Nag-aalala ngayon ang maraming mga tagahanga ni Sam Milby matapos aminin ng aktor na-diagnose siya ng pagkakaroon ng chronic disease.
Ikinagulat ng maramig mga netizens ang isiniwalat kamakailan ng aktor na si Sam Milby patungkol sa kanyang kalusugan. Inamin ni Sam Milby ang pagkakaroon niya ng isang chronic disease.
Inamin rin ni Sam Milby na maging siya ay ikinagulat rin ang pagkakaroon ng ganitong uri ng sakit dahil buong akala umano niya ay malusog na malusog siya. Kaya naman labis niyang ikinalungkot ang natuklasan niyang karamdaman.
Nitong lunes, June 24, 2024 ibinahagi ni Sam Milby sa pamamagitan ng kanyang social media account ang pagkakaroon ng Type 2 Diabetes. Ibinahagi ni Sam Milby ang isang larawan kung saan makikita ang kanyang blood sugar na mas mataas sa normal level ng mga blood sugar ng isang tao.
Pinayuhan rin ni Sam Milby ang maraming mga netizens na kaagad na magpa-check up kapag may nararamdamang mali sa katawan. Aminado rin si Sam Milby na nagsisisi siyang huli na nang magpacheck up siya dahil kung kaagad siyang nagpacheck ay maaring naireverse pa sana ang kanyang kondisyon.
Hindi naman umano niya akalain na may chronic disease na pala siya dahil buong akala umano niya ay healthy siya. Ang tanging naramdaman lamang umano niyang sintomas ay ang madalas na pagkauhaw at pag-ihi.
"I've always thought of myself as a healthy person. I don't have a sweet tooth, bihira din mag junk food, pero last year I found out na may type 2 diabetes na ako. My parents and grandparents never had it. I just wish I got checked up earlier nung pre diabetes pa. My advice - don't ignore the symptoms (my main symptoms - always thirsty and urinating often) and get checked up regularly," caption ni Sam Milby sa kanyang post.
Ikinagulat ito ng mga fans ng aktor at lalo pa silang nabahala ng makitang nasa mahigit 500 ang kanyang blood sugar dahil nasa critical level na umano ito.
Marami naman sa mga netizens ang nagpadala ng kanilang mga panalangin para maging maayos na ang kalagayan ni Sam Milby at hinihiling rin nila na sana ay mai-reverse pa ang diabetes nito ngayon.