opisina lalo na’t wala siya sa lugar ng mga oras na iyon,” mababasa sa ibinahagi nilang statement.


“Inatasan niya ang nasabing departamento na ikalap ang lahat ng mga dokumento, opisyal na mga reklamo at mga viral videos para sa mga susunod na hakbangin at aksyon na gagawin,” dagdag pa nito.


Naghain naman ng resolution ang isa sa mga councilor ng lungsod para ideklara bilang mga persona non-grata sina Rendon Labador at Rosmar Tan sa Coron Palawan.


“RESOLVED, as it is hereby RESOLVED, to declare Rendon Labador, Rosemarie Tan Pamulaklakin a.k.a. Rosmar and Marki Tan as persona non-grata in the Municipality of Coron, Palawan for their disrespectful behavior, negative publicity, incitement to conflict, and violation of Republic Act No. 10951, also known as the ‘Property and Damage Penalty Adjustment Act’; Article 153 of the Revised Penal Code; and Republic Act No. 11313, also known as the “Safe Spaces Act (Bawal Bastos Law).”


Rendon Labador at Rosmar, Sumugod Sa Munisipyo Ng Coron Palawan

Walang komento


 Maaaring hindi na makakabalik sa Coron Palawan ang Motivational Speaker na si Rendon Labador at Entrepreneur  na si Rosmar Tan, matapos harapin ang isa sa mga staff ng munisipyo na bumatikos sa kanilang humanitarian mission.



Nagsimula ang isyu nang magpost sa social media ang isa sa mga staff ng munisipyo na si Jho Cayabyab Trinidad  kung saan kinoll-out nito sina Rosmar at Rendon Labador dahil sa abala sa mga taga-Coron, na umaasang makatanggap ng tulong mula sa mga social media influencers.


Iginiit ni Jho Cayabyab Trinidad na ginamit lamang nina Rendon at Rosmar ang mga kawani ng LGU ng Palawan para sa kanilang publicity.


“Dear Rosemar at team Malakas, Ginamit nyo lang mga taga-Coron para sa mga vlog vlog nyo at socmed… dismayado dahil naghintay sila ng isang oras at gutom… at lalong ginamit niyo mga staff para mag assist sa inyo tapos Wala kayong inabot kahit singkong duling! Kayo ba naman nagpa laro ng bring Me pustiso Hindi niyo nga hinawakan?” pahayag ng government employee.


Kaagad naman itong nakarating kina Rendon Labador at Rosmar Tan dahilan para kaagad silang pumunta sa munisipyo upang komprontahin ang staff na naninira umano sa kanila sa social media.


Iginiit ni Rendon Labador na ang pinunta nila sa Coron Palawan ay para mag-enjoy subalit ang pambabatikos ang isinalubong ng gobyerno sa kanila. Nasabi rin ni Rendon Labador na sa pagpunta nila sa Coron ay para mapromote rin ito sa social media.


Ipinahayag rin ni Rosmar na hindi naman umano siya kumikita sa pagvivideo dahil naglive lang naman umano siya.


Kaagad naman itong umani ng samu't-saring reaksyon mula sa mga netizens, marami ang hindi nasiyahan sa ginawa ng dalawang influencer lalong lalo na ang mga salitang binitiwan nila sa isang government staff.


"Sabi ni rendon PUBLIC SERVANT LANG NAMAN.. pakinggan nyo sa huli"


"Demanda nyo yan si rendon dina nirespeto mayors office. Puro kasi vlog vlog nagpapasikat lang yang rosmar. Gusto nya makilala na super rich sya sa buong pinas."


"hindi nio n kailangan i promote ang CORON kilala n yan bago p kau makilala kung mkaduro k sa tao ha yabang mo"


Samantala, naglabas na ng pahayag ang mayor ng Coron, Palawan kung saan kinundena niya ang ginawang pagsugod ni Rendon Labador at Rosmar Tan sa kanilang opisina.


Kyline Alcantara Nagsalita Na Sa Relasyon Nila Ni Kobe Paras!

Walang komento


 Nagbigay na ng pahayag ang Kapuso actress na si Kyline Alcantara hinggil sa napapabalitang relasyon nila ng basketball player na si Kobe Paras.


Matatandaan na kamakailan lamang ay naging laman ng mga usap-usapan sa social media ang bali-balitang mayroong romantic relationship sa pagitan nina Kyline Alcantara at Kobe Paras matapos makitang magkasama ang dalawa sa isang restaurant.


Tila inamin na rin ni Kobe Paras ang kanilang relasyon ng ilang beses siyang nag-iwan ng mga sweet na mensahe sa mga post ni Kyline Alcantara na pahiwatig ng pagkakalapit nilang dalawa.


Matapos ang ilang linggong spekulasyon, hayagang nang nagbigay ng pahayag ang aktres kung saan inilahad niya ang totoong relasyon nilang dalawa.


Sa kamakailang panayam kay Kyline Alcatara, naitanong sa kanya kung ready na ba siyang magmahal muli. Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng lahat ang nangyari sa buhay pag-ibig ni Kyline Alcantara at ang nakaraan nila ni Mavy Legaspi at sa buong pamilya ng aktor.


Tahasan itong sinagot ni Kyline Alcantara na nagbibigay linaw na rin sa totoong estado ng relasyon nila ni ngayon ng kilalang basketball player na si Kobe Paras.


Inamin ni Kyline Alcantara na hindi pa siya ready na magmahal muli dahil nais muna umano niyang kilalanin ng mabuti ang kanyang sarili.


Sa pahayag na ito ni Kyline Alcantara, pinapasinungalingan na niya ang isyung boyfriend na niya si Kobe Paras.


Sa kabila nito, marami parin ang naniniwala na nagkakamabutihan na ngayon sina Kobe Paras at Kyline Alcantara. Kung hindi pa umano opisyal silang magkarelasyon ay baka nanliligaw pa lamang itong si Kobe sa aktes.



Ian Veneracion, Ipinagtanggol Ang Kanyang Anak Laban Sa Mga Pambabatikos

Walang komento

Biyernes, Hunyo 14, 2024


 Hindi natuwa si Ian Veneracion sa mga negatibong komento na natanggap ng kanyang anak na si Deirdre, na kamakailan lang ay umamin na siya ay miyembro ng LGBTQIA+ community.


Ang mga pambabatikos na natanggap ng kanyang anak na si Deirdre ay makikita sa mga komento ng ilang netizens matapos mai-feature si Deidre sa Pride Month edition ng fashion magazine Preview.


“Seriously, let’s all just cut the b*llsh*t. People should be honored and respected for their compassion, courage, and integrity–not for the choices they make in the privacy of their bedrooms,” pahayag ni Ian Veneracion.


Inilahad pa ni Ian Veneracion kung gaano siya ka-proud sa kanyang anak sa kabila ng pagiging lesbian nito.


“Proud of my daughter for embodying these values. Who she loves is her business,” dagdag pa ni Ian.


Matatandaan na unang inamin ni Deidre na isa siyang miyembro ng LGBTQIA+ community noong siya ay 16 years pa lamang.


“Sabi niya ‘Daddy, I have to tell you something.’ Sabi ko, ‘What? Sit down.’ Sabi niya, ‘I like girls.’ Tapos sabi ko sa kanya, ‘Me also I like girls.’ So parang nagtataka siya, sabi niya, ‘It’s okay?’ Sabi ko, ‘Yes. Just don’t be ever apologetic about it, not even to me.’ Sabi ko, ‘You can be whoever you want to be and I have full support’,” saad ni Ian Veneracion.


Gayunpaman, ang naging pagtatanggol ni Ian Veneracion sa kanyang anak ay umani rin ng samu't-saring komento mula sa mga netizens.



Willie Revillame Emosyunal Na Namamaalam Sa Wowowin

Walang komento


 Hindi naiwasan ni Willie Revillame na maging emosyunal sa tuluyan niyang pamamaalam sa kanyang programang Wowowin.


Sa kamakailang livestream ni Willie Revillame, sa kanyang mga social media account, kinumpirma ni Willie Revillame na bagong programa ang mapapanood sa TV5 dahilan para tuluyan na siyang mamaalam sa Wowowin.


Hindi napigilan ni Willie Revillame na maging emosyunal dahil tuluyan nang mawawala ang Wowowin na nakasama niya ng araw-araw sa GMA sa kabila ng mga pagsubok, marami rin umano itong pinagdaanang pangyayari.


"For almost seven years, araw-araw ko kayong kasama sa GMA. Maraming mga pagsubok, maraming nangyari, may luha ng kaligayahan. May luha ng hinagpis na araw-araw kong nararamdaman," emosyunal na pahayag ni Willie Revillame.


"Sorry ho naging emotional ako kasi mawawala na ho si Wowowin. Magpapaalam na po ang programang Wowowin," malungkot na pahayag nito.


Kasabay ng pamamaalam ni Willie Revillame sa Wowowin, isiniwalat naman niya ang kanyang bagong programa na mapapanood sa TV5.


"May bago na tayong programa dito sa TV5, ang Wil to Win!" pahayag ni Willie Revillame.


Matatandaan na mahigit isang taon ring natigil sa pag-ere sa telebisyon at online platforms ang programa ni Willie Revillame na Wowowin matapos itong pansamantalang ipatigil sa pag-ere sa AllTV na pagmamay-ari ni Former Senator Manny Villar.


Netizens Nagulat Sa Rebelasyon Ng Tv Host Aktres Na Si Karylle, Ganito Pala Ang Kanyang Nararamdaman

Walang komento


 Ikinagulat ng maraming mga netizens ang naging rebelasyon ng It's Showtime host at theatre actress na si Karylle sa kamakailang media conference ng pinagbibidahan niyang Broadway Musical.


Naitanong kay Karylle kung bakit binalik-balikan niya ang pagiging theatre actress kung saan inilahad niya na maging siya ay hindi rin alam kung bakit gustong-gusto niya ang pagtatanghal sa theatre.


Ayon pa kay Karylle na gustong-gusto niya ang mga party kung saan nagkakasama ang mga pamilya. Inilahad rin ni Karylle na ibang kasiyahan ang nararamdaman niya sa pagiging theatre actress kaysa sa pagiging host ng It's Showtime dahil may kakaibang siyang naramdamang koneksyon rito.


Samantala, hindi naman naiwasan ng maraming mga netizens na pagkumparahin ang nakikita nilang kasiyahan sa mukha ni Karylle habang nasa theatre ito at sa tuwing nagiging host ito ng It's Showtime.


Ayon sa ilang mga netizens, natural lamang na maging mas masaya si Karylle sa pagiging broadway actress kay sa It's Showtime dahil sa broadway ay siya ang bida.


Habang sa It's Showtime naman ay bagama't makikitang nag-eenjoy siya ay nababahiran ito dahil palagi naman siyang sinasasapawan ng kasamahan niyang hosts.


May mga nagsasabi pang sila na lamang ang naawa kay Karylle dahil palagi itong binabara ni Vice Ganda. Bagama't biro lamang itong lahat ng Unkabogable Star hindi pa rin maiiwasan na masaktan ang ilang mga tagahanga ni Karylle.



Arnold Clavio Inatake Ng Hemorrhagic Stroke, Isinugod at Naka-Confine Ngayon Sa St. Luke's Hospital!

Walang komento


 Ibinunyag ng beteranong broadcaster na si Arnold Clavio na dumanas siya ng hemorrhagic stroke, isang kondisyon kung saan 1 lamang sa 4 na tao ang nabubuhay.


Sa kanyang post, ibinunyag ni Arnold Clavio na noong June 11, 2024, pauwi na siya nang makaramdam ng pamamanhid sa kanyang katawan, ngunit sa kabila ng kanyang kondisyon, sinubukan pa rin niyang magmaneho mismo sa ospital.


“Sabi ko, titigil ako sa unang ospital na makikita ko. Kaya mula Antipolo, maingat ako na nag-drive sa Sumulong highway hanggang makarating ako sa Emergency Room ng Fatima University Medical Center,” saad ni Arnold Clavio.


Kaagad naman umano siyang inasikaso sa Fatima University Medical Hospital kung saan napag-alaman ang mataas ng blood pressure. Kaagad naman umanong inirekomenda ng mga doktor sa kanya na sumailalim sa hospital kung saan napag-alaman na mayroong slight bleeding sa kaliwang bahagi ng kanyang utak.


“Doon inasikaso ako at after ilang test, lumitaw na ang blood pressure (BP) ko ay nasa 220/120 at ang blood sugar ko ay umabot ng 270 . Inirekomenda na isailalim ako sa CT Scan. Doon nakita na may ‘slight bleeding’ ako sa kaliwang bahagi ng aking utak. At sa oras na yon , ako ay nagkaroon na ng ‘HEMORRHAGIC STROKE’!” 


Dahil sa kanyang kondisyon ay kaagad siyang inilipat sa St. Luke's Medical para mas maobserbahan ng mas mabuti.


Iginiit ni Arnold Clavio na mas maiging pakinggan ng mabuti ang katawan at palaging mag-ingat dahil isa sa mga traydor na sakit ang hypertension.


“ARAL: Feeling ok does not mean your ok … Feeling good does not mean we’re good .. Listen to your body .. Traydor ang hypertension ! Always check your BP,” pahayag ni Arnold Clavio.


Kaagad namang bumuhos ang mga mensahe mula sa mga kaibigan at mga tagahanga ng batikang news broadcaster.


Nagsunog Ng Tulay, Ex Kapamilya Aktres Malabo Ng Makabalik Sa Abs Cbn!

Walang komento


 Hanggang ngayon ay umaani pa rin ng samu't-saring komento at reaksyon mula sa mga netizens ang pagrarant ng tinaguriang Comedy Queen na si Ai-Ai Delas Alas sa kanyang Facebook account dahil sa nakarating sa kanyang balita patungkol sa reaksyon ng Star Cinema sa kanyang kahilingan.


Matatandaan na nagpahayag si Ai-Ai Delas Alas na nais niyang magkaroon sila ng reunioun project ng kanyang mga anak sa pelikulang Ang Tanging Ina.


Subalit, nakarating umano kay Ai-Ai Delas Alas na may isang tao sa Star Cinema ang hindi pabor sa kanyang naging pahayag kaya naman, pinapatake down nito ang mga articles patungkol sa kanyang request.


Hindi maitago ni Ai-Ai Delas Alas ang kanyang galit sa nakarating sa kanyang balita, dahilan para ilabas niya ang kanyang mga hinanakit sa Star Cinema.]


Inilahad ni Ai-Ai Delas Alas na wala namang masama sa paghihiling niya, at wala ring masama kung hayagan itong nireject ng Star Cinema dahil hindi naman umano siya mamimilit.


Ang kanyang ikinaiinis ay ang pagsasabi ng isang taon na itake-down ang mga articles na naglalaman ng mga balita patungkol sa kanya.


Dagdag pa ni Ai-Ai Delas Alas, na kung umasta ngayon sa kanya ang Star Cinema ay tila ba hindi siya pinagkakakitaan ng mga ito noon.


Inilahad pa ni Ai-Ai Delas Alas na masaya naman siya ngayon sa GMA, ang kanyang bagong tahanan.


Samantala, kaagad namang umani ng samu't-saring komento mula sa mga netizens ang post na ito ni Ai-Ai Delas Alas.marami ang nagsasabi na tila tuluyan nang sinusunog ni Ai-Ai Delas Alas ang kanyang tulay sa Star Cinema.


Marami rin ang halos hindi makapaniwala sa ginawa ni Ai-Ai Delas Alas kung saan tila hindi nito iniisip ang maaring maidudulot ng kanyang pagrarant sa kanyang Facebook account.


May mga natatawa na lamang rin kay Ai-Ai Delas Alas dahil tila hindi pa rin umano natatanggap nito na nalalaos na siya at kukunti na lamang ang mga tagahanga.




Xian Lim Iginiit Ang Katotohanan Sa Likod Ng Hiwalayan Nila Ni Kim Chiu!

Walang komento

Sa kabila ng pakiusap ni Kim Chiu kay Xian Lim na itigil na ang pagbibigay ng detalye sa naganap nilang paghihiwalay ay nagpatuloy pa rin ang Kapuso actor-director na si Xian sa pag-uusap tungkol sa nakaraan niyang relasyon sa Kapamilya actress.


Matatandaan na sa naging panayam kay Kim Chiu bago ang pagpunta nina Kim Chiu at Paulo Avelino sa Dubai, ay iginiit ng aktres na nais niyang manahimik na lamang sa isyu ng hiwalayan nila ni Xian Lim noong nakaraang taon.


Ayon kay Kim Chiu nais niyang mag-umpisa ng panibagong chapter at patahimikin na lamang ang nakaraan nila ni Xian Lim at hiniling na irespeto na lamang nila ang isa't-isa alang-alang sa kanilang mga pinagdaanan.


Subalit, sa kabila nito ay patuloy pa rin na naglalabas ng mga pahayag si Xian Lim at hayagang sinasagot ang mga katanungan sa kanya kaugnay sa naging paghihiwalay nila ni Kim Chiu noong nakaraang taon.


Sa panayam kay Boy Abunda, ibinunyag ni Xian Lim na hindi pa niya nakakausap si Kim simula noong breakup nila last year.


Subalit, nilinaw niya na mapayapa ang kanilang breakup at naghiwalay sila bilang isang magkaibigan.


“Kasi Tito Boy, to be completely honest ever since we went our separate ways, Hindi pa po kami nakakapag-usap. But we of course, when that night happened, maayos ‘yung pag-uusap namin. Of course, mayroong iyakan but there was that assurance na we went through 12 years of our existence, it has that respect,” saad ni Xian Lim.


Muli ring iginiit ni Xian Lim na hindi niya desisyon ang makipaghiwalay kay Kim Chiu kundi si Kim Chiu ang unang bumitaw sa kanilang relasyon.


“To be completely honest I wasn’t the one engaged in the separation, ‘yun lang po siya, it’s that simple. I know they’re saying na…. I wasn’t the one who initiated the breakup,” pagdidiin ni Xian Lim.


Very proud ding ipinahayag ni Xian Lim na hindi siya kailanman na nagloko sa 12 years relationship nila ni Kim Chiu taliwas sa mga ibinabato sa kanya ng maraming fans ng aktres.


“Nag-usap kami privately. Hindi na kailangan himayin kung sino ang nag-kulang. I think the length speaks for itself, and ‘yung pambabatikos sa akin ng karamihan, I think they should look at it from us … For more than a decade, I never had any … My record is clean, and I am proud of that,” pahayag ni Xian Lim.


Sa ngayon ay hindi pa naman nagbibigay ng pahayag si Kim Chiu patungkol sa hindi pakikinig ni Xian Lim sa kanyang pakiusap na manahimik na sa isyu ng kanilang paghihiwalay at irespeto ang isa't-isa.


 


Mga Sponsors Balak Ng Layasan Ang Its Showtime Dahil Sa Mga Issue Kay Vice Ganda

Walang komento


 Viral at mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang mga haka-hakang nababawasan na ang mga advertisers ng It's Showtime dahil sa naging isyu ni Vice Ganda sa kanilang guest sa Expecially For You.


Hanggang ngayon ay mainit pa rin na pinag-uusapan sa social media ang isyung kinasasangkutan ni Vice Ganda at ng naging contestant nila sa Expecially For You na sina Axel at Christine.


Marami sa mga netizens ang hindi nagustuhan ang tila pamamahiya umano ni Vice Ganda sa kanilang searchee na si Axel nang magtangka itong bumiso kay Christine, lalo pa nilang binabatikos si Vice Ganda nang bawiin nito ang naunang apology na inilabas nito sa kanyang tweet.


May mga netizens na humihiling sa MTRCB na patawan ng parusa si Vice Ganda at maging ang show na It's Showtime.


Maging ang GMA Vice President na si Atty. Annette Gozon ay kinoll out na rin ng ilang mga bashers ni Vice Ganda upang hilingin rito na tanggalin na sa It's Showtime ang nasabing host dahil lumaki na umano ang ulo nito.


Samantala, may mga nagpapakalat ngayon sa social media kung saan sinasabi nilang marami sa mga sponsors ng It's Showtime dahil hindi na nila nagugustuhan ang ginagawa ni Vice Ganda sa show kung saan kung sino-sino na lamang ang pinagsasalitaan nito ng masasakit.


Sa kabilang banda, marami naman sa mga fans ni Vice Ganda ang hindi naniniwala sa balitang ito dahil hindi naman mapagkakaila na napakataas ng ratings ng show, kaya naman napaka-imposible kung bibitawan nila basta-basta ang It's Showtime.


Naniniwala rin ang mga tagahanga ni Vice Ganda na ginagawa lamang ang mga paninirang ito ng mga taong naiinggit sa show dahil patuloy itong nangunguna sa ratings sa kabila ng mga pambabatikos na kinakaharap ng kanilang mga hosts.


Sa ngayon ay pinagsabihan na umano ng management si Vice Ganda na maghinay-hinay na sa kanyang mga biro para mabawasan na rin ang mga nagrereklamo sa kanila.




Kim Chiu Umamin Na Nililigawan Ni Paulo Avelino

Walang komento


 Sa gitna ng mga usap-usapan patungkol sa totoong estado ng relasyon nina Kim Chiu at on-screen partner na si Paulo Avelino, nagbahagi si Kim Chiu ng mga katangian ng isang lalaki na hinahanap niya.


Inamin ng Kapamilya actress at TV Host na si Kim Chiu na mayroon siyang hinahanap na katangian sa isang lalaki sa gitna ng mga katanungan ng maraming mga netizens patungkol sa kanyang love life ngayon.


Inilahad ng aktres na mayroon namang mga lalaki na lumalapit sa kanya subalit, hindi pa umano niya alam kung handa na ba siyang pumasok sa isang relasyon matapos ang failed relationship nila ni Xian Lim.


Sinabi rin ng aktres na mayroon ding hindi niya alam kung nanliligaw na ba sa kanya. 


Samantala, marami naman ang nahiwagaan sa naging pahayag ni Kim Chiu patungkol sa taong tila nanliligaw sa kanya na hindi niya alam.


Subalit, hindi na ito ipinaliwanag ni Kim Chiu bagkus ay ikinuwento na lamang ng aktres ang kanyang ideal man. Ito umano ang mga katangian ng taong nais niyang makasama sa ngayon makalipas ang lahat ng mga nangyari sa kanya.


Ayon kay Kim Chiu, gusto niya ang lalaki na faithful at totoo ang ipinakitang pagmamahal sa kanya. Nais rin niya ng lalaking irerespeto siya at maging ang mga taong nagmamahal sa kanya kagaya na lamang ng kanyang mga magulang, kapatid at mga kaibigan.



Nais rin ni Kim Chiu na ang lalaking maging kabiyak niya ay iyang maunawain sa kanyang trabaho bilang aktres. Lalo na ngayong may dalawang malalaking upcoming projects siya na gagawin sa ABS-CBN.


Sa kanilang banda, kahit walang sinasabi si Kim Chiu kung sino ang lalaking tila nangliligaw ngayon sa kanya, marami sa mga tagahanga nila ni Paulo Avelino ang umaasa na ang aktor ang manliligaw ngayon ng aktres.


Patuloy pa ring umaasa ang maraming mga netizens na mauuwi rin sa happy ending ang relasyon nina Paulo Avelino at Kim Chiu kagaya ng mga karakter na ginagampanan nila sa What's Wrong With Secretary Kim?



Bistado Na, Bea Alonzo May Bago Nang Boyfriend

Walang komento


 Viral at mainit na pinag-uusapan ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang pagkakaroon ng panibagong boyfriend ng Kapuso actress na si Bea Alonzo.


Sa kamakailang episode ng showbiz oriented vlog ng kilalang showbiz reporter at talent manager na si Ogie Diaz, inilahad niya ang isang blind item patungkol sa isang aktres na hindi na makikipagbalikan sa ex fiancée dahil kumpirmadong mayroon nang bagong boyfriend.


Hindi muna pinangalanan ni Ogie Diaz ang tinutukoy niyang aktres subalit hindi siya tinitigilan ng pangungulit nina Mama Loi at Tita Jegs kaya naman inamin na ni Ogie Diaz na ang kanyang tinutukoy ay walang iba kundi ang Kapuso actress na si Bea Alonzo.


Tila sinaway naman nina Mama Loi at Tita Jegs si Ogie Diaz sa pagsisiwalat nito patungkol sa estado ng relasyon ni Bea Alonzo dahil hindi pa nila naayos ang isyung pagdedemanda ni Bea Alonzo kay Ogie Diaz.


Iginiit naman ni Ogie Diaz na walang libelous sa kanyang isiniwalat dahil sa katunayan ay good news ito na ibig sabihin ay nakapagmove on na ang aktres sa hiwalayan nila ni Dominic Roque.


Ipinunto naman ni Ogie Diaz na wala pa siyang kinukumpirma sa nangyari dahil  tanging si Bea Alonzo lamang ang tanging nakakaalam sa nangyari.


Kung sakali mang aminin umano ni Bea Alonzo ang pagkakaroon ng bagong boyfriend ay ikakatuwa umano ito nina Ogie Diaz Kahit hindi pa nasi-settle ang pagdedemanda ng aktres sa kanila.


Samantala, nauna nang inilahad ni Bea Alonzo sa isang panayam na hindi naman siya ang nakipag-hiwalay kay Dominic Roque taliwas sa mga pinaniniwalaan ng maraming mga netizens.


Sa kamakailang panayam kay Bea Alonzo inilahad ng aktres na si Dominic Roque ang nag-initiate ng kanilang paghihiwalay.



Carlo Aquino, Ipinaramdam Kay Trina Candaza Na Hindi Ito Sapat Kaya Naghanap Siya Ng Iba

Walang komento


 Muling naglabas ng detalye ang aktres na si Trina Candaza patungkol sa naging relasyon nila noon ng aktor na si Carlo Aquino at ang patungkol sa dahilan ng kanilang paghihiwalay.


Laman ng mga usap-usapan ngayon sa social media ang ikinuwento ni Trina Candaza ang katotohanan sa  paghihiwalay nila ni Carlo Aquino sa panayam kay Ogie Diaz.


Ayon sa kanya, hindi niya maitago ang kanyang emosyon sa tuwing hinahanap ng kanyang anak na si Mithi ang ama nitong si Carlo Aquino sa kanya.


Pagbabahagi ni Trina Candaza, na may pagkakataon na nagcheck in sila ni Mithi sa hotel kung saan may nakitang mag-ama ang kanyang anak dito na hinahanap ng bata ang sarili ama sa kanya.


Inamin ni Trina Candaza na nakaramdam siya ng lungkot dahil alam na alam niyang kailanman ay hindi na mabubuo pa ang kanilang pamilya.


“One time nag check in kami sa isang hotel, tapos may nakita siyang bata at lalaki.. sabi niya ‘Daddy’. Syempre may kirot.. hindi buo yung family ng anak ko,” pagbabahagi ni Trina.


Inilahad rin ni Trina na maayos naman sila noon, masaya at mahal nila ang isa't-isa subalit talagang nag-iiba umano ang anak kapag nagkaroon na ng anak at doon na makikilala ang isa't-isa.


“Okay naman kami noon, masaya kami, in-love naman kami. Pero mas iba pala siya pag nagkaroon na kayo ng anak. Mas kikilalanin niyo pa yung isa’t isa” pagpapahayag pa nito.


Inilahad din ni Trina Candaza na sinubukan niyang maayos ang pagsasama nila ni Carlo Aquino, alang-alang sa kanilang anak na si Mithi subalit umabot na rin umano siya sa puntong hindi na niya kaya ang mga ginagawa ni Carlo Aquino sa kanya.


“Of course po Mama Ogs, kasi gusto kong mag-work, eh. So kailangan kong i-address yung issue namin. Gusto kong i-work out yung relationship namin. I tried naman eh pero hindi ko na kaya,” pag-amin ni Trina.


Isiniwalat pa ni Trina na nakapendi lamang umano sa desisyon niya si Carlo Aquino kung kaya ba niya ang mga ginagawa nito at kung hindi na ay maari naman umano siyang umalis.


Nung una ay sinubukan umano ni Trina na tanggapin ang lahat at iniisip na kaya nagagawa ni Carlo sa kanyang ang mga bagay ay dahil sa hindi siya sapat at hindi siya perfect. Pero, dumating rin siya sa kanyang limitasyon at nagkusa nang umalis sa buhay ng aktor.


“Nasa sa akin na lang to kung gusto kong ituloy tong pagkabuo ng pamilya namin o hindi. Dedepende siya kung kaya kong tanggapin na lang na ganu’n. I tried.. I tried na tanggapin na lang na ganun na baka hindi ako enough, kaya ganun. Kasi hindi naman ako perfect. Kaso hindi ko kaya eh, kaya nagdecide ako na umalis.” 


Sa huli ay nagbigay ng mensahe si Trina Candaza sa lahat ng mga babae na itigil na lamang ang pag-aayos sa isang relasyon kung hindi na sila masaya at kung may pinupuntahan na umanong ibang babae ang karelasyon ay huwag nang umasa pa na magbabago ito.



Bea Alonzo, Isiniwalat Na Si Dominic Roque Ang Nakipaghiwalay Sa Kanya

Walang komento


 Sa kauna-unahang pagkakataon nagbigay na ng pahayag ang aktres na si Bea Alonzo patungkol sa naging paghihiwalay nila ng kanyang boyfriend na si Dominic Roque. Isiniwalat na ng aktres kung sino ang unang nang-iwan sa kanilang dalawa.


Itinanggi na ng aktres na si Bea Alonzo ang mga tsismis na siya umano ang nagsimula ng breakup sa past relationship nila ni Dominic Roque.



Sa isang panayam ng GMA News, itinama ni Bea Alonzo ang mga maling balita at mga haka tungkol sa kanyang nakaraan at nilinaw na nag-alok si Dominic na wakasan ang kanilang relasyon.


Bagama't sinabi ni Bea Alonzo na si Dominic Roque ang nag-initiate ng kanilang break-up ay tumanggi na rin siyang magsalita nang higit pa tungkol sa kanilang nakaraang relasyon, sa paniniwalang ito ay kawalang-galang na ito sa aktor-model.


“That’s false. Hindi ako ang nakipag-break.  Pero huwag na nating pagusapan yun. Let’s leave it in the past. It’s amicable. Okay naman kami,” pahayag ni Bea Alonzo.


“It would be disrespectful to the relationship and the other person to talk about it. It’s a very sensitive topic and gusto kong bigyan ng respeto at gusto kong iwan sa magandang paraan what we had,” dagdag pa nito.


Matatandaan na ginulat nina Bea Alonzo at Dominic Roque ang kanilang mga tagahanga nang mapabalita ang kanilang paghihiwalay sa gitna ng mga usapin ng paghahanda na nila sa kanilang kasal.


Marami sa mga showbiz columnist at news reporter ang nagbigay ng kani-kanilang mga hinala kung bakit naghiwalay sila ay wala pa ring naging malinaw sa mga ito.


Hanggang ngayon ay hindi pa rin isinisiwalat nina Bea Alonzo at Dominic Roque ang rason ng kanilang paghihiwalay na tila ba pareho na nilang gusto na ibaon na lamang ang lahat sa limot.



Pelikula ni Xian Lim Nilangaw, May Pinakamababang Ratings!

Walang komento


 Mainit na pinag-uusapa ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga news sites ang pelikula na pinagbibihan ni Xian Lim na pinamagatang 'Playtime' dahil nakatanggap umano ito ng pinakamababang ratings sa lahat ng mga Pelikula.


Bukod sa kawalan ng katiyakan kung magkakaroon ang pelikula ni Xian Lim ng financial success, marami ring  mga film critics ang nagpahayag ng kanilang pagkabigo sa pelikulang 'Playtime'.


Ayon sa ilang mga critics, imbes na Playtime ang pamagat ng pelikula tila nagiging 'joketime' na umano ang palabas na pinangungunahan ni Xian Lim.


Sa kabila naman ng mababang rating na natatanggap ng pelikula, nakakatanggap ng papuri mula sa mga film critic sina Sanya Lopez at Faye Lorenzo dahil sa ipinamalas nilang talent sa pag-arte sa pelikula.


Ilang mga eksperto na ang nagsabi na ang pelikula ni Xian Lim ay maaaring hindi tumanggap ng kasikatan dahil sa kanyang desisyon na ipagpatuloy ang pag-uusap tungkol sa nakaraan nilang relasyon ni Kim Chiu.


Naniniwala ang marami na ang naging dahilan nito ayu ang pakikisimpatya ng mga tao kay Kim Chiu dahil sa nakaraan nilang paghihiwalay.


Sa kabila ng paglilinaw ni Xian Lim patungkol sa totoong nangyari sa kanilang paghihiwalay marami pa rin sa mga dati nilang tagahanga ni Kim Chiu ang nagdeklara na ibo-boycott nila ang bawat project ni Xian Lim.


Bukod pa rito, marami rin sa mga netizens ang naniniwala na ang totoong dahilan kung bakit nagpapaunlak ngayon si Xian Lim ng mga panayam at sinasagot ang mga katanungan patungkol sa nakaraan nila ni Kim Chiu ay dahil gusto niyang ipromote ang kanyang pelikula.


Tila nais umano ni Xian Lim na makakuha ng simpatya mula sa publiko kaya sinasabi niya si Kim Chiu naman ang unang nakipaghiwalay sa kanya.




Lucy Torres Sinisisi Ng Lahat Sa Nangyari Ngayon Kay Richard Gomez

Walang komento

Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang mga larawan ng dating aktor at 4th District of Leyte, Representative na si Cong. Richard Gomez dahil wala nang bakas ang pagiging matinee idol nito noon.


Isa sa mga hayagang pumuna sa hitsura ngayon ni Cong. Richard Gomez ay ang writer-director na si Ronaldo Carballo.


Sa isang Facebook post ng writer-director na si Ronaldo Carballo, inihayag niyang halos hindi na niya nakilala si Richard Gomez at halos hindi siya makapaniwala na ganito na ang hitsura ng dating tinitiliang matinee idol.


"Matagal ko na syang hindi nakikita. Ganito na ba talaga ang itsura ni Richard Gomez now at 58?" halos hindi makapaniwalang pahayag ni Ronaldo.


"Parang masyado naman nyang in-internalized ang kanyang pagiging Farmer at Pulitiko sa Probinsya.

Hindi man lang makapagpa-haircut," dagdag pa niya.


Isa sa nakikitang dahilan ni Ronaldo Carballo kung bakit ganito na ang hitsura ngayon ni Richard Gomez ay dahil sa pagpasok nito sa pulitiko.


Kung sakaling aktibo pa rin ito bilang isang aktor ay natitiyak niyang magandang lalaki pa rin ito hanggang ngayon.


"Naku, kung hindi sana sya nag-Pulitiko, aktibo pa rin sana syang leading man sa TV at Pelikula at magandang lalaki pa rin sya hanggang ngayon. Nakaka-miss ang kaibigang aktor at nag-iisang Adonis ng Pelikulang Pilipino."


Sa comment section ng kanyang post, inilahad niya ang mensahe para sa kanyang kaibigan na sana ay alagaan naman nito ang kanyang pisikal na anyo. Maging ang asawa ni Richard Gomez ay binigyan rin niya ng mensahe na imonitor rin ang kanyang mister dahil tila napapabayaan na nito ang kanyang sarili.


"ok lang kung medyo tumambok ang tyan. wag lang pabayaan ang sarili na mukhang gusgusin o very untidy.

hindi naman komo di na sya naga-artista pababayaan na nya ang looks nya na pwede pa naman i-maintain.

Sana as a wife, inaalagaan at minu-monitor din ni lucy ang itsura ni Goms.

magpa-haircut man lang."


May ilang mga netizens naman na sumang-ayon sa naging pamumuna ni Ronaldo Carballo kay Richard Gomez. Hirit nila na dapat ay kahit paghi-haircut ay gawin rin ni Richard Gomez.


May mga ilang mga netizen din pinagkumpara ang mga looks nila Aga Muhlach at Richard Gomez.


Ipinagtanggol naman ng ilang mga netizens si Richard Gomez kung saan iginiit nila na napakaabala nito sa kanyang mga responsibilidad bilang ama at bilang Congressman 4th District ng Leyte.


 

Kim Chiu Binan-taan Si Xian Lim Dahil Sa Mga Pa-Interview Nito

Walang komento

Miyerkules, Hunyo 12, 2024


 Usap-usapan ngayon ng ilang mga netizens sa social media ang ibinuking umano ng aktres na si Kim Chiu patungkol sa nangyaring hiwalayan nila nila ng Kapuso actor na si Xian Lim.


Ang ikinagulat pa ng maraming mga netizens ay ang naging pahayag ni Kim Chiu na kung sakaling ilalabas niya sa publiko ang kanyang side ay baka wala nang manood ng pelikula ni Xian Lim at tuluyang masira ang showbiz career nito.


Matatandaan na naging lamang mga balita ang patungkol sa naging pahayag ni Kim Chiu sa isang panayam sa labas ng airport noong papunta sila ni Paulo Avelino sa Dubai.


Dahil nasa labas ang interview ay maraming mga netizens ang nanonood at kumukuha rin ng video. Bago pa man mag-umpisa ang panayam ni MJ Felipe sa aktres ay may kumukuha na ng video kay Kim Chiu.


Naitanong sa actress-host ang kanyang reaksyon sa mga pagsisisiwalat ni Xian Lim ng mga detalye sa kanilang paghihiwalay sa mga naging panayam nito sa iba't-ibang mga programa.


Panay rin ang tila pagpaparinig ni Xian Lim patungkol sa nangyari na tila pinoprovoke niya si Kim Chiu na magbigay ng pahayag.


Samantala, may kumakalat ngayon na video na may malabong audio na kung pakikinggang mabuti ay maririnig ang pahayag ni Kim Chiu na, kung may sasasabihin umano siya tiyak na mawawalan ng manonood ang movie niya.


Bagama't walang binanggit na pangalan ang aktres marami ang naghinalang si Xian Lim ang tinutukoy nito dahil ito lang naman ang kanilang naging topic at mayroon ding pelikula ang aktor na kakapalabas pa lamang sa mga sinehan.


Kung sakali mang totohanin ni Kim Chiu ang kanyang banta, natitiyak na maaapektuhan ng malaki ang career ni Xian Lim.


Sa ngayon pa nga lang ay tila nahihirapan na ito nang hindi pa nagsasalita si Kim Chiu ano pa kaya ang mangyayari kung si Kim Chiu naman ang kakanta kung ano ang kanyang side sa kwento.




Paulo Avelino Personal Na Hinamon Si Xian Lim

Walang komento


 Kaagad na umani ng samu't-saring reaksyon at komento mula sa mga netizens ang isang cryptic post ng aktor na si Paulo Avelino na ibinahagi niya s kanyang social media account.


May naghinalang tila ito ang sagot ni Paulo Avelino sa mga isinisiwalat ni Xian Lim patungkol sa nakaraan nila ni Kim Chiu.


Isang cryptic post ang ibinahagi ni Paulo Avelino sa isa sa kanyang mga social media account kung saan iginiit niya na hindi basehan ang porma at pananamit sa kagwapuhan ng isang lalaki kundi kung paano nitong tinatrato ang mga babae.


Kaagad namang naghinala ang maraming mga netizens na ang pinapatungkulan ni Paulo Avelino ay ang ex-boyfriend ni Kim Chiu na si Xian Lim.


Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng nakakarami na nag-iingay ngayon si Xian Lim at tila binabahiran pa ng pangalan ng aktres sa kanilang paghihiwalay.


Nagbigay na ng pahayag si Kim Chiu kung saan hiniling niya kay Xian Lim na mag-iwan ng respeto sa isa't-isa at manahimik na lamang.


Ipinunto pa noon ng aktres sa kanyang pahayag na hindi naman mapag-uusapan muli ang kanilang isyu kung walang magbubukas ng paksa patungkol rito.


Sa kabilang banda, marami naman ang nakapansin na kung anong pag-iwas ni Kim Chiu sa mga usapin ng paghihiwalay nila ni Xian Lim ay gayun naman ang pagiging bukas ng aktor.


Komento tuloy ng marami na tila nabaliktad pa umano ang sitwasyon, sino pa ang lalaki ay ito ang ang nag-iingay ay tila hindi mapabayaan na lamang ang mga bashers dahil lilipas rin ang lahat.


Hinala tuloy ng maraming mga netizen na ginagamit na lamang ngayon ng aktor ang pangalan ni Kim Chiu para mapag-usapan sa social media lalo na ngayong may mga pelikula siyang ginagawa.



Trina Candaza, Binulgar Na Hindi Nagbibigay Ng Sustento Si Carlo Aquino Sa Kanilang Anak!

Walang komento


 Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang aktor na si Carlo Aquino matapos ang pagsisiwalat umano ng dating kinakasama nito na si Trina Candaza ang panggigipit nito sa kanya at sa kanilang anak na si Mithi.


Sa gitna ng mga usapin patungkol sa kasalan na naganap sa pagitan nina Carlo Aquino at Charlie Dizon, may mga naglabasang mga haka-haka na umano'y mismong ang kampo ni Trina Candaza ang nagsabi na hindi na umano nagbibigay ng sustento si Carlo Aquino kay Mithi.


Palabas lamang umano ang lahat ang pagsasabi ng aktor na nagbibigay siya subalit ang totoo ay minsanan lang naman ito kung magbigay at hindi pa umano sapat sa lahat ng pangangailangan ng bata.


Ang nakikita namang dahilan ng ilang mga netizens kung bakit nagagawa ito ni Carlo Aquino sa kanyang anak ay dahil may bubuohin na itong pamilya kasama si Charlie Aquino.


Sa gitna ng usaping ito may ilang mga netizens ang binalikan ang dating pahayag ni Trina Candaza sa isang panayam noon kung saan sinabi nito na napaka-unfair ng ginagawa ni Carlo Aquino kung saan ipinapalabas nitong sinusuportahan sila nito ni Mithi gayung ang totoo ay hati naman silang dalawa sa lahat ng mga pangangailangan ni Mithi.


Hindi rin umano ito naging patas dahil napakadali lamang para sa aktor na kitain ang perang ibinibigay sa kanya subalit siya ay nahihirapan dahil kailangan pa niya ng maraming raket makapag-provide lamang kay Mithi.


Sa kabilang banda, hindi pa naman nagbibigay ng opisyal na pahayag si Trina Candaza patungkol sa usaping sustentuhan lalo na ngayong kasal na sa ibang babae ang aktor.




Anak ni Carlo Aquino kay Trina Candaza, Hindi Imbitado sa Kasal

Walang komento


 Kinumpirma ng dating partner ni Carlo Aquino na si Trina Candaza na hindi imbitado sa kasal ng aktor ang kanilang anak na si Mithi dahilan para hindi ito umattend sa kasalan nina Carlo Aquino at Charlie Dizon.


Ayon sa talent manager na si Ogie Diaz, nilinaw  sa kanya ni Trina Candaza na hindi dumalo si Mithi sa kasal, hindi dahil hindi niya pinayagan ang kanyang anak na dumalo, kundi dahil hindi naman nag-reach out sa kanya si Carlo Aquino.


Ipinahayag umano sa kanya ni Trina Candaza na papayagan naman niyang dumalo si Mithi kung ipinaalam sa kanya ni Carlo Aquino ang tungkol sa kasal.


“Sabi ni Trina, nasa kanya lang daw si Mithi at baka raw ‘yung iba ma-misinterpret na hindi niya pinayagan,” pagsisiwalat ni Ogie Diaz.


“Si Carlo raw didn’t ask if puwedeng um-attend si Mithi. Pero kay Trina kung nagpaalala lang si Carlo, bakit naman hindi? E, hindi nga nag-reach out sa kanya,” dagdag pa nito.


Kaagad namang umani ng samu't-saring komento mula sa mga netizens ang ibinahaging pahayag ni Ogie Diaz payungkol sa sinabi sa kanya ni Trina Candaza.


Hindi maiwasan ng maraming mga netizens na lalong madismaya kay Carlo Aquino dahil talagang sinikreto nito kay Trina Candaza ang pagpapakasal nito.


Sa kabilang banda, may ilang mga netizen naman na naniniwalang may dahilan si Carlo Aquino para balewalain ang anak at sa hindi pag-invite rito sa kasal nila ni Charlie Dizon.


Hinala ng mag netizen na baka, natakot si Carlo Aquino na hindi maunawaan ni Mithi kung bakit sa ibang babae siya ikakasal gayung si Trina naman ang ina nito.


“May reason nman siguro kung bakit nde na pinapunta ni carlo ang anak nya. Syempre para hindi n masktan ang anak nya na hindi mami nya kinakasal sa daddy nya. Pero hindi naman siguro ibgsabhin nun eh balewala na sa ama ang anak nya.”



Daniel Padilla Binat0 Ng Bote Sa Concert Sa Tagum City

Walang komento


 Trending at pinag-uusapan ngayon ang Kapamilya actor na si Daniel Padilla dahil sa ginawa nito sa kanyang concert sa Tagum City.


Viral at kumakalat ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang naging performance ni Daniel Padilla dahil sa pagsaway niya sa isang manonood dahil nambabato na ito ng bote.


Habang nagpeperform ang actor, may napansin itong tila pagkakagulo dahilan para i-call out niya sa stage ang nangyari.


Habang kumakanta, naisingit ni Daniel Padilla ang kanyang pagsaway na huwag nang mamato ng bote. 


"Wag kang mamato diyan," pananaway ng actor.


Dagdag pa ni Daniel Padilla,"Yung namamato ng bote diyan tigilan mo yan. Nakikita ko na."


Sa kabilang banda, hindi naman ipinakita sa video ang taong tinutukoy ni Daniel Padilla na nambabato ng bote at tila nanggugulo sa kanyang performance.


Marami naman sa mga fans ni Daniel Padilla ang napahanga sa actor dahil itinuloy pa rin nito ang concert sa kabila ng lakas ng ulan.


Game na game pa umano ito sa pagkanta Kahit basang-basa na.


Sa kabilang banda hindi naman maitatanggi na mayroon pa ring mga netizens na nambabatikos kay Daniel Padilla na nag-umpisa noon pang mabalita ang paghihiwalay nila ni Kathryn Bernardo.


Ayon sa ilang mga netizens, na kaya nambabato ng bote ang isang manonood dahil hindi na nito nagugustuhan ang performance ng actor.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng maraming mga netizens na tila nawalan ng amor ang ilang mga netizens kay Daniel Padilla magmula nang maibulgar sa publiko ang mga ginagawa nito sa likod ng kanyang girlfriend na si Kathryn Bernardo noon.



@chixxmaxter Yung may poporma pa na mambato ng bote sa kanya!🤣 go Daniel! #danielpadilla #pagkakaisaconcert ♬ original sound - Gray Bonnette [Mhai Datu Luma]
Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo