Pauleen Luna Pinatulan Ang Netizen Nang Sabihin Na Ayusin Daw Ang Ngipin Ni Tali!

Walang komento

Biyernes, Hunyo 21, 2024


 Hindi nagustuhan ng Eat Bulaga host na si Pauleen Luna ang komento ng isang netizen na sinabihan siyang ipaayos ang ngipin ng kanyang panganay na anak na si Tali.


Matapang na sinagot ni Pauleen Luna-Sotto ang pamumuna ng isang netizen patungkol sa hitsura ng kanyang panganay na anak na si Tali.


Kaagad na sinagot ni Pauleen Luna ang pananaway ng isang netizen patungkol sa ngipin ni Tali sa ibinahagi niyang family photo kamakailan sa Instagram account nito kasama ang asawang si Vic Sotto, Tali at Baby Mochi.


Marami naman ang nagbigay ng positibong komento sa post na ito ni Pauleen kung saan inilahad nilang hindi nahahalata ang tunay na edad ni Vic Sotto dahil bakas sa kanyang mukha ang kasayahan.


Subalit, sa gitna ng mga natatanggap na positibong komento ni Pauleen Luna sa kanyang post, may isang netizen na nagtanong kung bakit hindi pa rin nagsusuot ng braces sa ngipin ang kanyang anak na si Tali para maayos ang ngipin nito.


Kaagad naman itong sinagot ni Pauleen Luna kung saan ipinunto niya ang dahilan kung bakit hindi pa nagbi-brace ang kanyang anak.


Ayon kay Pauleen Luna, saan ba makikitang nagsusuot ng braces sa milk teeth.


Kaagad namang sumang-ayon sa naging pahayag ni Pauleen Luna ang ilang mga netizens kung saan sinabi nilang bata pa naman si Tali at hindi pa nagpapalit ng ngipin.


Iginiit pa ng ilang mga netizen na hindi na kailangan pang pagsabihan sina Pauleen Luna at Vic Sotto dahil mapera naman sila at kayang-kaya nilang ipaayos ang ngipin ni Tali sa tamang panahon.


Pinayuhan pa ng ilang mga netizens ang basher, na magresearch muna bago magbigay ng komento para hindi naman ito mapahiya dahil sa kamang-mangan sa mga post.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng maraming mga netizens na noon pa man ay may mga pumupuna na sa hitsura ni Tali dahil hindi umano ito nagmana sa kagandahan ni Pauleen Luna.


Subalit, hindi naman nagkulang si Pauleen Luna sa pagdepensa sa kanyang anak laban sa mga pamumuna ng maraming mga netizen.



Kim Chiu Tinawag Na Love Si Paulo Avelino

Walang komento


 Viral at mainit na pinag-uusapan ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang mga haka-hakang talagang nagkakalapit na sina Paulo Avelino at Kim Chiu.


Usap-usapan ngayon sa ilan mga social media platforms ang endearment nina Paulo Avelino at Kim Chiu. 


Kumakalat ngayon sa ilang mga social media platforms ang isang TikTok video kung saan maririnig na tinawag ni Kim Chiu si Paulo Avelino ng 'love' sa isang event na dinaluhan nila sa Sorsogon.


Makikita sa video na nakikipag-selfie si Kim Chiu at Paulo Avelino sa kanilang mga tagahanga. Tinawag ni Kim Chiu si Paulo Avelino gamit ang kanyang endearment na 'love'.


Labis namang kinilig ang maraming mga tagahanga nina Paulo Avelino at Kim Chiu kung saan ito na ang patunay ng kanilang pagkakamabutihan na dalawa.


Matatandaan na ilang beses na ring ibinabahagi nina Paulo Avelino at Kim Chiu ang kanilang mga sweet photos sa mga lugar na kanilang napupuntahan dahil sa mga pinagsamahan nilang shows.


Marami ang napapatanong kung parte pa ba sa kanilang promotion ang mga ipinapakita nilang sweet moments o talagang nagkakamabutihan na talaga silang dalawa.


Sa ngayon ay hindi pa rin nililinaw nina Paulo Avelino at Kim Chiu ang kanilang relasyon, subalit marami ang nagsasabing positibong nakakamabutihan na talaga ang dalawa kung pagbabasehan ang mga ibinabahagi nilang mga sweet moments at kung pagbabasehan ang mga ipinapakita nila sa publiko.


Samantala, hindi pa rin nawawala ang ilang mga agam-agam ng mga netizens at natatakot silang baka ginagamit lamang ni Paulo Avelino ang kasikatan ni Kim Chiu lalo na't nahihila rin siya sa pag-angat nito.


Subalit, ayon sa ilang mga netizens, na may ambag naman si Paulo Avelino sa tagumpay na tinatamasa nilang dalawa ni Kim Chiu dahil binubuhos naman niya ang lahat ng kanyang makakaya sa pag-arte.


Masasabing magaling rin namang aktor si Paulo Avelino dahil na rin sa mga matagumpay niyang mga teleserye at pelikula kahit pa noong hindi pa sila magkatambal ni Kim Chiu.



Bonding Nina Harry Roque at Ronnie Liang, Binalikan Ng Maraming Mga Netizen

Walang komento


 Viral at mainit na pinag-uusapan sa social media sina dating Presidential Spokesperson Harry Roque at singer-actor Ronnie Liang matapos mag-recirculate sa internet ang kanilang video sa pagbisita nila sa Dinagat Island noong July 2022.


Matatandaang kinukwestiyon si Harry Roque ng mga netizens nitong pride month matapos matuklasan na itinalaga niya si Mister Supranational Philippines 2016 AR dela Serna bilang executive assistant.


Sa isa sa mga dokumentong nadiskubre ng mga awtoridad, humingi ng permiso si Harry Roque na makabiyahe kasama si AR Dela Serna bilang kanyang ‘travel companion’ sa iba’t ibang bansa, na pinaniniwalaan niyang kinakailangan para sa mga taong may problema sa kalusugan na tulad niya.


Sa gitna ng mga usapin patungkol sa pagkakaugnay nina Harry Roque at AR Dela Serna, hindi naiwasan ng ilang mga netizens na palikan ang pagkakalink noong nina Ronnie Liang at Harry Roque dahil sa isang video kung saan nakitang tinutukso ng dating public official ang aktor tungkol sa mga taong gustong mag-topless siya.


Sa kabilang banda, may mga netizens naman na nagsasabing walang masama kung sakaling nagkaroon ng romantic relationship sina Harry Roque at Ronnie Liang basta hindi nila gastusin ang pera ng bayan para sa kanilang luho.


Samantala, may mga nagsasabi namang parehong nasa tamang pag-iisip naman na umano ang dalawa kaya hindi na sila dapat pang pakialaman  ng ibang mga tao.


“No question if u enjoy your love life as long as you don’t spend people’s money.”


“That’s absolutely a private life’s affair. there is no law violated. both are of age anyway. so long it’s not the tax payer’s money. Ang masama ay ang mga gawa ng buwaya sa congreso at malacañang.”



Sheena Lee Palad Muling Binatikos Dahil Sa Ginawa Niya Sa Contestant

Walang komento


 Muling nahaharap sa panibagong isyu ang kontrobersyal na presenter ng Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) Awards ngayong taon na si Sheena Lee Palad matapos niyang hawakan ang buhok ng isang contestant ng TiktoClock noong June 19, 2024.


Sa TiktoClock’s segment, “Beat My Birit,” makikita ang performance ni Sheena Lee Palad kasama ang Tanghalan ng Kampeon contender na si Rica Maer nang bigla niyang itulak ang ulo ng huli.


Hindi pa nakuntento si Sheena Lee Palad sa kanyang ginawa, at ilang beses pa nitong sinubukang hilahin ang buhok ni Rica.


Sinubukan ni Rica na pabayaan na lamang ang ginagawa ni Sheena sa kanyang buhok, ngunit maging ang ilang hosts, kabilang si Pokwang, ay kitang-kitang nag-aalala sa kanilang nasaksihan.


Hindi maitago ng ilang mga netizens ang kanilang pagkadismaya sa ginagawa ni Sheena, marami ang nagsasabing lumampas na sa boundaries si Sheena sa kanyang performance.


Samantala, kaagad na nagreact si Sheena sa mga natatanggap niya pambabatikos mula sa publiko at humingi ng paumanhin sa kanyang inasal sa nasabing episode ng TiktoClock.


“Magandang gabi po sa inyo. I would like to say sorry for disappointing you with my actions kanina sa “beat My Birit. Hindi ko naman po alam kung paano ko i-eexplain ang sarili ko HAHHAA pero manghihingi lang din po ako ng Panalangin sa inyong lahat,” pahayag ni Sheena.


“If you guys have any questions regarding the situation. I will answer them. Let me know as well. How I can pray for you,” dagdag pa niya.


Samantala, hindi pa naman naglalabas ng pahayag ang Tanghalan Contender patungkol sa ginawa sa kanya ni Sheena.


Matatandaan na unang nabatikos si Sheena Palad nang biglang palitan niya ang batikang aktres na si Eva Darrens bilang presenter sa kabila ng paghahanda nito para sa nasabing event.


Kim Chiu Agad Inasar Nina Vice Ganda Sa Kanyang Pagbabalik, Vice Ganda Pinaringgan Si Xian Lim

Walang komento


 Vice Ganda, muling nagparinig kay Xian Lim patungkol sa mga isiniwalat nito sa mga panayam, patungkol sa totoong nangyari sa relasyon nila noon ni Kim Chiu at kung sino talaga ang nag-initiate ng kanilang break up.


Kaagad na inasar ng Unkabogable Star at It's Showtime host na si Vice Ganda si Kim Chiu sa pagbabalik nito sa It's Showtime, matapos ang pagliban ng ilang araw dahil sa pagiging abala sa mga ganap nila ng kanyang on-screen partner na si Paulo Avelino.


Sa opening ng segment ng It's Showtime na Expecially For You, habang binabasa ni Kim Chiu ang linyang, 'Sino ba ang bumitaw' bigla na lamang sumingit ang kanyang mga co-hosts na sina Vice Ganda, Vhong Navarro at Jhong Hilario kung saan tinanong nila si Kim Chiu kung sino nga ba ang totoong bumitaw.


Ipinahayag pa ni Vice Ganda, na marami umano siyang naririnig ngayon patungkol sa kung sino ang bumitaw. Kaya minabuti na ni Vice Ganda na si Kim Chiu ang tanungin.


Bagama't hindi dinitalye ni Vice Ganda ang sinasabi niyang naririnig na ingay na sanga-sanga at iba-iba, marami ang naghinala na may kinalaman rito ang mga isiniwalat ni Xian Lim sa ilang mga panayam patungkol sa hiwalayan nila ni Kim Chiu noon.


Matatandaan na isiniwalat na ni Xian Lim ang ilang mga detalye ng kanilang paghihiwalay ni Kim Chiu kung saan inilahad niyang si Kim Chiu talaga ang unang bumitaw sa kanilang pagmamahalan.


Samantala, tinawanan lamang ni Kim Chiu ang mga pabirong tanong ni Vice Ganda at iba pa niyang mga co-hosts sa It's Showtime.


Talagang pinanindigan ni Kim Chiu ang naging pahayag niya na hindi na siya magbibigay pa ng kahit na anong detalye patungkol sa naging paghihiwalay nila ni Xian Lim bilang respeto na rin sa kanilang relasyon.




Maine Mendoza Di Nakapagpigil Sa Netizen Na Minura Siya!

Walang komento


 Kaagad na naglabas ng matinding resbak ang TV host-actress na si Maine Mendoza laban sa isang netizen na malutong nagmura sa kanya dahil lamang sa isang social media post.


Matatandaan na umapela si Maine Mendoza sa mga netizens at sa lahat ng kanyang mga tagahanga sa pamamagitan ng kanyang X, dating Twitter, account na respetuhin ang mga public figure na nakasuot ng face mask sa mga mall at sa iba pang pampublikong lugar.


Ayon kay Maine Mendoza na dapat na umano na itigil na ng mga tao na hilingin sa mga celebrities katulad niya na tanggalin ang face mask sa tuwing gustong magpa-picture kasama sila sa mga public places.


Iginiit din ni Maine Mendoza na hindi lamang nagsusuot ng face mask ang mga celebrities sa mga public places para hindi sila makilala kundi for safety reasons na rin nila lalo pa ngayon at marami nang mga nakukuhang sakit.


Dagdag pa ni Maine Mendoza, na may ilan ding mga celebrities at public figures nagsusuot ng face mask dahil masama ang pakiramdam at ayaw nang makakuha pa ng ibang sakit.


Maari ring umiiwas lamang ang mga celebrities na ito na makahawa pa ng sakit sa ibang mga nakakasalamuha niya sa mga pampublikong lugar.


Kaagad naman itong umani ng samu't-saring reaksyon at komento mula sa mga netizens, may mga sumang-ayon sa aktres dahil karapatan rin naman umano ng mga celebrities ang pagsusuot ng facemask dahil may mga buhay rin naman ang mga ito sa likod ng kamera.


Gayunpaman, tila hindi naman nagustuhan ng isang X user na si Roldan Prago ang sinabing ito ni Maine Mendoza kaya minura niya ang “Eat Bulaga” host dahil sa pagiging maarte umano nito.


Kaagad naman itong nakarating kay Maine Mendoza kung saan hindi niya pinalampas ang komento nito at kaagad na renisbakan.


Ibinahagi ni Maine Mendoza ang screenshot ng pagmumura sa kanya ng naturang netizen at ang bio sa nasabing social media platform kung saan mababasa ang “I am not a perfect person, but I know how to respect.”


“Roldan paano,” caption ni Maine Mendoza sa kanyang tweet, na sinamahan pa niya ng nakasimangot niya selfie.


“Nasaan yung ‘po’?” dagdag pa niya.


Sa hiwalay na post, ibinahagi naman ni Maine Mendoza ang screenshot kung saan makikitang blinock na siya ng naturang netizen na naunang nagmura sa kanya.


“Bakit parang kasalanan ko Roldan,” muling hirit ni Maine Mendoza, na nilakipan din niya ng isang selfie kung saan makikita ang nakatatawang expression ng mukha niya. 



Kyline Alcantara Iginiit ang Pagiging Single, Pero Nakikipag-Date kay Kobe Paras

Walang komento

Kinumpirma na ng Kapuso actress na si Kyline Alcantara ang padi-date nila ng basketball player na si Kobe Paras, subalit iginiit niyang single pa rin siya hanggang ngayon.


Sa kamakailang panayam, kinumpirma ng Kapuso star na si Kyline Alcantara na siya ang naka-dinner date ng basketball star na si Kobe Paras sa isang restaurant noon kung saan naintriga sila dahil sa magkakahawig na post. 


Matatandaang nag-post ang dalawa ng “misteryosong” photos ng isang dinner date sa kanilang Instagram Stories kamakailan, kung saan napag-alaman ng mga Internet users na sa parehong venue kinunan ang mga larawan.


Sa panayam kamakailan kay Kyline Alcantara sa pagbubukas ng bagong Rustan’s Makati store ni Bally, hindi itinanggi ng aktres  na siya ang nakipag-date kay Kobe  Paras na makikita sa Instagram Stories ni Kobe, at vice versa.


Nang tanungin, gayunpaman, kung ano ang real score sa pagitan nilang dalawa ni Kober Paras, ay natawa lamang ang aktres at fashion influencer, sinabi niyang hidni pa niya alam ang kahihinatnan ng pagdi-date nilang dalawa.


Sa kabila naman sa pag-amin ni Kyline Alcantara ng pakikipagdate kay Kobe Paras, iginiit ni Kyline Alcantara na nananatili pa rin siyang single at sinabi pa niyang totoo talaga ang kasabihan na masarap ang maging single.


Subalit ipinunto rin ng aktres na masarap rin ang mayroong nagmamahal at minamahal.


“Single life is great! Totoo ‘yung sinasabi nila na masarap talaga maging single pero masarap din namang magmahal,” pahayag ni Kyline Alcantara.


Sa kabila naman ng masalimoot na pinagdaanan ni Kyline Alcantara sa naging break up nila ni Mavy Legaspi, hindi pa rin naman sumusuko si Kyline Alcantara sa pag-ibig at naniniwala pa rin siya na mayroong happy ending.


Sa ngayon ay ini-enjoy na muna umano ni Kyline Alcantara ang pagiging single at ang pagiging malaya sa lahat ng mga gusto niyang gawin.



 

Trina Candaza May Bagong Boyfriend Na Mas Gwapo Pa Kay Carlo Aquino!

Walang komento


 Trina Candaza tuluyan na ring nakapagmove on sa dating karelasyon na si Carlo Aquino, usap-usapan ang pagkakaroon ng bagong boyfriend na mas gwapo pa sa kanyang ex na si Carlo Aquino.


Viral at laman sa mga usap-usapan ngayon sa social media ang dating kinakasama ni Carlo Aquino na si Trina Candaza matapos nitong ibahagi sa social media ang ilang mga larawan na ikina-intriga ng maraming mga netizens.


Ni-repost ni Trina Candaza kamakailan lamang ang isang larawan kung saan makikita sila ng isang gwapong lalaki. Dahil dito, kaagad na inintriga ng maraming mga netizens si Trina Candaza sa kung sino ang mystery guy na kasa-kasama niya sa larawan.


Kaagad naman itong umani ng samu't-saring reaksyon at komento mula sa mga netizens, napag-usapan na rin ito sa ibang mga social media platforms. Marami ang naghinala na ang nakasama ni Trina Candaza sa larawan ay ang bagong boyfriend nito.


Bukod sa larawang pinagsamahan, naglabasan rin ang ilang mga pictures kung saan makikita ang pagiging close ng mystery guy na ito sa anak ni Trina Candaza kay Carlo Aquino na si Mithi.


May mga nagsasabi naman na mas maganda na ngayong nakapag-move on na rin si Trina Candaza. Natatawa pa ang ilang mga netizens dahil di-hamak na mas gwapo umano ang ipinalit ni Trina Candaza kay Carlo Aquino.


Subalit, may mga netizens rin ang nagduda sa totoong relasyon ni Trina Candaza at sa nasabing lalaki ng sa isang larawan ay tinawag ito ni Trina na bro.


Sa isang post, ay tinawag naman ng lalaki ang aktres bilang Ate Trina. Dahil dito may mga naghinala na baka magkapatid ang dalawa o kaya malapit lamang silang magkaibigan.



Sa ngayon ay hindi pa nagbibigay ng pahayag si Trina Candaza patungkol sa relasyon nila at kung sino ang lalaking kasama niya sa picture.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na nakakatanggap ngayon si Trina Candaza ng simpatya mula sa mga netizens matapos ang pagpapakasal ni Carlo Aquino sa kanyang bagong girlfriend na si Charlie Dizon.


Marami ang naaawa kay Trina Candaza at sa anak niyang si Mithi dahil tila balewala na lamang ang mga ito kay Carlo Aquino ngayong nakahanap na ng iba ang aktor.



Ogie Diaz, Inilahad Ang Bagong Impormasyon Patungkol Sa Hiwalayan Nina Bea Alonzo at Dominic Roque

Walang komento

Huwebes, Hunyo 20, 2024


 Ibinunyag ni Ogie Diaz ang isa pang nakalap niyang impormasyon mula sa kanyang mapgkakatiwalaang source tungkol sa posibleng dahilan kung bakit nagdesisyon sina Bea Alonzo at Dominic Roque na wakasan ang kanilang engagement sa gitna ng paghahanda na sana nila sa kanilang kasal.


Sa kanyang online program, tinalakay ni Ogie Diaz ang kanyang counter-affidavit na inihain nila hinggil sa mga kaso ni Bea Alonzo laban sa kanila ng kanyang mga co-host sa kanyang online program.


Subalit, sa kabila ng mga kasong kinakaharap nila, hindi naiwasang ibahagi ni Ogie Diaz ang bagong impormasyon na nakuha niya mula sa kanyang source, dahil sa religious reasons daw ang posibleng dahilan ng paghihiwalay nina Bea Alonzo at Dominic Roque.


“Ang gusto daw ni Dominic ay Christian wedding. Kino-convince ni Dominic itong si Bea na mag-convert sa Christian,” saad ni Ogie Diaz.


“According doon sa mga naririnig ko, si Bea eh parang hindi para siya convinced, so wala pa sa kamalayan ni Bea ‘yung mag convert bilang Christian,"
paglilinaw ni Ogie Diaz.


“Eh eto naman daw si Dominic ang sabi parang baka hindi magkatuluyan, maghiwalay sila kung sakali na hindi pumayag si Bea So ang lumalabas ay hindi pa panahon para kay Bea daw na magpalit ng relihiyon kaya na call-out nga ‘yung wedding,” dagdag pa ni Ogie Diaz.


Sinubukan pa umano ni Dominic Roque na kumbinsihin si Bea Alonzo na ayusin ang kanilang relasyon pagkatapos ng insidente, ngunit nagdesisyon na ang aktres na tapusin na lamang ito ng tuluyan.


Naniniwala rin si Ogie Diaz na mas makabubuting linawin na nina Bea Alonzo at Dominic Roque ang dahilan ng kanilang hiwalayan, dahil alam na sa industriya ng showbiz ang mga nakalap niyang impormasyon.



Kim Chui, Inaming Nabasted Niya Si Attorney Oliver at Hindi Na Nakakausap Ngayon!

Walang komento


 Laman ng mga usap-usapan ngayon sa ilang mga entertainment news sites at maging sa ilang mga social media platforms ang isyung pambabasted ni Kim Chiu sa dating Expecially For You searchee na nagmula sa Cebu na si Atty. Oliver Moeller.


Sa isang panayam kay Kim Chiu, tiunuldukan na ng Kapamilya actress-host ang mga haka-haka patungkol sa ugnayan nila ng kababayang si Atty. Oliver Moeller na naging searchee sa Expecially For You, isang segment ng noontime show na It's Showtime.


Nang matanong si Kim Chiu, patungkol kay Oliver Moeller, iginiit ni Kim Chiu na wala na silang komunikasyon ni Atty. Oliver Moeller.


Sa kabila nito, inilahad ni Kim Chiu na masaya siya kung may nabuksang opportunity para kay Atty. Oliver Moeller, matapos ang pagiging guest nito sa It's Showtime.


Wala ring masasabing masama ang aktres para kay Atty. Oliver Moeller bagkus at nagbigay pa siya ng goodluck para sa showbiz career na nais umpisahan ni Oliver.


Ayon naman sa ilang mga netizens na makikita sa mukha ni Kim Chiu na talagang hindi naman sila nagkaroon ng komunikasyon ni Atty. Oliver Moeller maliban na noong naging guest nila ito sa It's Showtime.


Sa ngayon ay abala ang Kapamilya actress-host na si Kim Chiu sa sunod-sunod nilang shows ni Paulo Avelino. Tila ini-enjoy rin ng aktres ang mga natatamong blessings sa kabila ng mga sinasabi ni Xian Lim na maaring ikakasira sana sa kanyang career.



Matatandaan na sa mga nagdaang panayam kay Xian Lim, dating kasintahan ng aktres, na si Kim Chiu talaga ang nag-initiate ng kanilang break-up subalit, ito pa ang may lakas ng loob na humiling sa kanya na hindi na muna aminin sa publiko ang kanilang paghihiwalay dahil sa takot na maapektuhan ang kanyang showbiz career at ang digital series nito na Linlang.


Nagpahiwatig rin si Xian Lim,  sa pangloloko ni Kim Chiu sa kanya kung saan iginiit niya na malinis ang kanyang record sa loob ng 12 years relationship nila ni Kim Chiu.


Subalit, hindi umano niya alam kung ganito rin ba ang record ni Kim Chiu, pahiwatig na nagdududa siyang may ibang lalaki ang aktres habang magkarelasyon pa sila.



Kim Chiu at Paulo Avelino Palaging Magkadikit, Hindi Mapaghiwalay

Walang komento


 Talagang kinarir ng magka-tambal na sina Paulo Avelino at Kim Chiu ang kanilang pagpapakilig sa social media at sa kanilang mga tagahanga.


Makikita sa mga kumakalat na video ngayon nina Paulo Avelino at Kim Chiu sa mga pinagsamahan nilang shows, kabilang na ang pagpunta nila kamakailan sa Agusan Del Sur, makikitang palagi silang magkatabi mula sa eroplano, sa van at kahit sa train.


Dahil dito, lalong naghinala ang kanilang mga fans na nagkakamabutihan na talaga ang dalawa. Napapansin rin ng maraming mga netizens ang mga kilos ni Paulo Avelino na tannging kay Kim Chiu lamang niya ipinakita.


Hindi rin napigilan ng ilang mga netizens, na pagkumparahin ang turing ngayon ni Paulo Avelino kay Kim Chiu sa mga dating naka-loveteam kabilang na ang nalink rin noon kay Paulo Avelino na si Janine Gutierrez.


Ngayon ay kapansin-pansin na sinasabayan ni Paulo Avelino ang kakulitan ni Kim Chiu, kasabay ng pagiging gentleman nito sa aktres.


Bagama't ginagawa naman umano ito ng aktres kay Janine Gutierrez noon nasa ibang level na umano ito ngayong si Kim Chiou na ang kanyang katambal.


Dahil dito, lalong naghinala ang maraming mga netizens na may katangi-tanging naramdaman si Paulo Avelino kay Kim Chiu.


Subalit, hindi pa rin nakaligtas si Paulo Avelino sa mga pambabatikos ng ilang mga netizens na nagsasabing kaya naging ganito ang pagtrato ng aktor kay Kim Chiu dahil, ginamit lang rin nito ang natatamong kasikatan dahil kay Kim Chiu.


Ayon pa sa ilang mga netizens, sinasabayan lamang ni Paulo Avelino ang mga trip ni Kim Chiu dahil aminado naman umano siya na hindi niya matatamo ang kanyang kasikatan ngayon kung hindi dahil sa aktres.


May mga fans rin ni Janine Gutierrez ang nagsasabing, basta na lamang umanong initsapwera ni Paulo Avelino si Janine Gutierrez nang mag-umpisa nang umusbong ang tambalan nila noon ni Kim Chiu sa teleseryeng Linlang.


May mga nagsasabi pang tila may katotohanan umano ang mga sinasabi ni Xian Lim na si Kim Chiu ang nag-initiate ng kanilang hiwalayan at ginamit ang kanyang pananahimik para kaawaan ng mga netizens.


Sa kabila naman ng mga natatanggap na negatibong komento ng dalawa, mas marami pa rin ang sumusuporta kina Paulo Avelino at Kim Chiu at umaasang magiging totohanan na ang kanilang pagpapakilig sa mga teleserye at show na pinagsamahan.



Bea Alonzo Nanghihingi Ng 30 Million Na Damage Kay Ogie Diaz

Walang komento


 Mainit na pinag-uusapan ngayon sa ilang mga social media ang ulat kung saan naibulgar na ang aktrers na si Bea Alonzo ay nanghihingi ng P30,000,000 mula sa talent manager at showbiz reporter na si Ogie Diaz para sa mga pinsalang ginawa umano ng huli laban sa kanya.


Sa pahayag na inilathala ng legal counsel ni Ogie Diaz na si Atty.  Regie Tongol, ibinunyag niya na nagsampa ng counter-affidavits ang kanyang mga kliyente laban kay Bea Alonzo, na nagsampa ng kaso laban sa mga showbiz reporters para sa impormasyong inilathala nila sa kanilang online program.


Maging ang co-host ni Ogie Diaz na si Loi Villarama ay naghain rin ng perjy laban kay Bea Alonzo.


Ipinahayag rin ni Atty. Tongol na naniniwala silang nabigo si Bea Alonzo na patunayan na may malisya sa mga impormasyong ibinunyag ni Ogie Diaz tungkol sa kanya. Iginiit din nila na isang  public figure si Bea Alonzo kaya naman normal na lamang maiulat ang mga bagay-bagay patungkol sa kanya.


“By being an actress, complainant in effect gave the public a legitimate interest in her life and in her work. Therefore, the subject posts and utterances by Mr. Diaz’s co-hosts are within the realm of fair comment on her work as one of the actresses in the Philippines contrary to their claim in the media that it was about her personal life,” pahayag legal counsel ni Atty. Tongol.


“Under our laws ‘fair commentaries on matters of public interest are privileged and constitute a valid defense in an action for libel or slander’ because democracy would be meaningless without free discussion of public affairs, even at the cost of a few bruised egos,” dagdag pa nito.


Inilarawan din nila ang P30-M na hinihingi ni Bea Alonzo sa kampo ni Ogie Diaz bilang hindi makatwiran at hinimok din ang mga mamamahayag, blogger, at manunulat na huwag "matakot" sa mga "balat-sibuyas" na mga public figures.


“Our clients will fight this case with courage because they have no malicious intent and the thirty million pesos (P30,0000,000.00) damages being asked by Ms. Bea Alonzo in her complaint is not only unjustified and unreasonable but is also exorbitant. 


"We are also ready to file other counter charges against Ms. Alonzo for malicious prosecution and damages for this suppression of our client’s freedom of the press and expression in due time.”



Sikat Na Aktres Umayaw Sa Offer Ng Kapuso Network!

Walang komento


 Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media at sa ilang mga entertainment news sites ang inilabas na blind item ng isang pahayagan patungkol sa isang Kapamilya actress na umayaw sa offer ng isang malaking network.


Ayon sa kumakalat na blind item, may isang sikat na Kapamilya actress ang tumanggi na gumawa ng proyekto kasama ang isang Kapuso actor. Isa sa mga dahilan ng aktres, ay ang kanyang loyalty sa ABS-CBN dahil marami siyang mga pangarap ang natupad sa ABS-CBN.


Hinala ng maraming mga netizens ang ang tinutukoy sa blind item ay walang iba kundi ang aktres na si Kim Chiu.


Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng lahat na isa si Kim Chiu sa mga artista na nanatili sa ABS-CBN matapos itong maisara noong 2020 nang hindi na nila nai-renew ang kanilang prangkisa.


Samantala, buwan ng Marso umano natanggap ni Kim Chiu ang alok sa kanya ng GMA Network subalit kaagad na niya itong tinanggihan.


Kung sakaling pumyag ang aktres ang makakasama niya ay walang iba kundi ang Kapuso Actor na si Kelvin Miranda.


Bukod kay Kim Chiu, may mga netizens rin na nagsasabing maaring sina Belle Mariano, Janella Salvador, Maris Racal, at iba pang mga kilalang Kapamilya actress.


Sa ngayon ay hindi pa naman malinaw kung sino ang tinutukoy sa blind item.



Mavy Legaspi at Dasuri Choi Kinumpirma Na Ang Relasyon Nila!

Walang komento


 Nag-soft launch na ng pag-amin ang dating mga host ng napasarang Tahanang Pinakasamaya na sina Dasuri Choi at Mavy Legaspi, matapos silang mamataang magkasama sa isang hotel and resort.


Bukod pa rito, nadulas rin ang isa sa kanilang kaibigan na si Ashley Rivera kung saan nakumpirma niya ang totoong relasyon nina Mavy Legaspi at Dasuri Choi.


Unang kumalat ang relasyon nina Dasuri Choi at Mavy Legaspi, nang mismong ang dating karelasyon ni Mavy Legaspi na si Kyline Alcantara ang video kung saan magkasama ang dalawa.


Nilinaw naman ito ni Dasuri Choi na walang malisya ang dinner nila dahil team dinner iyon at nauna lamang umani sila ni Mavy Legaspi na dumating sa venue.


Iginiit din ni Dasuri Choi, na hindi siya naging third party sa kanyang buhay, pahiwatig na hindi siya ang dahilan kung bakit naghiwalay sina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi.


Samantala, marami ang nakapansin sa kamakailang TikTok video na ibinahagi nina Dasuri Choi na naroon sa likod niya, nakatingin si Mavy Legaspi.


Kung pagbabasehan rin ang post ni Ashley, kung saan ipinahayag niyang sumama siya sa trip nang mga kaibigan kung saan siya lamang ang single.


Kung pagbabasehan naman ang mga post nina Dasuri Choi at Mavy Legaspi ay makikitang nasa iisang lugar lamang sila.


Bagama't wala naman silang larawan na magkasama talagang makikitang nasa iisang lugar lamang sila kung pagbabasehan ang mga larawan na ibinabahagi nila sa kanilang mga social media account.


Kaagad naman itong umani ng samu't-saring reaksyon at komento mula sa mga netizen, may mga nagsasabing talagang, 'time is the ultimate truth teller'.


May mga nagtatanggol naman sa dalawa at sinabing wala namang masama kung magkasama silang magbakasyon dahil kasama naman nila ang iba pa nilang mga kaibigan.


May mga nagsasabi pa na kaya walang larawan na magkasama ang dalawa dahil umiiwas sila sa mga intriga at mga pambabatikos dahil pagdududahan nanaman silang dalawa.


Sa ngayon ay wala pang nilabas na pahayag sina Dasuri Choi at Mavy Legaspi patungkol sa isyung ito.




Paolo Contis at Yen Santos Tuluyan Na Naghiwalay, Paolo In-unfollow Na Din Si Yen!

Walang komento


 Tila tuluyan na talagang naghiwalay sina Paolo Contis at Yen Santos ayon sa ilang mga netizens dahil matapos ang ilang linggo nang i-unfollow ni Yen Santos si Paolo Contis sa Instagram, naka-unfollow na rin ngayon sa aktres si Paolo Contis.


Mainit na pinag-uusapan ngayon ang biglaang pag-unfollow ni Paolo Contis sa kanyang girlfriend na si Yen Santos at sa iba pang mga personalidad na dati niyang fina-follow sa kanyang Instagram account kasunod nito ay ang pag-private niya sa kanyang Instagram account.


Sa kabilang banda, napansin rin ng maraming mga netizens na maging si Yen Santos ay wala na ring pina-follow sa kanyang Instagram account subalit, makikitang naka-public pa rin naman ang kanyang Instagram account.


Dahil dito, marami sa mga netizens ang nagsasabi na tila tuluyan nang tinuldukan ni Paolo Contis ang mga haka-haka na naghiwalay na sila ni Yen Santos.


Unang naging laman sa mga usap-usapan ang paghihiwalay nina Yen Santos at Paolo Contis nang mapansin ng maraming mga netizens na inun-follow ni Yen Santos ang aktor sa kanyang Instagram account at binura na rin nito ang kanyang post bilang pagbati sa kaarawan ng aktor.


Kaagad namang nagbigay ng pahayag si Paolo Contis patungkol rito kung saan inilahad niya na nais niyang isa-pribado ang relasyon nila ni Yen Santos.


Kaagad naman itong umani ng samu't-saring reaksyon at komento ng mga netizens, binalikan ng ilan ang mga ginawa ni Paolo Contis sa kanyang mga dating karelasyon na dahilan kung bakit, tila na karma na rin umano siya ngayon.


May mga nagsasabi rin na talagang sa una lamang masaya ang isang relasyon na nag-umpisa sa panloloko ng ibang tao, darating rin ang pagkakataon na babalikan kayo ng pagkakataon lalo pa't mayroon kayong inargabyado.


May mga nagsasabi naman na baka mayroon nang ibang 'friend' na isasama sa Baguio kaya naghiwalay ang dalawa.


Samantala, tila maging ang ina ni Yen Santos ay talagang hindi boto kay Paolo Contis para sa kanyang anak dahil sa isang panayam ay hayagan nitong sinasabi na hindi naman nagkaroon ng relasyon ang dalawa.



Itsura Ni Charlie Dizon Sa Dinner with Vilma Santos Inokray Ng Netizens

Walang komento


 Muli na namang nakatanggap ng pambabatikos ang misis ni Carlo Aquino na si Charlie Dizon matapos mamataan ang pagkikita nila ng kanilang ninang sa kasal na si Vilma Santos-Recto dahil sa mga napapansin ng maraming mga netizens sa hitsura ngayon ng aktres.


Isa sa mga kinuhang ninang sa kasal nina Charlie Dizon at Carlo Aquino ang Star For All Season na si Vilma Santos-Recto nitong June 9, 2024 na ginanap sa isang private garden resort sa Silang, Cavite. Subalit, hindi ito nakadalo sa pag-iisang dibdib ng dalawa.


Bilang pambawi, sa hindi pagdalo sa wedding ng dalawa, ay itin-reat ni Ate V ang newly wed couple sa isang dinner ilang araw matapos ang pag-iisang dibdib ng dalawa.


Kaagad namang ibinahagi ni Ate V sa social media ang masayang pagdi-dinner nila kung saan masaya niyang ipinahayag sa caption kung gaano niya kamahal ang mga ito at kung gaano siya kasaya na ang mga ito ang nagkatuluyan sa huli.


Binigyan pa ni Vilma Santos ng bouquet of flowers si Charlie Dizon bilang pagbibigay puri nito sa dahil nanalo ito bilang best actress sa Gawad Urian Awards 2024 para sa kanyang pelikulang Third World Romance.


Ipinahayag rin ni Ate V na matagal na nilang usapan nina Charlie Dizon at Carlo Aquino na magdi-dinner.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng maraming mga netizen na totoong mag-ina na ang turingan nina Carlo Aquino at Ate V nang magkasama sila sa iisang pelikula noon na pinamagatang, 'Bata Bata Paano Ka Ginawa' kung saan gumanap rin sila doon bilang mag-ina.


Sa nasabing pelikula rin, sumikat ang sikat na tag-line na 'Akala mo lang wala, pero, meron, meron, meron'.


Sa kabila ng masayang caption ni Ate V, hindi pa rin naiwasan ng ilang mga netizen na batikusin si Charlie Dizon, sa pagkakataong ito ay ang hitsura naman ng aktres ang pinuna ng mga netizens.


Ayon sa ilang komento ng mga netizens, si Charlie Dizon ay isang retokada, mahaba ang leeg na parang cobra, hindi umano ito katulad ni Trina Candaza, dating karelasyon ni Carlo Aquino, na maganda.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng maraming mga netizens na sina Trina Candaza at Carlo Aquino ay nagsama noon subalit, matapos ang manganak ni Trina sa unang baby nila ni Carlo Aquino at iniwan siya ng aktor at ipinagpalit sa ibang babae.


Dahil dito, marami ang mga bumabatikos kay Carlo Aquino dahil sa pang-iiwan niya sa kanyang mag-ina, maging si Charlie Dizon ay nakakatanggap rin ng pambabatikos dahil sa pagpatol nito sa isang lalaking may anak na at sa pagsira umano nito sa isang pamilya.


Katotohanan Sa Relasyon Ni Harry Roque at Former Mister Supranational Ph Alberto Dela Serna

Walang komento


 Nilinaw ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque na ang kanyang executive assistant na si Mister Supranational Philippines 2016 Alberto Rodulfo “AR” De La Serna ay may kakayahan sa posisyong itinalaga sa kanya.


Matatandaang inilabas ang pangalan ni Alberto Dela Serna matapos madiskubre ang kanyang appointment papers at iba pang dokumentong pinirmahan ni Harry Roque sa Lucky South 99 POGO hub sa Tarlac.


Sa isang panayam, isiniwalat ni Harry Roque ang mga kwalipikasyon ni Alberto Dela Serna at ibinunyag pa niyang kumuha siya ng ilan sa mga kaibigan ng huli para tulungan siya.


“Siya po ay galing sa isang political family na Dela Serna. Ang lolo po niya ay dating gobernador ng Bohol. Ang lolo niya sa side ng nanay niya ay dating vice mayor. Siya po ay isang college graduate at siya po ay kinuha ko bilang IT,” pahayag ni Harry Roque.


“Sila po ang nag-handle, isang grupo po iyan ng magbarkada, na nag-handle po ng aking IT o aking social media presence noong ako po ay nasa Malacanang at kami po ay nasa eleksyon,” dagdag pa nito.


Ayon sa mga ulat sa ngayon, sina HarryRoque at Alberto Dela Serna ay naging laman na sa mga blind items mula pa noong 2022, tungkol sa isang public official na madalas makitang bumibiyahe kasama ang isang guwapong lalaki.


Makikita sa mga record na totoong nagtravel sina Harry Roque at Alberto Dela Serna sa walong magkakaibang bansa, kabilang ang Hong Kong, New York, China, Japan, at Abu Dhabi.


Hindi malinaw ang mga layunin nila sa mga nasabing mga travels, ngunit itinalaga ni Harry Roque, sa dokumento, si  Alberto Dela Serna bilang kanyang travel companion sa kanyang trip sa Europe.


Samantala, sinabi ng mga tagapagtanggol ni Harry Roque na ang hitsura ni Alberto Dela Serna ngayon ay hindi katulad ng mga kumakalat na larawan niya na makikita sa social media ngayon.


Iginiit pa nila na ang mga larawan ay kuha 8 taon na ang nakalilipas, at dapat na itigil ng mga tao ang pagli-link sa dating public official sa model.



Siya Pala Ang Babaeng Ipinalit Ni Daniel Padilla Kay Kathryn Bernardo

Walang komento


 Tila unti-unti nang nakakamove-on ang aktor na si Daniel Padilla sa naging hiwalayan nila noong nagdaang taon ni Kathryn Bernardo.


Makikitang nagpopokus na lamang ngayon ang aktor sa kanyang mga negosyo at sa kanyang showbiz career.


Lalo pang napatunayan ng ilang mga netizens na maging si Daniel Padilla ay nakakamoveon na rin sa hiwalayan nila ni Kathryn Bernardo dahil may mga naglalabasang mga ulat ngayon kung saan sinasabing mayroon nang bagong  nililigawan ang aktor.


Ayon sa mga usap-usapan ngayon ng mga online marites sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news, ang bagong nililigawan ni Daniel Padilla ay mas mayaman at mas maganda pa umano kung ikukumpara sa ex-girlfriend nito na si Kathryn Bernardo.


May mga nagsasabi naman na walang masama sa pagkakaroon ng bagong nililigawan ni Daniel Padilla dahil wala naman umano itong girlfriend sa ngayon magmula nang maghiwalay sila ni Kathryn Bernardo.


Sa ngayon ay hindi pa naman naglalabas ng anumang pahayag si Daniel Padilla patungkol sa babaeng nililink sa kanya. Maging ang pagkakakilanlan ng sinasabing babae ay hindi rin ipinahayag sa mga usap-usapan.


Ang tanging clue sa bagong nililigawan ng aktor ay ang pagiging rich kid nito at taga-Batangas.


Matatandaan na dumaan sa matinding kontrobersiya ang aktor na si Daniel Padilla matapos ang paghihiwalay nila ni Kathryn Bernardo.


Bagama't naging tahimik si Kathryn Bernardo sa kanilang hiwalayan, ilan sa mga taong malapit sa aktres ang naglalabas ng mga cryptic post na pinaghihinalaan ng maraming mga netizens na patama nila ito sa aktor na si Daniel Padilla.


Kumalat rin noon ang ilang mga video kung saan makikita kung paano ang pagtrato ni Daniel Padilla sa aktres.


Sa ngayon, ay pareho nang nakapag-move on sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, dahil may mga nalilink na sa kanilang mga personalidad. Hiling naman ng kanilang mga tagahanga na sana ay maging masaya at matagumpay ang dalawa.



Ellen Adarna Galit Na Galit Sa Komento Ng Netizen Sa Family Photo Nila Ni Derek Ramsay with Elias!

Walang komento


 Hindi nagustuhan ng aktres na si Ellen Adarna ang naging komento ng isang netizen patungkol sa kanyang ibinahaging family picture kasama ang mister na si Derek Ramsay sa mismong araw ng moving up ng anak niya kay John Llyod Cruz na si Elias.


Kaagad itong umani ng komento mula sa mga netizens, isa na rito ang netizen na nagsasabing dapat ay si John Lloyd Cruz ang kasama ni Elias sa moving up hindi ang kanyang step father na si Derek Ramsay.


Hindi natuwa si Ellen Adarna sa netizen na nagsabing dapat kasama si John Lloyd Cruz sa moving-up photo ng kanyang anak na si Elias.


Noong June 17, 2024, ibinahagi ni Ellen Adarna ang isang larawan ng moving-up ceremony ni Elias, kung saan naroon din ang kanyang kasalukuyang partner na si Derek Ramsay.


“The only decent moving up photo,” caption ni Ellen Adarna sa kanyang post.


Gayunpaman, sinabi ng isang netizen na dapat si John Lloyd ang nasa lugar ni Derek Ramsay sa moving up ceremony ni Elias.


“JL should be present,” komento ng netizen.   


Kaagad naman ito sinagot ng aktres kung saan sinabi ni Ellen na ang pagkawala ni John Lloyd sa moving-up ceremony picture ay hindi nangangahulugan na isang pabaya na ama ang aktor.


“AND YOU SHOULD MIND YOUR OWN BUSINESS. just because he’s not in the photo isn’t mean he was not there. Wag masyadong close minded manang. Present father naman cya meaning present din cya sa lahat ng milestones ng anak nya,” sagot ni Ellen Adarna sa komento ng netizen.


Maging ang ilang mga netizens at tagahanga ni Ellen Adarna ay naglabas na rin pahayag kung saan binatikos nila ang netizen sa pagiging insensitive sa mga komento.


Matatandaan na kinumpirma nina Ellen at John Lloyd ang kanilang breakup noong 2020.


Kasalukuyang nasa co-parenting setup ang dating mag-asawa kung saan pinapayagan si John Lloyd na makasama si Elias isang beses o dalawang beses sa isang linggo.                         


Rosmar Tan, Rendon Labador at Team Malakas, Nag Public Apology

Walang komento

Miyerkules, Hunyo 19, 2024


 Muling humarap sa publiko ang Motivational Speaker na si Rendon Labador, entrepreneur na si Rosmar Tan, at ang buong Team Malakas para humingi ng paumanhin sa kanilang inasal sa kanilang pagbisita kamakailan sa Coron, Palawan.


Naging laman ng mga usap-usapan sa ilang mga social media platforms sina Rendon Labador at Rosmar Tan ngayong linggo matapos mailathala sa social media ang isang video ng kanilang pagsugod sa isang empleyado ng Coron Municipal Hall.


Nagsimula ang isyu nang punahin ng empleyadong si Jho Cayabyab Trinidad ang pagbisita ng Team Malakas nina Rendon Labador at Rosmar Tan sa Coron at inakusahan pa sila ng paggamit ng mga kawani ng munisipyo para sa kanilang benepisyo.


Matapos ang insidente, isang konsehal ng Coron ang nagtulak na ideklarang persona non grata ang dalawang social media personalities sa munisipyo ng Coron dahil sa kawalan nila ng respeto sa Municipal Hall at doon pa talaga kinumpronta ang empleyado.


Kaagad naman binatikos ng maraming mga netizens ang ginawa ng dalawang social media personalities at sinigundahan ang balak ng konsehal ng Coron na ideklara silang mga persona non-grata.


Humingi naman ng paumanhin sina Rendon Labador, Rosmar Tan at iba pa nilang kasamahan sa buong munisipalidad ng Coron at sa empleyado na dinuroduro nila para tugunan ang mga batikos na kanilang natanggap.


“Pasensya na kay Ma’am Jo, sa munisipyo at lalo na po kay Mayor (Marjo Reyes), at syempre po sa bayan po ng Coron, Palawan. Sorry po talaga na parang pinost ko na “Never again” hindi ko po sinasadya na i-generalize po kayo. Nagpadala po ako sa bugso ng damdamin at ‘yun po yung pinaka maling ginawa ko and humihingi po ako ng tawad," paghingi ng paumanhin ni Rosmar Tan.


Ipinaliwanag naman ni Rendon Labador, na sumugos sila sa munisipyo hindi bilang mga influencer, o popular figures kundi bilang mga Filipino citizen na gustong ilabas ang kanilang pagkadismaya sa ginawa ng isang public servant.


"Gusto ko lang po linawin na pumunta po kami doon sa munisipyo hindi bilang isang celebrity, hindi isang influencer and hindi bilang, lalo na, hindi bilang Rendon Labrador, Rosmar nagrereklamo. Pumunta po kami doon dahil bilang isang Pilipino, simpleng tao na nasaktan sa nangyari dahil sa isang comment ng isang servant,” paggigiit ni Rendon Labador.


Nangangako naman sina Rendon, Rosmar, at Team Malakas na ibabalik nila ang tiwala ng publiko sa pamamagitan ng pagpapatuloy ng kanilang adbokasiya, na kinabibilangan ng pagbisita sa ilang probinsya sa Pilipinas para mamigay ng tulong.



“Babawi po kami at hindi po ito naging hadlang sa advocacy namin na makatulong at makapag bigay ng inspirasyon sa lahat ng taong nangangailangan. Team Malakas po ay magpapatuloy at hindi po kami titigil sa pagbigay ng kasiyahan, charity sa tao,” pahayag pa ni Rendon.


Sa kabila ng paghingi ng public apology nina Rendon Labador, Rosmar Tan at iba pa nilang mga kasamahan, marami pa rin sa mga netizens ang hindi naramdaman ang sinseridad mula sa nagpakilalang motivational speaker.


Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo