Arnold Clavio Naiyak Nalang Sa Sobrang Sakit, Ibinahagi Sa Mga Netizens

Walang komento

Martes, Hunyo 25, 2024

Dalawang linggo matapos lumabas ang balitang na-stroke ang kilalang news broadcaster na si Arnold Clavio noong June 11, 2024, muli na naman itong nagbahagi ng mga pinagdaanan niya hirap sa kanyang social media account.


Ibinahagi ni Arnold Clavio ang pagkakaroon ng ibang karamdaman na naging dahilan ng kanyang paghihirap ngayon, ibinahagi pa niya ang kanyang namamagang paa para makita ng mga taong sumusubaybay sa kanyang pinagdaanan at sa kanyang pagpapagaling.


Ayon sa pagkukwento ni Arnod Clavio na ibinahagi niya sa kanyang Instagram account nagising na lamang siya noong sabado ng umaga sa matinding kirot na nararamdaman niya sa kanyang paa, lalo na sa kanyang bandang sakong.


Hindi na umano ito bago pa para sa kanya dahil una siyang inatake ng 'Tendonitis' noong panahon ng pandemic. Natigil umano siya sa paglalaro ng golf dahil sa Covid-19 at doon na  umano niya naramdaman ang matinding pananakit ng kanyang paa.


Ayon naman umano sa paliwanaf ng kanyang pamangkin na si Lorenz, na isang physical therapist na nakabase sa Amerika, kalimitang nararanasan ang karamdaman na ito ng mga runner at ng mga atletang engage sa kanilang sports subalit bigla na lamang na natigil sa kanilang activities.


"Ang tendinitis ay ang pamamaga ng makapal na fibrous cord na nakakabit sa kalamnan sa buto. Ang mga lubid na ito ay tinatawag na mga litid. Ang kondisyon ay nagdudulot ng sobrang sakit labas lamang ng kasukasuan."


Dahil bigla na lamang siyang natigil sa kanyang pang-araw-araw na ginagawa, nawalan umano ng normal na daloy ng dugo ang kanyang mga paa dahilan ng pamamaga. Sa kabutihang palad ay hindi napunit ang kanyang litid sa paa.


Sa ngayon ay mas ramdam na umano niya ang sakit, ni hindi na umano nito maitapak sa sahig ang kanyang mga paa at Kahit nasasagi lamang ito ng kaunti ay mangiyak-ngiyak na siya sa sakit lalo pa ngayong mahina ang kanyang katawan dahil katatapos lamang niyang atakehin ng hemorrhagic stroke.


Sa ngayon ay namamanhid pa umano ang kanang bahagi ng katawan ni Arnold Clavio, dahil sa pinagdaanan niyang stroke.


 

Ryza Cenon Inamin Na Ang Dahilan Kung Bakit Nag Decide Na Magpakalbo

Walang komento


 Ikinagulat ng maraming mga netizens ang mga ibinahaging larawan ng Viva artist na si Ryza Cenon kung saan makikitang kalbo na siya, malayo sa tipikal na hitsura niya.


Marami sa mga netizens ang nabahala at nag-aalala kung may karamdaman ba ngayon ang aktres dahilan para naging kalbo na ngayon ang aktres.


Subalit, kalaunan ay napag-alaman ng maraming mga netizens na ang dahilan ng pagpapakalbo ni Ryza ay ang pagkakaroon niya ng panibagong project.


Ikinamangha ng mga netizens dahil walang daya ito; talaga palang nagpakalbo si Ryza, dahil kailangan ito sa role niya para sa gagawin niyang horror movie na pinamagatang “Lilim” sa direksyon ni Mikhail Red.


Hindi nag-atubiling nagpakalbo si Ryza Cenon upang mas maging epektibo ang kaniyang pagganap sa pelikula.


Sa kabilang banda, marami sa mga netizens ang lalong humahanga kay Ryza Cenon dahil kahit kalbo na ito ngayon ay talagang lutang na lutang pa rin ang kaniyang taglay na kagandahan. 


May mga nagsasabi pang naging kamukha na umano ngayon ni Ryza Cenon ang Irish singer-songwriter na si Sinéad O’Connor. 


Pinupuri rin ng maraming mga netizens ang dedikasyon ng aktres sa trabaho, dahil puwede naman umanong prosthetics na lang, subalit pumayag daw si Ryza Cenon na tuluyang magpakalbo para sa kaniyang role sa pelikula.


Sa kabilang banda, marami naman sa mga netizens ang pilit na binabahiran ang ginawa ni Ryza Cenon. May mga nagsasabi na napakababaw lamang ng rason ni Ryza Cenon na magpakalbo dahil maari namang gumamit lang ng prosthetics dahil matagal ang pagpapahaba ng buhok.


May mga naniniwala naman na ginawa ito ni Ryza Cenon para na ring promotional ng kanyang pelikula at para suportahan ito ng maraming mga netizens dahil sinakripisyo niya ang sariling buhok.




Dominic Roque Hindi Nagustuhan Ang Kasinungalingan Ni Bea Alonzo Tungkol Sa Kanilang Paghihiwalay

Walang komento


 Hindi nagustuhan ng actor-model na si Dominic Roque ang pagsisiwalat ni Bea Alonzo ng ilang mga detalye patungkol sa kanilang paghihiwalay lalo na ngayong tinatawag siyang cheater ng mga tagahanga ng aktres.


Matatandaang sa kamakailang panayam kay Bea Alonzo, isiniwalat niyang taliwas sa mga sinasabi at mga naglabasang balita sa ilang mga pahayagan na siya ang nakipaghiwalay kay Dominic Roque dahil ang katotohanan ay si Dominic mismo ang nag-initiate sa kanilang hiwalayan.


Matapos ang pagbibigay ng pahayag ni Bea Alonzo tungkol sa naging break up nila ni Dominic Roque, usap-usapan naman ngayon sa ilang mga social media platforms ang reaksyon ni Dominic Roque sa pagpapa-interview ni Bea Alonzo kung saan isiniwalat ng aktres ang ilang detalye ng hiwalayan nilang dalawa.


Nang matanong kay Dominic Roque kung ano ang kanyang masasabi at reaksyon sa naging pahayag ni Bea Alonzo, ay tipid lamang umano itong ngumiti at sinabing alam naman ni Bea Alonzo ang lahat. Sinigundahan rin ni Dominic Roque ang naging pahayag ni Bea Alonzo na nagsasabing bagama't nagtapos ang kanilang relasyon ay magkaibigan pa rin silang dalawa.


Subalit ang tila hindi nagustuhan ni Dominic Roque ay ang komento ng mga fans ni Bea Alonzo na tinatawag siyang cheater at hiniling na makarma rin siya sa kanyang ginawa sa akres.


Kaagad itong sinagot ni Dominic Roque ng 'luuhh' with laughing out loud emoji, tila ipinapahiwatig niya na hindi niya alam kung bakit tinatawag siya nitong cheater.


Sa kabilang banda, marami pa rin sa mga netizens ang hindi naniniwalang si Dominic Roque talaga ang nakipaghiwalay dahil sa mga nauulat noon si Bea Alonzo talaga ang tumapos sa kanilang relasyon.


Bukod pa rito, binalikan rin ng maraming mga netizens ang masayang pagbabalita ni Dominic Roque patungkol sa ilang detalye ng kanilang pagpapakasal kabilang na kung sino ang mga kasama sa kanilang entourage at kung sino-sino ang makakasama sa guest list.


Subalit, makalipas ang ilang linggo ay si Bea Alonzo na mismo ang nagsasabing hindi totoo ang mga isiniwalat ni Dominic Roque dahil wala pa talaga silang plano, makalipas ang ilang araw ay naiulat na ang paghihiwalay ng dalawa.




Baby Giant Hindi Qualified Na Pumalit Kay Dagul?

Walang komento

Lunes, Hunyo 24, 2024

Viral at mainit na pinagdedebatehan ngayon sa ilang mga social media platforms ang pagpapalit ni Baby Giant kay Dagul sa Goin' Bulilit.


Ilang netizens ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya matapos isiniwalat na ang social media personality na si Renz Joshua Baña, a.k.a Baby Giant, ang napiling pumalit kay Romy “Dagul” Pastrana bilang adult cast ng bagong henerasyon ng Goin’ Bulilit.


Sa ilang komento sa Facebook, ipinahayag ng mga netizens ang kanilang pagkabahala na maraming mga bata ang tumingin sa mga nakaraang post sa social media ni Baby Giant, na nagpakita sa kanya ng pakikipag-flirt sa ibang mga babaeng influencer.


“Hindi wholesome ang image ni baby giant para isali sa going bulilit. May mga vlog yan na kamanyakan,” pahayag ng isang netizen.


May mga nagsasabi pa na sana ay pumili naman sila ng mas karapat-dapat na pumalit kay Dagul sa Goin' Bulilit hindi si Baby Giant na may mga adult content vlogs na maaring sundan ng mga kabataan sa social media pages nito.


Gayunpaman, may mga taong dumepensa din naman kay Baby Giant, kung saan inilahad nila na maaaring nagtakda na ng guidelines ang production team ng Goin’ Bulilit para sa social media personality dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng production team ang dating mga contents ni Baby Giants.


“Guys alam ko may mga content sya dati na adult themed pero now part na sya ng new going bulilit for sure may mga rules and guidelines sya sa contract nya lalo na kung gagawa sya ng sarili content since ang i rerepresent nya eh wholesome / kids show kaya lets give him a chance. Matanda na po si sir Dagul, hayaan natin mag shine ang iba.”


Hindi naman lingid sa kaalaman ng maraming mga netizens na kaya pinalitan si Dagul sa Goin' Bulilit dahilh hindi na ito fit physically para magtrabaho dala na rin ng kanyang katandaan.


As of writing, hindi pa sumasagot si Baby Giant sa mga taong nagdududa sa kanyang qualifications para maging bahagi ng Goin’ Bulilit.


 


Trina Candaza, Pinahiram Si Mithi Kina Carlo Aquino at Charlie Dizon

Walang komento


 Viral at mainit na pinag-uusapan ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang balitang nagkita na umano sa personal ang anak nina Carlo Aquino at Trina Candaza na si Mithi at ang kanyang stepmother na si Charlie Dizon sa unang pagkakataon.


Sa Instagram photo na in-upload ng kaibigan nina Charlie Dizon at Carlo Aquino na si Ramcee Gonzales, makikita ang bagong kasal na may dalang anak, na pinaniniwalaang si Mithi.


Ikinatuwa naman ng ilang fans nina Charlie Dizon at Carlo Aquino kung nagkakasundo na sina Charlie at Mithi bilang bahagi ng co-parenting setup nina Carlo Aquino at Trina Candaza.


Gayunpaman, may mga netizens ang nagsabi na tiyak na nakakalungkot nito para kay Trina na makitang masaya si Carlo Aquino sa kanyang bagong asawa kasa ang kanilang anak na dalawa.


May mga nagsasabi pa na talagang napakabait ni Trina Candaza dahil nakakaya pa rin niya ipahiram ang kanyang anak kay Carlo kasama ang asawa nitong si Charlie.


“Medyo masakit ito para kay Trina na makita ang anak nya na malapit sa kinakasama ng dati niyang ex na kung titignan ay parang isang complete at happy family. Samantalang siya ay nag iisa lamang at wala naman magawa dahil iniisip niya ang anak na si Mithi ang karapatan ng bata"


Lalong humanga ang maraming mga netizens kay Trina Candaza dahil sa pagiging matiisin niya at sa pagmamahal niya sa kanyang anak na pinili niyang makasama pa rin ito ni Carlo Aquino para hindi maramdaman ng bata na wala itong ama.


May mga naghinala naman na baka natatakot si Trina Candaza na muling sampahan ng kaso ni Carlo Aquino sakaling hindi niya ito ipapahiram sa aktor.


Matatandaang nagsampa noon ng kaso si Carlo Aquino laban kay Trina Candaza noong nakaraang taon para makakuha ito ng visitation rights sa kanyang anak.


Sa isang nakaraang panayam, ipinaliwanag ni Trina kung bakit tutol siya sa posibilidad ng pagkikita nina Mithi at Charlie.


“Ang sa akin lang, kapag kukunin niya si Mithi, gusto ko, si Mithi lang sana. Mamili siya kung kanino niya i-spend ‘yung time niya. Sa daughter niya, sa new girl niya, or sa friends niya. I think Mithi doesn’t deserve na may kahati sa time,” pagpapaliwanag niya.


“Respect na lang sa akin, na huwag munang ipakilala si Mithi sa mga panibagong partner. Kasi ayaw ko ring i-instill sa utak ng anak ko, sa values niya, na okay lang magpapalit-palit ng partner. If ever man dumating ‘yung panahon na may papakasalan na siya, siguro ‘yun kailangan na namin magkita kita,” dagdag pa niya.




Ogie Diaz Tinawag Na Sinungaling Si Bea Alonzo?

Walang komento


 Muling nag-viral sa social media ang talent manager at showbiz reporter na si Ogie Diaz matapos nitong mag-publish ng isang cryptic post matapos ang pagsasabi ni Bea Alonzo na single siya.


Matatandaan na noong June 22, 2024, ibinunyag ni Bea Alonzo sa isang panayam na “very single” ang status ng kanyang puso sa ngayon.


Nauna na rito, ang pagsisiwalat ni Ogie Diaz na kaya malabo nang magkabalikan sina Bea Alonzo at Dominic Roque dahil mayroon nang bagong boyfriend ang aktres na isang half-Pinoy at Half-foreigner guy.


Ito rin umano ang dahilan kung bakit hindi na pumayag si Bea Alonzo na makipagbalikan kay Dominic Roque.


Samantala, ilang araw matapos itong isiwalat ni Ogie Diaz ang balitang ito ay kaagad na nilinaw ni Bea Alonzo sa isang panayam na hindi totoo ang mga isiniwalat na balita ni Ogie Diaz sa pamamagitan ng pagsasabing very single siya ngayon.


Gayunpaman, tila hindi nagpatinag si Ogie Diaz sa pagsasabi ni Bea Alonzo na very single siya sa ngayon bagkus ay hinamon pa niya ito.


Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Ogie Diaz ang isang cryptic post na hinala ng marami na patama kay Bea Alonzo.


Inilahad pa ni Ogie Diaz na dapat ay magsabi na ng totoo ang isang individual at may resibo rin umano siya para magpapatunay sa kanyang mga sinasabi.


Bagama't walang sinasabi si Ogie Diaz sa kanyang post, marami sa mga netizens ang naghinalang si Bea Alonzo ang pinapatamaan ni Ogie Diaz.


"Wag nang magsinungaling. Hawak ko ang ebidensya. Wala namang masama. Matutuwa pa nga kami eh. Bakit kailangang ilihim?"


Matatandaang nagsampa ng kaso si Bea Alonzo laban kay Ogie Diaz dahil sa umano’y maling impormasyon ng huli na ikinalat niya sa kanyang online program.


Hiniling ni Bea Alonzo sa korte na magbayad si Ogie Diaz ng P30,000,000 bilang damages.


Naghain na ng counter-affidavit ang kampo ni Ogie Diaz para pabulaanan ang mga akusasyon ni Bea Alonzo.


Pinaalalahanan din nila si Bea Alonzo na isa siyang public figure at interesado rin sa kanyang buhay ang publiko.




Beauty Queen at Mutya Ng Pilipinas Pampanga 2023 Candidate Geneva Lopez Nawawala

Walang komento


 Hindi pa man nabibigyan ng linaw ang kaso ng pagkawala ng Miss Grand International Philippines 2023 candidate na si Catherin Camilon, ilang buwan na ang nakakalipas, may panibagong kaso na naman ng pagkawala ng isang beauty queen.


Kumakalat ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang balitang nawawala ang isang contestant ng Mutya ng Pilipinas Pampanga 2023 na si Geneva Lopez.


Sa isang post sa Facebook, inihayag ni Li Dsc na si Geneva Lopez ay idineklarang nawawala at huling nakita noong June 21, 2024.


Ayon sa mga taong malapit kay Geneva Lopez bandang alas tres ng hapon nila huling na-kontak ang nasabing beauty queen.


“Nasan ka, mi? Tingnan mo, libu-libo ang nagdadasal para sa’yo. Maraming nagmamahal sa’yo. Balik ka na sa amin, please,” pahayag nito.


“Lord sayong mga kamay inihahabilin kopo mga pamangkin ko naway ligtas po sila saan man po sila naroon,” dagdag pa nito.


Ayon kay Presy Carreon Lopez, tiyahin ng nawawala, bumiyahe si Geneva Lopez sa Capas, Tarlac, kasama ang kanyang boyfriend.


Nakatanggap ang post ng libu-libong share mula sa mga netizens na nagpahayag ng pagkabahala dahil na rin sa nangyari noon sa Catherine Camilon na hanggang ngayon ay hindi pa rin naging malinaw kung ano ang nangyari.


May mga taong naninirahan sa Tarlac ang nagboluntaryong tumulong sa paghahanap din sa paghahanap sa dalawa na nawawala na ng ilang mga araw.


Hanggang ngayon ay wala pa ring inilalabas na balita patungkol sa pagkakawala ng beauty queen. Dahil dito lalo lumaki ang mga agam-agam ng maraming mga netizens dahil hindi nila mapigilang ikonekta ang nangyari sa unsolved case ni Catherine Camilon na hanggang ngayon ay hindi pa malinaw kung buhay pa o sumakabilang buhay na.



Tom Rodriguez, Tatay Na, Carla Abellana May Mensahe

Walang komento


 Kamakailan lamang ay kumalat sa ilang mga social media platforms at maging sa ilang mga entertainment news sites ang isang blind item patungkol sa isang aktor na nabuntis ang girlfriend na naiwan sa Amerika.


Umani ng samu't-saring komento mula sa mga netizens ang kumakalat na blind item na ito kung saan marami ang mga naghinala na ang tinutukoy rito ay walang iba kundi ang aktor na si Tom Rodriguez.


Matatandaan na kamakailan pa lamang nang bumalik sa bansa si Tom Rodriguez matapos ang ilang taong pananatili nito roon matapos ang paghihiwalay nila  ng kanyang asawa na si Carla Abellana.


Sakto naman ang mga nasa blind item kay Tom Rodriguez na isang gwapong aktor na kamakailan lamang ay umuwi sa Pilipinas.


Ayon sa blind item, bago umuwi sa Pilipinas ang gwapong aktor na ito ay nabuntis na pala niya ang kanyang non-showbiz girlfriend. Sa ngayon, ay naghahanda na umano ang aktor na muling umalis sa bansa para bisitahin ang nobya na malapit nang manganak.


Mababasa rin naman sa blind item, na lalaki ang unang anak ng aktor, kaya lamang labis-labis na ang excitement na nadarama nito.


Samantala, marami naman ang nagbigay ng mga mensahe ng pagbati kay Tom Rodriguez kung sakaling mang siya talaga ang tinutukoy sa blind item dahil alam naman umano nila na hindi rin naging madali ang mga pinagdaanan ni Tom Rodriguez nitong mga nagdaang taon.


Samantala may mga napapatanong naman kung ano ang naging reaksyon ni Carla Abellana sa panibagong isyung kinasasangkutan ngayon ng kanyang dating mister na si Tom Rodriguez.


Sa kabilang banda, may mga nagdududa rin naman sa blind item na ito at sinabing malabong si Tom Rodriguez ito dahil malakas umano ang kutob nilang bakla ang aktor.


Sa ngayon ay hindi pa naman naglalabas ng pahayag si Tom Rodriguez patungkol sa pagkakaroon ng anak na tinutukoy sa blind items.



Rosmar, Nabudol Ng Isang Pekeng Account, Pekeng Jiro Manio Ang Nakausap

Walang komento


 Kinumpirma ng kilalang talent manager at showbiz reporter na si Ogie Diaz na ang kausap si Rosmar Tan ay isang nagpapanggap lamang, bilang si Jiro Manio.


Sa isang Facebook post, naglabas ng reaksyon si Ogie Diaz sa post ni Rosmar Tan, na may kausap daw siya kay Jiro Manio tungkol sa isang project.


Matatandaang isiniwalat ni Rosmar Tan ang mensahe mula sa isang Facebook user gamit ang larawan at pangalan ni Jiro Manio, na nagsasabing gusto niyang magtrabaho para sa social media personality. Kahit na anong trabaho ay kaya umano niya itong tanggapin dahil nangangailangan umano siya.


“Di magsasawang magbigay ng SECOND CHANCE sa kapwa tao dahil lahat naman ng nagkakamali, natututo at nagbabago,” saad ni Rosmar sa kanyang post.


Sinabi rin ni Rosmar na magiging waiter sa kanyang resto si Jiro Manio para may may pang-aral na ito sa kanyang anak.


Gayunpaman, nabawasan ang excitement ng netizens matapos i-debunk nina Ogie Diaz at Jiro Manio ang post ni Rosmar kung saan inilahad nilang nagpapanggap lamang na Jiro Manio.


“Rosmar, fake account po yung kausap nyong Jiro Manio. Kung sino sino po ang tsina-chat niyan. Baka mabudol ka. Kausap ko ‘yung totoo, and trough us, pakisabi na hindi raw siya yon. Okay ang tumulong, pero wag sa nagpapanggap na nangangailangan,” pahayag ni Ogie Diaz.


“Nag-message na rin sa akin si Fake Jiro, pero dinedma koo, dahil feeling ko hindi siya. Kung saan nandun ‘ang iyong resort, yun nang bigyan mo po ng trabaho para tulong na din sa kanila,” dagdag pa ni Ogie Diaz.


As of writing, hindi pa nagbibigay ng sagot si Rosmar sa post ni Ogie Diaz.


Marami naman sa mga netizens ang naniniwala kay Ogie Diaz, dahil nauna nang naiulat na mayroong project na ginagawa si Jiro Manio kaya naman malabo umanong umanong manghihingi ng tulong si Jiro Manio kay Rosmar para makakuha ng trabaho.



Ellen Adarna Ipinakita Ang Kanyang Baby Bump Pero Dinelete Din Kaagad! Nagdeactivate Pa Ng Instagram

Walang komento

Ellen Adarna, nagdadalang tao na sa anak nila ng kanyang mister na si Derek Ramsay, ipinakita na ang kanyang baby bump sa publiko subalit, kaagad rin niya itong binura at nag-deactivate pa ng Instagram account.


Mainit na pinag-uusapan ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang balitang nagdadalang tao na ang aktres na si Ellen Adarna matapos itong magbahagi ng litrato kung saan makikita ang kanyang baby bump.


Sa Instagram account ni Ellen Adarna ibinahagi niya ang kanyang mirror image habang nakasuot siya ng isang orange na dress na hapit sa kanyang katawan. Kaagad namang napansin ng maraming mga netizens ang umbok sa tiyan ng aktres na nahahalata sa suot niyang damit, na pinaniniwalaang baby bump niya.


Sa caption nagpahiwatig rin si Ellen Adarna na mayroon na naman siyang tiny little one sa loob ng kanyang tiyan.


Samantala, naging palaisipan naman sa ilang mga netizens ang agarang pagbubura ni Ellen Adarna sa kanyang photo na tila ba nagsisi itong nagbahagi sa publiko.


Bukod pa rito, bigla na lamang ring nag-deactivate ng Instagram account si Ellen Adarna.


Kaagad itong nag-iwan ng mga katanungan ng mga netizens, may mga nagsasabing baka nais muna ng aktres na umiwas sa social media habang nagbubuntis upang makaiwas na rin sa stress.


May mga nagsasabi pang hindi pa handa si Ellen Adarna na ibahagi sa publiko ang kanyang pagdadalang tao kaya nagtatago na muna ito sa social media.


May ilang mga netizens naman ang naghinayang sa pagdedeactivate ni Ellen Adarna ng kanyang Instagram account at sa pagpivatize sa kanyang pagdadalang tao kung sakali man dahil matagal na rin naman itong hinihintay ng maraming mga netizens.


Sa kabila ng hindi pa pagkukumpirma sa pagbubuntis, marami sa mga tagahanga nina Derek Ramsay at Ellen Adarna ang nagbigay na ng kanilang mga pagbati.



 

Alexa Ilacad Nakipagaway at Nakipagsagutan Sa Isang Basher, Hindi Matanggap Ang Rude Comment

Walang komento


 Nakipag-away at nakipagsagutan sa isang basher ang aktres na si Alexa Ilacad na nagsasabing pangit ang kanyang katawan.


Hindi pinalampas ng Kapamilya actress na si Alexa Ilacad ang isang napaka-rude na netizen na pumuna sa kanyang katawan na labis niya ikinadimaya.


Ibinahagi mismo ni Alexa Ilacad ang comment thread ng sagutan nila ng kanyang basher sa Instagram account.


Sa ibinahagi ni Alexa Ilacad mababasa ang pahayag ng basher maganda naman umano si Alexa Ilacad subalit, sadyang may nakaka-off lamang sa katawan nito.


Hindi naman ito pinalampas ni Alexa Ilacad at kaagad na pinangaralan ang nasabing netizen.


"2024 na pero hindi ka pa rin aware na our bodies come in different shapes, sizes, angd proportions? I'd suggest you to hit the books before making comments that are very... 'off'"


Sa kabila ng pagsagot ni Alexa Ilacad sa komento ng netizen, hindi pa rin ito nagpatinag. Pahiwatig na talagang malakas ang loob nito na makipagsagutan kay Alexa Ilacad.


Inilahad ng basher kay Alexa Ilacad ang pagiging sensitive nito kung saan ang mga gustong komento lamang ang nais na mabasa subalit hindi masikmura ang katotohanan.


"2024 na pero mukhang ang gusto mo lang na comment ay yung hindi off para sayo? Dapat hindi ka nag artista if you can't stomach the truth"


Muli naman itong sinagot ni Alexa Ilacad kung saan ipinunto niyang hindi nabibigyan ng free pass ang kahit na sino na maging rude sa kanya dahil lamang sa pagiging artista niya.


"What a dumb argument. Me being a celebrity doesn't give you a free pass to be rude."


Nagpasyang ibahagi ni Alexa Ilacad sa kanyang Instagram stories ang sagutan nila ng toxic basher na ang tingin sa kanilang mga artista ay manikang de robot na dapat ay sunod-sunuran lamang sa mga naisin ng mga fans.


Iginiit ni Alexa Ilacad na ang kanyang trabaho bilang artista ay ang pag-arte, pagkanta, minsan ay ang pagsayaw, at higit sa lahat ang magpasaya ng tao na gustong-gusto niyang gawin.


Ipinunto rin niyang hindi parte ng kanyang job description ang i-tolerate ang mga natatanggap na rude comments mula mga netizens.


Tumatanggap naman umano siya ng mga constructive criticism subalit hindi umano ang ganitong komento ng mga netizens.



Bimby Aquino May Rebelasyon Sa Health Ni Kris Aquino

Walang komento

Kamakailan lamang ay nagbigay ng mensahe ang bunsong anak ni Kris Aquino na si Bimby Aquino kung saan ay inilahad niya ang kanyang pasasalamat sa milyon-milyong fans ng kanyang ina na si Kris Aquino na hanggang ngayon ay nagbibigay ng prayers para sa paggaling ng kanyang  ina.


Nauna nang isiniwalat ni Kris Aquino ang ilang mga good news patungkol sa kanyang kalagayan sa ngayon, inilahad ni Kris Aquino na naging effective ang mga gamot na itinuturok sa kanya ngayon subalit, ang nakakadis-advantage lamang ay nagkakaroon ng tama ang kanyang puso.


Sa kabila nito, marami pa rin sa mga netizens at mga taong nagmamahal sa Queen of All Media ang positibong gagaling ng tuluyan si Kris Aquino.


Inilahad rin nila na magiging masaya pa rin sila kahit hindi na muling makabalik sa showbiz si Kris Aquino, basta mabuhay lamang ito ng mas matagal at nang makasama pa nito ng matagal ang kanyang mga anak.


Sa video, inilahad ni Bimby Aquino ang kanyang pasasalamat sa lahat ng mga panalangin na ibinibigay ng maraming mga netizens para sa kanyang ina. Talagang nagiging epektibo ang mga panalangin ng maraming mga tao lalo na't para ito sa ikakabuti ng kapwa.


May mga nagpapayo pa kay Kris Aquino na patuloy lamang sa pagdarasal at sa pakikipaglaban sa kanyang mga karamdaman, dahil tanging ang Diyos lamang ang nagpapagaling sa mga taong may mga karamdaman.


Naging positibo ang pananaw ng maraming mga netizens sa naging mensahe ni Bimby Aquino dahil makikita sa mata nito ang kasiyahan pahiwatig na talagang bumubuti na ang pakiramdam ngayon ng kanyang ina.


Matatandaan na naging emosyunal si Kris Aquino nang inamin niyang unti-unti na siyang nahihirapan sa pakikipaglaban sa kanyang mga karamdaman. Subalit, sa tuwing naiisip umano niya ang kanyang mga anak ay nabubuhayan siya ng loob.


Inilahad ni Kris Aquino na ayaw niyang iwanan ang kanyang mga anak ng maaga dahil alam niyang mahihirapan ang mga ito lalo na si Bimby dahil kailangan pa nitong alagaan ang kanyang kapatid na may special na pangangailangan.


Isa pa ay underage pa ang mga ito kaya naman nais pa ni Kris Aquino na kahit umabot man lamang umano siya na tumungtong na sa tamang edad si Bimby.


Samantala, inilahad ni Anthony Pangilinan ang napapansin niya kay Kris Aquino sa kung paano nitong pinapalaki ang kanyang mga anak at kung gaano ang ipinapakita ni Kris Aquino na pagmamahal para sa mga ito dahilan para lumaki itong mapagmahal rin.



 

Certified Flop? Pelikula Ng Aktor Tinanggal Sa Sinehan

Walang komento


 Talagang kumain ng alikabok sa takilya ang pelikulang pinagbibidahan ng Kapuso actor-director na si Xian Lim na pinamagatang Playtime na under ng GMA Pictures at Viva Film.


Kumakalat ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang balitang tuluyan nang tinanggal sa sinehan ang pelikulang pinagbibidahan ni Xian Lim, ilang araw matapos itong ipalabas dahil wala na talagang nanonood.


Nasasayang lamang umano ang oras na ibinibigay sa pelikula kaya naman pinalitan na ito ng pelikula ng ibang bansa na pinamagatang Inside Out 2 na blockbuster world wide.


Naging certified flop movie ang Playtime nina Xian Lim at ilang sinehan na rin ang nagpull out sa mga sinehan dahil ilang araw nang walang nanonood at nalulugi lamang sila sa pagpapalabas nito.


Kaagad namang pinalitan ng mga sinehan sa pelikulang Inside Out 2 ang dating oras ng Playtime na sa kabila ng mga naglabasang online leaks ay hindi hamak na mas marami pa rin ang nanonood kaysa sa pelikulkang Playtime.


Bukod kay Xian Lim, pinagbibidahan ang pelikula nina Sanya Lopez, Coleen Garcia at Faye Lorenzo.


Nauna nang naging laman ng mga usap-usapan ang pagiging flop ng pelikula ni Xian Lim nang makita sa mall show na mas marami ang mga bakanteng monoblock chairs kaysa sa mga taong nanonood.


May mga nakita pang, tila mga naki-upo lamang sa monoblock chair para makapagpahinga subalit, wala namang interes sa mga pagkanta-kanta ni Xian Lim sa harap.


Hindi rin naiwasan ng ilang mga netizens na pagkakumparahin ang mall show ni Xian Lim sa mga nagdaang mall shows ni Kim Chiu.


Ayon sa ilang mga netizens, na sa kabila ng pananahimik ni Kim Chiu sa naging isyu nila ni Xian Lim ay ito pa rin ang binibigyan ng simpatya ng maraming tao.


Matatandaan na sa ilang mga interviews ni Xian Lim ay pilit niyang ipinapalabas na si Kim Chiu talaga ang dapat na batikusin sa nangyaring hiwalayan nilang dalawa.


Gayunpaman, hindi pa rin ito lumusot sa maraming mga fans ni Kim Chiu dahilan para mas lalo ang nagboycott sa pelikula ni Xian Lim.


May mga nagsasabi pa na talagang hindi natuto ang GMA sa flop na teleserye ni Xian Lim at talagang gumawa pa ng pelikula na ang pagiging flop rin ang kinahinatnan.



Nikko Natividad Tanggal Na Sa Batang Quiapo, Nilinaw Na Ang Isyu

Walang komento


 Mainit na pinag-uusapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang kahihinatnan ng karakter ng aktor na si Nikko Trinidad sa FPJ's Ang Batang Quiapo.


Matatandaan na marami sa mga supportrers ni Vice Ganda ang nananawagan sa pamunuan ng Ang Batang Quiapo na tanggalin ang aktor dahil sa pakikisawsaw nito sa isyu nina Vice Ganda at mga contestant sa Expecially For You ng It's Showtime na sina Axel at Christine.


Gayunpaman, tila hindi nagtagumpay ang mga tagahanga ni Vice Ganda na mawala sa Ang Batang Quiapo si Nikko Natividad dahil hindi pa rin ito matatanggal sa kanyang papel bilang si Emong na pinsan naman ng karakter na Ivana Alawi na si Bubbles.


Matatandaan na nag-ugat ang isyu ng pagpapatanggal kay Nikko Natividad sa Ang Batang Quiapo matapos niyang inihayag ang kanyang simpatya sa mga nasabing contestant sa Expecially For You matapos ang pamamahiya ni Vice Ganda.


Sinabi pa ni Nikko Natividad na nakakarelate siya sa nararamdaman ngayon ni Axel ang lalaking searchee, dahil ilang beses na rin umano siyang ipinahiya ni Vice Ganda sa national television.


Pinasaringan din ni Nikko Natividad si Vice Ganda sa mga insensitive joke nito na para makalusot ay dinadagdagan lamang nito ng 'charoot' sa dulo.


Samantala, sa kamakailang episode ng showbiz vlog ni Cristy Fermin, inilahad niya ang balitang nakalap mula sa mga isang source na nagtatrabaho sa Ang Batang Quiapo na hindi tatanggalin si Nikko Natividad sa show dahil hindi naman umano nakikinig si Coco Martin sa mga isyu.


Iginiit rin ni Cristy Fermin, na tama lamang ang ginawa ni Coco Martin sa isyu nina Nikko Natividad at Vice Ganda dahil labas naman na umano sa isyu ng dalawa ang teleseryeng Ang Batang Quiapo.





Daniel Padilla, Ipinakita Na Sa Publiko Ang Babaeng Ipinalit Kay Kathryn Bernardo

Walang komento


 Isinapubliko na ng Kapamilya actor na si Daniel Padilla ipinakilala na sa publiko ang kanyang bagong girlfriend na nauna nang napapabalita na napaganda at sobrang yaman.


Ikinagulat ng ilang mga netizens na may katotohanan pala ang napapabalitang pagkakaroon ng bagong karelasyon ng aktor na si Daniel Padilla ilang buwan matapos ang hiwalayan nila ng aktres na si Kathryn Bernardo.


Kumakalat ngayon sa social media ang isang TikTok video kung saan makikita sina Daniel Padilla at ang babaeng pinaghihinalaang girlfriend nito. Tila nahihiya pa ang dalaga habang kinakausap sila ng mga taong nakapaligid sa kanila.


Kaagad namang umani ng samu't-saring reaksyon at komento mula sa mga netizens ang TikTok video kung saan makikita sina Daniel Padilla at ang babae.


May mga nagsasabing totoong napakaganda nito at simple lamang rin kung manamit, inilahad pa nila na kung titingnan ay kaya rin nitong sumabay sa ganda ng mga artista, partikular na kay Kathryn Bernardo.


Ayon pa sa aming nakalap na impormasyon, nang tanungin umano ang babae sa kanyang pangalan ay pasimple lamang itong ngumiti, sumingit rin umano si Daniel Padilla na huwag na munang tanungin ang babae bilang pagrespeto rito.


Naitanong rin kay Daniel Padilla kung ano ang kanilang relasyon, subalit hindi rin ito sinagot ng maayos ng aktor. Pasimple lamang itong ngumiti, gayunpaman, makikita sa mukha ni Daniel Padilla na kinikilig siya sa kanyang kasama at masaya siya ngayon.


Ayon pa sa ilang mga netizens na talagang hindi nagkamali ang source ni Ogie Diaz sa pagsasabing mayroon nang bago si Daniel Padilla ngayon na isang napagandang babae at nagmula rin sa isang mayamang angkan.


Masaya naman ang mga netizens, na mayroon nang kanya-kanyang lovelife sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo matapos ang paghihiwalay nila sa isang matagal na relasyon.



@lolongseaman Daniel Padilla's latest TikTok features a special someone, sparking rumors about a possible new girlfriend. The two appear close and share moments that suggest a deeper connection. Fans are buzzing with speculation, eager to uncover the mystery behind Daniel's potential new romance. #DanielPadillaLoveMystery #NewLoveOnTikTok #DanielAndMysteryGirl #TikTokRomance #DanielPadillaGF #LoveIsInTheAir #DanielSecrets #HeartbeatTikTok #CelebLoveSaga #tiktokcouplegoals ♬ Only Love - 𝐒𝐡𝐢𝐡𝐨 𝐌𝐮𝐬𝐢𝐜 🎧

Andi Eigenman Ibinida Ang Mamahaling Engagement Ring Bigay Ni Philmar Alipayo

Walang komento

Biyernes, Hunyo 21, 2024

Sa gitna ng mga usap-usapan patungkol sa faithfulness ni Philmar Alipayo sa kanyang kinakasama na si Andi Eigenmann, ipinakita ng dating aktres na talagang masaya sila at hindi natitinag sa isyu.


Marami sa mga tagahanga ng aktres na si Andi Eigenmann, ang nangangamba sa faithfulness ni Philmar Alipayo kay Andi Eigenmann nang kumalat ang video kung saan makikita na tila may kalandian na babae sa Siargao.


Sa video, makikitang topless si Philmar Alipayo habang nakikipag-usap sa isang babae na kalaunan ay nakilalang isang TikTok influencer na si Crissa Liaging. Hindi maririnig ang kanilang pinag-uusapan dahil naka-mute ang video at pinalitan ito ng background.


Naglabas naman ng pahayag si Andi Eigenmann kung saan inilahad niyang tinawanan lamang nila ni Philmar noong una ang isyu subalit, noong kumalat na ito at binigyan ng mga maling kulay ng mga tao ay doon na medyo nabahala si Andi Eigenmann dahilan para maglabas na siya ng pahayag.


Samantala, kung makikita naman ngayon ang mga ibinabahaging larawan nila sa kani-kanilang mga social media platforms, mahihinuhang hindi naman nagkaroon ng lamat ang relasyon ng dalawa.


Kamakailan lamang ay ibinida mismo ni Philmar Alipayo na ang nag-iisang babae sa kanyang buhay ay walang iba kundi si Andi Eigenmann.


Bukod pa rito, ibinida rn kasamakailan ni Andi Eigenmann ang kanyang engagement ring na ibinigay ni Philmar Alipayo pahiwatig na bagama't na inurong na muna nila ang kanilang pagkakasal ay maayos na maayos pa rin ang kanilang relasyon.


Matatandaan na unang naging laman ng mga usap-usapan ang paghihiwalay nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo ng ianunsyo nila na hindi na muna nila itutuloy ang kanilang kasal.


Nadagdagan pa ito ng magbakasyon sina Andi Eigenmann sa Japan nang hindi kasama si Philmar Alipayo.


 


Ruffa Gutierrez, Binuking Ng Mga Anak Sa Relasyon Kay Herbert Bautista

Walang komento


Umamin na  ang aktres na si Ruffa Gutierrez na totoo ang matagal nang napapabalita na mayroon silang romantic relationship ni Herbert Bautista.


Matatandaan na matagal nang nauugnay sina Herbert Bautista at Ruffa Gutierrez sa isa’t isa subalit hindi nila ito opisyal na inamin sa publiko kung ano ang totoong estado ng kanilang relasyon.


Sa katunayan, naabalita rin noon na, diumano'y, nagbubuntis na si Ruffa Gutierrez sa anak nila ni Herbert Bautista. Subalit, mariin itong pinabulaanan ng aktres at sinabing fake news lamang ang lahat.


Sa kamakailang episode ng YouTube vlog ni Karen Davila na ipinalabas nitong Huwebes, June 20, 2024, tuluyang inamin ni Ruffa Gutierrez ang relasyon nila ni Herbert Bautista nang ibuking ng dalawa niyang anak sa dating asawa na si Yilmaz Bektas na sina Venice at Lorin ang tungkol sa lalaking nagpapasaya ngayon sa kanilang ina.


Nagsimula ang pambubuking kay Ruffa Gutierrez nang tanungin ni Karen Davila ang mga anak nitong sina Lorin  at Venice kung handa at kung pumapayag ba silang ikasal muli ang kanilang ina.


Matatandaan na matagal nang nagtapos  ang relasyon nina Ruffa Gutierrez at ng Turkish father ng dalawa niyang anak at annulled na rin ang kasal ng mga ito.


Pahayag ni Lorin, "I don't want anything specific for her. I want her to be happy and whatever that looks like for her, if it's being alone with eighty cats, and that's fine. And if it's getting married, if it's having a long-term partner, whatever that looks like for her, I just want her to be happy. So I never really thought too much about. Me and my sister don't get too overly involved."


Kaagad naman itong sinang-ayunan ni Venice at inilahad niyang nagtitiwala naman siya sa kakayahan ng kanyang ina sa pagpili ng lalaking makakasama nito.


"I'm sure, me and Lorin probably make side comments at the start, but my mom always, usually, most of the time, has good judgment on picking who's right for her and who's wrong. Her current partner now, he's lovely, he's a nice guy, he suits her really well, and she is ecstatic about him. So, of course, I'm very happy for her. And again, if she's happy, I'm happy," pahayag naman ni Venice.


Dahil sa rebelasyon na ito ng mga anak ni Ruffa Gutierrez, wala nang nagawa ang aktres at isiniwalat na ang totoong relasyon nila ni Herbert Bautista. Hindi umano niya maamin noon ang kanilang relasyon dahil na rin nais niyang maging pribado na lamang ang lahat.




Angelica Panganiban, May Matapang Na Reaksyon Sa Kasalang Carlo at Charlie Aquino

Walang komento


 Sa gitna ng mainit na usapin patungkol sa pagpapakasal nina Carlo Aquino at Charlie Dizon, binalikan ng mga netizens ang naging pahayag noon ni Angelica Panganiban patungkol sa kanyang dating karelasyon na si Carlo Aquino.


Hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin sa ilang mga social media platforms ang naganap na kasalan sa pagitan nina Carlo Aquino at Charlie Dizon. Bagama't hindi na lihim ang pagkakaroon ng relasyon nina Carlo Aquino at Charlie Dizon, ikinagulat pa rin ito ng marami dahil naging biglaan naman ang kanilang pagpapakasal.


Bukod pa rito, ilang beses na ring nagkakaroon ng relasyon sa ibang mga kababaihan si Carlo Aquino kaya inaasahan na ng marami na hindi ito marrying type.


Dahil sa pagpapakasal ni Carlo Aquino nadamay ang mga naging ex-girlfriends ng aktor na tumagal ng ilang taon subalit hindi pa rin pinakasalan. Hindi katulad sa pagkakataong ito na matapos ang ilang buwan na relasyon nila ni Charlie Dizon ay kaagad na itong pinakasalan ni Carlo Aquino.


Binalikan ng ilang mga netizens ang naging pahayag noon ni Angelica Panganiban, isa sa mga dating nakarelasyon ni Carlo Aquino, nang maghiwalay sila ng aktor. 


Ayon kay Angelica Panganiban, na may isang pagkakataon na niloko siya ng aktor at hindi ito naging faithful sa kanya. Inamin pa noon ni Angelica Panganiban na hindi pa niya napapatawad si Carlo Aquino subalit alam umano niyang balang araw ay mapapatawad rin niya ang aktor.


Hiniling rin ni Angelica Panganiban na sana ay makilala ni Carlo Aquino ang babaeng kanyang pakakasalan at sana ay hindi niya ito lolokuhin.


Sa ngayon ay napatawad na rin naman ni Angelica Panganiban si Carlo Aquino at talagang masaya siyang nakilala na ng aktor ang babaeng hiniling niya noon na magpapasaya at pakakasalan ng aktor.




Ivana Alawi Babu Na, Coco Martin May Bagong Pag Ibig Sa Batang Quiapo

Walang komento


 Kumakalat ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang balitang mamaalam na ang sexy-actress na si Ivana Alawi sa hit teleserye na Ang Batang Quaipo na pinangungunahan ni Coco Martin.


Kumakalat ngayon sa ilang mga social media platforms ang ilang mga screenshot na kuha sa isang eksena sa Ang Batang Quiapo kung saan makikita ang interaction nina Coco Martin at Ara Davao.


May mga nagsasabing malakas rin ang chemistry nilang dalawa kaya naman hindi na umano malabo na magiging love interest din ito ni Coco Martin sa nasabing teleserye.


Ayon naman kay Ara Davao na ito ang unang interaction nila ni Coco Martin sa nasabing teleserye kaya naman hindi na siya nagbbigay pa ng kung anong pahayag dahil ayaw niyang makapagbigay ng spoiler sa teleserye.


Samantala, naitanong rin kay Ara Davao kung magkakaroon ba ng love angle ang kanilang karakter ni Coco Martin sa Ang Batang Quiapo. Agad naman niya itong sinagot na hindi niya alam sa ngayon kung ano ang kahihinatnan ng kanyang papel sa Ang Batang Quiapo.


Ipinahayag pa ni Ara Davao na kahit hindi niya alam ang kahihinatnan ng kanyang karakter sa nasabing teleserye, masaya siya dahil sa wakas ay naka-eksena na rin niya si Coco Martin matapos ang tatlong buwan niya sa teleserye.


Malaki rin umano ang pasasalamat ni Ara Davao sa malaking big break sa kanya, sa pagkakabilang niya sa isang pinakaaabangang teleserye.


Marami naman sa mga netizens ang nakapansin na talagang magaling si Ara Davao dahil naipapakita niya ng maayos ang kanyng role sa Ang Batang Quiapo.


Samantala, may mga napapatanong kung si Ara Davao ay magiging love interest ni Coco Martin paano na si Ivana Alawi, dahil dito, marami ang nagsasabing baka mawawala na si Ivana sa teleserye at papalitan na siya ni Ara Davao.




Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo